Unknown Connection (Completed...

By Zyreneiayo45

29.4K 834 16

(Vampire Active Series #2) There are group of kids that can make their world upside down. They are the second... More

Warning!
Synopsis
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Epilogue.
Special Chapter #1
Special Chapter #2.
Author's Note.

Chapter 10.

638 20 0
By Zyreneiayo45

Lavander’s POV.

“Bilisan mo naman kasi, Lavander!”

Sinamaan ko ng tingin si Elisha kahit na nakatalikod siya sa akin. Hinihila niya ako pababa ng hagdan kaya nagpatianod ako. Kaso nga lang ay parang excited siya sa paghihila sa akin kaya muntik na akong matisod.

“Sorry naman, ano? Muntik na kasi akong matisod sa kakahila mo!” Sigaw ko sa kaniya ngunit tinawanan lamang ako ng gaga.

Ewan ko ba sa babaeng ito. Ang aga-aga, hinihila niya ako. Pumunta kasi sa kwarto at ginising na naman ako. Ayaw ko pa ngang gumising dahil it’s just ten in the morning. Yes, ten! Five AM na ako nakatulog kagabi dahil kakaisip kung sino iyong lalaking kamukha ni Lucas. Mabuti’t pinaligo pa niya ako.

Bigla itong nawala kagabi kaya nagulat ako. Tinakasan ako ng bampirang iyon ng hindi man lang sinabi kung sino siya. Teleportation yata ang kapangyarihan no’n. Pero bakit hindi niya iyon ginamit noong tumakas siya sa akin, ‘di ba? He couldn’t have just ran and instead teleport, right? Parang sinadya niya talaga iyon. Nagtataka talaga ako kung bakit magkamukha sila ni Lucas. At parang pamilyar siya sa akin. Alam kong magkamukha sila ni Lucas but there is something. I feel like I've seen him before. Hindi ko nga lang alam kung saan.

Kumunot ang noo ko nang madaanan namin ang living room. May mga taong nagkalat doon at may kung anong kagamitan silang hawak. May nakita akong mga lights na nilalagay nila sa buong living room. Inaayosan nila ito. Kumunot ang noo ko dahil roon. Anong meron? Bakit nag-d-design sila? Is there a celebration na hindi ko man lang alam?

Nagtataka rin ako kung bakit may mga tao rito sa mansyon. No humans have ever entered this mansyon. Dahil siguro hindi kami nagpapasok kung sino-sino man. Kaya nagtataka nang ako kung bakit sila nakapasok dito. At hindi pa iyon, ha? They are designing our living room without me informing! Sinong nag-utos sa kanila na gawin ito?!

Nang makapasok kami ng tuluyan sa living room ay naabutan ko silang lahat na kumakain. Si Lucas at Evianna ay nagbabangyan na naman. Si Fiara ay sobrang liwanag ng mukha kakangiti, pati rin sina Tito at Tita.

“Oh, nandyan na pala si Lavander.” napatingin ako kay Ate Lisha na kakagaling lamang sa dirty kitchen habang may hawak na juice. Napatingin sa akin ang lahat na ikinataas ng kilay ko.

Nakita kong patalon-talon na naglakad si Elisha papunta sa upuang katabi ni Evianna upang umupo. Nagsimula na siyang manguha ng pagkain at sunod-sunod na sumubo. Iniwas ko ang tingin ko saka tumingin sa mga kasama naming nakangiting nakatingin sa akin. Huminto nga si Evianna at Lucas sa pagbabangayan upang tingnan ako at ngumiti. Pinanliitan ko sila ng mata. Anong meron sa ngayon? They look weird. Very weird.

“Good morning, my lovely niece! Halika ka rito at umupo. Take your breakfast para magkaroon ka ng lakas,” masayang anyaya ni Tito sa akin. Pinanliitan ko sila lalo ng mata. Kahit naman palagi itong nakangiti si Tito ay parang iba ito ngayon. There is something going on that I didn’t know.

Naglakad ako papunta sa upuang katabi ni Lucas na kaharap si Fiara na ngingiti-ngiti pa rin. Bakit parang hindi mapawi ang ngiti nitong babaeng ito?

Humalukipkip ako saka isa-isa silang tiningnan na nakangiti pa ring nakatingin sa akin na tila hinihintay ang sasabihin ko. “Okay. What's going on? Bakit may tao sa living room? Why are they designing? Akala ko ba bawal ang tao rito? Bakit sila nakapasok? And without informing me? At saka bakit parang may celebration? Did I forgot something?” at tinanong ko na talaga ang lahat ng katanungan na nasa aking isipan, walang pakialam kung marinig ng mga tao sa labas. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti nila na tila ini-expect na talaga na magtatanong ako. Tsk!

“Aray, Couz, ah? Hindi mo talaga alam?” umakting na nasasaktan si Fiara. May pahawak-hawak pa siya sa kaniyang dibdib, eh, nakangiti naman.

Kumunot ang noo ko. “Ang alin?” anong ibig niyang sabihin?

Tumawa si Lucas dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “Birthday kasi ni Fiara ngayon, Ate. Hindi mo alam?”

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Birthday ni Fiara?! “What?! Today?! No one told me!”

Nakita ko kung paano kinamot ni Lucas ang ulo niya sabay hilaw na ngumiti sa akin. “Nakalimutan ko yatang sabihin sa iyo?” patanong iyon.

Umirap ako saka humalukipkip ulit. Tiningnan ko si Tito. “And what about the humans outside? Bakit sila nandoon? Don't tell me we will going to celebrate it here?” I seriously said.

Nakita ko kung paano siya ngumisi sa akin. That makes me glared at him when I realized what his grin mean. “Kindam” he didn't even budge.

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya. “Tito! Alam kong maraming tao ang pupunta rito. You know that it's too dangerous, right? Kaya nga tayo hindi nagpapasok ng tao, hindi ba? Kaya nga medyo malayo itong mansyon na ito sa mga tao, hindi ba? You know why!” medyo galit kong ani.

Nahihibang na ba siya? What if may mga bampirang—no! Sigurado akong may pupunta na bampira rito. And I am pretty sure that some of them are a threat to the humans. Ayokong magkagulo rito! No! Not again!

“Alam ko, Lavander. I perfectly know. But my decision will not change. Dito mag-b-birthday si Fiara sa ayaw at sa gusto mo.” Natahimik ang lahat. Tumalim lalo ang tingin ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya saka nagsalita ulit. “Lavander, listen. Pinaghihinalaan na itong mansyon na ito ng mga tao. They are making stories about our mansion. Hindi mo iyon naririnig dahil wala ka namang pakealam doon. Lavander, we need to make them believe that we are like them. At saka anong problema kung mag-p-party tayo rito? Dahil ba sa nangyari eight years ago?” napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Narinig ko ulit na bumuntong-hininga siya. “Lavander, you need to move on. Walang mangyayari sa iyo kung hindi mo kakalimutan iyong nangyari. And don't worry, alam na alam ko kung anong mangyayari. There is a reason why I chose to celebrate here. Kaya ‘wag kang mag-alala. Everything is under control. Kung may aatake, I’ll make sure that it will be outside,” sabi niya.

”Fine! Do what you want!” tumayo ako. “I lost my appetite. Excuse me.”

Naglakad ako palabas ng dinning area. Narinig ko pang tinawag nila ako ngunit hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy lamang sa paglakad papalabas ng mansyon. Nadaanan ko pa ang mga taong napahinto sa ginagawa at napatingin sa akin at napanganga. I ignored them.

Nang makalabas ay napahinto ako nang maalalang wala pa akong dalang susi para mag-drive. I don’t want to go back inside just to get my keys. Mag-t-taxi nalang ako. Nang makasakay ay humalukipkip ako habang nakatingin sa labas. Kung gusto nilang mag-celebrate roon, edi sige! Kapag nagkagulo ay ‘wag na ‘wag nila akong masali-sali problema nila! Kung hindi, ibabalik ko sila sa nakaraan! Makikita talaga nila!

Biglang kumalam ang tiyan ko dahilan para mapahawak ako roon. Great! Gutom na ako! Tsk! Sa mall nalang siguro ako kakain.

                                 ***

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng aking pantalon. Kakatapos ko lang bumili ng regalo ni Fiara at kumain na rin ng breakfast. It is already quarter to one and it’s lunch, obviously. Hindi ko man lang namalayan ang oras sa kakahanap ko kung ano ang pwedeng iregalo sa pinsan ko. At hindi lang iyon, I bought clothes for myself.

Kaya ito, naglalakad ako sa gitna ng mall papunta sa isang restaurant malapit dito. Napahinto nga lang ako dahil nga may tumatawag. Hindi ko muna iyon sinagot at nagmamadaling pumasok sa restaurant . Nilagay ko ang mga paper bag sa isang upuan bago umupo sa kaharap no’n. Pangdalawahan lang na table ang pinili ko. Ako lang naman kasing mag-isang kumain.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan ang caller. I saw Lucas’ name on the screen. Ano na naman bang kailangan nito?

“Oh?” Bumgad kong nang sagutin ang tawag.

“Hoy, Ate! Saan ka na naman ba nagsusuot?! Kanina ka pa namin tinatawagan, eh, hindi ka sumasagot! Naglalayas ka ba?!” mabilis kong nailayo ang aking cellphone dahil sa lakas ng boses niya. Kung kaharap ko siya ngayon ay sasamaan ko talaga siya ng tingin at babatukan. Pasalamat siya’t hindi niya ako kaharap.

“Can you lower you voice? Ang sakit sa tenga! At ‘wag mo akong ma-hoy-hoy diyan, nakalimutan mo yatang Ate mo ako! And for your information, hindi ako naglalayas. Gumala lang ako kaya ‘wag kang OA!” iritang sabi ko sa kaniya. Hindi ako sumigaw ng husto dahil maraming tao ang nandito. Hindi ko alam kung bakit panay tingin sa akin ng mga tao, eh, wala naman akong ginawang nakakahatak ng atensyon nila. What's wrong with them?

Narinig kong tumawa siya. “Ikaw talaga, Ate. Ang seryoso mo palagi. Pero seryoso, ‘asan ka ba? Kanina ka pa namin hinahanap. Baka kasi hindi ka na babalik, birthday pa naman ni Fiara. Tell me where you are, I'll fetch you. Kailangan pa nating maghanda para mamayang gabi. We don't want us to look like we are having our normal night,” Ang OA!

Umirap ako. “Why do I feel like you meant something? Having our normal night? Really? Ganiyan ka kalandi?” tinaas ko ang aking kamay upang sabihin sa waiter na sandali nang lumapit ito sa akin at tinanong ang order ko. Kahit na nanindig ang balahibo sa boses ng waiter ay hindi ko siya tiningnan dahil nanatili ang atensyon ko sa aking kausap.

Tumawa ng malakas si Lucas. “Grabe ka naman sa ‘kin! Ang green minded mo! Hindi ko alam na ganiyan ka pala.” tumawa siya muli.

Umirap ako ulit. “Tumahimik ka, Lucas. I’m here at the mall. Sa favorite restaurant ko. Come here. Fetch me,” saad ko.

“Okay, okay! Bye! Labyuu!” sigaw niya sa kabilang linya.

“Alright. I love you too,” sabi ko bago binaba ang tawag. Even though hindi kami magkakasundo, we still tell each other that we love each other.

Huminga ako ng malalim saka nilingon ang waiter na nasa tabi ng lamesa. Biglang kumabog ang dibdib ko nang magkasalubong ang aming mata. Those gray eyes.

Naramdaman ko naman nararamdaman ko tuwing malapit ang lalaking palaging nagparamdam sa akin ng ganito. Is it him?

He is looking at me darkly na tila kaya niya akong patayin ng wala sa oras. “What’s your order, Ma’am?” ohh my god! Ang lamig ng boses niya. Sh*t! Anong nangyayari sa akin?

Napalunok ako saka sumagot. “‘Y-Yong best selling n-niyo.” Muntik na akong mapamura nang mautal ako. Ano ba, Lavander?! Keep it together! Huwag kang magpapaapekto!

“‘Yon lang?” masungit niya tanong. Napalunok ulit ako. Even though he is acting like that, he looks so handsome.

Yes, I can see clearly his face. Naalala kong siya iyon. Siya talaga iyon! Those sparkling gray eyes, his pointed nose, those thick eyebrows that can make him more masungit, his kissable lips that I already kissed—wait, what?! Am I fantasizing him?! No! No! No! Tumigil ka, Lavander! Hindi ka ganiyan!

“I—uh… juice?” patanong iyon. Kinamot ko ang aking kilay dahil sa aking naging sagot.

Tumango siya saka isinulat iyon sa hawak niyang notebook. He glanced at me once again. When he was about to walk away from me, I stopped him making him to look at me with eyebrow raised.

Tumikhim ako. “Uhm… i-ikaw iyon, ‘di ba?” pinaseryoso ko ang aking mukha kahit nautal ako. His eyebrow raised even more. “Ikaw iyong pumunta sa kwarto ko, ‘di ba?” um-oo ka, um-oo ka!

“Ano naman ngayon?” masungit niyang sagot na tila ba’y may galit sa akin. Parang nanggigigil nga siya sa akin. Pero imbis na ma-turn off ako, mas lalo akong humanga sa kaniya.

“W-Why did you do that to… m-me?” namula ako ng kaunti dahil sa aking katanungan. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon niya. Bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. Oh my gosh. Ang gwapo. Narinig ko pang may tumiling kababaehan dito sa loob. “I-I mean…” tumikhim ako para mawala ang bumara sa aking lalamunan. “Hindi kita kilala at wala tayong relasyon, ngunit ginagawa mo sa akin iyon. Hindi ba’t hindi pwede iyon?” namula lalo ang aking pisnge. Sige, tanungin mo pa! Nakakahiya ka!

Ngumisi siya lalo saka nag-bend para mapalapit ang kaniyang mukha sa akin dahilan para mapahawak ako sa lamesa saka sa sandalan ng umupo. Nilayo ko ng kaunti ang mukha ko sa kaniya at napalunok. “Bakit ko naman hindi gagawin iyon?” napalunok ako nang ilapit niya ang mukha niya sa aking tenga. Panay lunok ko nang maramdaman ang hininga niya sa aking tenga. Oh my—help me! “Are you sure na wala tayong relasyon? Probably, no, ‘cause you don’t know anything. But when you find out the truth, you will cry and hungry for me.” Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang sinabi niya gamit ang napakalamig ngunit mapanghina niyang boses. Lalo na noong hinalikan niya ang aking tenga at naglakad palayo sa akin.

Napakurap-kurap ako nang mag-sink in sa akin ang lahat ng sinabi niya.

 

 

Anong ibig niyang sabihin?

Wala ako sa sarili nang makaalis siya. Kahit noong dumating ang aking pagkain ay wala pa rin ako sa sarili. I kept on looking at him while he was listing the orders of the customers on the other table. Hindi ko siya nilulubayan ng tingin kahit mukha akong baliw rito. Alam kong alam niya na nakatigtig ako sa kaniya ngunit hindi niya ako nililingon. But I can see he is smirking.

Does he work here? Well, it is obvious. Pero bakit siya nagtatrabaho? Hindi na ba nag-aaral? Is he poor? Wala ba siyang pangtustos araw-araw? But why do he look like a rich kid? He looks expensive. At akala ko ba nasa café siya nagtatrabaho? Lumipat?

Napatingin ako sa mga babaeng nakatunganga sa kaniya ngayon. He is on their table, probably listing their orders too. Napasimangot ako nang makitang halos tumulo na ang laway ng tatlong kababaehang nasa harapan niya. Para yatang luluhuran na nila si—wait… what’s his name? Basta! Parang luluhuran na siya ng mga ito kahit wala siyang sinasabi. Inilibot ko ang aking paningin. Napasimangot ako lalo nang makitang lahat ng babae rito ay nakatingin sa kaniya at nakanganga na tila naghuhuban ito sa kanilang harapan. May ipit pang tumitili. Kahit nga may edad na ay nakatigtig sa kaniya. Ang ibang waitress naman ay namumula habang panaka-nakang tumitingin sa kaniya habang naglilista ng orders ng ibang customer. Halos hindi nga sila makalakad ng sakto. May nabangga nga sa pader. Napairap ako. Mga malalandi! Akin ‘yan—wait… no!

Nang makaalis siya patungo sa employees room ay mas lumakas ang bulungan ng mga kababaehan dito na tila ba’y nakakita sila ng nakakamangha o hindi kaya issue. Tsk! Mga malalandi talaga!

“Oh? Bakit nakasimangot ka riyan?” napatingin agad ako sa nagsalita. Nakita ko si Lucas na pangisi-ngising nakatingin sa akin. Paano hindi ngingisi iyan, eh, nagtitilian na naman ang mga babae habang nakatingin sa kaniya. Halos sambahin na nga siya ng mga ito.

Hindi ko naman mapapagkailang gwapo itong kapatid. Kaso nga lang ay buang, nakaka-turn off ‘yon. Ngunit mas gwapo ‘yong lalaking iyon keysa sa kaniya. Si Lucas, he has this handsomeness na pang-bad boy type. In short, red flag. Iyong lalaki naman ay parang dyos ang kagwapuhan, cold, at masungit. Ngunit hindi mapagkailang nakakahatak siya ng atensyon ng lahat. He looks like a freaking god. Kaso nakakatakot nga lang tumili ng malakas kapag nasa harapan mo siya dahil parang kukunan ka niya ng buhay kapag ginawa mo iyon. Kaya siguro mahinang tumitili ang mga babae, ngunit sa mukha nila ay gusto nilang angkinin ang lalaki. In there dreams!

Inirapan ko si Lucas saka nagpatuloy kumain. “‘Wag mo akong guluhin, Lucas. Wala ako sa mood.”

“Woah, easy! Masyado ka namang hot. Palagi ka nalang seryoso sa lahat. Chill!” sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapataas siya ng dalawang kamay saka lumaki ang mata na tila namamangha. Tumawa siya. “Chill ka lang, Ate! Para ka namang nagseselos sa kung sino.” Inirapan ko siya ulit.

I'm not!

                                  ***

“Wow! Ang ganda naman ng Ate ko! Sheyt!”

Inirapan ko si Lucas nang makababa ako ng grand staircase raw namin kuno. Eh, kahit naman mataas itong hagdanan namin at malaki ay wala namang ka-grand-grand doon. Normal na hagdanan pa rin naman siya na araw-araw naming ginagamit! Ang sabihin nila, pa-sosyal lang sila.

I am wearing a dark blue off shoulder backless gown and dark blue 3 inches heels. Naka-ipit itong front hair ko sa likod ng aking ulo at may hiblang natira sa harapan, nakalugay ang nasa aking likuran. I am also wearing a white pair of earrings and a necklace. Naka-light make up lang ako kaya hindi ako masyadong naaasiwa. I look like a freaking princess right now.

Hindi ko alam kung bakit pa kami nag-susuot ng ganito. Eh, wala naman kami sa ball. It's just a birthday celebration for goodness sake! Pero parang coronation itong nangyayari. I didn’t expect myself to wear this kind of clothing. Hindi ako sanay! Gosh! Pwede naman kasing simple lang ang celebration. Pero tinudo talaga. Well, Fiara is a princess in our world and her parents is the queen and king of one of the kingdoms. Kahit na alam ko iyon, hindi ko pa rin gusto ang nangyayari. Pero napilit nila ako. Tsk!

Tumabi ako sa tabi ni Lucas na ngayon ay ngisi-ngisi nakatingin sa mga bisitang halos lumuwa na ang mata kakatingin sa paligid na tila ngayon lang nakaranas ng ganitong theme. Well, hindi nga lang lahat.


“Now, let’s welcome our star for this night! The beautiful, the gorgeous, and the lovely celebrant, Fiara Jazmine Crowther!” at nagpalakpakan ang lahat.

We saw her walking down the stairs with her pink tube gown. Naka-bun ang waivy niyang buhok na namana niya sa kaniyang ina. May kaunting hibla ng buhok na nakabagsak at alam kong sinadya. Naka-light make up lang siya at may tiara siya sa kaniyang ulo. She looks like a real princess. I mean, she is a real princess.

Nang makababa siya ay agad namin siyang binati. I hugged her then greeted her too. She said, thank you.

Nagsimula na ang totoong party. Kumain na rin ako sa table kung saan narito ang pamilya ko. May kasama sila na hindi ko kilalang mga tao. They are wearing gowns and tuxedo too. Ang babata nilang tingnan but I know they are old. I can smell that they are vampires. They are wearing crowns and something. There are four of them. And you know what? They are staring at me like I am some kind of amazing thing. Paano ba naman kasi, nakanganga silang nakatingin akin at namamangha na tila hindi makapaniwala. Kahit nagtataka ay hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

“Kids, I’d like you to meet my friends. Your Titas and Titos.” Nabaling ang atensyon namin kay Tito knox nang magsalita siya. “This is Adrian Molve and kapatid ng Mommy mo Fiara and this is Aubry Molve, his wife. She is actually my cousin. She is a half Crowther.” Nagbatian sila ngunit nanatili akong seryoso habang nakatingin sa kanila. Tumikhim si Tito dahil sa reaksyon ko. “And this is Craven Vera and his wife, Crizel Vera.” Hindi ko pa rin sila binati gaya ng ginawa nila Lucas. Wala akong pakealam sa kanila kahit kamag-anak ko man sila. They are just wasting my time.

They looked at me amazingly na tila ba ay may nagawa akong nakakamangha. I just ignored them then continue eating. Hindi naman nila ako pinilit at nag-uusap na lamang.

Minutes past ay tumayo si Lucas upang aalis. Ako naman ay pumunta sa CR malapit sa kitchen. Nang makalabas ay napag-isipan kong pumunta sa backyard, since wala namang tao roon, for sure. Dahil nandito silang lahat.

Naglakad ako papunta roon. Kumunot ang noo ko nang may marinig akong daing sa labas. Dahil sa pagtataka ay mabilis kong tinulak ang pintuan at lumabas. Bumungad sa akin si Lucas na pinupugutan ang ulo ng isang bampira. Pero nanlaki ang mata ko nang makitang may isang bampira may dalang espada sa likod ni Lucas. Hindi niya iyon siguro naramdaman dahil busy siya sa pagpugot ng ulo.

Kahit nahihirapan ako sa aking suot ay mabilis akong tumakbo papunta sa likod ni Lucas at mabilis na pinigilan ang patalim ng espada nang kalaban. Nakita kong dumugo ang aking kamay ngunit hindi ko iyon pinansin. Mabilis kong inagaw sa kaniya ang espada at mabilis iyong tinarak sa kaniyang puso dahilan upang mamatay siya at maging itim na abo.

“Sh*t, Ate!” pinaharap ako ni Lucas. Nag-alala itong tumingin sa aking kamay na ngayon ay patuloy pa rin sa pagdurugo. Kinuha niya sa akin ang espada at tinapon iyon kung saan. “Sh*t! Pumasok na tayo, Ate! Kailangan kang magamot! Ang lalim ng sugat mo, sh*t!” nakatingin pa rin siya sa kamay ko.

Agad niya akong hinila. Pero pinigilan ko siya. “Anong kailangan nila?” tanong ko sa kaniya. Kahit

“Hindi ko alam! Basta sinugod nila ako at hinanap ang nagngangalang Yeron Bry Vera! Kaya halikana! Ipapagamot na natin ang sugat mo!” sigaw niya saka walang pagdadalawang isip na binuhat ako at tumakbo papasok. Hindi ko siya pinigilan kahit ang OA niya.

Yeron Bry Vera? Sa pagkakaalam ko’y Craven Vera ang nakilala ko? Sino si Yeron Bry Vera?

______________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 406 27
Isang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, ku...
342K 16K 139
Five hundred years ago, in the full blossom of the impeccable beauteous blood moon, a majestic vampire broke a momentous rule. A historic behest wher...
10.9K 414 25
Castle Vania Dynasty kung saan nakatira ang mga bampira, ngunit may isang nilalang na nakapasok sa mundo nila, mundo kung saan mag kagalit pa ang mga...
1M 31.6K 35
Monica Agapito. Simpleng babae, simpleng tao. Ang babaeng ngiti lang ng ngiti kahit nahihirapan. Ang babaeng mahilig kumain kahit na hirap kumita ng...