Fressia(The Conqueror)

By Victorianeralover

16 6 0

*Fantasy* *Tagalog* Highest rank achieve #4kaharian #2misteryo More

Synopsis
Unang kabanata- Ang hula

Pangalawang kabanata- Ang halimaw

6 2 0
By Victorianeralover


Third person POV

Sabihin mo sakin lahat ng nalalaman mo kung ayaw mong humiwalay ang ulo mo sa iyong katawan. Ayaw mo naman sigurong mangyari iyon hindi ba? Ani ng isang nakakapangilabot na boses ng isang nilalang.

Nanginginig naman sa harapan ng nilalang ang isang patpatin at buto't balat na lalaki. Nakaluhod ito at nagmamakaawa.

Oho,s-sasabihin ko n-na ho. Nanginginig na ani nito saka binuklat ang itim na librong hawak. Saka sinimulang basahin ang mga impormasyong nakapaloob doon.

A-ayon sa aklat ng propesiya ang taong nagtataglay ng kapangyarihan na kayang magwasak ng sansinukob ay ipinanganak na. Makikilala siya sa pamamagitan ng pagsuri sa kanya pagkat siya ay nagtataglay nang isang kakaibang batok,tila isang buhay na nilalang kung ito'y matitigan sa malapitan. Na nakaukit sa kanyang kanang palapulsuhan papunta sa kanyang balikat. Ang taong iyon ay natatangi. Maari nitong wasakin o buuin ang ano mang nilalang o bagay ayon sa kanyang kagustuhan. M-maging ikaw ay maaaring mamatay sa kanyang mga kamay p-panginoon.

Napatiim bagang naman ang nilalang sa kanyang harapan. Umuusok ang ilong nito sa hindi maipaliwanag na galit at maririnig ang malakas na lagatik ng kanyang mga ugat.

Nagbabagong anyo ito. Mula sa isang nakakatakot na nilalang na may pulang mga mata. Nagkaroon ito ng mga sungay sa dalawa nitong ulo at tumubo rin ang mga matutulis na kuko nito at may umusling mga malalapad na pakpak na parang sa paniki. Ang mahahaba at matutulis nitong mga kuko na umaabot ng kalahating dipa ang lapad ay nagmimistulang napakatalas na karit. Meron din itong buntot na animo'y sa alakdan. Nakakalason. Naglalabas ito ng napakasangsang na amoy na parang nabubulok na bangkay. Hindi maipagkakailang isang halimaw ito.

Malagom ang boses nito at nakakanginig ng buto. Hanapin mo ang taong iyon at dalhin sa akin! Wag kang babalik dito ng walang magandang balita kung ayaw mong maging pagkain ko! Sigaw nito sa patpating lalaki na halos di na makatayo sa sobrang takot. Mabalasik ang mukha ng halimaw,tila handang kumitil anumang oras.

Masusunod p-panginoon! Anito saka yumuko at dagling tumakbo papalabas ng madilim na kwebang iyon.

(⁠✿(⁠✿(⁠✿

Third person POV

Psst.

Psst.

Psst.

Huy binibini. Mukhang ang lalim naman yata nang iyong iniisip. Pwede mong ibahagi.

Nilingon ni fressia ang nag salita. Tsk isa na namang bubwit. Hays. Wala akong panahon sa'yo kaya kung pwede lang wag mo akong istorbohin. Maliwanag ba? Pinandilatan Niya ito.
Ngunit hindi natinag ang mukong. Kinausap parin siya nito ng kinausap. Ang kulit. Parang Ang sarap bangasan ang mukha nito,e. Sa isip isip ng dalaga.

Kaysa naman sa tuluyang mainis binalik nalang ni fressia ang atensiyon sa kanyang guro na nag papaliwanag ng mga iba't ibang klaseng kapangyarihan at nilalang.

Ang parteng hilaga kanluran ay inuukopa ng mga nilalang na mapuputla ang balat at may pulang mga mata. Sila ay mga nilalang ng dilim.
May mahahaba silang mga buhok na kulay puti at mga pangil na singtulis ng patalim. Sila ay nag tataglay ng kapangyarihan ng yelo. Kaya nilang imanipula maging ang tubig. At may matatalas silang paningin at matalas na pang-amoy. Kaya nilang malaman kung nasaan eksakto ang kalaban.

Samantalang ang hilaga silangan naman ay pinamumugaran ng mga nilalang na may mababangis na anyo,sila ay kinatatakutan dahil sa kanilang walang kapantay na lakas.

Ang kanilang grupo ay pinamumunuan ng alpa.
Masasabing sila ay mga nilalang na kinaluluguran ng mahal na diyosa nang buwan. Pagkat tuwing bilog ang asul na buwan ay mas Lalo silang lumalakas.

Sila ay may kakayahang imanipula ang lupa at mga nasa paligid nito. Bawat isa sa kanila ay mayroong kambal na lobo.

Ang kanilang lahi ay masasabing isa sa mga pinaunang nabuhay dito sa balat ng lupa.

Sa timog naman makikita ang mga taong may abilidad na salamangka. Sila ay mga salamangkero. At ilan sa kanila ay mga kilala natin. May kakayan silang imanipula ang isang tao o bagay ayon sa kanilang gusto.

Samantala sa silangan bahagi makikita ang mga taong may kakayahang manggamot. Magaling sila sa mga halamang gamot,sila ang mga mangkukulam at ilan nga sa kanila ay kabilang sa mga elitista.

Sa sentro naman ang palasyo. Ito ang pinakapusod ng ating Mundo. Narito rin nakatirik ang ating tanyag na akademya. Dito sa sentro matatagpuan ang mga nilalang na may mahikang elemento. Tayo iyon.

Ngunit guro,pano po nangyaring ang iba dito'y walang kapangyarihan?

'Yan ay dahil sa ang iba'y sadyang mahina ang katawan,kung kaya't hanggang ngayon ay hindi parin kayang maipamalas ang kanilang mga kakayahan.

Kaya nga kayo pinag eensayo upang ang inyong katawang lupa ay mas lalo pang lumakas nang sa gayun ay mas lumakas din ang inyong mga kapangyarihan. Lakas natin ang susi upang tayo'y magtagumpay na magamit ng husto ang ating mga kakayahan. Kung hindi natin ito hahasain,e di anong mangyayari? Tiyak na hihina ang kapangyarihan niyo,posible ring mawala ng tuluyan. Kaya hinihimok ko kayo na pag-igihan pa nang mabuti ang pagpapalakas nang inyong mga sarili nang sa gayun ay kung sakali mang malagay ang sinuman sa inyo sa isang delikadong sitwasyon ay tiyak na makakaligtas.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang kampana hidyat nang pagtatapos ng klase.

Tapos na ang diskusyong ito,maari na kayong lumabas.

Mabilis naman na nasialisan ang mga mag-aaral ngunit nag-paiwan si fressia.

Inantay niyang makaalis lahat ng kaklase bago siya sumunod. Saktong palabas na siya ng silid-aralan ng may humablot sa braso niya. Sa pagkabila ay nairapas Niya ito.

Tsk. Ikaw na naman. Pwede ba wala akong panahon para sa mga kagaya mo,nakakainis ka naman.

Ipagpapatuloy...

✧✧*✧✧

Continue Reading

You'll Also Like

469K 18.8K 124
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...
1.4M 60.2K 95
!!ORIGINAL STORY!! Chae-hee, a Korean woman who escaped her past pains by moving to America. Enjoying her life working hard in a cafe, and if she was...
37.8K 83 47
Erotic shots
80.2K 2.1K 81
an eighteen-year-old boy, trying his best to save his ass from being whipped by his soon-to-be husband, and at the same time, he wants to get away wi...