AGS 4: The Best Man's Wedding

By LenaBuncaras

132K 7.5K 2.5K

ALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents... More

The Best Man's Wedding
Prologue
Chapter 1. Breakup
Chapter 2: Big Brother
Chapter 3: Guardians
Chapter 4: Arranged
Chapter 5: Empty
Chapter 6: Rare Glare
Chapter 7: Temptation
Chapter 8: Sneak
Chapter 9: Ghosted
Chapter 10: Tear
Chapter 11: Fallen
Chapter 12: Embarrassing Moments
Chapter 13: Missing Point
Chapter 14: Disappointment
Chapter 15: Unwanted
Chapter 16: Scarred
Chapter 17: Ceremony
Chapter 18: Conflict
Chapter 19: Luncheon
Chapter 20: Homeless
Chapter 21: Mishaps
Chapter 22: Dead End
Chapter 23: J'adoube
Chapter 24: Challenged
Chapter 25: Practical
Chapter 26: Dedicated
Chapter 27: Manager
Chapter 28: Incoming
Chapter 29: Cards Against Humanity
Chapter 30: Unexpected Proposal
Chapter 31: Chosen
Chapter 32: Spoiled
Chapter 33: Prodigal
Chapter 34: Home
Chapter 35: Caregiver
Chapter 36: Pre-Val
Chapter 37: Valentine
Chapter 38: Trust
Chapter 39: Prelude of Bad News
Chapter 41: The Wedding
Chapter 42: Memories
Chapter 43: Recollection
Chapter 44: Warmer
Chapter 45: Last Resort
Chapter 46: Very Good
Chapter 47: Solved
Chapter 48: The Legend
Chapter 49: Come Back
Chapter 50: At Last
Calvin Dy

Chapter 40: Biased

886 48 12
By LenaBuncaras


Normal na sa bahay na laging nagtatalo si Mum at si Kuya, but it was a different matter this time. Umuwi kasi si Kuya sa bahay, and I could feel how strong they were kasi parang naging predator's place ang mansiyon pagdating doon ni Kuya.

Nasa office si Mum kasama si Jaesie, and they both didn't like what was going on. Mum asked Mat to go home muna kasi family matters na ang pag-uusapan.

"Kuya, ano'ng sasabihin mo kay Mum?" tanong ko habang nakasunod sa kanya paakyat sa second floor.

"She's not supposed to do this to me or to anyone, Sabrina," Kuya said, and I sensed his annoyance toward it. He wasn't mad, but I felt the chill kasi halatang sasalubungin niya ang galit ni Mum ngayon.

We entered Mum's office, and Jaesie stood up from the visitor's chair. She was glaring at Kuya as she crossed her arms. Parehas pa sila ni Mum.

"At last, umuwi ka rin nang maaga," sermon ni Mum kay Kuya. Na-stay ako sa gilid ng pinto kasi ayokong lumapit doon, baka biglang mambato si Mum ng kung anong madampot niya.

"I don't see any reason why we have to do this, Mum," Kuya said in his strict voice.

"You don't see any reasons?" Mum sarcastically asked. "Ipaliwanag mo ang tungkol doon sa bank account na nakapangalan sa 'yo at kay Clark na hindi naka-declare sa kahit anong records mo."

"Hindi ko need i-declare 'yon sa record ko kasi hindi ko lang pera 'yon, Mum! Why do I have to own that money na hindi lang naman ako ang owner? Pero din 'yon ni Clark! Pera din 'yon ng barkada! Savings namin 'yon!"

"Hundred million ang laman ng bank account, and that was created fifteen years ago. Saan kayo kumuha ng pera during college days na ganoon kalaki?"

"We were playing, Mum. Those came from teenage games! Come on!"

From crossing her arms, Mum put her hands on her waist and nodded at Kuya. "Playing, young man? Saan kayo naglalaro at bakit may ganoon kalaking pera kayong itinatago, hmm?"

"It's been fifteen years. Nagkaroon na lang ng interes 'yan."

"Pero hindi lalaki nang ganyan ang interes sa bangko kung umpisa pa lang, wala kayong inilagay diyang pera na ganyan kalaki! Saan kayo kumuha ng pera at may ganyang laman ang savings n'yo?"

"I didn't steal that," proud na sagot ni Kuya sa mababa niyang tono. "I earned that money, we earned that money na nandiyan sa savings account, and that was our college money, Mum. I'm already 33, for freaking sake! Never nagalaw 'yang pera na 'yan kasi pera 'yan ng barkada for emergency purposes!"

"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko, Ronerico!"

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naririnig kong nagsisigawan sina Mum at Kuya. Sanay akong galit sila sa isa't isa, pero hindi gaya nito. Parang gusto ko nang umawat doon para lang huminto sila.

Dinuro ni Mum si Kuya habang ang talim ng tingin niya sa kapatid ko. "Kailangan ko ng records ng account na 'yon."

"Wala akong ibibigay na record sa 'yo, Mum. I'm not obligated to give you anything. Kung pera ko lang 'yan, fine. Ibibigay ko. But those money are not my money alone. Pera 'yan ni Clark, pera 'yan ni Leopold, pera 'yan ni Will, pera din 'yan ni Calvin. You will need to file a court order para bigyan ka ng copy ng bank ng record niyang account."

"At talagang hinahamon mo 'kong bata ka, ha?" naiinis nang sagot ni Mum kay Kuya.

"Stop doing this to us, Mum. Sumosobra ka na, e. Pati pera ng barkada ko, pinakikialaman mo na!" galit na sigaw ni Kuya. "If you badly want to see those records, then magkita na lang tayo sa korte! Mag-usap kayo ng abogado ko."

Kuya walked out, and I saw his face turned dark as he stormed out of the office. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa takot. Never ko pang nakitang ganito kagalit si Kuya sa mommy namin.

My eyes shifted to Jaesie na nakatingin lang kay Mum. I could see her, wanting to side with my mother, but Mum pointed his head to the door.

"Sundan mo ang asawa mo," utos ni Mum.

"Pero, Mum," pagtanggi ni Jaesie.

"Sumunod ka na." Mum shifted to her calm mode and took the phone beside the lamp on her table. May tatawagan na yata siya. As always.

Wala nang nagawa si Jaesie, sinunod na lang niya si Mum. Pagtapat niya sa tabi ng pintuan kung nasaan ako, saglit pa siyang huminto para magpasabi.

"Huwag ka nang dumagdag sa problema ng mommy mo," paalala lang niya bago lumabas ng office.

Wala rin naman talaga akong balak dumagdag. Galit na galit si Kuya at ramdam na ramdam ko 'yon. Hindi ko alam kung kaya ko pang magtagal dito sa bahay dahil alam kong kapag ako naman ang may ginagawang mali, sa akin naman maibubunton ang galit ng parents ko na exclusive lang sana para kay Kuya.

"Mum . . ." pagtawag ko mula sa pinto.

Nakatutok na ang phone ni Mum sa tainga nang tingnan ako.

"What is it?" tanong niya, pero hindi gaya ng way ng pagtanong niya kay Kuya na naiirita, mas kalmado ang pagkakatanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit doon sa harapan ng office table niya. Nagkukutkot ako ng laylayan ng blouse habang nakayuko.

"Si Kuya . . . he's doing illegal things ba?" awkward na tanong ko.

"Siya dapat ang sumagot niyan," mahigpit na sagot ni Mum sa tanong ko. "If those money came from illegal transactions, mas mabuti nang malaman ko para maayos ko agad. Ano'ng gusto niya? Hintayin na iba ang makakita niyan? Ewan ko ba diyan sa kapatid mo kung bakit hindi 'yon maintindihan."

Galit si Mum. Galit si Kuya. Parang sinasakal ako ngayon dito sa mansiyon dahil sa kanilang dalawa.

Ang lalim ng paghinga ko nang magsalita. "Puwede akong mag-stay muna kay Clark in the meantime, Mum? Promise, I'll behave."

Ang talim ng tingin niya sa akin kaya napayuko na lang ako para mag-iwas ng tingin. I know, masama rin ang loob niya ngayon kay Clark dahil damay siya roon sa savings accounts na isinisermon niya ngayon kay Kuya. Pero hindi ko kasi kayang magtagal ngayon dito sa mansiyon na ganito sila—na kahit gising ako, parang hindi rin ako makahinga. What more kung matutulog na?

Ang lalim ng buntonghininga ni Mum nang mapasulyap ako sa kanya.

"Bong."

Nakuyom ko pa nang mahigpit ang laylayan ng blouse ko.

"Pakihatid si Sabrina ngayon sa West."

Nakagat ko ang labi ko at saglit na naputol ang paghinga ko dahil doon.

At this point, hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko kay Mum at kay Kuya. Both silang may point pero both din silang hindi tama ang ginagawa sa paningin ko.

Mum sure knew what she was doing, but she was crossing the line na ayaw ni Kuyang tapakan niya without permission.

Hindi naman ako nanghingi ng pera pero nagbigay pa rin si Mum ng ten thousand panggastos ko. Hinatid din ako ni Kuya Bong papunta sa bahay ni Clark, at hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nangyayari ngayon sa bahay.

Nakaligpit na ang living room ni Clark. Wala nang kalat doon ng mga papel hindi gaya kaninang dumating ako rito na nandito pa ang barkada niya.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya pagsalubong sa akin.

"Nag-away si Mum saka si Kuya."

I felt terrible for not doing anything while they were arguing. But I don't think I would be of any help to anyone of them at this point. Mum wanted Kuya to be honest with her so he could help him clean his mess. But my brother has a different opinion because the mess Mum wanted to clean wasn't his alone. Buong barkada ni Kuya ang involve, and I had no idea if they wanted Mum to meddle with these financial issues right now kasi si Kuya lang naman ang anak ng mommy ko. Maybe counted si Clark sa anak ni Mum because duh, but not the others.

Clark was sitting on the couch doon sa kaninang tambayan ng mga paper na inaayos nila. He let me sit on his lap so I can lay on him. Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya habang tinatapik-tapik niya ang binti ko.

"Ang chaotic sa bahay," kuwento ko. "I don't think na makakatulog ako sa kahit saang kuwarto doon nang hindi nagigising out of stress."

"Pinayagan ka naman dito ni Tita Tess, di ba?"

Tumango lang ako saka siya niyakap nang mahigpit. "I have no idea kung gaano ka-worse ang situation ninyo nina Kuya with Mum, but I could feel that she wasn't giving this up that easily kahit nagagalit na si Kuya. Ayokong magtagal sa house kapag galit din si Mum. Baka pagalitan din ako."

Clark sighed so deeply, and I felt the unsaid frustration na ilang araw o linggo na niyang itinatago sa akin. He said that may conflict talaga sila kaya nga ako pinaghihintay, but I didn't expect this kind of conflict between Mum and Kuya's barkada.

Naiintindihan ko si Kuya kung bakit ayaw niyang makita ni Mum ang transaction history ng bank account na 'yon. Kasi private 'yon e. Wala nang pakialam si Mum kung saan nakuha ng kapatid ko ang pera.

Pero ang reason ni Mum, if Kuya is involved in illegal transactions, kailangang malaman niya. Mum knew how to clean our names sa isang snap lang ng daliri, but Kuya didn't want our mother dipping her fingers on his cup. And this is not the first time na pinalagan ni Kuya ang mommy namin.

When Kuya applied for a black card for Jaesie, he risked almost everything for that. This is one of those annoying traits ni Kuya na kapag tumaya siya, itataya niya lahat. At kapag itinaya niya lahat, ayaw niyang natatalo siya. Ironically, Mum has the same traits kaya ang scary na ng conflict between them.

Buong gabi kong inisip ang tungkol sa pagtatalo nina Mum at Kuya pero thankful ako na katabi ko si Clark matulog. Maybe we were tired enough to just hug each other and sleep in peace.

It was different than those nights na gusto kong magpa-baby sa kanya. I was feeling heavy. Clark was comforting me kahit pa parang sa aming dalawa, siya ang mas kailangan ng comfort ngayon kasi siya ang under pressure.

Paggising namin, ang sinabi ko agad sa kanya, "Uuwi muna ako sa bahay nina Mum. Kuya won't go home kapag ganitong galit siya kay Mum. Mag-aaway lang talaga sila."

"Sigurado ka ba?"

"Wala naman akong work right now. Maybe I can talk to Mum about those records. Or anything na puwede kong ibalita sa inyo ni Kuya. For sure, kakausapin niya si Kuya Tony. Mum would definitely find a way to get those records na ayaw ibigay ni Kuya."

Clark's eyes spoke sadness and hopelessness. Niyakap lang niya ako. At kahit pa isipin kong para sa akin ang yakap na 'yon, mas ramdam kong kailangan niya ng yakap na 'yon kaysa sa akin.

"Gagawan ko ng paraan 'to para hindi na rin mag-away si Tita saka ang kuya mo. Pahinga ka na lang muna, hmm?"

I wanted to help them. Yung kahit anong way na puwede kong magawa, gusto ko silang tulungan.

Inuwi naman ako ni Clark kinaumagahan pero hindi gaya dati na pumapasok pa siya sa garden para lang batiin si Mum, doon lang siya sa tapat ng gate at hindi na bumaba ng sasakyan.

Nalulungkot ako na kailangang mangyari 'to sa pamilya ko.

Pag-uwi, umaasa naman na ako na hindi okay ang mood sa bahay, pero parang doble ang tensiyon na meron ngayon kompara kagabi bago ako umalis.

"Madame, okay na raw po ang studio," aligagang balita ni Ate Becca pagtapak ko sa lounge. Nandoon din si Mum naglalakad at may dalang mga papeles.

"Ano'ng sabi ng bakeshop?"

"Mamayang 2 p.m. daw po, puwede nang makausap ang chef."

"Si Tony?"

"Wala pa po, hindi pa dumarating."

Ang busy sa bahay. Halos lahat ng maid namin, nakakalat sa buong mansiyon. Hindi naman general cleaning pero ang dami nilang ginagawa.

Pagkakita sa akin ni Mum, hindi pa ako binabati, nagtanong na agad. "Malapit na ang wedding ni Leopold. Kailan balak pumunta rito ni Clark?"

"He's busy, Mum."

"Busy? Sino'ng naghatid sa 'yo rito?"

"Sumabay lang ako kasi pupunta raw siya sa construction site."

"Sabihin mo sa kanya, kung gusto ka niyang pakasalan, pirmahan niya yung disclosure agreement at saka kami magkakasundo. Kung hindi, kakausapin ko na si Archie, ise-set ko na ang kasal n'yo sa June."

"But, Mum! Nag-agree na kami ni Clark na magpapakasal kami. Maghihintay na lang ako—"

"Maghihintay ka saan?" putol ni Mum na dahilan ng pagtahimik ko. "Makikipagmatigasan din ba siya sa 'kin gaya ng kuya mo?"

"Mum, they're not doing anything wrong naman, e!"

"You don't know what they did and what they're doing, Sabrina. Ipahahamak lang nilang dalawa ang mga sarili nila dahil diyan sa ginagawa nila ngayon."

"But I still want to marry Clark, Mum . . ." nanghihinang sabi ko.

"Kung pakakasalan ka niya, magkasundo muna kaming dalawa!" singhal niya at dinuro pa ang gilid habang galit na galit. "Hindi ako papayag na ikakasal kayong dalawa tapos madadamay ka pa sa kung sino-sinong mga humahabol sa kanya!"

"Mum?" Nalito ako sa sinabi niyang 'yon. "Sinong humahabol kay Clark?"

Kumalma ang nagsasalubong na kilay ni Mum nang lumapit nang kaunti sa akin. "May tiwala ako kay Clark, at alam kong hindi ka niya pababayaan, Sabrina." Mahinahon ang pagkakasabi ni Mum pero biglang dumiin sa mga sumunod na. "Pero wala akong tiwala sa mga pinagkakatiwalaan niya. At gusto kong maging safe ka, maging safe siya, maging safe ang kuya mo." Itinuro niya ang kaliwang gilid nang may matalim na tingin. "Hindi natin alam kung kanino at saan galing ang perang itinatago ngayon ng kuya mo. At alam ni Clark kung saan 'yon galing. Kaya magkasundo muna kami tungkol diyan bago kayo magpakasal."

It felt like a wildfire consuming all of us kasi kapag nagpakasal kami ni Clark, he should sign an agreement na lahat-lahat ng assets, properties, and everything, ide-declare. At kung ano ang kanya, mapupunta sa ganito or ganiyan. But that was amenable kaya hindi ko alam kung paano ito aayusin ni Mum.

The pressure was deadly kasi ayokong mapahamak si Kuya, ayokong mapahamak si Clark. But if they continued playing a dangerous game with Mum, wala akong choice kundi i-give up si Clark, or else lahat ng pinaghirapan nila nina Kuya, mapupunta lang sa wala.

Since ayaw tumapak ni Kuya sa mansiyon, nag-volunteer akong maging spy nila kina Mum. I was talking to Jaesie and Melanie one time sa Purple Plate, and I was recording everything sa phone para ibigay kina Kuya kapag may chance.

I paid for my carrot cake and espresso kahit puwede namang libre. Ayoko lang isipin nila na dumadalaw ako rito kasi may pakay ako—kahit meron naman talaga.

Jaesie was busy on her office table, si Melanie, nasa tabi ko sa couch habang nagtsitsismisan kaming tatlo.

"Wala pa ring sinasabi si Pat?" tanong ni Jae kay Mel.

"Wala nga, e," disappointed na sagot ni Mel bago pumaling sa akin. "Bakit nga pala ayaw mag-usap ng kuya mo saka ng mama n'yo?"

Napatingin ako kay Jaesie na nag-aabang din ng sagot. Kuya told Jaesie na mas mabuting huwag na lang siyang ma-involve for now kasi family issue. That triggered Jaesie kasi parang ang punto ni Kuya, hindi siya pamilya. Pero nag-usap yata sila ni Kuya kaya hindi ko nararamdamang galit siya gaya ng ine-expect ko. Mas nag-calm down na nga siya mula noong hindi na sila napapadaan sa bahay nina Daddy.

"Si Mum kasi, gusto niyang makita ang records ni Kuya."

"E, di ba, matagal naman na siyang nangingialam ng records nila?" sagot ni Mel.

"This time, complicated na kasi," kuwento ko.

"How complicated para maging ganitong kagulo?" reklamo ni Mel. "Grabe, damay pati asawa ko!"

"Actually, Mel, Mum pulled some records during Rico's college years," Jaesie explained, and I nodded.

"O, ano naman?" tanong ni Mel habang kagat-kagat ng straw ng milkshake niya.

"Mum ranted about Rico dealing with some illegal stuff."

"Shit! Seryoso?" di-makapaniwalang sagot ni Melanie.

"Yeah," Jaesie replied. "And she's pulling more records right now. May mga kinakausap na siyang tao from casinos and some illegal gamblers—"

Jaesie stopped talking when Melanie coughed continuously. She stood up and shook her head. "Wait. Tatawagan ko lang si Calvin."

"Si Calvin?" tanong ko.

"I mean . . . si Patrick. Kung sino sa kanila." At nagmamadaling lumabas ng office si Melanie habang naiwan kami ni Jaesie na nagtataka sa ikinilos ng isang 'yon.

Jaesie was quiet about Kuya's issue with my Mum. Tingin ko, nag-explain na sa kanya nang maayos si Kuya kaya hindi na siya galit.

If Mum wanted safety for Kuya, naiintindihan ko ang pangingialam niya rito. Kahit din naman ako, kung malaman kong ma-involve si Kuya sa ilegal, matatakot din ako para sa kanya. But everyone has their valid reason, ang hirap tuloy maghanap ng kakampihan.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

206K 5.4K 44
All I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all th...
9.7K 1.1K 40
World Trip Series 6 Previously working as a personal assistant, Raijine was called back to work to this popular Korean superstar after being enlisted...
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.