Chapter 3 (Only exception..)

164 3 0
                                    

#puccas

#hispast

#onlyexception

Chapter 3

Hmm ang ingay ano ba yan! Si nanay ba yun? Ang aga-aga nagdodoorbell.

Teka wala kaming doorbell!

Napamulat mata ko bigla syempre alangan naman bibig di ba? ..ayun nga nasira ang tulog ko sa kung sino man ang feeling Marian Rivera na yun na ke aga-aga nag di-ding dong sa bahay ng iba.

Napatingin ako sa lalaking parang ahas na nakapulupot sa akin ngayon. Oh my gas ang gwapo talaga kahit tulog.

Ang amo ng mukha na akala mo walang kamanyakan sa katawan.

Di ko mapigilang haplusin ang mukha nyang makinis pa sa puwit ni Marian Rivera ata. Kahit isang pimple nahiyang makitira sa mukha nya.

Ding Dong!

Tsk! Hayan na naman ang nonstop na dingdong.

Teka pano ba ako makakaalis mula sa Maruyah na to?

Unti-unti kong inalis ang kamay nyang nakalingkis sa bewang ko. May lahi ata tong ahas eh.

Mukhang tulog na tulog naman at hindi nagreklamo.

Dahil may pagkamaharot nga ako hinalikan ko muna sya sa pisngi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Eh sensya na bukod sa baka mana ako sa nanay ko na ngayon ko lang din napag-alaman eh ang gwapo pa talaga ng Maruya na to aha.

Ding Dong!

"Letse eto na nga bubuksan na ang pinto! Di makapaghintay? Excited? Tsk Ding dong ng dingdong kala mo nandito si Ding Dong Dantes!" Asar kong sabi sa sarili ko habang papalapit sa pinto ni Maruya.

"Ang aga mo naman Marian wala dito si Ding Dong," pupungas pungas na sabi ko matapos buksan ang pinto at bumungad nga sa akin ang isang babaeng kaaga-aga mukhang sasayaw sa bar sa sobrang tipid ng telang bumabalot sa maputi nyang balat.

E di wow! sya ng maputi pero sa tingin ko mas maputi ako.

"Excuse me who are you?" Mataray nyang tanong na tinignan ako mula ulo mukha syang paa.

Patay nahiya ako bigla pano naman suot ko ang boxer shorts at t-shirt ni Maruya.

Hindi ko lang nasabi sa inyo pero di ako makatulog sa suot ko kagabi kaya hayan pinasuot ni Maruya tong mga to sa akin.

Bagay daw sa akin. Aba ano akala nya sa akin lalaki?

"Hey slut! I'm talking to you. Who the hell are you? Are you deaf-mute? Ok I don't need to know your slut name maybe you are just a slut that my Maruh's got somewhere. You may now go slut I'm now here and my Maru surely don't need your service anymore!" tabig nya sa akin para makapasok pero hinarangan ko sya.

Kahit hanggang high school lang ako naiintindihan ko lahat sinabi nya.

Best in Filipino kaya ako nung kinder.

Ano daw ako slut? Paulit pa talaga! Aba naman makapagsalita tong pucca na to nahiya naman ako sa suot nyang dinaig pa ang mga prostitute sa daan.

"Hey don't touch me slut! Baka mahawa ako ng germs sayo! Umalis ka dito sabi ko di ba? Hindi mo ba talaga naintindihan sinabi ko at kailangan ko pang itranslate sayo malandi-Ouch!" Sa sobrang inis ko sinampal ko sya ng ubod lakas kaya hayan dumugo ilong nya.

Aba laking kanto ata ako.

"How dare you slut-"

"Ikaw babaeng mukhang pucca na naghihirap sa tela na tinalo pa ang mga prostitute sa baryo namin lumayas ka ngayon din sa harapan ko dahil kung hindi susuntukin na kita! Kung di mo alam may lahi kaming mamatay malandi baka gusto mong masama sa hanay nila!" Napangisi ako ng mukhang natakot sya sa pinagsasabi ko.

The Possesive "MARHOID"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum