Unknown Connection (Completed...

By Zyreneiayo45

29.4K 834 16

(Vampire Active Series #2) There are group of kids that can make their world upside down. They are the second... More

Warning!
Synopsis
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Epilogue.
Special Chapter #1
Special Chapter #2.
Author's Note.

Chapter 18.

582 15 0
By Zyreneiayo45

Lavander’s POV.

“Bakit hindi mo binantayan ng maayos?!”

Nandito kami sa loob ng library, nagm-meeting. After what Evianna’s said, I shouted in shock. After that, I remained calm when Lucas said that a lot of police were outside the mansion. Hindi dapat kami pwedeng makita ng mga iyon. We needed to escape from the police. Baka kasi kami pa ang pagkamalan sa nangyayari. At mabuti na lamang talaga’y walang nagtanggal ng maskara sa amin, dahil alam kong habang tumatakbo iyong mga tao palabas ay napapatingin ang mga iyon sa amin. Gaya na lamang kanina.

Umalis kami sa mansion gamit ang aming super speed, sa backyard dumaan. Tinalon namin ang napakataas na bakod doon. Kayang-kaya naman namin. Well, sila lang pala ang tumalon. While Yeron and I, are flying. Hindi ko alam na may abilidad pala siyang ganoon. I still didn’t know what his kinds are. Alam kong half blooded din ito, just like us. Dahil kami naman lahat ay half blooded. Ang alam ko lang sa kaniya ay ang kaniyang pangalan dahil iyon lamang ang nakalagay sa lista ng magiging ka-groupo ko. Siya lamang ang walang nakalagay na abilidad o anong uri siya. It's just his name. Nakakapagtaka. Tinanong ko pa nga iyon kay Tito, but he said he doesn’t know about him. And it's kinda not normal, because Tito tend to know every single thing about us. Except him.

Nang makauwi kami sa bahay ay rito kami dumiretso. Even though they want to sit but I immediately announced that we will going to have a meeting, as in right now. Kasama namin sila Tito na nagtatakang nakatingin sa amin. Paano ba naman kasi, nakayuko ang lahat habang ako ay seryosong naglalakad sa hagdanan, not minding them. Nagtanong pa si Tito kung anong nangyayari, but no one answer him.

Nang makaupo na ang lahat sa kani-kanilang upuan ay mabilis akong nagsisigaw at nilabas ang galit na kanina ko pa pinigilan dahilan para magulat sila at mapaigtad. Tito, Lucas, and Tito Shantelle were trying to stop me, but I didn't even budge. Sa sobrang galit ko ay nagulo ko ang lahat ng mga libro sa paligid. I even kicked the shelves and it literally ruined. Kaya hindi na nila ako pinigilan dahil wala naman silang magagawa.


They know when I am angry. They literally know! Alam na alam nila kung paano ako magalit. Alam nilang hinding-hindi nila ako mapipigilan. Wala silang laban sa akin kapag ako na ang galit dahil makakapatay talaga ako ng kung sino kapag mas lalo nila akong ginalit. Kilalang-kilala ako ng pamilya ko at kung paano ako magalit. Minsan lamang akong magalit pero delikado kapag andiyan na. Well, hindi naman alam ng lahat ng ka-groupo ko kung paano ako magalit, except kay Lucas.

“L-Lavander k-kasi—” I cut Evianna's word.

“Kasi ano?! Didn't I told you to protect him? To keep an eye on him?! Bakit nawala?! You have the power to protect him, Evianna! Paano siya nawala?!” I shouted again making her bowed her head. “He is important to us, Evianna! He is our mission! Pinagkatiwala ko siya sa ‘yo, because I know you can protect him! What happened?!” Nanginginig ako. Gusto ko siyang saktan ngunit pinipigalan kong gawin iyon sa kaniya. I know what I can do if I will hit her. Hindi na ako hihinto pagkatapos. Pumikit akong muli dahil nag-uumapaw ang galit ko nang marinig ko ang hikbi niya. Sumigaw muli ako at pinagtatapon ang lahat ng libro sa ire. Lalo kasi akong naiinis sa bawat hikbi niya. “Why are you crying? Pinapalabas mo bang ako ang masama rito at ako ang may kasalanan kung bakit siya nawawala? Wow ah! Akala ko ba independent ka? Akala ko ba malakas ka? Akala ko ba you can do it on your own because are a powerful woman?! Don’t tell me sinumpong ka na naman ng pagka-man hater mo kaya hinayaan mo siya? Grabe ka talaga, Evianna!” malakas kong sigaw na ikinaigtad ng lahat.

Nanatiling nakatingin sa akin ang lahat. Walang gustong umimik. Pati si Tito, Tita, at si Ate Lisha ay tahimik na pinapanood ako.

“H-Hindi ko sinabing ikaw ang may kasalan, Lavander.” tumaas ang kilay ko at matalim na binalingan ng tingin si Evianna na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. “Yes, I am independent and strong, but that doesn’t mean that I won't cry. I still have feelings, Lavander. Nasasaktan din naman ako kahit ganito ako. I’m not like you who’s strong as steel. Na kapag may masakit na nangyari ay hindi iniiyakan. I am not like you. N-Now, p-please listen to me first,” pumiyok siya habang sunod-sunod ang paghulog ng kaniyang luha.

Sinamaan ako ng tingin ni Lucas na nakayakap sa kaniya habang tinatahan. “D-Don’t shout at her, Lavander! C-Control yourself!” may lakas pa ang loob niyang sigawan ako kahit nauutal.

 Pasinghal akong ngumisi, naasar. “Wow! Did the table turned? Bakit sa akin na naman napunta?!” pinanlisikan ko ang tingin ng mga membro ko. “You don’t know how embarrassed I am to trust one of my member that cannot even protect the person she was protecting!” sigaw ko. Ramdam kong pumula ang aking mata dahilan para mapatayo sila at mag-atrasan.

“L-Lavander! Control yourself!” sigaw ni Tito habang nakaharap sa akin ang palad, handa nang atakihin ako kapag may magawa akong maling galaw.

I glared at him. “I want an explanation about the situation! Kung paanong nawala si Hans, eh walang nakakapunta sa gawi nila dahil hinaharagan namin at pinapatay!” sigaw ko.

“Evianna will explain everything, Lavander. But you need to chill! Natatakot na kami sa ‘yo!” sigaw ni Tito sa akin.

I glared him even more. Tinaas ko ang aking kamay dahilan para may lumabas na kulay transparent na bola, ngunit may kulay lilang kuryenteng nakapalibot doon. Naging alerto ang lahat at nagsilabasan ng mga kapangyarihan. Even though they are going to attack me together, they know they cannot stop me. Even myself know that they can't win against me. Ito iyong kinakatakutan ko, ang magalit. I cannot handle my emotions.

“Sorry. But I can’t.” akmang itatapon ko iyon nang may biglang humila sa akin at mabilis akong niyakap. Nagpupumiglas ako, ngunit hindi niya ako hinayaang makawala. “Bitawan mo ako!” sigaw ko.

“Sorry, Hon. But I need to do this.”

Hindi pa man ako nakasagot ay may kamay na pumisil sa sensitibong parte ng leeg ko. Dahan-dahan akong nawalan ng malamay.

                                   ***

“Ano? May lead ka na ba?”

“Wala pa, eh.”

“May kinalaman ang mga bampira rito. I’m sure.”

“Yeah. After hearing Evianna’s explanation. Sure akong kagagawan iyon ng bampira.”

“Ang tanong, paano?”

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa ingay na naririnig ko. I stared at the ceiling. Narinig kong nagkagulo sila at panay sabi na gising na ako. I still can’t look at them. Wala pang pumapasok sa aking utak.

“What’s happening to her?” I heard Ethan asked.

“Masanay ka na. Ganiyan siya kapag gumising,” I heard Fiara answered.

Nang mabalik sa realidad ay matalim ko silang tiningnan dahilan para mapaatras silang lahat. May napatayo pa sa kama ko at sa mini sofa. Nandito sila lahat, except kay Elisha at Evianna. Lahat sila ay nakatingin sa akin ngayon, kinakabahan.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga dahilan para maalerto sila. I raised my brow at them. Kaunting galaw ko lang ay parang may mangyayari masama sa kanila. Tiningnan ko sila isa-isa. Ganiyan ba talaga sila katakot sa akin? I didn’t even hurt them, for pete’s sake!

“What are you doing here?” I asked them when I realized that we are in my room.

“Nandito kami dahil kailangan naming hanapin si Hans,” si Tito na ang sumagot. Nakakapit sa kaniya si Tita Shantelle na manghang nakatingin sa kaniya.

Tumaas lalo ang aking kilay. “Sa kwarto ko?” kumunot ang noo ko. “Nandito ba si Hans sa kwarto ko? Did you find him here?”

Tumikhim si Tito. “No, not like that. Nandito kami dahil pag-uusapan natin kung paano hahanapin si Hans,” sagot niya.

“Sa kwarto ko pa talaga? Why not inside the library? Doon naman ang meeting room natin,” I asked.

“Kasi nandito ka. We cannot create a plan without the leader. You are important,” sagot niya. Umirap ako at hindi na nagtanong pa. Baka kasi humaba pa ang usapan. Sinenyasan ko siya na ituloy ang pinag-usapan nila. Tumingin siya kay Grave na may hawak na laptop. “Did you track him, Grave?”

Umiling si Grave. “No. I still couldn’t track him. Nilagyan ko siya ng tracker sa kaniyang damit ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya ma-track. Unless, alam niya. Even though na tinanggal niya ang tracker ay mata-track ko pa rin kung saan niya itinapon iyon. And I am sure that he broke it,” sagot niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa laptop at panay pindot roon.

Nagugulahan ako sa pinag-usapan nila. “Wait. Ano ba ang plano? Bakit may tracker?” Tanong ko.

Tumingin si Tito sa akin. “Because, we cannot find him directly without knowing where he is. Hindi natin pwedeng libutin ang buong pilipinas dahil matatagalan tayo. Siguro mga five years or above natin siya mahahanap. We need to find him as soon as possible. May nilagay si Grave na tracker kay Hans noong nag-usap sila kaya he is trying hard to find him,” paliwanag ni Tito.

Tumaas ang kilay ko. “What if did he broke it like what Grave said? Anong gagawin niyo?” tanong ko, trying to test his patience.

“Natin,” pagtatama niya. “Then we need to make a plan again. We need to know where he possibly be. At doon natin siya hahanapin,” sagot niya at tiningnan ako ng may pag-aakusa.

Sumandal ako head board saka humalukipkip. “Okay,” bored kong sagot. I am satisfied with his plan. Well, what can I expect? He is a king. Alam na alam niya kung ano ang gagawin. A king knows how to plan. He can’t be a king of his kingdom if he doesn’t know how.

Nagpatuloy sila as pagpa-plano habang ako ay ganoon pa rin posisyon, naglalaro ng plants vs zombie sa aking phone. Even though my attention is in my phone, I am listening to what their blabbing. Para naman may alam ako sa mga pinaplano nila. I can’t be a leader if I don’t know what they are planning. Mabuti na lamang ay hindi nila ako pinag-plano. Pinagalitan na nga nila ako, ako pa ang magpa-plano? Ha! Ang kapal naman nila. Dapat sila na ang mag-plano. Kung pwede lang hindi maging leader ay ginawa ko na. I really hate taking responsibilities. ‘Yong tipong hindi ko gusto, ako ang gagawa. Tsk! Parang nabuhay na ako sa ganito. Wala na akong ibang choice.

 

 

In-explain nila sa akin kung paano nawala si Hans. Malamang naman na hindi, ‘di ba? Gusto siguro nilang pagpapatayin ko sila.

Binantayan naman talaga ni Evianna si Hans. Pinalibutin pa nga raw nito ng pananggalang para hindi masaktan ng ibang bampira. She saw how Hans trembling in fear. Palinga-linga ito sa paligid at takip-takip ang tenga na tila ba’y baliw. Alam kong may naririnig siyang hindi namin naririnig. Kahit na gustong lapitan ni Evianna si Hans ay hindi niya ginawa dahil baka mas matakot ito lalo. Nanatili lamang siya sa labas ng panggalang habang binabantayan ito. Nawala lang ang atensyon niya sa lalaki nang makita niya kami ni Yeron na naghalikan. Tumili pa nga siya. Pero noong pagtingin niya ulit sa lalaki ay nagulat siya nang makitang wala na ito roon. Ang panggalang na ginawa niya ay may napakalaking butas. Kaya ‘ayon, nag-panic siya.

Iyon ang totoong nangyari. Over reacting lang daw ako. Hindi ko naman kasalanan na magalit ako. It is our first mission yet we failed to protect Hans. Ayaw ko kasing magkamali sa pag-protekta sa isang tao. And it is not our fault that Yeron and I kissed to make her lose her attention to Hans. Hindi namin kasalanan iyon. Naintindihan ko rason niya. But I am still angry to her. She still didn't know how to take an eye to the people she was protecting.

Tinanong ko sa kanila kung nasaan si Elisha at Evianna dahil wala sila rito. Nasa mall raw, may binili. Inutusan kasi ni Tito na bumili ng pagkain sa groceries dahil si Ate Lisha ay nagpapahinga. Si Ate na nga ang gumagawa ng gawaing bahay, siya pa ang bibili ng groceries sa labas. Hindi pwede iyon. Pinatira na nga sila rito, magiging donya pa sila.

Yes, dito na sila nakatira, as what you’ve all noticed. Sinabi ni Tito na rito na sila titira para hindi na kami maghihiwalay. We need each other to protect the humans. Baka kasi mangyari uli iyong nangyari sa akin na sinugod ng mga bampira rito sa loob. I almost lose that time. Mabuti na lamang ay dumating si Yeron, kung hindi ay sure akong patay na ako. At hindi impossibleng mangyayari iyon sa kanila. We all are the target by the enemies. Kaya kailangan naming magkasama sa iisang bahay. Kasi kapag may susugod, we can protect each other.

They can visit naman their own house. Pero hindi sila pwedeng mag-tagal doon. Hindi namin hawak ang utak ng kalaban namin. We don't know when they will going to attack. Ayokong may mawawala sa amin. Kahit isa lang, ayokong may mawala. All of them are important to me. Kahit hindi ko pinapakita sa kanila, I care for them.

“Hey.”

Napaangat ang tingin ko nang may magsalita sa aking gilid. I saw Yeron looking at me. Dahan-dahan siyang umupo sa aking tabi. Nakita ko sa gilid ng aking mata kung paano napahinto ang mga kasama namin at napatingin sa amin. Tsk. Ang talas talaga ng pandinig.

“Hey,” bati ko.

He smiled at me then brushed my hair with his bare hand. “Are you okay? Hindi na ba masakit ang leeg mo? I’m sorry for doing that, Hon,” tanong niya sa akin. Yeah, iyong ginawa niya. Gusto ko mang magalit sa kaniya sa ginawa ay hindi ko magawa. Mabuti na rin na ginawa niya iyon, para wala akong masaktan na isa man lang sa kanila.

Ngumiti ako sa kaniya. “Okay lang naman ako. You don’t have to say sorry. Mabuti na lang din iyon, para wala akong masaktan ni-isa sa inyo,” I said while putting my phone on my side and give all my attention to him.

Ewan ko ba. I feel something towards him that I cannot explain. Hindi ko alam kung in love na ba ako sa kaniya o may something. I cannot be in love to him. He is not my mate. Hindi ko alam kung kailan darating ang mate ko. I don’t know what it feels to meet my mate. Paano kapag nahanap ko na siya? I know that the feeling that I am feeling towards Yeron will disappear. Alam ko iyon. Takot akong mawala itong naramdaman ko para sa kaniya. Sana’y hindi ko na lamang siya sinagot dahil baka masaktan ko siya. At baka masaktan niya ako kapag mahanap na niya ang kaniyang mate. I think I am In love with him, I am still not sure.

He smiled at me sweetly. He held my cheek. He slowly leaned towards me making me blinked. Dahil sa ginawa niya ay palakas nang palakas ang kabog ng aking dibdib. I can feel the electricity runs all over my body. Tila wala na akong maiisip kung hindi hintayin ang kaniyang halik. I slowly closed my eyes then waited for his kissed. Ngunit napamulat ako sa aking mata nang biglang sumigaw si Lucas.

“Hep! Ano ‘yan!” sabay kaming napatingin sa kaniya. Tila nakalimutan kong nandito pala ang mga kasama namin. They are looking at us, confused. May pag-aakusa nila rin kaming tiningnan na tila ba’y may ginawa kaming kasalanan.

Tumaas ang kilay ko. “What?” ramdam ko ang pag-haplos ni Yeron sa aking buhok.

“Umamin nga kayo. Kayo na ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Lucas.

“Yes. Bakit? May angal ka?” masungit kong sagot na ikinasama ng timpla ng mukha niya.

“Ano?! Hindi pwede!” sigaw niya.

“Oo nga! Hindi pwede!” Sang-ayon ni Ethan na ngayon ay masamang nakatingin kay Yeron, pero hindi man lang ito natakot sa kaniya. Hinalikan niya pa ang ulo ko dahilan para mas lalong ikinawala ng dalawa.

“Bakit? Sa inyo ba ang desisyon?” tanong ko.

“Aba! Bawal kang mag-jowa, Ate!” tumaas ang kilay ko dahil sa kaniya sinabi. “Ayokong magkajowa ka! Maghiwalay kayo!” sigaw nito. Sumang-ayon naman si Ethan.

Natawa si Tito sa tinuran ng dalawa. “Shut up you two. Don’t control Lavander. May sarili siyang desisyon. Let her be,” saad niya. Ngunit mabilis niyang tiningnan ng matalim si Yeron. “But if you will try to hurt her. I will kill you with my own bare hands. Mark my word, Young man. I am a King of Perilya, and I will not let my niece get hurt. Do you understand me, Young man?” malamig nitong tanong.

“Yes, Tito. I will take care of her.” niyakap niya ako.

“Good.”

Tumingin ako sa dalawa. They are throwing daggers at Yeron with their glares. They were about to talk when suddenly, the door opened making us to looked who is was. Nakita namin si Evianna na humahangos. Para siyang hinahabol ng kung sino.

“Oh, Evianna? Nakarating na pala kayo? Where’s Elisha?” tanong ni Tita sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin saka suminghap. Tiningnan niya kami ng may pag-alala. “I can’t find her,” sabi niya.


“Ano?!” malakas naming sigaw, sabay-sabay.

“Pumunta kami sa Grocery store. Naghiwalay kami sa loob dahil kaniya-kaniya kaming kumuha ng pagkaing gusto namin. At para hindi kami matagalan. Ngunit nagtataka ako kung bakit ang tagal niyang bumalik. I’ve search all over the place, but I didn’t find her. Nawawala siya. P-Please… help me find my sister,” naiiyak niyang sabi.

“Bakit mo kasi hinayaang humiwalay?!” sigaw ko na ikinayuko niya. Hinawakan ni Yeron ang aking braso upang pigilan ako sa pagtayo. Huminahon naman ako nang halikan niya ang aking ulo. Tumingin ako kay Grave. “May tracker ka sa kwentas na binigay mo sa amin, Grave. Find her, now!” sigaw ko.

“On it!” mabilis niyang kinalikot ang kaniyang laptop habang ako ay masama ang tingin kay Evianna na inaalo ni Lucas. “I found her! Nasa labas siya ng mansion. Papasok na.”

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, umalis ako sa kama kasama si Yeron bago sabay na tumakbo palabas ng kwarto. Nang makarating kami sa living room ay saktong bumukas ang pintuan. Nakita namin si Elisha na pangiti-ngiti tiningnan kami. Hindi lang siya mag-isa. May kasama siyang dalawang bampirang may korona.

“Lavander! Yeron! May kasama ako! They are the queen and king!” masayang sabi niya habang papasok.

“Dianna?! Dread?!” gulat na sigaw ni Tita at Tito nang makarating sila rito.

Who are they?

__________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

10.9K 414 25
Castle Vania Dynasty kung saan nakatira ang mga bampira, ngunit may isang nilalang na nakapasok sa mundo nila, mundo kung saan mag kagalit pa ang mga...
1.9K 256 66
𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 Jade Cailystier Morghan. The woman who cares and values everyone around her. A wom...
66.3K 3.1K 39
Isa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibi...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...