Slowly Series #2: SLOW DIVE |...

By cyrexzyrnx

12.2K 320 1

Criswell Danielle Garcia comes from a poor family. They only farmed on a small piece of land owned by her fat... More

ANNOUNCEMENT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
EPILOGUE

Chapter 24

297 7 0
By cyrexzyrnx

READ AT YOUR OWN RISK!



Parang tanga kaming dalawa habang nakasilip sa dalawang lalaki na kanina pa nakatayo sa labas ng pintuan ng unit niya.

“Paano nila nalaman kung nasaan ka?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan na rin ako dahil baka alam na nila na dito rin ako nananatili.

“Gago ka ba? Madalas si Yrich dito noon noong kami pa." sagot nito sa akin. Agad ko naman siyang binatukan.

“Hayop ka talaga! Lagi akong napapahamak dahil sayo eh." naiinis na saad ko rito. Inirapan naman ako nito na tila walang pakialam sa inis na nararamdaman ko.

Seryosong bagay kase ito para sa akin. Ayokong malaman nila kung saan ako dahil alam kong hahanap ay hahanap siya ng paraan para makita ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako handa na harapin siya at maging ang mga magulang ko.

“Kasalanan ko bang masarap ang lalaking iyan." nakangising saad nito.

“Yuck! Masarap? Pero iniwan ka pa rin."

Siya naman ngayon ang gumanti ng batok sa akin.

“Para sa kaalaman mo, hindi ako ang iniwan. Ako kaya nang-iwan sa kanya." proud na proud na saad nito.

“Bakit mo iniwan?"

“Nakipagtukaan sa iba eh. Ano tingin mo gawin ko sasaluin yung germs ng iba. Yuck! No way!" diring diri na saad nito at umakto pang nasusuka.

“Ngayon ka pa nandidiri. Pero nung kinain mo sarap na sarap ka."

“Hindi ako yung kumain kase ako yung kinain."

“Bwisit ka!"

Iniwan ko siya doon na nakasilip sa bintana. Bahala siya diyan.

“Makita ka sana ng ex mo." pang-iinis ko pa rito bago dumiretso at pasalampak na nahiga sa kama ko.

Maya maya ay isinara rin nito ang bintana at dahan dahang lumapit sa kama ko.

“Umalis na sila." saad nito saka prenteng nahiga.

Hindi ko na ito pinansin. Ipinikit ko ang aking mga mata upang makatulog. Sa dami ng nangyari ngayong gabi kahit ang kalasingan ko ay kusang naglaho.

Nagising ako sa hilik ng babaeng katabi ko. Napatingin ako sa orasan at saktong alas onse na ng umaga.

“Hoy Shane gumising ka na at umuwi. Tanghali na!" gising ko rito. Pakiramdam ko rin ay ang sakit ng ulo ko. Marahil epekto ito ng alak na ininom namin kagabi.

“Mamaya na magluto ka muna ng agahan. Wala akong pagkain sa unit."

“Bwisit ka." bulyaw ko rito at pinitik sa kanyang labi. Ang ingay kase, kung makahilik akala mo nasa sariling pamamahay siya.

Narinig ko pa ang pagsigaw nito ngunit hindi ko na pinansin. Hinayaan ko siya doon at dumiretso sa kusina upang maghanda ng agahan.

Nagluto lang ako ng fried rice, itlog, bacon at nagtimpla na rin ako ng kape.

Nang maihanda ang lahat ay saktong lumabas ang bwisita (bisita na bwisit) ko rito.

“Ang tagal tumawag ng kainan. Gutom na ako." oh diba, sabi sa inyo eh.

“Kumain ka nalang. Absent ka sa trabaho?" tanong ko rito at saka naupo.

Kumuha ako ng pagkain at hinayaan siyang kumuha ng sarili niya.

“Hmm. Bukas na ako papasok. Ang sakit ng ulo ko." reklamo pa nito.

“Bili tayo advil mamaya sa baba." aya ko rito dahil maging ako ay masakit rin ang ulo. Pati nga katawan ko ay parang binubugbog ng sampung demonyo.

Pagkatapos namin kumain ay siya na ang pinaghugas ko ng mga pinggan. Aba't swerte niya kung ako pa no, ako na nga may-ari ng bahay.

Pagkatapos ay bumaba kami upang bumili ng gamot para sa hang-over. Kumpleto naman ang building na ito kaya hindi na rin namin kailangan lumabas pa.

Kasalukuyan kaming nandito sa elevator pababa ng ground floor. Nandun kase ang grocery section.

Medyo puno na ito. Nagulat kami pareho ni Shane ng pumasok ang dalawang lalaki na pareho naming iniiwasan.

“Hayop na yan! Hanggang dito ba naman sa elevator ayaw tayo tantanan." bulong nito sa akin.

“Huwag kang maingay Shane maawa ka. Mahal ko pa ang buhay ko." ani ko rin sa mahinang boses.

Habang pababa kami ay pakiramdam ko ang tagal ng oras. May lumalabas na rin at unti unti kaming lumiliit na nakasakay.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay anumang oras lalabas na ito.

“Kapag may lumabas sasabay tayo." bulong sa akin ni Shane na agad ko ring sinang-ayunan. Mas mabuting umalis na kami dahil anim nalang kaming nandito sa loob.

Mabuti na lang at hindi lumilingon ang dalawa. Kinakabahan din ako dahil baka makita nila ang repleksiyon namin.

“Tara na." mabilis akong hinila ni Shane palabas at inunahan ang tatlong babae. Narinig pa namin na nagalit ito at maraming sinabi pero mabilis kaming tumakbo palayo roon.

“Tara sa escalator." sigaw nito sa akin at mabilis kaming nagtungo sa escalator. Nagtago kami sa maraming tao upang hindi kami makita sakaling nasundan na naman kami ng dalawa.

Tila baliw na nga kaming dalawa dahil ginawa na naming hagdan ang escalator.

Kahit wala kaming balak umalis at lumabas sa building ay napilitan kaming umalis doon.

“Saan tayo?" tanong ko sa kanya habang buma-byahe kami sa hindi ko alam..

“Malay ko rin." sagot nito sa akin.

“Akala ko katapusan ko na."

“Punta nalang muna tayo sa office ko."

Dito nga kami pumunta. Bumili muna kami ng matinong damit dahil mukha kaming tanga na nakapantulog pa. Malay ba naman kase naming makikipaghabulan kami kay kamatayan.

“Bwisit! Ayoko pa sanang magtrabaho." reklamo nito habang inaayos ang mga papers na iniwan sa kanya ng manager nila.

Si Shane ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Ayon sa kanya ay isa raw iyong beach resort pero hindi siya naka assign sa mismong dagat. Opisina nila iyon dahil isa siya sa mga nasa accounting team.

“Akala mo naman gusto kong tumambay dito sa office mo. Para ko naring tino-torture ang sarili ko sa amoy ng papel at ballpen mo." reklamo ko rin sa kanya.

Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa amoy ng ballpen ma ginagamit niya at maging sa amoy ng mga papeles na nasa harapan niya.

“Edi umuwi ka para mahanap ka na ng asawa mo. Pasalamat ka nalang at dinala pa kita rito no." panunumbat nito sa akin.

“Gutom na kase ako."

Malapit na mag gabi at hindi pa kami kumain ng tanghalian.

“Saglit nalang, tatapusin ko pa to."

Hinayaan ko nalang siya upang mabilis siyang matapos sa trabaho niya. Wala rin akong balak tulungan siya dahil ayaw ko nga ang magsulat.

“Pahiram nalang ng phone mo. Pa online ako."

Habang hinihintay siyang matapos ay inabala ko ang aking sarili sa facebook.

Jaypee Montegrejo want to sent you a message.

Nagulat ako sa nagpop up na notification ko.

Agad kong tiningnan ang message request ko at nanlaki ang aking mga mata sa dami ng mensahe na pinadala nito.

Jaypee Montegrejo
     Huwag mo akong takasan, makikita rin kita.

Ang dami pa niyang message na tungkol lahat sa pagtakas ko sa kanya.

Jaypee Montegrejo
    Kilala mo pala ang ex ni Yrich. Sabihin mo sa kanya na miss na siya ng tauhan ko.

Agad akong naglog out at binato kay Shane ang kanyang cellphone.

“Bakit?" bulyaw nito sa akin dahil nagulat sa ginawa ko.

“Namiss ka raw ng gago mong ex." bulyaw ko rin sa kanya.

“Sabihin mo namiss ko rin siya." nakangising saad nito. “Lalo na sa kama." dagdag pa niya.

“Kadiri ka!"




***

cyrexzyrnx:

Don't forget to follow, share, vote and comment zyrnxiesss. Mahal ko kayo.

Continue Reading

You'll Also Like

317K 11.8K 44
LANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si...
406K 9.3K 34
A roller coaster ride to forever. Prince Cage Monteverde was known as a notorious playboy. He could make you his by his sugar coated words. Telling y...
279K 7K 53
"Cheating is not a mistake, it's a choice."
1.2M 25.2K 30
SPG Theseus Montenegro is a serious man. Puro business lang laman ng kanyang utak. Hindi mo sya makikitang may kasamang babae. Dating isn't in his vo...