Chasing The Rude Boy (AWESOME...

By HopelessPen

4.4M 105K 5.9K

AEGGIS Series #4 - Iñigo Shaw - AEGGIS' Pianist Chances. Destiny. Fate. Seven billion people in the world. Ma... More

Chasing The Rude Boy
PROLOGUE
Why You Gotta Be So Rude?
Magic Piso
Sisingilin
Stupid
Forbidden
Bad
Pandesal
Crazy
Impatient
Ang Tagalabas
Noob
Utos Niya
Ang Ritwal
Red Wine
Stopped Chasing
State of Shock
Moving On
Iris
Wildest Dreams
What I Want
Told You
His Noob
Only You
Too Much
Speechless
All CAPS, No Space
How To Get The Girl
Passion
Si Toryang
Bonfire
So It's You
Regrets
Last Time
Finally...
Alexis Matthew Shaw
Wish
WAKAS
Epilogue
Married To The Rude Boy SC#1
MARRIED TO THE RUDE BOY SC#2
SELF-PUB
PUBLISHING DETAILS
AEGGIS ORDER FORM

Sigurado Ako

81.7K 2.1K 145
By HopelessPen

12

"Sandali! Stop! Wait lang! A-anong kasal?!" nabibigla niyang sabi. Nilingon ko siya bago nagkibit balikat na lamang.

"Kasal. Wedding. You will be my Mrs. Shaw." simple kong sabi sa kanya. Kahit kailan talaga ay parang tanga si Iris. Kailangan ko pang isa isahin sa kanya ang paliwanag bago niya ako maiintindihan.

"Pero Iñigo, limang buwan pa lang tayong magkarelasyon. Hindi ba masyadong mabilis? Nagmamadali ka ba?" tanong niya sa akin. Bigla akong natigilan at mula sa panonood sa dagat ay hinarap ko siya.

"Yeah. Nagmamadali nga ako." sagot ko. Napanganga na lamang siya at hindi na nakasagot sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakatuwa talagang pagmasdan si Iris kapag nawawalan siya ng masasabi. Iyong bibig niya ay aawang at parang bata siyang mapapakurap kurap sa akin.

"Iñigo Shaw!" sigaw niya. Napapadyak na lamang siya at ngumuso sa akin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking ngiti.

Damn woman.                                                                                               

"Hindi dapat minamadali ang kasal Iñigo. Hindi pa nga tayo nagkakaroon ng anniversary. Iyong lima nating monthsary, isa lang ang pinuntahan mo. Palagi pa tayong nag-aaway at kahit paghuhugas lang ng pinggan ay hindi pa natin mapagkasunduan. Tapos gusto mo na ngang pakasal? Hindi ba dapat ay kilalanin muna natin ang isa't isa ng maayos?" anas niya. Noong matapos siya ay hinihingal siya at naghahabol ng hininga.

Napasandal ako sa barandilya at naaaliw siyang pinanood. Minsan ay tinanong ako ng AEGGIS kung ano nga ba si Iris sa akin. Sa mundong ginagalawan ko ay sanay ako sa mga babaeng tahimik, mahinhin at hindi makabasag pinggan. Mas pipiliin ko pa iyong babaeng may apelyidong kilala sa lipunan.

"Gusto mo ba si Iris?" iyon ang naging tanong ni Stanley sa akin. Noong mga panahon na iyon ay hindi ako nakasagot. Natawa pa nga ako ng marinig ko iyon pero ng makita kong seryoso si S ay doon ko napagtantong naghihintay silang lima ng sagot.

Huminga ako ng malalim. Should I say I don't know? I am not sure? Espesyal si Iris sa akin pero may isang parteng naghihintay pa rin kay Lily.

Hindi ako sumagot noong araw na iyon. Hinayaan ko na lamang na lumipas ang araw, pinabayaan ko na lamang na masanay ang sistema ko sa kaingayan ni Iris.

Siguro ay iisipin ng iba na nababaliw na ako. Si Iñigo Shaw ay nahihibang sa isang babaeng walang kahit na anong class sa katawan. Nasisiraan na siguro ako dahil gustong gusto ko kapag inaaway na niya ang mga gulay sa kaniyang pinggan o kapag humihingi siya ng tawad sa mga ipis na napatay niya.

Iris captivated me. I am a mad man already.

"Sagutin mo nga ako!" sigaw niya sa akin. Doon ay naputol ang aking pag-iisip. Nakakunot ang kaniyang noo habang naghihintay ng aking sagot.

"I just want to get married."

"You just want to get married? Trip mo lang ganun ba?! Baliw ka ba?!" daldal pa niya. Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya.

"Bakit ba? Ayaw mo bang makasal sa akin?" tanong ko sa kanya. Nanlaki lamang ang mata ni Iris at hindi agad nakasagot. Humakbang ako papunta sa kanya at kinulong siya gamit ang aking braso.

Iyong dugo ay mabilis na umakyat sa kaniyang pisngi dahil sa aking ginawa. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kaniya kaya mas lalo lamang siyang namula.

"Iñigo naman eh!" palahaw niya. Sinamaan niya ako ng tingin bago niya ako bahagyang tinulak. Hindi ako natinag at mas lalo lamang siyang tinukso.

"Igoy.." bulong niya. Hinaplos ko iyong pendant na suot niya bago siya hinila para mayakap.

Alam kong mabilis itong kilos ko. Kahit ako ay nabibigla rin sa inaasta ko. Pero ito lang ang alam kong paraan para lamang mapanatili si iris sa aking tabi. Hindi ko na hahayaang maulit ang nangyari sa amin ni Lily noon.

Ilang taon ang naging relasyon namin pero nagawa pa rin niya akong iwanan. Hindi ko na gugustuhing pagdaanan iyon kaya mamadaliin ko na si Iris. Di bali ng mabigla siya, ang importante ay markado ko na siya. Dala dala na niya ang pangalan ko at hindi na siya makakalayo pa sa akin.

I know that Iris is not Lily, and Lily is not Iris. Bukod sa kanilang mukha ay wala na silang pagkakapareho. But Lily's words kept ringing in my head.

"Kasama mo lang ang babaeng iyon dahil kamukha ko siya Shaw. Maawa ka naman, wag mo siyang gawing panakip butas sa akin."

Lalong humigpit ang yakap ko kay Iris sa aking naisip. No, I am over Lily, right? It's been twelve years. I am over her. Kasama ko si Iris dahil iyon ang gusto ko. Hindi dahil sa hinahanap ko si Lily sa kanya. Dito ay sigurado ako.

"I want to marry you." sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang katawan bago dahan dahang tumango.

Nakahinga ako ng maluwag noong pumayag na siya. Alam kong may agam agam pa siya pero wala na akong pakialam. Kapag nakasal na kami sa Vegas ay agad kong aasikasuhin ang kasal namin sa simbahan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay magkaroon ng kasiguraduhan na hindi na makakaalis si Iris sa akin.

Noong makarating kami sa Vegas ay naging mabilis lamang ang kasal. Inihatid lamang kami ng mga tauhan ng casino sa isang judge. Ang asawa nito at iyong crew ang tanging witness namin. Ikinasal lamang kami sa may opisina, pumirma at nagkamayan.

Nilingon ko si Iris na tahimik lamang sa aking tabi, pinaglalaruan iyong singsing na dito ko na rin binili sa hotel.

"Kasal na tayo." hindi niya makapaniwalang sabi. Tumango lamang ako at kinuha ang kaniyang kamay.

"Bakit ka malungkot?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mata bago umiling.

"Hindi naman. Nabibilisan lang talaga ako sa pangyayari Igoy ko. Bigyan mo lang ako ng kaunting oras, masasanay rin ako." paninigurado niya sa akin. Ngumiti siya at doon napawi ang pag aalala ko.

Nanatili lamang akong nakahawak sa kaniyang kamay habang papunta kami sa aming kwarto. Ramdam ko ang panlalamig sa kaniyang mga kamay kaya hinila ko pa siya lalong palapit.

Pagkarating namin sa kwarto ay tahimik pa rin si Iris. Kahit pa noong makita niya ang complimentary gift ng hotel ay wala siyang naging reaksyon.

"Maliligo muna ako." aniya. Hindi na niya hinintay ang pagpayag ko. Nauna na siyang pumasok sa banyo habang ako ay naiwan sa may sala.

Kasal na ako. Kasal na si Iris sa akin. Matapos nito ay wala na akong dapat pang katakutan. Hindi na ako maiiwanang mag-isa. Iris will never leave me. Hindi siya katulad ni Lily.

Napatigil ako sa pag-iisip noong tumunog ang aking telepono. Sinagot ko iyon at halos patayin ko na lamang ulit ng marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya.

"Where are you?" walang paligoy ligoy niyang sabi. Lumabas ako at pumunta sa terrace bago siya sinagot.

"Anong ginagawa mo diyan?" matigas niyang ulit na tanong. Huminga ako ng malalim bago sinabi sa kaniya ang aking dahilan.

"Nagpakasal ako rito Ma." anas ko. Matagal walang nagsalita sa kabilang linya. Papatayin ko na sana iyon noong marinig ko ang pagtikhim ni Mama.

"Nahihibang ka na ba? Iñigo Yoseff Shaw, nahihibang ka na ba?!" banggit niya sa aking buong pangalan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan ang galit ni Mama.

"Paano na lang si Lily?! I already arranged your marriage with her! Sino ang babaeng iyan ha? Sino ang pinakasalan mo? Saang pamilya siya galing? Anong tinapos niya? Anong trabaho niya? Is she—"

"MA!" pagpapatigil ko sa kaniya. Hinilot ko ang sentido ko dahil sa sakit sa ulo na dala ni Mama.

Isa ito sa mga rason kung bakit minadali ko si Iris. Ayaw ko ng balikan si Lily. I know my Mom. Isa siya sa mga taga suporta ng nakaraan namin ni Lily. Alam kong ipipilit niya akong bumalik sa babaeng iyon.

"Oh bullshit! Akala ko ay kay Ivan lamang ako masisiraan ng ulo! Mabuti pa ang Ate ninyo at pinakasalan ang lalaking nireto ko sa kaniya! Kalalaki ninyong mga tao pero puros kayo sakit ng ulo!" palatak pa rin niya. Hindi ko na hinintay pa ang iba niyang sasabihin. Pinatay ko na lamang ang tawag at pumasok ng muli sa kwarto.

Naabutan ko si Iris na natutulog na sa kama. Yakap niya ang dalawang unan, ang isa ay nakaipit sa kaniyang binti habang ang isa ay nasa kaniyang may bisig. Lumapit ako sa kaniya at dahan dahang tinanggal ang mga unan bago siya niyakap.

Sumiksik siya sa akin at niyakap rin ako. Nilingon ko siya at nakita kong tulog pa rin siya. Niyakap ko na lamang siya at pumikit na rin ako. Hinayaan ko ng igupo ako ng antok hanggang sa makatulog na rin ako.

—————————————

*pen<310

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
35.5K 1.2K 30
Silent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.1K 72 14
[ H I A T U S ] -- A man who ties with politics doesn't have the mutual desire to covet in any engagement in relation to it. For him, politics is a w...