South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 245K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 49

70.5K 4.6K 3.2K
By JFstories

WALA NA AKONG PERA.


Ang aking huling pera na natatabi ay iyong ipinangpakabit ko sa kuntador at iyong nine thousand na ibinigay ko pambayad sa electricity bill sa bahay nina Isaiah.


Aabot pa naman sana ang budget ko hanggang next week kung hindi lang nawala ang aking purse sa locker. Mabuti na lang talaga dahil sahod na ngayong gabi. Maliban kasi sa pamasahe ay bente na lang ang extra ko. 


Wala rin akong baon kaya hanggang sa uwian ay titiisin ko na lang ang gutom. Sa breaktime ay nag-phone na lang ako. Pinanood ko ang mga video messages sa akin ni Vien kagabi. Ang gamit ng bata ay ang phone ng lola nito. [ Low, Mommy ku! ]


Pagka-tap ko ng video ay nag-play agad iyon. Nakatayo ang bata sa kama. Marungis ang bibig dahil may nginunguya na naman. Parang may kulay na bubble gum.


[ Mommy ku, hulaan mu nga asan aku! ] Obviously sa background ay nasa kuwarto ito ni Isaiah. Nagpatuloy ako panonood. [ Oh, Mommy, anu na? Siret?! ]


Humagikhik ang bata. May bumato rito ng unan kaya patalbog na napaupo ito sa kama, pero tawang-tawa pa rin ito.


[ So, Mommy ku, ayun nga. Anditu ku sa kuwarto ni Daddy ku. Mommy kase ganto 'yan, ah... Miss you, Mommy ku! I miss you and I love you! ]


"I miss you and I love you, too, baby..." sabi ko kahit pa hindi naman ako maririnig ni Vien.


Muling humagikhik si Vien. [ So, Mommy, sweet ku?! E si Daddy hinde siya puwede mag ganun sa 'yu di ba kase friends lang kayu?! ]


May bumato ulit kay Vien ng unan pero balewala lang. Kandasubsob ang mukha ng bata sa screen ng phone pagbaba nito sa kama.


[ Mommy ku, sabe ni Wowa maarte raw si Daddy ku. Nun wala ka raw e iiyak-iyak, tapos pagdating mu, cold boy– ] Hindi na nito natapos ang video dahil may humablot ng phone dito.


Na-sent ang video kahit putol. Ang sumunod naman na video ay may interval na mahigit twenty minutes din.


[ Low Mommy? ] Wala na si Vien sa kuwarto ng daddy nito. Nasa banyo na ito dahil ang background ay tiles ng banyo. [ Saka na tayu mag-usap, Mommy, Oki? Kase may secret aku. Nag-wiwi ako sa kama kagabe. So, ayun nga, Mommy, galet si Daddy ku. ]


Napatakip pa sa bibig si Vien na akala mo ay may hindi dapat makarinig sa sinasabi nito, pero ang lakas pa naman ng boses nito. Sa backround naman ay may maririnig na sunod-sunod na katok sa pinto ng banyo.


Nauulinigan ko ang gigil na boses ni Isaiah. [ Kulitis, ano ba? Bubuksan mo 'to o isasako kita! ]


Napahagikhik naman si Vien habang hawak-hawak ang sariling bibig. [ Mommy, ba-bye na muna, ha?! Gagalet na si Daddy ku! Ba-bye, Mommy! I love you, I miss you! Mwa! ] Inginudngod nito ang nguso sa screen.


Pagkatapos mapanood ang video ni Vien ay busog na ako. Bumalik na ako sa loob para magtrabaho.


Pagdating ng uwian ay mga nakaabang na kami sa pagpasok ng sweldo, para lang madismaya dahil delayed pala. Himutok na lang ng mga katrabaho ko ang maririnig hanggang sa mag-out na kami pare-pareho.


Pauwi ay nilakad ko lang ang palabas ng Gate 3. Pagkarating sa labas ay balak ko na magpahinga muna dahil sa sobrang pagod, at para na rin mag-isip kung paano ko mapagkakasya ang bente pesos na luma para pamasahe sa jeep.


Katatayo ko lang sa gilid ng kalsada nang may motor na huminto sa harapan ko. A thin man wearing a helmet was riding it. His polo was similar to my polo uniform, so I knew we were working for the same company.


Nang mag-alis ang lalaki ng helmet ay saka ko nakita ang mukha. Guwapo naman. "Hello, Vivian. Ako nga pala si Johny. Katabi mo ako sa linya."


Johny? Ah, natatandaan ko na siya. Sikat siya sa dahil nga may itsura at astig daw ang motor. Kaya lamang, balita na may anak na siya na hindi niya sinusustentuhan. Nabunyag iyon dahil i-p-in-ost siya siya ng dati niyang live in partner sa social media.


"Pauwi ka na ba, Vivian?" matamis ang ngiti na tanong niya sa akin. "Gusto mo bang kumain muna ng footlong sa kanto?"


Pinag-iisipan ko kung paano siya tatanggihan na hindi siya mao-offend nang biglang may magbusina sa tapat namin. Saka ko lang napansin ang naka-park doon na isang brandnew Hyundai sedan na kulay itim.


"Puta, sino ba iyon?" narinig kong mahinang sabi ni Johny. "Angas porke't de-kotse ang kupal!"


Bumukas ang pinto sa driver's seat ng sedan. Bumaba mula roon ang isang matangkad na lalaki na naka-white polo, faded jeans, at may suot na specs sa seryosong mga mata. Humakbang siya palapit sa amin. Napanganga ako nang makilala siya. Si Eli!


Pagkalapit niya ay ngumiti siya pero ang mga mata niya ay seryoso. "Hi, Vi. Nandito ka na, sakto lang pala hintay ko."


"Sinusundo mo ako?" hindi makapaniwala na tanong ko. Maaga pa kasi at mukhang napakaaga niyang umalis sa Manila.


"Yup. So, tara?" Hindi na hinintay ni Eli na sumagot ako. Kinuha niya na ang dala kong bag at isinukbit sa balikat niya. Pagkatapos ay hinawakan niya na ako sa pulso.


Nang maparaan kami sa harapan ni Johny ay malamig na tiningnan ito ni Eli saka niya ako hinila paalis. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam dito.


"Eli," tawag ko sa kanya dahil hanggang sa loob ng kotse ay seryoso ang mukha niya. Hindi siya nagsasalita.


Doon lang siya tumingin sa akin. "Bakit ang tagal mong lumabas? Di ba kanina pa out mo?"


Hindi ko na itinago sa kanya ang dahilan. Wala naman akong ibang mapagsasabihan kundi siya, siya lang naman ang kaibigan ko. Sa kanya ko na inilabas ang frustration ko, mula sa pagkawala ng purse ko, hanggang sa delayed kong sweldo.


Napabuga siya ng hangin. "Mag-resign ka na."


"Naku, hindi puwede!" Ang daming bills tapos pagkain pa, paano ko maa-afford mag-resign? Nag-iisip ba siya? Kailangan ko munang bumuwelo kung sakaling lilipat ako ng trabaho.


"Ako na lang magbibigay ng trabaho sa 'yo," sabi niya na ikinagulat ko na naman.


"Ano namang trabaho?" Lumabi ako. 


"Basta. Pag-iisipan ko pa. Pero mag-resign ka na. Sa akin ka na magtrabaho, papabalehin agad kita para may budget ka."


Napangisi ako. "Eli, ang big time mo na talaga." Nakaka-proud talaga siya, hindi ko tuloy maiwasang pakatitigan siya habang ngiting-ngiti ako.


Si Eli naman ay parang biglang nailang. Pinamulahan siya ng mukha at napaiwas ng tingin. Sa kaiiwas niya ay muntik tuloy kaming mabangga sa sasakyan na nasa gilid namin.


"Eli, ano ba? Mag-ingat ka!" Muntik akong masubsob sa dashboard ng kotse niya kung hindi lang ako naka-seat belt.


"Sorry, sorry." Lalo naman siyang namula. Ang pamumula ay ngayo'y umabot na hanggang sa leeg niya.


Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Baka katulad ko ay pagod din siya. Galing pa kasi siya sa Manila.


Nasa Tejero na kami nang mapansin ni Eli na panay ang sulyap ko sa kanya. Naiilang na siya at nang hindi makatiis ay itinulak niya na ng kanyang kamay ang aking mukha. "Sabihin mo na ang kailangan mo bago pa kita ihulog sa kalsada."


Napabungisngis ako. "Sobrang halata ko ba?"


"Oo. So, ano nga? Sabihin mo na."


Napabuga ako ng hangin. Hay, ang desperada ko na kasi kaya siguro obvious na obvious na ako. Tumikhim ako bago nagsalita, "Eli, puwede bang... mangutang?"


Nangunot ang noo niya matapos sumulyap sa akin. "Magkano?" sagot agad niya.


Napakamot ako ng pisngi sa hiya. "Uhm, babayaran ko rin agad pagpasok ng sweldo ko. Pautang sana kahit five hundred lang. Puwede mong tubuan, pero sana maliit lang."


Kakasya na ang five hundred dahil matipid naman ako. Sana lang ay bukas pumasok na bukas ang sweldo. May bill na kasi ng tubig ngayong linggo. 


Nang maabutan kami ng sandaling traffic ay kinuha niya ang kanyang wallet sa bulsa. Nagulat ako nang kumuha siya roon ng tatlong libong papel saka inabot sa akin.


"Eli, five hundred lang!"


"Tanggapin mo na dahil baka kulangin ka. Bayaran mo na lang ako kapag nanalo ka sa Lotto."


"Eli, paano ako mananalo e hindi naman ako tumataya roon?!"


"E di tumaya ka, problema ba iyon?"


Hindi na ako nakatanggi dahil isiniksik niya na ang pera sa nakaawang na zipper ng bag ko. Nangako na lang ako na babayaran siya kahit pa hindi ako manalo sa Lotto.


Nang umusad na ang mga sasakyan ay umusad na rin kami. Nakayuko ako dahil sa hiya. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita 'tapos inutangan ko na agad siya. "Eli, thank you," mahinang anas ko.


Pagdating sa kanto ng Malabon ay inabot ako ng malaking palad ni Eli. Ginulo niya ang buhok ko. He wasn't looking at me when I looked up at him, but his red lips were smiling.


Sa PK2 ako nagpababa kay Eli. Sa may kanto. Alam niya na aasikasuhin ko pa kasi si Vien. Bumalik na sa pagkaseryoso ang mukha niya nang iparada ang kotse sa gilid ng kalsada. Nag-aalis ako ng seat belt nang magsalita siya, "Vi, bakit hindi ka na kina Isaiah umuuwi?"


Napahinto ang mga kamay ko at kagyat na napatingin sa kanya. Hindi naman sa akin nakatuon ang mga mata niya, kundi sa kalsada.


"Okay lang kung hindi mo gustong sagutin." Saka siya sa akin tumingin. Seryoso pa rin ang kanyang ekspresyon habang malamlam ang mga mata niya.


Maliit ako na ngumiti kay Eli. Bago bumaba ay nagpasalamat ulit ako sa kanya. Hindi pa siya umalis hanggang sa hindi niya natatanaw na nakapasok na ako sa compound ng mga del Valle.



HINDI KO NABAYARAN SI ELI. Nang matanggap ko na ang aking sweldo nang sumunod na araw ay nanghina ako dahil sa dami ng kaltas. 


Humingi ako ng pasensiya kay Eli, at balak sana ay maghulog muna kahit isang libo, pero kahit anong pilit ko ay hindi niya tinanggap. Sa susunod na lang daw ako magbayad. Nangako ako na magbabayad na talaga sa susunod, ngiti lang naman ang sagot niya.


Plano ko rin na hulug-hulugan ulit ang lupa namin sa mama niya. Ilang taon na kaming walang hulog pero kahit kailan ay hindi nakaisip si Tita Hannah na ipagiba ang bahay namin. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanilang mag-ina.


Ang maliit na sweldo ko ngayon ay napunta lang sa bill ng tubig, budget na kalahating kaban na bigas, ilang delatas, sabon panlaba, at ilang pirasong toiletries. Nagtabi ako ng budget sa pamasahe papasok sa trabaho at pagpunta sa PK2.



UMUSAD ANG MGA ARAW. Pagkatapos kong asikasuhin si Vien ay nilapitan ako ni Mama Anya. "Vivi, hindi ka na kumakain dito."


Kahit ang papa ni Isaiah ay nakatingin sa akin. Ngayon ay nagkakape ito sa mesa. "Maaga pa, anak. Sumabay ka sa amin ng mama mo mag-almusal. Nami-miss ka na namin."


Isang mabait na kiming ngiti ang iginuhit ko sa aking mga labi bago magalang na sumagot, "Hindi na po. Kakakain ko lang din po kasi sa trabaho bago ako pumunta rito."


Palagi akong niyayaya ng mga magulang ni Isaiah, halos araw-araw hindi nagsasawa ang mga ito. Pero hindi ko napagbibigyan kahit kailan. Nagmamadali akong umalis palagi.


Hindi naman ako nagsisinungaling. Nagbabaon ako lagi ng sandwich pagpasok at kinakain ko sa uwian, para hindi ako gutom na pupunta rito. Dahil hangga't maaari, iniiwasan ko na ang magtagal sa lugar na ito.


Pagkatapos magmano sa mga ito ay umalis na kami ni Vien. Paglabas ng gate ay sakto na kapapasok lang ng motor ni Isaiah. Ngayon na lang ulit kami nagpang-abot.


Wala na siyang suot helmet kaya nagtama ang aming mga mata. Kaswal ako na yumuko at inayos ang bimpo sa likod ni Vien kaya nakaiwas ako sa kanyang nanunuot na tingin.


Inaamin ko na nagulat ako. Hindi ko kasi inaasahan na makikita si Isaiah dahil hindi pa naman weekend. Akala ko ay hindi na siya umuuwi kapag may pasok. Pero heto at nandito siya na biglang dumating.


"Luh, si Daddy ku!" Tinakbo agad siya ni Vien pagka-park niya ng motor sa garahe.


Ako naman ay isinara ang gate na nakabukas. Paraan na rin para may magawa habang naghihintay. Pagbaba naman ni Isaiah sa motor ay binuhat niya agad si Vien. Ginawa niyang barbel ang humahagikhik na bata.


Nang ibaba niya na si Vien ay dito lang nakatuon ang aking mga mata. Kaswal lang din ang boses ko nang tawagin ang bata. "Vien, tara na. Baka ma-late ka na sa school..."


Tinanguan ko naman si Isaiah pero hindi pa rin tumitingin sa mga mata niya. Paalis na kami nang magsalita siya.


"Hatid ko na kayo."


"Yey!" Napairit sa tuwa si Vien. Excited na maihatid sa school pa-motor.


Si Isaiah na ang nagbukas ulit ng gate. Sumakay na siya sa big bike niya habang kabuntot si Vien na nangingislap ang mga mata sa excitement. Ako ang umalalay sa bata sa pagsampa sa likod ng motor. Nasa garahe lang din ang pangbatang helmet nito.


Matapos ayusin ito ay nagbilin ako. "Kumapit kang mabuti at 'wag kang malikot, ha?"


I caught a glimpse of Isaiah looking at me in his big bike's rearview mirror. Hindi na siya nag-helmet kaya huling-huli ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi. I even heard him clicking his tongue.


"Hindi na ako sasama," matipid kong sabi at hinaplos sa braso si Vien. "Ihahatid ka naman na ng daddy mo. Magkita na lang tayo bukas, ha? Ubusin mo ang baon mong food, ibibili ulit kita bukas ng Moo."


Nalungkot man ang cute na mukha ni Vien ay tumango na lang ito. "Sige, Mommy ku, uwe ka na saka pahinga. Sabe ni Wowa lage ka raw pagod, ee. Thank you, Mommy ku..."


Pumuwesto na ako sa gate para abangan ang motor sa paglabas. Nang dumaan sila sa harapan ko ay hindi na ako nagtaas ng paningin. Paglampas nila ay inaba ko ang sarili sa pagsasara ng gate.


Nang may dumaang tricycle ay pumara na agad ako at sumakay na rin agad ako roon kahit hindi pa tuluyang nakakaalis ang motor ni Isaiah. Sa pag-upo ko sa loob ay nakita ko pa na nakatingin siya, pero kahit tango ay hindi na ako nag-abala.



DUMATING ANG WEEKEND. Walang pasok sa kompanya ngayon. Hindi ko alam kung walang gawa o dahil may problema sa internal. Napagod na lang ako sa paglilinis ng bahay pero bored pa rin ako.


Kapag wala akong ginagawa ay nami-miss ko ang anak ko. Hindi ko lang magawang pumunta ngayon sa PK2 dahil nga weekend.


Katatapos ko lang maligo nang mag-text ang mama ni Isaiah. Nakay Carlyn daw si Vien at gusto nang isauli, kaya lang ay tutugtog daw si Isaiah mamaya sa Kiss Bar, ang resto bar ng kaibigan ng lalaki sa Pinagtipunan.


Nag-reply ako na kikitain ko na lang si Carlyn para kunin si Vien, kaya lang ay on the way na raw ang mga ito sa resto bar.


Paglabas ko ng gate ay saktong parating ang kotse ni Eli. Pagtapat sa akin ay nagbaba siya ng salamin sa rearview mirror. "May lakad ka?"


"Pupuntahan ko si Vien. Wala raw magbabantay, e."


Napatingin siya sa suot na wrist watch bago muling tumingin sa akin. "Sakay ka na. Samahan kita."


"Ha? Naku, 'wag na—"


"I insist. Off ko kaya wala naman akong gagawin ngayon. At saka miss ko na rin ang inaanak ko. Ang tagal ko nang hindi nakikita." Hindi na ako nakatanggi dahil in-unlock niya na ang passenger's seat.


Napapayag ako ni Eli dahil gusto ko ring makatipid sa pamasahe. Kung magta-tricyce kasi ako balikan ay baka maka-isang daan din ako. Syempre sa pabalik ay special fare dahil kasama ko na si Vien.


Byumahe na kami papunta sa Pinagtipunan. Pagdating sa Kiss Bar ay parang bilang bumagal sa paggalaw ang paligid.


Marami na ang nagbago sa maliit na resto bar. Renovated na ang harapan, bagong pintura na kulay apple green, at puro salamin na ang dingding. Pero iyon pa rin ang resto bar na natatandaan ko. Iyon pa rin ang resto bar kung saan suma-sideline noon si Isaiah sa tuwing kinakailangan namin ng pera...


My palms were cold as I went to the entrance of the resto-bar. The memories of the past took turns in assaulting my senses. Pilit ko iyong iwinawaksi hanggang sa matuon sa matangkad na lalaking nakatayo sa may bandang stage ang aking paningin.


Sa lahat ng tao sa loob ay sa kanya agad tumuon ang aking mga mata. T-shirt at jeans ang kanyang suot. Nakasimangot ang guwapo niyang mukha sa kausap. Sa kabila ng pagsimangot ay maamo ang kanyang mga mata.


Pero pag sa akin nakatingin ay malamig o kaya ay walang emosyon ang mga iyon.


Ipinilig ko ang aking ulo at inilibot ang paningin sa resto-bar. Wala pang gaanong tao dahil hapon pa lang.


Ang mag-asawang Miko at Zandra ay nagyayakapan sa gilid. Ang mga ito ang nagkatuluyan. Noong una ay si Miko ang galit, pero nang hindi nagpaamo si Miko ay si Zandra na ang sumunod na nagalit. This time ay si Miko na ang sumusuyo rito. 


May iilang ding tambay na estudyante sa resto-bar. Karamihan ay mga babae, mga teen agers na malamang ang paalam sa mga magulang ay gagawa lang ng project, pero dito naman talaga ang punta.


Ang dalawang nadaanan ko ay parang nasa Grade 9 or 10 pa lang.  "Tingnan mo iyong asawa ng may ari nitong bar! Ang guwapo talaga, kaya lang may asawa na! Pero okay lang naman sa akin maging shubit!" sabi nito sabay hagikhik.


Si Michael Jonas Pangilinan o 'Miko' na isa sa mga tropa ni Isaiah, at asawa na ni Zandra, ang pinag-uusapan ng mga babaeng kabataan. 


"Ang bet ko naman ay iyong kumanta kanina. Mhie, ganda ng boses 'tapos pakaguwapo rin! Ang tangos ng ilong saka ang pula ng labi, gagi!"


Hindi ko na kailangang alamin kung sino ang tinutukoy nito. Wala akong reaksyon na lumampas sa mga ito.


Hinanap ng aking paningin ang sadya ko. Nasa likod ng stage si Vien at nakikipaglaro sa isang maliit na batang lalaki. Three years old pa lang yata. Mukhang anak ni Miko dahil kamukha.


Paglingon ni Vien sa akin ay napatili ito. Dahilan para ang mga mata ni Isaiah ay napatingin agad kung nasaan ako. Ang pagkakasimangot niya ay nawala, at ang atensyon niya sa kausap ay sa akin na napunta.


Yumakap sa bewang ko si Vien, at iyon ang naging dahilan ko para iwasan ang tingin ni Isaiah.


Ang kausap ni Isaiah na si Carlyn ay nakatingin din sa akin. Nasa mga mata ng babae ang amusement. Ngingiti-ngiti ito habang naiiling nang iwan si Isaiah.


Nang wala na ang babae ay saka ako lumapit kay Isaiah. "Sabi ng mama mo, kunin ko raw si Vien dahil may gagawin ka."


Hindi ko tiyak kung alin sa mga sinabi ko ang nagpasalubong sa makakapal at itim na itim niyang kilay. "Saan kayo?"


Sumagot pa rin ako sa mahina at kalmadong tono, "Sa bahay na lang muna siguro."


Tumaas ang isa niyang kilay. "Bahay?"


Napakurap ako. It was like cold water was poured on me when I realized what he was really asking, but I still tried to answer him casually, "B-bahay namin sa Buenavista."


Tumango-tango siya. Ang mapulang mga labi ay nakataas ang gilid nang bahagya.


"S-sige, aalis na kami. Ako na lang ang maghahatid kay Vien mamaya sa inyo..." Tumalikod na ako.


Naglakad na kami ni Vien patungo sa exit ng resto bar. Hahawakan ko pa lang ang glass door nang mapahinto ang bata. "Mommy, si Daddy ku!"


Bahagya lang ako na lumingon. Nasa likod na pala namin si Isaiah. Nakatayo siya at hawak ang susi ng motor niya.


Bumaba roon ang paningin ko, saka ako mahinang nagsalita, "May sasakyan kami."


"Waa, sasakyan?!" Namilog naman ang mga mata ni Vien. "Motor din ba na astig iyon, Mommy ku?!"


Umiling ako habang ang aking mga mata ay nananatiling kalmado lang. "Hindi motor... kotse."


Tumiim ang bagang ni Isaiah. "Kaninong kotse?"


Nagtanong siya pero sa mga mata niya ay parang may ideya na siya. He was about to say something again when someone pulled the glass door behind me.


Ang mga mata ni Isaiah ay awtomatikong dumilim. Gusto ko pa mang ipagtaka ang dahilan ay meron na akong hinala.


"Elias Angelo." Narinig ko ang mahina bagaman mariin na pagbanggit ni Isaiah sa pangalan nito.


Sa paglingon ko ay hindi nga ako nagkamali. Nasa likod ko si Eli. He was holding the handle of the glass door while his cold eyes were looking directly at Isaiah.


"Isaiah Gideon, nakalimutan mo na yatang nag-e-exist pa ako."


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...
14.9M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
316K 8.5K 30
Boss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding becau...