Waves of Destruction (Z Serie...

By CursedExpensive

167K 5.4K 1.9K

The Zambales Series is the first girl x girl series I will write, this is contain three books. ... More

WAVES OF DESTRUCTION
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Epilogue
Announcement

Kabanata 19

3.3K 103 48
By CursedExpensive

Bla bla bla

-------------------------------

Gael Isabel's Point of View


Naglalakad kami ni Priscilla sa hallway patungo sa kanilang outdoor garden, may garden din naman sila sa loob ngunit dito ko siya dinala.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong sa akin nito.

Mahigpit ang kapit niya sa akin dahil na rin wala siyang makita, ako lang ang umaalalay sa kaniya dahil ang mga palad ko at kamay ay tinatakpan ang kaniyang mga magagandang mata.

“Basta,” tanging sagot ko.

Nakangiti lamang ako, habang hawak ang pulsuhan nito at ang kaniyang baywang. Kunting kamali ko lang ay pwede na siyang matumba. Matutumba siya oras na bitawan ko siya habang nangangapa sa dilim, ngunit bakit ko naman gagawin iyon?

Ingat na ingat ako sa bawat hakbang ko at sa kaniya, bakit ko siya hahayaan na matumba kung naririto naman ako para umalalay sa kaniya.

“Bakit tayo nasa labas?” Tanong nanaman sa akin ni Priscilla, dahil na rin siguro naramdaman na niya ang lamig sa garden.

“Basta,” hindi naman nagbago ang sinagot ko sa kaniya.

“Basta? Again? Psh.” Naka-angat na ang labi nito, naiinis dahil sa paulit-ulit na sagot ko sa kaniya.

Natawa naman ako sa ganoong reaksyon niya, mabilis lang kasi itong maubusan ng pasensya kaya ganito. Moody nga kasi ito, okay lang naman kanina pero biglang magsusungit after.

Nang makarating na kami sa aming destinasyon ay siya naman na sumenyas sa akin ang mga kaibigan nito, pumwesto sila sa kani-kanilang mga toka. Naririto rin ngayon si tita Laura, pinapunta ko siya rito dahil siya ang malapit kay Priscilla.

Sa una ay nagtataka pa si tita, pero in the end ay wala naman siyang nagawa dahil kinausap din siya nila Heather, Anton, at Guadalupe.

Hindi na 'ko nagulat pa noong magkakilala sila, hindi naman kasi iyon posible dahil matagal si Tita Laura sa mansyon ng mga Castellanos.

“1. . . 2. . . ” bilang ni Anton, binabanggit niya iyon ng walang boses.

Ako naman ay umayos din, nagre-ready para sa pag-alis ko sa aking kamay sa kaniyang mga mata.

“Three!” Sabay-sabay na sigawan nilang lahat, mabilis ko naman na inalis ang kamay ko sa kaniyang mga mata.

Kunot ang kaniyang noo, pumikit-pikit pa ito dahil ina-adjust niya ang kaniyang mata sa maliwanag na paligid. Noong ayos na ito ay nagtataka naman itong tumingin sa paligid, tumingin din siya sa akin at mas matagal iyon.

Malapad akong ngumiti sa kaniya, halos parang mapupunit na ang labi ko dahil doon. Humawak ako sa braso niya, muli siyang tumingin sa paligid.

“Happy birthday, Miss Deadpan!”

“Priscilla, wala ka na sa kalendaryo!”

“Happy birthday!”

“Happy birthday, Lady Priscilla!”

Samo't saring mga bati nila kay Priscilla, naka-poker face lang ito noong tumingin siya sa akin.

“Happy birthday, Lady Priscilla,” bati ko rin sa kaniya, ang nakasimangot niyang mukha ay mas sumimangot pa dahil pagtawag ko sa kaniya. Ngumiti naman ako sa kaniya, umaaktong wala akong naiintindihan sa mga tingin niya.

Psh,” tanging lumabas sa kaniyang bibig.

“Tumulong ako ritong mag-decorate. . . Priscilla.” Pagpapaalam ko sa kaniya, pabulong ko namang binanggit ang kaniyang pangalan.

Muli naman siyang tumingin sa mga decorations, mas pinagtutuunan na niya ang lahat sa paligid namin ngayon.

“Really?” Tanong niya sa akin, muling binalik sa akin ang kaniyang paningin.

Sinagot ko naman siya sa paraan na tinaas ko ang aking kilay, isang may kalawakang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Tuloy ay napangiti na rin ako, nahawa ako sa kaniya.

Tumingin naman siya sa aming paligid noong may mapansin, sinundan ko naman iyon. Lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa, dahan-dahan naman akong lumingon sa aking katabi at kitang-kita ko ang mabilis niyang pag-alis sa kaniyang malawak na ngiti.

Tumikhim si Priscilla at inayos ang kaniyang buhok kahit hindi naman ito magulo, pilit akong ngumiti sa kanila at nagkamot ng ulo.

“Are you not upset?” Tanong ni Heather sa kaniyang kaibigan.

Hindi nila inaalis ang kanilang mga paningin sa aking katabi, mukha ngang inaasahan nilang magagalit ito. Sa mga itsura nila ay tila noong una pa lang ay iyon na ang inaasahan nila, hindi ang kung ano ang ekspresyon ngayon ni Priscilla.

Puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha, nakakatawa nga iyon dahil hindi nila alam na ako ang dahilan kung bakit hindi siya galit.

Sobrang chill kasi nito ngayon, inosente lang siyang nakatingin sa paligid at pinapanood ang malaking screen na ang nakapaloob ay mga kanta lang naman.

Magpa-salamat kaya sila sa akin? Kung alam lang nila.

Lumingon si Priscilla sa kanilang lahat, ang palihim na nagpangiti sa akin ay ang ginawang pagtataray ni Priscilla sa kanilang lahat. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay, umirap din ito agad.

Habang nasa ganoon kaming sitwasyon ay ang paglakad naman ni Miss Margaret papalapit sa kaniyang nag-iisang apo, naka-ngiti ito at kaya pa naman nitong maglakad.

“Happy birthday, darling.” Bati nito sa apo.

“Lola,” sagot naman ni Priscilla.

Mula sa pwesto ko ay nakita ko ang pagtigil panandalian ni Miss Margaret, nakita ko rin si Madam Rosario at Tita Laura na natigilan. Ngunit halata ngang magkaibigan silang tatlo, napansin kasi nilang nakatingin ako sa kanila.

Pinagpatuloy ni Miss Margaret ang paglapit sa kaniyang apo, si Tita at Madam Rosario naman ay binaling na lang ang atensyon sa mga pagkain na nasa mesa at inayos ang mga iyon.

“I thought you're in Cebu?” Tanong ni Priscilla sa kaniyang lola.

“Rosario called me,” hinawakan ni Miss Margaret si Priscilla sa baywang, “she informed me about the surprise.”

Sinimulan ko nang lumayo sa kanila dahil nagsimula na silang mag-usap at mag-kwentuhan, sino naman ako para makinig at makisali sa bonding nilang mag-lola hindi ba?

Birthday ng apo ni Ms. Margaret, may karapatan siyang ubusin ang oras kasama ang nabubuhay niyang apo.

Nagsisimula na silang mag-ingay, kinuha rin nila sa tabi ko si Priscilla at sinali nga nila sa kulitan nilang lahat. Tapos na kaming kumain, kaya naman hyper na silang lahat ngayon.

Ewan ko ba, iyong mga kapwa ko kasambahay ngayon ay siya namang nag-iinuman, pinagbigyan silang uminom ngayong gabi at bukas naman ay ayos lang naman na humilata lamang sila dahil nga lasing. Kasama na sa table na iyon ay si Kristopher, nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.

Walang iba ang nag-utos sa kanilang gawin iyon bukod kay Miss Margaret.

Habang pinapanood ko naman sila ay nakita ko si Miss Margaret na naglalakad patungo sa kung nasaan ako, umupo siya sa tabi ko noong makalapit ito.

May ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanilang lahat, sinundan ko naman tingin niyo dahil sa matamis nitong pagkakangiti. Pinapanood niya ay walang iba kundi si Priscilla, na kumakanta kasama ang mga kaibigan.

“Thank you,” out of nowhere, Miss Margaret said that.

Tumingin ako sa kaniya because of curiosity, iniisip ko kung ako ba ang kausap niya o hindi. Hindi ito nakatingin sa akin noong tumingin ako sa kaniya, kalaunan ay tumingin din ito sa akin.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya, hindi lang labi niya ang masaya kundi pati na rin ang mga mata nito.

“Po?” Nagtatanong kong tugon sa kaniya.

“Thank you, Gael,” ulit niya, ngunit ngayon ay kasama na ang pangalan ko.

“Para saan po?” Inosente kong tanong sa kaniya. I have no clue kung ano ba ang sinasabi niya, wala akong ideya.

“Thank you for making my granddaughter back to herself,” wika niya.

After niyang sabihin iyon ay hinawakan naman niya ang kamay ko, na ngayon ay nasa hita ko. Hinaplos niya iyon, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay natuwa ang puso ko.

May parte sa akin na natutuwa, kahit na hindi ko pa naman alam ang pinaka-punto ni Miss Margaret.

“Hindi ko po maintindihan. . .”

“She was just 11 years old the last time she called me lola,” sa paraan na sinabi niyang iyon ay napagtanto ko, kung ano ba ang tinutukoy niya at nais iparating sa akin.

Naiintindihan ko na rin kung bakit naging gano'n ang reaksyon nila, noong mga oras na tinawag ni Priscilla si Miss Margaret na lola. Iyon ay dahil hindi na niya ito tinatawag na lola, ngayon na lang ulit.

Kaya pala ganoon sila kanina.

“Pero hindi niyo naman po ako kailangan pasalamatan, b-baka po ay gusto lang po talaga niya kayong tawaging lola. . .” pilit ko naman tinatanggi, na ako ang dahilan no'n.

Wala naman akong ebidensya, hindi rin naman kami sigurado kung gano'n nga ba talaga iyon o iyon ba talaga ang totoo.

Ngunit umiling ito sa harapan ko at mas hinigpitan ang kapit sa aking kamay, hindi masakit kundi sobrang gaan pa rin no'n.

“No, Gael.” Umiiling nitong sagot sa akin, “Alam ko ang sinasabi ko. Rosario always kept me informed of what was going on between the two of you, but we never expected this to happen. We did not expect, that my granddaughter is slowly returning to the way she used to be.” Mahaba niyang dugtong sa una niyang sinabi.

“You don't know how much I miss my Apo, kaya naman sobrang saya ko dahil nakikita ko na ulit ang dating siya.” Muli niyang pinanood ang kaniyang apo, na pigil ang ngiting kumakanta kasama ang mga kaibigan.

Habang pinapanood ko siya, roon ko lang napagtanto na iba na nga ngayon si Priscilla. Hindi na gaya ng dati, na sobrang bigat ng kaniyang awra. Sobrang bright niya ngayon, hindi sobrang sungit ang mukha, at sobrang cold.

Unti-unti ay napangiti ako, sobrang saya niya kasing panoorin. Para itong nage-enjoy talaga o baka nga ay talagang nage-enjoy siya, sumasayaw naman ang kaniyang katawan habang kumakanta ito.

“Hindi ko siya tinago,” bigla ay muling nagsalita si Miss Margaret.

“Po?” Mabagal ko siyang nilingon.

Naabutan ko pa itong pinapanood ang kaniyang apo, kalaunan ay saka naman ito dahan-dahan na lumingon sa akin at muling ngumiti.

“Hindi ko tinago si Priscilla sa publiko, siya ang nagtago sa sarili niya.” Sa oras na ito, nawala na ang ngiti sa labi niya at tumingin sa baba. Para itong may inaalala o naalalang bagay, “nilayo niya ang sarili niya sa lahat. . . kahit na sa aking lola niya,” patuloy pa nito.

“Ngunit naiintindihan ko ang aking apo, alam kong nawala ang tiwala niya sa akin at sa lahat. . .” kwento pa niya, inangat niya ang tingin sa akin at muli ay ngumiti sa akin nang malaki. “Kaya nga labis ang tuwa ko noong nalaman kong nakikipaghalubilo ito sa iba. . . na nagkaroon siya ng Gael.” Ngumisi ito sa akin.

“Ho?” Nakangunot ang noo ko dahil sa tinuran nito.

Mistulang may nais siyang iparating sa akin dahil sa mga huling sinabi niya, idagdag mo pa ang kaniyang ngisi na tila pinaparating sa akin na ‘I know everything’.

“You think that I'm stupid? Hahaha you can't fool me, girl.” Bigla ay hirit ni Miss Margaret.

Nagmistulan itong dalaga dahil sa pagtawa nito at sinamahan pa nito ng irap habang sinasabi ang mga katagang iyon.

“F-fool?”

“Oh c'mon,” umiirap niyang wika.

“Miss Margaret, hindi po talaga kita maintindihan.” Alam ko, na ang mukha ko ngayon ay parang nawi-wirduhan sa kaniya.

Hindi ko naman itatanggi, dahil nawi-wirduhan talaga ako ngayon kay Miss Margaret. Sino ba naman ang hindi, kanina lang nakangiti ito, tapos malungkot, tapos ngayon naman ay kikay.

Bumuka ang bibig nito at may sasabihin pa sana noong lumapit sa amin si Madam Rosario, nakatingin ito sa akin at seryoso nanaman ang kaniyang istriktang mukha.

Kung bago ka lang talaga sa mansyon na ito, matatakot ka talaga sa kaniya lalo na kung hindi ka sanay sa mga taong malamig makitungo.

“Gael,” tawag niya sa akin, hindi pinapansin ang kaniyang kaibigan na katabi ko.

“Po?” Sagot ko.

“Tulungan mo si Annie sa kusina, hindi niya kayang buhatin lahat ng pagkain.” Utos nito sa akin.

“Opo, Madam Rosario,” mabilis kong sagot sa kaniya, agaran akong tumayo at naglakad papalayo sa kanila.

Bago iyon, narinig ko pa silang nagpalitan ng mga salita.

“Alam mo? Papansin ka,”

“What did I do?!”

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa loob ng mansyon, tahimik dito at tanging yapak ko lamang ang naririnig mula sa buong lugar.

Gaya nga ng inuutos ni Madam Rosario, nagtungo ako sa kusina at doon nga ay naabutan ko si Annie na inaasikaso ang mga pagkain na pinahanda ni Madam Rosario sa aming dalawa.

Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa kaniyang mga ginagawa, sa pagitan naming dalawa ay sobrang tahimik at walang halos nagsasalita manlang. . .

Halos tunog ng mga kubyertos, pinggan, baso, at aming hininga ang aming tanging naririnig sa paligid. Hanggang sa binasag niya iyon, nagsalita ito.

“Kamusta naman ang vacation niyo ni Lady Priscilla?” Tanong niya.

Mabagal akong nag-angat ng tingin, nakayuko siya dahil inaayos niya ang pagkain. Noong napansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin, nagtataka naman ako kung paano niya nalaman ang tungkol doon.

I mean hindi naman namin sinabi, ang sinabi ko sa kaniya ay nag-day off ako ng ilang araw kaya ako nawala.

Ngumisi naman ito sa akin, ngunit kahit ganoon ay hindi naman umabot ang saya sa mga mata niyang kulay itim.

“Kalat na kalat na kung nasaan ka talaga noong mga nagdaang araw, Gael.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa pagkatapos niya iyong sabihin sa akin.

“Kalat?” Mas nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.

Tumango siya agad-agad, “oo, sa social media.”

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sunod niyang sinabi, hindi naman ako slow para hindi malaman kung ano ang tungkol sa social media.

Alam ko kung ano na ang tinutukoy niya, walang iba kung hindi sa Nueva Ecija.

Ngunit hindi ko naman alam kung bakit nasa social media kaming dalawa ni Priscilla, mukhang nakuha naman ni Annie ang ekspresyon ko ngayon dahil nilabas niya ang phone niya sa kaniyang bulsa.

Nagtipa siya roon at mabilis na inabot sa akin ang kaniyang cellphone, nasa Facebook ito at naka-search ang pangalan ni Priscilla. Binasa ko ang mga post, mga post na kasama ako sa iba.


Search Bar: Priscilla Castellanos

Priscilla Castellanos caught with someone who named Gael.
(With photo)

After many years of hiding, lumantad na rin sa wakas.
(With photo)

Sino ang mag-aakala na bading ka pala, Priscilla?

Gael, hati tayo kay Priscilla.

Bella Poarch: Luluhuran ❎
Priscilla Castellanos: Luluhuran ☑️

Threesome is real, Gael.

Priscilla is fucking gorgeous and she have a girlfriend!

Ilan lamang iyan sa mga post na nababasa ko, ang ibang litrato ay kung saan umaalis na kami ni Priscilla, ang iba roon ay sobrang linaw rin.

Sa sobrang bilis naming makaaalis sa stage at lugar na iyon ay ang siya namang bilis nilang kumuha ng litrato, kung may award lamang para sa kanila ay mabibigyan talaga sila.

“Kahit na iyong tungkol sa inyong dalawa, pero ayoko maniwala,” wika ni Annie, binalik ko sa kaniya ang phone niya.

Nangunot ang aking noo dahil sa sinabi niyang ayaw niyang maniwala, nagtataka ako dahil sa kaniyang mga inaakto at sinasabi sa akin ngayon.

“Ayaw mong maniwala saan?” Tanong ko sa kaniya.

Tumigil si Annie sa ginagawa niya, sumandal siya sa counter at tumitig sa akin ng matagal. Ngumiti ito sa akin ngunit katulad kanina ay hindi nanaman ito umabot sa kaniyang mga mata, yumuko siya at kitang-kita ko kung paano niya kagatin ang kaniyang labi.

Nakatitig lamang ako sa kaniya, wala akong mahitang salita upang mawala ang tensyon na nabubuhay sa aming dalawa.

“Gael. . .” tawag niya sa pangalan ko, “gusto kita. . .” kasabay niyon ay ang pag-angat niya ng tingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react sa sinabi niya, pero alam ko sa sarili ko na nagulat ako sa mga tinuran niya sa harapan ko.

Pilit akong ngumiti sa kaniya, inaasahan na babawiin niya ang kaniyang sinabi. Pero ang bagay na inaasahan ko ay hindi nangyare, napansin ko na hindi talaga ito nagbibiro.

Mabilis na nawala ang pilit na ngiti sa aking labi, napalitan iyon ng gulat at pagkakakunot ng noo. Bigla ay parang binambo ang ang aking ulo, hindi ko inaasahan na magiging ganito 'to.

“Annie, a-ano ba ang sinasabi mo. . .?” Hind ko alam kung bakit sinasabi niya ito sa akin, magkaibigan kaming dalawa.

“Pero mukhang nahuli ako... naunahan ako sa 'yo, naunahan ako ni Lady Priscilla.” Pagka-angat niya ng kaniyang ulo ay saka naman tumulo ang luha niya.

Hindi ko inaasahan ang pagtulo no'n, mas napatunayan ko lang na totoo ang mga sinasabi niya at hindi na iyon biro lang.

“Alam mo na?”

“Hindi naman ako bulag para hindi ko mapansin kung anong meron sa inyong dalawa,” kahit na umiiyak ito ay nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin, “isa pa kalat na kaya sa social media ang tungkol sa inyong dalawa, ngayon pa ba ako hindi maniniwala?” Dagdag niya.

Natahimik naman ako dahil doon, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa kaniya. Nasasaktan ako dahil kaibigan ko siya, nasasaktan ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi na hihigit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kaniya.

Kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya, iyon lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Hanggang doon lang, hindi katulad sa binibigay ko kay Priscilla.

“Alam mo ba kung bakit kita inaway noong unang araw mo rito?” Nakangiti niyang tanong sa akin, umiling naman ako, “hindi ako sa 'yo nagseselos, Gael. Hindi ko rin gusto si Kristopher, dahil sa kaniya ako nagseselos.” Paliwanag niya sa akin.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahitang salita, ayoko siyang pangunahan dahil gusto ko muna siyanh patapusin.

“Hindi rin iyon ang unang beses na nakita kita, una kitang nakita ay noong birthday mo three years ago. Kausap mo si Mama Laura, tapos na-kwento ka niya sa akin. Palagi niyang kwinekwento, not until umalis na nga si Mama Laura. Sobrang saya ko noong nalaman ko, na ikaw ang papalit sa kaniya.” Muli niyang kwento sa akin, napangiti naman ako ng wala sa oras dahil sa tawag nito kay Tita Laura.

Pakiramdam ko tuloy ang sobrang close nila, o baka nga ay talagang close silang dalawa. Sa paraan nang pag-kwento ni Annie, matutukoy mo agad iyon.

Muli ay tumahimik sa pagitan naming dalawa, gusto kong magsalita pero mas pinili ko na lang ang manahimik na muna.

Nakita ko ang pagtingin niya sa akin, basang-basa nanaman ng luha ang kaniyang buong mukha. Sa tuwing titingnan ko ang mga mata niya ay wala akong makitang iba kundi sakit, nasasaktan siya sa mga oras na ito.

Ang dahilan no'n ay dahil sa aming dalawa ni Priscilla, alam kong nasasaktan siya dahil sa nalaman nito at nalaman na niya ng tuluyan ang tungkol sa amin ni Priscilla.

Wala rin naman akong balak itanggi 'yon, hindi ko itatanggi ang relasyon ko kay Priscilla. Kahit sa ganoon manlang, mas malaman ni Annie na meron na 'kong Priscilla sa buhay ko.

“B-bakit si Lady Priscilla, Gael?” Muli ay tinanong niya 'ko.

“Hindi ko alam. . .” sagot ko sa kaniya.

Iyon naman talaga ang totoo, hindi ko alam kung bakit si Priscilla pa. Ang alam ko lang naman ay nahulog ako sa kaniya, nahulog ako kay Priscilla nang hindi ko namamalayan.

Hindi ko namalayan, na unti-unti na pala akong nahuhulog sa bangin ni Priscilla.

“Ang sakit pero wala akong karapatan masaktan,” bakas sa boses ni Annie na talaga ngang nasasaktan siya, sa katotohanan na nakalap niya. “Gustong-gusto kita, Gael. . .” ani pa nito.

“Annie. . .” tawag ko sa kaniyang pangalan.

“Kung wala ba si Lady Priscilla, may chance na magustuhan mo rin ako?” Aniya.

“Kaibigan kita, Annie.” Wala pang ilang segundong sagot ko sa kaniya, mabilis ko siyang sinagot.

“Alam ko, alam ko, Gael. Alam kong kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin, kaya nga tumahimik na lang ako dahil alam ko ang lugar ko. . .” patuloy ang pag-agos ng luha ni Annie, wala ata iyong planong tumigil.

Imbes na suwayin siya sa kaniyang pag-iyak, hinayaan ko siya. Gusto kong ilabas niya lahat ng sama no'ng loob niya sa akin, kahit doon manlang ay makabawi ako sa kaniya.

“Sorry. . .” sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ba 'ko nagso-sorry, ngunit baka dahil iyon sa nagu-guilty ako. . . nagu-guilty ako, dahil alam ko sa sarili kong hindi ko mababalik ang pagmamahal niya sa akin.

Matunog na ngumisi si Annie at muling tumahimik sa kaniyang pwesto, suminghot ito at nag-angat ng ulo.

Sinagot naman niya 'ko agad-agad “hindi mo naman kailangang mag-sorry, wala ka naman kasing kasalanan. . . ako ang nahulog sa 'yo, kahit na alam kong may iba sa inyo ni Lady Priscilla ay pinagpatuloy kong magustuhan ka.” Pagpapagaan niya sa loob ko, habang umiiling pa.

Sa ilang beses na pangyayare, muling tumahimik nanaman sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa nagsalita nanaman si Annie, siya lagi.

“Siguro ay dahil palagi kang nasa tabi ni Lady Priscilla ay dahil gusto mo siya.” Nakangiting tanong ni Annie, saka niya pinunasan ang kaniyang luha.

Sumagot naman ako agad at tumawa, “gusto kong makuha ang loob niya, nakikita kong nahihirapan siyang makipag-usap sa iba. Nalaman kong wala siyang tiwala sa lahat, gusto kong magtiwala siya sa akin.” Mahaba kong sagot at paliwanag kay Annie.

Pinagpatuloy ko naman ang pagsasalita.

“Hindi ko napansin na unti-unti na 'kong nahuhulog sa kaniya, sa dalawang buwan at ilang linggo ko siyang nakasama ay ngayon ko lang 'to naramdaman.” Wika ko.

Sa buong buhay ko, pamilya at mga kaibigan ko lang ang nagpapasaya sa akin. Ngunit hindi katulad no'n ang kung paano ako pasiyahin ni Priscilla, sobrang saya ko sa kaniya.

Hindi dahil pamilya ko siya, kundi dahil siya ang girlfriend ko at ako ang girlfriend niya.

“Mahal mo na?"

Tumango naman ako.

“At sigurado na 'ko, handa na 'ko. Handa na 'kong ipaalam sa lahat, na akin si Priscilla.” Matapang kong sagot sa kaniya.

Nagtitigan naman kaming dalawa at sabay kaming natawa, natawa kami dahil sa naging drama namin dito sa kusina.

Pagkatapos no'n ay dumating si Madam Rosario, hindi manlang nagbago ang kaniyang ekspresyon dahil ang sungit pa rin.

Dapat talaga, maging professional sa oras ng trabaho.

Iyon ang utos niya, be professional.

“Gael, pinapatawag ka ni Priscilla sa kaniyang kwarto.” Saad ni Madam Rosario.

“Sige po,” sagot ko sa kaniya, kinuha ko naman ang tray para dalhin na sa labas noong kinuha ni Madam Rosario sa akin iyon.

“Now,” utos pa niya.

Tumingin naman ako kay Annie at nginitian ito, gumanti naman siya sa akin at tumango.

May ngiti sa labi ko noong tumalikod ako, dahil ipapaalam ko na kay Priscilla na handa na akong  ipaalam sa kaniya na ready na 'kong ipaalam sa lahat ang tungkol sa aming dalawa.

Ngunit habang papunta ako sa kaniyang kwarto ay napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa kabang biglang naramdaman ko, siguro ay dahil ito sa kaba na ipaalam sa kaniyang ready na talaga ako.

Masiyado na 'kong nahulog sa kaniya, ang bilis pero hindi ko alam.

Malaking kasinungalingan kung sasabihin ko nanaman at itatanggi sa sarili kong wala akong nararamdaman sa kaniya, na hindi ko pa rin siya mahal. Kasi ang totoo, mahal ko na pala ito.

Noong malapit na ako sa kaniyang kwarto ay nagtataka naman ako, nakabukas ang kaniyanb kwarto na hindi naman niya ginagawa.

Ayaw niya sa lahat ay iyong may tumitingin sa kaniyang kwarto, maliban na lang kung sobrang lapit mo sa kaniya. Depende kung gusto niyang pumasok ka sa kaniyang silid, katulad na lang nila Tita Laura at ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan, tahimik sa loob at inakala kong walang tao.

Mabilis akong pumasok sa loob, ngunit gano'n na lang ang pagtigil ko dahil sa nakita ko. Nanginginig ang aking labi, na tinawag siya.

“Priscilla. . .”








---------------------
Right now nagpapa-music kami sa speaker ng Enchanted by Taylor Swift.

Kabanata 20 na tayo agad?

Enjoy reading!

Aaaaaamieeeeeelllll
chrissyyyywakeup

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 904 30
High School sweethearts, Ben and Miranda discover they're expecting during their junior year of college. Choosing to marry, they then navigate their...
104K 1.5K 146
...No shit, got me right where you want me baby Could I be more obvious?... *** ...In which an emerging Italian actress stars in a movie with a famou...
2.9M 61.3K 19
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
1.3M 119K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...