She's The Boss

By baeryxx

9.9K 450 65

She rules. She dominates. She controls. She's a half brat, half bitch. She's Nadine Alexis Reid. and She's t... More

Prologue
The Boss' "Boss" Wish
The Boss meets Mr. Stranger
The Boss' Deal
The Boss and Mr. Cheesy
Engagement Party
The Boss with Robert James
The Boss' Bestfriend & The Past

The Boss Meets Mr. and Mrs. Reid

1K 51 8
By baeryxx

Nadine's POV

1 week. One week since I met this annoying guy! One week ng puro mushy mushy lines. One week ng panggugulo. One week ko na syang fiance. At some point thankful din naman ako sa kanya kasi pumayag sya sa gusto ko. Kaya tiis tiis na lang sa kakulitan ng Reid na to.

Alam nyo ba kung anong nalaman ko? Ayaw nyang tinatawag syang "Robert" HAHAHAHA. Robert James Reid kasi ang full name nya. Nabasa ko yun sa files nya. Syempre no dapat kahit konti may alam ako sa kanya kahit full name man lang nya!

Tawang tawa ko nung tinawag ko syang "Roberto" kinukulit nya kasi ako sa office nung Wednesday!

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa loob ng office ko kasama si James. As usual nandito nanaman sya. Dapat lang daw na lagi syang nandito para mabantayan nya ko kasi sya daw ang fiance ko.

Minsan tuloy napapaisip ako.

Nagpapanggap pa ba kami?

Ah Basta! Ako, para sakin act lang lahat to.

Dito na rin pala sya nagwowork. Ayaw nya daw sa company nila kasi wala naman daw ako dun. Ayaw nya rin sa ibang office gusto nya daw magkasama kami ng office. Take note request nya yan kay Lolo. Kaya etong si ako naman, oo nanaman -_- May magagawa pa ba ko?

Nagbabasa ako ng paperworks ko ng may binato syang kapirasong papel sakin. Syempre napahinto ako sa pagbabasa ko. Binuksan ko yung nakatuping papel.

Hi hon! Busy? :*

Kumuha ako ng ballpen tapos nagsulat ako dun sa papel.

Obvious ba? Nakikita mo naman diba?

Pagkatapos ko binato ko sa kanya sakto tumama sa ilong nya. Napasmile pa sya non tapos binuksan na nya yung papel ako naman tinuloy ko na yung pagbabasa.

Maya maya pa may papel nanaman na tumama sa kamay ko. Tinignan ko sya tapos naglip talk sya ng "Sorry!" tapos nagpeace sign.

Binuksan ko ulit yung papel.

Sungit naman ng misis ko. Naglilihi ka na ba hon?

Nilukot ko yung papel tapos binato ko sa kanya. Letseng to! Kung anu ano pinagsasabi.

"Hoy Roberto! Can you please stop annoying me!" sabi ko tapos nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.

30 minutes. 30 minutes na ang lumipas at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Buti naman diba? Busy ako today!

Tiningnan ko sya. Busy lang sya sa pagpindot sa cellphone nya. Di nya nga ko tinitingnan e. May nagawa ba ko sa kanya?

Maya maya pa. Bigla syang tumayo ng hindi nagpapaalam. So ano naman ngayon sakin kung di sya magpaalam? Di ko naman talaga sya fiance no!

After 1 hour bumalik sya sa office. Wala pa ring kibo. Umupo sya sa swivel chair nya tapos humarap sa laptop nya.

This damn silence makes me guilty! Ano ba talagang nagawa ko? Kasi di ako nagreply sa mini chat namin kanina o pinatahimik ko sya?

Biglang pumasok yung secretary ko. May inabot syang paper sakin pati kay James.

"Ma'am Nadine and Sir James you'll be having a meeting, urgent meeting. You may go now na po sa conference room." sabi nya and then lumabas na.

Inayos ko na yung mga gamit ko sa table. Habang nag-aayos ako, si James naman tumayo na sa upuan nya tapos palabas na sya pero hinabol ko sya. Ano ba? Ang lakas ng topak nito ah!

"Huy, problem?" sabi ko sa kanya pero di pa rin sya nagsasalita.

Tinusok tusok ko yung tagiliran nya pero wala pa rin sa kanya.

May mga dumaang employees. Nag greet samin pero di ko sila pinansin kasi busy ako sa paghanap ng kiliti ni James.

Nagulat ako nung nagsalita sya.

"Good morning girls!" sabi nya sa mga empleyadong bumati samin. Nagsalita nga sya pero di naman ako ang kinausap! Tss!

Sa inis ko piningot ko sya tapos napa-aray sya!

"Aray naman! Are you jealous?!" sabi nya habang hawak yung tenga nya.

"See! Kundi ka pa sasaktan di ka pa magsasalita! And FYI, di ako nagseselos no! Ano ba kasing problema mo?!" inis na sabi ko habang nakacross hands sa harap nya. Kala mo tuloy pinapagalitan ko sya.

"Really? Okay. What's my problem? Stop calling me Robert! Just James! and HON!" sabi nya sabay lakad.

"Uyyyy, ayaw mo sa Robert? bakit maganda naman ah? Pang matinee idol!" sabi ko habang sinusundot yung tagiliran nya.

Di na naman sya nagsalita. Haaaays isip bata talaga!

"James ano ba! Jamesssssssss!!!!!!!!" sabi ko pero di pa rin nya ko nililingon.

"ROBERT JAMES REID!" nagulat ako nung lumapit sya sakin napasandal tuloy ako sa pader.
"Isa pang Robert, I will not hesitate to kiss you, right here, right now!" sabi nya tapos naglakad ulit.

Napalunok naman ako kaya nanahimik na ko.

Ano bang problema sa Robert? Maganda naman talaga diba?

"Sorry na po." sabi ko tapos naglakad nang mas mabilis sa kanya di ko kasi mapigilan yung tawa ko. LAUGHTRIP!

Nagulat na lang ako nung may kumuha sa kamay ko.

Sino pa nga ba?

"Apology accepted hon!" sabi nya habang parang bata na inii-sway yung kamay namin habang papasok sa conference room.

"Hoy bitawan mo kamay ko may rules tayo na no kissing and touching diba?" pabulong na sabi ko pero mas hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko.

*End of flashback*

Kaya simula non di ko na sya tinawag na Robert. Baka makaisa pa e. No way! Abusado na sya!

Inaayos ko na yung mga gamit ko sa condo. Bukas kasi lilipat na ko ng bahay. Kaya pala ako hinila ni James sa garden nung engagement party kasi bibigay nya pala dapat yung susi ng bagong bahay ko. Since nagkaroon ng medyo maliit na away, e di na nya nabigay kaya nung bago ako umuwi inabot nya sakin yung susi.

Wag nyong isipin na binigyan nya ko ng bahay ah! Regalo ni Lolo yon. Engagement gift daw. Dami talagang alam -_- Napapansin ko this past few days parang nagiging close sila ni James ah? Hmmm .. Nevermind na nga.

Habang nilalagay ko sa maleta yung mga damit ko. Biglang nagring yung phone ko.

James Calling ...

Ano naman kailangan nito?

"What do you need?" sabi ko.

"That's how you say "Hi, hon" to me?" sabi nya ng natatawa pa.

"Just tell me what you need?" sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko.

"I need you." sabi nya tapos may narinig pa ko sa background nyang babae na nagsalita "Is she coming son?".

Sino yon?

"Stop your mushy lines James. Busy ako. Bye!" sabi ko tapos ieend ko na sana yung call pero nagsalita sya.

"Wait! Okay, I'll tell you na. My parents are here. They know about our engagement. So they wanna meet you tonight. If that's okay with you?"

Meet the parents na ba ito? As in mommy nya at daddy? Holy cow carabao!

Ang sama ko naman kung tatanggi ako diba? Baka isipin nila ayoko silang i-meet. Marami na rin naman nagawang kalokohan este kindness sakin si James so might as well pagbigyan ko naman sya this time right?

I'm just giving back. Yes ganun lang. No malice!

"Okay." sabi ko tapos napa-Yes sya! Sinagot lang ang peg?

"Thank you, so I']] pick you up on your condo. 6PM. See you hon!" masiglang sabi nya.

4PM na pala so I should start preparing na.
Iniwan ko muna yung inaayos ko and go to my walk in closet.

What should I wear?

Nilabas ko yung mga bagong dress ko and nilapag sa kama.

Sinukat ko isa-isa. Napagod na ko sa paghahanap kaya nakapagdecide ako na itong Herver Leger black dress na lang ang isusuot ko.

Naligo ako. Naglagay ng light make-up and tinginan ko ulit yung sarili ko sa salamin.

Do I look good?

Maya maya pa may nagdoorbell na.

Maybe it's James?

Binuksan ko yung pinto. 3 minutes na kaming nakatayo sa labas ng pinto kaya nagsnap ako sa kanya.

Anyare dito?

"Did I saw a goddess right now?" sabi nya habang nakasmile.

"Bolero! Tara na nga!" hila ko sa kanya.

Tahimik lang kami sa buong biyahe. Ako kasi nakatingin lang the whole time sa may labas ng bintana.

Maya maya pa may inabot sya saking box.

Ano 'to?

Pagkabukas ko. Bracelet O.O This is so pretty!

"Para sa mama mo?" sabi ko.

Natawa naman sya kaya tumaas yung kilay ko.

"No, It's for you hon." sabi nya tapos kinuha yung bracelet sakto namang nakastop kaya nagawa nyang isuot sa akin yon.

"Don't take this out okay? You promise?" sabi nya habang nakatingin sakin tapos hawak yung braso ko.

Nagulat ako sa sinabi nya. That's the same line that HE told me before.

Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi nya. Kiniss naman nya yung forehead ko tapos nagdrive na ulit.

Tiningnan ko ulit yung bracelet na suot ko tinaggal nya kasi yung bracelet na suot ko kanina.

Charriol Bracelet.

First time ko makatanggap ng bracelet as a gift. Usually kasi flowers, necklace and chocolates ang binibigay sakin.

Naalala ko tuloy sya. My ex. He used to gave me a necklace.

Sinabi nya rin sa akin na wag kong huhubarin. Nagpromise ako sa kanya na hindi ko to tatanggalin. Kaya until now never kong hinubad to.

Hanggang ngayon kasi mahal ko pa rin sya. And natutuwa ako kay James kasi marami silang similarities. Kaya siguro ang bilis din namin nagclick.

I don't know it's been 4 years pero never akong nainlove sa iba. I still love him. Haaays! Pero minsan nakakalimutan ko sya because of this man beside me.

Pero di ako maiinlove kay James kasi sya pa rin ang mahal ko. Nothing will change. Sya lang. Maybe namimiss ko lang sya kaya natutuwa ako kay James.

Natauhan na lang ako nung mapansin kong huminto na yung kotse ni James.

Di ko muna nga sya iisipin! Nakakahiya naman at nandito na kami tapos puro kadramahan nasa utak ko.

Focus tayo sa pagpapanggap Nadine! Focus!

Pumasok na kami sa bahay nila. Malaki rin. As in. Nagkakasalubong pa kaya sila dito?

"Nadine, dear?" sabi ni Tito Malcolm.

"Yes tito!" sabi ko and nagbeso ako sa kanya.

"Ako na lang pala ang hindi nakakakilala sa fiancee ng anak ko? Tama ba?" sabi ng mom nya.

"I'm Nadine po ma'am, Nadine Lustre. It's nice to meet you." sabi ko and we both hug and beso.

"Tita April will do, dear. Or should I say mom?" sabi nya tapos nagtawanan lang kami and pumunta na sa kitchen.

Kumakain na kami. Para sa apat na tao masyadong marami ang pagkain na to. Feeding program lang?

Syempre katabi ko si James tapos sa harap ni James si Tita April and katabi nya si Tito Malcolm.

Marami-rami na rin kaming napag- usapan. Tinanong nila kamusta ang parents ko. Si Lolo. How's our company and kung anu-ano pa.

Kumakain na kami ng dessert ng magsalita si Tita April.

"So kailan ang kasal?" sabi nya.

Nasamid naman ako sa sinabi nya kaya si James pinainom naman agad ako ng tubig.

"Are you okay hija?" sabi ni tita with a worried face.

"Yes tita, may nakaalala lang siguro sakin." palusot ko.

"Mukha nga, so ano mga anak kailan ang kasal?" napalunok ulit ako sa tanong nya. Syempre di ako makapagsalita. Umurong ata dila ko!

Hinawakan ni James yung kamay ko tapos nagsalita.

"Next year mom, maybe April? right hon?"

Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya di ko na pigilang magreact.

"APRIL?!" pinisil ni James yung kamay ko telling me na makiride ka na lang.

"Ah! Yes tita! April, the wedding is on April next year!" sabi ko nang nakangiting aso.

Tumingin sakin si James, nagsmile sya at tiningnan ko rin sya ng I-Guess-We-Need-To-Talk-Later face.

Tuwang tuwa naman si Tita April sa narinig nya Kunwari natutuwa rin ako sa sinabi ko.

"Did you hear that Robert? Our son is getting married next year!" sumang-ayon naman si Tito Malcolm tapos sya naman yung nagsalita.

"We are so excited for our grandchilds!" sabi ni Tito then nag-tawanan sila nj Tita.

GRANDCHILDS?! Ano ba tong napasok ko?

"So ilang anak ang plano nyo?" sabi ni Tita.

"Hehe." sabi ko yan na lang kasi lumabas sa bibig ko. Di nagsasalita si James. Si Tita and Tito naman naghihintay sa sagot namin.

Nakakahiya naman! Bakit ba di nagsasalita si James! Huy dong magsalita ka! So napilitan akong sumagot.

"2 kids po." sabi ko na lang yung lang naman talaga ang plano kong anak pag nag-asawa ako! MAHIRAP KAYA MANGANAK! Kaya tama na yung dalawa.

Bigla namang nagsalita si James.

"No mom, actually we're planning for 5 or 6? right hon?" sabi nya sabay tingin sakin.

"Masyado namang marami yon James!" sagot ko.

"5 or 6 kids! That's great son! The more the merrier!" nagtawanan sila habang ako konting konti na lang lulubog na sa kinauupuan ko.

"You've gotta both workhard to achieve your 5 or 6 kids, son!" sabi ni Tito Malcolm.

"Yes dad I know! We'll do our best!" sabi ni James.

"Nako, I'm sure ang cu-cute ng mga magiging apo natin!" sabi ni Tita kay Tito.

Habang nagkakasiyahan sila. Tinext ko si James.

To: James

WE NEED TO TALK, NOW!

Pagkasend ko. Nakita ko namang napansin nyang may nagtext and binasa nya.

"Mom, Dad, excuse us. We're just going to my room. If you don't mind?" sabi ni James.

Natawa naman si Tita pero nagsalita din.

"Okay son, Are you starting to make your 1 of 6? Kidding!" sabi ni Tita.

"How did you know mom?" sabi ni James tinignan ko naman sya.

"James!" sabi ko kaya dinala na nya ko sa room nya.

Pagkasara nya ng pinto. Umupo sya sa kamay tapos ako nagpamewang sa harap nya.

"Ano bang problema mo? Bakit kailangan mo pang sabihin yon sa parents mo! Pinapaasa mo lang sila James!"

"I have no choice! Nakita mo ba how happy my parents to finally meet you?!" sabi nya na medyo cold.

Oo nga, parang welcome na welcome ako dito. Halata mong super excited sila sa kasal. Napaka pure ng happiness nila.

"WALA KA NANAMANG CHOICE JAMES! LAGI NA LANG BA!" sabi ko tapos bigla syang tumingin sakin. Di ko alam bakit yan ang nasabi ko dala na rin siguro ng inis.

"I KNOW WE'RE JUST ACTING! BAKIT DI NA LANG IBA YUNG PINILI MONG MAGING FIANCE! KASI WALA KA RIN NAMANG CHOICE DIBA?!"

Naguilty naman ako sa sinabi nya. Kasi wala rin akong choice that time.

Masyado ng magulo since sinimulan namin to. Marami na kaming niloloko.
Marami ng umaasa sa wala.

Should we end this act? Should I tell my Lolo the truth?

"If you're planning to end this. No, we're going to finish this. We'll stick to the plan." sabi nya. Calm naman na sya.

"We should end this." sabi ko in a cold voice.

He pulled me closer and hugged me, really tight.

Gusto ko na ba talagang matapos to?

■■■

Sorry for any typos.

xoxo

ig|baeryxx

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...