South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 51

74.3K 4.6K 3.9K
By JFstories

I WAS NOT HERE FOR HIM.


Nandito ako para kay Vien. Para sa anak namin. Tinalikuran ko na siya para tumuloy sa bahay nila nang muli niyang hulihin ang aking braso. Gulat na napatingala ako sa kanya dahil nasa harapan ko na siya.


Ang mga mata niya na kakulay ng kalangitan sa gabi ay malamlam na nakatunghay sa akin. Wala naman siyang sinasabi kaya naguguluhan ako. Ano ba ang problema niya?!


Hihilahin ko na ulit sana ang aking braso nang bumukas ang screen door sa bahay nila. Lumabas mula roon ang mama niya. "Ano ba 'yan, Isaiah? Ang ingay-ingay mo!" May sasabihin pa ito pero napatingin sa gawi ko. "Vivi, nandito ka pala. Anong nangyari sa 'yo? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text ko?"


"Pasensiya na po kasi—"


Napatingin din ito sa aking braso na hawak-hawak ni Isaiah. Napalapit ito bigla nang makita ang mga galos at pasa sa balat ko. "Anong nangyari sa 'yo? Sino ang may gawa niyan?!" Mas galit pa pa ito at tila handa nang manapak.


Si Tita Roda sa katapat na bahay ay napalabas na rin. Nakiusyoso ito at nang makita rin ang aking braso ay nagalit na rin. "Aba'y sino ang tampalasan na nanakit sa 'yo, Vivi?!"


Nagkagulo-gulo na sila dahil pati ang papa ni Isaiah at si Tito Kiel ay nagsilabasan na rin. Si Vien ay napalabas na rin at nang makita ang mga galos ko ay nagsimula na itong umatungal.


"Mommy ku!" Nagpapasag ito. Napahiyaw si Isaiah nang kagatin bigla ng bata ang kamay niya. "Daddy ku, baket mo bugbug Mommy ku?! Bad ka!"


"Hindi ako!" Impit na kandamura si Isaiah dahil kinagat ulit siya ni Vien. Kundi pa ito nadakma ni Tito Kiel palayo ay uulit pa ulit.


"Hindi si daddy mo ang may gawa nito, baby," nagpa-panic na paliwanag ko dahil pulang-pula na si Vien. Talagang galit ito. Pero dahil sa sinabi ko ay napakalma na ulit ito.


"Ay, hinde pow ba?" Umamo na ulit ang mukha ng bata parang mabait na tuta. "Daddy ku, sowrry!"


Ang mama ni Isaiah ay bubulong-bulong sa gilid ko, "O ano, Isaiah? Kung sakali, alam mo na kung kanino sasama ang tiyanak niyo!"


Madilim pa rin ang mukha ni Isaiah pero hindi naman nito pinagalitan si Vien.


Sa bahay nila ay pinanood muna ng papa ni Isaiah si Vien ng TV, at pagkuwan ay saka nila ako kinausap. They asked me why I was gone for two days. They were worried, so I told them the reason. That I got sick.


"Naku, wala man lang kami kaalam-alam na nagkasakit ka. Akala namin ay OT ka lang sa trabaho mo." Napaling ang mama ni Isaiah. "Sino ang umasikaso sa 'yo? Ayos ka na ba?"


Si Isaiah pala ay kanina lang ding madaling araw dumating. Nag-aalala na kasi ang mama niya kung bakit hindi ako nakakapunta at bakit hindi rin ako sumasagot sa mga chat at tawag. Kaya tinawagan na siya nito para alamin kung ano ang nangyayari sa akin.


Napayuko ako dahil naistorbo pa ang trabaho ni Isaiah. Napauwi pa tuloy siya nang wala sa oras dahil sa akin. Kung hindi pa ako dumating ngayon ay baka pumunta na siya sa bahay.


"Okay na po ako," nahihiyang sagot ko sa mama ni Isaiah. "Nataon din po na leave ang kapitbahay ko na kinakapatid ko rin, si Eli po. Sila ng mama niya ang nag-alaga sa akin."


Nang mag-angat ulit ako ng paningin ay sa ibang direksyon na nakatingin si Isaiah.


Tumikhim naman ang papa niya. "E anak, ang mga galos at pasa mo, saan mo nakuha?"


Hindi na ako nagsinungaling. Ayaw ko rin silang mag-alala at mag-isip pa nang mag-isip kaya sinabi ko na ang totoo. Sinabi ko na pinagkamalan akong other woman ng isa sa mga katrabaho ko. Pero sinabi ko rin na okay na at wala nang gulo para hindi na sila mag-alala pa.


Ang kaso, galit na galit ang mama ni Isaiah. "Aba'y ang kapal ng mukha ng kung sino mang tolongges na iyan, ah!" 


Ang tagal pa na kumalma ng mama ni Isaiah. Pati si Tita Roda na nakailang balik dito para makiusyoso ay galit din. Parang gusto nang sumugod ng maghipag sa Epza kung hindi lang sila piniglan ng kani-kanilang mga asawa.


Sa lahat ng iyon ay tahimik lang si Isaiah. Nakayuko siya sa cellphone niya habang seryoso ang kanyang mukha. Walang makapagsasabi kung ano nasa isip niya.


Bandang hapon nang may dumating owner sa tapat ng gate ng compound. Ang kaibigan niya na bagong baba sa barko, si Asher. He was wearing jeans and a gray shirt. He was wearing specs this time and that made him looked so sexy.


Sinalubong agad ito ni Vien. "Idol!"


Kinarga naman agad ni Asher ang bata. Ang seryosong mukha ni Asher ay umamo. Nawala ang angas nito at mas lalo yata itong gumuwapo. Bumalik ang pilyong kislap sa mga mata. "Kumusta ang apprentice ko?"


Nag-fist bump ang mga ito. Nakakaaliw tingnan, close na close si Vien sa mga kaibigan ng daddy nito.


Nang bumaba sa hagdan ang mama ni Isaiah ay nagmano rito si Asher. "O Asher, andito ka pala. Kumusta ka na? Ang guwapo mo na lalo, ah? Balita ko wala ka pa ring girlfriend."


Magalang na ngumiti si Asher. "Wala nga, Ma. Ipon po muna."


Bago umalis ang ginang ay may pahabol pa ito, "Ay, Asher. Nakita ko pala last week iyong ex mo na taga Sunterra. Si Laila. Ay, ang ganda na ngayon."


"Matagal naman nang maganda iyon," bubulong-bulong si Asher.


Nagpaalam si Isaiah na aalis na. Sabado bukas kaya siguro hindi siya sa Manila pupunta. Baka kina Asher siya o sa Kiss Bar sila. Naka-tshirt lang siya, sweat pants, at sa ulo ay ng sombrelo na kulay itim. Nag-suot din siya ng face mask na itim din.


Mga 6:00 p.m. ay nagpaalam na rin ako. Kahit kagagaling ko lang ay kailangan ko nang magtrabaho. Kailangan ko ng pera para sa mga gastusin. Lalo pa at nag-iipon ako dahil parating na ang birthday ni Vien.



SA TRABAHO. Sa locker room na ako nakapagbukas ng phone. Naki-charge ako sa isang katrabaho. May mga chat pala sa akin si Johny. Isa ay aksidenteng nabasa ko pa.


Johny Boy:

Hi. Viviane. May 'e' pala sa pangalan mo. Hehe. Sory naman ngayon koh lang kze nalaman. Anyweiz,, sory poh pala sa nagawa ng ex koh. Kung okay lang poh sana punta taü Batangas sa off. Kaen lang poh tas joyride. Treat koh...?


Pakiramdam ko'y nagkirutan lahat ng aking ugat sa ulo. Deretso blocked ko ang account nito.


Inilalagay ko ang phone ko sa locker nang lumapit sa akin si Doralyn. "Vi, tingnan mo ito!"


Itinaas niya ang phone niya. Tumiim ang mga labi ko nang makita sa sa screen ang maiksing video kung saan sinasabunutan ako ng live in partner ni Johny noong nakaraan.


Saglit lang ang video at malabo pa ang kuha. Pero kung kilala mo ako, malalaman mo agad na ako iyong babaeng sinasabunutan. Naka-friends only ang video, off comments, at low quality kaya walang gaanong reactions. 200 views lang. Pero dapat bang ikasaya ko iyon?


"Oops!" Tatawa-tawang inilayo na ni Doralyn ang phone niya sa akin. "'Wag ka munang magalit! Hindi ako ang nag-post niyan, ano! Nag-share lang ako!"


Ibinalik ko ang aking paningin sa locker. Ayaw ko siyang pansinin.


Hindi naman ako tinantanan ni Doralyn. "Wala namang gaanong nakanood ng video pero ang tanong, hindi ba napanood ng tatay ng anak mo?"


Doon nahinto ang kamay ko sa paglalagay ng aking bag sa locker dahil sa sinabi niya.


"Friends kami sa social media ni Isaiah Gideon. Hindi siya active, wala siyang photos, at posts, pero bigla siyang nag-online kaninang hapon."


Parang may malamig na gumapang sa aking sistema, pero pilit kong inignora.


Nang umalis na si Doralyn ay saka ako nilapitan ng ibang mga katrabaho namin. Wala iyong inaasahan ko na mga manghuhusga at magpaparinig sa akin. Ang mga katrabaho ko ay tinatanong lang ako kung bakit ako absent.


Hindi rin daw sila naniniwala na kabit ako ni Johny. Pinaliwanagan din daw nila ang live in partner ni Johny, kaya lang ay sarado raw ang isip ng babae. Naiintindihan ko naman, siguro marami itong problema at nadagdagan pa ng selos.


"Vi, 'wag kang mag-alala, wala ngayon si Johny," sabi ng isa na kahilera ko sa linya sa production. "Mukhang ilang araw siya na hindi makakapasok dahil nasa ospital siya."


Sumabat ang isa ko pang katabi, "Kapitbahay ko si Johny sa Bacao. Papasok na raw kaninang 7:00 p.m. nang sagiin siya ng dumaang owner. Hit and run."


Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan.


"Vi, karma na siguro kay Johny iyon. Bukod sa madilim doon sa kalsadang pinangyarihan ay wala pang CCTV, at wala rin daw plaka iyong owner na dumale sa kanya. Pero pasalamat na lang siya na di siya tinuluyan. Pinilay lang siya saka binangasan!"


Marami pa silang sinabi na hindi ko na halos naintindihan. Ang tumimo sa isip ko ay ang aksidente ni Johny. Kahit pa naiinis ako rito ay hindi ko naman hinangad na maaksidente ito. Lalo na ang maging biktima ng hit and run.


Bago magsimula ang trabaho ay ipinatawag ako ng 40-year-old naming line leader na si Madam Marvy. Pinagalitan ako dahil sa dalawang gabing absent ko.


"Viviane, dapat ay disciplinary action lang ang ipapataw sa 'yo dahil sa eskandalo, pero nadagdagan ang kaso mo dahil bukod sa absences ay nakausap ng manager kahapon si Johny. Inamin nito na totoong may relasyon daw kayo."


Napahumindig ako sa galit at gulat. "Ho? Hindi po iyan totoo!"


"Totoo man o hindi, pasensyahan na lang, Viviane," sabi sa akin ni Mrs. Marvy. "Buo na ang desisyon ng higher ups. Kasama ka na sa ili-lay off na workers. Kunin mo na lang sa katapusan ang huling sahod mo." 


Naiiyak na napayuko ako. Ang sama ng loob ko dahil hindi ako puwedeng mawalan ngayon ng trabaho. Hindi pa ako nakakabuwelo, wala pa akong ipon, at saka magbi-birthday na ang anak ko. 


Ang aking awa kay Johny dahil sa pagkaka-hit and run nito ay gusto kong pagsisihan. Bakit ako ang magdudusa dahil sa hindi ko naman kamalian? Wala naman akong kasalanan!


Pinuntahan ako ng mga katrabaho ko para damayan. Awang-awa sila sa akin pero wala rin silang magagawa. Pinagalitan pa sila ng line leader dahil nagkakagulo sa production.


Si Doralyn ay lumapit din sa akin. "Vi, may opening ng call center sa Bacoor. Di ba galing kang Australia? Siguro naman sa tagal mo roon ay natuto kang mag-English. Bakit ayaw mong i-try sa call center?"


Blangko ang mga mata ko nang tingnan siya.


"Ay, oo nga pala. Hindi porke't magaling mag-English ay puwede na sa call center. Dapat doon madiskarte rin, magaling makipag-usap, at mabilis ang utak. Di ka nga puwede roon."


Nang gabing iyon ay bagsak ang balikat na umalis ako sa pabrika. Hindi ko alam kung uuwi ba ako o ano. Ang bigat ng loob ko. Para akong biglang bumalik sa zero.


Hindi ko yata kayang mag-isa sa magdamag. Tiningnan ko ang oras at nakita kong maaga pa. Wala pang 9:00 p.m. Ang unang pumasok sa aking isip ay gusto kong makita si Vien. Gusto kong makita at mayakap ang anak ko.


Wala ang daddy ng bata ngayon. Umalis ito kaninang hapon. Namalayan ko na lang na pagdaan ng jeep sa PK2 ay pumapara na ako. Sakto akong 9:30 p.m. nakarating.


Mabibilis ang mga hakbang ko papunta sa compound ng mga del Valle. Si Tita Roda ang nagbukas sa akin. Wala ang motor sa garahe pagpasok ko. Dere-deretso ako sa pinto ng bahay na nasa dulo.


"O Vivi, akala ko papasok ka?" gulat na tanong ng mama ni Isaiah sa akin. Natigilan ito nang makita ang itsura ko, magulo ang buhok, namumutla, at mukhang pagod.


Sinikap ko ang ngumiti rito. "P-puwede po ba akong dito ngayon matulog?"


Nagtataka man ay agad na tumango ito. "Syempre naman, Vivi. Kahit kailan."


Umakyat na agad ako sa itaas dahil nasa kuwarto na raw si Vien. Marahan kong binuksan ang pinto at natagpuan sa kama ang natutulog na bata. Nang masilayan ko ang payapa nitong mukha ay para bang lahat ng bigat ng loob ko ay nawala.


Marahang tumabi ako kay Vien. Ang munting kamay ng bata ay aking dinala sa mga labi ko. Nang pumikit ako ay saglit lang nang tuluyang pumayapa ang aking kalooban. Nakatulog agad ako nang mahimbing sa tabi ni Vien.


Ang plano ko ay aalis din ako nang maaga kinabukasan. Na aagahan ko ang gising. Pero hindi nangyari ang mga plano ko. Kakatwa na sa kabila ng pagkatanggal ko sa trabaho ay naging masarap ang aking tulog. Ni hindi ko na namalayan kung anong oras na.


Nauulinigan ko lang na may nag-uusap nang mahina sa malapit sa akin. Baritonong boses ng isang lalaki na sinasadyang hinaan habang sinasaway niya ang may maliit at maligalig na boses. Sinasaway na 'wag maingay dahil baka magising ako.


Hindi matapos ang mahinang pagbabangayan ng mga ito. Iyong isa nagsasaway at parang pikon na, iyong isa naman ay ang kulit pa rin. Sa kabila niyon ay hindi nakakainis, kundi ang sarap nilang pakinggan. Parang musika sa aking tainga, kaya tuloy mas naging mahimbing pa lalo ang naging tulog ko.



TANGHALI NA. Pagmulat ng aking mga mata ay mainit na ang sikat na lumalagos sa salamin ng sliding window. Pabalikwas akong napabangon. Tinanghali na ako at wala na sa tabi ko si Vien.


Ano ba iyan, bakit hindi ako agad nagising?! Ang sabi ko ay gigising ako nang maaga. Nag-alarm pa nga ako. Sabado pa man din ngayon, dapat kanina pa ako nakaalis!


Speaking of alarm, hinagilap ko ang phone ko. Nasa may bedside table pa rin iyon pero patay na ang alarm. Sobrang sarap ba ng tulog ko kaya hindi ko narinig iyon kanina?


Urong-sulong ako sa pagbaba ng hagdan.


Nasa kusina sina Vien at... nandoon na rin si Isaiah. Naka-jeans pa siya, pero walang pang-itaas. Nakayuko siya ngayon kay Vien dahil sinusuutan niya ang bata ng brief. Kaliligo lang kasi nito. May yakap pang tuwalya.


"Ang laki mo na, baliktad ka pa rin mag-brief!" sita niya sa bata. "Ilang beses ka nang tinuruan, ah?!"


Napalabi naman si Vien. "Sowry na pow, Daddy ku! E dehins pa naman ako big boy, e. Syempre, magkakamali pa rin kapag bata, di ba?!"


"Dami mong dahilan, isako kita, e!" Natigil siya sa pagsasalita nang mapatingin siya sa akin sa hagdan.


Nagtama ang mga mata namin. Ako ang unang nagbaba ng tingin.


Nang makita ako ni Vien ay napairit ito, "Gising na si Mommy ku!"


Hinablot nito ang mga damit nito kay Isaiah at nanakbo sa akin. Sa akin na ito nagpadamit. Nakangiti naman ako nang damitan ang bata. Sa peripheral vision ko na lang nakikita si Isaiah na nakatingin sa amin.


Inaalok ako ni Vien na kumain. Wala ang lolo at lola nito, pumunta raw ulit sa Tanza. May tirang ulam sa mesa, para sa akin daw iyon.


Kumakalam na ang aking tiyan sa gutom pero nakangiting tumanggi ako. "Hindi na, baby. Sa bahay na lang si Mommy kakain." May mga noodles na stocks pa ako sa bahay, madali ko lang iyon maluluto mamaya.


Nalungkot naman ang mukha ni Vien. "Awts, sarap pa naman ulam! Bile ni Daddy ku sa restoran!"


Naalis ang aking pagkakangiti. Hinimas ko ang buhok ng bata. Gusto ko pa itong makasama pero kailangan ko nang umuwi.


Nasa pinto na ako nang maramdaman ang pagsunod ni Isaiah sa akin. "Uuwi ka na?"


Tumango lang ako.


"Isama mo si Vien."


"Ha?" Doon lumipad ang tingin ko sa kanya.


"Nami-miss ka na ng bata, puwede mo siyang isama."


Napakurap ako. Tama ba ang naririnig ko? Ipapasama niya talaga sa akin ang anak namin?


Ibinato niya ang paningin sa ibang direksyon. "Wala sina Mama. May tatapusin din akong trabaho kaya walang magbabantay sa kanya. Isama mo na muna. Kahit bukas mo na ibalik."


Ilang beses pa akong napakurap. Baka kasi panaginip lang itong naririnig ko, o baka nabibingi lang ako. Nang matiyak na totoo nga ay ang mga mata ko ay parang biglang gustong maluha.


Masayang-masaya naman si Vien sa narinig. "Yey, sa bahay ni Mommy ku aku matutulog!" Napatakbo agad ito sa hagdan, at pagbalik ay may bitbit ng bag. Baon daw nito sa pag-sleep over.


Nakasunod lang naman ako ng tingin nang kunin ni Isaiah ang bag ni Vien. "Ano ito? Lintek, nag-impake ka nga, puro laruan naman!"


Mga laruan nga. Kotse-kotsehan, maliiit na robot, at puzzle ang laman ng Doraemon nitong bag. Umakyat si Isaiah sa itaas at pagbalik niya ay pinalitan niya na ang damit ni Vien sa bag. Hindi siya nakatingin sa akin nang iabot niya iyon sa akin.


"S-salamat..." mahinang sabi ko.


"NP." Pagkatapos ay tumalikod na siya at bumalik sa kusina.


May maliit na ngiti sa mga labi ko nang umalis na kami ni Vien. Nagpa special kami sa tricycle. Nakipag-unahan ang bata sa akin sa pagbabayad ng pamasahe. Marami itong tag-iisang daang buo sa bag nito. Binigyan daw ito ng daddy nito ng pocket money.


Pagdating sa bahay ay pinasara ni Vien ang mga pinto at bintana. Naglalambing ito na sa kuwarto na lang daw kami sa itaas mag-bonding mag-mommy. Para din daw makapagpahinga ako.


Sumang-ayon naman agad ako na sa itaas kami. Kinuha ng bata ang phone ko at sa aking pagtataka ay ini-off nito. Ayos lang naman dahil nakaidlip ako habang kayakap ko ito.


Nagising ako around 6:00 p.m. na. Hindi rin ako ginising ni Vien. Napasarap ako ng tulog dahil nagbabawi ang katawan ko. Ang sarap din dahil malamig gawa ng umuulan. May bagyo yata ngayon.


Nakita ko ito na nasa pinto at may hawak na bagong tablet si Vien. Nakasuot ng headset at may kausap habang ngingisi-ngisi ang bungi. Pabulong ang boses pero malakas. Nang makita na gising na ako ay saka nito ibinaba ang tablet na hawak.


"Low, Mommy ku! Sarap ba tulog mu? Wala pow dumating! Wala pow hanap sayu!" sabi nito kahit hindi ko naman itinatanong.


Tiningnan ko ang tablet ni Vien. iPad mini na bili raw ng daddy nito. Hindi pa ito nakakabasa pero kabisado na nito ang gadget. iPad na may sim.


Sa hapunan ay namomroblema pa ako ng iluluto nang sabihin ni Vien na um-order daw ito. Marunong itong tumingin ng mga pictures dahil kabisado nito ang site ng Jollibee sa online. Hindi na ako nakapagluto dahil may pagkain na kaming parating.


Pagdating ng deliver ay nanguna si Vien. "Mommy ku, chill ka lang dito!" bilin nito sa akin saka nanakbo palabas ng pinto.


Pumasok sa loob ang rider dahil bukas ang gate. Ang bata ang nag-abot ng bayad. Nakakamangha dahil marunong itong magbilang. Alam nito kung magkano ang P500 bill.


Habang nagliligpit ako ng pinagkainan pagkatapos kumain ay may tumawag dito. Hindi ko sigurado kung lola nito o ang daddy nito. Ngingisi-ngisi lang ito habang mahinang nakikipag-usap. Talagang lumalayo pa dahil privacy raw. Napapailing na lang ako.


Pagsapit ng 9:00 p.m. ay kinuha ko na rito ang tablet nito. "Vien, bukas na ang gadget, ha?" malambing na sabi ko rito. "Oras na para matulog ang mga bata..."


"Opow." Pagkasabi'y pumikit agad ito.


Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin dito. Matutulog na agad ito? Ni hindi muna magpapakanta o kaya magpapakuwento ng story?


Siguro sa tagal nitong nakapikit at walang kakilos-kilos sa kama ay natuluyan na nga itong nakatulog. Mayamaya lang ay nakanganga na habang naghihilik. Nakangiti na inayos ko ito sa pagkakahiga.


Bumaba ako para i-double check kung naka-lock ba ang pinto sa kusina. Nag-check din ako ng tangke sa kalan at mga saksakan. Paakyat na ulit ako sa itaas nang biglang may kumatok sa pinto sa sala.


Sira nga pala ang doorbell sa gate, kaya siguro pumasok na lang ang kung sino mang kumakatok ngayon. Saka kahit may tumawag doon ay hindi ko rin maririnig dahil lumakas na naman ang buhos ng ulan. Pero sino kaya ang kumakatok?


Quarter to 10:00 p.m. na sa wall clock sa kusina. Wala akong inaasahang bisita. Tinungo ko ang sala. Bago buksan ang pinto ay naniguro muna ako sa bintana, para lang magulat nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa labas.


Shirt na puti, sweat pants na itim, at sombrelong itim. Kahit sa side view ay nakilala ko na agad ito. Anong ginagawa niya? Gabi na at umuulan pa, kaya bakit nasa labas ng bahay namin si Isaiah?!


Pinagbuksan ko siya ng pinto. Nakasilong siya sa bubong namin sa harapan. Pagtingala ko sa kanya ay nasalo ko agad ang titig ng mapupungay niyang mga mata sa dilim.


"Hi. Nakaistorbo ba ako?" mahina, patag, pero swabe ang boses niya na aking narinig. Hinubad niya ang suot na sombrelo, hindi naman siya gaanong nabasa dahil siguro ay bago lumakas ang ulan ay nanakbo na siya papasok sa gate namin.


Binuksan ko nang malaki ang pinto dahil nababasa siya ng dapyo ng ulan na ngayon ay nagbago na ang direksyon. Pumasok naman siya. Iniwan niya ang slides na suot sa labas.


"B-bakit ka nandito?" tanong ko nang maapuhap ko ang aking boses na tila ba sandaling nawala.


"Na-miss ko anak ko."


Ha? Dahil doon kaya siya nagpunta? Pero di ba sabi niya ay okay lang kahit bukas ko na ibalik si Vien sa kanila?


"Tulog na sa kuwarto si Vien," sabi ko dahil umiikot ang paningin niya sa paligid. Hinahanap ang bata kahit pa obvious na wala ito rito sa ibaba.


"Okay," sabi niya saka namulsa sa suot na sweat pants at tumingin sa akin. "Umalis ba kayo kanina?"


Umiling ako. "Nandito lang kami."


Tumango-tango siya.


"Gabi na, Isaiah. Tulog na si Vien. Bukas mo na lang siya balikan. O kaya ako na ang maghahatid sa kanya sa inyo. Aagahan ko na lang—"


"Umuulan, paaalisin mo na ako?" putol niya sa sinasabi ko.


Napakurap naman ako. "May payong ako na extra dito."


Tinaasan niya ako ng kilay. "Malakas ang ulan at hangin, paano kung may lumilipad na yero? Mapoproteksyunan ba ako roon ng payong mo?"


"K-kung ganoon hindi ka pa uuwi?" Nagsalubong na rin ang mga kilay ko. "Isaiah, matutulog na rin ako. Saan ka kung hindi ka pa uuwi sa inyo—"


"'Wag mo nang pagurin ang sarili mo sa pag-iisip, puwede na ako kahit dito." At bago pa ako muling makapagsalita ay pasalampak na nahiga na siya sa sofa, at nagtakip ng sombrelo sa mukha.


Tigagal na lang ako sa kanya habang nakahiga siya sa sofa. And knowing Isaiah Gideon del Valle, kapag nakapagdesisyon na siya sa isang bagay, hindi na iyon mababali pa. Kahit pa nga gumunaw ang mundo ngayon mismo!


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...
14.9M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...