IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

889K 33.5K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 5

13.7K 564 167
By ImaginationNiAte

KABANATA 5:

Ilaria POV

          LUMABAS ako agad sa kwarto ko para puntahan si Kuya Samael sa kwarto niya. Bihis na bihis na rin ako ngayon dahil balak kong lumabas ng Mansyon at makipagkita sa boyfriend kong si Rosales. Tiyak kasi na hindi ako papayagan ni Kuya kapag wala akong kasamang kahit na isang bodyguard.

At saka ayoko rin naman na sabihin sa kanya na may boyfriend na ako. Sasabihin ko rin naman sa kanya ang tungkol doon kapag dumating na ang araw ng birthday ko. I will still introduce him to my boyfriend at my birthday party.

Sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob. Natatakot kasi talaga ako sa magiging reaksyon niya pero nakapag-desisyon na rin naman ako na sasabihin kay Kuya Samael ang lahat sa araw mismo ng kaarawan ko.

Meron rin naman kasi siyang karapatan na malaman yung totoo lalo na't nagkaroon kami ng pangako sa isa't-isa. Papayagan niya akong mag-boyfriend kapag tumungtong na ako sa bente anyos at pumayag naman ako doon.

Pero sadya nga yatang pasaway ako dahil may nobyo na ako kahit hindi pa ako tumutungtong sa edad na dalawampu't taon. Sana ay hindi sa akin magalit nito si Kuya Samael.

Isa pa naman sa kinakatakutan ko ay ang magalit siya sa akin o baka magtampo siya dahil hindi ako tumupad sa pinag-usapan naming dalawa.

I sighed. Binura ko na lang ang mga nasa isip ko dahil baka mas lalo lang akong mamroblema at ma-stress. Dumiretso na ako agad sa kwarto ni Kuya Samael.

Paniguradong nandoon lang siya dahil hindi naman siya pumasok ngayong araw sa trabaho niya. Huminga muna ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng kwarto niya.

"Kuya Samael?" tawag ko sa kanya bago ako mahinang kumatok ng tatlong beses sa pinto.

Subalit wala akong nakuhang kahit na anong sagot. Nasa loob kaya siya? 'O baka naman nandoon siya ngayon sa office library niya? Minsan kasi ay hindi na kailangang umalis ni Kuya para pumasok sa trabaho, minsan ay sa office library na siya nagtatrabaho.

Hindi naman nalulugi ang mga negosyo niya lalo na ang hinahawakan niyang kompanya dahil marami ang nagtatrabaho para sa kanya. Aalis lang siya sa bahay kapag kailangan o 'di kaya kapag may mahalaga siyang dapat asikasuhin sa Lazarus Paragon Organization.

Nang walang Kuya Samael na sumagot sa loob ay muli akong kumatok pero walang nagbukas ng pinto. Baka naman wala siya sa loob ng kwarto niya?

Hindi rin naman kasi basta-basta aalis si Kuya ng bahay na hindi nagpapaalam sa akin. Naka-ugalian na rin ni Kuya Samael na magpaalam muna sa akin bago siya aalis.

Kaya naman naisipan ko na lang na ipihit ang doorknob at buksan ng bahagya ang pinto. Maingat pa akong sumilip sa loob kaya nasilayan ko ang maganda at napaka-spacious na kwarto ni Kuya Samael.

Nandito pa nga lang ako sa labas ng kwarto niya ay naaamoy ko na agad ang mabango at panlalaki niyang amoy na hindi matapang at hindi rin naman masakit sa ilong.

Pero wala si Kuya Samael sa loob.

Hindi ko siya nakita ni kahit anino man lang niya. Hindi kaya ay nasa office library siya? Ewan, hindi ko alam. Nagpasya na lamang akong pumasok sa loob dahil baka nasa banyo lang siya.

At tama nga ang hinala ko, naririnig ko kasi ang paglagasgas ng tubig sa loob ng banyo niya at sa tingin ko ay nagsha-shower si Kuya.

Hihintayin ko na lang siguro siyang matapos maligo. Inilibot ko muna ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto ni Kuya Samael. Ilang beses na akong nakakapasok dito sa kwarto niya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan na mamangha sa ganda ng kwarto niya.

Malaya ring nakakapasok ang sinag ng araw dito sa room niya dahil sa gawa sa glass wall ang ilang bahagi ng kwarto niya. Hindi na ako magtataka dahil may glass wall rin na makikita sa iba't-ibang bahagi ng bahay namin at sobrang ganda ng pagkaka-design.

Ga'non rin naman sa kwarto ko. Malawak at maganda pero mas nagagandahan talaga ako dito sa kwarto ni Kuya Samael kaya minsan ay mas pinipili kong tumambay dito dahil maganda ang ambiance ng kwarto niya. Minsan na rin akong nakitulog dito kapag nagmo-movie marathon kaming dalawa.

Mayroon rin siyang malawak na balkonahe kung saan masarap pagtambayan at sliding door pa ang pintuan ng balcony niya na gawa rin sa babasagin na salamin. Black and white ang interior design nitong room niya, maaliwalas at napaka-elegante rin nitong tignan.

Meron rin siyang bookshelf, mga nakasabit na painting sa dingding, malaking flat screen TV, mahabang sofa, babasagin na coffee table, king size bed na sobrang lambot ng mattress habang nasa kaliwang tabi nito ang mahabang bedside table at sa kanang gilid naman ng kama ay mayroong nakatayong lampshade.

Bukod pa 'don, may desk rin siya dito at swivel chair dahil minsan ay umaabot sa gabi ang trabaho niya at minsan ay mas pinipili niyang magtrabaho dito sa kwarto niya kahit pa na may office library naman siya dito sa bahay. May pagka-workaholic kasi si Kuya Samael.

May walk-in closet rin siyang malawak kung saan naroon ang mga mamahalin niyang mga damit, sapatos at ang collection niyang necktie at rolex watch.

Ngunit ang higit na nagustuhan ko dito sa kwarto ni Kuya ay yung wooden display shelf niya kung saan nakapatong roon ang mga picture namin mula nung bata palang kami kasama ang magulang namin hanggang sa tumungtong kami sa kasalukuyang edad.

Napangiti pa ako ng matamis nang makita kong naka-display rin roon yung litrato naming dalawa na mahahalatang selfie at nakasimangot pa si Kuya Samael doon dahil may nakapahid na icing ng cake sa mukha niya na ako ang may kagagawan.

It was his birthday last year where I surprised him and personally baked him a cake. May kahiligan rin kasi ako sa pagbe-bake ng mga cupcakes at cookies, and that's one of my hobbies.

Paborito ko rin yung malaking big frame namin na naka-display sa itaas ng headboard ng kama niya. Iyon yung huling picture na kasama namin sila Mommy at Daddy.

Pare-parehas kaming mga nakangiti doon at halatang isa kaming masayang pamilya. Pero dahil sa aksidente kaya nawala ang magulang namin. Nakakalungkot lang dahil murang edad palang kami ni Kuya Samael nang mawala sila sa amin.

Pero kahit na ilang beses na akong nakakapasok at nakakatulog dito sa kwarto ni Kuya ay meron pa akong hindi napapasok dito sa room niya.

There is a door inside his big and wide walk-in closet. And that door is forbidden for anyone to enter, not even me. Hindi ko nga alam kung bakit pinagbabawalan ako ni Kuya Samael na pumasok doon.

He always said that it was just his storage room and there was nothing important inside that door. Nalaman ko lang na may ganung pinto nang maaksidente ko lang itong makita nung one time na pumasok ako sa walk-in closet niya at eighteen years old ako that time.

One time I got curious so I tried to open that door, pero sadyang matindi at mahigpit ang pagkaka-lock nito. Hindi rin naman kasi ito basta tulad ng ibang door lock, hindi rin naman ito doorknob na kagaya ng mga nasa pintuan dito sa Mansyon na kailangan ng susi para lamang mabuksan ito.

It is an electronic smart digital door lock, kung saan may pipindutin na password para mabuksan iyon.

And I don't even know the password of that door lock. Sinubukan ko na nga rin yung pwedeng maging password, yung birthday ni Kuya Samael, birthday ko, araw ng pagkamatay nila Mommy at Daddy pero wala. Walang nangyari.

Kaya kahit naku-curious talaga ako kung storage room ba talaga iyon ay sumuko na lamang ako at hindi ko na lang pinagpilitan na buksan iyon. Minsan kasi ay nakikita kong pumapasok si Kuya Samael doon at tumatagal siya ng halos ilang minuto sa loob.

Kaya hindi ko talaga maiwasang mapaisip at magtaka kung storage room ba talaga ang loob 'non, o may iba pa. May pagka-misteryoso at ma-sekreto rin kasi itong si Kuya Samael.

May mga bagay talaga na ayaw at hindi niya sinasabi sa akin. Baka nga mamaya ay ang laman pala nung loob 'non ay mga ilang illegal na bagay tulad na lamang ng baril.

Ewan, hindi ko pa rin sure.

Ang alam ko lang talaga sa pagiging Mafia Boss ni Kuya ay may nangyayaring fraud, drug-trafficking at pagbebenta ng mga illegal na baril. Meron rin silang hinahawakan na malaking pasugalan. He also owns licensed casinos in different countries and that is legal and has a permit.

Pero minsan pinagsasabihan ko pa rin itong si Kuya na tumigil na siya sa pagbebenta ng mga pinagbabawal na droga kahit na hindi naman siya 'non gumagamit.

Nasa rules rin kasi ng Lazarus Paragon Organization ang bagay na yun. They will never use drugs, and they must never become involved with narcotics and prostitution.

May iba kasi sa Mafia families na merong hinahawakan na club kung saan may nagaganap na prostitution. And even though we belong to a Mafia family, we Lazarus don't want women or young people to ruin their lives and futures.

Lalong-lalo na ako, ayoko talaga na may mga kabataan na nasisira ang kinabukasan dahil sa pesteng pinagbabawal na gamot.

Ayokong may mga babaeng nasisira ang buhay dahil sa pagbebenta ng kanilang mga katawan sa mga parokyano nila. Kahit pa na gusto man nila iyon, o hindi.

But I know my Kuya Samael and their organization. I am also part of the Lazarus family and I also know something about how they run their businesses.

Especially yung hinahawakan na organisasyon nila Kuya Samael. They never sell illegal drugs to women and young people, kahit pa na marami na silang napatay o kahit na mayroon silang criminal organization.

That's why our family has many enemies.

Marami ang naiinggit at galit sa mga Lazarus dahil kakaiba ang pagpapatakbo nila Kuya Samael sa mga negosyo nila, dahil ang mga Lazarus ay hindi katulad ng ibang mga Mafia families.

Bumuntong-hininga ako at hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nandito sa kwarto ni Kuya Samael.

Sakto naman na wala na akong naririnig na paglagasgas ng tubig sa banyo at ilang saglit pa ay lumabas na rin si Kuya Samael na presko at bagong ligo. Tumutulo pa nga ang ilang butil ng tubig sa buhok niya pababa sa kanyang matipunong dibdib hanggang sa umabot iyon sa nagtitigasan niyang abs.

"Ilaria?" rinig kong tawag ni Kuya sa akin.

Nakikita ko rin sa gwapong mukha niya ang pagtataka kung bakit ako naririto sa kwarto niya. Hindi ko naman maiwasan na pamulahan ng mukha dahil topless siya.

Oh ghad! Only a white towel was wrapped around his waist! Hindi ko napigilan na mailang. Bago pa man ako maestatwa sa kinatatayuan ko ay tinalikuran ko na siya.

"Ahm, Kuya? Magpapaalam l-lang s-sana ako s-sayo.." nagkautal-utal kong sabi habang nakatalikod sa kanya.

Syempre hindi ko pa rin maiwasan na mailang kapag naka-topless siya 'no! Kahit pa sabihing ilang beses ko nang nakikita ang mga abs niya. Lalo na't tanging tuwalya lang ang nakatapis sa beywang niya ngayon.

"Magpaalam? Saan ka pupunta?"

Narinig ko naman ang mabibigat niyang yabag at gamit ang peripheral view ko ay napansin ko na pumasok siya sa loob ng walk-in closet niya para kumuha ng damit. Nalalanghap ko na nga rin ang ginamit niyang mabangong shampoo at sabon na tila kumalat pa yata ang amoy 'non sa buong kwarto niya.

"Ahm, magsha-shopping lang sana ako? Don't worry, Kuya. Saglit lang naman ako. Uuwi rin naman ako agad." pagdadahilan ko.

Alangan naman na sabihin kong makikipagkita ako kay Rosales, yung boyfriend ko edi lalo akong hindi pinayagan nito. Wala rin naman akong intensyon na magsinungaling kay Kuya Samael. Sadyang wala pa talaga akong lakas na sabihin sa kanya kung sino si Rosales.

"Shopping? Okay. Papasamahan na lang kita sa isa sa mga bodyguards ko. Ako na lang sana ang sasama sayo, kaso marami pa akong aasikasuhin na trabaho sa office library. I also have a lot of paperwork to finish signing." wika niya.

Hindi ko naman siya magawang tignan dahil alam ko na hindi pa siya nakakapagbihis. Napapansin ko iyon gamit ang gilid ng mata ko. Napansin ko pa nga na pumipili pa siya ng damit niya.

Pero kung papasamahan niya ako sa isa sa mga bodyguards niya, edi mahihirapan ako nito na makipagkita kay Rosales. Patago lang kasi talaga kami nagkikita nung boyfriend kong yun.

"Naku, Kuya! Huwag na. Hindi naman ako magtatagal. Nakakailang naman kung may kasama pa akong bodyguards." sagot ko at pansin ko naman sa gilid ng mata ko na napalingon siya sa akin.

"Bakit naman? I just want to protect you, amore mio. You need to have someone with you wherever you go. Mahirap na, baka mapahamak ka pa." sagot niya kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Kuya Samael naman, hindi na ako bata. Kaya ko naman po ang sarili ko.." pagpupumilit ko bago ako humarap sa kanya ngunit sana ay hindi ko na lang ginawa!

Anak ng.. tokwa! Bigla na lang kasi niyang tinanggal ang suot niyang tuwalya kaya nalaglag iyon sa sahig. Pero buti na lang ay hindi nakita ni Kuya Samael na nakita ko ang kanyang.. matambok na puwit!

Oh my goodness! My virgin eyes!

Nakatalikod kasi siya sa akin habang nagbibihis. Ni hindi man lang siya nag-abala na isarado yung pintuan nung walk-in closet niya bago siya magbihis! Nanlalaki tuloy ang mga mata kong nakatitig sa malaki at hubad na katawan ni Kuya kahit pa na nakatalikod siya sa akin.

Kitang-kita ko tuloy ang malaki at malapad niyang likod na punong-puno rin ng mga tattoo. Ang kanyang balakang hanggang doon sa kanyang mala-siopao na puwitan. He also has thick thighs. Palibhasa ay alaga niya talaga ang kanyang katawan sa gym. Meron nga siyang sariling gym dito sa bahay eh.

Mas lalo tuloy nag-init ang buo kong mukha. Feeling ko ay nagiging kasing-kulay na nang mukha ko ang kamatis ngayon. Pasalamat na lang ako ay yung puwitan lang niya ang nakita ko dahil kapag nagkataon na nakita ko rin ang.. ano niya. Baka hindi na ako makatulog nito!

Bago pa man humarap si Kuya Samael sa akin at mahuli niyang nakatingin ako sa kanya ay tumalikod na ako agad para hindi niya makitang nakita ko ang kanyang mala-siopao na pang-upo!

Oh ghad! It's embarrassing!

"Are you sure na saglit ka lang sa pagsha-shopping?" tanong ni Kuya sa akin.

"Err, y-yes. S-Sa mga c-clothes store l-lang naman ako nagpupunta eh." garalgal kong sagot.

Dahil sa labis na kahihiyan na nararamdaman ko sa mga sandaling ito ay parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig ngayon din! Parang gusto ko na nga ring tumakbo palabas ng kwarto niya pero may usapan kami ni Rosales na magkikita kami ngayon kaya kailangan ko pa ring magpaalam kay Kuya para payagan niya akong makalabas ng bahay.

"Promise, Kuya! Saglit lang naman ako! Please? Payagan mo na ako?" makaawa ko. Para tuloy akong bata na nagmamakaawa na bigyan ng paboritong candy.

Narinig ko naman ang malalim niyang buntong-hininga bago ko sunod na narinig ang mabibigat niyang yabag at sa tingin ko ay papalapit siya sa akin dito.

"Look at me," utos niya.

"Nakabihis ka na ba?" I asked.

He chuckled, "Yes, nakabihis na ako."

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko siya hinarap. Nakabihis na nga siya. Naka-loose trouser na siya na kulay puti at maluwag na t-shirt. He was standing in front of me so I couldn't help but feel small.

He really looks like a beast, the heck! Matangkad at malaking tao talaga si Kuya Samael. I'm tall too but I'm only up to his chest. Nakatingala tuloy akong nakatingin sa kanya.

"Kuya? Payag ka na ba? Huwag kang mag-alala, wala namang mangyayaring masama sa akin eh.." sambit ko sa kanya.

"Pretty please?" I acted cute to him and I really used my special technique para payagan niya akong lumabas ng bahay na mag-isa at walang ibang kasama.

He heavily sighed, "Okay, fine. I will allow you to go out alone without bodyguards. Pero ngayon lang ito, amore mio. There is no next time, understand?"

Napangiti naman ako ng matamis.

"Okay, Kuya! Uuwi rin ako agad, I promise!" masaya kong sabi at tinaas ko pa ang kanan kong kamay na tila nanunumpa sa harapan niya.

He laughed, "Cutie.." he said.

He pinched my left cheek before he placed a kiss near the corner of my lips. Hindi ko alam kung sadya ba iyon o hindi pero sanay na sanay na ako na kapag hahalik siya sa pisngi ko ay malapit talaga sa gilid ng aking labi.

Hindi rin naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil nga sa sanay na ako dito kay Kuya Samael at hindi rin naman nagkakadikit ang aming labi. Mas clingy pa nga itong si Kuya kaysa sa boyfriend ko.

Sunod naman niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko na palagi niyang ginagawa. Hindi ko na rin pinansin pa ang kakaibang kuryente na dumaloy bigla sa katawan ko. Marahil ay masaya lang ako at excited lang rin ako na makita ang boyfriend kong si Rosales.

"Ipagtitimpla na rin muna kita ng kape bago ako umalis," masaya kong turan.

Nakangiti namang tumango si Kuya Samael sa akin. Bahagya niya pang ginulo ang buhok ko bago ako lumabas sa kwarto niya at nagtungo na papunta sa kusina para maipagtimpla ko muna ng kape si Kuya dahil paniguradong nakatambak na naman ang trabaho niya sa office library niya.

Iyon rin kasi talaga ang ginagawa ko, ang ipagtimpla siya ng kape. Buti na lang talaga ay pumayag si Kuya na umalis ako ng bahay na mag-isa at walang kasa-kasamang bodyguards.

#

Continue Reading

You'll Also Like

148K 5.1K 36
Gxg This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are eithe...
17.3K 975 29
Mas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinutur...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
431K 12.6K 49
John Gil Voughne Cullen is a Fighter in MAFIA'S ORGANIZATION. A k¡ller, A sociopath and a man feared by all. A handsome face filled with villainous...