Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

162K 5.8K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 32 - Cheer

2K 72 3
By NerdyIrel

CHAPTER 32

CHEER


Sab's POV


"I already told you. You have to use this formula to solve that problem..." malumanay na paliwanag ni Russell habang itinuturo ang parte ng assignment ko na kailangan kong sagutan.

I almost rolled my eyes but decided to just pout and listen. Wala naman akong magagawa kundi sumunod dahil magagalit siya sa akin kapag hindi.


"Oo nga, ginamit ko nga pero bakit mali pa rin?"

He sighed and explained it to me again. Hindi naman siya mukhang badtrip kaso hindi niya matapos tapos ang binabasa niyang libro dahil kanina niya pa pinagtutuunan ng pansin ang homework ko.



One week had already passed since we announced to everyone that we're officially dating. Sobrang ingay ng balitang iyon na maski si Simeon ay tumawag pa dahil nabalitaan niya ang nangyari. Of course I admitted the truth to him since there is no use of lying. Ito naman talaga ang pinunta ko dito sa Brooklyn, ang makahanap ng true love.

I received a lot of hates from girls who likes my hubby. Kaya naman hindi na muna ako nago-online para hindi na rin ako pumatol pa sa mga inggitera. Ayokong mapaaway dahil papangit lang ang image ni hubby.

Sa katunayan, medyo nagwo-worry ako. He lost a lot of his fans since he's no longer a bachelor. Maski sa Russell Riders ay may iilang mga umalis. They feel betrayed which I honestly find crazy. Hindi naman nila pagmamay-ari ang idolo nila para angkinin ito.

Speaking of RR club, hindi ko pa nagagawang puntahan sila Lily. I wonder what they think of everything.


"You got it?" Bumalik ang atensyon ko sa tanong ni Russell. I simply nodded.

Tinitigan niya ako saglit bago siya bumuntong hininga. He ran a hand through his hair and explained the solution one more time, as if he knew I didn't pay any attention earlier.


I thought being with Russell meant unending happiness, at masaya naman ako na kami na pero parang wala naman nagbago masyado. It's just that we can hold hands whenever we want to and I can see him more often.

Hindi pala forever na nakangisi ka lang. Katulad ngayon, nakasimangot ako dahil imbis magharutan kami dito sa library ay mas gusto niyang turuan na lang ako. Hmmph!


"Sab..." rinig kong pagtawag ni Hubby sa akin nang mapansing hindi pa rin ako nakikinig. Para siyang tatay kong naiinis na. I stared at the paper before meeting his eyes.

"Gets ko na," I answered, stealing the pen from his hand. Sinagutan ko ulit ang number fifteen bago ako tumingin ulit sa kanya. "Tama na ba?"

He checked it, nodded then went back to reading his book. Wala man lang ngiti or reward kiss. HAY NAKO!


Iritable ko tuloy tinapos ang assignment ko. He was busy using my phone that he didn't notice I was done. Tumayo na lang ako at naghanap ng romance novel book. Mukha kasing matatagalan pa si Russ sa kung ano mang ginagawa niya at ayoko namang umalis agad kaya lilibangin ko na lang din ang sarili ko.


I was in the middle of reading an excerpt at the back of a book when I felt someone wrapped his arms around my waist. I panicked and immediately looked behind me, only to see Russell staring at me.

"Wag ka ngang nanggugulat! Akala ko naman kung sino! Muntik na kitang masapok diyan!"

He planted a soft kiss on my hair. "Is there anyone else who'd hug you besides me? Sino? Sabihin mo para makausap ko."


Ang kaninang inis ko ay unti-onting napalitan nang tawa. "Nagseselos ka ba?"

"No. I'm just saying. No one's supposed to hug you but me."

"Wala naman talagang yumayakap sa'king iba kundi ikaw---Ay si Marina rin pala. Tsaka si Papa! At Tita Myra... And Kuya Milo rin minsan. Hehehe."


Napailing lang siya at inalis na ang yakap niya. Tiningnan niya ang librong hawak ko. "You haven't read Romeo and Juliet?"

"Ay sila ba 'to?"

"It's literally written in front," sarcastic na sagot niya.

Inirapan ko siya at ibinalik na lang ang libro sa shelf. MALAY KO BA? HINDI KO NAMAN NAPANSIN??!!!


Russell chuckled and when I glanced at him, he's smirking like a fool. Para bang may joke akong sinabi kaya siya natawa.

"What?" I demanded.

"Bakit ang sungit mo?" rinig na rinig ang pangaasar sa tono ng pananalita niya.

I glared at him. "Hindi naman ah!"

"You're frowning." Hinawakan niya ang noo ko kaya tinanggal ko kaagad ang kamay niya.

"Bigla bigla ka kasing tumatawa. Are you making fun of me? May nakakatawa ba sa itsura ko?"


He shook his head. "Bakit ka ba nagagalit? Is it because you're upset that I haven't taken you out on a date after I told everyone you're my girlfriend?"

Natahimik ako dahil hindi ko ine-expect na mahahalata niyang nagtatampo ako. Madalas naman siyang tumatawag sa akin tuwing nasa dorm na ako at ganoon pa rin naman ang routine namin after classes---practice, meeting, study---pero pakiramdam ko kasi ako lang ang super excited na makasama siya. He doesn't smile or speak a lot so it's hard to tell.


Umiwas ako ng tingin at hindi nag-deny. He chuckled again so I groaned.

"Will you stop laughing? It's annoying!"


"You look cute when you're mad but okay. I'm sorry..." He smiled and placed both of his hands on my shoulders. "I was just trying to get your head straight for the upcoming exams. When I'm around you, you and I tend to get easily distracted. It would be impossible for us to accomplish anything if I stayed with you all the time."


I was... speechless. I didn't realize that he was only thinking about me.


"We can go on a road trip afterwards," He suggested.

My eyes sparkled. "Talaga? Saan naman tayo pupunta?"

"Kahit saan. Your call. Basta ipasa mo exams mo."

"Deal!" masayang sambit ko. "Halika, bumalik na tayo sa table. Turuan mo naman ako sa isa ko pang subject!" Hinila ko na ang braso niya para hindi masayang ang oras namin. He returned my phone but I didn't accept it. Magaaral kaming dalawa!


I suddenly felt motivated. Gusto kong makakuha ng mataas na grado para makasama ko siya nang matagal. I studied day and night until the exam week arrived.


"How'd it go?" tanong niya pagkakitang pagkakita sa akin. Inabangan niya ako sa labas ng classroom ko kaya naman pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. I already told him not to do that but he didn't listen.

"Ayos naman..." worried na sagot ko. "May mga nasagutan ako pero 'yung iba, medyo hindi ako sure." I hope makapasa pa rin ako para matuloy ang plano naming dalawa.



"Oh hey, Russ!" bati ng pinsan ko.

"Marina..." Gusto kong humalakhak sa kanilang dalawa. They're always like that when they see each other. Ang popormal!


"Going out?" Tumingin sa akin si M pero nagkibit balikat lang ako. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Russell ngayon kaya hindi pa ako makasagot. Sometimes he cancels things out of the blue just so we can stay at the library or at his place to study. Pero hopefully, hindi na muna kami magaral ngayon tutal kakatapos lang ng exams.

My brain can't handle it anymore. Huhu. Fried na masyado sa dami ng data!


"Whatever. I'd have to leave you two alone. Lucas and I are going on a date. Bye!" Marina waved at me before running away.

Nainggit ako kaya sumulyap ako kay hubby. "Can we also go out today, hubby? Nuod tayong sine!"

"I'm sorry, love. I can't. I have a meeting with Lee and coach later but we can eat something first."

"Ah. Okay..."

Naglakad na siya pababa ng hagdanan. Ang mga kamay niya ay nasa loob ng mga bulsa ng pantalon niya. I followed him quietly while everyone watched the two of us.



Clingy si Russell kapag ginusto niya pero may mga oras na sobrang tahimik siya. Siguro nga kung hindi ko siya kilala, mao-offend ako pero gets ko na ang ugali niya. He's just not comfortable to show the world his emotions. Nakakalimot lang talaga siya minsan lalo na kapag kasama niya ako.

I like that I'm the only who can fully see the other side of my hubby. 'Yung palatawa, palabiro at sweet.


Instead of feeling down, I smiled and ran to him. Kumapit ako sa braso niya at humagikgik. I saw the corner of his lips raised for a second, before it went back to his usual poker face.

My heart jumped a little upon knowing that he's happy with my little gesture. Gusto ko siyang yakapin dito pero ayoko namang gumawa ng eksena dahil hanggang ngayon, pinaguusapan pa rin ng mga tao ang nangyari sa gym.

Okay na 'ko dito. Sapat na sa'kin 'yung nakakakapit ako sa braso niya. Dati rati nga ay may hindi ako pwedeng dumikit sa kanya dahil maiirita siya. Atleast ngayon, nagagawa ko na ito at masaya siya rito.


♥--------»¦«--------♥



"What the heck?!" mangiyak ngiyak na sambit ko habang tinitingnan ang test paper ko. "Paanong nangyaring bagsak ako?!"

Kulang lang ng one point! ONE POINT, HINDI PA BINIGAY NG PROF KO! NAPAKADAMOT!


Inirapan ko ang teacher ko pero hindi naman niya ako nakita kaya mas lalo lang akong nanlumo.

"Ewan ko sa'yo, S. Nakakapagod ka. I keep on reminding you to study harder but you never listened to me. Nakasama pa yata ang pagbo-boyfriend mo."

"Excuse me! Walang kinalaman ang lovelife ko rito! Aral kaya ako ng aral kaya nga nagtataka ako bakit hindi ako pumasa dito! Hindi kaya dinuga ako ni Sir? Baka naman may galit siya sa'kin kaya binago niya total score ko?"


Tumayo si Marina at inayos na ang bag niya. "Alam mo S, bilib ako sa'yo dahil nagkatotoo ang wish mo. You did your best to catch Russell's attention and now, you're dating him. Pero sana ganyan ka rin sa pagaaral mo. Sana gawin mo rin ang best mo para makakuha ka ng mataas na grades lalo na't promise mo 'yan kay Tito."

Tumingin lang ako sa mga kamay ko hanggang sa makaalis siya. Pupunta lang daw siya sa CR saglit. I sighed and placed my laptop back to my bag.

Gusto ko rin naman pumasa, sadyang mahina lang talaga ako sa academics. I am not as smart as everyone else. Mabilis akong makalimot at hirap talaga akong umintindi minsan. But I'm trying...


Lumabas na rin ako ng classroom at hinintay si Marina sa tapat ng CR. I was just standing there while watching the cheerleaders from afar. Nagpa-practice sila ngayon sa field ng bagong mga routines nila. They looked really great.


"Is that Sab?"

"Russell's girlfriend? Yeah."

"She's so plain. I thought she's as pretty as Agatha."

"I heard she's pretty dumb."

"Is Russell doing a charity work? Feels like it."


Nagtawanan ang mga grupo ng estudyante malapit sa akin kaya inirapan ko sila. Agad naman silang umalis nang mahalatang narinig ko ang usapan nila.

Charity work? Ganoon ba ang tingin nila kaya naging kami ni Russ? They think he feels bad for me that's why he decided to date me?


"Tara na," Marina mumbled from behind. Tumango lang ako at naglakad na rin habang nagdadaldal siya. I was silent because my mind's somewhere else.

Kapag ba napataas ko ang mga grades ko, magbabago na ang tingin sa akin ng mga tao? What if I become as active as Agatha on school activities? Magiging karapat dapat na ba akong girlfriend ni Russell?


Bigla tuloy akong napaisip. "M, what if sumali ako sa ibang grupo bukod sa Russell Riders?"

"Huh? Ano naman?"


Sakto ay nadaanan ko ang isang poster ng cheerleading tryouts na gaganapin bukas.

"Magaling naman ako sumayaw kahit papaano. Sumali kaya ako sa squad ni Agatha?"

Marina laughed loudly. "You do realize that group hates you, right?"

"Pero pwede namang magbago ang tingin nila sa akin kapag nakilala na nila ako. Just think about it. Kapag naging isang cheerleader ako, tataas ang tingin sa akin ng mga tao. They'll start respecting me. Baka matuwa pa sila sa akin kapag nangyari 'yon."


Tumaas ang kilay ng pinsan ko. "Are you doing this because of Russell? Nakikinig ka ba sa mga komento ng mga bitter niyang fans?"

"Naisip ko lang kasi, wala akong ibang ginagawa kundi maging secretary ni hubby. I don't have any extracurricular activities."

"You can't even get your grades up. Hindi ba dapat doon mo ilaan ang oras mo? And that's suicide. You're like a lamb trying to fit in with a pack of wolves. Wag mo na subukan."

Tumalikod na siya at naglakad na ulit habang bumalik ako upang kunin ang poster na nasa pader. I folded it and kept it on my pocket.


Sorry M pero kung hindi ko magawang bumawi sa pagaaral, siguro naman ito ang way para maging kasing level ko kahit papaano ang boyfriend ko. I'd be one of the cool kids if I'm part of Agatha's squad.

I know we started off on the wrong foot. Pero wala naman siyang ginawa nang malaman niyang kami na ni Russell. In fact, umalis na nga sila ng family niya sa bahay ni Tita Janet. Siguro ay dahil sa tanggap niya nang ako ang mahal ni hubby. Besides, professional naman siguro silang lahat.


♥--------»¦«--------♥


Instead of meeting Russ, I decided to stay at my dormitory room to practice my tryout dance. Hindi ako nag-gymnastics nung bata pa ako pero medyo flexible naman ako kahit papaano. Kapag natanggap ako, matuturuan naman siguro nila ako mag-tumbling tumbling.


"Kung kailan namang walang practice at gusto kitang makasama dito sa apartment ko, ayaw mo," rinig ko ang bahid ng lungkot sa boses ni Russell nang tumawag siya.

"Your fault. Palagi akong available, ikaw itong hindi," biro ko sabay gaya sa video na pinapanuod ko sa laptop ko. It's a good thing Marina's not here. Hindi niya ako mahuhuli.


"What's with the music?"

"Ah wala, nasayaw lang ako hehe. Exercise ba."


Nagdesisyon akong ililihim ko ito kay hubby para ma-surprise siya once na makita niya akong naka-cheering uniform na. I want to watch his game holding pompoms at the bleachers.

Tsaka close sila ni Agatha. Ilang taon na silang magkaibigan. If he sees me being friends with her, I think he'll be really happy.


"You can exercise here..." malambing na sambit niya. "Sunduin na ba kita, wifey?" I heard his car keys. Mukhang hawak niya na ito at hinihintay na lang ang go signal ko.

I almost giggled. "I'm busy."

He exhaled, giving up the thought of being with me tonight. "I'll see you tomorrow afternoon then. I'll wait for you outside your classroom."

I bit my lower lip. Hindi niya ako pwedeng sunduin dahil didiretso ako sa tryouts.


"Actually Russ, may hindi pa ako sinasabi sa'yo. I... I failed one of my exams. Kaya kakausapin ko ang prof ko after classes."


He was silent for a second. "I can wait for you."

Shet! Bakit ngayon mo pa naisipang maging clingy?!


"No need. I'll come to your apartment. Pagluto mo na lang akong dinner, please?"

"Alright. I can do that."

"Yay! Sige na, see you tomorrow! Bye hubby ko! Goodnight!"


I quickly ended the call so I won't get distracted. Feeling ko kasi ay kaunting pilit pa ni Russell ay papayag na ako. Marupok pa naman ako... hehehe.


♥--------»¦«--------♥


"Hi, I'm here for the tryouts," masayang bati ko sa isang cheerleader na nasa entrance ng gym. She raised an eyebrow but accepted my form anyway.

Ang laki ng ngiti sa labi ko habang naglalakad papunta sa bleachers kung saan nakaupo na rin ang ilan sa mga gustong sumali. Tiningnan nila akong lahat na para bang kilala nila kung sino ako. I just pursed my lips and tried to remember the moves that I've practiced last night.


Walang alam si Marina na nandirito ako. Tumakas ako at sinabing magkikita kami ni hubby. Russell also didn't know that I'm here. Nakakakaba pala na magisa lang at walang support from anyone pero kaya ko 'to. Audition pa lang naman. If hindi nila ako tatanggapin, well kawawa naman sila. Wala silang magandang cheerleader ng 'di oras. BWAHAHA!


"Alright everybody! Eyes here, please!" rinig kong sigaw ni Agatha na naglalakad palapit sa amin. Nagpalakpakan ang lahat as a sign of welcoming her. Hindi ako nakigaya dahil tapos na nang ma-realize kong dapat pumalakpak rin pala ako.


Pinakinggan namin ang maikling speech niya. She's motivating us to do good today. Nagbigay pa siya ng mga tips at ni-remind kami na dapat nakangiti habang nagpe-perform.

Ganito pala siya ka-hands on bilang isang captain. She reminds me so much of Russell. No wonder they're friends. Magkaugali sila. Parehong matalino at over achiever.


Nakangiti siyang nagpaalam na uupo na sa mahabang table kasama ng ilan pang cheerleaders nang lumapit sa kanya 'yung babaeng nasa entrance kanina. She whispered something to Agatha before they both glanced at my direction. Halatang nagulat si Agatha nang makita ako and for a few seconds, I thought I saw her smile.

Sabi na eh! Hindi talaga siya galit!


Niyaya niya na ang mga kasamahan niya at isa isa na nilang tinawag ang mga auditionees. I waited till it's almost my number but to my surprise, she skipped it.

Huh? Number twenty four ako ah! Bakit twenty five na agad?


Tumayo ako at lumapit doon sa isang nakapamewang sa gilid. "Hello. I'd like to ask why my number isn't called?" Pinakita ko pa ang papel na hawak ko at inaakala kong lalapit siya kila Agatha para ipaalala dito na nakaligtaan ang akin pero nagulat ako nang sumimangot lang siya.

"Wait for your turn!"


I was hesitant but, in the end, I went back to my seat. Naghintay ako nang dalawang oras hanggang sa naubos na lahat ng mga naririto at ako ang pinakahuling natawag.

"Savannah Blaire Nabar."

"It's Navar---"

"I don't care," parang inis na sambit ng katabi ni Agatha.


I took a deep breath and stood at the center, in front of the judges. Anim silang lahat na nakaupo doon sa table, may mga hawak na ballpen at papel.

"Show us what you got." Agatha smiled. She crossed her arms and waited patiently for me.


Napalunok ako sa kaba ngunit nang tumugtog ang kanta ay para akong nasaniban sa dami ng energy ko. Sumayaw na ako. I know I'm not that great but I recorded myself last night. Okay naman ang mga galaw ko at pagkatapos kong mapanuod lahat ng mga sumali ngayon, medyo malakas ang loob kong sabihing may chance akong mapili nila.

I was in the middle of doing floor dances when the song was suddenly cut off. Natigilan ako at nagtaka pero mukhang pina-stop iyon ni Agatha kaya tumayo na lang ako at inayos ang damit kong nagusot.


"Hmmm..." She bit her lower lip. She had the same look as everyone else. Halatang halata ang pagpipigil nila ng tawa.

"Well, that was something," the other girl commented and they all burst out laughing. I suddenly felt self-conscious watching them make fun of me.

Was it that bad? Ghad, do I look terrible dancing?


"Hey guys, stop it!" Agatha called them out even though she's still smiling. "We're sorry. We didn't mean to laugh. It's just so... refreshing to see someone like you at our tryouts. It takes a lot of courage to do that. I salute you."

"Oh. Thank you!" Did she really complimented me? Wow. Mukhang mali yata talaga ang pagkakakilala ko kay Agatha. Tinarayan ko agad siya noon pero mabait naman pala siya. I should apologize to her. Kapag kaming dalawa na lang ay kakausapin ko siya. Magso-sorry ako sa mga inasta at nasabi ko noon.


"Can you do a cartwheel?" tanong nung isa. She even cleared her throat to make the atmosphere serious around them.

"No but I can learn---"

"Thank you for auditioning. You can wait for our call." Nagsitayuan na sila kaya naman nag-bow na lang ako at bumalik sa bleachers upang kunin ang bag ko.

Ako na lang ang natitirang auditionee. Lahat ay nakauwi na.


"Actually... Sab is exactly who we're looking for." Napalingon agad ako nang marinig ko si Agatha.


"Are you kidding me?"

"She can't even dance!"

"And don't tell me you're fine with the girl who stole your---"


"We need her," Agatha mumbled. Ngumiti siya at naglakad patungo sa akin. Like the rest of her squad, I am also confused. Tama ba ako ng narinig? Ako ang kailangan nila?


"You want to be one of us, right?"

"Y-yes! Of course!"

"You should start establishing your worth right now. I'm curious to know how much you desire the spot."

"I can do everything, I promise!"

She seemed satisfied by my answer. "Then can you please clean the table for us? We're kinda tired already." Ang lalaki ng katawan ng mga lalakeng cheerleaders pero pagod na rin sila? Wala namang silang ginawa...

I disregarded those thoughts. Mali na ganito ako magisip.


"Sure!" Masaya akong tumakbo papunta sa table at pinagsama sama lahat ng mga papel na nakapatong doon. Kinuha ko rin lahat ng mga ballpen.

"Let me have that, Sab." Lumapit ako kay Agatha at iniabot iyon sa kanya. She thanked me and her friends smiled too.

Grabe 'yung saya ko ngayon lalo na't sa dami ng mga sumali ay isa ako sa mga natipuhan nila. I can't wait to have my own set of uniform!!! I knew they'd eventually like me! Ayaw pang maniwala ni Marina sa akin!


"I should get going. It's getting dark already. Thanks again." Kinuha ko na ang backpack ko dito sa bleachers at lalabas na sana nang pigilan ako ni Agatha.


"Oh, you can't leave yet. I forgot to mention but you still have to return those chairs to the equipment room. We've got no time to do that since we still have to brainstorm tonight for the results of the tryout... Is that okay with you, Sab?"

Tinignan ko ang mga upuang ginamit nila. Anim lang naman 'yon. Nakapaglinis nga ako ng isang buong gym noon nung pinahihirapan ako ni Russell kaya wala lang sa akin ito.


"I guess it's too much for you---"

"No, it's fine."

"You're such a darling. Thanks Sab! We appreciate it so much!"

"No wonder Russell liked you," dagdag nung isa.


Ngumiti ako at nagpaalam pa sa kanila dahil nagtungo na sila palabas ng gym. Stressed na sila kaya kung matutulungan ko sila e bakit hindi.

Pinagpatong patong ko ang mga upuan bago ko hinila papasok ng equipment room. Nasa dulo nakalagay ang iba kaya doon ko itinabi itong mga ginamit nila Agatha. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil saglit lang naman ako.


I was about to leave when I heard someone from outside. I was surprised to hear the door slammed shut. Pagkatapos ay narinig ko ang pagtakbo nila palayo.


I rolled my eyes and sighed. "Ano, highschool lang? Mananakot pa?" Lumapit na ako sa pintuan at pinihit ang door knob ngunit ayaw bumukas noon. I tried again but it's locked.

What the hell?


"Hey, cut it out!" I shouted but no one answered. Kumatok ako nang malakas pero parang wala ng tao sa labas. I opened the lights and knocked loudly again.

"I'm still here!" sigaw ko na naman dahil baka naisara nila ang pintuan nang hindi nalalamang may tao pa.


"This isn't funny anymore! Let me out!" Kinalampag ko ang pintuan at pilit iyong binuksan pero ayaw gumana.



Naisip ko ng kunin ang phone ko sa backpack ko upang tawagan sila Russell pero laking gulat ko nang hindi ko mahanap 'yon. Nataranta ako at nilaglag lahat ng gamit ko sa sahig.

It's not here!!! Where is it?!


Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko pero wala talaga. I remember checking my phone before I arrived here. Imposibleng wala iyon sa bag ko! Did I perhaps accidentally leave it at the bleachers?

Aish! Ano ba, Sab! Ang shunga mo!



Ibinalik ko ang mga gamit ko sa bag at kumatok ulit ng kumatok nang bigla na lang namatay ang ilaw ng kwarto. Sumigaw ulit ako at pinindot pindot ang switch pero parang wala talagang kuryente.

Ang tagal kong nagingay pero useless. Namula lang ang mga kamay ko at sumakit lang ang lalamunan ko. Ang layo ng equipment room sa exit ng gym, malamang wala talagang makakarinig sa akin dito.


I sat on the floor and hugged my legs. I'm starting to feel nervous as the silence engulfed the place. Ayokong matakot pero hindi ako sanay na magisa sa isang madilim na kwarto. I closed my eyes and prayed for someone to come by.

"Hubby..." naiiyak na sambit ko.


*End of Chapter 32*

Continue Reading

You'll Also Like

49.9K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
691K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...
3.6K 358 13
"-and I am a living example of the fact that, a student and a teacher aren't meant for and will never end up with each other. They may come into our...
298K 9.7K 29
Serendipity Series #2: Serenity /sɪˈrɛnɪti/ noun the state of being calm, peaceful, and untroubled. Miguel Lucas Monteclaro has it all. Being the fro...