ALL-TIME FAVORITE: Regina & L...

By AgaOdilag

46.3K 941 114

Tinakasan ni Regina ang kasal nila ni Xander nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao nito. Nagtungo siya s... More

First Page
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
EPILOGUE

CHAPTER SEVEN

3K 67 8
By AgaOdilag

NASA ganoon pa rin siyang ayos nang muling
pumanhik si Luke dala ang maleta niya.

"You can refresh yourself," wika nito. "Make
yourself at home. Bababa ako uli at may kakausapin lang ako sandali."

Tumango siya subalit nakalabas na itong muli at nahila na rin pasara ang pinto. Humugot siya ng malalim na paghinga at nilapitan ang maleta at binuksan ito. Kumuha ng isang malinis na T-shirt at jeans. May pakiramdam siyang gusto niyang magbabad sa tubig sa init na nadarama niya. Air-conditioned ang unit pero kaninang umaga pa niya suot ang nasa katawan at gabi na.

Hinugot ang tuwalya niya mula sa maleta at nagtuloy sa banyo. Tinutukso siya ng bathtub subalit kailangan niyang magmadaling mag-shower at baka bumalik na si Luke. Nag-shower siya nang madalian. Pinatuyo ng tuwalya ang buhok at pagkatapos ay itinapis at lumabas. Humugot ng underwear at isinuot at pagkatapos ay ang jeans. Ibinaba sa carpet ang maleta at nagsuot ng bra.

Iyon ang inabutan ni Luke, ang pagho-hook niya ng bra sa may ibaba ng dibdib. Napasinghap siya nang malakas at mabilis na tumalikod at minadali ang pagtataas ng bra. Niyuko ang T-shirt sa ibabaw ng maleta at mabilis na isinuot. Pagkatapos ay galit na humarap kay Luke.

"Bakit hindi ka man lang kumatok?"

"If I did, di hindi ko nakita ang nakita ko lang
ngayon," he said in a huskier tone. "Isa pa'y hindi rin naman ako kumatok kanina nang ipanhik ko ang maleta mo. Anyway, ano naman ang dapat mong ikahiya? Hindi nga ba't halos wala rin namang tinakpan ang mga isinusuot mo sa rampa?"

"Walang kinalaman ang trabaho ko sa bigla mong pagpasok gayong hindi pa ako nakakabihis! And god!" She shook her head in frustration. "We barely know each other..."

"That can be remedied." nakangisi nitong sagot. "Nang sa ganoon ay may lisensiya akong-"

"Shut up!"

Itinaas ng lalaki ang mga kamay. "Okay, okay."
Tumingin ito sa relo sa ibabaw ng chrome shelf. "It's almost eleven. Are you hungry? We can order from here..."

Umiling siya. Hindi niya maintindihan ang lalaking ito. Sa isang sandali'y bastos at diretsahang nang-iinsulto.... sa sumunod ay maalalahanin.

"Are you sure? Bagaman wala akong hilig sa
matatabang babae, payat ka pa rin sa pamantayan ko. At kung hindi ka na nga babalik sa pagmomodelo, then you'd better start eating properly now."

Muling nag-init ang ulo niya. "Wala akong pakialam sa pamantayan mo! At hindi ako magpapataba o magpapapayat dahil lang sa iyo. At may palagay akong kulang ang vocabulary mo. Have you ever heard of the word 'slim'?"

He laughed. Gumuhit sa tig-isang sulok ng mga mata nito ang mga laugh lines na tila cobwebs.

Regina groaned inwardly. This man had his share of attraction.

"I guess you're right." He cocked his head and
again surveyed her body with appreciation. Huminto sandali sa dibdib niya at muling bumalik doon. "At wala rin akong hilig sa mga babaing tila unan ang dibdib. Dahil gusto kong sa braso ko nakaunan ang babae ko. Yours are just about right. Small, firm and --" Nahinto sa ere ang sinasabi nito nang makitang lumilipad sa ere patungo rito ang isang throw pillow. He ducked laughing and Regina missed her target.
nang

"Hey, stop it!" nakatawang awat ni Luke muli siyang dumampot ng throw pillow. "Magigising
mo ang bata..."

Effective ang warning. Matapos sulyapan ang
nahihimbing na si Charlyn ay ibinaba ng dalaga ang hawak at nakasimangot na naupo.

"Anyway, gigisingin ko rin naman siya. We have
to find ourselves a place to stay..."

"Don't be stupid. You're welcome here. Isa pa'y
hatinggabi na halos. We're both tired. At natitiyak kong bukas na ang gising ng bata. Magloloko lang iyan pag ginising mo."

Nag-angat siya ng paningin. "What do you know about kids? Are you married?"

Unti-unti ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Luke. Ngiting muli na namang nagpalambot sa mga tuhod niya na kung hindi siya nakaupo'y baka siya bumuway.

"Fishing?"

Umikot ang mga mata niya. "Hindi dahil sa personal na dahilan! Baka bigla na lamang may lumitaw sa pintong iyan at magsabing asawa mo siya. Paano mo kami ipaliliwanag..."

"I would take care of it should it happen. I don't like scandal," may lamang sabi nito. She was about to say something nang sundan nito ang sinasabi. "Ano ang gusto mong kainin?" Humakbang ito patungo sa telepono?"

Mabilis siyang umiling. "Thank you. But I'm tired and I'd rather sleep-" She stopped in mid-sentence nang makita ang ipinahihiwatig ng ngiti ni Luke. "If you don't stop insinuating something, lalabas kami ni Charlyn ngayon din." Naroon ang mariing babala sa tinig niya.

Pumormal si Luke. At bigla siyang nagsising
naiwala niya ang panunukso sa mood nito. He looked like a predator 'pag nasa ganoong anyo. At naging obvious na estranghero sila sa isa't isa.

"Pagod din ako. At tama ka, siguro nga'y
magpahinga na lang tayo. Tabihan mo si Charlyn at dito ako sa couch."

"No!" protesta niya. "That's your bed. Ako na
lang dito at ikaw ang tumabi sa bata. Hindi ka
magkakasya sa couch."

"Will you stop protesting at sumunod ka na lang?" Nasa tinig nito ang saway na tila siya bata. Pagkatapos ay itinaas ang sports shirt at hinubad.

"W-what are you doing?"

"Ano sa tingin mo?"

"H-hindi mo kailangang... maghubad..." May
bahagyang panic sa tinig niya.

Tumaas ang sulok ng bibig ni Luke sa patuyang ngiti. "Gusto mong ikaw ang maghubad sa akin?"

Napaungol siya. Tumawa si Luke.

"Alangan namang matulog ako nang nakadamit. But don't worry, hindi ako magtatanggal ng pants, titiisin ko alang-alang sa iyo," he said, laughter in his voice. "Siguro'y gusto mo ring magpalit ng pantulog mo. Go ahead, hindi ako titingin." Yumuko ito at pinagsalansan ang mga throw pillows sa armrest ng couch.

Pero hindi si Regina. Hindi niya mapigilang hindi titigan ang katawan ni Luke. A mat of dark hair all over his hard chest. Flat stomach. Corded muscles mula sa batok nito pababa sa matipunong likod. Halos wala pang tatlong hakbang ang layo nila sa isa't isa and she could feel the heat of his body na tila ba sumasanib sa init na nararamdaman niya habang pinagpipiyesta niya ang mga mata kay Luke.

Strange, kahit kailan ay hindi siya na-attract sa
lalaking medyo mapusyaw ang kulay. Si Xander ay medyo kayumanggi dahil Mexican-French ito. And she had always this penchant for dark men. Pero bakit ganito ang atraksiyon sa kanya ng lalaking ito na obvious na maputi?

"I'm afraid I might melt..." ani Luke sa amused na tono bagaman hindi humarap at inilatag ang sarili sa malambot na couch. Lampas-lampasan ang mga binti sa kabilang armrest.

Damn him! she cursed. Tila may mga mata sa
likod. Sinulyapan niya ito sa pagkakahiga. Nakapikit na ito at nakakrus ang mga braso sa dibdib. Napailing siya. Malaking tao para sa maliit na higaan.

She sighed softly at tinungo ang maleta at kumuha ng gamit-pantulog. Gustuhin man niya'y hindi siya makakatulog sa jeans at nakapulupot ang bra sa dibdib niya. At kailangan niya ng pahinga para makapag-isip nang tama kinabukasan.

Sa banyo siya nagpalit ng pantulog at nag-toothbrush at naglagay ng toner at moisturizer sa mukha. Nang lumabas siya'y nakapatay na ang malaking ilaw sa buong unit. Ang tanging nakabukas ay isang malamlam na ilaw na nagmumula sa corner lamp. Naririnig niya ang banayad na paghihilik ni Luke.

Bumangon ang simpatiya sa dibdib niya. He must have been tired also. Walang ingay siyang nakarating sa malaking kama na kung tutuusin ay ilang hakbang din lang mula sa kinalalagyan ng lalaki. Maingat na tumabi kay Charlyn.

Subalit may kalahating oras na siyang nakahiga'y hindi siya dalawin ng antok gayong kani-kanina lang ay tila gusto nang bumigay ang katawan niya. Pabiling-biling siya sa liigaan. Naroong tumayo at yakapin ang mga binti at naroong mahiga uli.

Nagulat pa siya nang mula sa inaakala niyang tulog na lalaki'y nagsalita ito. Enough para marinig niya at hindi magising ang bata.

"For heaven's sake, magigising mo si Charlyn sa likot mo. Bakit hindi ka matulog?"

"I-I'm not used to sleeping with a stranger..."

"You are not sleeping with me, sweetheart, though how I wish you would."

"Ang dumi talaga ng isip mo!" she hissed. Bahagyang umungol si Charlyn. Natilihan siya at banayad na hinaplos ang ulo ng bata na bumalik din naman agad sa pagkahimbing.

"All right," he whispered in an amused tone.
"Siguro nga'y napaka-unfair ko. I've been staring at your face a lot of times from magazines and have known your name. And I'm so pleased I've met you finally I'm Luke Daniels, a British-Filipino. Thirty-four years old, a businessman, and can speak some languages-that is, Tagalog, English, French and Mandarin, and unmarried. This is my flat and I'm sure you can't doubt that. I haven't been apprehended for drug trafficking or murder or for raping pretty ladies. And if it makes a lot of difference, hindi rin ako nakakatulog 'pag may kasamang magandang dalaga sa silid ko." His voice was silky at mula sa sala-salang square cubes ay alam niyang nakatitig ito sa kanya. The faint light from the lamp ay nagpa-obvious sa intimacy ng sitwasyon nila.

Nagpatuloy si Luke sa nang-aakit na tinig. "Lalo na at ang dalagang iyon ay may suot na manipis na negligee at nasa kama ko mismo. Gumagana ang mayaman kong imahinasyon. I can think of a thousand things to do than lie here and pretend to be asleep. And... lady." He paused for effect. "Mahirap mahiga nang nagsisikip ang maong. I'm aching...."

"I'm sure you've got paracetamols in your medicine cabinet. Take two," padabog niyang sagot at isinubsob sa unan ang mukha.

Nag-echo sa apat na sulok ng unit ang malakas na tawa ni Luke. Strange na hindi man lang tuminag si Charlyn.

The unfairness of this world!

Continue Reading

You'll Also Like

105K 4.8K 44
(for mature readers only 18 and up) The story of Brixton Ford "I might hurt you Lucia, I am rough SAVAGE even, I can never be gentle" he warned her...
72.9K 1.7K 21
Joe had been Guada's friend since forever. Wala siyang problema na hindi nito ginawan ng paraan, totoo man o kinatha niya. Kinatha, dahil mas gumagaw...
67.7K 1.4K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...
31.5K 796 12
"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between...