SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

134K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER FIVE

4.9K 94 0
By AgaOdilag

Two years later...

NASA isang sulok ng bulwagan si Prince, hawak sa isang kamay ang goblet na may lamang alak. Iyon ang unang pagkakataong nakatikim siya ng alak dahil iyon ang pagkakataong pinahintulutan siya ni Zachary na uminom dahil may okasyon.

It was Zach's sixtieth birthday.

Sinundan ng tingin ni Prince si Kaila Williams na lumakad patungo sa piyanista. Ang imbay ng balakang ay sumasabay sa banayad na tugtugin. Ang itim nitong buhok ay kumikislap mula sa liwanag na nagmumula sa hindi mabilang na ilaw na nakabitin sa chandeliers.

Isang hapit at itim na gown ang suot ni Kaila
Contrast iyon sa pulang high heels nito. Gusto niyang isipin na sa ilalim ng itim at hapit na gown ni Kaila ay wala itong suot kahit na anong panloob. Wala siyang nasisilip kahit bahagyang bakat man lang ng underthings sa gown nito,

Nararamdaman ni Prince ang paninikip ng pantalon niya sa daloy na iyon ng kaisipan. Dalawampung taong mahigit ang katandaan ni Zach sa asawa, who was only thirty-six. And Kaila Williams was definitely a lady.
Kaibang-kaiba sa mga babaeng nakatagpo na niya sa buong buhay niya. She was poised and stunning.

Yumuko si Mrs. Williams at may ibinulong sa
piyanista. Mula sa kinaroroonan ni Prince ay kitang-kita niya ang cleavage nito na tila nanunukso. He swallowed at mulî'y sinundan ng tingin ang paglakad nito pabalik sa kinatatayuan ng asawa. Matamis na nginingitian ang lahat.

Nakikita at nababasa ni Prince ang mga mukha ng mga naroroong lalaki sa bulwagan. Kaila was sensual and smart and they would give anything for one night in her bed.

Pumailanlang mula sa piano ang paboritong tugtugin ni Zach, ang Till There Was You. Nakatawang hinila ni Kaila sa gitna ng bulwagan ang asawa na nagpahinuhod. Nakatawa.

Hindi matiyak ni Pince kung imahinasyon lamang niya na mapunang sa kabila ng pagtawa ni Zach ay naroon ang strain sa mga mata nito. Sa kabila ng halakhak ay naroon ang tila kapaguran sa mga mata ni Major Willams. Kaninang umaga pa niya napuna iyon
ngmagsimulang gumayak para sa gabi ng Kaarawan nito.

Sa gitna ng bulwagan ay nakikita ni Prince ang mapanuksong pagkakadikit ng dibdib ni Kaila sa dibdib ni Zach; her thighs pressed intimately to his; ang kunwa pagbulong nito sa asawa. But Prince saw her tongue touched a sensitive part near the back of Zach's ear.

He saw Zach laughed pleasantly at his wife's teasing. At nang ikot ni Zach ang asawa'y naririnig niya kinatatayuan ang malutong at mapanukso ring halakhak ni Kaila.

Nang matapos ang tugtugin ay yumuko nang husto si Zach upang mapaliyad naman si Kaila at kailangan nitong kumapit nang husto sa mga balikat at braso ng asawa.

Her black eyes staring up into Zach's, ang buhok nito'y halos sumayad sa sahig, at ang dibdib nito'y tumaas-bumaba sa paghingal, threatened to spill out the deep cleavage of her gown.

At sa mismong mga mata ng mga piling bisita
yumuko si Zach at dinampian ng halik ang pagitan ng dibdib ni Kaila na tila ba hindi ito makapagpigil. At pagkatapos ay hinila na nito patayo si Kaila. Kasabay ng tawanan ay ang matunog na palakpakan mula sa mga bisita.

Napahugot ng hininga si Prince at dinala sa bibig ang alak and took it all in a swallow. Pagkatapos ay inihagis sa bunton ng halaman ang walang lamang kopita. Nag-iinit ang katawan niya. Nagsisikip ang a passage niya. Kailangan niyang sumagap ng sariwang hangin.
Sa labas ay niluwagan niya ang necktie at pinuno ng hangin ang dibdib. Naglakad-lakad sa labas ng hardin.

Hinayon ng mga mata niya ang labas ng premises ng mansion ng mga Williams. Naglalakihan at nagtatayugan ang mga punong nakatanim sa tabi ng kalsada na nakikipagpaligsahan sa laki ng mga bahay sa loob ng eksklusibong subdivision.

Dalawang taon na ang nakalipas magmula nang dalhin siya ni Zach sa lugar na iyon. Habang nagbibiyahe sila ni Zach ay buo na sa isip niyang hindi siya magtatagal sa poder nito. Gusto lang niyang pagbigyan ang matandang lalaki sa magalang nitong imbitasyon.

But he was wrong. Sa bungad pa lang ng subdivision ay na-impress na siya. Dalawang security guard ang sumaludo sa major. At buong buhay niya'y nasanay siya sa maruming kapaligiran ng estero, ng mga batang marurungis na nagkalat sa paligid; ng mga sanggano at mga walang magawang mga tao na umaga pa lang ay nag-iinuman na; ng mga babaeng sa halip na asikasuhin ang bahay ay nasa pasugalan kipkip ang anak sa tagiliran...

At lahat ng mga iyon ay kinasuklaman niya nang
lihim. At bagaman hindi niya binibigyang puwang, sa kaibuturan ng kanyang puso't isip ay naroon ang pangarap na alisin silang mag-ina sa lugar na iyon.

Kaya naman labis niyang ikinamangha ang lawak ng subdibisyong pinagdalhan sa kanya ni Zach; ganoon din ang kalinisan ng buong paligid na pinag-isipan niya. Kung may mga nakatira sa bawat malalaking bahay na dinadaanan nila.

At nang ipakilala siya ni Zach sa asawang si Kaila, hindi maitago ni Prince ang pagkagulat.
Hindi niya inaasahang batambata ang asawa ni Major Williams. Young and lovely. At kung hindi ipinakilala ni Zach si Kaila sa kanya na asawa'y iisipin niyang anak ito. At thirty four, Kaila Williams was probably the sexiest woman Prince had ever met.

Hindi lamang maganda at sexy si Kaila. Mabait din ito at tinanggap siya kaagad na tila ba kapamilya siyang nagmula sa malayong bakasyon.

Sa maraming pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang labis na paghanga sa babae. Hindi miminsang nahuhuli ni Kaila na nakatitig siya rito. And she would give him a warm smile that would melt his knees.

Kinasusuklaman niya ang sarili sa pagkakaroon niya ng matinding crush sa batambatang asawa ni Zach. Malaki ang utang-na-loob niya kay Zach at itinuturing niyang pagtataksil dito ang magkaroon ng ganoong damdamin kay Kaila.

Upang huwag palawakin ang hindi kinakailangang damdamin ay iminungkahi niya kay Zach na gusto niyang magtrabaho makalipas ang tatlong buwan sa mansion.

"I like people who are self-reliant, Prince. Subalit hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ang maaari kong pagrekomendahan sa iyo,"wika nito. "You're just over seventeen at ni hindi pa nakakatapos ng high school. Bakit hindi na lang natin asikasuhin ang muli mong pagpasok sa paaralan? Marahil naman ay hindi ka pabdrop sa listahan sa dati mong pinapasukan?"

"Lalo akong hindi makapag-aaral kung hindi ako
magtatrabaho, Zach," aniya, tumiim ang mga bagang. "Sa pinanggalingan ko ay boy ako sa gasolinahan. Kahit paano'y kumikita ako.. kahit paano'y matutustusan niyon ang pag-aaral ko."

"Kahit paano..." Inulit ni Zach ang sinabi niya. Ang kamay nito 'y hinimas-himas ang halos puti nang lahat na balbas. Matagal na namagitan ang katahimikan bago muling nagsalita si Zach. "All right, madali kitang mairerekomenda sa ilang homeowners bilang hardinero o boy. But I don't think you'll like the job."

May ilang sandaling masusing tinitigan nito si Prince. Pagkuwa'y nagpatuloy sa pagsasalita.

"Nasabi ko na sa iyong may nabili akong lupa sa
probinsiya, di ba?" Nang hindi agad siya sumagot ay nagpatuloy si Zach. "Gusto mo bang doon magtrabaho? At the same time you can continue your studies there. May mataas na paaralan sa kabisera ng Sta. Esperanza. wala kang oras sa trabaho, Prince. At naroon si Elmo,
ang matandang katiwala ko roon. Ikagagalak niyang may makakasama sa rancho at natitiyak kong maraming bagay ng maituturo sa iyo si Elmo."

Sinatinig niya ang tanong na maraming beses
umuukilkil sa kanyang isip. "Bakit mo ginagawa to, Zach?"

Zach shrugged his shoulders. "Nothing comes free in this world, hijo. At ikaw rin ang uri ng taong hindi tumatanggap ng libre... you hate free ride." Ngumiti to, kumislap ang mga mata. "And I like that attitude. Bayaran mo ako pagdating ng araw, Sa anumang paraang kaya mo..." Nang akmang sasagot si Prince ay
itinaas ni Zach ang kamay at inawat siya. Nagpatuloy ito. "Life is a gamble, Prince. Attulad ng nasabi ko na Sa iyo.. gusto kong susugal ka."

"Paano kung matalo ka?" Naghahamon ang tinig
niya.

Zach smiled at the insolence in his voice. "Kung
hindi ako susugal sa iyo, matatalo rin ako.

"Hindi kitamaintindihan!"

"Gusto mo bang dalhin kita sa Sta. Esperanza?" pag-iba nito sa usapan. "It's a small farm, actually. Nabili ko iyon dalawang taon na ang nakalipas. Nangarap akong doon namin palilipasin ni Kaila ang aming katandaan..."

Sa isang sandali'y nasilip niya ang pakikiraan ng matinding lungkot sa mga mata ni Zach; na agad ding naglaho na inisip niyang namalikmata lang siya at hindi naman niya talaga napuna iyon.

"Subalit hindi ko mapagtuunan ng pansin ang farm bagaman iyon ang gusto kong gawin," nagpatuloy ito. Walang disenteng bahay ang farm. Ang naroon ay ang dating lumang bahay ng dating may-ari na pagupok na. Pero hindi ko magawang pagkagastahan iyon." Nagkibilt
ito ng mga balikat. "May iba akong pinaggagamitan ng aking salapi, Prince"

Kung saan mang bahagi ng mundo ang Sta.
Esperanza ayhindi na mahalaga kay Prince. Gusto niyang magtrabaho at mag-aral. Sumang-ayon siya at mataposnasikasuhin ni Zach ang mga records niya sa dating paaralan sa Tondo ay inasikaso rin nito ang paglipat niya
sa Sta. Esperanza.

Hindi kailanman inisip ni Prince na magugustuhanbniya ang paninirahan sa probinsiyana labindalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. At lalong hindi niya mapaniwalaang gusto niya ang trabahong pang-agrikultura. He thoroughly enjoyed working with the farm bagaman mahirap ang trabaho dahil wala namangnibang tauhan kundi si Elmo at isang pamangkin nito.

Bukod doon ay hindi siya obligadong magtrabaho sa farm kaya naman nasa kanyang lahat ang pagkakataon upang makapag-aral na mabuti.

Nang magtapos siya ng high school, dumating si Zach upang daluhan iyon. Zach was so proud of him when he pinned him his medal as one of the honor students. Hindi man niya isinatinig, labis ang kaligayahang nadama niya nang araw na iyon.

Atnang dumating ang pasabi sa kanya na kailangan niyang lumuwas sa Maynila upang daluhan ang pagdaraos ni Zach ng ikaanimnapung kaarawan nito ay nag-atubili siya. Natitiyak niyang de-klase ang mga bisita
nito. But he had second thoughts. Gusto niyang dalawin ang pinaglibingan kay Rebecca.

"Hi"

Ang tinig mula sa likod niya ang pumukaw sSa
iisip ni Prince. Lumingon siya. Spoiled brat Delaney Williams, ten years old. And she started showing signs that she would soon be a great beauty. Just like her mother.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" naiirita niyang tanong sa bata.

Sa dalawang buwang pananatili niya sa bahaya
mga Williams bago siya napunta sa Sta. Esperanza ay napipikon siya sa batang babae sa ipinakikita nitong adorasyon sa kanya. Kung saan siya naroroon ay asahan mong naroroon din ito.

"And what are you doing here also?" ganting-tanong ni Delaney. "At bakit itinapon mo ito sa mga halaman?"

Naniningkit ang mga matang natuon ang paningin ni Prince sa goblet na itinapon niya kanina.

"Bakit ba hindi ako nagtatakang kanina mno
sinusubaybayan ang mga kilos ko?" sarkastikong sabi niya.

"Of course, I've been watching you as you watch
Mommy's every move."

He turned pale. Mabilis na niyuko ang bata.
Hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Ano ang sinasabi mo?"

Delaney winced. "Your fingers hurt!"

Mabilis niyang binitiwan ang bata. "Anak ng p-!"

You're swearing, Prince!" saway nito pero hindi itinago ang kaaliwan sa mga mata.

Napabuntong-hininga si Prince. "I'm sorry,
Delaney," he said gently. "Napadiin ang hawak ko. Hindi ko sinasadyang masaktan kita. Bakit mo ako sinundan dito sa labas? Baka hinahanap ka na ng mommy at daddy mo."

"That's precisely why I'm here. Dahil hinahanap
ako ni Mommy." With a wicked giggle, umikot ito sa likod niya at nagtago roon.

Naiiritang nilingon niya ang bata. "Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo, Delaney!"

"Sshh. Mommy's coming!" she hissed.

"Great." Umikot ang mga mata ni Prince at umiling. Just what he needed.

"Delaney?" Mula sa pinanggalingan nila, Kaila's
husky voice drifted over the slow strains of a soft music.

Lihim nanagmura si Prince. The brat behind him
tried to smother a giggle.

"Hey, Prince," ani Kaila na bahagya pang nagulat
nang makita siyang nakatayo sa gitna ngmga halamanan.

"Have you seen-Oh, there you are. It's time for bed, Sweetheart."

"Mom," reklamo ni Delaney nang lumapit ang ina. I'm not a kid anymore-"

"At hindi pa rin dalaga," putol ni Kaila sa sasabihin ng anak.

"Pero pinayagan ako ni Daddy na magpuyat!" She stomped her foot.

"Hanggang alas-dies lamang ng gabi. It's nearly
eleven, Delaney. At hinahanap ka na ng daddy mo-"

"Oh, come on, Mommy, don't be such a pill."
Umikot ang mga mata ni Kaila sa sagot ng anak

"Bakit hindi mo sundin ang gusto ng mommy mo
Delaney," susog ni Prince. Ang mga mata'y sandaling nagdaan kay Kaila. Ang pabango nito'y nasasamyo niva sa ere at ang hubad nitong likod ay tila lalo lamang nagpadagdag sa nag-iinit na niyang pakiramdam.

The unbridled sexual desire that he felt was hot and thundering. It could eat him up and cause his brain to shrivel. Muli'y kinasusuklaman niya ang sarili sa ganoong damdamin. Ang tanging konsolasyon ay hindi alam ni Kaila na ganoon ang nararamdaman niya.

"Tama si Prince, hija."Mula sa kung saan ay lumitaw si Nana Mameng. Na sa pagkakaalam ni Prince ay kasa-kasama na ni Kaila dalaga pa itó. Isang biyuda malayong kamag-anak nito. "Tayo nang pumanhik sa itaas at malalim na ang gabi," dugtong nito.

"Nana, I don't want to go to bed yet!" giit ni Delaney.

"Sige na, Nana, iakyat na ninyo iyang'alaga niyo." utos ni Kaila.

"Mom, I'm ten-"

"In two months' time."

"Okay! And you're treating me as if I am two years old!"

"If you were, kanina ka pa tulog sa 'taas," ani Kailana bagaman tila nauubusan na ng pasensiya ay mahinahon pa ring nagsasalita. Binalingan nito si Prince.

"Ano ang ginagawa mo rito sa labas, Prince? Maraming mga dalagitang bisita ang naghihintay na maisayaw mo."

"Prince will dance with me!" Delaney insisted.
"Won't you, Prince?"

Napatikhim si Prince. Hindi malaman ang isasagot.

That made Kaila smile. Sinulyapan ang anak at muling inilipat sa kanya ang nakatawang mga mata. "At kahit pala ang unica hija ko'y hindi nakaligtas sa charm mo, ha, Prince?" Isang banayad na tawa ang pinakawalan ni Kaila bago hinarap ang anak. "All right, sweetheart. I'll allow you one dance with Prince. That is, kung gusto ni Prince na sumayaw." Muli nitong-ibinaling ang tingin sa kanya.

"Hindi... ako marunong magsayaw..." Drat the girl!

"I know how!" excited na sabi ni Delaney. "Besides, it's easy. Just let your body sway with the music."

"I'm sorry, Delaney. Pero hindi ako marunong
sumayaw. Mapapahiya lang tayong pareho,"
determinadong tanggi ni Prince, and hated himself when he saw the hurt in Delaney's eyes.

Gusto niyang magbago ng isip at sabihing isasayaw na niya ito. Subalit agad na humalili ang galit sa mga mata nito.

"I hate you, Prince!" At mabilis itong tumakbo
papasok sa kabahayan kasunod si Nana Mameng.

"Kaila... I'm sorry..." Hindi niya alam ang sasabihin. Nakasunod ang tingin niya kay Delaney.

"Huwag mong intindihin ang anak ko, Prince.
Masyadong pinalayaw ni Zach ang batang iyon. Walang gustong hindi nakukuha." She chuckled. "Sa iyo pa lang hindi umubra ang kalokohan ng anak ko. And knowing my daughter, you're a challenge. Anyway, hindi ka pa ba papasok sa loob? Hindi mo marahil gustong makasayaw ang isang dies años pero maraming mga kabataang babae ang naghihintay sa loob na maisayaw mo."

Nagkibit ng mga balikat si Prince. He hoped that Kaila would hurry to the band leader at iutos sa mga musicians na patugtugin na ang "Happy Birthday To You." Subalit nanatiling nakatayo sa harap niya si Kaila, nakatingala sa kanya.

"Mamaya na ako papasok, Kaila. At totoong hindi ako marunong sumayaw."

Kaila eyed him for a few seconds. "Do you want to dance with me?" she asked softly. "I could teach you a few steps..."

Nanlaki ang mga mata ni Prince, nabigla sa alok. Subalit mabilis ding sumagot. "Hell, no! Ibig kong sabihin, hindi sa... iniinsulto kita pero..." Nagkakandautal siya.

Kaila smiled knowingly, "I know what you mean, Prince. Pero gusto ko pa ring makipagsayaw sa iyo... Kung gusto mo." Idinagdag nito ang huling sinabi.

Mabilis siyang umiling. "Thank you, Kaila. Pero sige na, baka hinahanap ka na ni Zach."

Hindi matiyak ni Prince, but what he saw in her
eyes confused him. There was a mixture of sadness and relief. She sighed at tumalikod na pabalik sa party.

Muling pinuno ni Prince ng hangin ang dibdib. Si Candida ang una at huli niyang nakatalik. Sexual desire didn't bother him. Kaya niyang kontrolin ang sarili. Provided he didn't have to spend a time alone with Kaila, something he tried to avoid mula nang dumating siya galing sa farm may isang linggo na ang nakalipas.

Humakbang siya upang bumalik sa party nang sa daraanan niya'y naroon si Trisha, anak ng isa sa mga bisita at ang bahay ay nasa kabilang block lang. Nang una siyang dumating sa bahay ng mga Williams ay ito mismo ang nag-initiate na makilala siya. At sa loob ng dalawang buwang pananatili niya sa mga Williams ay hindi miminsang direktahang ipinahiwatig ni Trisha ang interes sa kanya.

She was pretty, sa kabila ng braces. Voluptuous in her teens. At kanina pa naghahanap ng pagkakataong makausap siya nang sarilinan.

"Hello, handsome," bati ng dalagita. "Ang tagal mong nawala."

"Hi, Trisha."

"I hate this party," wika nito. Ikinawit ang braso sa kanya. Her perfume assaulted his senses. Expensive and sweet. "At natitiyak kong ganoon ka rin. Let's get out of here, Prince. My parents won't be coming home
until this party's over.

Ang pag-aatubili ni Prince ay natunaw nang
tumingkayad si Trisha at hinipan ang gilid ng mukha niya malapit sa tainga kasabay ng pagdama ng daliri nito sa pilat niya roon.

"Don't worry, I keep rubbers in my room," she
whispered.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 471 18
Danieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kany...
7.1K 211 9
She had her glasses on-and nothing else. Ganoon ang hitsura ni Nikki sa mga panaginip ni Brandon Duque at kasalanan iyon ng isang gabing nagkamali it...
346K 21.7K 43
Desperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta?
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...