Hahamakin Ang Lahat

By theayao

2.7K 52 2

Nagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29

30

109 4 1
By theayao

Chapter 30

"Anak—"

"Ina buo na ang desisyon 'ko sana huwag mo nang tutulan," putol ni Treno sa sasabihin ni Wiena.

Napabuntong-hininga nalamang si Wiena.

"Sige, magpapadala na lamang ako ng mensahe kapag naayos na ang lahat, paalam sa inyo masaya ako at nakilala ko kayo,"

"Saglit! may nais sana akong hilingin kung hindi n'yo mamasamain," pigil ni Wiena, napakagat siya ng labi sa kaba.

Nagsalubong ang kilay ni Damon at Treno, at may pagtatakang tinitigan si Wiena.

"Sige ano iyon?"

"Nais kong maging normal na tao, katulad ni Damon. Ayaw 'kong manatiling ganito na hindi tumatanda, habang si Damon ay tumatanda at lilisan sa mundo dahil sa katandaan," buong tapang na saad ni Wiena

"Ina!"

"Wiena!"

Sabay na bigkas ni Treno at Damon.

"Pag-ibig nga naman, maaring maging imortal kayong dalawa ngunit ang kapalit ay isusuko mo sa 'kin lahat ng kapangyarihan mo,"

Namilog ang mga mata ni Wiena at napangiti ng malapad. "Oo! Oo! walang problema," masayang saad niya na kulang nalang ay magtatalon sa saya.

Napapikit sila Damon, Wiena at Treno nang sumabog ang liwanag sa loob ng kanilang silid. At nang idilit nila ang mga mata wala na doon ang lola ni Damon.

"Ang iyong hiling ay natupad na." umaalingawngaw ang boses nito at pahina ng pahina hanggang sa nawala.

Sinubukan ni Wiena na magpalabas ng kapangyarihan at ganoon nalang ang tuwa ng hindi gumana. At napayakap siya ng mahigpit kay Damon.

"Hindi na darating ang panahon na sasakit ang mga tuhod ko..." nakangising saad ni Damon at nginitian ng malagkit si Wiena. "Tuloy ang laban," dugtong niya sabay tawa.

Hinampas ni Wiena ang braso ni Damon at kinurot ang tagiliran. "Ano ka ba nariyan ang anak mo at naririnig ka!"

"Tssk!" ani ni Treno bago tumalikod at umalis.

"Paminsan-minsan ay humihilab na ang aking tiyan," saad ni Wiena kay Miya. Nasa labas sila at nagkukuwentuhan sa bagay-bagay, habang ang kanilang mga asawa ay nangangaso sa kagubatan.

"Malapit ka nang manganak!" masayang saad ni Miya.

"Oo nga po, sana babae!" masayang sabat naman ni Ligaya.

"Ina," singit ni Treno.

"Oh anak,"

"Natanggap 'ko na ang mensahe at sa susunod na linggo ay magtutungo na ako sa palasyo upang ayusin at pamunuan ito," seryosong saad ni Treno.

Napatayo sa kinauupuan si Ligaya at nanunubig ang mga matang tinitigan ang mukha ni Treno.

"Anak, sige kung iyan ang nais mo nasabi mo na ba sa iyong ama?" Hindi ni Wiena naitago ang lungkot dahil sa napiling landas ni Treno.

Tumango si Treno at pasimpling sinulyapan si Ligaya na naiiyak habang tinitigan siya. "Sige ina at magtutungo na ako sa gubat," paalam ni Treno at tumalikod.

"Treno!" tawag ni Ligaya na nakapagpahinto kay Trenon sa paghakbang. Ngunit hindi ito limingon nanatiling nakatalikod at nakatayo lang ito sa p'westo.

Nang isang minuto na ang lumipas na hindi nagsalita ulit si Ligaya ay nagpatuloy nang maglakad paalis si Treno.

Pabagsak na umupo si Ligaya at humikbi. Hinimas-himas ni Wiena ang likod ni Ligaya at bumuntong-hininga. "Kausapin mo siya bago umalis, alam mo naman ang ugali ni Treno hindi ba? hindi mahilig magpakita ng emosyon ang batang 'yon. Huwag ka na umiyak diyan, sige ka papangit ka niyan," malambing na saad ni Wiena. Para pagaanin ang loob ni Ligaya. Alam niyang mahalaga kay Ligaya si Treno, dahil noong maliit pa si Ligaya ay si Treno ang nag-aalalaga habang abala ang mga magulang nito.

Tumango-tango naman si Miya bilang pagsangayon sa sinabi ni Wiena.

Suminghot-singhot si Ligaya,  namumula na ang ilong niya at magkabilang pisngi dahil. "Ate Wiena may nagawa ba akong mali? bakit lagi na akong iniiwasan ni Treno? dati binubuhat pa niya ako at inaalagaan," nagtatampong saad ni Ligaya.

"Ligaya... kasi hindi kana bata— hindi na kayo bata, lalo na si Treno binata na siya at ikaw ay nagdadalaga na. At si Treno ay may mabigat na tungkulin dahil siya na ang magiging hari sa bundo ng mga engkanto,"

Napangiwi si Wiena nang humilab ng subrang sakit ang tiyan, napahawak siya sa tiyan na subrang tigas na. "M-Miya m-manganganak na 'ata ako!" utal na saad niya at napapapikit t'wing humihilab ng masakit ang tiyan.

"Ha!" napatayo si Miya at agad na inutusan si Ligaya na tawagin si Damon.

Nakahiga na sa papag si Wiena at nakabukaka ang mga paa, may nakatabon na kumot sa tiyan hanggang tuhod upang matakpan ang kasilan niya. Na sa pagitan ng mga hita niya ang komadrona na sinisipat ang kanyang pagkababae kung naroon na ang ulo ng bata.

"Ahhhhhhh!" makalas na sigaw ni Wiena nang humilab at sinabayan niya ng iri upang ilabas ang sanggol.

"Sige! lakasan mo pa ang pag-iri, malapit na!" saad ng komadrona.

Habang si Damon ay hindi mapakali, si Treno naman ay kinakabahan din ngunit naiinis siya sa ama na pabalik-balik ng lakad. Salubong ang kilay na sinaway niya ang ama. "Ama huminahon ka nga nahihilo ako sa ginagawa mo, makakaya 'yan ni ina!" medyo yamot na saad niya.

Kumulubot ang noo ni Damon at salubong ang kilay na tinapunan ng masamang tingin si Treno, ngunit baliwalang umiling-iling lang si Treno.

"Iba ngayon dahil tao na ang ina mo, noong pinanganak kay ay engkantada pa siya!"

Nagkibit ng balikat lang si Treno, natigilan silang dalawa nang marinig nila ang palahaw ng iyak ng sanggol.

Nanghihinang napapakit si Wiena, kung dati ay hindi siya nahirapan manganak kay Treno ngayon ay nahirapan siya.

"Ay napakagandang bata," bulaslas ng komadrona.

Nanghihinang inabot ni Wiena ang anak at naluha ng masilayan ang napakandang sanggol. Umupo sa tabi niya si Damon at nakatayo naman sa gilid si Treno.

"Ang ganda niya," masayang saad ni Damon, at subrang ingat na hinawakan ang kamay ng bunsong anak nila ni Wiena.

"Trifia... Trifia ang ipanganak mo sa kanya ina," mungkahi ni Treno at nakangiting pinagmasdan ang kapatid.

"Ang gandang pangalan," sangayon ni Wiena at nginitian si Treno.

"Treno!" sigaw na tawag ni Ligaya nang makita na papasuk sa kasukalan ng gubat si Treno.

Lumingon si Treno at naiinip na tinitigan si Ligaya.

"Bakit ganyan na ang pakikitungo mo sa 'kin!"

Tumaas ang kilay ni Treno at akmang tatalikod na ngunit hinawakan ni Ligaya ang braso niya. Bumuntong-hininga si Treno. "Anong ganyan?"

"May nagawa ba akong mali?" naiiyak na tanong ni Ligaya.

"Wala," maikling sagot ni Treno sabay alis sa kamy ni Ligaya na nakahawak sa kanya. At walang lingon-lingon na pumasok sa kagubatan.

"Treno mag-iingat ka ha! At paminsan-minsan ay dumalaw ka naman dito," umiiyak na saad ni Wiena.

Oras na para magtungo si Treno sa mundo ng mga engkanto para maging bagong hari doon.

"Opo ina," tumatangong sagot ni Treno. At hinalikan sa noo ang kapatid, habang karga ng ina niya.

Pahapyaw na sinulyapan ni Treno si Ligaya, nakasimangot ito at sumisinghot-singhot dahil sa kakaiyak.

"Anak ipinagmamalaki ka namin ng ina mo, saad ni Damon. At ipinatong niya ang kamay sa balikat ni Treno.

"Alis na ako ina ama," paalam ni Treno at humarap na sa portal patungo sa mundo ng mga engkanto.

Bago tuluyang pumasok sa loob ng portal si Treno ay nilingon niya si Ligaya, magkahalo na ang luha at sipon nito.

"Damon masaya ako na walang gulo na sating pamilya, at masaya ako para kay Treno sa pinili niyang landas. Subrang saya 'ko at nakilala kita, kahit na subrang daming pagsubok ang dumaan satin ay nagawa nating lagpasan. Salamat dahil pinaglaban mo kami, hindi ka sumuko at naipanalo ang laban. Ang mga anak natin at ikaw ang siyang kayamanan at ligaya 'ko sa mundong ito," madamdaming saad ni Wiena.

Ngumiti si Damon at hinawakan ang pisngi ni Wiena, at hinawakan ang baywang. "Mahal na mahal kita at gagawin 'ko ang lahat makasama ka lang, kahit na si kamatayan pa ay makikipagkasundo ako mabawi ka lang. Hindi 'ko akalain na magmamahal ako ng ganito dahil ang layunin 'ko lang noon ay mapabagsak si Giblo at ang mga alagad niya, ngunit dumating ka ginising mo ang natutulog 'kong puso," taos-pusong saad ni Damon, habang buong pagmamahal na tinitigan sa mga mata si Wiena.

Dahan-dahan na inilapit ni Damon ang mukha sa mukha ni Wiena, nang malapit na ang bibig niya sa bibig ni Wiena ay pumalahaw ng iyak ang bunsong anak nila na karga ni Wiena sa bisig niya. Natatawang henele ni Wiena ang anak at mabilis na ginawaran ng halik sa labi ang nakasimagot na si Damon.

———Wakas——

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
79.5K 222 1
Dahil sa isang pagkakamali ay mababago ang buhay ko, Hindi inaasahang pangyayari, mga katotohanang mabubunyag at pagkataong matagal ng hinahanap. At...
89.6K 4.7K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...