ALL-TIME FAVORITE: Regina & L...

Par AgaOdilag

46.6K 941 114

Tinakasan ni Regina ang kasal nila ni Xander nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao nito. Nagtungo siya s... Plus

First Page
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
EPILOGUE

CHAPTER FOUR

3.1K 62 7
Par AgaOdilag

HINDI humihinga si Regina. Inaasahan na
niyang itutulak siyang palayo ng lalaki. Ang malamig at tila galit na mga mata'y nadagdagan ng pagtataka. Pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng mga labi nito.

"Hindi ko alam na naghihintay kapala sa akin..."
he said in amused sarcasm at bahagyang binalingan ng tingin ang batang nakatanga sa kanilang dalawa.

Pilipino! Muli siyang lihim na umusal ng
pasasalamat. Kung Chinese national ang lalaki'y naloko na siyang lalo.

"G-ganito kasi iyon...alam mo...may humahabol sa amin...at..." Napapikit siya and groaned silently. Nagkakabulol-bulol siya. At nang lumingon siya sa likuran ay nakita niyang nahinto sa kinatatayuan nito si Angelo Chan at nakakunot ang noong nakatingin sa kanila.

Muling humarap sa lalaki si Regina. "I-I'm sorry.
P-pero may humahabol sa amin at...at kailangan ko ng tulong mo."

"Oh, sure," sagot ng lalaki na sa pagkabigla niya'y tumaas ang isang kamay sa beywang niya at hinapit siya. "Kayang-kaya kitang tulungan sa bagay na ito..." At bago pa siya makapag-isip, his lips brushed her surprised lips softly.

Napaigtad ang dalaga. Nanayo ang balahibo sa hindi inaasahang halik at sa init ng hininga nito sa bibig niya. Wala siyang natatandaang nakadama siya ng ganoon sa mga halik ni Xander sa kanya.

"Okay ba?" ang lalaki.

"Hrmp..." si Regina na lalo nang nagkabuhol-buhol ang isip at dila. Lumunok siya, at bahagyang tinapunan ng sulyap si Angelo Chan.

Sumunod ang mga mata ng lalaki sa hinayon ng mga mata niya. Nagsalubong ang mga kilay nito at agad ding bumalik ang mga mata sa mukha niya.

"May palagay akong hindi siya kumbinsido," wika nito, a devilish gleam in his eyes. "Mukhang kulang ang halik na ibinigay ko sa iyo."

At bago napigil ni Regina ang balak gawin ng
lalaki'y muli siyang nahagkan nito!

Gosh! Maiinit na mga labi ang bumaba sa kanya. Soft yet firm. Mariin at mapusok ang mga halik sa kanya, humihingi ng katugon. At sa pagkagulat ng dalaga'y bumigay siya. A desperate kiss for that matter.

Ipinikit niya ang mga mata and her lips parted voluntarily na tila ba tigang na bulaklak na napatakan ng hamog. His tongue plunged inside her mouth and she met it with her own. He sucked hungrily...gumanti siya. The stranger groaned.

Oh, goodness! Ano ang ginagawa niya at
nakikipaghalikan siya nang ganito ka-torrid sa isang estranghero sa gitna ng publiko sa isang hotel sa Hong Kong!

Ano na namang iskandalo itong ginagawa niya? She was expecting flash bulbs any moment. Subalit nang ilang sandali na ang lumilipas ay walang kumikislap na camera'y nakahinga siya nang maluwag. Oh, well, this is Hong Kong, not Paris.

Bahagya niyang itinulak ang lalaki. Ni hindi niya mapaniwalaan ang pagtugong ginawa niya sa halik nito. She'd never kissed a man like that before.

"Relax," ang lalaki. Ang kamay nito'y humahaplos sa batok niya sa paraang lalo lamang nagpanginig ng mga kalamnan niya. "... Kung gusto mong papaniwalain ang lalaking iyon na asawa mo ako..."

She groaned helplessly. Sandaling nawala sa isip niya si Angelo Chan sa panahong hinagkan siya ng estranghero! Nilingon niya ito at simpleng dinaanan ng tingin. Lumalim lalo ang gatla nito sa noo sa pagkakatitig sa kanila. At hindi lang ito ang nakatingin, ang ilang guests man sa hotel na iyon!

Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa estranghero upang kumawala nang napasinghap siya. Naramdaman niyang idinikit nito ang ibabang katawan sa tiyan niya.

"A-ano ang...ginagawa mo?" Halos hindi niya
marinig ang sariling tinig. Ang nasa tenga niya'y ang malakas na tibok ng puso niya.

"Ang tamang tanong ay kung ano ang ginawa mo sa akin?" he drawled at muli niyang naramdaman ang mga labi nito sa noo niya. "To tell you frankly, I'm having an erection..."

Her eyes flew open! Hindi niya alam ang isasagot doon. At ni hindi niya gustong sumagot. Ang alam niya'y nag-init ang mukha niya. At ganoon na lang ang pasasalamat niya nang yugyugin ni Charlyn ang palda niya.

"Tita, what are you doing? Sino siya?"

"Hrmp..." Muli siyang napalunok. Niyuko ang
bata. "K-kaibigan...yes! He's my friend...."

"Hello, sweetheart," ang estranghero na nginitian ang bata at ginulo ang buhok.
"Hi," sagot ni Charlyn. "What's your name?"

"Luke. What about you?"

"Charlyn....."

Napansin ni Regina ang tila pag-ulap ng mga mata ng lalaki na iglap din namang nawala. Pagkatapos ay ang muling pagtingala nito sa kinaroroonan ni Angelo Chan at muli ring ibinalik sa kanya ang mga inata.

"Sino ang lalaking iyon?" tanong nito kasabay ng pagtaas ng kamay sa likod niya.

"I-isang k-kakilala." Bahagya siyang pinanginigan ng mga tuhod. Naramdaman niya ang kamay nitong bumaba-tumaas sa likod niya.

"Or a boyfriend na nahuli kang nakipagtagpo sa iba at ngayo'y nagwawala?" buiong ng lalaki sa tenga niya.

Napasinghap ang dalaga roon. May pakiramdam siyang may dobleng kahulugan ang tanong. "Hindi ko siya naging boyfriend!"

Ngumisi ang estranghero. Muli'y nararamdaman niya ang nakababaliw na haplos ng kamay nito sa likod niya. Iniiwas niya ang sarili sa disimuladong paraan dahil alam niyang nakatingin pa rin sa kanila si Angelo Chan.

"W-well...salamat sa tulong mo...pero mahuhuli na kami sa flight ng...ng pamangkin ko. At hindi pa ako nakapag-check out sa hotel. At tinulungan mo na rin lang ako'y...tulungan mo akong makalabas ng hotel na ito at-"

"Sure," agap ng lalaki. Yumuko ito at walang
kahirap-hirap na kinarga si Charlyn na hindi pumalag. Ang isang kamay nito ay inilagay sa likod niya at inakay siya palabas ng hotel. Isang taxi ang kinawayan nito at mabilis na ipinasakay silang dalawa. Pagkatapos ay nagsalita ng Mandarin sa driver sa pagkunot ng noo ni Regina.

"H-hindi pa ako nakapag-check out at nasa lobby pa ang mga bagahe namin," aniya.

"I'll take care of that," wika nito. "Maghintay kayo rito sa loob ng taxi at babalik ako sa reception."

"But I haven't paid my-" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tumalikod na ang estranghero pabalik.

Naiwang naguguluhan si Regina. Gusto niyang
sabihin sa driver na ihatid na sila sa airport pero hindi naman niya magawang iwan na lang nang ganoon ang lalaki. Tiyak na babayaran nito ang hotel bills niya at kailangang i-reimburse niya iyon. Isa pa'y nasa loob pa ang mga bagahe nila.

Wala pang sampung minuto ang lalaki'y muli itong lumabas ng hotel. Sa tabi nito'y ang bell boy at hila ang malaking maleta niya. Inilagay nito iyon sa likod ng taxi. Nakita niyang inabutan ng tip ng lalaki ang bell boy na muling bumalik sa hotel. Pagkatapos ay tumabi sa driver at nagbigay na ng direksiyon.

"Thank you very much, Mister," wika niya at
binuksan ang wallet at kumuha ng US dollar bills. "Nasabi na sa akin kaninang umaga ang bill ko, so please take this." Iniabot niya iyon sa lalaki subalit hindi kumikilos ito upang tanggapin iyon.

"Saka mo na ibigay sa akin iyan. Anyway, iisa naman ang destinasyon natin..." Nilingon siya nito at ngumisi. Pagkatapos ay inilipat ang mga mata kay Charlyn na nakahilig sa kandungan ng dalaga at inaantok.

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"I'm flying to Manila today."

"Oh, no." Napasandal siya sa sandalan ng taxi.

"Relax, sweetheart, ako ang bahala sa iyo..."

Naningkit ang mga mata ni Regina roon. Ano ba ang akala ng lalaking ito sa kanya? Pick-up girl?

"Hindi ko ipinababahala ang sarili ko sa iyo!"

"Hindi?" Tumaas ang kilay nito. "Hindi ba't kani-kanina lang ay ikaw mismo ang lumapit at humingi ng tulong sa akin?"

"Kanina iyon!" inis niyang sabi. "Nagpasalamat
na ako sa iyo. Sobra pa dahil pinagsamantalahan mo ang kalituhan ko!"

"What have I done?" pagmaang-maangan nito sa painosenteng paraan.

"You...you k-kissed me and made a pass at me!"

Tumaas ang kilay ng lalaki. "Pinagsamantalahan mo akong una, kung natatandaan mo na sinugod mo ako ng yakap, di ba? Tumugon lang ako."

Napaungol na ipinikit ni Regina ang mga mata.
Inihanda na ang sarili na makakasama ang lalaking ito sa buong flight niya patungong Pilipinas.

Wala silang imikan sa kahabaan ng daan patungong airport. Pinagkasya ng dalaga ang sarili sa pagmamasid sa magagandang tanawin sa labas ng taxi. Nang huling dumalaw siya ng Hong Kong more than a year ago ay hindi pa ganito ang daan at bago na rin ang airport at hindi niya maiwasang humanga. Moderno at napakalawak, at carpeted. Ni hindi niya mabilang kung ilang tubes mayroon.

She was watching at the wonders of engineering in fascination. Sa mga sala-salabat na flyovers. Pagkatapos ay dumaan sila sa tunnel sa ilalim ng bundok. Pagkatapos naman ay sa tunnel sa ilalim ng dagat. Kung kaya lang sana ng pamahalaan ng Pilipinas ang ganito kamodernong istruktura, di sana'y hindi ganoon
katindi ang traffic.

Muling lumipat ang mga mata niya sa likod ng ulo ng lalaki. Luke. Iyon ang sinabi nitong pangalan kay Charlyn. At hindi nakaila sa kanya ang tenderness sa mga mata nito nang titigan at kausapin nito ang bata.

He could be married for all she knew at may anak na. Bakit hindi yata masarap pakinggan ang kaisipan niyang iyon?

HINDI nagtagal ay nasa airport na sila. Matapos bayaran ang taxi ay ibinaba na ni Luke ang bagahe niya sa compartment sa likod.

"Kaya kong hilahin ang maleta," aniya nang mapuna niyang sa kabilang kamay ay hawak nito ang sariling attaché case. "Hindi naman mabigat iyan at saka de-gulong..."

"It's all right. Ang bata ang asikasuhin mo," sagot nito na pinauna siya nang buksan ng security guard ang glass panel papasok sa departure building. Pagkatapos ay kumuha ito ng cart at inilagay doon ang maleta niya at ipinatong ang attaché case.

"Thank you again, Mister," aniya nang nasa loob na sila at hinahanap ng mga mata kung saan sila magtsi-check in. Pagkatapos ay kinuhang muli ang pera sa bag. "Tanggapin mo ang perang katumbas ng ibinayad mo sa hotel ko. Kaya na naming magtiya mula rito," she smiled at him sa taos-pusong pasasalamat. "We can go separately."

"C'mon," ang estranghero na tumaas ang kilay.
"Pareho naman ang destinasyon natin. Bakit kailangang maghiwalay pa tayo?"

Magpoprotesta pa sana ang dalaga nang hindi
sinasadyang matanawan niya si Chan sa entrada ng building. Umiikot ang mga mata na tila may hinahanap. Napahugot siya ng paghinga at mabilis na iniabot ang mga passports at tickets dito nang wala sa loob.

"Here's our passports..."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at pagkuwa'y isang mapanuyang ngiti ang pinakawalan at inabot ang dokumento nilang dalawa at humarap na sa counter.

Si Regina ay mahigpit ang hawak sa braso ng bata at nilinga ang kinakitaan kay Angelo Chan. Wala na ito roon. Nakahinga siya nang maluwag.

Sinusundan sila nito! Naghihinala kaya itong
pamangkin nito ang batang dala niya? Pero paano? Ang sabi ni Lolita ay hindi gaanong napagtuunan ni Angelo Chan ang bata dahil madilim. Pero bakit mula pa kanina'y nakasunod ang lalaki?

Hindi niya ako kilala! At natitiyak akong
naghihinala lang siya dahil ilang beses ko siyang iniwasan.

Damn her! Siya ang nagbigay ng ideya sa lalaki.

No. He probably saw you with Lolita.

Hindi niya na alam ang gagawin. Naguguluhan siya. Ang sabi sa sulat ni Evelyn ay mapanganib at makapangyarihan ang mga Chan. Magagawa nito ang gustong gawin upang makuha ang bata.

Lihim na napaungol ang dalaga. Kahit saan daanin ay may karapatan ang pamilya Chan kay Charlyn. Ni hindi sila magkamag-anak ni Evelyn. Totoong halos sa kanila na nagdalaga ito subalit wala pa rin silang relasyon kung tutuusin maliban sa affinity na matagal na rin namang tinapos ng ina nitong si Rosalia.

At kayang-kaya siyang kasuhan ng mga Chan ng kidnapping!

Oh, god. Mula sa hindi niya pagsipot sa kasal nila ni Xander ay attempted kidnapping naman yata ang mailalagay sa dyaryo tungkol sa kanya!

But she couldn't fail Evelyn. Kahit ang ama niya'y matindi ang bilin na iuwi ng Pilipinas ang bata. At kahit ang caretaker na si Lolita'y ganoon na rin lang ang pakikisama kay Evelyn sa kabila ng katotohanang ilang buwan nang hindi sumusuweldo ang huli. Lolita must have realized how ruthless the Chans can be.

And who knows kung anong trato ang maaari nilang gawin kay Charlyn. Kung ang sariling anak na si Charles ay nagawa nilang itakwil, ang tatlong taong gulang na bata pa kaya na ngayon lang nila natutuhang kilalanin?

Hindi mamamatay si Charles at si Evelyn kung una pa'y tinanggap na nila ang mga ito. Pero dahil matapobre ang pamilya'y itinakwil kahit sariling anak.

Hindi siya papayag na mauwi sa mga Chan si
Charlyn!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

67.9K 1.4K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...
70.3K 1.4K 13
Isang mapait-matamis na bahagi ng kabataan ni Emilie si Liam, her teenage crush her first kiss. Paminsan-minsan ay sumasagi ito sa isip niya. Pero ha...
31.6K 797 12
"Isusulat mo ito sa nobela mo, Maxine... 'She opened to him like a flower drinking in rain. Her mouth was soft and inviting. His tongue slid between...
49.7K 1K 31
Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa...