ALL-TIME FAVORITE: Regina & L...

By AgaOdilag

46.5K 941 114

Tinakasan ni Regina ang kasal nila ni Xander nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao nito. Nagtungo siya s... More

First Page
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
EPILOGUE

CHAPTER EIGHT

3.1K 81 18
By AgaOdilag

TULAD sa isang commercial ay nagising siya sa aroma ng kape na nasisinghot ng ilong niya. Nakangiting mukha ni Luke ang namulatan niya. Sa kanang kamay ay may hawak na umuusok na kape.

"Good morning." Inilapag nito ang tasa ng kape sa night table. "It's almost eight."

"Morning, Tita," si Charlyn na pumanhik sa kama at hinagkan siya sa pisngi.

"Hello, pet," masuyong bati niya kasabay ng
pagtaas sa dibdib ng kumot.

"Ang sabi ng Tito Luke ay magsu-swimming kami ngayong umaga," patuloy ni Charlyn na tiningala ang binata at pagkuwa'y muling bumaba ng kama at humawak sa kamay ng lalaki.

Noon lang napansin ng dalagang hindi na maong ang suot nito kundi swimming trunks. Mabilis niyang iniiwas ang mga mata rito.

"Hihintayin ka namin sa ibaba, sa pool. Come on, sweetheart." Inakay na nito palabas si Charlyn.

Ilang sandali nang nakalabas ang dalawa'y nakatitig pa rin sa pinagdaanan ng mga ito si Regina. Gusto niyang pagtakhan ang pagiging malapit ni Charlyn kay Luke subalit agad ding pinangatwiranan iyon na kahit sa kanya'y hindi nangilala si Charlyn sa unang pagkakataon. Likas na friendly ang bata. Kakaiba sa mga batang nasanay na caretaker ang kasama.

Mabilis siyang bumangon at nagtuloy sa banyo at naghilamos. Wala siyang balak mag-swimming. Kailangang pag-isipan niyang mabuti kung ano ang gagawin nila ni Charlyn. Tatawagan niya ang ama sa resort na tinutuluyan nito. Maligamgam na ang kape niya nang balikan niya. Inubos pa rin niya sa pagitan ng pagbibihis.

Bihis na siya nang lapitan ang telepono. Hawak na niya ito nang mag-ring ang phone. Nagulat pa siya nang bahagya. Hindi malaman kung sasagutin o hindi. Baka personal call ni Luke iyon. Pero agad din namang naisip na baka si Luke iyon at tumatawag mula sa ibaba upang madaliin siya.

"Hello," sagot niya.

"Yes, good morning." Tumikhim ang nasa kabilang linya. Lalaki pero hindi boses ni Luke. Naramdaman niya ang bahagyang pag-alangan nito. Marahil ay hindi inaasahang siya ang sasagot. "I'd like to speak to Mr. Chan, please..."

"M-Mr. Chan?" Agad ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Regina. Sinong Mr. Chan ang hinahanap nito? "It-think you've got the wrong number, Mister." Akma niyang ibaba ito nang mabilis na nagsalita ang lalaki.

"I'm sure I've dialed the number right. I'm calling from Hong Kong and this is his manager, Mr. Sean. And it's important that I must talk to him," giit ng caller.

"And I'm sure you've dialed the wrong number, Mr. Sean. This unit belongs to Luke Daniels and-"

"That's right. Luke Daniels Chan. May I speak to him, please..."

Sa nanginginig na mga tuhod ay napaupong bigla ang dalaga sa sofa. Kinausap niya ang caller sa nanginginig na tinig. May itinanong at pagkatapos ay ibinaba na ang telepono..

Pinanginginigan siya ng laman. Gusto niyang
sumigaw sa matinding galit at panlulumo at takot. Ganoon siya ka-istupida? And to think she even thought herself smart and witty. All the way from Hong Kong, ang taong iniiwasan niya ay ang mismong taong kasa-kasama na niya!

At sino ang taong lagi nang kasu-kasunod nila? Bakit ang sabi ni Lolita ay iyon si Angelo Chan? Tiniyak nito.

At ang walanghiyang Luke, niloko siya! Marahil
sa buong panahong magkasama sila'y pinagtatawanan siya nito!

Lucas Angelo Daniels Chan!

At isiping hinayaan niyang hagkan siya nito...yakapin...damhin! And to top it all, nag-enjoy siya sa mga halik nito. And subconsciously longing for more.

Lord, he could kill the man.

Nasa ganoon pa rin siyang ayos nang pumasok si Luke minus Charlyn. Agad na napatayo ang dalaga.

"Nasaan si Charlyn?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Luke sa galit at panic sa tinig niya. "Nasa ibaba. Ayaw pang umalis sa pool. Charlyn's enjoying, Regina. At huwag kang mag-alala, isang capable nurse ang pinag-iwanan ko sa kanya. Hindi siya pababayaan nito."

"I'd be on that," patuya niyang sabi. Nag-aapoy ang mga mata. "A certain Mr. Sean left an important message for you, Lucas Angelo Daniels Chan!"

Bahagya lang ang paggalaw ng mga mata ni Luke pero hindi man lang ito natigatig. Na tila ba sa panahong magkasama sila'y umaasa na itong malalaman din ni Regina kung sino ito. Tahimik itong humakbang patungo sa percolator at nagsalin ng kape sa tasa. Ang tuwalya'y nakasabit pa rin sa mamasa-masang katawan.

"Aalis kami ni Charlyn ngayon din!" Mabilis niyang niyuko ang maletang nasa gitna pa ng living room at inayos.

"Calm down, Regina, mapag-uusapan natin ito."

"Wala tayong mapag-uusapan! Niloko mo ako!
Pinagsamantalahan! I'm taking Charlyn out of your house now."

"Please, listen to me, will you?" Pakiusap at utos ang magkasama sa tinig ng lalaki. "Kung gusto kong itakas mula sa iyo si Charlyn ay kaya kong gawin."

"Of course," pauyam niyang tingala rito. "Bakit nga ba hindi mo siya itinakas? Dahil nag-i-enjoy ka sa mga ginagawa mong panloloko sa akin? Naaaliw kang makitang natatakot ako sa tuwing nakikita ko ang lalaking iyon na akala ko'y siyang ikaw? Oh, god, all along ay pinagtatawanan mo ako!"

"Dahil hindi ko gustong kuhanin ang pamangkin ko sa puwersahang paraan, Regina," kalmante nitong sagot. "Though I have all the legal rights kumpara sa iyo."

"Anong legal rights ang pinagsasabi mo?" Puno ng iritasyon ang tinig niya. Hindi gustong tanggapin ng isip na tama ang sinasabi nito. "Itinakwil ninyo si Charles nang pakasalan niya si Evelyn. Ni hindi ninyo sinilip ang tatlo sa loob ng tatlong taong mahigit. Ngayon ay biglang gusto ninyong kunin ang bata?"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Luke. Nasa mukha ang pinipigil na iritasyon. Sinisikap pa ring pairalin ang diplomasya.

"I wish I could explain, Regina. Pero walang silbi ang anumang paliwanag na gagawin ko. Nakikiusap ako sa iyong ipaubaya mo sa akin ng ilang araw si Charlyn at-"

"No! Hindi ko siya ibibigay sa iyo o sa inyo."

"Please..." he sounded begging na nagpaangat ng tingin ni Regina rito. "I'm running out of time. In fact, gayon na lang ang tuwa ko na wala ang ama mo pagdating natin. Nakapag-iisip ako. Kaya nga lang ay naunahan ako ng kung sinuman ang nagsabi sa iyo ng identity ko."

"Wala kang sasabihing magpapabago sa pasya ko." Muli niyang itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit.

"Be reasonable, Regina. Nakikiusap ako gayong kung tutuusin kahit ngayon din ay magagawa kong isama sa Tagaytay si Charlyn nang hindi ko kailangan ang pahintulot mo. At aminin mo, wala kang magagawa roon. Ni hindi ka kamag-anak ng bata. If I were that ruthless, tulad ng sinabi sa iyo ni Evelyn sa sulat, it would have been easy for me to accuse you of kidnapping my own niece. Sa airport pa lang sa Hong Kong. Ang lalaking sumusunod sa atin ay isang private detective."

"Oh," panlulumo niya. Napaupo sa sofa. "At...at
bakit siya ang itinuro ni Lolita na ikaw? Bakit sinabi niyang ang lalaking iyon ang nakita niyang kausap ni Evelyn minsan...na iyon si Angelo Chan ayon na rin kay Evelyn?"

May bahagyang guilt ang lumatay sa mukha ni Luke na iglap ding nahalinhan ng pormalidad at authority. "Bago mo dinala sa hotel si Lolita at ang bata ay nasa flat ako. Masinsinan kong kinausap si Lolita na mabuti ang intensiyon ko. Na hindi ko gustong basta na lang kuhanin si Charlyn. Bukod pa sa binayaran ko siya para iyon ang sabihin sa iyo..."

"Oh, god! All along ay tila isang eksena sa sine
ang nangyari. Para akong luka-lukang naniwalang iyon nga si Angelo Chan!"

"My kisses were real.."

"Damn you!"

Muling huminga nang malalim si Luke. "Kalalabas lang ng Makati Medical ang Mama ko, Regina, five days ago. Wala ako dapat sa Hong Kong kung hindi dahil sa utos niya. She wanted to see Charles daughter."

"Bakit hindi niya noon ginawa iyon?!" Naiiyak na siya sa galit.

"Sa maraming beses ay nagmakaawa ang Mama sa Papa na patawarin na si Charles at tanggapin si Evelyn pero hindi pumayag ang Papa. Gustuhin man Mama na makita sila'y hindi niya magagawang ng suwayin ang Papa

"Ganoon ka-submissive ang Mama mo?" patuyang wika niya.

"Hindi birong kahihiyan ang ibinigay ni Charles sa pamilya nang pakasalan niya si Evelyn. He was engaged to be married to a childhood sweetheart. Nakatakda na ang kasal nila. Naipamudmod na ang mga imbitasyon sa magkabilang panig. It was supposed to be a grand wedding between two family friends and business associates at sa Hong Kong gaganapin." Inuuri ng mga mata nito si Regina bago nagpatuloy. "Kakaiba sa ginawa mong hindi pagsipot sa sariling kasal dahil maliban sa sandaling iskandalo'y wala na. Nawalan ng isang matagal nang kaibigan ang Papa dahil ang ina ng fiancée ni Charles ay inatake sa puso sa matinding kahihiyan. Though she didn't die, naka-confine na siya sa wheelchair mula noon."

Walang makuhang sabihin si Regina roon. Nanuyo ang lalamunan niya. Kung sana'y nagmamahalan ang dalawa'y baka mabigyan niya ng dahilan ang ginawa ni Charles.

"Some long-time friends sympathized with the
aggrieved family. Hindi ilang business associates ang nawala sa Papa. Ang party na dinaluhan ni Charles kung saan nagkatagpo sila ni Evelyn ay isang asalto para sa kanya ng mga kaibigan niya. Si Evelyn ay regalo ng mga barkada ni Charles dito nang gabing iyon. Bayarang regalo. Wrapped in a big box." Isang ismid ang pinakawalan ni Luke sa bahaging iyon at muli siyang sinulyapan. Napahugot siya ng paghinga. She could imagine Evelyn coming out in a ribboned huge box semi-naked. Nakarinig na siya ng mga ganitong katuwaan at party para sa groom. Hindi siya makapaniwalang nagawa ni Evelyn iyon!

Nagpatuloy si Luke. "Three weeks after that should have been Charles and Myleen's wedding. Bagaman sinabi ng mga kaibigan ni Charles na hindi iyon ang una't huling pagkikita ng dalawa ay hindi sila umaasa na hindi sisiputin ni Charles ang kasal niya. Dalawang araw bago ang kasal ay itinanan niya si Evelyn. Hindi namin alam kung bakit. He was so fond of Myleen."

Hindi magawang makapagsalita ni Regina. Kung gayon ay totoo ang sinabi ni Evelyn sa sulat na walang pag-ibig dito si Charles. Tanging responsibilidad ang nagtulak sa huli upang pakasalan si Evelyn. Or Evelyn could have blackmailed Charles into marrying her and used her pregnancy! Hindi na niya malalaman ang dahilan pero iisa ang tiyak, pinilit ni Evelyn si Charles. Kung paano'y hindi niya masagot.

"Hindi kailanman pinaniwalaan ng mga magulang ko na anak ni Charles ang dinadala ni Evelyn. Every year ay nagpapadala ng larawan si Charles sa mga magulang ko subalit hindi iyon pinapansin ng Papa. Ni hindi nito pinagkakaabalahang buksan ang envelope. I was abroad throughout those times. May branch ang negosyo namin sa Paris. Ang unang jewelry manufacturer na pinagtrabahuan mo'y isa sa aming competitors, kaya noon pa man ay kilala na kita sa mukha.

"Isa sa mga pag-uwi ko rito sa Pilipinas ay hindi
sinasadyang mabuksan ko ang drawer ng Papa sa opisina. Naroong lahat ang mga selyado pang sulat ni Charles. Ako ang nagbukas ng mga iyon at nakita ko ang pamangkin ko sa unang pagkakataon sa larawan. Charlyn is Charles' spitting image. Ipinakita ko iyon sa Papa...." Tumiim ang mga bagang ni Luke sa bahaging iyon. A sudden bitterness and loneliness crossed his face.

"At hindi pa rin niya magawang magpatawad,
ganoon ba?" tuya niya. Bagaman duda rin siya kung ganoon nga ba kadaling magpatawad lalo na at hindi naging maganda ang mga ibinunga ng ginawa ni Charles.

Umiling si Luke. "Hindi rin marahil mapaniwalaan ng Papa ang nakita niya. Natitiyak kong napatawad na niya si Charles sa iskandalong ginawa nito sa pamilya subalit hindi niya napatawad ang sarili na hindi niya binigyan ng tsansa na makita ang bata. Ang atakeng dumating sa kanya sa araw na iyon ay fatal, Regina," Sinulyapan siya nito. "He never recovered. He died a month after that...."

"Oh."

"We never had the chance to contact Charles nang atakehin ang Papa dahil kahit ang Mama'y humina ang kalusugan sa nangyari. Everybody was busy attending my father who was in comatose for thirty days. Nang mamatay ang Papa'y naospital ang Mama. I had a handful, you know," tuya nito sa sarili. "Nang mailibing ang Papa'y laman ng peryodiko ang nangyari kay Charles sa isa sa mga dropping points nila sa Aurora province. Paano sa palagay mo tinanggap ng Mama iyon?"

Wala siyang kayang isagot doon. Kung tutuusin ay isa siyang outsider. Ni wala rin siyang karapatan kay Charlyn. Ang tanging nagtulak sa kanyang arugain ang bata'y ang habilin ni Evelyn. Pero hindi niya maitatangging napalapit na nang husto si Charlyn sa kanya sa loob ng isang linggong kasama niya ito. At alam niyang malaking kagalakan para sa ama ang makita ang bata. Pero sa narinig niya'y higit na kailangan ng
Mama ni Luke si Charlyn.

"And for two months I've been trying to contact Evelyn. Hindi niya ako gustong kausapin kaya inupahan ko ang private detective na iyon upang siya ang makipag-usap sa kanya. Wala ring silbi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya upang tumanggi. Noon pa'y ganoon na lang ang pagnanais niyang mapabilang sa pamilya namin," matabang nitong sabi.

Regina could guess. Lulong na sa droga si Evelyn. Hindi na wasto ang isip. Pangalawa'y alam nitong sa ganoong kalagayan ay tiyak na ipapa-rehabilitate ito ng mga Chan na natitiyak niyang hindi papayagan ni Evelyn. Pangatlo'y gusto nitong makaganti sa pamamagitan ni Charlyn. Which could be a selfish reason dahil kinabukasan ng bata ang nakataya. But then, ang nasa isip nito'y hindi nila pababayaan ng daddy niya si Charlyn.

"My mother wants to see her granddaughter,
Regina," pukaw ni Luke sa pag-iisip niya. "Natawagan ko na siya kahapon at alam niyang dadalhin ko anumang oras sa kanya ang bata. Gusto kong gawin iyon sa paraang pumapayag ka."

Kahit paano'y nakadama siya ng kaalwanan. Wala man siyang karapatan kay Charlyn ay isinaalang-alang ni Luke ang damdamin niya.

Isang nahahapong tango ang isinagot niya. She tried to smile. "Yeah." Isinara ang maleta. "I'll say my goodbyes to Charlyn. You can show me where the pool is." Hinila niya palabas ang maleta. Subalit hindi siya nakarating sa pinto. Pinigilan ni Luke ang braso niya.

"I want you to come with us, Regina."

"What?"

"Sumama ka sa amin ni Charlyn sa Tagaytay. Alam ng Mama na kasama ka namin. Naikuwento na kita sa kanya. At hindi ko gustong mailang nang husto si Charlyn dahil kahit paano'y estranghero pa rin ako sa kanya."

"I-I d-don't think --"

"Don't think," agap nito. A smile on his lips.
Encouraging, begging. "Come with us. Please."

"But-"

"Bakit sa palagay mo'y pinakibagayan kong lahat ang mga kalokohan mo mula Hong Kong kung hindi ko gustong kasama kita at makilala ang Mama?"

"Kalokohan?" Nanlaki ang mga mata niya. "Why, Mr. Chan-"

"Luke, Regina," he whispered above her ear
huskily. "At totoo ang sinabi ko sa iyo kanina-my kisses were real. Hindi kasama sa plano. I never intended to kiss you pero hindi ko mapigilan ang sarili ko tulad ngayon." And before she could blink, nasa mga labi na niya ang mga labi nito.

And her eager lips met his shamelessly.

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 566 21
JSS was intrigued when he saw Sandra crying desperately in a semi-darkened office room. Namumugto ang mga mata at namumula ang ilong nito sa kakaiyak...
49.6K 1K 31
Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa...
91.2K 2K 18
"I can't Remember When it Happened, Basta nagising na lang ako isang araw na hinahanap ka ng puso ko."
58.5K 1.4K 23
Madeline was foolish to have accepted a job from a strange old man. Ang trabaho ay nasa bayang nilisan niya may limang taon na ang nakalipas at ipina...