South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.7M 256K 155K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 42

57.9K 3.9K 2.4K
By JFstories

ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?


Napaangat ako habang pinanlalakihan ng mga mata. Sa bandang puno ng makinis na leeg ni Isaiah ay namumula, meron din sa kanyang bandang lalamunan, pababa sa kanyang dibdib dahil tabingi ang kwelyo ng suot niyang shirt.


Ano nga ba ang ginagawa ko?! Bakit ko ginawa ito?! Nakataas din pala ang t-shirt ni Isaiah. Kitang-kita ko ngayon ang nipples niya. At ang mga palad ko sa matigas niya palang dibdib nakapatong!


Nakasimangot siya nang magsalita, "Ang bigat mo."


"S-sorry!" Nagkumahog ako umalis sa pagkakakubabaw sa kanya. Sa aking pagmamadali na makaahon ay nadiinan ko siya sa sikmura.


Napanganga siya. "Agh!"


"Naku, sorry!" Nagkandarapa ako sa paghingi ng tawad. Umatras ako pababa sa katawan niya, at sa aking pagkaaligaga ay hindi sinasadya na naitukod ko naman ang aking tuhod sa pagitan ng kanyang mga hita.


Impit na napahiyaw siya, "Ahg, fuck!"


Hindi na niya ako nahintay makaalis nang kusa, dahil napabalikwas siya bigla dahilan kaya nalaglag ako paalis sa ibabaw niya. Patagilid siyang namilipit sa kama habang salo-salo ang harapan niya.


"Isaiah, sorry!" nagpa-panic na hingi ko ng patawad. "Sorry, sorry! Hindi ko sinasadya, promise!"


"Oh, fuck! Tangina," impit na daing niya. "Tangina, ah, ahhh..." Pulang-pula ang mukha niya nang lumingon sa akin at mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata. "Papatayin mo ba ako?!"


"S-sorry, hindi ko sinasadya. Maniwala ka, hindi ko talaga sinasadya!"


Napaliyad siya habang namimilipit. Hawak-hawak pa rin ang harapan na kanda-ihip siya ng hangin. 


Nang kahit paano ay hindi na yata ganoon kasakit ay inangat niya ang garter ng suot na pajama, at sinilip ang injured na bahagi. "Ah, tangina, na-torta yata."


Naramdaman ko nga kanina na parang may nabali. Matigas at nakatayo iyong nadaganan ko kanina ng aking tuhod. Lalo tuloy akong nag-alala kasi baka nabali nga.


Napaatras siya palayo sa akin nang makitang pagapang ako palapit sa kanya. "Anong binabalak mo?!"


"Nag-aalala kasi ako—"


Lalo siyang napaatras hanggang sa makarating na siya sa headboard ng kama. "So, anong gagawin mo? Titingnan mo ito?!"


Napakamot ako ng ulo. Ano nga ba ang gagawin ko?


Kumuha naman si Isaiah ng unan at itinakip sa sarili. "No way! Hinding-hindi mo na ito makikita!"


Lumabi ako. "Nag-aalala lang naman ako."


"Ah, talaga marunong ka niyon?"


Kumibot ang mga labi ko at napayuko. "Sorry na talaga, Isaiah. Ikukuha na lang kita ng yelo para ma-cold compress mo..."


"'Wag na! Hihilutin ko na lang mamaya pagligo ko!"


Umayos na ako sa pagkakaupo sa kama. Nakaupo na rin sa edge ng kama habang nakayuko at sinisilip ang loob ng shorts niya.


Nang tumingin ako sa oras ay alas tres pa lang pala ng madaling araw. Anong oras kaya nahiga sa tabi ko si Isaiah? "Isaiah, anong oras ka natulog?" tanong ko.


"Pagkatulog mo," sagot niya sa patag na boses.


Ha? Ganoon kaaga? Akala ko ay hindi siya matutulog dahil may tinatapos siya?


"Inantok na ako," sabi niya pa. "Balak ko na sanang magpahinga kaya nahiga na ako. Ang kaso, nagising ako na may nangmomolestiya sa akin."


"S-sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Maniwala ka, hindi ko balak na molestiyahin ka."


Nag-beeped ang phone niya sa ilalim ng kanyang unan. May nag-text sa kanya. Nakasimangot niya iyong kinuha. Nakatingin lang ako sa kanya nang mangunot ang noo niya habang nakatingin sa phone.


Napaalis siya sa kama. Iika-ika siyang pumunta sa may bintana para sumilip doon. "Pota, nasa labas ng gate si Herrera!"


Herrera? Iyon ba si Jordan Moises Herrera na schoolmate namin noon? Kilala ko ito hindi lang dahil sa naging presidente ng school council, guwapo, at anak ng teacher, kundi dahil ito ang naging boyfriend noon ni Carlyn.


Kahit hirap lumakad ay lumabas ng kuwarto si Isaiah. Ako ay sumunod na rin sa kanya dahil nag-aalala ako na baka mahulog siya sa hagdan. Naabutan ko siya na pababa na. Sa pader siya nakakapit habang bumababa.


Sa sala ko siya hinintay dahil kinausap niya sa labas ang lalaki. Since it was already morning, I thought of preparing him breakfast. I went to the kitchen to find something to cook.


Sinangag ko na lang ang natirang kanin kagabi. Mga thirty minutes yata sa labas si Isaiah bago umalis ang kausap niya na si Jordan Moises Herrera. Pagpasok niya ay naghihikab pa siya. Mukhang kulang ang tulog niya.


Nag-aalala ako dahil magmo-motor siya pabalik ng Manila. Baka antukin siya sa pagda-drive. Nagtama ang mga mata namin. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil siguro sa ekspresyon ko.


Si Isaiah rin ang naunang nagbawi ng tingin. Sumimangot ulit siya at padaskol na naupo sa sofa. Hindi siya nag-abala na buksan man lang ang ilaw doon.


Pagkasalang ko ng sasangaging kanin ay tinanaw ko si Isaiah sa sala. Ang ilaw lang mula rito sa akin sa kusina ang nagsisilbing liwanag niya. Nakasandal siya sa sofa, nakadipa ang ang mga braso niya sa sandalan habang nakatingala siya sa kisame.


Nakatagilid siya sa gawi ko kaya nakikita ang anggulo kung saan ang matangos niyang ilong ay tila nililok ng isang magaling na iskulptor. Malayo man ako ay batid ko rin kung gaano kahahaba ang kanyang pilikmata habang nakapikit siya. Hindi ko alam kung tulog o gising siya.


Nalibang ako sa pagtingin-tingin sa kanya. Mas nakatingin ako sa kanya kaysa sa sinasangag kong kanin.


Nakatingin ako sa kanya nang bigla akong mapapiksi nang magsalita siya, "Asikasuhin mo ang ginagawa mo riyan. Baka masunog 'yan."


Nakagat ko ang aking ibabang labi at napahiyang nagbawi sa kanya ng tingin. Ang init ng aking magkabilang pisngi. Paano nga pala niya nalaman na tinitingnan ko siya? Sobrang obvious ko ba kaya kahit nakapikit siya ay naramdaman niya?


Sa pagkawala ko sa konsentrasyon ay nahawakan ko ang kawali kahit mainit pa ito. Napaigik ako sa sakit. "Aw!"


Narinig ko ang pag-tsk ni Isaiah mula sa sala. Nagulat ako nang paglingon ay papalapit na pala siya sa akin. Nakatingin siya sa daliri ko na napaso sa mainit na kawali.


"Ah, okay lang ako," nakangiting sabi ko para hindi siya mag-alala. "Napaso lang pero hindi naman masakit at—"


"'Pinagsasabi mo? Kukuha lang ako ng tubig." Pagkasabi'y kumuha siya ng baso sa lalagyanan na nasa gilid ko.


Nakanganga na lang ako habang nagsasalin na siya ng tubig sa baso. Nang magsimula na siyang uminom ay nakatingin pa rin ako kaya tinaasan niya ako ng kilay.


"Ah, sorry." Ibinalik ko ang aking atensyon sa kalan. Kahit masakit pa ang napasong daliri ay sinikap kong hawakan ang siyanse.


Luto na ang sinangag. Ulam na lang ang lulutuin ko. Nasa likod ko pa rin si Isaiah at umiinom. Nakailang baso na kaya siya? Siguro ay uhaw na uhaw siya.


Kumuha ako ng stocks sa ref. Ilang pirasong talong, kamatis, at itlog. Magtotorta ako. Lulutuan ko rin ng bukod na itlog si Isaiah.


Nilingon ko siya. Nakasandal siya ngayon sa mesa. "Ah, Isaiah, ano pala ang gusto mo sa itlog? Buo o basag?"


Muntik sumala ang kanyang kamay na nakatukod sa mesa. Nakasimangot na naman siya nang tumingin sa akin. "Nang-aasar ka ba?!"


"Ha?" Kumiling ang aking ulo. Wala naman akong ibig sabihin sa tanong ko. "Uhm, tinatanong ko lang kung ano ang gusto mong luto sa itlog. Noon kasi di ba ay paiba-iba ang gusto mong luto? Minsan gusto mo buong nilaga, minsan naman ay binati o kaya ay—"


"Bahala ka sa buhay mo," putol niya sa sinasabi ko.


"Ah, s-sorry." Napakagat-labi muli ako. "S-sige, dadamihan ko na lang ang luto para may pagpipilian ka."


"Ano, uubusin mo ang itlog namin? Alam mo ba kung magkano na ang itlog ngayon sa Pilipinas?"


"Ah, bibili na lang ako mamaya ng itlog. Balak ko rin kasi na mag-grocery ng ilang kailangan—"


"Nakapag-grocery na ako last week," putol niya ulit sa sinasabi ko. "Saka may budget naman kami rito para sa pagkain. 'Yang pera mo, itago mo na lang para sa sarili mo."


Hindi na ako umimik at nakayuko na lang na bumalik sa pagluluto. Pagkatapos kong magprito ay nagsalang ako ng tubig sa takure. Naghuhugas ako ng kamay sa gripo nang sitsitan niya ako.


"Bakit?" Nang lingunin ko siya ay nakaupo na pala siya sa upuan habang nakapangalumbaba sa mesa habang nakataas ang isang kilay sa akin.


"Kunin mo iyong tuwalya ko sa itaas. Maliligo na ako."


"Ah, s-sige." Tutal naman ay kasasalang ko lang ng takure. Puwede iyong iwan muna. "Saan pala nakalagay ang tuwalya?"


"Iyong naka-hanger sa likod ng pinto. Kagabi ko lang iyon nagamit. Ikuha mo rin pala ako ng damit sa closet."


"Ha?" Napakurap ako. "A-anong damit ang kukunin ko?"


"T-shirt. Kahit ano basta puwedeng panlakad. Tapos jeans. Naka-hanger lang iyon sa closet. Ikuha mo rin ako ng underwear."


Napakurap ulit ako. Pati underwear?


"Ano? Bilisan mo."


"Ah, s-sige." Nag-iwas na ako ng paningin dahil alam kong namumula na ang aking mukha ngayon. Umakyat na ako sa hagdan para ikuha ang mga pinakukuha niya.


Bago pumunta sa kuwarto ni Isaiah ay dumaan muna ako sa kuwarto ni Vien. Sinilip ko ang magninang sa loob. Tulog na tulog pa ang mga ito habang magkayakap. Si Vien ay nakasubsob sa dibdib ni Carlyn. Nakangiti na isinara ko na ulit ang pinto.


Pagpasok sa kuwarto ni Isaiah ay pumunta na ako sa closet. Madali lang akong nakakuha ng jeans. Sa t-shirt ako nahirapang mamili kung ano ba ang aking kukunin. Puro plain ang shirts niya sa closet. Monochrome colors na majority black at white. Katulad din ng mga ginagamit niyang sombrelo.


Isang dark gray shirt ang kinuha ko. Na-imagine ko na agad na bagay kay Isaiah ito. Lalo siyang guwapo sa ganitong kulay. Lahat naman ng plain colors ay bagay sa kanya, mukha siyang malinis at mabango. 


Napangiti ako habang hawak ang mga damit ni Isaiah. Bumalik sa akin ang alaala noong panahong ako ang naghahanda ng uniform niya, kapag papasok siya sa school, o kaya ay may sideline job na pupuntahan.


Nang underwear na ang aking kukunin ay doon ako inabot ng siyam-siyam. I couldn't decide what to pick. Marami siyang underwear, may bikini briefs at boxer briefs. Mostly were new and still sealed in plastic.


Hindi ugali ni Isaiah na bumili ng underwear noon. Ang mama niya ang tagabili niya. Ang mga briefs niya noon ay sa Avon lang binibili ng mama niya. Iyong Avon briefs for men. Bukod sa tuwing sale lang bumibili ang mama niya, hulugan pa.


Kung meron mang Levi's at Calvin Klein noon si Isaiah ay iyon ang mga dating pasalubong pa ng papa niya pag-uwi galing abroad. Pero ayaw daw niyon ni Mama Anya. Wala naman daw sense ang mamahaling briefs dahil hindi naman daw iyon nakikita kapag isinuot na.


Dinampot ko ang isang set ng nakabalot na bikini briefs. Tom Ford ang tatak. May mga balot pa na ang brand ay kung hindi  Oakley ay Hanes. At meron pang Balenciaga. Bumibili ba si Isaiah ng ganitong briefs? At mas lalong bibili ba ng ganito kamahal si Mama Anya?!


Kanino galing ang mga mamahaling briefs na ito? Imposible naman na regalo ng pinsan niyang si Arkanghel. Imposible rin na pasalubong ni Carlyn galing Singapore. Kaya kanino galing?


Binulatlat ko ang isang balot ng briefs. Hindi ako nagkamali dahil meron ngang note sa loob. Napanganga ako nang mabasa ang nakasulat.


TO ENGINEER ISAIAH GIDEON DV,  HAPPY BIRTH_AY!  THE "D" IS MISSING BECAUSE YOU HAVEN'T SHOWN IT TO ME YET.  Xenia


Sino itong Xenia na ito?! At meron ding note iyong ibang bikini briefs. Merong galing sa mga pangalang Alondra, Minie, at Lexie.


Iyong huling balot ay Balenciaga. Regalo naman kay Isaiah noong nakaraang Pasko. Ang note ay: Merry Christmas to the most HARD working engineer I know. Love lots, Patrice Lim.


PS. I know you're not Santa, but I wanna sit on your lap so bad. 


Gigil na ibinalik ko iyon pasalaksak sa closet. Again, that Patrice Lim?! At bakit sa dinami-dami ng puwedeng iregalo ay kundi kandila ay briefs ang naiisip ng babaeng ito?


Hindi lang ang Patrice na ito ang masyadong creative sa pagreregalo, pati na iyong ibang nagregalo ng briefs kay Isaiah. Sino-sino ba ang mga ito? Saan niya nakilala? At alam ba ng mga ito na tatay na siya?


Pero ano nga naman kung tatay na si Isaiah? Single dad naman siya. He was still young, he was handsome, and capable. Ano nga naman kung makipaglandian siya kahit kanino, di ba? Gawin niya ang gusto niya, pero 'wag niya lang pababayaan si Vien, tapos ang usapan!


Isang black na Calvin Klein briefs ang pahablot kong kinuha mula sa drawer. Kinuhanan ko rin siya ng boxer shorts. Seryoso ang mukha ko nang bumalik sa kusina.


"Bakit ang tagal mo?"


Hindi kumikibo na inabot ko sa kanya ang mga pinakuha niya sa akin. Tahimik na kinuha ko ang takure sa kalan at sinalin sa termos. Nakatingin lang naman siya sa akin.


Pumasok na si Isaiah sa banyo para maligo. Napabuga ako ng hangin at binatukan ang sarili. Ano na naman ba ang pinagsisintir ko rito? Bakit nayayamot ako?


Instead of acting like this, I must be thankful. At least, I could stay here and I could spend time with my son. Iyon naman ang mahalaga, ang kahit paano ay makabawi ako sa anak ko, at maging sa mga taong naririto.


Madilim pa sa labas ng bintana. Naghahain na ako sa mesa nang mula sa hagdan ay bumaba ang kaibigan ni Isaiah na si Carlyn. Kumaway ito sa akin.


Nakangiting binati ko naman ang babae, "Good morning. "May lakad ka? Sumabay ka ng mag-almusal kay Isaiah."


Lumabas naman na si Isaiah sa banyo. Bagong ligo. Amoy presko, ang bango-bango. Naka-jeans at t-shirt na pero magulo pa ang basang buhok. Ipinaghila ko agad siya ng upuan sa mesa.


Inabot ni Isaiah sa akin ang tuwalya. Tinanggap ko naman iyon saka siya maingat na pinunasan ng buhok habang nakaupo siya. Pasimple ko ring tinatakpan ang bandang leeg niya kung may parteng namumula.


"Aga mo, ah!" puna niya sa kaibigan na naupo na rin sa may katapat na upuan sa mesa.


"Ang likot ng anak mong matulog."


"Maaga rin kaming nagising ni Vivi. Galing dito si Herrera kaninang 3:00 a.m. Hinahanap ka."


Nahuli ng aking mga mata ang paglunok ni Carlyn. Bahagya rin itong nabalisa. "'Wag mong sasabihing nandito ako kundi tuturuan kong mag-Tinder si Vivi."


Kasusubo lang ni Isaiah sa sinangag nang bigla siyang masamid. Napahagod naman agad ako sa likod niya at inabutan siya ng tubig.


Tumingin si Carlyn sa akin. "Vi, anong gusto mong username?"


Nang makainom na si Isaiah ay dumampot siya ng isang butil ng sinangag at ibinato iyon kay Carlyn. Napangisi lang naman ang babae.


"Vi, kanin pa," sabi ni Isaiah nang maubos ang sinangag sa plato niya.


Aktibo namang ipinagsandok ko siya. Hindi ko siya naregaluhan nang mga nakaraang okasyon, kaya sa ganito lang ako kahit paano makakabawi sa kanya. Sinalinan ko rin ng tubig ulit ang baso niya. Nang humingi siya ng ulam ay kinuhanan ko rin siya kahit kaharap niya lang.


Si Carlyn ay nakamasid lang sa amin. Paminsan-minsan nitong pinandidilatan si Isaiah pero patay malisya lang ang lalaki.


Hindi na ako nakakain nang maayos. Ako na rin ang unang tumayo dahil lalagyan ko pa ng toothpaste ang toothbrush ni Isaiah. Inihanda ko na rin pati ang medyas na gagamitin niya.


Pagkakain ay akmang tutulong sa akin si Carlyn sa paglilinis ng mesa nang pigilan siya ni Isaiah. "Hayaan mo na siya riyan."


Nag-uusap sila habang nagliligpit ako ng pinagkainan. Katatapos ko pa lang maghugas ng mga plato nang tawagin ako ni Isaiah. Pinakukuha niya sa itaas ang duffle bag niya, wallet, at bagong jacket. Akyat naman agad ako para kunin ang mga inuutos niya.


Pagbalik ko ay nasa labas na si Isaiah. He was only wearing a plain gray shirt and dark jeans but he looked dashing. He could be mistaken for a model of his Kawasaki Ninja big bike although he was just simply standing next to it.


Napahugot pa ako ng paghinga bago nakuhang lumapit sa kanya. Seryoso ang mukha niya at walang kangiti-ngiti nang suutan ko siya ng jacket. Dahil sa magkalapit kami ay hindi ko maiwasang hindi mapasinghap dahil ang bango niya.


Habang itinataas ko ang zipper ng jacket ay napatingin ako sa kanyang makinis na leeg. My lips parted when I saw that the faint marks were still there.


When I looked up at Isaiah, I was surprised because he was also staring at me. Bagama't salubong ang mga kilay ay walang emosyon ang magandang uri ng kulay madilim na gabi niyang mga mata.


"B-baka may makakita sa office mo..."


"So?"


Napalunok ako bago nakapagsalita. "B-baka lang kung ano isipin sa 'yo ng mga katrabaho mo—"


"Normal lang naman magkaroon ng ganito." Ang mapulang mga labi niyang mapupula ay mapait na ngumiti. "Hindi lang normal dahil galing sa 'yo. Dahil hindi naman na tayo."


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
24.9K 1.7K 70
THE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Pa...
931K 18.2K 18
The Billionaire's Group Series - Batch I - 1 Matagal ng mahal ni Claire Yu si Gabriel Andrei Tan, isang tanyag na surgeon sa Pilipinas. Kaya ng hilin...