Chapter 4.

799 19 0
                                    

Lavander’s POV.

“Woah! May makakasama na kaming bago sa school!”

“Excited na ako!”

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang kumakain. Paano ba naman kasi, Lucas and Fiara are shouting inside the dining area while running around. Naisip ko. Matanda na ba talaga sila o four years old na bata pa?

Kanina pa sila sigaw nang sigaw dito na akala mo may nakaka-excite na mangyayari. Eh, pupunta lang naman kami sa school. Eh, palaging weekdays naman kami pumapasok. Ang bago lang ay may kasama na kami. Ang tanong, anong nagkaka-excite roon.

Okay lang naman sila maging excited, eh. Ang akin lang ay bakit may pasigaw-sigaw pa silang nalalaman. Kanina pa talaga sila, eh. Nagising ako ng napakaaga dahil sa sigaw nila at hindi pa ‘yon, tumutunog pa ang floor sa labas ng kwarto ko na akala mo’y may nangyayaring masama. Kaya nataranta rin akong tumayo pagkatapos mag-function ang utak ko. Pero paglabas ko ay naabutan ko silang dalawa na nakangiting nakatingin sa akin. Tinanong ko pa kung anong nangyari, they just said that they are excited going to school. Malapit ko na silang masapak dahil do’n. And I was about to go back to bed again because I was still sleepy, but they pulled me and make me entered the bathroom to take my shower. They also said that I should go faster. Ang sarap talaga nilang iuntog sa pader.

And right now, they are being like this? Are they planning to not give me a peaceful breakfast? Para silang mga bata.

“Good morning! Ang saya natin ngayon, ah?” napalingon kaming tatlo nang pumasok si Tito na may ngiti sa labi. Ang gwapo talaga ni Tito.

Lumapit si Fiara sa kaniya saka niyakap siya kaya napaiwas ako ng tingin. Sanaol. “Wala naman, po. We are just excited to go to school together, Daddy.” Hindi ko na sila nilingon kasi sasakit na naman ang mata ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.

“Talaga? Mabuti naman. Akala ko kasi ay sisimangot kayo dahil papasok kayo sa school,” natatawang sambit ni Tito kaya napairap ako.

“Of course not, Tito. Excited nga kami dahil may matutunan na naman kami sa school,” sagot ni Lucas na ikinairap ko. Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero alam kong nakangisi siya. Gusto kong tumawa sa mga sinasabi niya pero hindi ko nalang ginawa. Anong matutunan niya sa school? Pakikipagbasag-ulo? Useless.

 

 

Nagtataka rin ako, eh. Galing US si Fiara but she speaks tagalog. Sa US ba talaga siya nakatira? I guess not. Magaling siya magtagalog and she doesn’t use that much english. Maybe, tinuruan siya ni Tito?

Hindi ko na lamang sila pinansin at tinuloy na lamang ulit ang pagkain. Mabuti nalang ay hindi na sila nag-ingay at umupo na nalang nang sabihin ni Tito na kumain na sila. Pero kahit kumakain ay halatang excited. Ano ba kasing nakaka-excite sa pagpasok sa school?!

“Oh, bakit nakasimangot ang isa rito? Akala ko ba excited kayong pumuntang school,” tanong ni Tito pagkaupo.

“Ah, baka red days, Tito?” patanong na sagot ni Lucas dahilan para samaan ko siya ng tingin. Nginitian naman ako ng loko.

“Oh… that’s why,” patango-tangong sabi ni Tito. Nagbungisngis naman si Fiara. Gusto ko man silang sigawam ngunit hindi ko na ginawa dahil masasayang lamang ang oras at gusto gawin.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay ako sa sarili kong motor bike at mabilis na pinaharurot iyon papunta sa school, hindi na hinintay ang dalawang iyon. Hindi rin naman kami magkapareho ng classroom at building. Fiara is in Educ Building.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now