The Possesive "MARHOID"

Par Pherple_Xekyhel

3.4K 70 18

It was probably obsession at first sight that never last until the end. Will she ever escape from his sinful... Plus

Prologue
CHAPTER 1 (His Possesive Way)
CHAPTER 2 (She's his Sleeping pill)
Chapter 4: She's Mine
Chapter 5 : Necktie
Chapter 6 (His Punishment)
Chapter 7: Come Here
Chapter 8
LMLYD 9 (Mega PDA!)
LMLYD 10 (Amazed)
LMLYD 11 (Tama na please masakit na eh..)
LMLYD 12 (Two-Timer)
LMLYD 13 (Nasan ang hustisya?!)
LMLYD 14
LMLYD 15
LMLYD 16
LMLYD 17
LMLYD 18
LMLYD 19
LMLYD 20
LMLYD 21
LMLYD 22
LMLYD 23 : Rapist!
LMLYD 24 : Maintenance Room
LMLYD 25 : Bath Robe
LMLYD 26 : Princess Harisson Flare
Chapter 26 : Revelation 😥
Chapter 27 : Truth behind Revelation 🙊
Chapter 28 : That sinful kiss 💏
Chapter 29 : That Night..👨‍❤️‍💋‍👨
Chapter 30: Again
Chapter 31: His "Favorite Thing" 👩‍❤️‍💋‍👨

Chapter 3 (Only exception..)

164 3 0
Par Pherple_Xekyhel

#puccas

#hispast

#onlyexception

Chapter 3

Hmm ang ingay ano ba yan! Si nanay ba yun? Ang aga-aga nagdodoorbell.

Teka wala kaming doorbell!

Napamulat mata ko bigla syempre alangan naman bibig di ba? ..ayun nga nasira ang tulog ko sa kung sino man ang feeling Marian Rivera na yun na ke aga-aga nag di-ding dong sa bahay ng iba.

Napatingin ako sa lalaking parang ahas na nakapulupot sa akin ngayon. Oh my gas ang gwapo talaga kahit tulog.

Ang amo ng mukha na akala mo walang kamanyakan sa katawan.

Di ko mapigilang haplusin ang mukha nyang makinis pa sa puwit ni Marian Rivera ata. Kahit isang pimple nahiyang makitira sa mukha nya.

Ding Dong!

Tsk! Hayan na naman ang nonstop na dingdong.

Teka pano ba ako makakaalis mula sa Maruyah na to?

Unti-unti kong inalis ang kamay nyang nakalingkis sa bewang ko. May lahi ata tong ahas eh.

Mukhang tulog na tulog naman at hindi nagreklamo.

Dahil may pagkamaharot nga ako hinalikan ko muna sya sa pisngi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Eh sensya na bukod sa baka mana ako sa nanay ko na ngayon ko lang din napag-alaman eh ang gwapo pa talaga ng Maruya na to aha.

Ding Dong!

"Letse eto na nga bubuksan na ang pinto! Di makapaghintay? Excited? Tsk Ding dong ng dingdong kala mo nandito si Ding Dong Dantes!" Asar kong sabi sa sarili ko habang papalapit sa pinto ni Maruya.

"Ang aga mo naman Marian wala dito si Ding Dong," pupungas pungas na sabi ko matapos buksan ang pinto at bumungad nga sa akin ang isang babaeng kaaga-aga mukhang sasayaw sa bar sa sobrang tipid ng telang bumabalot sa maputi nyang balat.

E di wow! sya ng maputi pero sa tingin ko mas maputi ako.

"Excuse me who are you?" Mataray nyang tanong na tinignan ako mula ulo mukha syang paa.

Patay nahiya ako bigla pano naman suot ko ang boxer shorts at t-shirt ni Maruya.

Hindi ko lang nasabi sa inyo pero di ako makatulog sa suot ko kagabi kaya hayan pinasuot ni Maruya tong mga to sa akin.

Bagay daw sa akin. Aba ano akala nya sa akin lalaki?

"Hey slut! I'm talking to you. Who the hell are you? Are you deaf-mute? Ok I don't need to know your slut name maybe you are just a slut that my Maruh's got somewhere. You may now go slut I'm now here and my Maru surely don't need your service anymore!" tabig nya sa akin para makapasok pero hinarangan ko sya.

Kahit hanggang high school lang ako naiintindihan ko lahat sinabi nya.

Best in Filipino kaya ako nung kinder.

Ano daw ako slut? Paulit pa talaga! Aba naman makapagsalita tong pucca na to nahiya naman ako sa suot nyang dinaig pa ang mga prostitute sa daan.

"Hey don't touch me slut! Baka mahawa ako ng germs sayo! Umalis ka dito sabi ko di ba? Hindi mo ba talaga naintindihan sinabi ko at kailangan ko pang itranslate sayo malandi-Ouch!" Sa sobrang inis ko sinampal ko sya ng ubod lakas kaya hayan dumugo ilong nya.

Aba laking kanto ata ako.

"How dare you slut-"

"Ikaw babaeng mukhang pucca na naghihirap sa tela na tinalo pa ang mga prostitute sa baryo namin lumayas ka ngayon din sa harapan ko dahil kung hindi susuntukin na kita! Kung di mo alam may lahi kaming mamatay malandi baka gusto mong masama sa hanay nila!" Napangisi ako ng mukhang natakot sya sa pinagsasabi ko.

"At hoy ikaw hindi ako malandi at hindi ako prostitute na nagbibigay ng service para sabihin ko sayo yung lalaking Maruya na yun ay-" Shet ano nga ba nya ako? Wala.

As in wala. Meron pala.

Sleeping pill.

"Tss ano ka nya? Parausan? Isa ka lang din sa maraming babae nya at pagkatapos pagtatabuyan pag nagsawa na sya sayo. Sayang maganda ka pa naman pero parausan lang. I'm a senator's daughter eh ikaw pinulot kung saan saan so sa huli ikaw ang kawawa at ako pa rin ang pipiliin nya slut!-Ouch!" Sa inis ko sinampal ko ulit sya sa kabilang pisngi naman para pantay.

"Sabi ng hindi ako malandi! Lumayas ka na kundi makakapatay na talaga ako! Para sabihin ko sayo kalalabas ko lang sa kulungan dahil sa napatay kong malandi sa kanto namin baka gusto mong-"

"D4mn! How can Maruh had s€x with a crazy criminal slut like you!" Namumula sa inis nyang sabi habang papalabas ng pinto.

Nakakaasar sya!

Isasara ko na sana ang pinto ng may isa na namang haliparot na nasa harapan ko.

"Hey alipin where is Maru? Who are you? Oh another whore maybe. " Taas kilay na tanong nya and this time mas tinalo pa sa ikli ng damit ang pucca na babae na yun kanina.

Eto naman mukhang picachu din mas makapal ang blush on. And Wow alipin na whore pa? Bwiset talaga ang mga mayayamang maarte nato!

"Bwiset! Ako ang papatay sayo! Layaaaas!" Asar kong sigaw sabay sara ng pinto at wala akong pakialam kung natamaan ang pokemon na yon!

Nakakainis sila! Ilan ba talaga sila na pumipila sa condo ng haliparot na Maruya na yun?!

Bwiset ka Maruya! Mamatay ka na!

Asar na tumakbo ako papasok sa kwarto ng Maruya na yun at tumalon sa kama at pinaghahampas sya ng unan sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Hey hey Heavenko! Hey bakit ka namamalo ang aga pa mamaya na tayo magharutan inaantok pa ako eh.." pigil nya sa hampas ko na kung makatawa akala mo natutuwa ako.

"Bwiset ka Maruya! Babaero ka talaga! Mamatay ka na!" Asar na sigaw ko sabay sampal sa matigas nyang braso.

Mukhang nasaktan naman sya kaya napaupo sya bigla sabay hawak sa dalawa kong kamay na na pinaghampas ko sa kanya.

"Nyeta ka Maruya! Nakakatanga ka alam mo ba?!"

"Ano bang nangyayari sayo? Teka bakit ka umiiyak?" Kunot noong tanong nya. Kundi ko lang kilala to iisipin kong nag-aalala sya sa akin.

Teka umiiyak ako? Pero bakit? Kase nasaktan ako sa mga sinabi ng mga babaeng yun lalo na si pucca na tagos sa dibdib ang sakit kase totoo.

Ang saket lang eh ngayon lang ako nasabihan ng malandi at english pa. Nosebleed men.

"I hate you Maruya..huhuhu"

"Shhhh huwag ka umiyak please.." di magkandaugaga na haplos nya sa mukha ko.

Tinabig ko kamay nya.

"Huwag mo ko hawakan! Baka magalit ang mga babae mo na ilan ba sila na pumupunta dito ha? Napaaga ata sila at nadatnan ko pa sila ngayon?" Sarcastic na tanong ko.

"Ano babae?"

"Oo babae kunware di mo alam? Inosentemuch? Bwiset yung mga babae mo na parang christmas tree sa dami ng nakasabit na alahas tamaan sana ng kidlat! at parang naghihirap sa tela sa sobrang iikli ng suot! At..at mga babae mong tumatawag sa akin ng ma..malandi na nga alipin pa! Nyeta naman nanay ko nga di ako sinasabihan ng malandi..tapos..tapos sila english pa huhuhu nagdugo na nga ilong ko ang sakit pa sa puso huhuhu"

"Shhh I'm sorry. Hindi totoo yun. Matino kang babae heavenko. Don't worry ako ng bahala sa mga nanakit sa'yo sasaktan ko din sila sino ba ang mga yun? Tell me their names-"

"Nyeta ka Maruya! Sa tingin mo magtatanungan pa kami ng parang kanta ni Rihanna oh na na na what's your name? ng mga babae mo?! Ha? Ha? Maruyang maharot ay mali.. maHARHOID pala! Bagay talaga pangalan mo sayo! Galing magpangalan ng mga magulang mo. Ikaw ay sobrang maharhoid Maruya ka!"

"Heavenko huwag ka na umiyak please. Oo siguro one of my flings-"

"Dalawa sila bwiset!"

"Ok two of my flings yung mga yun. Oo inaamin ko babaero ako, but I just love having s*x with those slut girls and never get into serious relationship tss I hate them.."

"Hate mo mga babae? So hate mo rin ako?" Lalo naman daw akong nalungkot sa nalaman ko. Hate nya pero babaero sya at nilalandi nya ako!

"No ofcourse. Yeah admitted laruan lang sa akin ang mga babae dahil sasaktan lang nila ako kaya mas gugustuhin kong ako ang manakit sa kanila.."

Sabi ko na nga ba! Laruan lang tingin ng mga lalaki sa amin!-

"I was afraid to fall in love but not until I met you. Yeah you are an exception.."

Napatigil ako sa sinabi nya. Wait english eh. De joke lang seryoso ba sya?!

"Eh yung pinsan mong maganda?"

Naalala ko yung napaka kulet nyang pinsan pag nakikita ako.

"Who? Arsia the headaching brat? Ofcourse she's also an exception I have no choice she's my cousin eh. But heavenko don't ever be afraid of me handa naman akong magbago simula ng makilala kita eh. Hindi kita iiwan o gagamitin katulad ng ginagawa ko before. I'm sorry ok bukas na bukas din mawawala na lahat sila sa buhay ko-"

"O tignan mo andami mong girlfriends! Maharhoid ka talaga! At ako naman capital T.A.N.G.A! Tanga! TANGA kase nagkakagusto ako sayo! Bwiset!"

Napangiti bigla ang loko. Bwiset talaga kita ng nagdadrama ako dito ngingiti pa sya!

"O anong nginingiti-ngiti mo dyan? Nakakatawa na ba ang itsura ko na parang baliw na umiiyak dahil sa manyak na tulad mo! Ha?! Ha?!- hmp-"

Hinalikan nya ako bigla. Eto na naman ang halik nya na nagpapawala ng katinuan ko.

Nasan na naman ang utak ko bakit hindi ko man lang sya tinutulak?

At ang masama pa tumutugon ako sa halik nya?! Matapos ang makapugtong hininga naming halikan isinandal nya ang noo nya sa noo ko.

"I'm sorry if made you cry baby heavenko. I'll promise magbabago ako for you. I want you so much at di ko kaya pag nawala ang sleeping pill ko. Sorry na ok? I love you.." sabi nya at hinalikan nya ko sa noo sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Hayun na natibag na ang anumang galit ko na parang bulang naglaho lahat ng inis ko sa kanya.

Matamis na salita at halik plus mahigpit na yakap equals mabilis na heartbeat na hindi ko maintindihan.

Ano bang ibig sabihin non?

"Please don't get mad at me. I know I'm not perfect I have many flaws and imperfections as a man. Please huwag ka magsawa sa akin. Gwapo naman ako at hot pa. Importante ka na sa akin. And I can't bear to loose another important girl in my life.." Parang napiga ang puso ko ng makita ko ang mga mumunting butil ng luha na umagos mula sa mga mata nya.

Di ko akalaing iiyak ang isang Maruya na ganto?!

Ano bang pinaghuhugutan nito?

"B-Bakit ka umiiyak? S-sino ba nawala sayo?" Nag-alala ko biglang tanong.

Ngayon ko lang sya nakitang ganto kalungkot.

"My mom and my baby s-sister.."

Grabe..mama at kapatid? Aba ang sakit nga nun.

"Anong nangyari sa kanila?" Curious kong tanong.

Inalalayan nya akong umusog sa may headboard ng kama bago sya sumagot. Sumandal sya doon at ako naman sa braso at dibdib nya habang nakapulupot ang mga braso nya sa akin.

"My mom died a year ago. At nung nakita mo ko sa resto nyo yun ang first death anniversary nya.."

May naalala ako bigla.

"Kagabi habang tulog ka bigla mong sinabi na you hate your mom. B-bakit?"

"Because she hated me so much. "

Hate? Posible bang kasuklaman ng isang ina ang sarili nyang anak?

"B-bakit?"

"Ako kasi ang sinisisi nya sa pagkawala ng sister ko. That was 16 years ago. I was only 5 and my little sister was only 2. That was in the park. I was with my whole family. We were so happy. Until niyaya ako ng kapatid ko na bumili ng baloon.."

*flashback..

"Kuya bayun! Bayun!" Tili ng kapatid ko na super cute tulad ko habang tinuturo yung mga baloons na hawak ni manong. Tulad ng pangalan nya prinsesa daw namin sya sabi ni mommy ko at ako ang prince kaya dapat protektahan ko ang princess namin.

"Let's go baby I will buy you. Mommy Daddy can I buy baby Princess Maddisson a baloon? Pliiit po."

"Haha baby boy di mo ko madadala sa pacute mo. Si Daddy na lang bibili di pa kayo pwede baka mawala kayo."

"But mom Daddy is busy preparing the food and mom bigboy na po ako. Promise I will take good care of our Princess. Mom I'm superman di ba? I will protect Princess Maddisson Flare from those bad monsters."

"But baby-"

"Sige na hayaan mo ng magbonding ang magkapatid. Dyan lang naman honey ang nagtitinda di naman sila lalayo masyado."

"Ok pinagtulungan nyo na naman akong mag-ama." Napapangiting sabi ni mommy. "Come here baby Maddisson Flare my Princess. Huwag ka lalayo kay kuya superman ha. Pag may nangyaring masama sayo iiyak si mommy. Do you want to see mommy crying?"

"Kaying! (Crying) No! No! Love Mayishon (Maddison) mami! Hmmm kish! kish! kish!" Cute na sabi ng princess namin giving our mom a lot of kisses..She's so sweet and I love her so much.

"I love you too baby. Ansarap naman ng kisses mo baby. Pahug nga. Hmmm ang bango talaga ng baby ko.."

"Honey naman daig mo pa nagpapaalam sa anak mo ha," natatawang sabi ni Daddy.

"Oo nga mommy andrama nyo po ni baby Maddisson haha."

"Haha kayo talaga mahal ko lang talaga ang Princess natin ng sobra. Mahal ko kayong lahat at di ko kayang mawala kayo noh."

"We love you too mommy. Sige po bibili na po kami ni baby. Bye mom! Bye Dad!"

Excited na hinawakan ko ang munting kamay ng Princess namin.

"Bayun! Bayun!" Ancute talaga magsalita ng kapatid ko kahit bulol pa.

Hinila nya damit ko para pumantay mukha ko sa kanya at binigyan nya rin ako ng maraming kiss sa mukha at niyakap.

"Haha Yes baby I'll buy you. What color do you want?"

"Ink! Ink!"

"Aah ok Pink. Manong isa nga pong pink na baloon tsaka red for my mom.."

"O sige iho tig bente lang."

"Manong what's bente?"

"Ah naku ingleserong bata napakagwapo pa. 20 pesos hijo."

"Thank you manong!" Hinawakan ko yung dalawang baloon sa magkabilang kamay ko. One for mommy and one for our Princess.

"Baby Maddison here's your pink baloon!" Ha? Where is she?

"Manong nasan yung kapatid ko?"

"Aba ewan ko hijo. Nasa tabi mo lang ang cute mong kapatid kanina ha."

"Waaaah manong yung..yung kapatid ko baka kinuha sya ng monster! Where is our princess?! Huhuhu!"

"Naku hijo huwag ka umiyak baka nandito lang yun. Teka nasan ba mga magulang mo?" Mommy and Daddy. Tumakbo kaagad ako papunta sa kanila.

"Mommy! Daddy! Huhuhu"

"Hey baby why are you crying?" Daddy asks me first.

"Daddy! M-mommy! The m-monster stole my baby sister! Huhuhu I'm sorry mom di ko napansin yung mga monster 'cause I was busy buying-"

"W-where is your sister?! Tell me where is she John Marhoid Rhui?!" My mom asked me crying. She was shaking me kaya nabitawan ko mga baloon na hawak ko sa takot. And she's very angry.

"M-Mom you're hurting your prince! Huhuhu"

"Masasaktan ka talaga sa akin pag di mo sinabi saan ang kapatid mo!"

"Lea tama na huwag mo saktan anak mo. Don't panic baka nandyan lang si Princess Maddisson."

"Mommy sorry..don't cry mom please..I'm sorry.."

"Sorry? Hanapin mo ang kapatid mo kundi lagot ka sa aking bata ka!"

"Lea huwag mo sya sigawan! He's your son."

"Huhuhu mommy don't get mad at me please..."

"Honey please hanapin mo ang anak ko. Hanapin mo ang Princess natin..mamatay ako pag nawala sya.."

I was scared when my mom look at me.. angrily..

-----

"That was the day when I lost Princess Maddisson Flare. We also lost our mom. Nabaliw si mommy at lagi nya kong sinasaktan. Galit na galit sya sa akin. I was crying all the time at sinisisi ako lagi ni mommy at ang sakit lang..until ngayon hanggang sa huling hininga ni mommy galit sya sa akin. D4mn! Ginusto ko bang mawala si Maddisson? Bata pa din ako nun wala pa akong kamuwang-muwang. I love my sister so much but now I'm starting to hate her because of her nasira ang masayang pamilya namin at kinamumuihan ako at sinaktan ng sarili kong ina. Buti na lang nandyan pa si Dad na never nagparamdaman sa akin na kasalan ko yun. Kahit nawalan na rin sya ng time sa akin noon sa paghahanap kay Princess Maddisson.."

"Shh don't hate your sister wala rin syang kasalanan.."

"I know.. but d4mn! She's still the reason kung bakit nasira ang childhood life ko..ang pamilya namin at kung bakit ako nasaktan ng sarili kong ina at muntik patayin.."

"Muntik patayin?" Tigagal kong tanong. Kaya bang gawin ng isang ina sa anak nya yun?

"Yes. Sinubukan nya akong ilunod sa bathtub noon at ang sabi nya sana ako na lang daw nawala. Siguro daw naiinggit ako kay Princess Maddisson kaya ko sya winala. D4mn! Kahit ramdam kong simula ng dumating si Princess Maddisson sa buhay namin ang dating super bonding namin ni mommy nabuhos na lahat sa kanya hindi ako nainggit kailanman kase mahal ko sya but there was that time after mawala ni Maddisson nainggit ako dahil mahal sya ni mommy ako hindi..para akong demonyo sa paningin ni mommy na handa nyang saktan kahit anak nya pa ako. She never loved me since nawala si Princess Maddison..."

"Tama na please..huwag ka na umiyak wala kang kasalanan..nasaktan lang ang mommy mo kaya nya nasabi yun. Ako mahal naman kita eh.."

Napatingin sya sa akin na parang gulat na gulat.

Ok may nasabi nga ata akong kagulat gulat.

"Kanina sabi mo gusto mo ko and now you said you love me. Totoo nga?" Napapangiting tanong nya bigla.

"Asus naniwala ka naman batang iyakin! Haha"

"Aaah iyakin pala ha!"

"Hahaha tama na....hahaha..." hinila nya lang naman ako sa kamay at pinagkikiliti bigla.

Kahinaan ko po ang kiliti sa bewang.

"Hahaha...tama na sabi!...hahahaha!"

Tumigil din sya sa wakas pero dinaganan naman nya ako.

Hindi naman buong bigat nya ang nakadagan sa akin dahil nakatukod sa kama ang magkabila nyang siko.

"Heavenko thank you.." sabi nya sabay kiss sa pisngi ko.

"Saan?"

"Sayo ko pa lang nasabi yun. Salamat kase gumaan ang pakiramdam ko. Thank you ha," sabi nya sabay kiss naman sa tungki ng ilong ko.

"Tss andrama mo! May bayad ang pagiging listener ko no!"

"Etong hot body ko pwede na ba?" Nakangising tanong nya at letse parang may tumusok sa leg ko ng magpabigat pa sya sa akin ng konti.

"Yuck! Maruya ambastos mo talaga! Bakit may nanunuka sa hita ko? Tumigil ka nga! Sayo na hot body mo! Masunog ka sana!"

"Talaga? Ayaw mo nga?"

"Ayaw. Sayong sayo na ubusin mo!"

"O sige ayaw mo pala e di pamimigay ko na alang sa iba." Parang nagpanting ata ang tenga ko sa sinabi nya.

"Iba? Ibang babae? Tss babaero ka talaga," asar kong sabi. Kainis ha sabi nya magbabago sya pero babae pa rin ang nasa utak.

"Biro lang. Sayong-sayo na ako baby heaven. Gusto mo na bang i claim ang hot body ko ngayon?"

"Tse! Umalis ka nga sa taas ko ang bigat mo eh!" Namumulang tulak ko sa kanya pero ang tigas ng mga abs grabe.

"Teka lang. Pakiss mu na." Di pa man ako nakakasagot hinalikan na nya ako sa labi.

Hanggang sa lumalim na naman na parang balon ang halik na yun. At mayamaya naramdaman ko na ang mga kamay nya sa loob ng t-shirt ko at tinataas na nya to.

Sh*t san na naman kami makakarating nito eh!

"Woi ano ba Maruya! Kiss lang pero hawak ka ng hawak. Daig mo pa turista sa paglalakbay ha! May talent ka pa sa paghuhubad ng iba! Tss makauwi na nga!" Tatayo na sana ako pero higit nya ko pahiga ulit.

"Uwi ka na agad dito ka muna."

"Adik ka ba? Gusto mo ba talagang matulad ako sayo at ilunod ako ng nanay ko sa ilog ng basura sa amin?!"

"Tss ok fine. Uuwi na kita." Bigla seryoso na naman sya.

"Huwag sa amin sa resto na lang ulit."

"Sa inyo na lang kase gusto ko makilala mama mo." Ano daw? Gusto nya makilala amasona kong nanay?

"Pwede ba huwag mo ko kulitin dahil di ako papayag. Tunay na amazona ang nanay ko baka gusto mong habulin ng itak?" Totoo sinasabi ko katakot si nanay kapag may nagtatangkang manligaw sa akin.

"Tss ok fine sa resto na lang."

"Ok tara na! Huwag ka na bumusangot diyan! Aaaaah ano ba!" Tili ko dahil binuhat lang naman nya akong parang sako ng bigas na naman at dinala sa banyo nyang malaki pa sa bahay namin sabay lapag sa akin sa bathtub doon.

"W-woi alam ko may masamang karanasan ka sa bathtub..pero naman eh huwag mo naman ako lunurin tulad ng ginawa sayo-Aaaah lamig nyeta lanya ka Maruyah!" Bigla lang naman naman nyang itinapat sa akin ang shower nya na aba sosyal dahil detachable.

"Tss stop cussing di bagay sa magandang tulad mo. Maligo muna tayo ng mahimasmasan ang utak mo san san na naman nakakarating ang imagination. And lalabas ka talaga na yan lang ang suot talagang mamanyakin ka na sa daan baka makapatay pa ako ng di oras at ikaw ilulunod ka pa talaga ng nanay mo."

Oo nga no naka-boxer shorts nga lang pala ako. At teka anong sabi nya maligo KAMI?!

"Tara na ligo na tayo-Aray naman Heavenko!" Kinurot ko lang naman leg nya. Aba maharhoid talaga tong lalaki na to.

"Anong akala mo papayag akong sabay tayo maligo? Aba neknek mo! Hindi mo pa pwedeng makita ang sexy body ko! Lumayas ka nga dito!"

"Asus makikita ko rin naman yan-"

"Isa! Lalabas ka o ipapakain ko tong sabon sayo?!"

"Andami mo namang pinapakain sa akin pwede bang ikaw na lang-"

"Maruya!"

"Tss oo na lalabas na. I can't believe na ako na tagapagmana ng biggest Corporation here in the Philippines napapasunod lang ng isang amasonang babae?"

"May binubulong ka Maruya?!"

"Wala. Sige maligo ka na. Pero seryoso ayaw mo talaga para tipid sa tubig sabay-"

"Isa Maruyah!"

"Tss oo na lalabas na." Asar na sinara nya ang pinto. Haha parang bata. Akala naman nya madadala nya ako sa pacharming charming nya. Kaya ko pa naman controlin sarili ko. Pero naawa ako sa kanya kaya siguro parang damit nya lang kung palitan ang mga babae nya kase galit sya sa mga kauri namin dahil sa mama nya at pati sa kapatid nya na nawala galit din sya.

Buhay pa kaya ang kapatid nyang yun?

Eh kung sakali na buhay pa matatanggap kaya sya ni Maru?

Sa tingin ko hindi dahil nga sa nangyari simula ng mawala ito. Naiintintindihan ko naman si Maruya.

Pero di ko maintindihan kung bakit parang gusto kong punuin at ibigay sa kanya ang pagmamahal na hindi nya naramdaman mula sa nanay nya.

Kawawa naman ang Maruya ko. Wait sinabi ko bang "ko"? Tsk nakakapanggulo talaga ng utak at puso ang Maruyang yun.

--------------

Habang hinihintay si Maru nanood muna ako sa napakalaki nyang flat screen t.v.

Ding Dong!

Naman nandito na namn si Marian!

Siguro babae na naman to ni Maruya! Tss

Naiinis na binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang napakagandang-

"Hello Gandaaa!" Nagulat ako ng niyakap nya ako agad. Shocks nahiya ata ako naabutan nya ako dito at bago pang ligo.

"Hmm bango mo naman ganda! Teka bago kang ligo huwag mong sabihing-" nanlalaki ang mga cute nyang mata kaya pinigilan ko na agad ang anumang mali nyang iniisip.

"Mali ka ng iniisip no walang nangyari sa amin."

Napangiti naman ito. Kaya bumalik na ang makulit nitong aura.

"Very good ganda! Huwag mo isuko. Ganda kaya natin! And huwag ka ng sasama sa kanya naawa ako sayo ang ganda mo para sa Maru na yon."

Sinisiraan nya ba ang pinsan nya sa akin. Teka para kaming sira dito talaga kami sa pinto nag-uusap.

"Ahm halika pasok ka muna naliligo pa kasi yung pinsan mo."

"Hindi na ganda ayaw ko ng makita yung baliw kong pinsan noh. Ok na akong nakita kita dito at gusto kitang balaan habang maaga pa iwasan mo na sya ayaw kong pati ikaw paglaruan ng baliw kong pinsan. Kasi ewan ko gusto kita ayaw kong mapunta sa babaero na yun. Believe me baka saktan ka lang nya."

"Pero mabait naman sya sa akin eh." Kahit bossy sya mukha naman syang mabait.

"Di mo pa kasi sya kilala. Nagtataka nga ako ikaw pa lang nagtagal sa mga babae nya at parang ayaw kong maniwala na marunong magmahal yun."

Kaya nya ba sinasabi ang mga to dahil alam nya ang mga di magandang karanasan ni Maru kaya iniisip nitong galit pa rin si Maru sa mga babae si Maru. Pero pwede naman syang magbago eh.

"Heaven!"

"Ups! Nandyan na ang baliw kong pinsan! Aalis na ako. Basta pag sinaktan ka nya sabihin mo sa akin ako mismong bubugbog sa kanya haha. Sige bye!" Tumatawang paalam nya matapos akong halikan sa pisngi. Ang kulet lang.

Siguro naman di ako sasaktan ng lalaking gwapong-gwapong pababa ng hagdan ngayon noh?

Medyo naniniwala akong marunong syang magmahal at kaya nyang magbago tulad ng pangako nya sa akin kanina..

--------♥--------

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

153K 5K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...
374K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
7.7M 222K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...