Kristine Series 55: MONTE FAL...

By AgaOdilag

119K 2.5K 177

Gustong makilala nang lubusan ni Meredith si Andrea Monte, ang babaeng buong buhay niya ay pinagseselosan ng... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
EPILOGUE

CHAPTER NINETEEN

3.5K 80 5
By AgaOdilag

"BUMALIK ka na sa Maynila, Andrea. Wala
ka nang magagawa pa rito. May pribadong nurse akong kinuha para mag-alaga sa mama mo. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Huwag mo sana kaming bibiguin ng iyong ina tulad ng ginawa ng walang utang-na-loob mong kapatid!" mariin at matigas na wika ni Don Claudio.

Noon din ay bumalik sa Maynila si Andrea na
gulung-gulo ang isip at natatakot. Paano kung
hindi tanggapin ng mga magulang si Danilo?
Paano kung tuluyang mamatay ang ina niya dahil sa isa pang pagkakamali mula sa kanya?

Subalit inalis sa kanya ang suliraning iyon
pagdating niya sa maynila. Isang masamang
balita ang sumalubong sa kanya. Kung paanong nalasing si Danilo at nadala ni Agatha sa cottage sa isang beach resort sa Parañaque ay walang makapagsabi. Kahit si Danilo ay hindi kayang ipaliwanag iyon maliban sa nalasing ito.

Na niyakag itong mag-celebrate ni Agatha
dahil sa pagkapasa nito sa Bar exam at hindi
nagawang tanggihan ni Danilo ang imbitasyon. Ang sunod nitong namalayan ay nasa isana cottage na ito katabi sa higaan si Agatha at pareho silang hubo't hubad.

Agatha threatened to disbar Danilo if he
didn't marry her. ldedemanda ito ng rape. Danilo would have wanted to defend his first case in court ang sarili mismong kaso-subalit litung-lito ito. Ganoon din si Andrea sa dalawang suliraning kinakaharap. Walang nagawa ang magkasintahan kundi ang mag-iyakan sa kinahinatnan ng kanilang pag-ibig.

"So my father married Agatha," konklusyon
ni Meredith. "Though you were hurting, it was in your favor, wasn't it?" She wasn't able to hide
the sarcasm. "What did you bargain Agatha with that she took me as her own? Monthly check? Of course." Punung-puno ng hinanakit ang tinig niya.

"Don't be harsh in giving your judgment,
Meredith." Her voice cracked. May bahid ng galit ang tinig. "I've suffered, too. You can't even imagine how. Bawat araw ng buhay ko na wala ka sa akin. Kung paanong sa bawat gabing dumaraan ay iniiyakan ko ang aming kasawian ní Danilo at ang aking bunso na ni hindi ko magawang mayakap man lang at mahagkan. At kung nakikita man ay hindi ko magawang lapitan."

"Subalit may sakit si Mama. Ang kaalamang
iyon ay maaari niyang ikamatay. At hindi ko
magagawang saktan si Papa sa sandaling
malaman niyang nagdadalang-tao ako at walang asawa."

"O kung may asawa man subalit hindi nila
sinasang-ayunan..." Again the pain and sarcasm were apparent in her voice. At that moment, she hated Don Claudio more. But the old tyrant was dead. Wala nang silbi ang ano mang damdaming itutuon para dito.

"Iniisip ko ang ama mo! He would have been
disbarred kung itinuloy ni Agatha ang demanda. Mauuwi sa wala ang lahat ng pinagsumikaparng abutin ni Danilo. Isa pa ay natitiyak kong palalayasin ako ni Papa tulad ng ginawa nila kay Cornelia. Hindi nila ako patatawarin. And you do not expect me to turn my back on my parents!" ani Andrea na bagaman tumaas nang bahagya ang tinig ay humihingi ng pang-unawa ang mga mata. Tila nahahapong itinaas ang mga binti sa Wicker chair at niyakap ang mga tuhod.

Muli ay itinuon ni Meredith ang mga mata
Sa karagatan. Sino siya para husgahan ang
Pangyayaring halos dalawampu't dalawang
On na ang nakalipas? Hindi siya pinabayaan ni Danilo. Ni hindi hinayaan ng daddy niya na
i-verbal abuse siya ni Agatha. Hindi siya kinapos ng pagmamahal mula sa ama. At kung hindi man siya pinag-ukulan ng pagtingin ni Agatha ay tinutumbasan naman iyon ng daddy niya. Labis pa.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Ano ang nangyari kay Cornelia at sa lalaking sinamahan
niya?" tanong niya kasabay ng paglingon dito.

Nagkalambong ang mga mata ni Andrea.
"They died, too."

"So, they all died," she said angrily, bitterly.
"Bakit hindi mo naipagtapat kay Don Claudio ang tungkol sa akin sa nakalipas na dalawampu't isang taon? Agatha's threat to disbar my father must have lost its effect by then since Daddy married her. So why didn't you take me back after your mother and Cornelia died? Ano ang pumigil sa iyo? Ang mamanahin mo? Natakot kang hindi patawarin at hindi pamanahan ni Don Claudio?" She knew she was being cruel, but she was hurting and she wanted to hurt her mother back. Kung ipinagtapat nito ang lahat kay Don Claudio ay maaaring nabago ang takbo ng buhay niya.

Marahil ay hindi si Agatha ang kapiling niya
sa buong panahong lumalaki siya. Totoong
pinunan ng daddy niya ang lahat subalit sa sulok na bahagi ng puso niya ay naroon ang pag-asam ng pagmamahal mula sa isang ina.

Napatayong bigla si Andrea. Mahigpit ang
pagkakakuyom ng mga kamay sa tagiliran. Nasa mukha nito ang hindi maipaliwanag na emosyon.

"Did I hit a raw nerve?" Meredith said accusingly. Sumisinghot at pinahid ng mga kamay ang nagbabantang mga luha.

Bigla ay nakadama ng matinding pagkahapo
si Andrea. Her shoulders sagged as if beaten.
"Maybe you're right." Bulong na lang halos na
lumabas ang mga salita sa bibig nito. "Hindi
iyon pumasok sa isip ko, Meredith, noong
mga panahong iyon. Pero ano ang malay ko,
subconsciously, baka nga natakot akong hindi
ako pamanahan ni Don Claudio." She lifted her
shoulders and shook her head. "But one thing
was sure, I would have taken you back in a
blink..."

"Then why didn't you?" She almost screamed.
Mas higit ang sakit na nararamdaman.
"Alam mo ba na maraming pagkakataon sa buhay ko na nangarap akong mayakap man lang ni Agatha... na tumakbo sa kanya kapag may dinaramdam ako... na maglambing sa kanya... na ipagmalaki sa kanyang first honor ako... na tumabi sandali sa kanya bago matulog at magkuwento ng mga mumunting pangyayari sa buong araw ko? Alam mo ba iyon?" She was crying unabashedly now.

Humakbang palapit sa kanya si Andrea at
niyakap siya. Lumakas lalo ang iyak niya habang isinubsob sa balikat ng ina ang mukha.

"Hush, darling.. hush.." Andrea comforted
her in a broken voice.

Hinayaan ni Andrea na magmaliw ang
mga luha at sama ng loob niya sa mahabang
sandali habang hinahaplos nito ang likod niya
at hinahagkan siya. And when Meredith was a
little calmer, Andrea said, "Ampon lamang ako
ng mga Monte, Meredith.."

Kumawalang bigla si Meredith mula sa
pagkakayakap nito. Nanlalaki ang mga matang
tinitigan ang ina. Hindi makapaniwala sa
panibagong rebelasyong iyon. May palagay
siyang hindi siya kakayanin ng mga tuhod at
tinungo ang isa pang wicker chair at naupo.

"lyan ang totoo," Andrea said. Bahagyang
ngumiti pero hindi naman umabot sa mga mata. "Treinta y nueve na si Mama subalit wala pa ring anak. Hindi nila binalak mag-ampon. Ang kayamanan ng mga Monte ay mauuwi na lang sana sa kawanggawa at sa maga tauhan kung sila ay mamamatay." She gave a mocking smile.

"How ironic, isn't it, Meredith? Na sa kabila
ng lahat ng katayugan at hindi mapagpatawad; ng kalupitan; ng pagiging matapobre; ay isang kabalintunaan na may pagpapahalaga ang mga Monte sa kanilang mga tauhan kung naisip nilang ipamana sa mga ito ang kanilang kayamanan..."

"Kung namatay silang walang tagapagmana, sa kawanggawa rin mauuwi ang kayamanan ng mga Monte sa ayaw o sa gusto man nila. So it didn't come from the goodness of their hearts... "

Natawa si Andrea roon. "May katwiran ka."

"Kung hindi nila binalak mag-ampon, paano
ka nila-"

"I'll come to that," Andrea interrupted,
hinalinhan siya sa pagkakatayo sa barandilya
at sumandal doon. "Galing sa Candelaria ang
mag-asawang Monte nang isang trahedya sa
bus ang nahintuan nina Don Claudio at Doña
Aniceta. Nahulog ang bus sa bangin. Pinahinto
nila ang driver at nakiusyoso. Sa gitna ng mga
yon ay isang iyak ang narinig nila. Pinababa ni
Don Claudio ang driver upang alamin kung saan nagmumula ang iyak."

"Hinanap ako ng driver at natuklasan nitong
patay lahat ang mga pasahero. Kasama na roon ang mga magulang ko. Dalawang taong gulang lamang ako at marahil kaya lamang nakaligtas dahil tinakpan ako ng katawan ng aking ina. Iyon ang kuwento. O marahil isang himalang ako lamang ang natirang buhay."

"For whatever reason, napagdesisyunan ng mag-asawang Monte na ampunin ako. Ginawa
ng mga Monte ang lahat ng legal na proseso
upang maampon ako dahil walangi ibang kamag-anak ang mga magulang ko. O kung mayroon man..." She shrugged, "they didn't want to saddle themselves with an orphan little girl." She sighed drily.

"And Cornelia?"

"Mapagbiro ang pagkakataon dahil nagdalang-tao si Mama ilang buwan makaraang ako'y ampunin. Si Cornelia iyon. Ganoon man ay hindi nagbago ang pagtingin sa akin ng mga Monte. Para sa kanila ay ako ang panganay. Though our mother treated Cornelia as if she were a precious stone. And I had never seen Doña Aniceta so happy. Para sa kanya ay kay Nel sumisikat at lumulubog ang araw. I didn't grudge her for that. Sa sinapupunan niya nanggaling si Cornelia."

"Alam ba ni Cornelia na ampon ka?"

"Oh, yes. Hindi iyon ikinaila ng mga Monte sa
akin nang magkaisip ako. Ang mga matatandang tauhan at mga katulong na nakakaalam ng pagiging ampon ko ay matagal nang nangamatay. Isa pa, hindi nila inisip iyon dahil hindi naman ako itinuring na ampon ng mga Monte, lalo na si Papa. At lalong hindi iyon nakabawas sa pagtingin sa akin ni Nel. For her, I was her 'ate'." Muling naglaro ang masuyong ngiti sa mga labi ni Andrea sa bahaging iyon.

"She was so sweet and loving. May nakahandang ngiti para sa lahat sa kabila ng
pinalayaw ito ng mga magulang. Mas gusto kong paniwalaang totoo ang damdaming iniuukol sa akin ni Cornelia bilang nakatatandang kapatid kaysa sa damdamin ng mag-asawang Monte sa akin. Sa aking palagay ay isa lamang akong responsibilidad..."

"Si Cornelia ay ipinadama sa akin na mahal
niya ako sa lahat ng pagkakataon. Hindi ko
naramdaman kailanman ang insekyuridad ng
pagiging ampon. Walang sandaling umiral na
naging issue sa aming dalawa na hindi kami
totoong magkapatid..." She paused for a while.

"Maliban sa Rancho Monte, mahal na mahal ni Don Claudio si Doña Aniceta. It didn't matter
whether they had children or not. Kaya kahit
nang hindi na halos magawang asikasuhin ni
Mama si Papa nang ipanganak si Nel ay balewala rito. Ang kaligayahan ng asawa ang tanging mahalaga kay Don Claudio, That was why he was so devastated when his wife suffered a stroke and had died eventually."

"But Cornelia was also his daughter. His only daughter for that matter. Paanong hindi
napatawad ni Don Claudio ang sariling anak?" she asked emotionally. Hindi makapaniwalang nagawang tikisin ni Don Claudio ang kaisa-isang anak.

Tinanaw ni Andrea ang karagatan. Unti-unti nang nagsasabog ng iba't ibang kulay ang
sumisikat na araw sa tubig. May ilang bangka
na ang nagsisibalik mula sa magdamag na
pangingisda. Mamaya lang ay magkakagulo na
ang mga tao sa rancho sa pagsalubong sa mca
ito. Ang ilan sa mga iyon ay mga humahangong tindera sa palengke, at ang ilan naman ay ang mga pami-pamilya ng mga mangingisda.

She brought her gaze back to Meredith.
"Tulad ko, para kay Papa ay isa lamang respon-
sibilidad si Cornelia. Oh, yes, he loved her his
way. But if Cornelia had been a boy, natitiyak
kong magiging iba ang pagtingin ni Papa rito..

"Cornelia was twin. Lalaki ang unang inilabas
ni Doña Aniceta. Pero hindi iyon nabuhay sa
kung ano mang kadahilanan. At marahil ay isa
pa iyon sa ipinaghihinanakit ni Papa. Hindi niya
isinatinig pero natitiyak kong mas ninais niyang ang lalaking anak ang nabuhay at si Cornelia ang namatay."

"How... how cruel..."

"Maybe. Subalit hindi natin mahuhusgahan ang mga tao dahil lang iba ang pananaw nila kaysa sa atin. At kailangan ni Papa ng magpapatuloy ng kanyang angkan." Then beseeching eyes went up to meet Meredith's.

"At paano ko sasaktan si Papa, Meredith? Malaki ang utang-na-loob ko sa kanilang mag-asawa. Hindi naunawaan ni Papa na mahal ni Cornelia si Eliseo gayong isa lamang itong tauhan ng rancho at hindi nakapag-aral. lsa pa ay ang kahihiyan ni Papa para sa kumpare niyang kapwa pulitiko na taga-Candelaria. Maliit pa lang si Cornelia ay nagkabiruan nang ipagkasundo ito sa anak ng kumpare nito."

"Biruan na nang magdalaga si Nel ay naging
totoo para sa lalaking anak ng kumpare niya.
Subalit pinili ni Cornelia si Eliseo. Napahiya
si Papa bukod pa sa para sa kanya ay si Cornelia ang naging dahilan ng kamatayan ng
pinakamamahal niyang asawa. At ako? Paano
Ko tatalikuran ang mga taong nag-aruga sa akin sa kabila ng ako'y hindi nila kadugo?"

Hindi nagsalita si Meredith. Her eyes were
dried now. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Nilapitan siya ni Andrea, niyuko, at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito.

"Hindi man kita kasama sa mga panahong
nagdaan ay hindi ko nalilimot saglit man ang
bunso ko, Meredith. Sa bawat mahahalagang
pangyayari sa buhay mo ay lihim akong naroroon... nakatanaw... nakikigalak. At lihim na kumukuha ng larawan mo. Nakikita ko tuwina ang sakit at pait sa mukha ni Danilo sa tuwing nakikita niya akong nasa isang sulok at lihim na nakatanaw."

Then she smiled through tears. "Tatlong album ang nakatago sa silid ko na puno ng mga
larawan mo, anak. Ang mga iyon ang nagbibigay lakas at pag-asa sa akin. Na balang-araw ay darating ang panahong ganito na malaman mong anak kita at magkakasama tayo."

Kumawala ang lahat ng damdamin mula
kay Meredith at bumulalas ng iyak. Mahigpit na niyakap ang ina. "Oh, Mom!"

Pinahid nito ng kamay ang nag-aambang
pagpatak ng mga luha. "I don't want to cry,
sweetheart. Maraming taong akong umiyak.
Nagdaan na ang panahong kailangan kong
umiyak nang umiyak." Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. "Sshh. Tahan na..." Itinaas nito ang mukha ni Meredith at sa tinig na puno ng insekyuridad ay, "Will.. you stay with me?"

"Oh, yes, Mommy. Yes! And I know this is
what Daddy wants."

Isang mahabang hininga ang pinakawalan
ni Andrea. "Kung alam mo lang kung gaano ie
ako pinaligaya, anak." Masuyo siyang tinitigan
nito. "Ngayon ay malaya na kitang matatawag
na 'anak."

NADAGDAGAN pa ng ilang araw ang bakasyon
ng mga kaibigan ni Meredith kasama si Edmond sa Rancho Monte. Natutuwa siyang nag-enjoy nang husto ang tatlo sa pananatili sa rancho. Si Meredith ay walang pagsidlan sa kaligayahan sa bawat araw na kasama niya ang ina. Kung may nakabanto man sa kaligayahang iyon ay ang hindi pagpapakita ni Tristan sa kanya.

"Bakit hindi ka sumama sa amin pabalik ng
Maynila, Mer?" tanong ni Edmond sa nagdidikit
na mga kilay. Ang umagang iyon ang biyahe ng mga ito pabalik sa Maynila. Nakaakbay ito sa kanya habang palabas sila ng mansiyon. "Bakit hindi ikaw mismo ang magpaalam sa daddy mo na magtatagal ka pa rito?"

Nginitian niya ito. "Alam ni Daddy kung bakit hindi ninyo ako kasama pauwi, Edmond.
Bagaman hindi pa alam ni Daddy na patay na
si Don Claudio. You may tell him that."

Tumango si Edmond. Huminto ito sa paglakad
at hinarap siya. "Kung hindi lang sa oath-taking ko sa susunod na linggo ay nanaisin kong magtagal pa rito, Mer."

"Rancho Monte has that effect on people.
Lalo na ako." She smiled. "You are always
Welcome to come back, Ed."

Tumiim ang mga bagang nito habang nasa
mga mata ang panghihinayang at lungkot. "Kaya kong manatili ng tatlong araw pa, Mer. But damn it! Para ano? Para masaktang lalo?"

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Don't take me for a fool, Meredith," he said
shaking his head. "I have this feeling that | am
losing your heart."

Meredith sighed. "My heart was never yours,
Ed. If it is of any consolation, inasam kong sana nga ay naibigay ko ang puso ko sa iyo. I know you will handle it with care. You are a doctor, a heart specialist for that matter," she said with a hint of humor.

"Can I kiss you one last chance?" Subalit
yumuko na ito bago pa man siya makasagot. He gave her a chaste kiss on the lips at nag-angat na rin ng ulo pagkatapos.

"Hey, girls!" tawag nito kina Alana at Margie
na nagpapaalam kay Andrea. "Time to go. Bye,
Ms. Monte and thank you for accommodating
us. Hope we'll get another invite in the future."

"All of you are always welcome," Andrea said.

"Mag-iingat kayo sa daan," bilin ni Meredith.
Nilapitan siya ni Alana at hinagkan sa pisngi.
"Baka nag-aalala na sina Mommy at Daddy kung hindi ako uuwi ngayon, Mer. But I'll be back, kung iimbitahan mo kami uli ni Marge."

"Kahit walang imbitasyon ay babalik tayo
rito." Margie kissed Meredith's cheek. "Bye. Balitaan mo kami ni Alana sa happening mo
rito, ha? Lalo na kay... you know who.." she
teased. Siniko itoni Alana pero ngumiti lang SI
Meredith.

Si Grace ay kagabi pa nagpaalam kay Andrea
na makikisabay sa tatlo sa pagbabalik ng mga ito sa Maynila. Umangat ang kilay ni Margie nang sa tabi mismo ni Edmond sa passenger seat ng van na ipinahiram ni Andrea sa kanila sumakay si Grace. At dahil may driver, halos magsiksik ito at si Edmond sa front passenger seat.

Nais mangiti ni Meredith habang nakatingin
sa mga ito. Kung hindi mag-iingat si Edmond ay baka mahulog ito sa seduction ni Grace. Naalala niya ang sinabi ni Grace sa kanya kagabi nang harangin siya nito bago siya pumanhik sa silid niya.

"Minsan ay gusto kong magalit sa pagkakataon," anito at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Napakapalad mo. Mapera na ang ama mo ay anak ka pa pala ni Andrea." Sinundan nito iyon ng mapait na tawa. "Pero hindi ka pa rin ganoon kapalad pagdating kay Tristan. Gabundok ang nasa mga balikat ng lalaking iyon. At alam kong may pagtingin ka sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ipinagpalit mo si Edmond sa isang hamak na magbubukid gayong-"

"Hindi ako matapobre, Grace, " putol niya sa
sinasabi nito.

"At ako ay matapobre?" She arched a painted brow. "Minsan, gusto kitang kainggitan at kamuhian na rin sa bagay na iyan. Mayaman ka na ay mabait ka pa rin." Nagkibit ito. "Sayang ang panahon mo kay Tristan, Meredith. Lumampas na sa pinakamataas na bundok ng Rancho Monte ang agwat ninyo."

"Papatagin ko ang bundok, Grace, makapantay lamang ni Tristan," she said passionately.

Maang na napatitig si Grace sa kanya at sa determinasyon sa tinig niya. Kapagkuwa'y
tumalikod na ito at nagbalik sa silid nito.

Busina ng sasakyan ang nagpabalik ng pansin
niya sa paalis na mga kaibigan. Kinawayan niya
ang mga ito. Hindi siya umalis sa kinatatayuan
hanggang sa mawala ang sasakyan sa paningin niya.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 221 11
Tatanggapin mo pa ba ang isang ex na minsan nang nanakit sa iyo? CINDA BROKE MARYMAE'S HEART LAST CHRISTMAS. AT KAHIT NAMAN AMINADO SI MARYMAE NA HOP...
29.4K 603 16
Cain and Terry were married seven years ago. But because it was just an arranged marriage at puno ng teknikalidad ay napawalang-bisa ang kasal nila...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...