She's The Boss

By baeryxx

9.9K 450 65

She rules. She dominates. She controls. She's a half brat, half bitch. She's Nadine Alexis Reid. and She's t... More

Prologue
The Boss' "Boss" Wish
The Boss meets Mr. Stranger
The Boss' Deal
Engagement Party
The Boss Meets Mr. and Mrs. Reid
The Boss with Robert James
The Boss' Bestfriend & The Past

The Boss and Mr. Cheesy

940 50 7
By baeryxx

Nadine's POV

Papasok na ko ng building ng company namin. Typical day I guess? Trabaho,uwi, kain, tulog tapos another day nanaman. Ganun naman lagi diba? Feeling ko nga minsan parang nakakasawa na kasi paulit-ulit na lang yung ginagawa ko.

Naglalakad na ko papuntang elevator ng may marinig akong group of employees na naguusap-usap.

Di siguro nila ko napansin kasi nakatalikod sila sakin. Naghihintay din siguro sila ng elevator. Di ko na sana sila papansin pero nagpintig yung tenga ko sa mga narinig ko.

"Haaay nako guys, makikita nanaman natin ang bruhang boss natin." sabi ni employee na naka-yellow dress.

"Oo nga e, tapos magmamaldita nanaman kung anu-ano nanaman papagawa satin na di naman kasama sa trabaho natin." sang-ayon naman ni employee wearing red blouse.

"Ay korek! Alam mo ba nung nakaraan pinabili ako ng kape tapos inabot ko na sa kanya biglang sabi ba naman ice tea na pala daw gusto nya! Kainis!" sabi ni employee na naka-pink polo.

"Bakit pa kasi sya ang boss natin e pano pa pag naging CEO sya dito? Edi lalong nagyabang yon!" inis na sabi ni employee wearing red blouse.

Mas lumapit ako sa kanila. Sasagutin ko na sana sila ng biglang magsalita ulit yung isa sa kanila.

"Panget na nga! Panget pa ugali! Aba terno!!! HAHAHA!" tawang tawang sabi ni employee na naka- yellow dress.

Nag-apiran sila sabay nagsitawanan. Pabreakfast ba nila sakin to? Well, gusto ko rin silang pakainin ngayon. Promise! My treat!

So lumapit na talaga ko sa kanila.

"Excuse me, di nyo ba naamoy yon?" sabi ko sabay takip sa ilong ko.

Gulat na gulat sila ng makita ako. Yung isa parang automatic na nagkaLBM. Yung gusto na nila umalis kaso di nila magawa.

You want war? I'll give you war!

Umiling naman sila bilang sagot sa tanong ko. Umurong na ba dila nyo?

"Oh! Hahaha, Amoy basura kasi dito. Kayo ba yon? Gosh ang baho ah!" sarcastic kong sabi tapos sabay sabay nanlaki lalo yung mga mata nila.

Tinuro ko yung nakayellow na dress tapos lumapit ako sa kanya at nagsalita.

"Sawa ka na ba sa mukha ko? Well, sadly MAS sawa ako sa pagmumukha mo. Ang sakit mo kaya sa mata! Starting today, I DON'T WANNA SEE YOUR FACE!" sabi ko sabay lapit kay girl na nakared na blouse. Woooh! Bitch!

"Gusto mo bang maging boss dito?" sabi ko tapos tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Kaso di bagay sayo, CHEAP ka masyado." may emphasize yung cheap para dama nya naman yung pagmamahal ko sa kanya.

Lumapit naman ako kay girl na naka-pink na polo.

"Ano bang akala mo dito sa opisina, Ikaw ang boss para di kita utusan? Pasensya ah! Akala ko kasi utusan ka. MUKHA KA KASING MUCHACHA!" pagkasabi ko non bumalik ako kay nakayellow na dress.

Ang special nila diba? May one on one pa sila sakin. Ganyan ko kalove ang employees ko.

Halata mong gusto na nila kong saktan pero hindi nila magawa. Yung mga tingin nila akala mo pinapatay na ko.

Sinimulan nila to, so tatapusin ko. Di naman maganda kung walang ending yung usapan nila diba? So why not give a happily ever after :D

"Sinabi mo bang panget ? Hahaha, Ano ka ba girl wag mong pagsigawan yung pangalan mo! Naeexpose yung baho mo!" sabi ko sakanya tapos lumayo ako and nagcross hands.

"Masyado nyo namang pinapahalatang insecure kayo, Well let me tell you trashes, Hate me if you want, talk behind my back whenever you like but you will never be me. Never! And accept the fact that hating me won't make you pretty! YOU ARE ALL FIRED!" cool na sabi ko sabay tawag sa security.

"Hello security! Pakilabas nga yung mga basura dito! Umaalingasaw na kasi. Sakit nila sa ilong so pick them, ASAP!" pagkasabi ko non nagwalk out na ko and sila lahat nakatulala. Nagdidigest pa ata sila ng mga sinabi ko.

Bravo Nadine! Itayo mo ang bandera ng mga magaganda! Bwahahaha!!

Nasa loob na ko ng elevator, pasara na yung pinto ng biglang may kamay na pumigil.

Seriously?

Biglang may gwapo ay este asungot na bumungad sa harapan ko. Bilis no? Boyscout ata to e!

Di ko sya pinansin kaya sya na yung nagstart ng "usapan"

"Excuse me miss but I think I drop something?" sabi nya sabay may hinahanap kunwari.

"Huh? what bebe boy?" takang sagot ko kasi di ko naman gets yung sinabi nya e wala namang bagay na nalaglag sa baba nung pumasok sya.

"I think I drop my jaw, you look perfect, bebe girl." sabi nya sabay smile ng nakakaloko. Huh? Ano daw?

May sayad nanaman ba to? Manggugulo nanaman ba sya? Yung typical day ko mukhang magiging worst day pa ata!

"Nakadrugs ka ba bebe boy?" sabi ko sabay balik ng tingin sa harap.

Tingnan nya muna ko bago magsalita.

"Yes, YOU!" sagot nya.

Lintek may sapak nga!

Ready na kong magreact sa sinabi nya pero bigla nang nagbukas yung pinto ng elevator.

Agad agad akong lumabas ng hindi ko sya pinapansin kaya parang nabuhusan naman sya ng nagyeyelong tubig kaya biglang napalabas din sya.

"Teka why are you here ba? Wala si Lolo dito kaya di mo kailangan umarte. You may go bebe boy, marami pa kong gagawin." sabi ko while naglalakad kami sa hallway.

"I'll help you bebe girl, kailangan na nating magpractice." sabi nya sabay smile.

"Practice? Ano n---" sabi ko pero naputol kasi may employee na dumaan.

Tiningnan ako nung employee tapos huminto.

"Good morning ma'am Nadine, congratulations po." sabi nya tapos umalis na rin.

Inignore ko na lang sya tapos naglakad. Maya maya pa may dalawang employees nanaman kaming nakasalubong.

"Good morning ma'am! Congrats po!"

"Hi, ma'am Nadine, congrats nga po pala!" sabi nila tapos sabay alis ng kinikilig kilig pa.

Problema nila? Tsaka bakit ba sila nagcocongrats sakin?

"Bakit ba sila congrats ng congrats?" bulong ko sa sarili ko.

"Kasi kasama mo ko bebe girl?" sabat naman ni James. So ganon ako kalakas bumulong para marinig ng dakilamg tsismoso na to?

"Wag ka ngang feeling bebe boy!" sabi ko. Umay na umay na ko sa kaka-bebe boy ko, jusko kung di lang madadagdagan yung wish nya di ko to sasabihin lagi e! Asar!

Nako talaga! Nakasinghot talaga to ng kung ano kaya ganto pag-iisip nito e.

Papasok na ko sa loob ng office ko ng biglang magsalita yung secretary ko.

"Good morning ma'am Nadine! Here's your schedules po." sabi nya sabay abot ng scheds ko pero bago sya umalis tumingin muna sya kay James tapos nagsalita ulit. "By the way ma'am, congratulations po."

Talikod nya tapos bumulong sya.

"Yun kaya yung fiance ni ma'am? Grabe kagwapo! Kyaaaa!" sabi nya tapos naglakad na ulit.

Syempre nilapitan ko sya. Kasi di ko naman naintindihan yung sabi nya. Para syang bubuyog e! Teka? Nanalo ba ko sa lotto kaya may pacongratulate sila?

DI KAYA ....

Ako na ang CEO?

"Wait Ms. Lee, what's with the congratulations thingy?" nagtaka naman sya pero sinagot nya rin ako.

"Hindi nyo ba alam ma'am?" sabi nya ng may pagtataka again.

"Sa tingin mo ba magtatanong ako kung alam ko?" iritang sabi ko.

Lumapit na rin si James. Tsismoso nga talaga -_-

"Kalat na po kasi sa office na engage na po kayo. Sinabi po ng Lolo nyo. Sya po ba ang fiance nyo ma'am?" tuwang sabi nya tapos tinuro si James.

"WHAT!" gulat na sabi ko. Tanga ka ba Nadine? Syempre dito nangayari yung mga kalokohang ginawa kaya malamang kakalat agad yan! Tsaka nagkaroon ka ba naman ng madaldal na Lolo edi wow diba?

Shit!

Agad ko din naman syang sinagot.

"Sinabi ko bang magtanong ka rin? Sige na you may go." iritang sabi ko sa kanya, agad agad namang syang umalis sa harap namin ni James.

Tumalikod na ko tapos pumasok sa loob ng office ko.

"Sinabi ko bang sumunod ka bebe boy?" napahinto naman sya sa paglalakad nya.

"No, that's why nagvolunteer na nga kong pumasok." half pilosopo talaga to e!

"You're not welcome so you may also go bebe boy. May gagawin pa ko." sabi ko without looking at him kasi inaayos ko yung mga papers ko.

"Okay fine, I'll go after 15 minutes." saad nya.

Di na lang ako sumagot para di na humaba yung usapan namin.

"Bebe girl, guess what! Lagi kitang Napapaniginipan :D" all smiles na sabi nya tapos umupo sa upuan na nasa harap ng table ko.

"I'm not in the mood for your corny jokes, bebe boy." iritang sagot ko pero nakasmile pa rin sya nung silipin ko.

"So you're my dreamgirl pala bebe girl." sabi nya tapos ngumiti ng pagkalapad lapad. Isip bata talaga -_-

Mga 5 minutes na siguro yung lumipas. Hindi na sya nagsalita mula nung sinabi nya yung dreamgirl dreamgirl chu chu nya! Ano basag ka no?

10 minutes ....

5 minutes na lang aalis na din sya! Tiis Nadz!

13 minutes ....

"Ah bebe girl can I ask some questions?

Tumingin ako sa kanya tapos nagpacute sya.

"No,babe." sabi ko. DID I JUST CALL HIM BABE O.O

DAMN IT!

"Oh! You call me babe! No bebe boy, one wish plus one kiss!" Palapit na sya ng bigla kong tinulak yung mukha nya.

Ayoko naman kasi ng bebe boy e!

"Can we just change our endearment! Please!" lintek napapaplease pa ko. Para lang talaga mapalitan nya yang tawag nya sakin at tawag ko sa kanya.

"Okay, hon like what I've said a happy wife, a happy life. You'll call me hon, I'll call you hon." HON NAMAN NGAYON? Pssssh! Okay na yan kesa naman bebe boy-bebe girl.

Madali naman pala sya kausap e. Pero kinabahan talaga ko sa sinabi ko kanina buti na lang talaga!

"Okay, Thanks hon." sabi ko tapos lapad ng ngiti ni James Reid, oo!

"Can I ask some questions now?" sabi nya.

Sige na nga pagbibigyan ko na para makaalis na rin tong asungot na to!

"Okay hon, go ask now." sabi ko tapos binasa uli yung hawak kong paper.

"Really! Okay, What's the letter after H?" sus yun lang pala itatanong.

"I, hon." di nya ko pinansin tapos nagsalita ulit.

"E what's the english of pagmamahal?" sinagot ko na lang para matapos na tong kalokohan nya.

"Love, hon." minsan may pagkatimang din tong si James ano?

"Last na, sinong kausap mo and how do you call me?" Hibang na to -_- Nakainom ng gasul to e.

"You, Hon." napatayo sya sa upuan nya tapos ako naman napatingin sa kanya.

What's wrong with him?

Lumapit sya sakin tapos kiniss nya ko sa cheeks sabay sabing ..

"I love you too, hon." did I say I love you?

Inisip ko yung mga tinanong nya sakin tapos napaface palm na lang ako.

I LOVE YOU HON.

Ahhhhhh!!!!! Naisahan nanaman ako ng isang to! Bwisit! Kaasar! Di ko naman sadya yon no kaya di ako papaapekto!

Pero feeling ko ang init ng cheeks ko tapos parang may mga bulate sa tyan ko. Gutom na siguro ko? Oo gutom lang to!

Nagsalita naman na ko bago ko mahatulang guilty dito.

"Hon, may martilyo dito gusto mo?" nagtaka naman sya sa sinabi ko pero napalitan din yon ng nakakalokong smile.

"Pick up line ba yan hon?" Parang kinikilig na ewan sya tapos namumula na yung tenga nya.

"No hon, IPUKPOK MO SANA DYAN SA ULO MO NG MATAUHAN KA SA MGA PINAGSASABI MO!" sabi ko tapos sabay tayo and pasok sa cr.

After 5 minutes ...

"Hon di ka pa ba lalabas dyan? I'll get going then nagpromise ako na I'll just stay here for 15 minutes so I'll go ahead." sabi nya tapos narinig ko namang nagbukas yung pinto so ibig sabihin umalis na sya.

"Damn it James! I hate you! I hate you!! I hate you!!!!!"

Lumabas na ko ng cr after another 5 minutes. Bumalik lang ulit ako sa table ko. Pagkalipat ko sa page nung binabasa ko kanina.

May note.

Hi hon, I'm sorry for bugging you up. I just wanna see you. See you tomorrow on our engagement party!

Love,
Your Handsome Hon ❤

Ang bilis ng heartbeat ko? What's wrong? Mainit kasi. Oo tama!

Uminom ako ng tubig pero nabuga ko rin agad yon.

ENGAGEMENT PARTY!

Ngayon lang nagsink-in sakin yung huling sinabi nya!

Di naman to kasama sa plano ah? Oh! No -_-
■■■

Sorry for any typo errors. Enjoy x
#TeamPositive

× ig |baeryxx

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...