One Shot Stories Compilation

By Sirenakalata

14.1K 383 75

Bawat tao ay may kanya-kanyang kwento, ang istoryang ito ay naglalaman ng iba't ibang kwentong magpapasaya't... More

Bestfriend
Mrs. Alfonso
Mamang Sorbetero
Love Takes Time
The Priest
Crossing
Manliligaw
Graduation

Brother-in-law

423 11 3
By Sirenakalata

Warning ‼️⚠️
Triggering content, please don't read it if you are not comfortable.

"BROTHER-IN-LAW"

"Doon ka muna sa Ate Agnes mo," rinig kong sabi ni Kuya Ronald---kapatid ko sa ama.

Tumango ako kahit na napipilitan. Sanay na akong pagpasapasahan, mula nang mamatay si Mama kung kani-kaninong kamag-anak na ako napunta at wala ni isa sa kanila ang nagkusang-loob akong kopkupin.

Disi-osto anyos na ako at isang anak sa labas. Marami akong mga kapatid ngunit wala akong kapalagayan ng loob--sino ba namang anak ang makikipaglapit sa anak ng kabit ng papa nila.

"Oh, Marissa? Ihanda muna ang mga gamit mo." Biglang sumulpot si Ate Agnes--kapatid ko rin sa ama. Walang imik akong pumasok sa maliit kong kwarto. Kung buhay lang siguro si Mama ay hindi ko mararanasang pagpasapasahan.

Habang nasa bus ay tahimik lang ako ngunit nagsimulang magtanong-tanong si Ate Agnes. "Ilang taon ka na nga ulit?"

"Eighteen po."

"Magka-college ka na pala...gusto mo bang mag-aral?" Natigilan ako sa narinig.

"Gusto po." Pinaglaruan ko ang mga daliri.

"Wala pa naman kaming masyadong gastusin kaya pwede pa kitang pag-aralin," nakangiting sabi niya. Sa lahat ng napuntahan ko ay siya lang ang nag-alok sa 'king mag-aral.

"Talaga po? Salamat!" Ang pagkailang ko sa kanya ay unti-unting nabawasan.

Pagkarating sa bahay nila ay sumalubong agad ang batang lalaki at yumakap kay Ate Agnes. Isang babae at lalaki ang anak niya at mga bata pa ang mga ito.

Hindi kalakihan ang bahay nila ngunit kompleto sa gamit. Pagpasok sa loob ay naabutan namin ang asawa niyang nanonood ng tv.

"O, siya na na si Marissa? Dalaga na pala!" Nahihiyang napangiti ako. Itsura naman itong mabait kaya palagay ako.

"Huwag kang mahiyang magsabi ng gusto mo, basta kaya naming ibigay." Napangiti ako at nagpasalamat.

Hinatid niya ako sa kwartong maayos na at may manipis ding foam ang higaan. Mabilis kong inayos ang gamit ko upang makatulong sa pagluluto ng hapunan.

Naging maayos ang pananatili ko sa poder ni Ate Agnes sa nakalipas na isang taon. Tulad ng sinabi niya ay pinag-aral nga niya ako, kumukuha ako ngayon ng kursong education. May maliit na pwesto si Ate Agnes sa palengke, minsan ay tumutulong ako sa pagtitinda 'pag weekends.

Ako ang naglalaba dahil wala na siyang panahon para dito. Ang asawa naman nitong si Kuya Robert ay isang guard.

Akala ko ay tuloy-tuloy na ngunit nawalan ng trabaho si Kuya Robert dahilan ng pagkagipit namin sa budget.

Hindi sapat ang kinikita ni Ate Agnes sa palengke para sa pang-araw-araw at pag-aaral ko, ayaw ko man ay napagdisisyunan kong tumigil.

"Baka naman may boyfriend ka na, Marissa, kaya ayaw mo nang mag-aral?!" Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

"Wala po, desisyon ko po iyon. Ayoko lang po na mas mahirapan kayo." Sino ba naman ang magkakagusto sa matabang gaya ko? Mataba na hindi pa maganda.

Ako ang naiiwan sa bahay para maglinis at maglaba at ako na rin ang umaasikaso sa mga bata, si Kuya Robert ay kasama si Ate sa palengke dahil wala pa naman itong nahahanap na trabaho.

Matapos kong maisampay ang nilabhan ko ay nakaramdam ako ng panlalagkit dahil sa tagaktak kong pawis.

Napagdesisyonan kong maligo. Habang nagsasabon ako ay hindi ako mapakali--na parang may nanonood sa 'kin.

Nagpalinga-linga ako at muntik nang mapasigaw nang may makita akong daliri sa itaas ng pinto ngunit saglit lang iyon. Mag-isa lang naman ako dito...multo kaya? Sa sobrang takot ay kinuha ko agad ang towel kahit na hindi pa ako nakakapag-shampoo.

Nakatapis lang akong lumabas dahil sa pagkakaalam ko ay mag-isa lang ako sa bahay ngunit laking gulat ko nang makita ko si Kuya Robert na nanonood ng tv. Patakbo akong pumasok sa kwarto ko nang hindi siya nililingon.

Mula nang araw na iyon ay hindi na ako naligo nang walangsuot. Naging balisa rin ako lalo na sa pagtulog dahil pakiramdam ko may nakamasid.

Araw ng Biyernes, kakaalis lang ng mga bata at ni Ate Agnes. Hindi ako makapakali habang naghuhigas ng plato dahil kaming dalawa lang ni Kuya Robert ang narito.

Napaigtad ako nang maramdamang may tao sa likuran ko, nabitawan ko ang sponge at aalis na sana ngunit hinarang niya ang palad nito.

Sisigaw na sana ako ngunit pagkalapag niya ng baso sa lababo ay iniwan na ako nito.

Labis-labis ang kaba ko pagkaalis niya. Umalis ako nang bahay at ginugol ko ang maghapon sa pagbibilang ng mga sasakyang nagdadaan.

Sumapit ang gabi. Ayaw ko sanang umuwi ngunit sinundo ako ni Ate Agnes. Nanatiling mulat ang mga mata ko kahit na ala-una na nang gabi.

Panay ang dasal ko na sana ay mag-umaga na. Bago pa man ako lamunin ng antok ay unti-unting bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Ni-locked ko naman ang pinto ngunit nang makita ko ang susi sa palad niya ay hindi na ako nagtaka.

"K-Kuya Robert...a-ano pong ginagawa niyo rito?" Panay ang lunok ko sa sobrang takot.

Nanginginig na ang palad ko sa sobrang kaba, gustohin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil nakaharang siya sa pinto.

"Shhh!" Nanlaki ang mata ko nang idikit niya sa labi niya ang kutsilyo imbis na daliri upang sabihing 'wag akong maingay.

Impit akong napahikbi nang lumapit siya sa 'kin. Madilim ang paligid, ang ilaw lang sa poste sa labas ang nagbigay ng konting liwanag.

"K-Kuya---" Nang makalapit siya ay tinakpan nito ang bibig ko.

"Huwag kang maingay...saglit lang 'to! 'Pag sumigaw ka---" Nanginig ako nang idikit niya sa leeg ko ang kutsilyo. "Hindi lang ikaw ang papatayin ko--pati ang ate mo."

Hindi ako papayag! Lalaban ako!

Buong lakas ko siyang tinulak at dahil payat ito ay madali ko itong magawa ngunit bago pa man ako makalabas ay nahuli na niya ang buhok ko.

"ATE! ATE AGNES--"

"Makulit kang p*nyeta ka! Wala ang ate mo--nilasing ko para masarap ang tulog." Hindi na siya mag-abala pang dalhin ako sa kama dahil sa mismong sahig niya ako binaboy. Panay ang mahihinang daing niya samantalang iyak at hinagpis ang mahina kong pinapakawalan.

Isang gabi...isang gabi lang ay nasira ang pagkatao ko. Gusto ko na lang mamatay pagkatapos nang gabing 'yon, wala na akong kwentang babae, marumi!

Hindi lang isang beses niya akong pinwersa, marami-maraming beses akong nagmakaawa pero naging bingi siya. Ang mga ugat nito ay naglalabasan sa tuwing bumabayo siya, sana ay pumutok na lang ang ugat ng demonyo!

"Anong iniiyak-iyak mo? Pasalamat ka nagtityaga ako sa baboy na tulad mo!" Sinabunutan niya ako sabay dura sa mukha. "Hubad!" utos nito.

Hindi ko magawang magsumbong, natatakot ako, ang sabi niya ay papatayin niya ang ate at mga pamangkin ko. Si Ate Agnes lang ang magmahal sa 'kin at ayaw ko siyang mapahamak.

Hindi ako makangiti, ni magsalita ay hirap akong gawin. Bawat galaw ko ay may kasamang takot, takot na baka nariyan na naman siya...

"May problema ka ba, Marissa?" Meron,

Ate...nire-rape ako ng asawa mo! Gusto kong isigaw iyon ngunit hindi ko magawa.

Umiling ako at patagong pinunasan ang luha ko. "Wala po, ako na po ang magluluto."

Mahigit kwarenta na si Ate Agnes, matagal na silang nagsasama ng asawa niya at baka hindi siya maniwala 'pag nagsumbong ako.

Aalis ako ngayon--tatakas na ako sa impyernong lugar na ito. Hindi ako makaalis dahil hindi na umalis ng bahay ang demonyo.

"Mamamlengke lang ako." Tumayo ito. Hahabol sana ako ngunit makalabas na siya.

Nanghihinang napatayo ako.
Mariin akong napapikit nang lumantad sa harap ko ang isang demonyo. "Akala ko magsusumbong ka na." Ngumisi siya.

"K-Kuya, pakiusap po...pakawalan niyo na po ako--"

"Aalis ka 'pag sinabi ko, maliwanag?!" Napahagulgol ako nang tutukan niya muli ako ng kutsilyo.

Napahiga ako sa sahig at mabilis siyang umibabaw.

"Hayop ka! P*tangina ka mamatay ka na--" Binusalan niya ang labi ko.

Binaba niya ang short ko at isusunod na sana ang panty ko nang lumagabog ang pinto.

Nagmamadaling pumasok si Ate Agnes habang hawak ang isang mahabang tubo.

"ROBERT?! Anong ginawa mo sa kapatid ko?! Hayop ka! DEMONYO!" Pinagsasampal ni Ate Agnes ang asawa niya.

Nagsumiksik ako sa gilid at umiyak nang sobrang lakas. Tumakas si Kuya Robert at hindi na nahabol pa ni Ate.

"Marissa!" Patakbo siyang yumakap sa 'kin. Nanginginig ako at hindi makapagsalita.

Mali ang akala ko, kinampihan ako ni Ate at pinakulong pa ang sariling asawa. Masaya akong makitang may rehas ng pagitan sa 'min ng demonyo.

Alam ko sa sarili kong hindi na babalik sa dati ang buhay ko. Ang ngiti ko ay hindi na magiging totoo at hindi ko na magagawang magtiwala sa kahit na sinong lalaki.

Lumayo ako sa pamilya ni Ate Agnes. Nagpakalayo-layo ako kung saan walang nakakakilala sa 'kin. Sa iba, madaling sabihing 'bakit hindi ka agad nagsumbong?' 'bakit hindi ka lumaban?' 'bakit mo hinayaan?'

Sa mga taong hindi nakaranas ng pinagdaanan ko ay madali itong sabihin. Bakit mas nakakahiyang maging rape victim kaysa maging isang rapist? Isa lang ang hiling ko, sana ay maging isa muli akong malinis na papel ngunit hindi ko na iyon makakamit pa.

A/N
May isang babaeng nakitira sa half-sister niya at ni-raped siya ng asawa nito, at hindi lang isa kundi maraming beses---the woman couldn't speak, nagduda ang half-sister niya ang  'yon na nga  nahuli nito ang pagrerape sa dalaga at buti na lang pinakulong niya! Sa kasamaang palad ay nakalaya na ang rapist--- the moment na narinig ko ito ay sabi ko gagawan ko ng maikling kwento. Sana ang mga rapist hindi na makalaya...

#shortstory

Continue Reading

You'll Also Like

371K 543 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
104K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
73.9K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...