Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

392K 11.8K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 22

7.1K 211 16
By waurdltsj

"Huy. Kumain ka na kasi, beh."

Kanina pa ako nangungulbit dito para lamang mapakain na ng dinner si Adira dahil 9pm na. Nakalagpas na siya sa usual time niya ng pagkain at mukhang ako ang malalagot.

Paano ba naman kasi! Si Miss Ferrucci ako pa inutusan na bantayan si Adira pag wala daw siya, na given naman kasi best friend ko naman 'to pero kasi, ang tigas ng ulo ni anteh!

Kanina pa siya nandito sa tapat ng kabaong ng parents niya habang nakatulala. Sobrang tamlay nito at napakalaki na ng eye bags dahil sa kulang sa tulog. Pinapagpahinga naman namin pero ayaw naman niya kaya wala din kaming choice kundi hayaan na lang siya.

Nandito rin kasi ako para tumulong doon sa pag entertain ng ibang bisita na nadating since kilala naman talaga sila Tito sa maraming industriya. Hindi talaga maiiwasan ang pagdami ng tao na nadating.

Kahit ako na bestfriend ni Adira ay natulong na din dito. Marami din kasing naitulong sa akin sila Tito at bilang pasasalamat na lang itong ginagawa ko para sa kanila. Bare minimum pa nga lang ito.

"I'm fine, Dione. You can leave me alone," matamlay na usal nito habang nilalaro ang cellphone. Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang balikat nito.

"You can talk to me, Adira," malumanay kong sambit kaya naman nagpalabas ito ng nanginginig na hininga habang nangingilid na ang luha kahit naka side view ito sa akin.

"It's just that... I'm feeling sad and clueless, you know?" Napa singhot ito nang sabihin iyon, "I mean, why does it have to be my parents? W-What did they do to end up like this? They are nothing but kind to other people and everyone knows and notices that but why does it have to be them? Just why?"

Kapwa naluha ako nang marinig ang mahabang litanya na iyon ni Adira. Wala naman akong magawa kundi kabigin ito at yakapin habang sinasabihan ito ng sa tingin ko ay magpapagaan ng loob niya.

This is the first time that I heard Adira talk like this and it's nothing but painful. I'm not used to it.

"I'm so hurt.. so hurt." Pagtangis nito kaya binaling ko ang tingin sa ibang direksyon ang aking tingin, na kasabay din naman ng pagkakita ko sa pigura ni Sidra na nakatingin na din sa pwesto namin ngayon.

Her eyes are also bloodshot while wearing a black polo long sleeves and slacks. Binigyan niya ako ng matamlay na ngiti kaya naman ngumiti na lang din ako sa kaniya ng maliit para pagaanin ang loob niya kahit kaunti.

Importante din naman kay Sidra kung gaano ka-importante kay Adira ang magulang nito. Just like me, marami din naitulong ang mga iyon kay Sidra lalo na at pamilya niya rin naman iyon. She hurt just like all of them and I want to be there for her.

Pero kasi hindi ako pinagbibigyan ng pagkakataon dahil simula ng magsimula ang funeral nila Tito ay naging busy na din ito. Laging pinapatawag ng tatay at puro text, tawag at minsan 'yung mga ganitong pagkakataon na nandito ako at nandito din siya burol ng magulang ni Adira.

I miss her, no doubt but ayoko din naman siyang ma-distract by asking for her time dahil alam ko na mas importante pa ang mga ginagawa niya kaysa sa akin.

I was busy talking to some of Adira's cousins when my phone vibrated in my pocket. In-excuse ko muna ang sarili bago buksan ang cellphone para tingnan kung sino ang nag text.

Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Sidra doon.

Sidra Exie Tuazon
Meet me at the third floor balcony at Adira's room. Now, love.

Agad kong nilagay ang cellphone sa bulsa at pigil ang ngiti na nagpaalam sa kanina na kausap bago nagsimula na umakyat papunta sa kwarto ni Adira.

I know their house very well dahil ilang beses na rin naman ako nakapunta dito. Kulang na nga lang ay dito na ako tumira noon dahil lagi akong napunta dito para makipag laro kay Adira noon.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Adira at bumungad sa akin ang madilim na kwarto nito at tanging ilaw lamang sa balcony ang maliwanag that indicates Sidra is there already.

Mabilis akong nagtungo doon at nakita ko naman agad ang likod nito habang may hawak na baso ng wine at nakatingin sa harap lamang. Mukhang naramdaman naman siguro nito ang aking mga tingin kaya lumingon ito at agad na naglabas ng matamlay na ngiti.

She asked me to come by nodding her head, na agad ko na din naman ginawa. Nang mabuksan ang nakaharang sa amin ay agad ko itong dinamba ng yakap matapos na ilapag nito ang hawak na baso sa lamesa na katabi.

"Looks like you miss me, huh?" Napapikit ako ng marinig ang malamig ngunit malambot na boses nito at ang paghagod nito sa aking buhok.

"You don't know how much."

I mumbled that while burying my face in her chest. I started to inhale her scent sa sobrang pagka-miss ko dito. Hindi ko na rin naman namalayan na nangingilid na rin ang luha ko habang mahigpit ang hawak sa laylayan ng damit nito kung hindi pa ako nito kinalas sa yakap.

She smiled at me when she saw my eyes welling in tears, "I miss you, love. So much," sabi nito habang hinahaplos ang aking pisngi.

I pouted para pigilan ang hikbi na lumabas.

God, it was only three days at ganito na ako mag react! Paano pa kaya pag 1 week siyang nawala? God, I was not this clingy over someone! Ngayon lang! What did she do to me?

"So adorable," bulong nito at muli akong niyakap, na agad ko din naman ginantihan.

"Where were you?" I ask in a muffled voice.

I heard her sigh, "Doing business with my Dad. He asked me to do this and that na naman that's why I am here to recharge myself." She smiled at me bago saglit na hinalikan ang aking labi. I scrunch my nose because of that.

Ayan na naman ang rambulan sa tiyan ko, hindi na naman mapakali.

Maya maya ay naramdaman ko ang paghawak nito sa aking braso bago bumaba sa aking bewang. She looked at my face na para bang may sinusuri kaya naman napakunot ang aking noo.

"What?"

"Are you eating on time? Or are you even eating?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito pero tumango lang ako, hindi nawawala ang pagkunot ng noo.

"Yes, I am. Why?" Tanong ko pero napa iling lang siya at pinilig ang ulo.

"It looks like you lost weight," saad nito bago ako tingnan sa mata, "Why?"

"What do you mean why?" Nag iinarte kong tanong din sa kaniya as she squinted her eyes on me.

Well, I tried to lose weight. That's just because I remember what her high school friend said when we had lunch with them! They said Sidra likes someone who have those curves like Samantha. Someone who have a mature face, not like someone who has high school student face na cute lang ang ambag.

Iyon lang naman dahilan ko.

"Dione," she warned me kaya napabuntong hininga ako.

"Fine. I tried to lose weight," mahina kong usal na mukha naman narinig niya.

She immediately react kasi with what I said by asking, "What?!"

She did not ask, honestly. She did exclaimed. Gosh, that's why I don't want to tell her this.

OA ha.

Mukhang na realize naman nito ang ginawa kaya napa hinga siya ng malalim at tiningnan ako ng mataman.

"Okay. I'm not against of you losing weight; it's your body so it's your choice but can you tell me the reason? Because, I remember you telling me that you don't care if you gain or lose weight. So, what change your mind?"

Ayan na nga. Nagtanong na siya kung bakit at hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. Magsisinungaling ba ako or---

"Don't even try to lie, my love," she said habang nanliliit na ang mata.

Napabuntong hininga na lang ako at napatango. Well, malalaman niya rin naman ang dahilan.

"I remember what Andrei said last time," panimula ko na nagpakunot sa noo nito, tila may inaalala.

"Andrei? What about him---" natigilan ito ng may napagtanto bago mapapikit sa inis. She gritted her teeth at nagsisimula na naman magdilim ang paningin dahil sa aking sinabi.

"Dione---"

"I know, I shouldn't be affected but I can't help it! It concerns you! That's your ideal type and---"

"But that doesn't mean I love you less, mahal."

Natigilan ako sa biglang sinabi nito. Her eyes turn soft when nang mapagtanto ang aking naging reaksyon bago mapapikit na tila pinapakalma ang sarili.

"Love," masuyong tawag nito at tiningnan ako sa mata habang hawak ang isa kong kamay, "I love the way you are, hmm? You don't have to change yourself just to meet those stupid standards of mine because you're the only one in here," pagturo nito sa kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso. Nilagay nito ang aking kamay doon para pakiramdaman ang mabilis na pagtibok nito doon.

"You're my standard, my everything, the only one in here. Always keep that in mind," before she kiss my forehead in a soft manner.











Nakabusangot ang mukha na nakatingin ako kay Sidra habang nakain ng dinner ko ngayon. It was supposed to be a light meal pero bilang pala desisyon na tao, dinamihan niya 'yung kanin habang napakaraming choices ng ulam ang nakaharap sa akin ngayon.

Nandito kami ngayon sa dining table nila Adira kung saan malapit lang kami kung nasaan sila Tito nakaratay. Wala na masyadong tao ngayon dahil umalis na ang ibang bisita. Kumbaga kami kami na lamang ang nandito dagdag pa na nandito rin sila Kale, na ikinagulat ko kanina.

Nagtaka pa nga ako kasi mukha siyang tao nung makita ko pero 'di ko na ulit ito pinansin. Hinihintay ko lang na magsabi siya sa akin kung ano ang nangyari sa kaniya these past few months. Halos wala talaga siyang paramdam at parang walang kaibigan na nag aalala sa kaniya.

"Kakainin mo talaga 'to lahat pag hindi ko naubos," asar kong banta pero nginitian lang ako ng inosente ni Sidra habang naglalagay na naman ng pagkain sa kutsara. Sinusubuan kasi ako nito ngayon.

"Seriously, I have to follow my diet plan!"

"What diet plan? You don't have a diet plan. Eat all of this. You need to gain weight, gosh." Medyo inis na sambit nito habang nakangiti ng inosente sa akin.

"You said my body, my rules!" Inis ko ng bulalas habang nanguya ng pagkain na sinubo nito sa akin.

Nginitian lang ako nito at naghanda ulit ng pagkain sa kutsara. Napairap na lang ako at tumingin kay Adira na ngayon ay papunta na sa aming pwesto kasama si Miss Ferrucci, na ngayon ay may malamig na naman na ekspresyon sa mukha.

Naupo ng masaya sa tabi kong upuan si Adira bago mapabaling ng tingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Hindi ka pa tapos kumain?" Tanong nito habang panaka naka ang tingin sa akin at sa pagkain na nasa harap ko.

Napairap naman ako, "E kainis naman kasi 'yong pinsan mo! Lagyan ba naman ng lagyan ng kanin plato ko!" Inis kong saad at tumingin ng masama sa kaharap. Nginitian lang naman ako nito ng inosente at nagpatuloy sa ginagawa. Sinamaan ko siya lalo ng tingin.

Maya maya ay nakita ko si Miss na naupo sa tabi ni Adira ng may malumanay na ekspresyon sa mukha, "Hey, it's late. Aren't you going to sleep?" tanong nito.

Umiling si Adira at napapatingin na naman sa akin dahil magpapatulong na naman siya sa akin na magpuyat ngayong gabi. Tigas talaga ng ulo.

"Adi. Come on, you need to sleep," dagdag na saad ni Miss kaya wala naman tumayo na ito sa kinauupuan bago ngumuso sa aking banda para manghingi ng tulong. Napailing ako at napairap sa isipan bago naisipan na tulungan na ang kaibigan.

"E Miss---"

"No, Dione. You know that Adira has low blood yet you're tolerating it," may bahid na inis na saad ng aking katabi kaya kapwa napanguso kaming dalawa. Ngumiti na lang sa akin si Adi bilang pasasalamat bago mapagpasyahan na umakyat na sa kwarto.

Bumaling ako kay Sidra at hinampas ito sa braso.

"Ouch! What was that for?" Daing nito at nakakunot na ang noo nitong nakatingin sa akin.

"Hindi mo man lang pinayagan na mag puyat 'yung tao ngayong gabi lang!" Naiinis kong sambit kaya naman hindi makapaniwalang napatingin ito sa akin.

"Hey, I can't handle another person in our clan to be in that hospital bed ever again just because of that," malumanay na tiningnan ako nito habang sinasabi iyon habang napa buntong hininga na lang ako.

"One night will not kill her, Sidra," ganti kong saad, "Besides, it's her parents funeral. Let her."

"Are we really going to fight over this?"

Umiling ako at nagpatuloy na sa pagkain, "No."

Lumipas ang mga ilan pang oras ay naisipan ko na din umuwi. 2am na ako nakauwi since wala na din kaming pasok bukas at sabado tapos natapos na rin ang aming midterms.

Kanina pa nga ako pinapauwi ni Sidra dahil masyado na daw gabi at baka mapuyat ako pero pinagpilitan ko pa rin na manatili doon dahil wala naman siyang magagawa.

Kasalukuyan na nasa motor na kami nito ngayon papunta sa aming condominium. Suot suot ko ang black na bomber jacket nito habang nakayakap sa bewang nito. Sobrang lamig pala talaga pag na byahe ng gabi tapos 2am pa.

Maya maya lang din ay nakarating na kami sa condominium building. Dumiretso ito sa parking lot para doon i-park ang motor. Madilim na dito dahil medyo dim pa 'yung lights na nilagay nila kaya nahihirapan din akong makita kung ilang sasakyan ang nandito.

"Ihahatid na muna kita sa unit mo then I'll come back here tomorrow morning for our date and para na rin sabay tayo makapunta kila Adira," mahabang usal nito habang tinatanggal ang helmet sa aking ulo.

Nakakunot naman ang noo nang tumingin ako dito, "We have a date tomorrow?"

She nodded while smiling cheekily, "Yes!"

"And you didn't even tell me?"

"Well, as if makakatanggi ka pa," ganting usal nito habang nakangiti pa rin ng malawak.

Parang biglang lumiwanag ang buong parking lot nang makita ko 'yang ngiti na 'yan.

Napabusangot ako ng mukha, "Stop smiling."

She immediately drop her smile nang sabihin ko iyon bago muli akong ngitian. Napairap na lamang ako at nagsimula na maglakad papunta sa unit ko.

"You're cute when you're mad, love," nang aasar na saad nito, sinusundan ako habang nakapamulsa sa suot na trousers.

I snorted, "I'm not mad."

"Okay. You're just pissed," napatigil ako sa paglalakad at sinamaan ito ng tingin, "Why are you pissed, my love?"

It's because of your damn smile, stupid!

"I'm not." I uttered.

"Yes, you are---"

"Fine. Now, stop smiling! It's making me mad more," naiinis kong saad at tumigil sa paglalakad para harapin ito.

She is still smiling but in a soft manner now, "So, it's because of my smile."

"Y-Yes. Can we go now?" Nahihiya kong saad kaya naman pinagsiklop nito ang aming mga kamay bago kami nagsimula na naman maglakad.

Nanaig ang katahimikan sa amin ng ilang minuto hanggang sa makarating na kami sa elevator at nakatingin lamang ako sa itaas dahil sa pagkakaantok.

"Ang ganda mo, mahal ko." Biglang usal nito na nagpamulat sa aking mata para tingnan ito.

She is looking at me fondly while having a small smile on her lips. She suddenly lift up our intertwined fingers and kissed the back of my hand.

"I love you," dagdag pa niya kaya naman dinampian ko na lang ng halik ang labi nito bago siya ngitian.

"I love you, too." Ganti kong saad bago ihilig ang ulo sa balikat nito, "Where are we going tomorrow?"

"Orphanage."

Napatingin ako dito ng nakakunot ang noo.

"Orphanage?" Tumango ito sa aking sinabi ng nakangiti.

"Yep. I miss my buddies there," saad nito at hinalikan ang aking noo. Bumukas na ang elevator kaya naman nagsimula kaming maglakad papunta sa aking unit.

"Bakit ngayon mo lang sinabi na napunta ka ng orphanage? I wish to go there too!"

"I-I thought you don't like k-kids?" Nauutal na saad nito dahil nagsisimula na naman ang masasama kong tingin sa kaniya.

"You didn't ask kasi!" Naiinis kong sambit.

Matagal ko na kasing pangarap na makapunta sa ganoon dahil I want to experience how to help. It also happen that I like kids kaya naman gustong gusto ko ng talaga makapunta sa ganon.

"Well, tomorrow we'll go there. I'm sorry I didn't tell you."

Napabuntong hininga na lang ako at nginitian ito bago tumango, "It's okay. Dapat din pala sinabi ko agad sa 'yo."

Nakarating na din naman agad kami sa aking unit kaya naman humarap na ako sa kaniya ng may ngiti sa labi.

"I'll go to sleep now. See you tomorrow, love." Paalam ko kaya naman tumango ito bago ilapat ang labi sa aking noo.

"Have enough sleep, hmm? I'll come here by 11 so you have enough time to sleep tapos sabay na rin tayo mag lunch," she smiled, "I love you."

She held one of my cheeks before giving me a soft kiss on my lips that made me closed my eyes. It was just a peck but enough for me to make the butterflies in my stomach erupt.

I smiled at her.

"I love you, my Sidra."











Naalimpungatan ako nang marinig ang alarm clock ko na tumunog kasabay ng mga katok sa aking pintuan.

Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan ang cellphone para tingnan ang kung anong oras na.

Nang makita ang oras ay agad na nanlaki ang mga mata kasabay ng sunod sunod na pagtunog ng notifications sa aking cellphone that indicates na mayroong nag text.

Lalo akong nataranta ng makita ang pangalan ni Sidra.

Sidra Exie Tuazon
Good morning, love. I'm the one knocking at your door.
Hi?
Mahal? Hello?
Are you still sleeping?
Okay. I'll wait for you at the lobby. Just message me if you're ready so I can fetch you there.
Love you. Sleep more, my love.

Natataranta na binaba ko ang aking cellphone at mabilis na pumunta ng banyo para mag ayos ng sarili.

Kinuha ko lang sa aking closet ang simpleng white shirt at maong pants with gucci belt at yung nike shoes ko dahil sa orphanage naman ang pupuntahan namin ngayong araw.

After kong mag toothbrush ay mabilis na nag suot na ako ng aking susuotin at inayos ang buhok. Nagmamadali na talaga at ayoko siya pag antayin ng matagal doon.

Agad akong nag compose ng message sa kaniya pero napatigil din ng may napagtanto.

Kung ite-text ko pa siya ay for sure babalik pa siya dito para tumaas e ayaw ko ng ganon. Pinag antay ko na nga siya tapos pababalikin ko pa siya dito. Ako na lang pupunta sa kaniya.

Pumunta na akong elevator at pinindot ang ground floor at hindi ko naman inaasahan na nakasabay ko si Sienna with a huge smile plastered on her face but she is breathing heavily na akala mo ay hinabol ng aso. Makikita rin ang kaba sa kaniyang mukha

Nanlaki naman ang mata nito nang makita ako bago ako dambahin ng yakap, na akala mo ay sobrang close namin. Naweirduhan naman ako sa inakto nito bago siya alisin sa yakap.

Akmang magsasalita na ako ng may umalingawngaw ang boses ng isang pamilyar na tao. Tinanaw ko naman iyon at nakita si Miss Gomez na naka oversized shirt and cycling. She has a flushed cheeks at ang mukha ay hindi na naman maipinta.

"Sienna Ainsley Montejo! You cannot hug someone right after stealing something from me!"

Rinig kong nanggagalaiti na sigaw ng isang professor sa aming university. Nangunot ang aking noo nang makita ang pagtawa ng aking tabi.

"Oh, come on! Dione's my friend!" Sigaw nito pabalik.

Nangunot ang noo ko sa narinig. Kailan ko pa naging kaibigan 'to?

Nang marinig ng professor ang sinabi nito ay lalong nagdilim ang aura ng professor.

Napatalon ako sa takot at mukhang ganon din si Sienna dahil nagmamadali na nitong pindutin ang ground floor bago lalong mataranta ng makita na hakbang na ng mabilis ang professor sa aming pwesto.

"You little shi---"

Kapwa nakahinga kami ng maluwag nang magsarado ang pinto ng elevator kaya naman napatingin ako dito at sinamaan siya ng tingin.

She winced at what she saw before waving her hand at me.

"Hi?"

Continue Reading

You'll Also Like

711K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
885K 28.4K 59
[STATUS: COMPLETED] Apollo to Icarus. "Golden child, Lion boy; Tell me what's like to conquer. Fearless child, Broken boy; Tell me what's like to bur...
4.3K 1.1K 76
Ilang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangya...
469K 18K 35
Anne Caroline Tessano - Flight attendant student, she was supposed to be in her 3rd year when she got pregnant. Naniniwala siyang hindi na niya kaila...