Golden Scenery

By itspenciles

272 0 0

All the people in this world has a meaning to lived. But the world is just too cruel for us, we would faced a... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
09

08

6 0 0
By itspenciles

Naamlimputangan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Umaga na naman, panibagong araw, panibagong pagsubok sa buhay ko.

Tiningnan ko ang alarm clock ko sa gilid ng table ko, it was 6:20 in the morning pero hindi ko pa gustong bumangon, baka kasi nandoon sila lahat sa baba, ayoko munang makita sila o makasabay man lang sa breakfast. Last night was still fresh for me, the pain I was feeling because of their hurtful words was still in my inside, masakit padin. Kahit na siguro may mali ako, I mean may mali talaga akong nagawa at yon ang dahilan kung bakit galit na galit si Janhae.

I sighed. I hope today is going to be kind for me, I want to rest for a while.

Last night. Last night was the best. I unconciosly smiling, thinking what happened last night. Matt was there for me, he was there for me, he gave me a warm hug, he stayed with me in the park, he brought me in the place where the city lights was clearly to be seen and lastly he treated me a dinner, he cared me last night. I was happy, he made me feel at ease for the meantime and that's enough with me and I don't know why is that.

Well, even though it was just a short period of time, I think I know his gentle side, he knew how to make people happy after the breakdowns and pain, and I don't know if he knew what he's doing, but he did a great job made me smile after bursting into tears, and that's the first time that I felt happy with a man that I just knew.

It was a different feeling, I felt like I was in my safest place, and he's with me, he is.

Naalala ko, hinatid niya ako dito sa bahay at habang papauwi, tumatawa lang kami habang nagkwekwentuhan sa mga nangyari sa'min noon. Naalala ko pa sa mga sinabi niya, hinabol daw siya ng aso at sa takot hindi niya alam nakapasok siya sa isang c.r, tawang tawa ako no'n. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa umabot kami sa bahay, pagkapasok ko tulog na silang lahat. At nakahinga ako do'n.

I admit he was a type of person to easy get along with.

"Sir Jav, papasok kaba?" Napatigil ako nang may kumatok sa pinto. I sighed.

Ang tagal naman nilang matapos at papasok pa ako!

Tumayo na ako at lumapit sa pinto para pagbuksan si Ate Linda.

"Bakit po ate? opo papasok ho ako."

"Nagtanong kasi si kuya Ron mo na papasok ka ba daw dahil hindi kapa bumababa. At naghintay yung Mommy mo sa baba."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa huli, naghintay si Mommy sa'kin?

I really love my mom so much. Kahit na nagtatampo ako sa kanya dahil kagabi, alam kong hindi rin magtatagal 'yon, ayokong magtampo ng matagal kay mommy, at alam kong siya din.

Tumikhim muna ako bago tumango.

"Pakisabi po mag-aayos lang muna ako at bababa na."

"Sige po."

I closed the door and went to my shower room, habang naliligo ako naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

I smiled.

Best night ever, I guess?

Nang matapos na ako sa lahat ay kinuha ko na ang phone ko sa side table, nang i-on ko ang data ay napakunot nalang ang noo ko sa dami ng messages, lowbat pala ako kahapon at hindi ko nacharge.

Napangiti naman akong mga kaibigan kong humihingi ng tawad, at magkikita-kita daw kami ngayon.

GC: samahan ng mga bading

mundo ko'y ikaw: @javen miss u na daw

uno pero hindi una: @javen sorry sa lahat lahat sana mapatawad mo pa ako, #naiiyakna

tatay niyo: mamaya na kayo magsorry, maganda sa personalan.

phuta win: hey jav, see you later.

milkyway: cutiepie, miss u.

lovey: good morning javiii, miss u. see u leytor.

naanon: gm. guys, hi jav. miss u so mats.

uno pero hindi una: hindi bagay sayo magpogi typings nanon

naanon: mas pangit ka

tatay niyo: umalis na kayo dito ang iingay.

mundo ko'y ikaw: ganyan talaga pagsenior na, naiingayan.

uno pero hindi una: HAHHAHAHHA BOOM!

naanon: agoy, ako nyan itatapon ko sa pacific ocean e

tatay niyo: humanda kayo mamaya.

Natawa ako habang inaasar nila si Tay, namiss ko din sila sobra. Kahit na isang araw lang kaming hindi nagkakasabay, parang isang taon na sa akin.

In-off ko na ang phone ko at bumaba na habang bitbit ang bag. Huminga ako ng malalim, bago nagtungo sa dining area.

"Anak" naiiyak na sambit ng nanay ko.

Nilapitan ko naman siya at niyakap, naramdaman ko nalang na humihikbi na siya sa dibdib ko. Ang sakit na marinig siyang umiiyak. Hindi ako sanay.

"Tahan na mom, it's okay. We're okay now. Stop crying, ganda ganda mo pa naman." hinawakan ko ang balikat niya at pinunasan ang mga luha.

Tumawa siya habang humikbi. Ganda ng nanay ko.

May sasabihin pa sana ako nang may biglang tumikhim. Napalingon ako dito, pero ganon nalang ang gulat kong si Daddy 'yon, hindi pa pala siya umalis. At napansin ko din si Janhae, nasa tapat niya at tahimik na kumakain, hindi ako pinansin.

"Take a sit Jav, ihahanda ko ang pagkain mo." napabalik ang tingin ko kay mom na biglang nagsalita.

Tatanggi na sana ako nang nakarinig ako nang mahinang tawa.

Galing sa ama ko.

"What's the purpose of hiring a maid if you're the one who'll prepare his breakfast?" nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang mahinang ngumunguya.

Napapikit ako sa inis na nararamdaman. Hindi naman ko papayag na si mommy ang maghahanda ng pagkain ko, naunahan lang niya ako.

"I'll go now, bye mom, bye dad." biglang tumayo si Janhae at lumapit kila mommy at daddy na binigyan niya ng halik sa pisnge. Hindi man lang siya nagpaalam sa'kin.

Tiningnan niya lang ako at lumabas na siya.

Patience Javen, Patience. Their are your family.

Mapait akong napangiti sa naisip, pamilya ko ba talaga sila? parang si mommy lang e, si pond at mix lang na hindi ko alam saan na naman ngayon.

"Wag na mom, sa school nalang ako kakain, I'm still full." I just smiled at her.

Umiling siya.

"Hindi ka kumain kagabi Javen." napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya, kumain ako ma, pero hindi dito.

"Kumain ako my, hindi niyo lang alam, nasa taas ka po e." tama naman sinabi ko e,hindi niya alam.

Ngumiti nalang siya.

"Okay, but take this." inabot niya ang isang brown paper na ang laman ay pagkain.

How I love my mother. Siya lang ang ganito sa'kin.

"Thanks mom, pinaghandaan mo talaga." tumawa ako at kinuha ang pagkain bago nagpaalam sa kanila. Kahit naman masama ang loob ko nagpapaalam padin ako sa tatay ko, tumango lang siya.

Nang makalabas ay hinanap ko si kuya Ron, nakita ko naman siya na may katawagan sa phone.

Pero nang nakita niya ako ay parang bigla siyang nanigas, ngumiti naman siya ng alanganin. Anong nangyari sa kanya? sino naman ang kausap niya sa phone?

"Good morning sir. Tara na po?" parang aligaga niyang tanong, hindi ko nalang pinansin at tumango nalang. Baka personal na problema lang, ayoko namang mangialam.

"Hinanap kayo sa'kin ng daddy mo kagabi, wala ka daw sa kwarto mo. Saan ka kagabi sir?" napatingin ako sa kanya, hinanap ako ni daddy? totoo ba 'yon?

Imposible naman.

"Nagpapahangin lang po." sabi ko nalang at ngumiti naman siya sa'kin habang tumango.

Kung hinanap ako ni daddy bakit hindi niya sinabi kay mommy na wala ako sa room ko? pumunta ba siya doon? bakit hindi siya nagsalita kanina?

Umiiling nalang ako sa naisip, ang imposible talaga siguro nagkamali lang si kuya.

"Andito na tayo sir." sabi niya at nagpasalamat naman ako.

Huminga muna ako ng malalim habang nakatingin sa gate ng school namin, makikita ko ba siya ngayon?

Ano namang sasabihin ko? o iaakto ko? magpapasalamat ba ako? o hindi nalang?

Punyeta naman ang hirap! hindi ko nalang kaya siya pansinin? pero baka iba ang isipin niya, na baka papansinin ko lang siya kapag may problema ako, putcha naman bakit ba ako nagkakaganito? parang ang laki ng pasan na problema pero siya lang pala.

Javen umayos ka.

"Ano yang dala mo? pagkain ba yan?" nagulat ako sa biglaang pagsalita ng isang lalaki sa tabi ko habang sinisilip kung anong laman ng dala ko.

"Javenn! i miss youu!" nagulat pa ako nang yumakap si Love sa'kin, nakasunod pa si Milk, sunod naman si Nanon. Wala pa yung iba.

Si First pala yung naguusisa sa pagkain ko, wow mas inuna pagkain kaysa pagbati sa'kin no?

"Grabe ka uno, wala ka bang kain sa inyo?" tanong bigla ni Nanon, kaya natawa naman kami.

Pa'no ba naman kasi, hindi pa ako pumayag kinuha na niya ang sandwich ko.

"Uy ano yang kinakain mo?" napasapo nalang ako ng noo nang dumating si Earth kasunod si Tay.

Si Phuwin nalang kulang.

"Hi Jav." bati sa'kin ni Tay at tinapik ko naman siya sa balikat bago binati pabalik.

"Mga patay gutom talaga." bulong ni Milk sa tatlo.

Buti nalang madami ang hinanda ni mommy, saka may juice pa kaya imbis na sa'kin lahat yon, wala ng natira, inubos nila e.

Hinayaan ko nalang, parang isang buwan kasi silang walang kain.

"Akin yan!" nagaagawan pa sila sa natira kaya napailing nalang kami.

"Putcha ang laki sayo! hatian mo'ko!"

"Ano ka sinuswerte? ako ang nauna! first come, first serve!" sigaw naman ni First.

Para silang mga bata.

"First serve pala yon? akala ko first serving." tumawa ng malakas si Nanon dahil sa sinabi ni Earth, kaya pati kami natawa narin.

Ewan ko nalang, akala ko ba hihingi sila ng tawad?

Naglalakad na kami papasok sa school, pero yung tatlo nasa likod habang nagaaway sa pagkain.

"Phuwin?" biglang sabi ni Love, kaya napalingon naman kami doon sa tiningnan niya, napakunot ang noo ko nang walang Phuwin ang nandoon.

"Saan? wala naman ah." sabi ni Tay habang lumilinga-linga padin sa paligid, wala pang masyadong studyante dahil maaga pa naman.

Nagtataka nga ako kung bakit ang aga nilang lahat, samantalang dati, ako lang ang palaging nauuna.

"Siya yung nakita ko! umalis lang siya dahil nakita niya tayo." sabi ni Love habang tinignan kung saan galing si Phuwin kanina.

"Are you sure Love? baka namamalik-mata ka lang." sabi ko sa kanya.

Umiiling naman siya.

"Yes, I'm sure. Siya talaga 'yon. Kilala ko ang bulto ni Phuwin."

Pero kung siya yon, bakit naman siya aalis nang makita niya kami? may nangyari ba? may problema ba siya?

"We will just ask him later, baka siya talaga yon." sabi ni Milk, kaya tumango nalang kami.

Kung siya man talaga yon, dapat sabihin niya ang rason kung bakit gano'n ang inakto niya, parang hindi kami kaibigan.

Lumipas ang ilang minuto at dumarami na ang mga studyante, at ilang minuto nalang din magsisimula na ang first period.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno, sa likod ng gym. Dito minsan ang tambayan namin e dahil walang masyadong pumupunta, at lalong lalo sa lahat sariwa ang hangin.

"Bakit wala pa si Phuwin?" tanong ni Earth habang nagbabato sa kung saan, sinuway naman siya ni Tay baka daw kasing may matamaan siya, bato pa naman ang gamit niya.

"I already told him that we're here, but he didn't respond." sabi naman ni Milk.

Halos lahat na kami ay nagtext sa kanya, pati sa insta, twitter, messenger at pati nadin sa telegram. Pero walang ni isa sa'min ang nireplyan niya.

Ano ba talagang nangyari sa kanya? hindi naman siya ganito ah, ngayon lang talaga kaya nagtataka talaga kaming lahat.

"Dito muna kayo, may pupuntahan lang ako." sabi ko at tumayo habang pinagpagan ang slacks na suot.

Kumunot naman ang mga noo nila, nagtataka.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni First.

"Basta, wag na kayo sumama iflood niyo nalang ng text si Phuwin, madali lang naman ako."

Gusto nilang sumama pero hindi ko sila pinagayan, isa pa 'tong si Tay na ang hirap kausapin, pero sa huli ako parin ang nanaig at hindi din siya pinasama.

Naglakad ako paalis habang tinignan ang mga text ko kay Phuwin, I need to see him. Alam kong may problema siya, siguro nahihiya lang siyang kausapin kami o lapitan.

Minsan kasi ako lang ang kaya niyang kausapin, alam ko naman ang palagi niyang tambayan.

Ang library.

Messages: Phuwin🖤

To Phuwin: Hey, if you're having a hard time, you can talk to me. I know you're just shy to say dramatic things to us, but here I am, I'm always here for you. Kung nahihiya ka talaga, then you can talk to me only. Para ka namang sira e. We're friends right? I can be your ear, we can be your ear and shoulder to cry on. Just reply if you want to talk to me, or I'll just see you by myself.

sent.

I sighed. I hope his okay.

Habang tinitigan ko ang phone ko, hindi ko alam na may nabunggo pala ako.

Napaupo tuloy ako sa lupa, putcha ang sakit ng pwetan ko.

"Damn, I'm sorry."

Nainis akong tumingin sa taong nabunggo ko, pero ganon nalang ang gulat ko nang kaibigan pala yon ni Matt.

Pati siya ay natigilan.

"Gago ang tanga ko, sorry Jav. Let me help you." inakay niya ako patayo, pero ganon nalang ang pagtataka kong pinaikot niya ako na para bang sinusuri kung may gasgas sa'kin.

"Are you hurt? sorry talaga sana hindi mo'ko isumbong." pinaglapat pa niya ang dalawang kamay habang humihingi ng tawad sa'kin.

My brows furrowed in confusion, why is he so badly to say sorry to me? samantalang no'ng huling kita ko sa kaniya, ang pangit ng ugali niya.

At ano daw? wag isumbong? kanino naman?

Hindi ko nalang pinansin 'yon at tiningnan nalang siya.

He's Khao, as far as I remembered.

Gwapo siya, malinis ang gupit, may isang itim na hikaw sa kaliwang tenga, medyo gusot lang ang polo niya pero mapapansin na maganda ang katawan niya, kumikinang din ang gold niyang wrist watch, siguro sobrang mamahalin nito.

Matangkad din siya, pero mas matangkad si Matt. Mas gwapo din.

Teka, ano ba itong iniisip ko?! bakit biglang sumulpot nalang si Matt sa isip ko?

"Javen!" nagulat ako nang sumigaw siya, kaya nahampas ko ang balikat niya.

"Ano ba! ginulat mo'ko!" inis na sambit ko.

Nagkamot naman siya ng batok niya.

"I. . . I'm sorry ulit, I was just asking if you want me to take you to the clinic? para icheck ang kalagayan mo" binasa niya ang pang-ibabang labi at pinalandas ang kamay niya sa buhok niya na para bang stress na stress siya.

Ang OA ha, okay lang naman ako pero kung makareact siya para akong nasagasaan.

"Hey, you don't need to. Okay lang ako, walang masakit sa'kin." sabi ko sa kanya habang ngumingiti.

Magsasalita na sana siya nang biglang may tumawag sa phone niya.

Ngumisi siya sa'kin bago sinagot at tawag, ang weird niya, parang kanina lang stress na stress sa nangyari sa'kin pero ngayon parang nageenjoy, magkaibigan talaga sila ni Matt, ang bilis magpalit ng mood.

"Yeah, I'm with him anyway." nakita ko ang pagkindat niya kaya umiwas ako ng tingin, anong sinasabi niya? si Matt ba ang kausap niya?

"Aeron naman, nabunggo ko lang okay? hindi ko naman tinulak! damn you bro, bakit mo naman gagawin yan? walang masakit daw sa kanya! you're overacting Aeron!." lumayo siya ng kunti nang magsigawan sila sa phone.

Gusto kong umalis pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko, parang gusto ko pa marinig ang usapan nila ni Matt.

"No, not my car!" rinig kong sigaw niya sa kausap niya.

Gusto kong matawa dahil pikon na pikon talaga ang mukha niya niya.

Umalis nalang ako doon, at pilit na ituwid ang lakad kahit masakit ang pwet ko. May mga bato naman kasi d'on! saka malakas ang pagkabagsak ko, pero ayoko namang magpaclinic, mababaw lang naman to, siguro mawawala din ito mamaya.

Nagsisisi tuloy akong nagseselpon ako kahit na tapos ko nang matext si Phuwin, he can't blame me! I'm just worried.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at huminto ako para tignan yon, baka kasi may mabunggo na namn ako. Mahirap na.

From Phuwin: Hey, Jav. Don't worry, I'm fine, and sorry but I can't open it to anyone it's my personal problem, I hope you understand.

Itatago ko sana ulit ang phone nang may text uli siya.

From Phuwin: And please tell the squad, they don't be worry too much, and don't wait for me, may gagawin pa ako.

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa, I understand him. Pati din naman ako e, kung sobrang personal talaga, hindi ko ito kayang ipagsabi kahit sino, kahit pa kay Pond o kay Tay na sobrang close ko.

Lalakad na sana ako nang may biglang humawak sa siko ko.

"Hey!" gulat akong napatangin sa taong humawak sa'kin, pero gano'n nalang din ang gulat ko kung sino yon.

"Matt?"

Tumingin siya banda sa pwet ko at nakita ko ang paglunok niya.

"Sorry to startled you, but you're having a hard time to walk properly. Damn that ass." bulong niyang sabi sa huli kaya hindi ko masyadong narinig.

Binawi ko naman ng braso ko sa kanya. Pati din ito ang OA e, siguro yung kaibigan niya ang nagsabi na ganito ako ngayon, ako naman ang may kasalanan e.

"Okay lang ako okay? umalis kana." akmang aalis na ako pero nagulat ako nang hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila paalis, pilit akong nagpupumiglas pero ang higpit ng kapit niya!

Saan naman nito ako dadalhin?

"Hoy! ano ba, I have a class for God's sake! let me go! saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya natinag at patuloy parin ang paghila sa'kin.

Wala na akong makikitang studyante sa paligid, kaya kinakabahan ako, baka may quiz kami ngayon!

Ramdam na ramdam ko din ang sunod-sunod na pagvibrate ng phone ko, alam kong hinahanap na nila ako dahil sabi ko sa kanila na madali kang ako pero eto ako ngayon, hinihila ng lalaking 'to!

"Hey Matt-" sisigawan ko sana uli siya nang bigla siyang magsalita.

"Keep quiet, pretty." sabi niya at napansin kong papaliko kami sa parking lot.

Aba magccutting kami?

Kung gusto niyang magcutting pwes wag niya akong idamay!

Inis kong binawi ng malakas ang kamay ko at tinignan siya.

"Ano ba! kung may plano kang magcutting, edi umalis ka! wag mo'kong idamay! kahit na magkasama tayo kagabi, you still don't have the rights to grab me without my permission!" tatalikod na sana ako nang magsalita uli siya na siyang ikinatigil ng buong sistema ko.

"I just want to check on you, and be with you. Is that wrong Javen?"

Continue Reading

You'll Also Like

Fake love By :)

Fanfiction

117K 2.7K 43
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
1M 33.6K 60
π’π“π€π‘π†πˆπ‘π‹ ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 π–π‡πˆπ‚π‡ jude bellingham finally manages to shoot...
469K 16.9K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! πŸ˜‚πŸ’œ my first fanfic...
295K 27.6K 64
Third book of idol love series... Devotion- "Strongest form of love" All the characters are fictional. There is no connection with the real place or...