AFTER THE MOVIE

By HoneyGo1

19.7K 819 1.7K

A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia... More

The Blurb
Prologue
Chapter 1: Cope
Chapter 2: T.A.N.G.A
Chapter 3: Fallin'
Chapter 4: Narda n'yo friendzoned
Chapter 5: Regina homokojic era
Chapter 6: Got to be real
Chapter 7: Little steps towards realization
Chapter 8: Distansya o disgrasya
Chapter 9: Okay na sana pero...
Chapter 10: Mas mainit ang yakap kaysa kape
Chapter 11: Exclusive contract
Chapter 12: Expect the Unexpected
Chapter 13: What happens after the movie ends?
Chapter 14: 6 years after the movie
Chapter 15: Special Treatment
Chapter 16: TOTGA
Chapter 17: It's not what it was
Chapter 19: Confusion
Chapter 20: Demon of the past
Chapter 21: Narda natagpuang tanga
Special Chapter ft. Chapter 21
Chapter 22: Dare
Chapter 23: Hate baby
Chapter 24: Nakakabuo pala ng anak ang Jack Daniels
Chapter 25: Balikan na ba this?
Chapter 26: Hindi pa rin daw sila bati
Chapter 27: Hindi nadadaan sa landian ang pakikipagbati
Chapter 28: Abrupt decisions
Chapter 29: Nakakaramdam din pala ang bato
Author's note
Chapter 30: Seducing Regina
Chapter 31: What is a date with Narda without sex?
Special Chapter ft Chapter 31
Author's note
Chapter 32: Narda n'yo nambabakod
Chapter 33: She fall first, she fell harder
Chapter 34: Trip to Vietnam gone wrong
Chapter 36: Ang gago mo, Jameson. Pakyu!
Chapter 37: Narda boang
Chapter 38: Nakakagaga na talaga!
Chapter 39: Ano ba dapat title nito? Pagod na rin ako mag-isip gaya ni Regina
Chapter 40: Practice throwing lines (landian edition)
Chapter 41: Last wish
Chapter 42: Coming out
Epilogue

Chapter 18: Bruises of the past

321 18 24
By HoneyGo1

"Ding, I can't. Ang dami ko pang dapat gawin dito sa Manila. Sabihin mo kay lola next year na ako uuwi."

"Next year? Ikaw nalang ang magsabi, te. Ayokong madamay no. 'Pag ikaw pinuntahan talaga d'yan ni lola, lagot ka."

"Eh bakit? Sa palagay mo ba mas importante pa ang anniversary nila kaysa sa mga trabaho ko dito sa Manila? Andyan ka naman, Ding. Igala mo nalang. Bibigyan kita ng pera."

"Mas importanteng hindi ka mapingot ni lola, te. Sinasabi ko sa'yo, 'di mo magugustuhan ang gagawin n'ya 'pag sinabi kong hindi ka na naman uuwi. Ate, 6 years ka ng hindi nagpapakita sa amin dito. Miss na miss ka na ni lola't lolo. Alam mo namang dahilan n'ya lang 'yang anniversary nila ni lolo para umuwi ka dito. And she warns me na kapag hindi ka pa din uuwi bukas, susunduin ka na n'ya d'yan sa Manila. Pag-isipan mo, te. Sige bye."

Nahilot nalang ni Narda ang batok matapos ang pag-uusap nilang 'yon ni Ding sa phone. Nasistress na nga s'ya sa presence ni Regina sa opisina, masisistress pa s'ya lalo sa lola n'ya.

"6 years."

6 years na s'yang hindi nakauwi sa kanila. 6 years na s'yang detached sa mga mahal n'ya sa buhay and that's because of one person. Regina Vanguardia.

She dialled Regina's number. "I need you here in my office right now." Kaagad n'yang sabi ng sinagot nito ang tawag. Hindi na rin n'ya ito hinintay pang sumagot bago inend ang call.

"Yes, ma'am Narda? May kailangan ka?" Kaagad nitong tanong pagkapasok sa opisina n'ya.

"I need you to buy me a gift for my lolo and lola's wedding anniversary tomorrow. Get the fund from my secretary. Ikaw na ang bahalang mamili ng gift para sa kanila."

Tahimik lang ito at wari'y naghihintay pang may sabihin s'ya.

"I'm taking you to the province with me tomorrow. We might stay for a night there too. So take the day off, ayusin mo ang mga dapat mong ayusin at hihintayin kita sa bahay bukas ng maaga. I have to run some errands before we go to the province."

"Copy that, ma'am. May iuutos ka pa ba bago ako umalis?"

"Wala na. Bukas mo nalang din dalhin 'yong gift. Pwede ka ng umuwi."

Tumango lang ito saka wala ng paalam na lumabas ng opisina n'ya.

"Don't give me that bullshit, Vanguardia! Ikaw at hindi ako ang may kasalanan sa nakaraan kaya ganito tayo ngayon. Sa ating dalawa, ako lang ang may karapatang magtampo at hindi ikaw!"

Inis n'yang sabi habang nakatitig sa nakasarado ng pinto.

Regina has been like this to her eversince their confrontation about Regina living a lowlife.

Ilang linggo na silang ganito. Nakasunod lagi ito sa kanya kung saan s'ya magpunta. Tagabitbit ng mga gamit n'ya kung may show at kung namimili sa mall. Tagabantay kapag lumalabas s'ya sa gabi para magparty. Tagaalalay kapag nalalasing s'ya. Tahimik lang nitong sinusunod ang mga utos n'ya, nagtatanong kung may hindi naiintindihan at sumasagot lang din kapag kinakausap. But they never have a real conversation nor any argument. Nag-eexist sila pareho sa iisang lugar pero hindi sa buhay ng isa't isa.

                 ________________

"Lolo! Lola! Happy anniversary po." Kaagad s'yang nagmano sa matatanda at ibinigay ang regalong pinabili n'ya kay Regina kahapon.

Tahimik lang na nakasunod si Regina sa kanya.

"Buti naman at nakaalala kang umuwi." May pagtatampong sabi ng lola Berta n'ya.

"Sa wakas nauwi din ang paborito naming apo. Kamusta ang byahe, mga hija?" Nakangiti namang bati ng lolo Rolando n'ya.

"Ayos naman po, lo."

Nagulat s'ya ng imbis na s'ya ang yakapin ng lola n'ya, dumiretso itong yumakap kay Regina.

Parang may ibinulong pa ang matanda dito, na s'yang sinagot din ni Regina ng pabulong.

Tumikwas ang kilay n'ya dahil doon. "Pakidala ng gamit ko sa kwarto. 'Yong nasa pinakakanan pagpasok mo ng pinto." Utos n'ya rito.

"Sige po, la. Mamaya nalang po ulit." Paalam ni Regina sa matanda saka binitbit ang mga gamit ni Narda.

"Saan nga pala ako magsistay, ma'am?" Tanong nito bago pa humakbang papasok ng bahay.

"Saan pa? Eh 'di sa kwarto ni Narda. Tabi na kayo, hija." Sagot ng lola n'ya.

"No!" Napalakas yata ang sigaw n'ya kaya napatingin sina lolo Rolando at lola Berta sa kanya.

"I mean, pwede naman siguro s'ya doon sa kubo natin sa likod. Maayos pa naman 'yon, 'di ba? Hindi kasi ako sanay matulog ng may kasama sa kwarto."

"Sira na ang kubo sa likod bahay, apo. Matagal na. Hindi rin magandang ugali na sa kubo mo patutuluyin ang bisita mo."

"Hindi ko s'ya bisita, lo. Assistant ko po." Paliwanag n'ya.

"Sa sala nalang po ako, kung okay lang." Sabad naman ni Regina.

"Hindi! Tabi kayong matutulog sa kwarto ni Narda, Regina." Tutol ng lola nito.

"Pero, la."

"Bahay ko pa rin ito, Narda. Ako ang masusunod. Hala sige, pumasok na kayo't magpahinga. Tatawagin ko nalang kayo kapag oras na ng hapunan."

Nagpatiuna ng pumasok sa loob ng bahay ang matatanda.

"I shouldn't have brought you here." Sabi n'ya lang saka padabog na sumunod sa dalawang matanda.

Naiiling na binitbit nalang ni Regina ang mga gamit nilang dalawa ni Narda.

                   ______________

"Ate Regina oh. Lalagyan kita nito sa plato ha?" Tumango naman ito at hinayaan lang si Ding na lagyan ng nilasing na hipon ang pinggan nito.

"Ito din, apo, masarap 'to. Sinaing na tulingan. Luto ko." Inabot ng lola Berta n'ya ang mangkok dito.

"Mamili ka lang ng gusto mong kainin, hija. Marami pang putahe d'yan sa mesa. Huwag kang mahiyang kumuha. Gusto mong ipaghimay kita ng hipon?" Tanong din ng lolo n'ya na kay Regina din nakatingin.

"Okay na, lo. Thank you. Ding, lola, thank you. Kaya ko na po. Ikaw ma'am Narda? Gusto mong ipaghimay kita ng hipon?"

"This is great. Akala ko ba pinauwi n'yo ako dito dahil namiss n'yo ako? Bakit parang si Regina pa 'yong nagmumukhang family member kung itrato n'yo? First time nga lang ng babaeng 'yan dito. Saka bakit ang bait-bait n'yo sa babaeng 'yan eh alam n'yo naman ang history namin? Alam n'yo kung gaano ako nasaktan dahil sa kanya. Kung ano ako ngayon, dahil sa kagagawan n'ya 'yon." Hindi n'ya mapigilang bulalas.

Napikon s'ya sa nakitang pag-aasikaso ng pamilya sa babaeng kinaiinisan n'ya.

Uminom lang s'ya ng tubig saka tumayo na. Ni hindi n'ya tinapunan manlang ng tingin si Regina.

"Pasensya na sa mga nasabi ko. Busog na po ako. Sa garden lang ako kapag may kailangan kayo sa akin."

Dumiretso s'ya sa garden set pagkalabas ng bahay at nagsindi ng yosi habang nakatitig sa kawalan.

Nabigla naman s'ya ng hinablot ni Regina ang yosi mula sa kamay n'ya.

"Bad for the lungs."  Sabi lang nito habang pinapatay ang sindi ng sigarilyo n'ya.

"Tss! Pakialamera."

Bubunot pa sana ulit s'ya ng yosi ng kunin nito lahat.

"Sabing masama 'yan sa lungs eh. Saka tapusin mo nga 'yong pagkain mo. Ako na ang mag-aadjust. Dito na muna ako hanggang matapos ka."

"Nawalan na ako ng gana. Pumasok ka na."

Tahimik lang ito pero ni hindi ito gumalaw manlang sa kinatatayuan.

"I said mauna ka na. Susunod ako."

"I'm sorry kung mas napansin pa ng family mo ang presence ko kanina. Hindi ko sinasadyang mapunta sa akin ang attention nila."

Mukhang hindi talaga s'ya titigilan nitong si Regina pero pagod s'ya at wala s'yang lakas na makipagbangayan dito ngayon.

Tinalikuran nalang n'ya ito at pumasok na sa kwarto.

Napansin n'ya ang inilatag nitong mattress sa lapag.

"You told them you're not comfortable na may katabi sa kama. And ayokong mapagalitan ka din ni lola if ever matutulog ako sa sala. So I figured out na dito nalang ako sa lapag matutulog. Promise, I won't make any noise to disturb your sleep. You won't feel even the slightest of my presence."

"I know. D'yan ka naman magaling eh. 'Yong hindi ka nalang magpaparamdam bigla. 'Yong wala manlang pasabi na aalis ka pala. 'Yong bigla ka nalang mang-iiwan without any trace."

"Nard-..."

"Matulog na tayo. Maaga pa tayong aalis bukas. Nagsayang lang ako ng oras sa pag-uwi dito."

                  ______________

Binalot ng katahimikan ang kwarto kung nasaan silang dalawa. Halatang kapwa gising pa at nagpapakiramdaman lang.

"Alam mo ba kung bakit kita dinala dito sa probinsya? Kasi gusto kong makita mo ang pamilyang muntik ng masira dahil sa'yo."

Wala s'yang nakuhang sagot mula rito.

"Kita mo 'yong ngiti ng pamilya ko kanina, Vanguardia? For sure hindi ko na nakita pa ang mga ngiting 'yon ngayon sakaling hindi ako nakabangon mula sa pagkakalugmok ko ng dahil sa'yo."

"I know nasaktan kita in the past, Narda. Pero hindi ibig sabihin n'on na ikaw lang ang nasaktan. I wanted to explain everything pero sarado ang isip mo, ni ayaw mong makinig."

"Bakit pa? Magsasayang lang ako ng oras para makinig sa mga kasinungalingan mo, Vanguardia. If ever man na may sabihin kang totoo, hindi ako sure kung saan banda o kung ilang porsyento ang totoo."

"I never lied to you, Narda. Itinatak mo lang sa isip mong nagsisinungaling ako."

"Tama na, Regina! Pagod na ako. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako kapagod. Bumalik ka pa kasi! Bumalik rin tuloy lahat ng sakit na nararamdaman ko noon."

"Unintentional ang muli nating pagkikita, Narda. If I had to choose, hindi ko gugustuhing maranasan 'tong ganitong trato mo sa 'kin ngayon."

"Bakit? Akala mo ba kapag bumalik ka, magiging okay na lahat? Namili ka na in the past, Regina. Last option mo ba ulit ako kaya ka nandito?"

"I just needed my showbiz comeback and the salary you're giving me kaya kita hinahayaang tratuhin ako ng ganito. I have much more important things to attend to than having to deal with unfinished businesses from the past. And if ikatutuwa mong makitang nahihirapan ako, so be it. If you think deserve kong masaktan ng sobra, sige lang. And if ito ang way mo para bawian ako sa nagawa ko sa nakaraan, go lang. It won't stop me from aiming for a better life. Hindi lang ako ang may kailangan nito, Narda. And if it's too much for you to help me. Forget it. Salamat nalang sa lahat. I've had enough of this shit."

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 252 36
Winter Kim - a grade 12 student, had a huge crush on a famous student in SM University named Karina Yoo.
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
181K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...