She Owns My Lips || (Complete...

By shaitamad

10.9K 294 4

University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad... More

She Own My Lips
Simula
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 22
CHARACTERS
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Epilogue

Episode 21

128 5 0
By shaitamad

Episode 21:


CHARLOTTE






Bumuntong hininga ako pinindot ang doorbell. Maya maya pa lumabas ang isang maid. Nang makita naman niya ako, agad na binuksan niya ang gate at nginitian ako.


"Grace..." Niyakap ko naman si Manang.


"Nanay..."


"Halika." Inalalayan niya akong pumasok. "Kahapon ka pa hinihintay ng Daddy mo."



"May ginagawa po kasi ako sa school kaya hindi ako nakadalaw."



"Ang bata bata mo pa pero tumutulad ka na kaagad sa Daddy mo na puro trabaho." Natawa naman ako.


"Hindi naman po. Nasaan nga po pala si Dad?"Natahimik naman siya. "Manang?"



"Nasa library." Tumango naman ako.


Pumunta ako sa library at nakita ko si Dad na nakaupo habang may binabasa. Ngumiti ako at humakbang palapit sa kanya.



"Dad..."Nag-angat siya ng tingin at ng makita ako agad na tumayo siya saka ako nilapitan at niyakap.



"Akala ko hindi mo ako pupuntahan." Ngumiti ako sa kanya.


"P’wede po ba ’yon? Pasensya ka na nga po pala kasi hindi ako nakakapunta rito medyo marami lang ang nangyari."



"Hindi na rin ako nakapunta sa libing ni Mrs. Rouge." Natigilan ako. "Naandon ka naman at ang mommy mo." Pinagmasdan ko lang si Dad. Maputla siya at para bang nanghihina.



"Ayos ka lang po ba?" Napatingin siya sa akin at tumango. "Dad, tell me. Are you sick?" Ngumiti siya bago kinuha ang isang box at iniabot sa akin. "Ano po ito?"


"Open it.." Nang buksan ko nakita ko ang isang kwentas. "Malapit na ang birthday mo." Natawa naman ako bago tumayo at niyakap siya.


"Daddy talaga." Tinapik niya ako.



Lumabas kami ng library at sa garden naman kami pumunta. Nakita ko pa ang mga roses na itinanim ni Mommy at ’yong tulips na nasa paso pa.



"Can you stay here?" Napalingon ako sa kanya.


I smiled at him. "Of course, Dad. Sasabihin ko po kay Peach na hindi ako makakauwi."


"So, kasama mo siya sa apartment mo?" Tumango naman ako.



"Ayaw pa kasi niyang pumunta sa bahay ni Tito." Tumawa naman si Dad. "Bakit po?"



"Why you didn't call him, Daddy?"



"Iisa lang po ang Daddy ko at ikaw po ’yon." Ibinaling ko ang tingin sa tulips at napangiti. "Inaalagaan mabuti ni Manang ang tulips na ’to."


"Of course." Nilapitan ko si Dad at umupo sa kanyang tabi. "Kumusta ka naman sa University?"


"Maayos naman po ako. Mabuti nga’t wala nang mga press na palaging nasa labas ng University."



"You always okay, huh." Natawa ako. "By the way I found that girl and she's my friend's daughter." Napatingin naman ako sa mga kamay ko at ngumiti. "You found her?" Tumango naman ako.



"Maayos naman po ang lagay niya kaya hindi ko na po siya guguluhin."



Tumayo ako bago idinayal ang number ni Peach na kaagad na nag-ring. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya sagutin 'yon. May ginagawa pa siguro.



"Yes, Honey?"



"Hindi ako uuwi ngayon."



"Why? Kasama mo ba kabit mo!?" Natawa naman ako.


"Loyal ako, Peach."Tumawa naman sa kabilang linya.


"How's Tito Peirce?"


"He's fine. Gusto ko pa siyang kulitin."


"Talaga ba? Bakit kasi hindi mo ako isinama? Mabuti na lang at kasama ko si Flair ngayon." Natigilan naman ako.



"Are you with, Flair?"


"Ay bingi. Kasasabi ko lang di ba?" Pilosopong saad niya kaya naman napahawak ako sa noo.


"Mabuti naman at kasama mo siya. Kumain ka ng dinner mo, i-lock mo ang pintuan bago ka matulog lalong lalo na ang bintana mo. If hindi mo kayang mag-isa pumunta ka na lang sa bahay ng Daddy mo at doon ka matulog o ’di kaya isama mo na lang si Flair."



"Haha! Grabe ka! Daig mo pa na asawa mo ako."



"Why not? S’werte ka na sa akin."



"You can't."



"I can marry you, right now." Natahimik naman sa kabilang linya. "Are you still there?"


"She's in the bathroom now." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. It was Flair's voice.



"G-gano’n ba?" Napahilamos naman ako. "I'll end this now. Ingat ka...yo." Bago ko pinatay.




Nag-dinner pa kami kasama si Manang. Pinagmasdan ko si Daddy na tahimik lang na kumakain. Pansin ko na nangangayayat na talaga siya. Nang matapos ang dinner umakyat na ako sa kwarto ko at naligo bago nagpalit ng pantulog bago muling lumabas at pinuntahan si Dad sa kanyang kwarto. As usual he's working again.



"Dad,why don't you try to rest?" Itiniklop ko ang laptop niya. "Daddy, huwag mo naman pong pahirapan ang sarili mo. Namamayat ka na."



"Ang anak ko talaga." Naiiling na sabi niya.
"Sandali may ibibigay ako sa iyo." Kinuha niya ang isang red velvet box sa drawer niya bago iniabot sa akin.



Kinuha ko naman bago tumingin sa kanya. "Ano po ito?"



"Wedding ring na ibinigay ko sa Mom mo noon." Binuksan ko at tiningnan. Totoo nga.


"Bakit po nasa iyo na ’to?"


"Ibinalik niya sa akin." Malungkot na tumingin ako sa kanya. "Nang pirmahan ko ang divorce paper ibinalik niya sa akin ’yan."



"Bakit mo po ibinibigay sa akin?"


"Para ingatan mo."


"Dad?"



"Grace, keep it. Gusto kong makita ’yan na nakasuot sa daliri mo." Natawa ako pero nagseryoso rin.


"Bakit po hindi niyo ipinaglaban si Mommy?"


"Ang tanong bakit hindi ako ipinaglaban ng Mommy mo? Ipinaglaban ko ang Mommy mo. Mahal ko siya. Siya ang first love ko na akala ko hanggang huli na."


"Bakit po ba hinayaan niyo siya na mawala sa’yo? Hindi mo na po ba mahal si Mom?"


"Mahal na mahal, Grace. Kaya lang kapag ’yong taong mahal mo na mismo ang gustong kumawala sa ’yo wala kang magagawa kundi ang palayain siya kasi mahal mo." Napalunok naman ako.


"Dapat bang palaging ikaw ang nag-aadjust, Dad?"


"Hindi naman palagi. Sa pag-ibig minsan panalo ka pero minsan talo at dahil mahal mo siya kailangan mo siyang pakawalan kahit pa labag 'yon sa loob mo." Napakagat labi naman ako.


"Parang natakot na rin ako."


"Iba naman kasi tayo. Kaya ikaw hanggang nadyan pa huwag mo na siyang pakawalan pa dahil baka makuha pa siya ng iba at sa huli magsisi ka." Natawa ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa singsing na hawak ko. "Ikaw, kailan mo ba ipapakilala ang taong nagpapatibok ng puso mo?" Natigilan ako.



"Sabi niya baka confused lang ako sa nararamdaman ko." Tinapik niya ang balikat ko.


"Na-reject ka ng lalaki?" Kumunot ang noo ko.


"No, Dad. Gusto ko pong magtapat sa inyo." Nagseryoso ang mukha niya. "Gusto ko po na ikaw ang unang makakaalam nito."




"Na ano?"



"I-I'm in love with a...girl." Sandaling natigilan si Dad. "And this girl she's different. Sa kanya ko lang po naramdaman ’to." Hinawakan niya ang kamay ko.


"Palagi kitang susuportahan sa mga desisyon mo pero sa mukha mong ’yan mukhang nahihirapan ka."



"Hindi po kasi siya naniniwala sa akin. Akala niya pinaglalaruan ko lang ang feelings niya. Kaya niya siguro nasabi na confused lang po ako." He smiled.



"Gusto mo bang kausapin ko siya?" Umiling naman ako.


"I can handle this, Dad." Niyakap ko siya. "Thank you so much po sa pagtanggap." Lumayo ako sa kanya.


"Hindi na bago sa akin ang ganyan." Natigilan ako. "My half sister is also a bisexual." Natigilan ako.



"Si Tita Stuart po?" Tumango siya. "Kaya po pala hindi siya nagkaroon ng asawa." Umiling siya.




"She's married with her wife, Charlotte." Napaawang ang labi ko. "Hindi nga lang sila dito nagpakasal dahil hindi naman approved ang same sex marriage sa pilipinas." Kumurap naman ako. "And her wife is her best friend."


_________________________________

:)

A/n: Si Stuart po is 'yong nasa isa ko na account 'yong Shaun_writes po. Almonte Series kasu 'di natuloy ang story niya kasi hindi ko na naopen ang acc na 'yan. Thank you, ciao!

Continue Reading

You'll Also Like

40.8K 1.3K 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
184K 3.8K 48
That Girl Is Mine(Santillan Series #2) [COMPLETED] "Shut up your mouth and mark this words THAT GIRL IS MINE"-Haidee "I'm not kid anymore,tsk!"-Ely...
119K 3K 28
GXG
34.9K 884 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...