Dopamine Rush

Par imaginator_t1eo

2.7K 90 11

"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa... Plus

i.
ii.
iii.
1- IF THE SHOE DOESN'T FIT, DON'T WEAR IT.
2- EH?
3- THE CHAOS HAS ARRIVED.
4- DISTURBING PEACE JUST TO MAKE A MESS.
5- DEFYING CUPID.
6- THE PROCESS; LOVE IN PROGRESS.
7- SWEETEST TACHYCARDIA.
8- TRIAL AND ERROR.
9- HARD LAUNCH.
10- DOPAMINE RUSH.
11- BITTERSWEET.
12- 365 DAYS OF US.
13- PILLAR OF STRENGTH.
14- COMING HOME.
15 - THAWED.
16- ALGIA: In a World of Hurt
17- SILENT SCREAMS, LOUD PAIN.
18- PAINFUL FINALE.
19- MAKE ME REGRET.
20 - AGAINST THE ODDS.
21- LOVE: THE SECOND TIME AROUND.
22 - WHEN DREAMS BECOME A PERSON.
23 - TO DREAM AGAIN.
24 - WHEN TIME DISAGREES..
25 - IN THE MIDST OF HIS HECTIC LIFE.
26- WHY DOES IT HAS TO BE ME?
27 - JOSH.

PROLOGUE.

444 4 0
Par imaginator_t1eo


DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Kakagising ko lang pero para bang wala pa akong tulog sa sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko.

"Shit." Usal ko.

Naramdaman ko ang kirot ng katawan, pati na rin ang bigat ng pakiramdam nang bumangon ako.

Pumikit man ako o dumilat ay parehas lang na umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako at tila ba sinisilaban ang buo kong katawan. Hinang-hina ako at sobrang sakit pa ng ulo.

As I checked my temperature, umabot ito sa 39°C. Pinilit kong bumangon upang magluto ng sopas. I took one paracetamol and sit in a cold bath. After changing in a light clothing, I got back to bed. Pumikit ako hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.

"Pati ba naman phone ko wala nang time na mag-alarm para sakin.." I hissed, turning my annoyance over the poor cellphone at my hand. 

Nagising ako bandang alas syete na ng gabi. Lampas na naman sa oras ng pag-inom ng gamot.

Ganitong panahon ko mas lalong namimiss si Mama. Naalala ko noong magtanong ang CI ko way back college. Saan daw ba ako pumupunta kapag mayroon akong sakit, sa hospital or sa albularyo? At ang tanging sagot ko ay 'sa kwarto po ni Mama.'

Nakakatawa.  

  "Busy na naman siya." I unconsciously uttered while staring at my phone. Sadness and disappointment was evident in the hoarseness of my voice.

I sighed.

Hindi na nakakatuwa.

Kumain na ako ng light meal para easy to digest lang. Isa pa, wala din naman ako ganang kumain. Kailangan lang talaga para maka-inom ng gamot. After taking another paracetamol, bumalik ako sa pagtulog.

Na-alimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko.

"Hello?" Antok kong sagot sa tawag.

[Hi, Iz.] He answered with his natural soft voice and calm tone. [Nasa labas ako. Can you open the door for me?]

"Teka lang." I replied and ended the call.

Unti-unting napawi ang nararamdaman kong tampo nang mabungaran sa kabila ng pintuan ang napakaganda niyang ngiti. At tuluyan ko na ngang nakalimutan ang pagtatampong meron ako nang agad niya akong salubungin ng isang nanlalambing na yakap.

"You're febrile, Iz." He whispered, feeling my forehead with his cheek. Puno ng pag-aalala ang malambing nitong boses.

"I haven't been feeling well since this morning." Namamalat kong sagot.

"You should've told me. Naibili sana kita ng chicken soup." He said while gently combing my hair.

"Actually, I did." Mahina kong sagot, pilit na itinatago ang tampo sa boses ko.

Sandali siyang natigilan at saka bumuntong hininga.

"I'm sorry." Mahina din niyang sabi at saka muling sinuklay ang hibla ng mga buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. "Ako na lang ang magluluto."

"Nagawa ko na." Buntong-hininga ko.

He smiled, a sad one. Marahan niya akong hinila at pinaupo sa couch.

"Uminom ka na ba ng gamot?" He asked. Pilit naghahanap ng bagay na magagawa niya para saakin.

"linom palang." I replied.

Tumango siya at saka pumunta sa kitchen counter para initin ang soup. Pinanood ko siyang gawin lahat ng balak niyang gawin. He served the soup na agad ko namang kinain. Pagkatapos, he checked my temperature.

"38.6," He said while looking at the thermometer. Saka bumaling saakin. "Bumaba ba?"

"Medyo." Tango ko.

"Good." He said, followed by a sigh of relief.

Iniligpit na niya ang mga pinagkainan habang ako naman ay pinanood ang bawat niyang galaw.

"Can you stay here after your shift?" I asked, hopefully.

But then, he sighed.

Buntong hininga niya pa lang, alam ko na. Napahinga na lang din ako ng malalim. Kahit malabo, umaasa pa din na sana ako naman muna 'yong unahin niya.

"I can't. Long-call shift, Iz." He answered while drying his hands.

"Hospital na naman over me?" Supposedly, it was a joke, but seems like my system declined some humor.

Bigla siyang natigilan at napatingin saakin. Tinging malungkot, tinging napapagod .

Muli siyang bumuntong hininga at saka lumapit saakin. Hinila niya ako palapit at pagkatapos ay niyakap.

"You know that it is part of my residency, right?" Malumanay nitong tanong gamit ang mga matang nangungusap. "Please don't start an argument, Iz. I'm tired."

Tinitigan ko siya ng matagal bago ako yumuko at napabuntong-hininga na lang.

"Ako din naman, Carlo." Tango ko and then shot a smile that didn't reach my eye. "I'm tired as hell. Napapagod na din akong umintindi at maghintay kung kailan ka available. It's exhausting."

"Pwede bang wag ngayon?" Saway niya.

"Kung hindi ngayon, kailan?" I asked. "Paulit-ulit na lang. Ito at ito na lang. Kailan matatapos to? Kailan maayos kasi napapagod na ko. Carlo, 'yan ka na naman e. Lagi na lang."

"Iz naman.." Napapagod nitong saad.

I shook my head in disappointment.

"Pareho tayong nasa medical  field kaya akala ko maiintindihan ko, Carlo. Pero mukhang mali ata ako ng akala." I said. Napapagod, naiinis. "I'm sorry but I really hate the idea of me, having a boyfriend who graduated from a medical school, received his M.D. degree, currently working as a resident doctor, soon to be an anesthesiologist.. but can't even take care of me! Talaga ba, Carlo?"

Nagsalubong ang mga kilay niya at hindi makapaniwala sa narinig.

"Dont." He replied. "You don't know what you're saying. So don't, say another word. Just don't."

Pagak akong natawa at saka tiningnan siya ng masama.

"Fine. Umalis ka na, Carlo. Nasasanay na din naman akong wala ka." Matigas kong sabi at saka iniwan na siya sa sala. Tumuloy na ako sa kwarto at nahiga. Iniyak ko nalang ang bigat na dala sakin ng trabaho ko, ng attending physician na yon, at ng boyfriend kong si Carlo.

I let myself cry, silently. Nanatili akong nakatagilid patalikod sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Narinig ko maging ang pagbuntong hininga niya.

Iniwan niyang nakasara ang ilaw at saka pumanhik sa kama para yakapin ako mula sa likod.

"Babawi naman ako, lz." He whispered, apologetically. "Hintay lang, please."

Mas lalo akong naluha sa boses niya na may pinaghalong lambing at pagmamakaawa.

Tahimik kong dinama ang kanyang presensya. Sa isang simpleng yakap na iyon ay unti-unting gumaan ang aking kalooban. Pinapatahimik ang ingay sa isip ko, at kaguluhan sa puso ko.

Nandoon lang siya, nakayakap sa likod ko.

Kapwa tahimi, payapa.

"You think, kaya mo pa akong isabay sa residency mo?" I asked, breaking the silence. "Carlo, sabihin mo lang kung hindi na."

Bahagya niyang napigil ang kanyang paghinga. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang bahagyang paghigpit ng yakap niya.

"Kaya ko, Iz." He answered. Napapagod, nalulungkot, nagmamaka-awa dahil sa 'di maitagong takot. "Bakit? Hindi mo na ba kayang sumabay sa residency ko? Please wag mong sabihing hindi na."

Isa iyong mahabang katahimikan. Muling tahimik na pumatak ang mga luha ko.

"Kinakaya ko, Carlo." Tango ko.

At sana kayanin ko.

________________________________________________________________________________swipe to continue...

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

584K 31.3K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
970K 86.3K 39
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...