IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

889K 33.5K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 13

12.1K 504 151
By ImaginationNiAte

KABANATA 13:

Ilaria POV

         MAHIHINANG katok ang narinig ko sa labas ng pinto kaya nahinto ako sa pagsasagot sa ibinigay ng boyfriend ko slash ang aking private tutor na homework. Nilapag ko lang ang hawak kong lapis bago ako tumayo mula sa kinauupuan kong silya at agad akong lumapit sa pinto para pagbuksan ang taong kumakatok.

Gumuhit naman agad ang matamis na ngiti sa labi ko nang bumungad sa'kin si Kuya Samael na nakasuot pa ng apron at may hawak-hawak na isang tray na naglalaman ng pagkain.

Kumalam pa ang tiyan ko sa gutom nang malanghap ko ang mabangong aroma na nanggagaling sa pagkain na 'yon. Natuwa pa ako dahil may kasama na itong gatas na palaging itinitimpla ni Kuya sa akin bago ako matulog.

He smiled, "I know you're hungry. Sorry kung natagalan ang pagdala ko sa'yo ng pagkain dito sa kwarto mo. " aniya.

"Thank you, Kuya. Saktong nagugutom na ako," nakangiti ko namang sagot sabay himas sa aking tiyan.

"Pasok ka," pag-aya ko bago ko niluwagan ang pinto. Pumasok naman siya sa loob ng kwarto ko at nilapag lang niya ang tray sa coffee table na mayroon ako rito sa aking kwarto.

"Are you doing your homework?" tanong niya nang mapansin niyang nagkalat ang mga notebook, lapis at libro sa study table ko.

Tumango ako, "May iniwan na assignment si Mr. Marcello kaya sinasagutan ko na agad 'yon para hindi ko makalimutan at para na rin wala na akong iisipin bukas." sagot ko.

He sighed, "That's good. After you eat and do your homework, go to bed early, okay? Maaga ka pang gigising bukas ng umaga para i-tutor ka ni Mr. Marcello. Don't stay up late, do you understand?" pagpa-paalala niya sa'kin.

"Yes, sir!" sagot ko at nagsaludo pa ako sa kanya na naging dahilan para matawa siya ng mahina.

Napunta naman ang atensyon ko sa labas ng pinto nang biglang may napadaan. Akala ko kung sino na, pero nang huminto ito sa tapat ng kwarto ko ay si Kuya Palermo lang pala. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito sa Mansyon?

"Nandito ka lang pala. Tara na, baka malate pa tayo," turan niya kay Kuya Samael.

"Hi, Ilaria!" bati naman niya sa'kin kaya ngiti lang ang isinagot ko rito sa pinsan kong pogi.

"Teka, aalis kayong dalawa?" tanong ko at tumingin kay Kuya Samael na ngayon ay tinatanggal ang suot niyang apron.

"Kaya ako nandito ay para magpaalam na rin sayo, amore mio. May importante lang kaming pupuntahan ni Kuya Palermo mo. That's just about business. Baka late na rin akong makauwi," Ani Kuya na nagpataas naman sa isa kong kilay.

I quickly looked at the clock, it was eight in the evening. Aalis silang dalawa ng ganitong oras at baka late na siyang makauwi?

"Really? About business? Baka naman babae lang ang pupuntahan ninyong dalawa?" nakataas-kilay kong tanong dahilan para mapahalakhak si Kuya Palermo.

"Ano ka ba, Ilaria. Wala namang kahilig-hilig sa babae itong Kuya Samael mo 'no! Iisang babae lang ang nasa puso niyan," sambit ni Kuya Palermo bago siya ngumisi ng nakakaloko.

Sabagay, wala naman talagang hilig mag-girl hunting itong si Kuya Samael. He has never experienced dating women and has never been in a relationship. Unlike kay Kuya Palermo na may pagka-playboy.

But he is also not in a relationship and has never had a girlfriend. Kung flings lang, pwes marami itong pinsan ko. Gwapo rin kasi itong si Kuya Palermo kaya marami rin ang nagkakandarapa sa kanya.

Kuya Samael doesn't care if the girl is pretty or sexy. Hindi ko nga alam kung pihikan ba itong si Kuya sa babae o sadyang ayaw lang niyang makipag-date dahil masyado rin siyang busy sa kanyang trabaho. Or maybe he is waiting for someone?

Pinipilit na nga siya nina Tita Maribel at Tito Avenido na mag-girlfriend na o mag-asawa dahil nasa tamang edad na rin naman siya. Kahit kailan din ay wala pa siyang dinadalang babae rito sa bahay.

Sumagi naman bigla sa isipan ko 'yong babaeng tinutukoy ni Kuya Samael sa akin. Ang babae na first love raw niya at nagpabihag sa puso't atensyon niya. Mabuti na lang ay naalala ko 'yon!

"Oo nga pala, Kuya. Kailan mo ba sa'kin ipapakilala 'yong tinutukoy mo sa akin na babae na nagpabihag diyan sa puso mo? Baka naman kahit pangalan lang niya ay sabihin mo sa akin o 'di kaya litrato niya ay ipakita mo sa akin para naman may ideya ako kung sino ang babaeng 'yon," wika ko.

Hindi agad nakasagot si Kuya Samael. Pansin ko na nagda-dalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya sa akin ang pangalan ng babaeng first love niya. While Kuya Palermo's grin became more mischievous and meaningful.

"Don't worry, I will tell you but not now. We have to go, bago pa kami ma-late sa pupuntahan namin. At hindi babae ang pupuntahan namin, okay?" saad ni Kuya Samael kaya bumagsak ang magkabila kong balikat.

Akala ko pa naman ay malalaman ko na kung sino ang babaeng maswerteng bumihag sa puso nitong Kuya ko. Tumango na lamang ako at hindi ko na siya kinulit na sabihin sa'kin kung sino ang babaeng first love niya. Maghihintay na lang siguro ako na sabihin niya at ipakilala sa akin kung sino ang first love niya.

"Ubusin mo 'yong pagkain mo at matulog ka ng maaga. 'Wag kang magpupuyat. Don't forget to lock your door," he reminds me.

Simpleng tango lang ang isinagot ko sa kanya. Humalik lang si Kuya sa noo ko bago siya nagpaalam na aalis na. Napabusangot pa ako dahil ginulo pa ni Kuya Palermo ang buhok ko bago silang dalawa na lumabas ng kwarto ko. Sinara at nilock ko naman ang pinto bago ako dumiretso sa balkonahe para sumilip sa ibaba.

Maya-maya lang ay natanaw ko na sina Kuya Samael at Kuya Palermo sa ibaba. Mukhang napansin yata ni Kuya Samael na may nakatingin sa kanila hanggang sa nag-angat siya ng ulo at tumingin dito sa balkonahe ko.

Natawa pa ako nang mag-flying kiss pa sa'kin si Kuya Samael bago sila sumakay sa mamahalin nilang kotse. Oh ghad, he's such a cute and adorable guy.

Pati ang mga bodyguards nila na sasama sa pag-alis nila ay nagsisakayan sa rin sa mga Van. May mga naiwan pa rin naman dito sa Mansyon para magbantay at magmasid sa paligid. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako dahil mga armado ang mga tauhan ni Kuya Samael, maski ang mga kasamang bodyguards si Kuya Palermo.

May mga nakasuksok pa nga na mga baril sa tagiliran nila. May nagsisilbi rin na sniper. They are so strict, that's why no one can ever enter our Mansion. Mayroon naman kaming beacon lights dito na magbibigay warning kung sakali man na may nakapasok.

Hindi naman kasi aalis si Kuya Samael hangga't walang maiiwan na mga tauhan niya na magbabantay rito sa bahay. He wants to make sure that I am safe here in our house and that no one can break in.

Nang makaalis na sila ay saka ako bumalik sa loob ng kwarto ko at siniguro kong nakasara at nai-lock ko ang pintuan dito sa balkonahe. Hindi ko na inisip pa kung saan sila pupunta, pero si Kuya Samael na ang nagsabi na tungkol lang sa business 'yon at importante ito.

Kinain ko rin agad ang pagkain na niluto at hinanda ni Kuya sa'kin bago pa ito lumamig. May tatapusin pa ako na homework at maaga rin akong matutulog. Hay buhay, ang hirap maging estudyante. Pero kailangan kong mag-aral para sa pangarap ko. Mas mahirap naman kasi kung hindi ka mag-aaral, kaya kakayanin ko pa rin kahit na mahirap at nakaka-stress.

• • •

Third Person's POV

          "YOU still don't tell Ilaria about the truth?" Samael let out a deep and heavy sigh when he heard Palermo's question. Kakababa lang nilang dalawa sa kotse nila nang makarating sila sa kanilang destinasyon.

Ang Vercetti Club na pagmamay-ari nilang pamilyang Lazarus. They are here to meet their transaction partner. It's about the business deal, an important trade will happen tonight. They sell illegal guns in exchange for money. At madalas dito sa Club nila nagaganap ang pagpapalitan ng pera at ang binibenta nila.

Bago sila pumasok sa loob ay nagsindi na muna ng sigarilyo si Palermo at nagpasya muna silang tumambay sa labas. Hinithit nito ang sigarilyo bago niya binuga ang usok nito.

Ang mga tauhan nila ay nakapalibot lang sa kanila na animo'y binabantayan sila at pinoprotektahan kaya nakukuha nila ang atensyon ng mga taong nakatambay sa labas ng Vercetti Club.

They are really well trained and they are always ready in case an enemy suddenly appears and ambushes them. Hindi naman kasi sila basta nagpapakampante. Hindi rin sila dapat nagpapakasigurado dahil alam nilang marami silang kaaway at kakambal na rin nila ang kapahamakan.

They are aware that their lives are not safe. Nariyan lang sa tabi-tabi ang mga kalaban nila lalo na ang mga galit at naiinggit sa kanila.

"I can't believe it and I don't want to believe it either, but you have evidence. She should know the truth. Karapatan ni Ilaria na malaman ang totoong pagkatao niya," turan ni Palermo.

"I still don't have the guts to tell her the truth. Malalaman pa rin naman niya kung ano ang totoo, pero hindi na muna sa ngayon," sagot niya sa kanyang pinsan.

Alam na rin kasi ni Palermo ang tungkol kay Ilaria. Nabanggit na niya ito sa pinsan niya at nakausap na rin niya ang Tita Maribel at Tito Avenido niya. Kahit ang mga ito ay matagal na palang alam na ampon si Ilaria, but they still treat her as their real niece.

Wala lang silang ideya kung sino nga ba ang totoong magulang ni Ilaria. Ang alam lang nila ay anak ito ng isang dating katulong na nanilbihan sa magulang ni Samael. Kaya naman nagpapa-imbestiga si Samael at pinaghahanap niya kung sino ang magulang ng dalaga.

"I just hope she doesn't walk away from me when she finds out we're not related by blood. Fuck! I can't bear to see her sad. Ayoko na mag-overthink siya o umiyak kapag nalaman niyang hindi kami totoong magkapatid.." dagdag niya pang sabi.

Iyon ang iniisip niyang problema. Paano niya masasabi kay Ilaria na hindi sila tunay na magkapatid? Na hindi sila magkadugo?

He has evidence to prove it. Una, ang kanilang DNA test na nakuha four years ago pa. Ni hindi nga niya sinabi kay Ilaria na pina-DNA test niya ito para malaman kung magma-match ba silang dalawa.

He secretly took some strands of her hair that were left from the comb she was using for hair analysis and to find out if they are related. Isa sa mga kilala niyang forensic hair analysis ang humawak nito.

That was one of the solid evidences he had. He hid it so that no one would see the DNA test result, especially Ilaria. Kaya naman matagal na niyang alam na hindi sila tunay na magkapatid ni Ilaria.

The only girl who captured his heart.

He really loves her. His feelings began to emerge when Ilaria was eighteen years old. He tried to suppress his feelings because he thought his love for her was wrong. Dahil hindi pa niya alam na silang dalawa ay hindi tunay na magkapatid. But his feelings blossomed as the day passed that he was with her.

Lalong lumalalim ang pagtingin niya kay Ilaria kahit anong pigil niya sa kanyang nararamdaman. Kahit pa na maraming iharap na magaganda at seksing babae sa kanya, pero tanging si Ilaria lang ang nakikita niya.

"Cigarettes?" alok ni Palermo sa kanya sabay alok ng isang pakete na naglalaman ng sigarilyo pero mabilis na umiling-iling ng ulo si Samael sa kanya.

"I quit smoking," he said.

His cousin raised an eyebrow at him, "Are you serious? Wow, kailan pa? Himala yata na tumigil ka na sa pagsisigarilyo," turan nito.

"I quit smoking for Ilaria. Ayaw niya kasi na nakikita akong naninigarilyo dahil makakasama raw 'yon sa baga ko." sagot niya na ikinangisi naman ni Palermo.

"You are really in love with her. Fuck, dude!" Anas nito at mahina pa siyang sinuntok sa kanyang braso na ikinatawa lang niya.

"Of course, I will do everything for her. I will follow everything she wants. Si Ilaria lang ang boss ko, dahil mahal ko siya at ayokong magalit siya sa'kin." seryoso niyang saad.

What he says is true, wala itong kahit na anong halong kasinungalingan. He used to smoke before, pero tumigil siya nang makita siya ni Ilaria na naninigarilyo at nagalit ang dalaga sa kanya.

Ilaria hates smokers. For what reason? Dahil nakakasama ito sa kalusugan ng mga tao. That's why he stopped smoking. Hindi rin naman niya kakayanin na magalit o magtanim ng sama ng loob sa kanya ang babaeng mahal niya.

Kay Ilaria lang naman siya palaging taob. Sa dalaga lang siya sumusunod at tila nagiging isang maamong tupa.

Tila ba parang may dala-dalang mahika ang dalaga at hindi niya ito magawang tiisin. It's like Samael is under her spell and he can't resist her especially when every time Ilaria wants something and he doesn't hesitate to give or obey.

He wanted to stop his mania, craziness and love for her but he couldn't. He only has more and more desire to win Ilaria's heart and make her his property. Mas lalo lang siyang napapalapit sa dalaga at mas nahuhulog.

And she was the only woman that always ran through his mind --- nothing else. Fuck! He really couldn't stop thinking about her. She was there even in his dreams.

He sighed.

"Let's go inside," pag-aya na niya sa kanyang pinsan para makauwi na siya agad.

Minsan pa naman ay hindi siya mapakali kapag umaalis siya at naiiwan sa Mansyon si Ilaria. He didn't want Ilaria to always be left alone. He wants to always be by her side. Kung pu-pwede nga lang niyang isuksok sa bulsa ang dalaga ay ginawa na niya.

Tumango si Palermo bago nito tinapon sa sahig ang kanyang naupos na sigarilyo bago sila pumasok sa loob ng Vercetti Club. Pagpasok palang nila sa loob ay naagaw na nila agad ang atensyon ng mga tao lalong-lalo na ang mga babae. Naaamoy na rin nila ang mga alak at sigarilyo.

May nakakasilaw na iba't-ibang kulay ng ilaw na nasa itaas ng kisame, mayroon din na nagsasayawan sa gitna ng malawak na dance floor. They enjoy their freedom and become wilder. Habang meron namang gumagawa ng milagro sa tago at madilim na parte ng lugar na 'to.

Even though the music was loud, they could still hear people whispering and they knew that people were talking about them. They also hear their names being mentioned by women and they stare at them ---full of admiration and the girls couldn't stop biting their lips.

Animo'y parang hinuhubaran na sila sa kanilang mga isipan. But the rest of them were afraid to look at them and quickly avoided them. Lalo na ngayon at nakikita ng mga tao ang nakakatakot nilang awra at mayroon pa'ng nakasuksok na mga baril sa kani-kanilang tagiliran.

Of course, they are popular. Everyone knows that they are notorious mafia and should be feared. They can't do something stupid that will lead them to disaster or death especially Samael Lazarus is dangerous and ruthless.

He shows no mercy to people who are worse than animals. Especially now that they are in the Vercetti Club and this place is their territory. Just dare to do something bad in this place and you will definitely not be able to get out alive.

Hindi na lamang pinansin pa ni Samael ang mga matang nakatingin sa kanilang gawi at dumiretso na sila sa isang kwarto kung saan madalas sila tumatambay.

Dito rin nagaganap ang pagpapalitan ng pera at ng binibenta nila. Pagkarating nila roon ay naabutan nilang nasa loob na ang ka-transaction nila kasama ang mga tauhan nito.

Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa, agad din namang naganap ang pagpapalitan ng pera at ang binibenta nilang ilegal na mga baril na kanila rin na binibili ngunit binibenta naman nila ng mahal sa iba kung saan nakakakuha sila ng mas malaking tubo.

Habang nagpapalitan ay may dumating naman na waitress at agad na sinerve sa lamesa ang kanilang alak. Hindi naman nakaligtas kay Samael kung paano tignan ng mga kasamang tauhan ng ka-transaction nila na kasalukuyan din na nasa loob ng kwartong kanilang kinaroronan ang waitress na nagse-serve ng alak.

Dahil hapit ang suot nitong damit ay kitang-kita nila ang kaseksihan nito at ang magandang kurba ng katawan. Bukod pa roon ay may hitsura rin ang babae.

Samael cleared his throat loudly, causing those men to quickly remove their gaze from the female waitress.

As the owner of Vercetti Club, he strictly does not allow customers to touch those who work for them, especially their waitresses. They are under their protection and he wants those who work in his club to be safe and secure.

They work as waitresses and not prostitutes. Kaya naman kung sinuman ang lumabag sa rules ay tiyak na haharap sa mabigat na parusa. Hindi naman kasi talaga masama ang mga Lazarus, unlike sa ibang Mafia families na walang ibang ginawa kundi sirain ang buhay ng mga inosenteng tao. That is why many mafia leaders hate and envy them. Because they are different and unique.

"Have you heard about The Cardinal?"

Napataas ang kilay ni Samael nang tanungin 'yon sa kanya ng ka-transaction niya na ngayon ay humihithit ng tobacco pipe. The Cardinal? Of course he knows about that group.

That group is one of the enemies of their clan. Bukod sa Emerson family ay marami pa silang nakakaaway na pamilya na talaga nga namang masasabi nilang malaki ang inggit sa kanila at gusto silang pabagsakin.

Marami ang gusto silang bumagsak at lamangan ang kanilang organisasyon. But they can't. Because Lazarus is the most powerful and rich mafia family in the underworld Mafia. Pero ano naman kaya ang meron sa The Cardinal?

"Why? What about them?" Palermo joins the conversation.

"I just heard that they are planning something big against you," turan nito na lalong ikinakunot ng noo ni Samael.

Palermo laughed, "Against us?"

"Well, that's what I heard. You know that they want to destroy you and if The Cardinal do that, they will be feared and become powerful. They want to become more famous and powerful. And according to what I hear from others, they are conspiring with the Emerson family to carry out whatever they are plotting against you," mahaba pa nitong sabi.

"Really?" Palermo na hindi na rin mapigilan na mapataas ang kilay bago sila nagkatinginan ni Samael.

"Be careful, they might be spying on you so they can find your weakness to use against you especially you, Don Samael." salita pa niya kaya hindi na sila nagsalita.

Wala silang kaalam-alam na may pinaplano pala ang The Cardinal at nakikipag-sabwatan pa sa kanila ang pamilyang Emerson. As if they can bring them down. Kilala nila ang grupong The Cardinal. They are also a mafia family and as far as Samael remember, Salvatore Cardinal is the leader.

Samael couldn't help but clench his fist tightly. Hindi niya hahayaan na mahanap at gamitin ng mga kaaway nila ang kanilang kahinaan. Hindi rin siya papayag na magwagi sila at magtagumpay na pabagsakin ang kanilang angkan.

Hindi rin siya makakapayag na malagay sa kapahamakan ang babaeng higit na mahalaga sa buhay niya. Si Ilaria.

Fuck! He would not hesitate to declare war against them if they dared to hurt the woman he loved the most. It may sound cheesy or corny, but he doesn't care. It will be a big and bloody war if they do something bad to her. And he will risk everything for her, even if it costs his life. Gano'n niya kamahal si Ilaria.

#

Continue Reading

You'll Also Like

148K 5.1K 36
Gxg This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are eithe...
427K 7.8K 53
In Kendrick Natividad's motto, 10 years age-gap was nothing to possess and become obsessed with his little girl, Hyacinth 'Haya' De Silva. You're Min...
1M 27.1K 49
Darwin Rafhael Sin Khazariah is an Assassin in MAFIA'S ORGANIZATION. He known to be the most mysterious demon of all time. The silent type but a mons...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...