The Only Girl In Section D (O...

נכתב על ידי writestudy

699 48 3

Isang babaeng nag ngangalang Amethyst Jean Serrano na nag-aaral sa University High School. Siya ay palaging l... עוד

The Only Girl In Section D
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 1

86 4 1
נכתב על ידי writestudy

Amethyst's POV

"Miss Serrano, Miss Serrano." paulit-ulit na naririnig ko habang natutulog ako. Ano bayan hanggang sa panaginip tinatawag parin ako ni Sir Melvin, crush niya siguro ako.

"Miss serrano naririnig moba ako?" Oo naman Sir Melvin syempre naririnig kita may tenga ako eh.

Nung wala na akong marinig na boses ni Sir Melvin, naging tahimik na ang pagtulog ko kanina pa ako naiinis sa kanya. Kanina pa niya ako tinatawag hindi naman niya sabihin kung ano ang kailangan niya. Hay nako si Sir Melvin, siguro time mo na para mag-asawa.

Nagulat ako dahil sa lakas na paghampas ni Sir Melvin sa black board kaya napatayo ako nang dahil sa gulat.

Narinig korin ang tawanan ng mga kaklase ko. Baliw ba sila?nagagalit na nga si Sir Melvin tumatawa pa sila.

"Miss Serrano follow me to the office now!" Wow galit na galit gustong manakit?

"Bakit sir?"tanong ko kay Sir Melvin, pero wala akong natanggap na sagot galing sa kanya, at Umalis nalang bigla.

Nireregla siguro ngayon si Sir Melvin kaya galit. Daig pa babae kapag magalit ah.

Sumunod nalang ako sa utos niya at sinundan siya. Pagkarating ko sa office niya,umupo ako sa sofa at umupo din siya sa swivel chair niya. Kinakabahan ako baka kung ano ang gawin sakin ni Sir Melvin.

"Miss serrano." nagulat ako sa pagtawag sakin ni Sir Melvin kaya napatayo ako.

"S-sir?"kinakabahan kong sabi.

"Alam moba na kapag oras ng klase ay bawal matulog." Galit na sabi ni Sir Melvin.

"O-opo sir, sorry po hindi ko na po uulitin pasensya napo."sunod-sunod kong sabi.

"Alam moba na sinasabi sakin ng mga subject teacher mo na oras ng klase natutulog ka." hindi bakit? Inaantok ako eh bakit ba?

Kasalanan koba kung bakit ako napuyat kagabi kaya ako nakatulog ngayon. Kase naman ih busy ako kagabi sa kakatitig sa abs-este sa mukha ni crush uyy!

Chinat konga yun kagabi kaso sineen lang ako. Siya kaya yung first crush ko alam niyo yon? Syempre hindi kase chapter one palang to kaya magsisimula palang yung buhay keneme ko dito-

"Miss Serrano answer me!"ayan na naman si Sir Melvin oh nanggugulat.

"S-sir? Nasan po?"

"What?"

"Nasan sir?"

"Yung ano?"si Sir Melvin talaga oh. Sabi nila palagi daw akong lutang pero ngayun si Sir Melvin naman pala yung lutang.

"Yung question sir."sabi ko at ngumiti ng matamis.

Oo matamis hindi mapait.

"Isa pa Miss Serrano napupuno na ako sayo"sabi niya habang nagpipigil ng galit "...kapag inulit mo pa ito hindi na ako magdadalawang isip na ilipat ka sa section D."tumayo na si Sir Melvin at umalis.

Section D? Di ba section ng mga hindi marurunong magbasa at mga hindi matatalino ang nandoon, at puro mga lalaki ang nandoo- omg no hindi pwede.

Hinabol ko si Sir Melvin para sabihin sa kanya na ayoko sa section D.

"Sir sandali!"tawag ko sa kanya.

Hingal na hingal nako kakatakbo hindi ko parin mahabol si Sir Melvin kaya binilisan kona ang takbo pero may nabangga ako.

"What the hell."galit na sabi ng lalaki sa harapan ko.

"Pasensya na may hinahabol kase ako."sabi ko sa lalaking nasa harapan ko

"Are you out of your mind? Tignan mo ang ginawa mo sa damit ko. Nadumihan na dahil sa katangan mo!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Kawawa naman yung babae."

"Di manlang naawa yung lalaki oh gwapo sana kaso masungit."

"Omg she deserve it, tanga tanga kase."

"Gosh ang gwapo talagang magalit ang loves ko."

Umalis na ako at tumakbo, ayokong mapahiya nang dahil lang sa lalaking yun at sa katangahang nagawa ko.

Pagbalik ko sa classroom, umupo nako at nagdukduk nilabas kona ang galit ko. Kung hindi ako natulog hindi mangyayari ang lahat nang to. Tinatawag pa ako ni bea bestfriend ko pero hindi ko ito pinapansin.

Gusto ko ng magmeryenda.

"Pst pika." yan na naman ang pika nayan potek saan ba niya nakuha yang pangalan na yan nakakatanggal ng kagandahan.

"Hoy pika, pansinin mo nga ako."nakakunot ang noo kong humarap sa kanya.

"Bakit ba ang kulit mo, diba sabi ko sayo tigilan mo ang kakatawag sa'kin ng pika. Ano yan pikachu,pika-pika?"inirapan ko siya at bumalik sa pagdukduk.

"Oy pik-"

"Pwede ba bea,tigilan mo muna ako. Gusto kolang mapag isa okay." Sabi ko habang naka dukduk parin.

"S-sige."

Ramdam ko ang pag-alis niya sa tabi ko. Tinawag pa'ko ni mike isa sa mga classmate ko pero hindi ko ito pinansin. Tuloy parin ako sa pagdukduk hanggang sa maka tulog ako.

Mga ilang minuto nadin akong nakatulog nang makarinig ako ng ingay galing sa labas. Kaya tumayo nako at nag inat. Walang tao dito sa loob, nasa labas silang lahat kaya lumabas din ako para tignan ang nangyayari sa labas.

Baka may nagsusuntukan bess.

Tamang tama nakita ko si bea kaya siya nalang ang tanungin ko.

"Pst bea!"sigaw ko.

"Hi pika gising kana pala, look beh ganda ng eksena may nagsusuntukan."what?? So tama nga ang hinala ko may nagsusuntukan nga.

"Sino?sabihin mo anong dahilan,sino ang nauna, sino yung mga nagsusuntukan."sunod-sunod kong tanong.

"Sandali lang girl ganito kase yun, diba kilala mo si savana yung maganda diyan sa section B."

"Si savana?maganda bayon, ang pangit ang kapal ng make up."

"Hahahahahaha alam mo nakakatawa ka talaga."ano namang nakakatawa don sa sinabi ko. baliw ba siya? Hindi din naman ako nakakatawa.

"Ehh ano nga bakit sika nagsusuntukan?"

"Si david na boyfriend ni savana at si nathaniel na ex niya sila yung nagsusuntukan kase daw si david nahuli si savana at si nathaniel naghahalikan."the heck?

"Ano!!totoo?"yung crush kong si david kawawa naman. Kung ako yan hindi ko siya gaganonin hehe.

"David please stop!"pareho kaming tumingin ni bea kay savana.

"Nakakahiya na david, tumigil kana."

"What the hell savana!ako pa ngayon yung mali?Ganyan kaba talaga kalandi, nakikipag halikan ka sa ex mo habang ako iniisip ko kung paano ko aayusin ang relasyon natin!"

"Davi-"

"Fuck you!! I don't want to see your face again."umalis na si david at naiwan si savana na umiiyak. Deserve mo teh kapal kase ng make up mo.

"What are you looking at!"ay wow galit ka teh? Tinitignan kolang naman yang makapal mong mukha. yan kase landi landi mo,bawas bawasan mo kase kalandian mo pati narin yang make up mo.

Pumasok na kami ni bea sa classroom. tapos na ang eksena uwian na.

Ay wala pa pala si Sir Melvin.

Dumating na si Sir Melvin at siya ang last subject namin ngayon. Napansin ni Sir Melvin na tinatamad kaming magsulat kaya may pinagawa siya samin. Walang iba kundi ang mag floor wax.

Floor wax na naman mga beh.













Enjoy reading
The Only Girl In Section D.

המשך קריאה

You'll Also Like

17.1M 656K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
214K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
339K 13.3K 140
"𝙳𝚛𝚞𝚐𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚞𝚌𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚘𝚗𝚎𝚢 𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚑𝚎𝚊𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚒𝚛𝚍𝚜 𝚜𝚒𝚗𝚐 𝙳𝚛𝚞𝚐𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚞𝚌𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚖...
238K 7K 51
we young & turnt ho.