IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

887K 33.4K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 4

14.6K 570 142
By ImaginationNiAte

KABANATA 4:

Ilaria POV

          PUMASOK ako sa loob ng kusina at naabutan ko naman doon si Kuya Samael na tahimik lang na nagluluto ng aming tanghalian. Kumalam na rin ang tiyan ko sa gutom nang maamoy ko ang mabango niyang niluluto. Mabango palang na aroma nito ay mukhang masarap na.

Tahimik na rin dito sa loob ng Mansyon dahil umalis na sila Tita Maribel matapos akong kuhanan ng tamang sukat nung dalawang baklang designer para sa gagawin nilang gown ko na susuotin ko sa araw ng birthday ko.

Kami lang talaga ni Kuya Samael ang nakatira sa malaking bahay na ito. Wala na rin naman kaming mga katulong na kasama dito kahit isa dahil simula nang mag-disi otso ako ay nagsi-uwian na sa Pilipinas ang mga katulong namin na puro mga pinay dahil na rin sa mga may edad na sila habang ang iba naman ay nag-resign na.

Ang mga tauhan naman niya ay nasa labas lang ng Mansyon at nagbabantay. Kaya nga walang basta-basta na nakakapasok dito sa Mansyon dahil nagkalat ang mga tauhan ni Kuya na puro mga armado pa.

Hindi rin ako basta-basta nakakalabas dito dahil tiyak na makikita ako ng mga tauhan niya at paniguradong magsasabi agad ang mga tauhan niya sa kanya kung lumabas ba ako ng bahay o hindi. Kaya nga minsan nagpapaalam ako agad kay Kuya Samael kung lalabas man ako.

Ewan ko ba dito sa Kuya ko kung bakit hindi na lang siya ulit kumuha ng kasambahay. Siya tuloy itong palaging gumagawa ng house chores dito lalo na kapag wala siyang trabaho. Siya na nga ang tagaluto, siya pa ang tagalaba. That's why I learned from him to be independent and responsible woman.

I learned a lot from him.

"Mhm, ang bango niyan ah. Anong niluluto mo, Kuya?" masigla kong tanong kay Kuya Samael kaya agad siyang napalingon.

As usual, wala na naman siyang suot na damit pang-itaas. Tanging apron lang na itim ang suot-suot niya kaya malaya kong nakikita ang mga tattoo sa kanyang magandang katawan.

"Your favorite caldereta na may kasamang pagmamahal ng pogi mong Kuya," he said which made me giggle.

Sabagay, gwapo naman kasi talaga itong si Kuya. Kaya nga maraming babae ang nagkakagusto at nagkakandarapa sa kanya. Iyon nga lang, wala pa siyang nagiging girlfriend at sinabi naman niya sa akin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend. Dahil iyon sa hinihintay daw niya ang first love niya, yung babaeng kinukwento niya sa akin na bumihag daw sa puso niya.

I wonder kung sino ang babaeng yun. And I want to meet her and get to know her better. Sana naman ay mabait yung babaeng tinutukoy ni Kuya Samael sa akin. Syempre gusto ko naman na mapunta sa mabuting babae itong nakatatanda kong kapatid.

At kung sakali 'man na ma-meet ko ang babaeng yun ay sana maka-close ko agad at syempre ay makasundo ko rin. Nakakainis kasi kung magkaka-girlfriend si Kuya tapos isa palang bitch. Aba, ayoko naman magkaroon ng ga'non na sister in-law! Mas prefer ko pa rin yung may mabuting puso, simple at masipag.

Nilapitan ko naman agad si Kuya Samael para tignan ang kanyang niluluto kaya mas lalo kong nalalanghap ang mabango nitong amoy. Ang paborito ko ngang caldereta ang niluluto niya kaya mas natakam ako at nagwala ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa gutom.

"Ang bango, nagugutom na tuloy ako.." turan ko sabay himas sa aking tiyan kaya napangiti siya at bahagyang ginulo ang aking buhok.

"Don't worry, matatapos na itong niluluto ko." aniya kaya nakangiti lang akong tumango-tango sa kanya.

Talagang almost perfect na itong si Kuya Samael. Pogi na nga, mayaman at marunong pa sa gawaing bahay. Masasabi ko na maswerte talaga ang babaeng makakatuluyan niya. Aba! Kahit na isa siyang Mafia Boss ay tagaluto at taga-laba ko lang siya dito sa bahay. Tumutulong rin naman ako sa gawaing bahay pero halos si Kuya Samael talaga ang gumagawa ng mga house chores.

Because Kuya Samael always treats me like a fragile glass. Tinuturing niya ako na parang isang prinsesa na dapat ingatan, mahalin, protektahan at alagaan.

Sinubukan ko namang maupo sa kitchen countertops dahil madalas talagang dito ako nauupo kapag hinihintay ko si Kuya Samael na matapos na magluto pero dahil may kataasan ito ay hindi ito maabot ng aking pang-upo. Mukhang napansin ni Kuya na hindi ko iyon maabot kaya tinawanan niya ako ng mahina.

"Para ka pa ring bata.." anas niya kaya nairolyo ko paikot ang dalawa kong mata.

"Duh! Ang taas kaya nitong kitchen countertops Kuya!" asik ko sa kanya kaya lalo lang niya akong tinawanan.

Medyo matangkad naman talaga ako, sa katunayan nga niyan ay nasa 5 feet 8 inches ang height ko pero sadyang may kataasan lang talaga itong kitchen countertops namin dito sa kusina kaya hindi ko ito magawang maabot. Ako lang itong nahihirapan sa ginagawa ko.

"Let me help you,"

Nilapitan naman ako agad ni Kuya Samael at mukhang hindi na siya nakatiis pang makita akong nahihirapan na makaakyat sa kitchen countertops dahil nga may kataasan ito at hindi ko talaga maabot.

Nginitian ko lang siya nang hawakan niya ang beywang ko at walang kahirap-hirap niya akong binuhat at pinaupo sa kitchen countertops. Ni hindi man lang siya nabigatan sa akin, palibhasa ay malakas talaga 'tong Kuya Samael ko.

"Thanks, Kuya." nakangiti kong pasasalamat.

Nginitian lang niya ako at humalik sa noo ko bago siya bumalik sa ginagawa niyang paghihiwa sa rekadong ihahalo niya sa niluluto niyang caldereta.

"Anyway, your School Dean called me a while ago. Tumawag siya para sabihin na may nahanap na silang magtu-tutor sayo." saad niya.

"Really? Sino naman daw yung magiging private tutor ko?" naku-curious kong tanong.

Ang bilis naman yatang makahanap ng pwedeng mag-tutor sa akin. Pero mas mabuti na rin iyon para hindi ako mahuli sa pag-aaral lalo na kapag dumating na ang exam.

"I don't know. But the Dean said that he's smart and he's also the new teacher at their school, so naisip nila na siya na lang ang ipadala dito para i-tutor ka. I'll just check his personal background after I meet him in person tomorrow morning and see if he'll pass as your private tutor." sagot niya na nagpakunot sa noo ko.

"He? Ibig sabihin, lalaki?"

Marahan siyang tumango sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Kilala ko kasi itong si Kuya Samael. Halos lahat ng mga tinatanggap niyang magtuturo sa akin ay puro mga babae lang. Hindi na siya tumatanggap ulit ng lalaking magtuturo sa akin dahil baka daw kung ano pa ang gawin nito sa akin.

Alam niya kasing nagka-phobia na ako mula nang unang beses na nag-hire siya ng lalaking private tutor para sa akin.

Minanyak kasi ako nung gagong lalaking yun habang nagtuturo siya! He even dared to lay his hand on my arms! Akala ko noon ay hanggang hawak lang siya sa balikat at braso ko kaya pinalagpas ko yun at pinagsawalang-bahala.

Nagpatay-malisya lang ako dahil ga'non talaga ang ginagawa niya kapag katabi ko siya habang tinuturuan niya ako. Ang lakas pa ng loob niya dahil wala si Kuya Samael kapag nagtu-tutor ang hayop na lalaking yun.

Pero hindi ko na nakayanan pa nang maulit yun dahil pati legs ko, beywang at ang aking pang-upo ay hinahawakan na rin niya at hinimas-himas. Nagawa ko pang magalit that time dahil mali na yung ginagawa niya pero ang lakas ng loob nung gagong yun dahil siya pa ang nagalit.

Sinabihan pa ako na gustong-gusto ko daw ang paghaplos niya sa katawan ko kahit hindi naman! My ghad! Ang tanda-tanda na nung hayop na yun pero malibog pa rin?!

Gurang at uugod-ugod na tapos sasabihan niya akong nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghaplos sa katawan ko samantalang gusto ko nang masuka sa kapangahasan niya?! Talagang sa loob pa ng pamamahay namin siya gumawa ng ga'nong bagay?!

Mas dumoble pa ang takot ko nang gumamit ng dahas ang bwisit na lalaking yun! Sinamantala niya na wala si Kuya Samael kaya pwersahan na niya akong minolestiya at gusto niyang gawan ako ng di-kaaya ayang bagay. Malaki ang pasasalamat ko na narinig ako ng mga tauhan ni Kuya na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya hindi nagtagumpay ang gagong yun sa masama niyang balak sa akin.

Hindi naman lingid sa kaalaman nung lalaking yun na isang Mafia Boss si Kuya Samael. Pero masyado niya yatang minamaliit ang kakayahan na pu-pwedeng gawin ng Kuya ko kaya gumawa siya ng hindi magandang bagay sa akin. Para bang mas pinili niyang humarap kay Satanas dahil sa ginawa niya sa akin. He didn't even know na may ugaling pagka-demonyo ang Kuya ko.

Kaya naman nakapag-sumbong ako agad kay Kuya Samael sa sobrang takot ko. Nanginginig pa ako sa sobrang takot. Akala ko ay masisira na ang kinabukasan ko. Akala ko ay mararanasan ko na rin ang kalupitan sa mundong ito. My ghad! Fifteen years old pa lang ako that time at naranasan ko ang ga'nong bagay?!

Sino ang hindi matatakot at magkaka-phobia kung hinihipuan ka na? Kahit sino namang babae ay hindi gugustuhin na hawakan sila ng tao sa katawan nila na walang pahintulot. Kahit sinong babae ay matatakot kapag binastos, hinipuan ka at gawan ng kahalayan.

Girls should be respected and loved.

"Teka, tatanggapin mo ba siya? I mean, lalaki yung magiging private tutor ko. Would you still hire him?" nagtataka kong katanungan sa kanya.

He sighed, "I have no other choice, amore mio."

"Saka siya lang talaga ang naisip ng Dean na ipadalang private tutor mo dito dahil wala nang available na babaeng Teacher sa kanila na pu-pwede mong maging tutor. Yung dati mo namang tutor ay manganganak na sa susunod na araw kaya hindi siya pwedeng magturo sayo," mahaba pa niyang sabi habang hinahalo-halo ang niluluto niya.

Napatango-tango na lamang ako.

Kaya pala lalaki ang ipapadalang tutor ko dito dahil wala na palang available na babaeng Teacher. Tapos manganganak na pala yung dati kong tutor? Mukhang wala na rin akong ibang choice. Sana naman ay mabait yung magiging tutor ko, hindi masungit at higit sa lahat ay hindi manyak!

Ayoko rin namang maulit yung nangyari dati. Halos patayin kasi ni Kuya Samael yung dati kong private tutor na lalaki na nag-harass sa akin. Todo deny pa ang hayop na yun at ako pa ang sinasabihan na gumagawa ng kwento!

Ni wala siyang alam na mayroong CCTV camera na nagkalat dito sa Mansyon kung saan nakuhanan rin ng footage yung ginawa niyang pangha-harass sa akin. Syempre pinaniwalaan naman ako ni Kuya Samael nung magsumbong ako sa kanya.

Kaya naman halos patayin na niya ang lalaking yun sa bugbog niya. Kahit na duguan na at hindi makatayo ay panay pa rin siya sa pangbubugbog sa lalaking yun. Halos kulang na nga lang ay hindi na makalabas ng buhay yung private tutor ko na yun dito sa bahay namin!

They even tried to kill him if I didn't stop my Kuya Samael. Syempre ayoko rin naman na madagdagan ang kasalanan ni Kuya at mabahidan na naman ng dugo ang mga kamay niya.

I know that he doesn't want to see women being physically abused, harassed and molested. He has a lot of respect for women even though he is a Mafia Boss. Ga'non rin si Kuya Palermo na kahit babaero ay ginagalang pa rin niya ang mga babae.

They are dangerous and ruthless, they can kill without blinking an eye, but they are very respectful and gentlemanly towards women. Kaya nga isa iyon sa hinahangaan ko dito kay Kuya Samael. He can kill, he does a lot of illegal things like selling drugs and guns, but he can't rape and take advantage of a woman's weakness. Sila pa nga itong tumutulong sa mga taong inosente at hindi kayang makamit ang hustisya.

"Don't worry, dadaan muna sa akin ang lalaking Teacher na yun kung papasa ba siya sa pagiging private tutor mo. Kailangan ko munang unahin ang kaligtasan mo, amore mio.." rinig kong salita ni Kuya kaya napatingin ako sa kanya.

"I don't want to repeat what happened to you before. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may gumawa na naman sayo ng kahalayan at bastusin ka na naman." turan pa ni Kuya Samael dahilan para matawa ako at mapailing-iling ng ulo.

Nahihimigan ko rin sa tono ng boses niya ang pagiging protective. Mas gusto ko pa rin yung ganitong ugali ni Kuya Samael, alam kong iniisip lang niya ang kaligtasan ko.

"Umaandar na naman 'yang pagiging overprotective mo!" anas ko na ikinatawa rin niya.

Mas lalo tuloy siyang naging pogi sa paningin ko dahil sa pagtawa niya. His laugh is also manly. Ang swerte ko dahil ako lang talaga ang nakakakita ng magandang ngiti ni Kuya Samael pati na rin ang pagtawa niya.

Because he always acts like a serious, mysterious and dangerous guy in front of people and sometimes he is even coldhearted to people he is not close to.

Many people are really scared of him because he has an intimate aura and everyone knows that he is a Mafia Boss that everyone should be afraid of. Alam nila na walang sinasanto ang aking Kuya Samael. Talaga naman kasing nakakatakot itong nakatatanda kong kapatid.

Everyone thinks that he is ruthless, cruel and heartless dahil iyon ang ipinapakita niya sa mga tao. He wants them to fear him. But he has a soft side. Mabait naman talaga si Kuya Samael at matulungin rin siya sa kapwa. Marami na nga siyang natulungan lalo na yung mga taong naaagrabyado.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na titigan si Kuya Samael habang ang kanyang atensyon ay nasa pagluluto. He has deep dark eyes and his skin tone is perfectly rich even though he has many tattoos on his masculine body. May matangos rin siyang ilong, makapal at halos perpektong kilay, perpektong jawline at higit sa lahat ay ang kanyang namumulang labi.

He is freaking hot and gorgeous!

Gwapo pa rin kahit saang anggulo at kahit pa na magulo ang kanyang itim na buhok. Kahit siguro pagsuotin siya ng basahan ay mananatili pa rin siyang gwapo. May malaki at maskulado rin siyang katawan.

May pagka-dambuhala pa naman itong si Kuya Samael kaya minsan ay hindi ko maiwasang manliit kapag nagtatabi kaming dalawa. Matangkad kasi siya at animo'y parang pinaglihi sa kapre. Kaya siguro isa iyon sa kinakatakutan ng mga tao sa kanya. Idagdag pa na may mga tattoo siya sa kanyang katawan.

As in sobrang dami 'non, from around his neck, to his massive chest, to his broad shoulder down to his big, masculine arms and even to his back. Minsan ko na ring nakita ang itaas na bahagi ng katawan ni Kuya Samael dahil minsan ay nakakasama ko siyang maligo sa dagat kapag nagbabakasyon kami sa mga beach.

Minsan naman ay binabalandara niya pa ang topless niyang katawan kapag nandito siya sa bahay. Kaya alam na alam ko kung saang bahagi ng kanyang katawan ang may tattoo. Tulad na lamang ngayon, wala siyang damit pang-itaas. Apron lang ang suot niya at naka-linen shorts.

Kaya naman malayang humahagod ang tingin ko sa mga tattoo niya. Sa itaas lang naman ng katawan niya ang merong mga tattoo. Sa bandang tiyan lang niya na may mga nagtitigasang abs ang wala at kahit na marami siyang tattoo sa kanyang katawan ay nananatili pa ring gwapo, seksi at hot si Kuya Samael.

That's why hindi rin siya nawawalan ng secret admirers. Mismong babae na nga ang gustong manligaw sa kanya. Babae pa ang nagfi-first move at nagbibigay ng bulaklak at tsokolate sa kanya.

Someone snapped a finger in front of me, kaya tila nabalik naman ako sa reyalidad. Doon ko naman napagtanto na nakatayo na pala si Kuya Samael sa harapan ko at nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"You okay, amore mio?" nag-aalala niyang tanong, "Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig. You stare into space, parang wala ka sa sarili mo.."

Mahina naman akong napatikhim at hindi ko pinansin ang biglaang pag-init ng buo kong mukha. Jusko! Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya.

Parang gusto ko na lang tuloy tumakbo palayo sa kanya o 'di kaya'y maglaho na parang bula sa harapan niya. Nakakahiya! Kung bakit ba kasi napatitig pa ako sa kanya! Baka kung ano pa ang isipin ni Kuya Samael.

"Ahm, nagugutom na kasi ako kaya siguro parang wala ako sa sarili ko.." pagdadahilan ko kay Kuya at mabilis na nag-iwas ng tingin.

He chuckled, "Sakto at tapos na itong niluluto ko kaya tulungan mo na lang akong maghanda para makakain ka na," aniya.

"Pwede bang doon na lang tayo kumain sa pool pavilion, Kuya?" nakangiti kong tanong bago ako excited na bumaba sa kitchen countertops.

Doon kasi talaga kami madalas tumatambay ni Kuya Samael at doon rin kami minsan kumakain ng breakfast. Nasa likod lang ito ng Mansyon. Bukod kasi sa mahangin doon kahit na sumapit man ang tanghali o hapon ay maganda at magaan rin ang ambiance doon. Hindi rin naman kasi maalinsangan ang panahon dito sa bansa.

Nakangiti namang tumango-tango si Kuya sa akin, "Yeah, sure. Why not?"

Napangiti ako ng malawak nang pumayag siya sa gusto ko. Agad ko rin namang tinulungan si Kuya na mag-prepare ng pagkain at dinala lang namin ito sa pool pavilion kung saan meron na rin doon na lamesa at mga upuan. Sabay rin naman kami agad na kumain ni Kuya Samael dahil gutom na gutom na talaga ako.

"Teka, ano palang pinag-usapan niyo nila Tito Avenido at Kuya Palermo kanina?" bigla kong naitanong nang maalala ko na may pinag-usapan sila kanina.

Hindi ko naman narinig kung ano iyon dahil agad akong ipinapasok ni Tito Avenido sa loob ng bahay. Wala rin naman masama kung magtanong ako dito kay Kuya Samael, and besides naku-curious lang naman ako.

"Just about business, hindi rin naman iyon masyadong importante." sagot niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"By the way, darating pala dito sa susunod na araw si Manang Aming. Alam ko naman na namimiss mo na siya kaya inimbitahan ko na rin siya na dumalo sa birthday mo," pag-change topic ni Kuya.

"Talaga, Kuya?!" masaya kong tanong.

Napaupo pa ako ng tuwid dahil sa aking narinig. Mahina namang natawa si Kuya a naging reaksyon ko bago siya tumango. Hindi ko rin mapigilan na matuwa sa nalaman ko. The heck! Talagang miss na miss ko na si Manang Aming! Siya kasi ang pinaka-matanda at matagal na naming naging katulong nila Kuya Samael.

"Hanggang kailan pala si Manang Aming dito, Kuya?" nakangiti kong tanong, "Buti naman at dadalo rin siya sa birthday ko. Nakakamiss na kasi si Manang eh!"

"I think mga one or two weeks siyang mag-istay dito sa Mansyon para kahit papaano ay makapag-bakasyon siya dito bago ulit siya bumalik sa Pilipinas. Isa siya sa mga matagal nating kasambahay kaya wala namang problema kung dito siya tutuloy, and besides namimiss na daw niya tayo." Ani Kuya na nakangiti.

Hindi ko rin tuloy napigilan na mapangiti ng malawak. Isa rin kasi si Manang Aming sa mga nag-alaga sa amin noong bata palang kami kaya pamilya na rin ang turing namin sa kanya. Hindi na talaga siya bago sa amin at siya rin ang higit na pinagkakatiwalaan namin ni Kuya Samael.

Isa siyang pinay na mayroong asawa't mga anak at naninilbihan na siya sa amin nung nabubuhay pa ang magulang namin. Isa din si Manang na hindi umalis sa tabi namin nang maaksidente sila Mommy at Daddy.

Subalit dulot na rin sa katandaan niya kaya nakapag-resign na siya bago pa man ako tumungtong sa edad na disi-otso. Si Manang Aming nga rin ang unang nag-resign sa mga kasambahay namin at naiintindihan naman namin siya ni Kuya Samael.

After niyang mag-resign ay umuwi na rin siya ng Pilipinas para makasama ang pamilya niya. Hindi ko tuloy mapigilan na ma-excite na makita ulit si Manang. Ang tagal na kasi mula nang huli namin siyang nakita. Namimiss ko na rin yung luto niya lalong-lalo na ang kanyang specialty na madalas niyang niluluto para sa amin ni Kuya.

#

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
680K 16.9K 31
WARNING: R🔞 Dahil sa malaking utang ng Pamilya niya napilitan siyang umalis sa trabaho niya bilang waitress, hindi sapat ang kita niya doon kaya na...
570K 23.3K 37
HELLION 3: CHASE LAURENT SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became...