Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

392K 11.8K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 20

7.8K 242 95
By waurdltsj


Bumalik na kami ni Sidra sa lugar kung saan talaga gaganapin ang party at agad na naupo doon sa table ng mga pinsan nito. Since nahuli kami ng dating, dalawang magkahiwalay na chair ang natira kaya naman wala akong choice na maupo doon sa tabi ni Trevor pero agad din napatigil sa pagpunta doon nang higitin ako ng kasama ko kanina.

Tiningnan ko ito at nakita na nakakunot na ang noo niya, “Where are you going?”

“Uupo. Kanina pa ako ngalay, Sidra,” mahina kong usal kaya naman napatingin siya sa upuan na pupuntahan ko bago ibalik ang tingin sa akin.

“Beside him?”

Magkasalubong na ang kilay nito nang tumango ako. Napanguso ito bago tumingin sa upuan na uupuan niya at sa katabi nito. Nagkataon naman na si Soleil ang nakaupo doon kaya tinawag niya ang kapatid.

“Ano? Nalandi ‘yung tao dito—”

“Lipat ko doon,” nginuso ni Sidra ang upuan sa tabi ni Trevor at ibinalik kay Soleil ang tingin, na ngayon ay umiiling na.

“Ayoko nga! Hindi ko makakatabi si bebe—”

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay binatukan na siya ng kapatid. 

“Tanga,” she muttered bago ituro ang upuan, “Palipatin mo ‘yung kaibigan mo doon sa upuan na ‘yon. Hindi lang ikaw ang may karapatan na lumandi.” 

Napairap naman si Soleil at ginawa ang sinabi ng kapatid habang nakabunsagot ang mukha. Napapailing na lang naman akong umupo sa upuan kanina ni Soleil at hinanap si Adira. Mas nauna pa kasi akong nakadating dito e sila ‘yung naunang nakaalis bago ako hatakin ni Sidra.

Natigil ako sa paghahanap sa kaibigan nang kulbitin ako ng aking katabi.

“Are you hungry? What do you wanna eat? I’ll go get it,” tatayo na ito nang maagap na hinawakan ko ang braso niya.

“Sasama ako. Hindi mo kaya ng dalawang plato sa kamay mo,” masungit kong saad kaya narinig ko ang tawa niya na nagpatigil sa akin at tumingin dito ng nakakunot ang noo.

Lalo itong natawa nang makita ang aking mukha bago pisilin ang aking pisngi, “Sino ba naman kasi nagsabi na dalawang plato dadalhin ko? We’ll share a plate, honey.”

Bulong lang ang pagkakasabi niya doon sa huli kaya naman nagmistulang kulay kamatis ang aking pisngi sa kahihiyan at sa ganda niya nung time na ‘yon. Napairap na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo para maiwasan ang nakakahiyang pangyayari.

May ilan din kasing nakatingin sa aming gawi kanina nung bumubulong ito. Bukod sa ang ganda nito sa kaniyang suot na double breasted suit ay hindi rin sila sanay na makita ang pinakamatandang heiress ng mga Tuazon being flirty to someone most especially on a girl.  

‘Sidra Tuazon just smiled at someone. That’s a sight to see.’

'I wonder who the girl is.'

Isa lang ‘yan sa mga naririnig ko kaya napayuko na lang ako at nagsimula na kalikutin ang phone. This is one of the reasons why I don’t like attention. It makes me scared.

"Here's our food. I brought your favorite and— what's wrong?" 

Mabilis itong umupo sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. She is looking at me, worried about my situation.

"Dione? Mahal, are you okay? Why do you look so tense?" Mahina na tanong nito pero tumingin lang ako dito at binigyan siya ng maliit na ngiti. 

"Wala. Nothing's wrong. I just—" 

"Stop lying now, love. Tell me, what's wrong." 

Napatingin muna ako sa kaniya bago tingnan ang ibang tao sa ibang table na nakatingin na naman sa amin. 

I let out an exasperated sigh bago mapanguso. 

"I'm just scared," bulong ko kaya napalapit ang mukha nito para tingnan ng mabuti ang aking mukha. 

"Of what?" 

Napahinga ako ng malalim, "Of what they're going to think of you."

"Huh? I don't get it, love."

Napapikit naman ako sa inis nang magsimula na naman mag init ang aking ulo dahil sa nasaksihan kanina.

"E kasi kanina!" Naiinis kong sambit, "Nung tumawa ka bago umalis para kumuha ng pagkain, nagsimula na silang magbulungan dahil doon tapos they are starting to think that there's going on between us—"

"Wala ba?" 

Namula ako sa tanong nito bago umiling, "M-Meron."

Natawa ito at pinisil ang aking kamay bago bitawan iyon at nilagay sa aking hita ang kamay. 

Since nakasuot ako ng brown dress na hapit sa aking katawan at above the knee lang, nararamdaman ko ang mainit na palad nito sa aking balat na nagpapula lalo sa aking mukha.

"I really don't understand what you're trying to say here, baby," natatawa na bulong nito. 

Nagpakawala ako ng frustrated sigh, "When I heard them whispering, I-I… got scared kasi nga malalaman nila na may namamagitan sa atin—"

"Are you still scared of what they're going to think about us?"

"No, we're already past that! You know, I don't care what people think about us. I just got scared because for sure that'll ruin your reputation by being with a girl." Mataman kong saad kaya naman tinitigan muna ako nito bago inilapit pa lalo ang mukha sa akin. 

"And do you think I care about that reputation?" She softly said but she's looking at me straight in the eyes that made me feel something on my stomach. 

"And what's wrong being with a girl? We're in the 21st century and if they still have problems with that they should probably build their own planet para walang problema." 

Pinagkatitigan ko ang mukha nito na may malambot na tingin sa akin. 

"And kung malaman ng Dad mo na may namamagitan sa atin?" 

Natigilan ito sa kaniyang kinauupuan nang sabihin ko iyon bago mapailing at hawakan ang aking pisngi para haplusin iyon ng mabagal. 

She smiled at me, softly, "Then, I'll fight for us. I'll fight for you. I told you, no one will come between us, right?" 

Tinitigan ko ang mukha niya at nakita ang sincere na mata nito habang nakatingin sa akin with only love and care. I unconsciously nodded my head in what she said and that's when a wide smile started to paint on her angelic face. 

"I love you so much, my Dione."

















Nandito na kami ngayon sa isang mamahalin restaurant na ni-rent ata ni Miss Costales kanina lang. Namangha pa nga ako kasi ang bilis lang niya makapag rent ng restaurant at doon pa sa maganda at mamahalin talaga. 

Lumapit kasi kami dito ng venue ng birthday ni Felicity, away from those hags dahil wala na naman silang ginawa kundi ang makipag usap tungkol na naman sa business kaya naman kami kami na lang ng mga pinsan nito at ibang kaibigan nila kasama ang ibang professors. 

Nakaalis lang naman kami doon sa bahay nila nang sila Adira at Sidra na ang nagpaalam doon sa parents ni Felicity. Sila Soleil kasi ay medyo takot pa rin daw sa tatay nito sa hindi malaman na dahilan. 

Kasalukuyan kong katabi si Sidra na ngayon ay tahimik na nakain hanggang sa maya maya ay sumigaw si Soleil kaya gulat kaming tumingin sa kaniya. 

"Excuse me! May alak kayo?" Malakas na tanong nito sa manager na nasa may counter lang nitong restaurant. Natatawang tiningnan lang siya ng ibang tao dito sa kadahilanan na hinihigit na ni Astraea ang laylayan ng damit nito. 

"Umupo ka nga, Soleil Maeve! Nakakahiya ka," saway ni Sidra sa kapatid kaya parang pato na bumalik ito sa kinauupuan. 

"Parang alak lang e," rinig namin na bulong nito. 

"You done? Do I need to get more food for you?" Tanong ni Sidra maya maya habang nakatingin sa plato ko na wala ng laman. 

Umiling lang naman ako at nginitian siya bago hawakan ang kamay sa ilalim ng lamesa. 

"Water?" Alok nito pero umiling lang ako at nginuso ang katulad ng iniinom ni Adira. 

"I want that," turo ko kaya napapangiti na tumango ito bago tumayo at kumuha ng hinihingi ko. 

Habang pinagmamasdan ang mga tao sa loob ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Ang layo kasi ng atmosphere dito doon sa bahay nila Felicity. Kung kanina ay parang minamasid ang aming galaw ngayon, everyone looks so free. They all have this smiley faces while conversing with one another at hindi na pilit ang mga galaw katulad kanina. 

As well as this woman who is coming on my way with two glass on her hands. She was all smiley while everyone was greeting her, para bang wala siyang dala dalang problema sa mundo. That makes her more beautiful in my eyes. 

"You're in love." 

Gulat akong napatingin kay Miss Gomez na ngayon ay may ngisi sa labi habang pinapaikot sa kamay ang baso ng wine.

Hindi ko namalayan na siya pala 'yung katabi ko dito sa long table bukod kay Sidra.

"Huh?" I blurted out, confuse. 

"I said, you're in love with the eldest Tuazon," pag uulit pa nito at napabuntong hininga.

"I am?" Pag d-deny ko pa kahit alam ko na ang kasagutan. Ako lang naman ang makakaalam kasi if mahal ko na nga ba siya or hindi pa. 

"Hindi ba?"

"I am," sabi ko ng nagpatawa dito pero napailing na lamang siya at muling napayuko. She seems sad suddenly. 

"Sana all," pagbuntong hininga nito while smirking sadly. 

"Broken ka, Ma'am?" Tanong nito kaya natawa muli ito sa aking tinuran bago dahan dahan mapatango.

"You can say that," mahinang bulong nito at tumingin sa kawalan. Napatingin din naman ako sa kawalan nang sabihin niya iyon. 

She chuckled, humorlessly, "She don't remember me." 

Habang sinasabi niya iyon ay sa tingin ko ay may tama na siya ng alak. Kanina pa rin kasi silang mga professor na nainom ng alak ng pasikreto. 

"Nandito siya, Ma'am?" Sabi ko nang makita na napatingin ito sa pinto na para bang may inaantay na dumating. 

"Nah. She don't like birthday parties. She hates it," sabi nito at lumagok bago tumayo, "I gotta go. Baka bugahan ako ng apoy ng girlfriend mo." Natatawa na paalam nito sa akin kaya tumingin ako sa direksyon ni Sidra na masama na naman ang timpla ng mukha. 

"Why are you talking to her?" Nakanguso na tanong nito kaya napamaang ako.

"Can't I talk to people now?" 

"You can but… why were you laughing with her?" Nag aalburoto nitong saad habang nagpapapadyak pa sa sahig bago nagdadabog na umupo sa upuan sa tabi ko. 

Napailing lang ako before pinching her cheeks, "You're cute." 

Napairap na lang siya sa aking ginawa at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang mag vibrate iyon. 

Napainom lang naman ako ng dala nito habang nakatitig sa kaniya. Ang kaninang nagtatampo na mukha ay napalitan ng nakakunot na noo habang binabasa ang nasa cellphone. I conclude that there must be something wrong. 

"Are you okay?" 

Napaangat ang tingin nito sa akin bago mapailing at ngumiti ng pilit sa akin. 

"No. Nothing's wrong but I need to go now. My father is calling for me," sabi niya whike fixing her things at the table. 

Tumingin naman ako sa aking relo at nakita na it's almost 9. May pasok pa ako bukas kaya naman naisipan na sumabay na sa kaniya. May recitation pa ako sa terror kong prof na tiklop sa bff ko. 

"Uwi na din ako. I have to review," saad ko at nagsimula na rin mag ayos ng gamit when she nodded. 

Pumunta kami sa pwesto nila Felicity na ngayon ay nakanguso dahil alam na siguro na uuna na kami. 

"Hi, birthday girl," Sidra kissed her younger cousin's forehead, "We need to go. Dione have quiz tomorrow, she needs to review while Dad's calling me. It urgent daw." 

Nakanguso na napatango na lang si Felicity bago tumingin sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. 

Napangiti naman ako at tinapik ang likod niya, "Happy birthday ulit," I uttered. Naramdaman ko naman ang pagtango at pasasalamat niya bago kumalas. 

Tumingin ulit ito kay Sidra at kumaway, "Bye, Ate Sid. Drive safely. 

"Will do," tango nito at pinauna akong maglakad, na natigil din agad nang may sinabi pa si Felicity. 

"Dione, ingat ka diyan kay Ate! May sandata 'yan!" 

Bigla naman akong natigilan at naguluhan sa sinabi niya bago nagtatakang tiningnan si Sidra, na may namumulang tenga at namimilog na mata. 

She looked at her cousin at pinanlakihan ito ng mata bago ibaling ang tingin sa akin nang namumula ang mukha. Also, her neck is turning red.

"What is she talking about?" Nagtataka kong tanong pero napalunok lang si Sidra at umiling. 

"S-She's talking n-nonsense," she gritted her teeth before throwing draggers at her cousin who is now laughing her ass off. 

Patuloy lang naman akong naguguluhan sa nasasaksihan. I really don't know what she's talking about. 

"Let's just g-go," sabi nito before holding my lower back. I still can hear her whispering profanities, ang pamumula ng buong mukha ay hindi nawawala.

"Okay ka lang?" Nagsisimula na akong matawa sa sitwasyon nito. Ano ba kasing ibig sabihin ng sinabi ng pinsan nito at ganito na lang siya mag react? She's so affected by it.

"Y-Yeah. I'm good. I was just caught off guard with what she said." Dahilan niya kaya naman tumango na lang ako. I know that there is something more with it pero hindi ko na siya pipilitin if ayaw niya pa sabihin. Also, she looks uncomfortable at hindi rin siya makatingin sa akin. 

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay dahilan ng paglingon nito sa akin, ang mukha ay namumula pa rin sa kahihiyan.

"Let's go?" Tanong ko ng nakangiti kaya tumango ito bago halikan ang likod ng aking kamay na lalo lamang nagpangiti sa akin.













Maaga ako ngayon nakarating sa classroom ng maganda ang mood. Na-review ko kasi lahat ng kailangan i-review at I feel so confident na masasagot ko lahat ng tanong. 

Feel ko kahit itanong nila sa akin kung anong kulay ng panty ng katabi ko mamaya e masasagot ko. Ganon ako ka-confident. 

Napatingin naman ako sa aking phone nang maramdaman na nag vibrate iyon. I am expecting that it comes from my girlfriend pero nabigo ako nang makita ang pangalan ni Mom doon na nag text. Hindi ko naman na muna binasa ang text ng aking ina dahil ayoko naman ma badtrip ng maaga. 

Well, si Sidra. Wala pa akong nare-receive na text sa kaniya simula kagabi nung makauwi ako. Kahit isang good morning ay hindi pa ito nagte-text pero hinayaan ko na lang muna at baka pagod lang ito. 

Bukod sa tumulong pa siya doon sa party ni Felicity ay pinatawag pa siya ng tatay niya  ng gabi na. Nakakapagod naman talaga  kung iisipin mo pa lang. 

Napatigil ako sa pag iisip sa girlfriend ko nang makita si Adira na parang wala sa mood. There is also black underneath her eyes at sobrang visible noon. Para siyang umiyak at sobrang pagod. 

Lumapit ako sa kaniya at pinagkatitigan muna siya. May 10 minutes pa naman bago magsimula ang klase nung bebe niya kaya kakausapin ko muna siya as a concerned friend.

I cleared my throat to get her attention pero nanatili itong nakayuko at hindi tinataas ang tingin kahit kinukulbit ko na. Napasimangot na lamang ako bago mapagpasyahan na kausapin na lang siya. Baka dumating na rin kasi si Miss Ferrucci, pagdasalin na naman ako sa unahan. 

"Hoy, ayos ka lang? Ano problema natin?" Tanong ko pero nginitian lang ako ng siste at umiling sa akin.

"Ayos lang ako tsaka lumayo nga! Ang baho ng hininga mo," parang nandidiri na saad nito kaya hindi makapaniwala ng tiningnan ko siya. 

"Wow ha! The audacity! E kung ipaamoy ko sa bebe mo 'yung sapatos mong hindi pa nalalabhan?" Naghahamon kong tanong kaya naman nanlalaki ang mata na tiningnan ako nito at pinatahimik ako.

"Ang ingay mo!" Inis na usal nito habang natingin sa mga kaklase na nakatingin pala sa amin. 

"May bebe na si Adira?" Tanong ni Andrew kaya napangisi ako bago itaas taas ang kilay. Natawa naman ito at bumaling kay Aaron, "O, Aaron. Saang club tayo mamaya? Syempre, libre mo 'yon." 

Napapailing na lang inalis ang tingin sa mga ito at binalik ang tingin kay Adira na sapo na naman ang ulo. 

Napairap ako, "Hoy!  Ano ba kasing problema mo?" Muli kong tanong  pero umiling lang si gaga. 

"Wala nga, Dione. Masakit lang ulo ko," saad nito sa maliit na boses kaya napangiwi ako. 

Wala tapos sasabihin niya na masakit ulo niya. Hay, ang gulo! Daig niya pa bulbol sa pagiging magulo.

Napailing na lang ako at naupo na ng maayos nang dumating na ang professor namin na kay Adira kaagad nakatingin.

O edi wow. 

"Good morning," bati nito kaya tumayo kami at binati rin siya pabalik. Napansin siguro nito na hindi tumayo ang isa kaya tumingin siya sa akin na para bang nagtatanong. 

"Headache," I mouthed pero umirap lang siya at tumingin kay Adira. 

Naiiling na pinapanood ko ang interaction ng dalawa at 'di maiwasan na kiligin dahil sa binibigay na tingin nito kay Adira. Sobrang pag aalala ang binibigay na tingin nito ngayon.

Maya maya lang din ay nagsimula na ang oral recitation. Muntik pa nga mag away 'yung iba kong mga kaklase dahil ayaw mauna nung iba. I was about to get my popcorn to watch them pero natigil din naman agad ni Ma'am 'yon. 

Lumipas ang mga oras ay patapos na ang oral recitation sa kaniya at kita ang disappointment sa mata nito as time goes by. Puro hindi kasi nasagot ng iba 'yung tanong kahit basic lang. Kahit naman ako maiinis if hindi nakakasagot mga estudyante mo but sometimes I understand some of the students na hindi makasagot minsan sa recitation. 

Mahirap din naman kasi mag aral or mag review lalo na kung marami kang iniisip. Magkakaiba ang situations ang mga bata but they need to be better if gusto pa nila makapasa. 'Yung iba kasi hindi na nga makasagot tapos puro lakwatsa pa. Waldas lagi ng pera na hindi naman nila pinaghirapan.

They don't know how many people are wishing to have the life they had, na makapag aral pero hindi kaya dahil sa kakulangan. 

Ngayon ay si Adira na lang ang sasagot kaya nagsisimula na ako mag ayos ng gamit. Break kasi after ng klase na ito then two subjects pa tapos uwian na. We only have three subjects for today. 

"Ms. Tuazon. Please stand up," rinig kong marahan na sabi nito. Napairap naman ako sa narinig bago bumulong, na hindi ko namalayan na naririnig pala nila.

"Bakit kay Adira may Ms? May pa-please pa. Favoritism, ang pocha." 

Nakaramdam naman ako ng batok after sabihin iyon at nakangusong tumingin kay Adira, na ngayon ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. 

What?

"Excuse me, Chavez?" Tanong ni Miss Ferrucci animo'y hindi narinig ang aking sinabi pero lalo lamang ako napairal.

"Tamo," bulong ko bago ngumiti dito ng sarcastic, "Wala, Ma'am. Tuloy niyo lang po." Labas sa ilong konv saad bago nginitian si Adira ng nang-aasar.

Pinanlakihan lang naman ako nito ng mga mata bago ibaling na sa professor ang tingin. Nagsimula na kasi iyon magtanong.

Nagsimuls ng magsalubong ang aking kilay habang pinagmamasdan ang kaibigan ko ngayon. Hindi siya mapakali doon sa tayo niya at parang anytime ay matutumba siya kung hindi siya hahawak sa lamesa o sa pader.

Nawala ang tingin ko ng may pahabol pa na tanong si Miss pero mukhang ang dahilan nito ay ang malaman kung ano ang nangyayari dito.

She started to hold her head at napapikit na rin habang utal utal na itong nagsasalita. Kahit ang mga kaklase namin ay nag aalala na nakatingin sa kaniya.

Narinig ko naman ang paglapit ng professor sa aming pwesto. Now, they're having eye contact.

"I'm fine, okay?" Frustrated na sambit nito kaya napakunot ang noo ko. Ang tigas ng ulo niya. Kita naman na hindi siya okay e.

“Then, try to stand up," saad ni Miss habang nakapamewang. 

Napa buntong hininga na lamang si Adira bago gawin ang sinabi ng professor but she immediately sat down sa sobrang pagkahilo

“See, you’re not,” mahinang saad ni Miss before Adira loses consciousness. 

Nanlalaki ang mata na hinawakan ko ang balikat nito pero naunahan agad ako ni Miss at siya ang humawak dito. 

"Merda," she hissed bago ako tingnan, "Call your girl—," napatingin ito sa paligid bago napa buntong hininga, "Call Sidra. Adira needs her help. Now," utos nito bago tumayo at binuhat si Adira para siguro pumunta ng clinic. 

Ginawa ko din naman ang inutos nito at tinawagan si Sidra. She immediately answered, wala pang isang segundo.

[I know you're mad that I didn't text you early in the morning but let me explain—]

"Nasa clinic si Adira ngayon. She lost consciousness just a while ago and Miss Ferrucci asked me to call you," mabilis kong saad pero katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya.

[W-What? How—  just right now?] Her voice is now panicking. 

Naglabas ako ng kinakabahan na hininga bago tumango, "Yes. Adira needs your help, love."  










"It's a migraine. She didn't have enough sleep and also, she probably didn't eat breakfast and... its lunch time na," Sidra shook her head, "She probably will skip it again." 

Napailing si Sidra bago tingnan si Adira, "Adira has low blood and it's bad for her not to sleep early. Katulad niyan, sumakit ng malala ulo niya." 

Nanatili akong nakatingin sa kaibigan na tulog hanggang ngayon. Alam niya naman na low blood siya tapos ganiyan siya mag puyat. Matigas talaga ulo niyan ni Adira.

Miss Ferrucci sighed before looking at Sidra, "Thank you for coming. You should go, you two. Classes are suspended because of the typhoon," sabi nito at bumalik na kay Adira ang tingin.

"Paano kayo, Miss?" Tanong ko.

"We're going to be okay. I'll just wait until she wakes up then we're going home. You guys can go." 

Nagkatinginan muna kaming  dalawa ni Sidra bago mapagpasyahan na muna na sa professor. Medyo makulimlim na rin kasi tapos lumalakas na din ang hangin. 

Maya maya lang din ay nasa kotse na kami ni Sidra at nang makapasok kami ay narinig ko agad ang pagbuntong hininga niya. 

She looks guilty because of how she looks right now. Nangingilid ang luha at bahagyang kagat ang labi.

Nag aalala akong tumingin sa kaniya, "Ayos ka lang?" Hinaplos ko ang pisngi nito gamit ang hinlalaki na daliri. 

Hinawakan naman nito ang aking kamay at napangiti, "Yeah, I'm fine," she looked at me and smiled softly, "It's just that I feel guilty and sad." 

"About?"

"Adira. It's partly my fault why she's there," saad nito at napayuko.

"Adira is okay now. What made you upset?" Malambing kong tanong pero she just shake her head at tumingin na ulit sa akin. 

"I'm going to tell you later. Can we go now?" Tanong nito kaya nag aalala man ay tumango ako at hindi na binitawan ang isa niyang kamay.

Nanahimik lang kami buong byahe. May malungkot na ekspresyon pa rin kasi ito sa kaniyang mukha kaya hinayaan ko na muna siya nag muni muni. 

Dumaan pa muna kami sa isang convenience store, may bibilhin din daw siya. Parating na rin kasi ang bagyo at baka hindi na din kami makalabas ng ilang oras. 

Nasa parking lot na kami nang magsalita ito, nanatiling nakaupo sa driver's seat.

"Can you stay in my unit just for this night?" She hopefully says and I can't help but nod my head, "I just… really need someone right now. Adira won't talk to me." 

"Of course… of course. Anything for you," nag aalala kong saad. Her lips are now trembling kakapigil para hindi mailabas ang mga luha sa mata. 

I really don't know what's going on right now. I just hope it's nothing serious about them.

Continue Reading

You'll Also Like

266K 8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
266K 10.8K 43
Girl x Girl | Intersex Quinn Rae Gonzalez' Story Started: December 11, 2023 Finished: March 6, 2024
727K 26K 45
It's a gxg story so if you're homophobic feel free to ignore my story. Date started: May 17,2020 Date finished: July 2,2020
882K 29.4K 52
Prof x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #...