Hahamakin Ang Lahat

De theayao

2.7K 52 2

Nagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may... Mais

1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30

10

68 1 0
De theayao

Chapter 10

"DAMON!!!" malakas na hiyaw ni Wiena nang tumalsik si Damon nang sipain siya ni Giblo.

"Ama pakiusap! patigilin mo na ang labanang ito!, ama kahit na manalo si Giblo sa labanang ito, at maipakasal mo ako sa kanya wala ring saysay! dahil hindi na ako birhin nakuha na ang aking kalinisan ni Damon!" lakas loob niyang amin sa ama. Wala na siyang maisip na ibang paraan para matigil ang labanang ito.

Napabaling ang mukha ni Wiena nang malakas siyang sinampal ng kanyang ama.

"Mana ka talaga sa nanay mo! mas lalo mo lang ginatungan ang apoy upang mas lalong lumiyab! kapag nalaman ito ni Giblo sa tingin mo bubuhayin pa niya ang mga taong pinagtatanggol mo?!. Sinira mo lang ang mga plano ko!" galit na saad ng kanyang ama.

"Sana 'di ka nalang nagpakita! galit ako sayo! pinatay mo ang tumayong magulang ko! bakit pa kasi ikaw ang naging ama ko!" puno ng hinanakit na saad ni Wiena

Nakaluhod na ang isang tuhod ni Damon at ang ang isang kamay ay nakatukod sa lupa. Putok at nagdurogo na ang kanyang labi. Nawala pansamantala ang kapangyarihan ng mutya dahil sa pulang buwan. Ngayon ay nahihirapan siyang makipaglaban dahil sa lakas na taglay ni Giblo, para nalang siyang langgam kung paglaruan ni Giblo.

Napalingon si Damon sa loob ng baryo dahil sinasalakay na ang mga tao doon ng mga aswang. Nagpuyos siya sa galit dahil wala siyang magawa upang mailigtas ang mga kasamahan, kahit siya ay nanghihina na.

Nakita ni Wiena na sinasalakay na ang loob ng baryo ng mga aswang, dahil wala na ang orasyong harang ni Damon. Naririnig niya ang hiyawan ng mga taong napapaslang, at iyak ng mga batang walang awang kinakain ng mga aswang. Subrang nahahabag si Wiena at gusto niyang tumulong, napapikit siya ng mariin at nakipagtitigan sa ama.

"Ama pakiusap hayaan nyo ko makawala, pangako sasama ako ng kusa sa mundo ng mga engkanto! gagawin ko lahat ng sasabihin mo! pakiusap ama!!" mangiyak-iyak na saad ni Wiena, dahil nakikita niyang nahihirapan na si Damon, at ang mga taong itinuring na niyang kapamilya ay nasabingit na ng kamatayan.

Ikinumpas ni Curton ang kamay at nawala ang usok na nakapalibot sa katawan ni Wiena.

"Tandaan mo oras na gamitin mo ang kapangyarihan mo, hindi ka na makakabalik sa pagiging tao. Handa ka bang isuko ang pagiging tao mo? kapalit sa pagtulong sa mortal na 'yan?"

Walang pag-aalinlangang tumango si Wiena. Huminga ng malalim si Wiena at pinakiramdaman ang sarili, pinakawalan niya ang nagtatagong kataohan ng kanyang sarili. Uminit ang buong katawan ni Wiena at napakagat labi nang manuot sa kalamnan niya ang sakit. Humaba ang buhok niya hanggang tuhod, at ang tainga niya ay humaba ng patulis, nagkaroon din siya ng pangil.

Natapos na magpalit anyo si Wiena at bago siya nagtungo kay Damon, nagpalabas siya ng mga kakaibang hayop upang tulungan ang mga tao sa loob ng baryo.

"Damon, marami akong gusto sabihin sayo ngunit wala na tayong oras para makapag-usap ng masinsinan," saad ni Wiena at mapait na ngumiti.

"W-Wiena..." nahihirapang saad ni Damon, dahil sa naninikip na dibdib.
Tumutulo na ang dugo niya sa ilong at bibig.

Subrang nahahabag si Wiena sa kalagayan ni Damon at napaluha siya, nang malalim na suminghap si Damon, para habulin ang hininga.

"Huwag kang makialam Wiena!" saad ni Giblo, ang boses nito ay parang dumagundong na kulog.

Hinawakan ni Wiena ang mutya ni Damon at pumikit, at nag usal ng orasyon ng paglipat. Ililipat niya ang kalahating kapangyarihan sa mutya ni Damon, para gumana ito kahit may pulang buwan.

Umatake si Giblo ngunit bigo itong makalapit kina Wiena at Damon, dahil napapalibutan sila ng itim na harang na ginawa ni Wiena, upang hindi maantala ang ginagawa niya.
Tangil atungal at atake sa itim na harang lang ang nagagawa ni Giblo.

Nang matapos si Wiena ay umilaw ng napakaliwanag ang mutya, kasabay noon ay napasuka ng dugo si Wiena. Hindi basta-basta ang ginawa niyang orasyon, dahil ang kalahating buhay niya ang nakuha para maisakatuparan ang orasyon ng paglipat.

Hinawakan ni Damon ang pisngi ni Wiena at pinunasan ang dugo sa labi nito.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang saad ni Damon.

Ngumiti si Wiena at pumikit, dinama niya ang paghaplos ng kamay ni Damon sa kanyang pisngi.
"Oo Damon, ipanalo mo ang labang ito at mabuhay ka..." idinilat ni Wiena ang mga mata at sinalubong ang mga mata ni Damon. "Mahal kita Damon, gagawin ko ang lahat para sa'yo kahit buhay ko pa ang kapalit,"

"Mahal din kita Wiena proprotektahan kita hanggang nabubuhay pa ako, wala akong pakialam kahit itim na engkanto kapa!"

Naglapat ang mga labi nila Damon at Wiena. Napamulagat si Wiena nang may pumasok na mga eksena sa isipan niya.

[Isang Diyosa ng mga hayop at isang tao ang nagmahalan, ngunit ipinagbabawal sa mga Diyosa/Diyos ang umibig sa tao. Ipinaglaban nila ang pagmamahalan, at walang nagawa ang pamilya ng Diyosa nang magdalang tao na ito, hinayaan nalang sila, ngunit ang kapalit nito ay magiging normal na tao nalamang ang Diyosa. Namuhay ng masaya ang dalawa at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Ngunit ang buhay nila ay nagtapos din nang sinalakay sila ng mga aswang at itim na mga engkanto.]

Nang matapos ang eksena sa isipan ni Wiena ay bigla siyang tumalsik. At umihip ng napakalamig na hangin. Kasabay ng malakas na sigaw ni Damon, ang pagsabog ng liwanag. Napapikit at napatakip ng mga mata ang mga nilalang nasa paligid.

Mabuti nalang nabalanse ni Wiena ang sarili at hindi natumba kung saan. Nang mawala ang liwanag ay nakita niya si Damon, ang buhok nito ay humaba hanggang dibdib at naging kulay ginto.

"Damon!" sigaw ni Wiena. Sinubukan niya makalapit kay Damon ngunit may malakas na harang ang pumipigil sa kanya. Ang harang na ito ay parang napapaso si Wiena, nanghihina siyang napaluhod sa lakas na enerheyang inilalabas ni Damon.

Nabahag ang buntot ng mga aswang at nagkanya-kanyang alisan, dahil naramdaman nila ang napakalakas at kakaibang enerheya na nagmumula kay Damon.

"Dijana kailangan na nating umalis! dilikado tayo sa nilalang na 'yan!" saad ni Curton.

Hinawakan ni Curton ang braso ni Wiena at pilit hinila papunta sa portal, patungo sa mundo ng mga engkanto. Nagpupumiglas si Wiena at pilit inaalis ang kamay ng ama na nakahawak sa kanya.

"DAMON!!!" malakas na tili ni Wiena nang malapit na siyang maipasok ng ama sa portal.

Napabaling ang atensyon ni Damon kay Wiena. Pinuntahan niya si Wiena ngunit nahuli na siya, hinigop na ng portal si Wiena kasama ang ama nito. Napasuntok sa hangin si Damon nang maglaho ang portal.

"Hahaha hindi mo na masusundan si Wiena, dahil nasa mundo na siya ng mga engkanto!. Ikaw pala... ikaw pala ang anak ni Diyosa Tamare! ang diyosang umibig sa tao!. Ako na ang  magiging pinakamalakas sa lahat, kapag napatay kita at mainum ko ang dugo mo!" nakangising saad ni Giblo.

Kinuha ni Damon ang espada na nasa lupa, nang mahawakan ni Damon ang espada ay naging ginto ito, at nagkaroon ng simbulo ng kidlat sa hawakan. At mas lalo itong tumalim at humaba, at kumikinang ito.

"Sa tingin mo ba mananalo ka? isa ka nalang pangit at mabahong ipis sa paningin ko!" kalmadong saad ni Damon.

Nagalit at umatungal si Giblo dahil sa pag-iinsulto sa kanya ni Damon. Ibinuka niya ng malapad ang mga pakpak at lumipad patungo kay Damon na kalmado lang na hinihintay ang pagsulong niya.

Tumagilid lang si Damon upang maiwasan ang atake ni Giblo, sabay tigpas sa kaliwang pakpak nito. Nagtalsikan ang dugo ni Giblo, at sumubsub ito sa lupa at umaatungal ng malakas.

Tumayo si Giblo at galit na sumugod ulit. Kinalmot niya si Damon, ngunit lahat ng atake niya ay naiiwasan lang ni Damon.

Kinuyom ni Damon ang kamay at sinuntok ang panga ni Giblo, tumalsik paitaas si Giblo at nagpaikot-ikot ito sa ere.

Tinubuan ng pakpak si Damon kapareho sa agila, at lumipad patungo kay Giblo na nasa ere pa.

Sinakal ni Damon si Giblo, binali at hinugot niya ang natitirang pakpak nito.

Napasuka ng dugo si Giblo at ngumisi ito kay Damon. "Hahaha! mapatay mo man ako 'di mo naman makikita pa si Wiena!. Alam mo bang malaking kasalanan sa mga diyos/diyosa na magkaroon ng relasyon sa isang engkanto! sa tao ay maari pa nilang palagpasin, ngunit sa katulad ni Wiena na may lahi ng itim na engkanto ay hindi nila ito papalagpasin!." Saad ni Giblo at humalakhak ng malakas.

Ibinaon ni Damon ang espada niya sa dibdib ni Giblo na ikinamatay nito agad, naging abo ang katawan ni Giblo at humalo ito sa hangin.

Lumipad paibaba si Damon at agad na nagsilapitan ang kasamahan niya.

Si Sira ay agad na yumakap kay Damon, ngunit agad ding inalis ni Damon ang mga braso ni Sira na nakapulupot sa baywang niya.
Napapahiya namang lumigid si Sira.

"Pinuno nagtagumpay ka! ngunit nakakalungkot lang limang bata ang nasawi at trese na matanda, maliban pa sa mga nasawing mandirigma," saad ni Timyo.

"Hindi pa tayo sigurado may mga nakatakas pang aswang at ang hari ng itim na engkanto ay nakatakas din," malumanay na saad ni Damon.

"Tama ka pinuno! pero ang mahalaga ay napatay na si Giblo!" pasigaw na saad ni Simon.

Tumango lang si Damon at pumasok sa loob ng baryo, at ipinag-utos niya na bigyan ng maayos na libing ang mga nasawi.

Itutuloy....

Continue lendo

Você também vai gostar

41.2K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
83.4K 2.2K 33
My only.... Forever [COMPLETED]
90.5K 4.7K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
607K 3.2K 63
Wattpad Stories na worth it basahin (*-*)