Come Inside of my Heart ▶️

By Yaoistorywriter

2.3K 249 238

Omi, a self-aware hopeless romantic, finds himself enamored with the idea of falling in love with one of his... More

Pre
[1] p-po...?
[2] and you're...
[3] Cr.
[4] It's always the case,
[5] Tuloy lang.
[6] white polo
[7] Leonardo DiCaprio
[8] If that isn't destiny, ano 'yun?
[9] him
[10] Watsons
[11] I knew it.
[13] I want to defy astronomy and reach a star like you
[14] two minutes,
[15] i'm just insecure
[16] Pwede bang...

[12] I will go with you

140 16 16
By Yaoistorywriter

Si Jane.

Jane is one of our teammates na hindi ko masyadong nakakausap hindi dahil feeling ko ang distant nya, kundi dahil naiilang ako sa kagandahan nya.

Sya 'yung dinescribe ko sa inyo nung first day na ang hilig magponytail at magdress. Which is, bagay na bagay sa kanya. Tapos gumaganda sya lalo kapag may suot syang glasses. Napakamestisa nya at ang ganda ng hubog ng katawan nya. She's not into revealing clothes. Cute din ang boses nya.

Bukod pa doon, sobrang bait din nya. Lahat ng boys dito sa team namin close nya. I also know almost all of them has been crushing on her ever since.

Pero sa 1 month na nagwowork ako sa company na 'to, I also know how much Jane wants to get Creed's attention. Not in a way na she's desperate and being clingy, more like she really wants Creed to know na she's into him in a gradual way. And mind you, sobrang respectful ni Jane sa pagpapakita nya ng attraction kay Creed. Kahit inaasar sya ng mga kaibigan nyang sina Trisha, Hannah and Gina, she still sets her limit apart from Creed because she knows she'd be too overwhelming when she pushed herself too much.

And yes. I am not in any way blaming Creed for liking her. After all, matagal ko nang naiisip na baka gusto talaga ni Creed si Jane. Pangiti-ngiti lang sya pag nali-link kay Jane, pero ang totoo, gusto na rin nya sya.

And while them being a couple on our team is not really recommended by sir Jacob, magiging supportive ako sa kanila kung mapagdedesisyunan nilang maging sila nang patago.

"Say something, my goodness." Mahinang sabi ni Creed, at napatungo sya.

Napabuntong-hininga ako.

As if may choice akong pigilan 'tong nararamdaman kong huwag masaktan kahit ang totoo eh parang naging pin cushion bigla ang puso ko sa biglaang kirot. Hay naku, Creed.

"Anong gusto mong gawin ko?" I asked him. Hindi sa paraang sarcastic, I'm actually asking him kung anong pwede kong gawin para magkalapit silang dalawa ni Jane.

Saglit syang napatingin sa akin, then he smirked.

"You know what, nevermind." Sabi nya, at akmang patayo na sya nang pigilan ko sya.

"A-ano nga? You want me to help you be with her? I mean, ok lang naman  sa akin. Sanay na akong maging kupido sa lovelife ng ibang tao," Sabi ko sa kanya, then I gave him a genuine smile.

Bahagya syang tumango para titigan ako sa mata, "You're insane. I'm just kidding. I don't like Jane. I just tried to startle you earlier kasi ang preoccupied ng utak mo. Besides mukhang wala ka talagang balak sabihin sa akin kung anong nangyari sa'yo kaninang umaga so...you know what, let's just go." Sabi pa nya.

Tinalikuran na nya ako at nagsimula na syang maglakad palayo.

Wala na naman akong nagawa kundi sundan sya at maglakad na rin pabalik sa office.

"H-huy, 'to naman. Napaisip lang ako saglit sa mga sinabi mo kanina. I know guilty ako sa part na parang anino mo lang ako but I want you to know, I'm treating you like a real friend. Just give me more time para mas maging comfortable sa'yo. Ok?" Sabi ko kay Creed habang naglalakad pero sa paraang parang nagjojoke lang ako pero ang totoo, I meant what I said.

"I don't know, Omi." Sabi lang ni Creed, na bahagyang nagpatigil sa akin.

He continued walking at hindi na nya ako hinintay kahit alam kong alam nya na tumigil ako sa paglalakad.

Hanggang sa makapasok sya sa elevator. His face is bored and emotionless. Hindi na sya tumingin sa akin. 

Nauna sya sa aking bumalik sa office dahil naiwanan ako ng elevator. Pero kahit nang makarating ako, hindi pa rin nya ako pinansin. And I don't know what I did.

For a moment, I started questioning my own behavior. May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong hindi nya nagustuhan?

Umupo na ako sa pwesto ko. And as I start working, napatingin pa ako sa gawi nya.

He's sitting beside Jane and Jasper. At mukhang masaya silang naguusap-usap. 

Si Creed, he's smiling like he never did before. I never see him smile like that to me.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagproceed na sa work. I hate to think of this pero parang naninikip na naman ang dibdib ko. Feeling ko, aatakihin na naman ako ng panic attack. 

"Omi, ok ka lang?" rinig kong tanong ni Nate sa tabi ko at bahagya pa syang lumapit sa akin.

I looked at him at ngumiti ako.

"Yep," sabi ko na lang.

Sinubukan ko nang tanggalin sa isip ko si Creed. It really sucks when you feel both pain and insecurity hitting you at once.

~*~

Sinubukan kong isingit 'yung apology letter na pinapagawa sa akin ni Liam during work. Sobrang hirap mag-isip ng dahilan tapos kailangan ko pang punuin back to back yung long bond paper. Kaya naman, I ended up telling the truth. Sabagay, ganito naman ako palagi. 

Bahala na si batman. 'Yun naman talaga ang nangyari. At least wala akong mararamdamang guilt na nagsinungaling ako sa TL ko. Hindi ko rin naman habit magsinungaling.

Napatingin ako sa orasan. It's already 2:30 PM. Kaninang lunch, nagpaalam ako kina Nate and Drew na hindi muna ako makakasabay sa kanila dahil parang ang sakit ng katawan ko. Which is totoo.

And alam kong presumptuous but I really thought pipilitin ako ni Creed. Pero ni hindi nya ako nilapitan sa table ko. Diretso labas sya ng office nung naglunch time, kasabay sina Jane.

And I know. Wala akong karapatang makaramdam ng kahit ano nung nakita ko silang magkasama. But I feel like I was stabbed in the chest ten times. Sobrang cliche pero totoo 'yung pain. Ramdam na ramdam ko.

At naiinis ako sa sarili ko dahil for fucking 1 month, I developed this feeling of desire for him. For goodness' sake. Hindi ko nga maamin-amin sa sarili ko na crush ko sya nung una. Pero eto ako ngayon at nagdadrama nang malaman kong gusto nya si Jane.

He's just kidding? Utot nya.

I sigh. Sabi ni TL, before lunch ko 'to ibigay sa kanya. Pero hinayaan nya ako magextend ng before dismissal dahil rush yung project na winowork namin. At kahit 4 pa ang out namin, I decided na ibigay na itong apology letter sa kanya para wala na akong iisipin.

Hay naku.

I folded the apology letter at naglakas na ako ng loob na lumapit kay Liam para ibigay ito sa kanya.

"Ito po, sir Liam." Sabi ko sa kanya with honorific.

I know. Kind of lame. Pero parang ayoko kasi syang tawagin sa first name nya ng hindi ko inaaddress ang pagiging team leader nya. I don't want to ask him on how should I address him either.

Since hindi pa naman nya ako binibigyan ng cue na bumalik na sa upuan ay nagstay muna ako sa harapan nya. He's now reading my apology letter.

Alam kong hindi nya 'yun tinapos basahin, at buti na lang. Kasi sa pagkakaalam ko may naulit akong dalawang paragraph. Sinadya ko talaga iyon dahil wala na akong maisip na isulat.

"Inatake po ako ng panic attack sa Ayala avenue at nasagasaan po ako. Naligaw po kasi ako, akala ko nasa Laguna pa ako. Nagdorm na nga pala ako dyan sa may J victor." Liam reads. 'Yung obvious na hindi sya naniniwala sa dahilan ko.

"I'm supposed to believe this?" Sabi nya, at tumingin sya sa akin nang nakataas ang kilay.

He started folding my apology paper for a number of folds I can't count.

"I know life can be difficult lalo na kung kakalipat mo pa lang ng apartment dito sa Makati. But I don't think you will be lost all of a sudden pagkagising mo if the reason you're waking up in the morning is going to work. It's hard to believe that you forgot the reason why you even moved here." Sabi ni Liam while looking at me directly.

Napatungo ako. I know hindi sya maniniwala sa dahilan ko. I'm telling him the truth, but I also know mahirap paniwalaan ang nangyari.

Gusto ko sanang makipagtalo sa kanya kung may energy ako. Gusto kong ipaglaban na totoo ang sinasabi ko. But I think mas ok na na ibang reason ang alam nila para hindi na sila magdig. Pati na si Creed.

I heaved a sigh, at tumingin ako sa kanya.

"Sorry po. Tinamad lang po bumangon kaya nakailang snooze sa alarm. Di ko po namalayan na tanghali na kaya isang oras po akong nalate." Sabi ko na lang.

Saglit na natahimik si Liam, at maya-maya ay napabuntong-hininga rin sya.

"Just promise me na hindi na ito mauulit. You have a good record so take this as a warning. Una, don't try snoozing your alarm. It's a bad habit. Second, don't lie to me. Ever again. And while lying about your panic attack is not a good alibi, being lost in Ayala Avenue is a badass excuse -- but also pretty unrealistic." Sabi nya.

Punyeta. Unrealistic? Ipakilala nyo sa akin ang taong nakasaulo na ng mga underpass dito, kakausapin ko lang.

And for goodness' sake. He can take all the things that I wrote in my apology letter as an alibi, but not my panic attack. It's true, it's real and it's not imaginary. It's not a joke. It's not an alibi.

"Write another one. One that I can give to sir Jacob."

Napapikit ako nang bahagya, at saka ako ngumiti sa kanya.

"Ok po." Mahina kong sabi.

Saglit nya akong tiningnan sa mata, then he went back to work.

"You can go." Sabi nya.

Tumango ako bilang paalam, at napahawak pa ako sa braso ko dahil bigla akong nakaramdam ng kirot dito. 

Sa halip na bumalik sa upuan ko ay lumabas ako ng opisina. Pagkalabas ko ng opisina ay binilisan ko ang lakad ko at naghanap ng pinakamalapit na restroom. When I found one, pumasok ako sa loob at isinara ko ang pinto. Kaagad akong dumiretso sa sink.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

My lips are trembling, and I don't know why. Siguro hindi lang ako sanay makarinig ng mga salitang narinig ko kanina. Hindi ako sanay mapagalitan o mapagkamalang nagsisinungaling.

I am thought to do good things. I always do the right thing. Hindi ako nagpapabaya. Hindi ako gumagawa ng mga bagay na alam kong mali at higit sa lahat, hindi ako nagsisinungaling. I mean I do lie for the smallest deals but for this, hindi ko kayang i-take 'yung consequences pag nalaman ng mga taong pinagkakatiwalaan ko na nagsisinungaling ako. I sometimes joke about lying but I don't actually lie in moments like these.

Usually nakikipag-argue ako kapag alam kong ako ang tama. Kapag sinasabi nilang nagsisinungaling ako, hindi ako titigil sa page-explain hanggang sa maniwala sila sa akin. I want to see their faces when I prove them wrong. I want them to regret for doubting me, for wronging me.

Pero kanina, hindi ko alam. Nahihirapan lang siguro akong magpaliwanag kay Liam.

Ewan. Siguro dahil hindi na worth it makipagtalo sa kanya? I mean, he's aware of what he did yesterday, right? Who the fuck in their right mind will kiss their colleague for some reason and then not explain after, or rather pretend nothing happened? Tapos hindi sya naniniwala sa dahilan ko kanina? Inisip nya ba talagang makakatulog ako nang maayos pagkatapos ng ginawa nya? To the point that I snooze my alarm several times?

Wow. Just wow.

I looked at my face in the mirror. Hindi ganito kadalasan kababaw ang luha ko pero ito sila at nagsisimula nang tumulo. It's not from the pain that I am feeling from my wounded arm. It's frustration, confusion and the feeling of apathy all at the same time.

Suddenly I remembered the feeling I felt earlier when I left the dorm.

The feeling of being lost. Nakakatakot. 'Yung pakiramdam na walang tutulong sa'yo. Hindi mo alam kung saan ka pupunta. 'Yung pakiramdam na gusto mo na lang umuwi sa bahay nyo at yakapin ang nanay mo pero hindi mo magawa kasi hindi mo alam kung nasaan ka.

The feeling of being helpless.

I almost scream when felt a burning pain on my left arm na kanina ko pa hinahawakan.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko rito and I noticed that the surrounding of the wound is inflamed. I tried removing the bandage to clean my wound but I found it bleeding. Badly.

Shit.

Kaagad kong binuksan ang gripo sa sink at hinugasan ang sugat kong dumudugo. Natuluan pa 'yung uniform ko ng dugo pero hindi ko muna inintindi. Habang hinuhugasan ko 'yung sugat ko ay napansin kong hindi pala ito maliit. Medyo malaki rin pala at malalim ang sugat na natamo ko kaya napakasakit at hapdi. Base sa nasearch ko kanina, when the wound is being inflamed, it's the sign of your immune system recovering your wound.

But this isn't recovery. This is infection.

Pinatagal ko sa running water ang sugat ko but it won't stop bleeding. Nakadikit na rin ang uniform ko sa sink na may dugo rin dahilan para lalong kumalat ang mantsa rito. Kaya naman, saglit akong tumigil sa paghuhugas at pumasok muna ako sa isang cubicle para kumuha ng maraming tissue.

Bumalik ako sa sink para punasan ang mga dugong nagkalat sa labi ng sink pati na rin ang ilang tumulo sa sahig. Hinugasan ko muli sa running water ang sugat ko, until the bleeding calms down, and stops abruptly.

Pinatay ko na ang gripo dahil nasasayangan ako sa tubig. Kumuha ulit ako ng tissue para punasan ang sugat ko. Hindi na ito masyadong dumudugo kaya naman tinuyo ko na ito gamit ang tissue.

Habang nagpapatuyo ng sugat ay naramdaman ko na naman 'yung frustration na nagsisimulang mabuo kanina. I really hate the feeling of crying -- parang nananakit ang lalamunan ko at naninikip ang dibdib ko. Parang nagkakasipon din ako. Ewan.

I really hate this.

Nasa gitna ako ng paglilinis ng sugat nang maramdaman kong bumukas ang pinto ng rest room.

Napatingin ako sa repleksyon sa salamin ng taong kakapasok lang. Natigilan ako nang ma-realize ko kung sino ito.

Dali-dali syang lumapit sa akin at hinawakan nya ang braso kong may sugat. Napatingin din sya sa mga nagkalat na tissue at sa kakatanggal ko lamang na bandage na puro dugo.

"W-what happened?" He asked.

At ngayon, tinatanong mo na ako kung anong nangyari.

That's very nice of you to ask, Liam.

~*~

"Just leave early. Hindi ka na lang dapat pumasok if this was what happened. You should've went straight to the hospital instead." Sabi ni Liam.

Dinala nya ako sa clinic ng company at sa ngayon ay mayroon na uling maayos na bandage ang sugat ko. I am also prescribed by the doctor some antibiotics I can take para hindi na mainfect ulit. Sabi pa nito, normal lang daw ang nangyari kanina. Hindi raw kaagad natutuyo ang sugat, bagkus ay lalala ito sa mga unang oras hanggang sa magsimulang humupa.

"Hindi na kayo naniwala sa dahilan ko kanina na late lang ako. Paano pa kung hindi ako papasok ng isang araw." Sabi ko naman.

Hindi ko maitago ang bitterness sa tono ng pananalita ko. Kung tutuusin, parang ayoko pa nga syang kausapin. Pero no choice ako kasi gusto kong magsisi sya na hindi sya naniwala sa akin kanina.

"Better than letting your wound inflamed in this company." Sabi naman nya.

Hindi na ako nagsalita.

Napatingin ako kay Liam. Nakaupo sya sa harap ko habang inaayos ng nurse ang benda sa braso ko. Sya naman sa ngayon ang hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko. I know, he's guilty na hindi sya naniwala sa akin. And I want him to know that it's such a sight na makita syang nagsisisi. 

"You know what, I'm sorry about earlier. Really. I should've believed you when you wrote that in your apology letter. Maybe next time pakiayos na lang ng writing, and preferrably paki-pure English. When I read your letter earlier I feel like reading a student project --"

"Wow," mahina kong sabi, pero sapat na para marinig nya. Napatingin sya sa akin saglit at natahimik. He's about to say something pero hindi nya naituloy.

"Or siguro hindi lang ako sanay gumawa ng apology letter kasi hindi nagwowork ng maayos ang brain cells ko kanina, pwede rin 'yung after my honest apology you will accuse me of lying about my panic attacks kaya natrigger akong hawakan ang braso kong kumirot dahilan para mainflame ito. Kasama na rin siguro 'yung hindi ako pinatulog ng paghalik mo sa akin kahapon kaya nawala ako sa sarili ko kaninang umaga pagkagising kaya hindi maayos ang writing ko dun sa apology letter? Yeah maybe that kasi I myself is waiting for an explanation, for someone's explanation, correction -- for your explanation kung bakit mo ginawa 'yun pero wala kang ibang ginawa kundi iignore ako kanina sa meeting and you just told me to write an apology letter instead of asking me first what could've been wrong. Ni-hindi mo nirecap 'yung meeting kaninang umaga kaya wala akong kaalam-alam sa nangyari. And now, Creed's mad at me for the reason I don't fucking know pagkatapos nyang sabihin sa akin na he likes someone else. So please, I invite you to come inside of my brain at pakifix 'yung thoughts ko, pwede ka na rin gumawa ng sarili mong explanation letter at pakitanim sa utak ko dahil kung ngayon mo 'yan gagawin, hindi ako makikinig." Mahabang sabi ko sa kanya.

Halos mawalan pa ako ng hininga kaya naman habol-habol ko ito pagkatapos kong magsalita.

Napatingin ako sa paligid. Nakatingin na sa akin 'yung dalawang nurse na biglaang umiwas ng tingin. Napadako rin ang tingin ko sa labas ng clinic. May ilang mga taong nakiki-usyoso sa kung anong nangyayari.

Then finally, I looked at Liam. He looks so guilty but he also looks like he's about to grin or something.

Hindi pa ba sapat 'yung mga sinabi ko?

He took a sigh, then he looked at me.

"How about you come inside of my heart and see how I felt seeing you cry earlier?" Sabi nya.

Hindi ako nakaimik kaagad.

"I'm sorry that I'm wrong but I'm more sorry this happened to you. I'm sorry for not apologizing about yesterday. I'm sorry for accusing you of lying. And I --", he paused for a moment, "I was upset when I saw you crying earlier. It's even more upsetting knowing it's my fault." Sabi pa nya.

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang sya sa akin at bahagyang nakatungo. Kahit papaano, ramdam kong sincere sya sa mga sinabi nya. Ang satisfying marining ng apology nya.

Pero hindi pa rin sya nag-explain sa ginawa nya kahapon.

Magsasalita pa sana ako, nang maya-maya ay dumating bigla si Nate dala-dala ang bag ko.

"Are you sure you're ok?" Tanong ni Nate after handing me my bag. His eyes were worried.

Tumango ako. "'Yup. Malayo naman 'to sa bituka. Hehe," sabi ko na lang.

He just smiled. "Mag cab ka na lang. Para hindi hassle sa paglalakad." 

I shrugged. "Mas hassle maghanap ng cab dito. Besides napakalapit lang naman. Kayang-kaya ko nang lakarin." Sabi ko.

"Taxi," biglang singit ni Liam.

Ngumiti lang ako. "Hindi naman po braso 'yung gagamitin ko sa paglalakad so.."

Sabi ko sa kanila. Nag-ayos na ako ng mga gamit ko. After kong mag-ayos ay tumayo na ako at akmang palabas na ng clinic.

Ewan. After kong marinig 'yung apology ni Liam parang naiinis pa rin ako. Parang hindi enough. And yes, I know the reason why.

Ang dami kong sinabi sa kanya, halos maubusan pa ako ng hininga sa mga tinalak ko. Binigyan nya nga ako ng apology.

Pero hindi pa rin sya nag-explain.

"Wait," Pagpigil sa akin ni Liam, nakahawak sya sa kanang braso ko.

"I'm sorry, really. But," sabi nya, at may iniabot sya sa aking papel na nakafold, "can you reconstruct this letter? I can't give it to sir Jacob this way," he said. Napakamot pa sya sa batok nya.

Halos maitaas ko ang kilay ko, then I looked at him.

Jesus Christ. Pigilan nyo ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at  kinuha ko sa kanya 'yung papel.

"Email ko na lang po. Kayo na lang po magprint. Thanks," sabi ko, at nagpaalam na ako sa kanila.

At dahil parang gusto ko na lang magpahinga ay nagmadali na akong pumunta sa company lobby at lumabas na ng kumpanya.

Gusto ko na lang maging siopao.

~*~

Pagkarating ko sa dorm, naabutan ko si british accent na nagbibihis pang-alis.

Pansin ko lang, palagi ko syang naaabutang nagbibihis. Hindi ko naman sinasadya kung automatic na napapadako ang mga mata ko sa maputi at mahubog nyang katawan. Hindi ko naman alam kung anong ginagawa nya in the first place. Ang nakakainis pa, lagi nya akong naaabutang nakatingin sa kanya. 

Siguro iniisip na nyang minamanmanan ko sya or binobosohan. Ewan ko lang kung uso sa kanila 'yung ganun.

I just sigh. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto. Inilapag ko sa higaan ang bag ko at inilabas ko 'yung laptop ko dahil may nakalimutan akong isave na word file kanina. Umupo ako sa lapag.

"Wot'Appened, mate?" biglang tanong ni british accent na syang ikinagulat ko. Nakakagulat kasi 'yung boses nya at the same time nakakailang 'yung accent. 

At first, hindi ko masyadong nagets. Gusto ko sanang mag 'ha?' kaya lang baka mamisunderstood nya ako.

Tumingin ako sa kanya at tinaasan ko sya ng kilay, implying that I don't get him.

Tinuro naman nya 'yung braso ko.

"Wot's gone on wiv yer arm mate? Yer hurt or summin'?" He asked.

Gusto ko sanang ngumiti o tumili or magtumbling dahil hindi ko talaga nagets 'yung sinabi nya. Pero dahil pinoint nya 'yung braso ko, I think I get him.

"I got hit by a motorbike. It's just minor wound. Not a big deal," sabi ko sa kanya at nginitian ko sya with uncertainty. Baka kasi mamaya iba pala 'yung ibig nyang sabihin sa tanong nya.

 Naramdaman kong humakbang sya palapit sa akin, at maya-maya ay umupo sya sa gilid ng higaan ko. Tumingin sya sa braso kong may bandage.

"Sorry mate, is it hurtin'? Got some painkillers 'ere if you need 'em." He offered.

Ngumiti ako.

"Thanks. Maybe later." Sabi ko na lang dahil hindi ko na alam ang idudugtong ko. Forda struggle ang ferson sa english. British pa man din ito, nakakahiyang magkamali or something. Parang mahahawa pa nga ako sa accent. Pinoy na pinoy pa naman akong mag-English. Hay naku.

After saving the file I made earlier, inilabas ko naman 'yung binigay sa akin ni Liam na apology letter. Ayusin ko raw para mabigay nya kay boss.

Kung sabagay, nakakahiya nga naman kung ito ang ibibigay nya. Parang hindi ako nag-iisip kanina nung sinulat ko 'to.

Gusto ko na sanang iparaphrase 'yung letter kaya lang nasa harap ko pa si british accent. Mamaya ko na lang gagawin kapag ako na lang mag-isa. Isa pa, tinatamad pa akong mag-type.

Binalik ko na lang sa bulsa ko 'yung apology letter at shinutdown ko na ang laptop ko.

"Are you going somewhere?" I asked him.

Napansin ko kasing nakaayos sya ng suot at may dala-dala syang tripod at DSLR camera.

He nodded. "Yeah, gonna 'ead to Luneta Park. Got loads o' suggestions from me subs that I should check it out, so might as well give it a bash." Sabi nya.

Kahit literal na Luneta Park lang ang naintindihan ko sa sinabi nya, feeling ko naman nagets ko ang ibig nyang sabihin.

"Really? Nice. That park is very beautiful. Especially when the sun is setting, the atmosphere becomes magical." I told him, then I smiled.

Ngumiti rin sya, na medyo ikinagulat ko pa. Ang pogi kasi nya. Ang lalim din ng dimples nya.

Shit, ano ba 'yan. Ang rupok ko talaga sa mga pogi kahit kailan.

Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Y'alright mate, you been there before?" He asked.

"Yeah, twice. Once with my friend, then with my mother and 3 sisters." Sabi ko.

"Blimey, that sounds proper good. Ain't never been there meself. Dunno 'ow to get there neither." sabi nya.

Napatingin ako sa kanya.

"You're studying in La Salle, right?" I asked him.

He nodded.

"It's 3 stations away from Taft." Sabi ko.

Hindi sya nagsalita. Napatingin lang sya sa akin saglit, at napakamot sya sa batok nya.

Wait, you're not telling me...

"Have you not ridden the LRT yet?" I asked him.

"Sorry mate, I'm a bit clueless, ain't got a scooby 'ow to do it." sabi nya.

"Then paano ka nakakapasok -- I mean how do you usually get to school?"

"I've got a motor." Sabi naman nya.

Yeah right.

"Use google maps. Ride a motor from Taft until you get to UN station. Turn left, that's Luneta Park." I told him.

"Ain't got me motor at the moment. Plus, I wanna try the LRT for a change." Sabi nya.

"Then ride the LRT from Taft to UN station. That's walking distance when you get there."

"Dunno 'ow to commute from 'ere to Taft, mate." Sabi nya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Naalala ko tuloy 'yung katangahang ginawa namin nung kaibigan ko dati. Nilakad ba naman namin mula Baclaran church hanggang Luneta Park kasi akala namin ang dali lang lakarin. Nakakangalay din palang isang oras na maglakad. 

Pero kung tutuusin, worth it naman 'yung pagod. Lalo na pag nasa Manila Bay Walk part. Good thing hindi na rin ganoon kainit nung naglakad kami. And masaya naman 'yung experience.

Napatingin ako sa higaan ko. Kung kanina parang gusto ko na lang magpahinga at matulog, ngayong nabring-up ni british accent 'yung Luneta Park, parang gusto ko na lang maggala muna. Tutal malapit na rin namang magsunset. Hindi na rin ganoon kasakit ang sugat ko.

"Do you mind if I go with you? I mean you're vlogging so I might bother--"

"Nah, come on, listen. I was waitin' for ya at work, but ya scarpered early and 'ad a bloody bandage on yer left arm." He took his DSLR camera, at kinuhanan nya ako ng picture. "It would be absolutely brilliant if you'd come along, but no pressure mate, totally up to you." Sabi nya. And again, nginitian nya ako.

Ngumiti lang din ako sa kanya.

Saglit akong napatingin sa kawalan.

He was waiting for me. Gusto nya akong makasama sa Luneta Park. Gusto kong tumili.

Naalala ko dati nung pumunta kami ng kaibigan ko doon. Ang dami naming nakakasalubong na foreigner. Tapos nagi-imagine ako na, what if pag nagkawork ako, magjowa ako ng foreigner tapos dalhin ko rin sa Luneta Park for a walk. Alam kong ang nonesense pero somehow, kahit hindi ko sya jowa, I'm glad that it somehow comes true if ever.

"Allright, but we'll be back after sunset. It's rush hour so..," sabi ko, at nag-ayos na ako ng bag ko. Nagbihis lang din ako ng komportable. Medyo tinulungan pa nya akong isuot 'yung tshirt ko dahil hindi ko maiangat ng maayos 'yung kaliwang braso ko. Ang awkward nga eh.

"Dominador,"

Napapikit ako.

"Just Omi, please. Call me Omi." I told him.

"Yeah right, Omi. Just wanted to let ya know, you're proper mint." sabi nya, then he tapped my shoulder.

At kahit hindi ko nagets ang sinabi nya, ngumiti na lang ako. I mean, mint? Mukha ba akong mint? Or amoy mint ako? Ewan. Siguro inaasar na nya ako sa british accent nya pero eto ako at ngumingiti pa rin.

"Let's make a move then, shall we?" British accent asked me.

Napatingin ako sa kanya. Saglit akong napatitig sa mukha nya, then may naalala ako.

"Wait a second," sabi ko, at kumuha ako ng isang 3D facemask mula sa bag ko. Isinuot ko 'yung facemask, then I looked at him.

"Let's go!"

For a second, he gave me a weird look. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin. 

Bubuksan nya na sana ang pinto nang bigla namang may kumatok dito nang malakas at bigla itong binuksan, dahilan para magulat kami pareho ni british accent.

I was trailed off for a moment, until I realized who just opened the door.

It was Creed.

Dire-diretso syang pumasok sa loob ng kwarto at nagulat ako nang bigla nya akong akbayan.

"I will go with you," he said.



Continue Reading

You'll Also Like

408K 25.4K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1M 24.2K 42
Limited Time Only: Binge this series for a chance to win FREE coins until June 2! Read 10+ chapters of this story and win 30 Coins (2000 Winners) Whi...
1M 15.3K 38
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...
1.1M 27.6K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...