Stay With Me

Od threefifteen

118K 2.2K 411

A Mika Reyes and Kiefer Ravena Fan Fiction Více

Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXV
~~~
XXVI

XXIV

2.2K 78 37
Od threefifteen

"Pauwi na pre. Thanks for saving me kanina man. Itapon mo na yang papel na yan. Ano pang gagawin ko diyan e kanina pa naka save sa contacts ko yan."


~KIEFER


Dali dali akong bumangon sa kama nang tamaan ang mga mata ko ng sinag ng araw. Umaga na pala. Nakabukas na din ang kurtinang kulay puti sa apple green na kwartong madalas ko nang tulugan ngayon.

Napatingin ako sa orasan sa bedside table at napabalikwas dahil mag aalas siyete na pala ng umaga.

Nakita ko pang nakapatong din ang charm bracelet na bigay ko sa bedside table katabi ng orasan na katutunog lang ngayon, hudyat na kailangan ko nang magmadali.

Hawak hawak ko ang kumot na sing puti ng kurtina at pinangtakip ito sa maselan kong bahagi.

Binaybay ko ang sahig at unti unting pinulot ang aking mga saplot.

I really had a crazy night. Craziest night ng ilang libong gabi nang pagtulog ko dito.

Akmang pupulutin ko na ang boxer shorts ko nang may yumakap sa aking likuran.

"Babe, aalis ka na ba talaga?" humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang baba bago ako nagsalita.

"You know that I still have practice diba? Don't worry, magkikita naman tayo ulit mamayang gabi babe e."

"Sige na nga. By the way your phone kept on beeping kanina pa so I checked it."

"Nagtetext na ba si Thirdy? Or si mama?"

"None of the above" habang malakas pa itong tumatawa "yung desperada mong girlfriend na si Mika. Happy 7th monthsary daw."


~MIKA


Kiefer and I are celebrating our 7th monthsary together. Kahit na hindi na kami gaanong nagkikita lately, masasabi ko naman na nageeffort pa din siya.

Sa lumipas na ilang monthsary namin, kung hindi man kami makapag date, sinisigurado naman niyang napapadalahan niya ako ng bulaklak at chocolates. Sweet pa din naman ang baby ko.

Naiintindihan ko din naman na kailangan niya ng puspusang ensayo at kailangan niya ding tutukan ang pag-aaral niya. Aba, baka hindi siya makapag laro sa padating na season kung may sabit ang grades niya, and besides, I really trust my boyfriend. Walang makakapagpa dalawang isip sa akin na ako lang ang babae sa buhay niya at na very loyal siya sa akin.

Kanina ko pa siya tinetext at ginigising. Binati ko na din siya ng Happy 7th Monthsary.

Naghihintay na lang ako ng sagot niya dahil gusto ko din tanungin kung tuloy ba ang dinner date namin mamaya.

I am always willing to let a date go kung madami siyang kailangang tapusin na school work or kung may biglaan bang training ang team nila. Nito kasi mga nakaraang buwan ay parating nagpapatawag ng emergency training or meeting ang kanilang coach. Kailangan daw kasi nilang paghandaan ang season at dahil captain ang boyfriend ko at last year na niya, naiintindihan kong gigil na gigil si Kiefer na mag champion sila ngayon.

I told myself na baka nasa training na si Kiefer kaya hindi pa sumasagot sa text ko. Ayaw ko naman siyang tawagan dahil ayaw kong mabansagan na clingy girlfriend.

Pinagbreak lang kami sandali ni coach sa training kaya may oras ako para mag check ng telepono.

Sumigaw pa si coach na 5 more minutes at balik training na daw ulit. Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa isang upuan nang makita ko ang notification na nagreply na si Kiefer sa message ko sa kanya.

From: Babe

Hi babe! Happy 7th Monthsary! Sorry late reply, nasa training kasi e. I'll pick you up at 6 ha? Para hindi din tayo mastuck sa traffic papunta sa dinner date natin! Can't wait to see you! I love you babe!

Napangiti naman ako sa reply sa akin ni Kiefer. Buti na lang at nataon din na wala kaming afternoon training ngayon kaya nakapag set kame ng dinner ng boyfriend ko.

I replied to him na excited na din akong makita siya at miss na miss ko na siya.

--

Maaga akong naghanda para sa dinner namin ni Kiefer. Matagal tagal na din kasi kaming hindi lumalabas. Pinili kong suotin ang isang mahabang dress na kulay asul para ma impress siya sa akin. Sinabi na kasi niya before na ayaw na niya akong makikitang nagsusuot ng trademark kong little black dress. The submissive and obedient girlfriend in me emerged kaya sinunod ko na ang hiling niya na wag nang magsuot ng maiikling damit.

Naging tampulan pa nga ako ng tukso ng mga teammates ko na nagpaka manang na daw ako simula ng naging kami Kiefer to which I will always answer that this is the least I can do since Kiefer is nothing but a good boyfriend.

Since Keifer has always been punctual, I made sure na naka handa na ako 15 minutes before 6. Gusto ko din kasi na hindi na siya maghintay. I don't believe in being fashionably late and besides, sobrang excited na din kasi akong magkita kami.

Nang marinig ko ang sasakyan niya, nagmamadali akong sumigaw para mag paalam kay mama at parang bata na tumakbo palabas.

Saktong pababa palang si Kiefer ng sasakyan niya at marahang inilalabas ang isang bouqet ng red roses.

Agad naman akong lumapit at humalik sa kanyang pisngi at nakangiti kong tinanggap ang bulaklak na inaabot niya sa akin.

"Happy monthsary babe! I missed you so much." Yumakap pa sa akin si Kiefer pagkakuha ko ng boquet sa kanya. Ngumiti lang ako at sandaling nagpaalam para maipasok ko ang bulaklak na kanyang bitbit.

--

Kanina pang hawak ng hawak si Kiefer sa kanyang sikmura habang nagbyabyahe kami papunta sa restaurant kung saan siya nagpa reserve ng dinner. Hindi ko na sana papansinin pero mukhang meron siyang iniinda.

"Babe, are you okay? Masakit ba ang tiyan mo?"

Matiim siyang tumingin sa akin at ngumiti. "I'm okay babe. Medyo humapdi lang ang sikmura ko pero okay lang ako."

Hinawakan ko ang kanang kamay niya gamit ang aking kaliwa at hinimas himas iyon. "Kung masama ang pakiramdam mo, okay lang naman na mag cancel tayo. Gusto mo deretso na lang tayo sa bahay mo?"

"Sigurado ka bang okay lang sa'yo Miks?"

"Oo naman no. Kahit naman walang dinner basta kasama kita okay lang sa akin."

Nginitian niya ako at sinabing magpapaluto na lang daw siya kay manang para doon na kami maghapunan.

Dahil nga maaga pa ay agad naman kaming nakarating sa Cainta. Sinalubong kami agad ng kanilang mga kasama sa bahay at biniro pang ang aga daw natapos ng aming dinner date. Sinabi ko nalang na masama ng pakiramdam ni Kiefer at nakisuyo na magluto ng mainit na sabaw habang akay akay ko siya paakyat ng kaniyang kwarto.

Tinanggal ko ang sinturon na kaniyang suot para lumuwag ng kaunti ang kanyang pantalon. Iniisip ko na baka isa din ito sa mga dahilan kung bakit sumasakit ang kaniyang tiyan.

Maya maya pa ay umakyat na si Manang Mavic na hawak hawak na tray kung saan nakapatong ang isang mangkok ng mainit na sabaw at isang basong tubig.

Kinuha ko agad iyon at tinulungan ko si Kiefer na makaupo ng kama. Sinubuan ko naman siya ng sabaw pagkatapos kong hipan para naman maibsan ang kaunting init nito.

Napapa kunot pa ang noo niya sa tuwing hihigop siya ng sabaw na ikinangingiti ko. Napaka cute talaga nitong boyfriend ko.

Matapos niyang maubos ang ang isang mangkok ng sabaw ay agad siyang humingi sa akin ng dispensa.

"Babe, I am so sorry. Naging disaster ang dinner date natin." malungkot niyang tingin sa akin.

"Ano ka ba. Okay lang. Basta naman kasama kita kahit na hindi tayo magdinner sa labas ay ayos lang." habang hinaplos haplos ko pa ang kanyang mukha.

"Babe, parang hindi ko kayang magmaneho, ipapahatid nalang kita kay manong kung okay lang sa iyo." nakita ko ang pagaalala sa kaniyang mukha.

"Huwag mo na akong intindihan. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa sarili ko. Matulog ka na at huwag matigas ang ulo. Huwag ka na din magpapalipas ng gutom ha para hindi na maulit ang paghapdi ng sikmura mo." utal ko naman sa kanya.

Nang makita kong tulog na si Kiefer ay bumaba naman ako sa kanilang kusina para ilagay ang kanyang pinag kainan.

Nagdesisyon na din akong umuwi para wala nang alalahanin si Kiefer pag gising niya.

Umakyat muna akong muli sa kaniyang kwarto at hinagkan ko ang kanyang noo para magpaalam.

Pinagbilin ko din siya kay manang Mavic at sinabi kong pakibantayan hanggang sa magising dahil baka mayroon siyang kailanganin. Pinilit pa akong ipahatid ni manang sa kanilang driver pero sinabi ko na kaya ko pa namang mag taxi dahil maaga pa.

Umuwi muna ako sa bahay namin at kumuha ng gamit. Kinwento ko kay mama na hindi natuloy ang date namin dahil sumama ang pakiramdam ni Kiefer. Nalungkot naman si mama at sinabihan akong ikamusta ko nalang daw siya.

Inempake ko ang aking mga kailangan at nagpaalam na sa dorm muna ako matutulog ngayong gabi dahil maaga ang aming training bukas.

--

Nagulat ang teammates ko pagdating ko sa dorm. Bakit daw ang aga ko naman at hindi nila alam na dito ako matutulog ngayon. Sinabe ko na hindi natuloy ang date namin dahil nga sa biglaang pag sama ng pakiramdam ng aking boyfriend.

Niyaya nalang nila akong sumama sa kanila dahil mag na-night out daw sila ngayon.

Sinabi ko na dito na lang muna ako. Kailangan ko din kasing hintayin ang tawag o text ni Kiefer. Baka mamaya hindi ko siya agad masagot kapag sumama pa ako sa teammates ko na mag party.


~KIEFER

Narinig ko pang nagpaalam si Mika kay manang Mavic. Pinipilit siya nitong ipahatid kay manong but Mika told her that she is okay at kaya naman daw niyang mag commute dahil maaga pa.

Naghintay ako ng 30 minutes simula nang narinig ko ang pag alis niya bago ako bumangon at dumiretso sa cr dito sa aking kwarto.

I took a quick shower and opened my closet para pumili ng isusuot.

My girlfriend is so smitten na alam kong kahit mahuli niya ako ay hindi niya ako maiiwan.

Madaling palusutan si Mika lalo na at alam na alam kong mas maniniwala siya sa akin kesa sa kahit na sinong magsususmbong sa kanya in the event na mabisto ako.

I am quite confident na tatanggapin pa din niya ako kahit na magloko ako. Siya na mismo ang nagsabi noon.

I am pretty sure that I love my girlfriend but a little playing around won't do any harm.

I took my phone out of my pocket and quickly composed a message.


To: 2

The coast is clear. Can't wait to see you tonight babe!


--------

forgive me - author


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.3K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.6K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"