IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

889K 33.5K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 9

13K 541 149
By ImaginationNiAte

KABANATA 9:

Ilaria POV

          NATAPOS naming kumain ng dinner ni Kuya Samael sa pool pavilion ay heto, naisipan naming dalawa na tumambay muna kami sa mini theatre room na mayroon dito sa Mansyon namin para mag-movie marathon. Doon din kasi talaga ako tumatambay bukod sa room ni Kuya para lang manood ng movie sa kadahilanan na mas malaki talaga ang TV niya sa kwarto niya maski roon sa mini theatre room.

Nag-half bath lang muna ako at nagpalit na rin ng terno pajama bago ako dumiretso sa mini theatre room. Naabutan ko siya roon na hinahanda ang papanoorin naming movie. Nakita ko rin yung dalawang red wine na nasa ice bucket at nakapatong lang ito sa coffee table na mayroon din dito.

Natawa pa sa'kin si Kuya nang para akong bata na tumakbo at tumalon sa mahaba at malambot na sofa na pu-pwede rin namang gawin na higaan. Mabuti na lang ay hindi ko nasagi yung red wine. Medyo malamig pa rito dahil na rin sa malakas ang aircon.

"Ano palang papanoorin natin, Kuya?" tanong ko habang binubuksan ko ang bote ng wine.

Hindi naman ako nahirapan at agad ko naman itong nabuksan. Wala rin ditong baso kaya naman tinungga ko na lang yung bote para makainom ako ng wine, sabagay ay malamig naman na ito dahil nakababad ito kanina sa ice bucket.

"Mhm, horror movies? Ikaw? Ano bang gusto mo?" he asked.

"Horror movies na lang. Or pwede rin naman yung bagong release ngayon na Korean drama na Duty After School. Pero mas bet ko pa rin yung mga mas nakakatakot pa na palabas," sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Kuya at maya-maya lang ay nakapili na rin siya ng papanoorin naming movie. Naupo rin naman siya agad sa tabi ko at ilang saglit pa ay nag-play na rin yung papanoorin naming nakakatakot na palabas.

Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon dahil si Kuya Samael ang pumili nung movies. Tahimik lang kaming nanonood ni Kuya Samael habang salitan naming dalawa na iniinom yung bote ng red wine dahil wala kaming nabitbit na baso. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na ba ang nakakalipas.

Napansin ko na nga lang na naubos na naming dalawa ni Kuya Samael yung isang bote ng red wine kaya yung isang bote naman yung binuksan niya at ito naman ang aming tinunggang inumin.

I'm not drunk yet, but I feel tipsy. Nag-iinit na ang katawan ko dahil sa nainom kong alak. Naka-dalawang movie na rin kami na pinanood at this time ay romantic comedy naman ang pinapanood namin ni Kuya.

The first movie we watched was very traumatizing and disturbing because of the graphic content. May sexual violence at brutal imagery kasi ito kaya halos hindi ko iyon kinaya kaya naisipan naming sunod na panoorin ay yung comedy naman na may halong romance.

Mabuti na lang talaga ay wala akong pasok bukas dahil hinihintay ko pa na dumating ang private tutor ko na siyang magtuturo sa'kin dito sa bahay dahil nga balik ako sa pagho-homeschooling.

"Inaantok ka na ba, amore mio?" rinig kong katanungan ni Kuya Samael sa akin habang pinaglalaruan ng daliri niya ang buhok ko.

"Medyo," sagot ko bago ako biglang napahikab.

Tinignan ko ang suot na rolex ni Kuya Samael, pasado alas-dose na pala. Ni hindi ko man lang napansin ang mabilis na paglipas ng oras. Kaya pala nakakaramdam na ako ng antok dahil hatinggabi na.

"Let's go, I'll take you to your room. You need to sleep and rest. You will meet your new private tutor tomorrow morning, kaya dapat magpahinga ka na. Baka magkaroon ka pa ng hangover kapag inubos pa natin itong alak," saad ni Kuya sa akin kaya tumango ako sa kanya.

"Mabuti pa nga, baka magmukha pa akong haggard paggising ko bukas," biro ko na ikinatawa niya. Nakakahiya rin naman kasi talaga kapag humarap ako sa private tutor ko bukas tapos may hangover ako.

Hindi na namin pinatapos ni Kuya Samael yung pinapanood namin. Tumayo na siya at siya na rin ang nagpatay ng TV. Akma na rin sana akong tatayo nang makaramdam ako ng hilo kaya napaupo ulit ako sa sofa. Marahil ay naparami ang nainom kong alak kaya nakaramdam ako ng hilo. Jusko! Sana lang talaga ay hindi ako magka-hangover nito.

Kuya Samael laughed at me, maybe he saw that I couldn't stand properly. Inirapan ko tuloy siya. Nakita naman niyang medyo nahihilo na ako rito at hindi na rin ako makatayo ng maayos dahil sa medyo may tama na ako ng alak, tapos tatawanan pa niya ako. Aba'y ang galing! Kung hindi lang talaga ako nahihilo rito ay baka natadyakan ko na siya. Pasalamat siya ay Kuya ko siya at pogi pa siya.

"Tsk, talagang tinawanan pa ako.." parang bata kong bulong subalit sapat na siguro iyon para marinig pa rin niya ang sinabi ko dahil muli siyang natawa at napailing-iling pa siya ng kanyang ulo.

"Huwag ka ng tumayo, bubuhatin na lang kita," Ani Kuya.

Hindi na ako nagsalita pa nang lapitan na niya ako at walang alinlangan na binuhat na pang-bridal style. Alam ko sa sarili ko na may kabigatan ako pero ni hindi man lang nahirapan si Kuya Samael nang buhatin niya ako.

"Thanks, Kuya.." tangi kong nasambit.

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"You're always welcome, amore mio."

Ngumiti na lang din ako. Mabuti na lang ay nandito si Kuya Samael. At least hindi ako mahihirapan nito na umakyat sa kwarto ko. Baka nga gumagapang na ako ngayon sa hagdanan para lang makarating lang ako sa kwarto ko dulot na rin sa nainom kong alak.

Kung bakit ba kasi ang lakas ng loob ko na uminom ng red wine kung mahina naman ang alcohol tolerance ko. Well, ngayon lang naman ulit ako uminom ng alak dahil hindi naman talaga ako pala-inom. I'm glad na nandito si Kuya at may taga-buhat ako.

Pinulupot ko lang ang braso ko sa leeg ni Kuya bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Inaantok kong ipinikit ang mata ko hanggang sa naramdaman ko na lang na naglakad na si Kuya Samael patungo sa kwarto ko. Antok na antok na talaga ako, para akong dinuduyan.

Ni hindi ko nga alam kung ilang minuto na ba ang lumipas, napadilat na lang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Doon ko lang napagtantong nandito na pala ako sa kwarto ko at naihiga na ako ni Kuya sa kama ko.

"Sleep well, amore mio. Good night," nakangiting turan ni Kuya sa akin at akma na sana siyang aalis nang hawakan ko ang kanyang kamay.

"Can you please stay here until I fall asleep?" parang bata kong pakiusap kay Kuya.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil sa antok. Wala naman sigurong masama kung mag-stay muna si Kuya dito sa kwarto ko hanggang sa makatulog ako. Ginagawa rin naman niya ito noon sa akin, ang mag-stay muna rito sa tabi ko hanggang sa makatulog ako. Minsan ay siya pa itong nagpapatulog sa akin. Marahil ay ganito lang talaga kami ka-close ni Kuya Samael at mahilig din akong manlambing sa kanya.

"Okay, fine." nakangiting sagot ni Kuya Samael sa'kin.

Natuwa naman ako dahil hindi siya nagdalawang-isip na pumayag sa gusto ko. At saka hindi rin naman niya ako matitiis. He turned off the light switch causing the fluorescent light hanging from the ceiling to dim. Nang mapatay na niya ang ilaw ay saka niya sinara ang pinto at lumapit sa aking gawi. May kaonting liwanag pa rin naman dito sa kwarto ko dahil hinayaan lang niya na nakasindi ang lampshade ko na nakapatong lang sa bedside table.

Agad naman akong umusog kaonti at hinayaan ko siya na mahiga sa tabi ko. Ibinalot lang din niya sa katawan naming dalawa ang makapal kong kumot bago ako yumapos sa kanyang beywang at ginawa ko namang unan ang kanyang matipunong dibdib.

Rinig ko tuloy ang malakas na pintig ng puso niya na animo'y isang musika sa pandinig ko. Bakit kaya ang bilis ng tibok ng puso ni Kuya? Hindi ko na lamang iyon pinansin pa. Niyakap na lang din niya ako kaya ipinikit ko na ang mga mata ko. He even kissed the top of my head and I just let his big and muscular arms wrap around my waist.

My ghad, why do I always feel safe in his arms? Talagang kampante ako at nakakahinga rin ako ng maluwag kapag nakakulong ako sa mga bisig niya. Feeling ko ay walang makakapanakit sa akin kapag nandito siya sa tabi ko. Ang init rin ng katawan niya na tila nagbibigay sa akin ng ginhawang pakiramdam.

"Sweet dreams, Kuya.."

"Sweet dreams, amore mio. Now sleep, bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ko.." he answered and placed his lips on my forehead.

Subalit hindi ko na nagawang marinig ang huli niyang sinabi. Naging hudyat na rin naman iyon para mas lalong bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.



          NAGISING na lang ako kinabukasan na maliwang na sa labas. Malaya pang nakakapasok ang sinag ng araw dahil sa bahagyang nakasiwang ang kurtina sa bintana. Umaga na pala.

Teka, anong oras na ba? Mukhang mataas na rin ang tirik ng araw sa labas. Mabilis akong tumingin sa orasan na nakasabit sa pader dito sa kwarto ko, 10 AM na pala. Hindi ko akalain na magtatanghali na pala.

I was about to get up when I felt something heavy on my waist. Doon ay nakita kong may malaking braso na nakapulupot sa akin at sobrang higpit din ng pagkakayapos sa akin kaya hindi tuloy ako makabangon. Naramdaman ko rin na nakasubsob pa ang mukha niya sa gilid ng leeg ko dahil tumatama sa aking balat ang kanyang hininga.

Agad ko namang tinignan kung sino ang nagmamay-ari nitong braso, walang iba kundi si Kuya Samael. Nangunot ang noo ko. Dito pala siya nakatulog sa kwarto ko? Naalala ko naman ang mga nangyari kagabi.

Oo nga pala, nagkayayaan kaming mag-movie marathon habang umiinom ng wine. Natatandaan ko rin na si Kuya ang nagbuhat at nagdala sa'kin dito sa kwarto ko. I also told him to stay in my room until I fell asleep. Kaya siguro nakatulog na rin siya dito sa kama ko sa kadahilan na pati siya ay nakainom din ng alak kagabi kagaya ko.

Mahina na lang tuloy akong natawa.

Maybe he was sleepy like me and he was too lazy to go to his room, kaya naisipan na lang niyang dito sa kwarto ko matulog. Wala rin namang problema sa akin 'yon, dahil minsan ay natutulog din naman ako sa kwarto niya na hindi siya nagrereklamo o nagagalit.

Saka ito rin ang pangatlong beses na natulog si Kuya dito sa room ko. Mas gusto ko kasi na roon ako natutulog o kapag trip kong tumambay sa kwarto niya. Natutulog lang naman siya rito kapag niyaya ko siya o 'di kaya'y kapag may sakit ako.

Pero first time kong makatabi matulog sa kama si Kuya. Madalas kasi na kapag dito siya natutulog sa kwarto o kapag doon ako sa room niya natutulog ay sa sofa siya humihiga. Buti na lang ay wala akong naramdaman na awkwardness nang matagpuan kong magkatabi kami ni Kuya sa iisang kama at nakayakap pa ang lokong 'to sa akin.

He's really clingy and I'm really used to it. Kung ibang magkapatid lang siguro ang magkatabing natutulog sa iisang kama ay baka nabwisit na sila at nagkasipaan pa. Meron pa namang ibang magkapatid na ayaw magkatabi na natutulog.

Maybe it's weird for others to see siblings sleeping together in the same bed, lalo na kapag lalaki at babae ang magkapatid. But I don't feel awkward or weird with my Kuya Samael. Wala namang problema sa'kin kung katabi ko siya matutulog dahil malaki ang tiwala ko rito kay Kuya.

He was very respectful to me and he never treated me rudely. Hindi siya bastos, manyak at mapagsamantala. Ni hindi rin niya tine-take advantage ang kahinaan ko, gising man ako o tulog.

And he hates rapists! Especially those men who physically, mentally and emotionally abuse women. Para kay Kuya, ang mga babae ay minamahal, nirerespeto, ginagabayan at pino-protektahan.

Kaya alam ko sa sarili ko na hindi ako gagawan ng masama ni Kuya Samael. Siya pa nga itong nagagalit kapag nakikita niya akong nagsusuot ng maiksing mga damit. Kahit na nandito lang naman ako sa bahay ay ayaw niyang nagsho-short ako o nagsa-sando.

Buti na nga lang ay hindi playboy itong si Kuya Samael. Unlike kay Kuya Palermo na never pang nagka-girlfriend pero babaero naman! Jusko! Talagang darating ang panahon na may babaeng magpapatino sa pinsan kong 'yon!

And I hope one day he finds a woman who will accept him, who he can lean on and be with until they grow old. Sana ga'non rin si Kuya Samael na mahahanap din ang babaeng magmamahal sa kanya at makakasama niya hanggang sa huli niyang hininga.

Huminga ako ng malalim bago ako nagpasyang gisingin na si Kuya. Magta-tanghali na at kumakalam na rin ang tiyan ko sa gutom. Baka bigla na lang dumating yung private tutor ko.

"Kuya, wake up. 10 AM na," sambit ko at bahagya kong tinapik-tapik ang malaki niyang braso na nasa beywang ko.

But he just stayed asleep and didn't even move. Muli ko siyang tinapik sa braso niya, this time ay nilakasan ko na. Niyugyog ko na rin siya para magising ko na siya at sa wakas ay gumalaw na rin siya.

"Come on, sleepyhead. Baka dumating na yung private tutor ko. You're going to interview him, right?"

He groaned softly before letting out a deep sigh. I can also see from his handsome face that he is still very sleepy. Gumalaw nga lang siya pero hindi naman siya nagtangkang idilat ang mga mata niya. Humigpit pa nga lalo ang pagkakayakap niya sa'kin kaya lalo akong hindi makawala sa bisig niya.

"Kuya Samael. It's past ten in the morning na. Bangon na tayo," turan ko sa kanya.

"Mhmm.. just give me five minutes, amore mio.." inaantok niyang pakiusap.

Halos hindi naman ako makagalaw nang kantilan niya ng halik ang pisngi ko pati ang aking leeg bago niya ginawang unan ang aking tiyan. Jusko! Lalo tuloy akong hindi makabangon nito dahil nakadagan na sa akin ang kanyang malaking katawan.

Mabuti na lang talaga ay hindi niya ako napisat dahil malaking tao pa naman itong si Kuya Samael at may kabigatan din siya. Aba, para kaya siyang kapre! Bukod sa may kalakihan ang katawan ay matangkad pa siya.

Hindi na lang ako nag-reklamo pa at pinagbigyan ko na lang si Kuya Samael sa kagustuhan niya habang marahan kong sinusuklay ang malambot niyang buhok gamit ang mga daliri ko sa kamay. Ngayon ko nga lang din napansin na wala pala siyang suot na damit pang-itaas.

He was topless so I could freely see his wide back as well as his broad shoulders and big arms. He is really muscular and he looks like a beast in my eyes. Malaya ko ring napapasadahan ng tingin ang mga tattoo niya sa katawan.

He has a colorful big dragon tattoo on his back and he's hot for that. He also has a yin yang tattoo on his left arm. Sobrang dami niyang tattoo at halos hindi ko na 'yon mabilang. His tattoos, his stance, his aura, his deep voice and his big body scream how powerful and dangerous he is.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong napalunok ng laway nang mahinto ang tingin ko sa kamay niya. Kahit marami siyang tattoo ay nakikita ko pa rin ang malalaki niyang ugat sa kamay.

Gosh, he still remains a gorgeous and hunky man in my eyes even though he has many tattoos. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit marami ring mga girls ang nagkakandarapa sa Kuya ko. My ghad! He's so sexually attractive! So a lot of girls are drooling over him. Many girls are head over heels in love with him.

Kaya nga labis talaga ang pagtataka ko kung bakit wala man lang kahit isang babae ang nakakuha sa atensyon niya. I mean, a lot of girls who have crushes on him are beautiful, sexy and rich. Aba, hindi na siya lugi roon!

Siya pa nga itong nililigawan ng mga babae eh. Pero kahit ni isa ay wala man lang siyang natipuhan. No one captured his heart and attention. Kahit pa siguro iharap sa kanya ang pinaka-magandang babae ay baka wala pa rin siyang pakialam.

Maliban nga lang sa babaeng ito na kinukwento niya sa akin na first love raw niya. It still remains a mystery to me who is the woman he is talking about. I want to meet her and she's lucky whoever she is. I just hope she's not a brat and a bitch. And I hope she is kind and we both get along. Mas maganda pa rin kasi na makasundo mo ang mga in-laws mo para walang problema at iwas stress na rin.

Nang mapansin ko sa orasan na lumipas na sa five minutes ay saka ko muling niyugyog ang braso ni Kuya Samael para magising na siya.

"Kuya, gising na. Lumipas na ang five minutes.." saad ko pero hindi man lang siya gumalaw at hindi nagpatinag sa malakas kong pagyugyog sa braso niya kaya naman ang ginawa ko ay piningot ko na ang matangos niyang ilong.

"Come on, baby giant! Time to get up!"

That's what I call him, the baby giant.

Because even though he looks like a giant, he always acts like a cute baby in front of me. Oo, isa siyang Mafia Boss na kinakatakutan ng lahat at iniiwasan na makalaban o makabangga ng ibang Mafia families. Isa siyang delikadong lalaki sa totoo lang.

For others, he is callous and dominant.

He is very cruel, powerful and feared by other mafia leaders. Pero pagdating sa'kin? He is soft and sweet. Kuya Samael shows his true self only to me. Wala siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao, ang mahalaga sa kanya ay may isang tao na higit na nakakakilala sa tunay niyang pagkatao.

Iyon ay ako. I'm the only one who knows him better. He is still a good person. That he is also kind and has a good heart.

Nagiging bato lang naman kasi ang puso niya sa mga taong higit pa na masama at mas masahol pa ang ugali kaysa sa kanya. Other mafia leaders are even more cruel than him. Because Kuya Samael still has a heart and he doesn't want innocent and defenseless people to get involved, get hurt and abused by some superiors.

Especially yung mga taong nasa mataas na estado ng buhay na walang ibang ginawa kundi abusuhin, sirain at tapak-tapakan ang pagkatao ng mga taong mahihirap.

He can still help people who are weak and unable to protect themselves and cannot get the justice they want. And that's one of the things I admire about him. Kahit na isa siyang kinakatakutan at iniiwasan na Mafia Boss ay nagagawa pa rin niyang tumulong sa iba lalo na sa mga inosente at mga mahihirap.

Nang mapansin ko na gumalaw si Kuya Samael at magigising na siya ay saka ko tinigil ang pag-pingot sa kanyang ilong. I giggled when I finally succeeded in waking him up. He opened his eyes and looked at the rolex he was wearing to check what time it was. Para pa akong timang na napangiti dahil kahit na bagong gising lang siya at napakagulo pa ng kanyang buhok ay nananatili pa rin siyang gwapo.

"Maligo ka na, You will meet your new private tutor around eleven o'clock," aniya kaya tumango lang ako.

Bumangon na siya pero akala ko ay aalis na siya sa kama, pero gumapang pa siya palapit sa'kin at pumantay sa mukha ko ang kanyang mukha. Natigilan ako, halos hindi rin ako makagalaw rito.

The.. heck!

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na halos ikaduling ko na! Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla na lamang kumabog ang puso ko. Nginitian lang naman niya ako at masuyong dinampihan ng magaan na halik ang aking noo, pero bakit tila yata.. nagwawala ang aking puso? Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit.. mas gumagwapo yata siya lalo?

"Good morning, my beautiful sunshine." masaya niyang bati bago siya tuluyang bumangon at umalis sa aking kama.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong hindi nakagalaw rito. Nakatingin lang ako ngayon sa pogi kong Kuya na kasalukuyan na sinusuot ang kanyang t-shirt.

"Take a shower and get ready. I'll just wait for you downstairs, okay?" Ani Kuya kaya marahan lang na tango ang isinagot ko.

Again, he kissed the top of my head.

He slightly and gently messed my hair before he left my room. He left me here dumbfounded and speechless, while my heart kept beating fast. Wala sa sarili na napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ko ang pagwawala ng puso ko.

Why is my heart beating so fast?

Am I sick? Do I have heart disease? Ewan, hindi ko alam. Saka lang ako natauhan nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Napalunok ako bago ako nagpasyang bumangon na. Hindi naman ako nagkakaganito noon kapag sobrang clingy ni Kuya Samael sa akin. Hindi rin naman nagwawala ang puso ko kapag humahalik siya sa noo o sa pisngi ko. Maybe it's just a normal reaction?

I just shook my head. Mukhang dulot lang yata ito ng antok kaya kailangan ko na sigurong maligo para magising. Huminga ako ng malalim at inayos ko na ang aking kama. Niligpit ko ang unan at kumot maski ang nagulong bedsheet. I just diverted my attention to my cellphone that was on the bedside table when I heard it beep.

Gumuhit sa aking labi ang matamis kong ngiti nang makita ko sa screen ng phone ko na nag-text ang aking gwapong nobyo. Agad kong kinuha ang cellphone ko at mabilis na binasa ang kanyang text message.

'Good morning, my beautiful princess!' basa ko sa kanyang text.

I just found myself smiling widely on my phone. I'm glad na umalis na si Kuya Samael dito sa room ko at baka makita pa niya kung bakit para akong timang na nakangiti rito habang hawak ko ang aking cellphone. But before I could reply to him, I received another text message from my boyfriend that made me wonder and frowned.

'See you later, love u!' text niya at meron pa itong kasama na heart at winking face emoji.

What does he mean? I turned my head to the left because I was confused by his text. Na-wrong send ba siya? But that is impossible. Kahit kailan ay hindi pa nawro-wrong send ng text si Rosales sa akin.

#

Continue Reading

You'll Also Like

702K 24.7K 35
IDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.2M 10.8K 39
WARNING!SPG.Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang.Ang anumang pagkakahawig nito sa mga tao,lugar,organisasyon,o pangyayari sa totoong buhay ay hin...
1.8M 49.4K 44
SOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first...