ibong adarna

By RaiProject

223K 361 114

this is not my book a just copy it More

ibong adarna
MGA TAUHAN
Kabanata 1 Panalangin ng May-akda
Kabanata 2 Ang Kaanak ni Haring Fernando
Kabanata 3 Ang Panaginip
Kabanata 4 Ang Paglalakbay ni Don Pedro
Kabanata 5 Ang Paghahanap ni Don Diego
Kabanata 6 Ang Paglalakbay ni Don Juan
Kabanata 7 Ang Ermitanyo
Kabanata 8 Puno ng Piedras Platas
Kabanata 9 Ang mga Taksil na Kapatid
Kabanata 10 Ang Hinagpis ni Don Juan
Kabanata 11 Ang Pagtulong ng Ermitanyo
Kabanata 12 Ang Salaysay ng Ibong Adarna
Kabanata 13 Ang Pagbabantay sa Ibong Adarna
Kabanata 14 Sa Bundok ng Armenya
Kabanata 15 Ang Mahiwagang Balon
Kabanata 16
Ibong Adarna 18 Tagumpay at Pagtaksil
Kabanata 19 Ang Maunawaing Ama
Kabanata 20 Ang Muling Pagkikita
Kabanata 21 Ang Paghihinagpis ni Leonora

Kabanata 17 Si Princesa Leonora

6.7K 10 7
By RaiProject

Isang napakagandang palasyo at hardin ang tumambad kay Don Juan. Doon niya nakita si Prinsesa Juana. Ngunit …

Sino si Leonora?

“Si Leonora’y kapatid kong

kasama sa balong ito,

naririyan sa palasyong

dito’y tanaw na tanaw mo.

“Parunan mo at sundin

sa ngalan ko ay sabihing

siya’y parito ngayon din

at ibig kong kausapin.

“Ngunit, irong, may pangamba

ang pagsundo mo sa kanya;

may tangkilik kay Leonora

ay Serpyente at Palamara.

“Ang Serpyente ay mataang

sanay siya sa pagpatay,

pitong ulo maputol man

nasusugpong kapagkuwan.

“O, Don Juan, laking lunos

ang sa aki’y lumuluhod,

muli ka pang makihamok

ay di ko na itutuloy.

“Pangamba kong masawi ka’y

pagkaawa k okay Leonora,

laso’t tinik na… ewan ba

kung pano kong mababata…

“Bakit baga yaring buhay

saliwa sa kapalaran:

lumiligaya’y mamamanglaw,

mamanglaw ay kamatayan?”

Hinagpis ni Donya Juana

sa Prinsipe’y nagpasigla

takot ay di naklala’t

sa sakuna’y tumalaga.

Nagpaalam at ang wika:

“Prinsesa kong kasi’t mutya,

yaring buhay ko’y maaba

palad ko na ang nawala.

“Ano’t ako’y nasisindak

kung ito ang aking palad?

Ipaglingkod yaring lakas

mapahamak kung mapahamak.

“Anong tamis ng mamatay

kung lugod ng minamahal!

Anong saklap ng mabuhay

kung duwag na tuturingan.

“Huwag mag hihilahil

may awa ang Inang Birhen,

sa magandang nasa natin

ay di niya hahabagin.”

Lumakad ng patuluyan,

puso’y walang agam-agam,

Diyos ang tinatawagan

sa darating na kapalaran.

Sa palasyo ng malapit

bagong dilag ang sa titig

bumihag ng labis-labis,

para syang nanaginip!

Sa palasyo’y nakadungaw

si Leonorang matimtiman,

ang Prinsipe ng matanaw

biglang nagulumihanan.

Nabigla itong Prinsesa

sa taong kanyang nakita,

si Dong Jua’y napatanga

sa palasyong pagkaganda.

Ang palasyo kung munti man

ay malaking kayamanan,

Walang hindi gintong lantay

Ang doon ay tititigan.

Palamuti sa bintana

pagkaliit isang mutya;

perlas, rubinn tila luha

ng langit sa abang lupa!

Sa gitna ng mga perlas

tala manding namanag

si Leonorang pagkarilag,

sng Prinsipe’y napakurap

Nakatikom ang kanyang bibig

dila ay parang napagkit,

mga matang nakatitig

alitaptap na namitig!

Kaya lamang nakahuma

ng simulan si Leonora:

“O, pangahas, sino kaba

at ano ang iyong pita?”

“Aba, palaba ng buwan,

tala sa madaling araw

hingi ko’y kapatawaran

sa aking kapahangasan.

“Sa mahal mong yapak,

alipin mo akong tapat,

humahalik at ang hagad,

maglingkod sa iyong dilag.

“Di mo baga nalalamang

mapanganib iyang buhay;

Sa serpyente kong matapang

walang salang mamamatay?”

“Mapanganib man ngang lubha

ano pa ang magagawa,

kung palad kong masaliwa

tanggapin ang pagduta.

“Hindi gaanong masaklap

na mapatay ng kalamas,

sa akin ang dusa’t hirap,

masawi sa iyong linpag.”

“Ika’w baga’y nag bibiro

o ako’y sinisphayo?

hayo’t dito ay lumayo

taong lubhang mapaglako.

“Hindi kita kailangan

ni makita sa harapan,

umalis ka’t manghinayang

sa makikitil mong buhay.”

Ang Prinsipe’y di tuminag

sa anyong kahabag-habag;

idinaing din ang hirap

sa pagsinta nyang tapat.

“Pinopoon kong prinsesa

galit mo po ay magbawa,

kung ako ma’y nagkasala

ito’y dahil sa pagsinta.

“Danga’t ako’y nagkapuso

na pinukaw ng pagsuyo

sa dilag mo’y kalian ko pa

matanggap ang pagsiphayo?

“Labis-labis ang panggalang

sa iyo pong kamahalan,

hingin man nga yaring buhay

sa galit mo po ay kulang.

“Gasino na yaring palad

na hamak sa lalong hamak,

kung may daan pang tumaas

na sa iyo’y maging dapat.

“Sa iyong kapangyarihan

sino kaya ang susuway?

Ngunit ang di ko malama’y

ang gagawin kong pagpanaw.

“Suwayin ang iyong nais

pinid sa akin ang langit!

Lumayo sa itong titig

hininga ko’y mapapatid.

“Sa gipit kong kalagayang

walang hindi kasawian

ikaw na prinsesang mahal

ang magbigay kahatulam.”

Naawa’t sa pagkaawa,

ang puso ay lumuluha,

danga’t hindi nahihiya

niyapos ang may dalita.

Lihim niyang pagkahabag

sa titig naipahayag

isang titig na malingap

na langit ng pagliyag.

Saka masuyong lumapit

sa Prinsipeng nahahapis,

at ang wikang pagkatamis

“Di rin ako nakatiis…”

Isang titig mairog

matamis pa kaysa pulot,

nang tumama sa may lunos

sa puso nito tumagos.

Nang tumagos na sa puso

saka lamang napaghulong

silang dati’y magkalayo

sa sandali ay nabuo.

Nabuo at huwag nang

paglayuin ng pagsinta

ang magtaksil sa kanila

sa Diyos ay may parusa.

Ito na nga ang bumasag

sa katahimikang maluwat,

si Don Juan ay tinawag

ni Leonora sa itaas.

“Prinsipe, ikaw’y pumanhik

dito na tayo magniig

bahay ko ma’y marikit,

payapa’t di-maligalig.”

Sa Prinsipe ay nabuksan

ang pinto ng kalangitan,

noon niya naramdamang,

hirap niya’y nabihisan.

“Prinsesa kong pinopoon,

salamat sa pag-ampon,

mag-utos ka’t umaayon

itong lingkod mula ngayon.”

“Unang ibig kong malaman

kung paano mo natuklasan

itong lihim kong tahanan

sa liblib ng kabundukan?

“Prinsesa kong kasi’t mutya

ang nangyari’y talinghaga

hamak aking yaring dila

na agsaysay ng himala.

“Isang gabing kalaliman

na ako ay nahihimlay,

ginising ng panagimpang

bulong ito ay tinuran.

“Ito,” anya, “ay lakbayi’t

pagsikapan kong hanapin,

magdusa mang sapin-sapin

may ligayang tatamuhin.

“Narito raw yaong talang

lunas sa aking dalita,

talang ito ay ikaw nga,

O, Leonora kong mutya.

“Pagkat lihim itong balon

sinong taong sakdal dunong

ang dito’y makakatulong

kundi Diyos ang may ampon?

“Sa Diyos na ngang talga

ang sa iyo’y pagkakita

kaya,mabunying Prinsesa

lunasan mo yaring dusa.”

“Don Jua’y di ko nais

habagin ka sa paghibik

kung sa iyo ma’y nagalit

subok lamang ng pag-ibig.

“Sinusubukan ko nga lamang

kung ang puso mo’y marangal

ugali ng alinlanga’t

alaalang pagtaksilan.

“Pagkat marami sa puso

talu-sira sa pangako

sa pagsinta’y mapagbiro’t

matuwaing sumiphayo.

“Pipitasin ang bulaklak

sa tangkay na nag-iingat,

mahal habang hindi pa kupas

pag nalanta ay sa layak!”

“Leonora kong minamahal,

O, buhay ng akong buhay,

sa puso ko’t katauha’y

wala ka ng kalantahan.

“Bulaklak ka ng pag-ibig,

pabango sa aking dibdib,

tuwing ako’y mahahapis

lunas na ang itong titig.

“Sa pagtulog at paggising

ikaw ang aking salamin,

mata ko ma’y mangulimlim

liwanag mo’y iilawin.

“Kaya, wariin na, giliw ko,

alapaap sa puso mo,

sa tibay ng iyong ‘oo’

ikaw ay aki’t ako’y iyo”.

Pag-uusap na matamis

ng magkasi ay napatid

nang umugong ay yumanig

lupa’t palasyong matarik.

Dumating yaong Serpyenteng

kay Leonora’y may kandili,

kakila-kilabot ang laki,

umuungol ng mabuti.

Sa sindak ni Leonora

napasigaw kapagdaka:

“Don Juang kasi ko’t sinta

paano ang buhay nita?”

Ang Prinsipe’y di umimik

pinagbuti yaong tindin,

ang Serpyente’y sinisilip

sa gagawing di-matwid.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...