Kabanata 2

5.8K 251 65
                                    

Gael Point of View


Nasakop na ng dilim ang liwanag, puro bituwin at malamig na simoy ng hangin na lamang ang makikita at mararamdaman mo sa labas ng mansyon, dinig na dinig din mula sa loob ang hampas ng mga malalakas na alon ng tubig. Nakabukas ang sliding door sa dining area, kaya naman pumapasok sa loob ang masarap na simoy ng hangin.

Hapunan na pagkatapos ayusin ang mga pagkain sa hapag kainan, sa limang kasambahay sa pamamahay na ito ay sapat na ang bilis namin para matapos sa oras ang pag-aasikaso sa dinner ng aming mga amo.

Lumabas si Marie sa loob ng kusina, dala-dala ang isang pinggan na may nakalagay na pagkain at isang babasaging water pitcher. Nilapitan ko siya at sinabing tulungan na ito, ngunit sakto naman ang pagpasok ni Madam Rosario sa loob ng dining area.

"Gael," tawag niya sa 'kin.

Nilingon ko siya at binigyan ng ngiti, ngunit mula pagkarating ko rito kanina ay purong seryosong mukha lang ang binibigay niya sa 'kin.

"Bakit po, Madam Rosario?" Tanong ko.

"Gusto kang makita at makilala ni Ms. Margaret Castellanos," wika nito, ngumiti naman akong muli sa kaniya, "ngayon na." Dagdag pa niya.

"Oho, Madam Rosario," magalang kong sagot, mabilis kong nilapag ang water pitcher sa lamesa at lumapit sa p'westo ni Madam Rosario saka kami sabay lumabas.

Ako ay nasa kaniyang likuran at nakasunod lamang sa kaniya, sobrang tahimik ng aming paligid. Ang matunog na paglakad ni Madam Rosario ay mas nakakapagbigay tensyo sa aming paligid, iyon lamang ang naghahari sa katahimikan.

Makaraan lamang ang ilang minuto naming paglalakad sa malawak na pasilyo ay tumigil si Madam Rosario sa paglalakad, iyon din ang naging hudyat para ako ay tumigil din sa kaniyang likuran.

"Where is she?" Rinig kong tanong ng isang may katandaang boses.

"She's on my back, Ms. Margaret Castellanos," magalang na sagot ni Madam Rosario, ngunit kahit ganoon ay nananatili ang kaseryosohan ng kaniyang boses.

Hindi ko alam kung bakit ngunit bahagyang yumuko si Madam Rosario, saka naman ito umurong pagilid. Sa ginawa niyang iyon ay nagkasalubong ang aming mga mata, masaya ang mukha nito at hindi mataray.

Katulad lamang sa aking nakikita sa TV, walang pinagkaiba ang binibigay niyang ngiti sa TV at sa personal. Makikita at mararamdaman mo kung gaano ito kabait at mabuting tao.

Gumaan ang aking loob at nawala ang aking kaba, na nararamdaman ko lamang kanina. Katulad ng kaniyang apo, siya ay sobra rin ganda.

"Hi," bati nito sa akin.

Hindi ko naman inaasahan iyon, sobrang friendly noong boses niya. Rinig ang galak sa kaniyang boses, pinagkaiba nila ng kaniyang apo ay maamo at mahinhin itong magsalita.

Parang tinuturing niyang kaibigan lahat ng tao sa kaniyang paligid, at napatunayan ko iyon ngayon. Ang buong akala ng aming kapitbahay ay nagpapakitang tao lamang ito sa TV, ngunit ngayong nasa harapan ko na siya ay napatunayan kong mali sila.

"G-good evening, Ms. Margaret Castellanos. . ." magalang kong bati sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tinapak ang kaniyang tabi, nilingon ko si Madam Rosario at sinenyasan naman ako nitong sumunod sa aming amo. Nag-aalinlangan ako, nakakahiya sa aming amo. Umupo ako sa kaniyang tabi, sumunod naman sa amin si Madam Rosario at umupo siya sa aming harapan ni Ms. Castellanos.

Waves of Destruction (Z Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant