Lips Of A Warrior (De Silva S...

By Gianna1014

1.4M 93.9K 52.4K

Ito ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu! More

Umpisa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue Part I
Epilogue Part II

Chapter 24

23.6K 1.5K 517
By Gianna1014

“Blessed is the one, who does not walk in step with the wicked or stand in the way that sinners take or sit in the company of mockers,” – Psalms 1:1 NIV

**

Chapter 24

Deanne

For the meantime, I did whatever I can to be a legit wife to Yale Montevista. I meant to be productive and useful para walang masabi sa akin ang pamilya niya. Saka ko uunti untiin ang pagkuha ng detalye sa kanilang mga plano. 

I figured, they must be extra careful now that I am living with them. Hindi naman nila ako agad na matatanggap na kabilang. But. . . there’s a possibility na gawin din nila akong kakuntyaba. 

Napag isipan ko rin iyon. What if, I accidentally heard their next plans. Then, as Yale’s wife, he would include me. At aakto akong kaanib nila. It would be risky but mas madali iyon, ‘di ba? Mas malaya kong malalaman ang kanilang susunod na hakbang. That should be my main goal now.

Pero sa ngayon, kailangan kong magkaroon ng silbi sa kanilang mansyon at kumilos na asawa sa panganay na Montevista. 

“Mam Deanne, dumating na po ang delivery galing furniture shop!” excited na balita sa akin ni Vee. 

I bought new furniture para sa master’s bedroom. Nag shopping ako ng bagong side table, table and chairs at katamtamang laki ng L-shaped couch na ilalagay ko sa corner sa tabi ng pinto ng veranda. I also changed the curtains and put vases with real flowers in it. Pinagdi-design ko ang bulaklak na binibigay sa akin ni Yale araw araw. Inaalagaan ko rin para humaba ang buhay. Dahil doon nagkabuhay din ang kanyang kwarto. 

Binuhat ng tauhan nina Yale ang pinamili ko. Inaakyat na iyon sa hagdanan nang lumabas sina Manang Soledad at mama Rosalinda galing sa study. Kita sa mukha ng biyenan ko ang mangha at kuryoso sa bagong biling furniture. 

Tumikhim ako. Nakatayo ako sa baba ng hagdanan dahil sinu-supervise ko ang ginagawa. 

“These are for our room, mama. I made some changes po.” inunahan ko na siya sa pagtatanong. As much as possible, ginagawa kong magiliw ang pakikipag usap sa kanya.

Bumagsak ang panga niya. “Alam ba ito ng asawa mo, hija?”

I smiled, “S’yempre po, mama.” 

Binigay pa nga ni Yale ang debit card niya sa akin. Na may bilin: “Bilhin mo lahat ng gusto mo.” Kaya ganito ang ginawa ko. Sariling pera ko sana ang gagamitin ko pero nang ipagpaalam ko sa kanya ang aatupagin ko, hindi siya pumayag.

“And what are you going to do with the old furniture?”

“Ipapalagay ko po sa storage room.”

Namilog ang mata niya. “Pinayagan ka ni Yale na gawin ‘yon?!”

I tilted my head and remembered his reaction to me. 

“Yes, mama. Why?”

Nag alala ako. Baka may sentimental value sa kanya ang mga lumang gamit sa master’s bedroom. Hindi ko naman itatapon, e. Kahit papaano ay may pakielam pa rin ako sa mga pinaglumaang gamit. The De Silva’s old mansion has so much antiques owned by my grandparents. Tinago rin iyon at inaalagan pa rin. Some memories are to be preserved.

“Don’t worry po. I’ll make sure na maayos po ang pagtatago sa storage. Titingnan ko po iyon.” I promised to her. 

Inayos nito ang mga siko sa armrest ng kanyang wheelchair at bumuntong hininga. 

“Sana hija ay kinunsulta mo rin ako na aalisin mo ang dating gamit sa master’s bedroom. Nang lumipat naman si Yale roon ay hindi niya pinakaelaman ang gamit na binili pa ng papa niya.”

“Ang sabi po ni Yale, ang ibang mahahalagang gamit ay sinama niyo naman po sa kwarto ninyo. Kaya pinayagan niya po ako na bumili ng bago,”

“Pagmamay ari ko pa rin ang naiwan sa kwarto niya. Hindi ko binaba lahat para magamit ng anak ko. Pero sana, nagpaalam ka rin sa akin bago ka nagdesisyong baguhin ang dati kong kwarto.”

“I’m sorry po, mama. Gusto ko lang sana ayusin ang kwarto namin ni Yale. . .”

“You can still do that. Hindi ko lang inaasahan na aalisin mo ang mga dating naroon na. Mamahalin at antique pa ang mga ‘yon.”

“Pasenya na po, mama.”

Natahimik ako. Naramdaman ko ulit ang naramdaman ko noong bigyan niya ng komento ang suot kong pang workout. And now, she bluntly said her disapprove comment about her old furniture being removed to storage room.

Dahil ayaw ni mama, hindi ko pinapasok sa master’s bedroom ang mga binili ko. Pinabalik ko rin ang dinala na sa storage at binalik ko sa dating arrangement ang kwarto. Habang naglilinis, pinatabi ko muna sa dating kwarto ni Yale ang pinamili ko. I went in there to check na hindi magugulo ang kwarto. Nakakahiya at nagmukha na ngang masikip doon. Pero sandali lang naman. Medyo magulo pa roon sa storage room dahil sa palipat lipat na gamit. 

Unang beses kong malilibot ang dating kwarto ni Yale at sa pagkamangha ko, naroon pa ang mga dati niyang gamit. His bed was already big. I smirked. Malaking lalaki kasi kaya ganoon. He had one side table and an old lamp shade. Sa isang corner, ay may study table at chair. Sa taas no’n ay isang bulletin board na may mga naka-pin na litrato. His pictures during his high school and college days. 

Halo halo ang naka-pin. May mga papel sa ilalim tapos ay litrato. Una kong tiningnan ang picture niyang solo. Nakasuot ng pulang jersey at nakaipit ang basketball sa pagitin ng tagiliran at braso. Ang background ay court. I leaned over and stared on his stubbled-free jaw. I smiled. Well, he looked a little bit different. 

In-scan ko ang ibang litratong naroon. May kasamang classmates, teammates at mga guro. Siguro, during his school years, si Yale ang tipo ng estudyante na tahimik lang pero may ibubuga sa klase. Hindi siya palangiti sa litrato. Actually, mukha ngang suplado. He looked mysterious and attractive at the same time. 

Many of his pictures were on the court and was holding basketball. Magkakasundo pala sila ng mga pinsan ko at ni Dylan. Mahihilig din iyon sa larong basketball. 

Some were outside the school building, fast food chain, in the living room with obviously working on his thesis or school project and on his college graduation. Nakatingin siya sa camera pero hindi nakangiti o tipid lang. 

“Mam Deanne, ayos na po ro’n.” 

Binalingan ko si Vee na nakatayo sa bukas na pinto. 

“Oh, okay. Salamat, Vee.” 

Gusto ko pa sanang libutin ang dating kwarto ni Yale pero lumabas na rin ako at sinarado ang pinto. I went back in the master’s bedroom. Ang tanging pagbabagong nagawa ko ay ang pagpapalit ng kurtina. Okay na rin ito. Ang vases ng mga bulaklak ay nakadagdag ng buhay sa kwarto. 

Alas singko y media nang umuwi galing opisina si Yale. I was arranging our clothes in the closet when he arrived in the room. Naabutan niya akong nagtitiklop ng bagong laba niyang damit. Hiningi ko na iyon kay Vee dahil wala akong ginagawa. Bumuntong hininga si Yale pagkakita sa akin. 

Nginitian ko ang reaksyon niya. “Gutom ka na ba?” 

Hindi ako tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nasa kandungan ko pa ang damit niyang tinitiklop ko. Siya ang lumapit sa akin at nag squat sa tabi ko. Isang beses niyang tiningnan ang laundry basket at saka ako pagod na tiningnan. It was like a disappointing stare at me. 

I chuckled. Umiling ako at pinagtuloy na lang ang ginagawa. Pinagmasdan niya ako ilang sandali bago inulit ang pagbuntong hininga at lumabas ng walk in closet. Bumalik din agad. 

“Akala ko. . . mag aayos ka ng kwarto natin, love?”

Mahina akong suminghap pero agad ding nakabawi. Tumayo ako at humarap sa kanya. With a little tense in me. Dahil gumastos na ako pero mukhang hindi ko mailalagay ang mga binili ko. 

“Na-deliver na kanina. Pinatago ko sa storage room.” 

Kumunot ang noo niya. “Bakit mo pinatago?”

“E, kasi. . .” I bit my lower lip. Nahiya akong tingnan siya sa mata. I looked down on the carpeted floor. “H-Hindi nagustuhan ni mama. Binili ng papa mo ang mga gamit na nandito tapos pinakaelaman ko. Dapat nagpaalam muna ako sa kanya,”

I then apologetically looked up at him but I found his angry face. Napatda ako. Magkasalubong na ang mga kilay habang nakatitig sa akin. 

He look pissed. Hinubad niya ang coat at tinalikuran ako. Nag aalala ko siyang sinundan. 

“Yale?”

Hinagis niya ang coat sa kama. Isa isa niyang nirolyo ang sleeves sa siko. He hasn’t taking off his black leather shoes. Kahit ang belt niya ay suot pa rin. Nakatingin ako sa baywang niya nang lingunin niya ako. 

“Ano’ng gusto mong alisin dito?” 

Kumurap ako. “H-Ha?”

He sighed again with pissed. Tinuro niya ang lumang drawer sa tabi ng veranda. Lumapit siya roon at inusod palayo sa pader. 

“You want this remove, right?” 

I gasped. ‘Wag mong sabihing. . . siya ang mag aalis no’n?

He looked back at me over his shoulder. “Right?” ulit niyang humihingi ng kumpirma. 

“O-oo. Pero ayaw ni mama,”

Hindi niya ako pinansin at tuluyan niyang inalis doon ang antique na drawer. His arms flexed over his strained longsleeves. Lumunok ako at pasinghap na no’ng angatin niya ang isang side ng drawer para alisin doon, nilapitan ko siya at hinila sa balikat. 

“’Wag mo nang tanggalin, Yale. Baka magalit ang mama mo!” nag aalala kong awat sa kanya. 

Pero hindi niya ako pinansin at tinuloy ang paglabas ng lumang gamit. Nagmadali na ako sa pagtawag sa makakatulong niya sa pagbubuhat kahit mukhang kinakaya niya mag isa. Nakita ko si Dos sa kusina at siya ang pinaakyat ko. Nang makita ni Yale ang ginawa ko, mabigat itong bumuntong hininga.

Inilabas ulit ni Yale ang mga pinaalis ko kanina. Kumakalabog ang dibdib ko habang pinapanood ko siyang buhatin ang mga iyon. Iba sa naramdaman ko kanina no’ng hindi pa nagsabi ang mama niya sa akin. Kasi ang pinapakita ni Yale ay pagsalungat sa kanya. Kinakabahan ako na baka mag away sila. 

Pagod at galing sa trabaho, tinarabaho ni Yale ang paglilipat at lagay ng mga bago kong biling furniture. 

“Saan mo gusto, love?” 

“B-Banda rito,” 

Tinanong niyang lahat sa akin ang pwesto kung saan ilalagay ang lahat ng pinasok. I could merely speak but then I had to. Sa huli, nagawa ko pa rin ang pagbabagong gusto sa kwarto. Iyon nga lang, nang pagmasdan ang natapos, may kaba pa rin sa dibdib ko dahil sa disgusto ni mama Rosalinda. Tiyak kong malalaman niyang nag-rearrange kami ngayon. 

Kumuha ako ng malamig na tubig at inakyat para kina Yale at Dos. Nang makuha ni Dos ang baso niya, pinababa na rin ito ni Yale. Kumunot ang noo ko. Hindi pa nakakainom ‘yung tao, pinaalis na niya. 

Umupo si Yale sa gilid ng kama. Nilingon ko siya habang inaalis ang balot na plastic ng couch. 

“Magpahinga ka muna bago maligo.”

Nang tingnan ko siya ulit, tinatanggal na niya ang butones ng kanyang puting longsleeves. Nakita ko agad ang dibdib niya. Agad kong inalis ang tingin at mariing pumikit. Binilot ko ang plastic cover sa mga kamay. Bumaling na ako sa ibang parte ng kwarto maiwasan lang ang paghuhubad ni Yale ngayon. Sa pagbaling ko sa bagong mesa, nakita ko ulit ang mga bagong pulang rosas. 

I sighed and smiled. 

Nag ayos ako ulit ng mga nagulong gamit at nagwalis. I looked again at everything that he changed and things I arranged. Ang laki agad nang pinagbago ng kwarto. Hindi na siya kasing plain ng dati. I must say, bumagay ang mga bagong furniture. Though, maganda pa rin ‘yung antique nila, iba pa rin ang dating kapag bago. At may satisfaction pa akong nararamdaman ngayon. 

I didn’t mean to hurt mama Rosalinda. Pero si Yale. . . siya yata ‘yong tipong kapag pwede, pwede. Pinaluluguran niya kaya ako kaya pumayag siya? Hindi ko naman makita sa mukha niyang napipilitan siya. Kung ayaw niya, pwede naman siyang sabihin, e. Hindi ako magrereklamo. 

But he didn’t say anything. Take note, pinigilan ko pa siya kanina. 

Nilapitan ko siya. Ang binaba niyang longsleeves sa kama ay dinampot ko. Pumwesto ako sa gilid niya habang nakaupo at binunasan ko ang basang pawis niyang likod. Nilagay ko ang kanang kamay sa kaliwang balikat niya at saka ko tinuyo ang kanyang likod. 

Mangha niya akong tiningala. I sighed with worries. 

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan, e. Baka m-magalit si mama.”

Bahay pa rin nila ito. Nakikitira lang ako. Lalo pa’t iba ang pakay ko sa pagtira rito. Kaya kong sumunod sa patakaran nila kung kailangan.

He caught my hand over his shoulder. Napatingin din ako sa kanya. 

“You’re entitled to do whatever you want because you are my wife, Deanne. You can do whatever arrangements you’d like to.”

“Pero pagmamay ari rin ito ng mama mo. I respect how she valued her things. Okay lang sa akin kung ayaw niyang may mabago sa kwarto. ‘Yung pinamili ko, pwede kong bayaran sa ‘yo para hindi masayang ang pera mo,”

Nagdilim ang mukha na tila may nakagalit sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin paupo sa kanyang kandungan. I gasped but I immediately bit my lower lip and looked at him with surprised written on my face. 

He snaked his arm around waist and our faces were just inches away from each other. 

“What did I tell you? Lahat ng sa akin ay sa ‘yo rin. You’re now Deanne Montevista. My wife. My other half. Bakit mo papalitan ang perang para sa ‘yo rin?”

I struggled to gulp. “Masasayang kasi ang pinambili ko kung sakaling hindi nagamit ang furniture,”

His jaw clenched as he stared at me intently. 

“Pero ibabalik ko ang mga antique na gamit ni mama kapag talagang ayaw niya. Hindi ko ipipilit ang gusto kong ayos.”

Kabado ko siyang sinulyapan. Tapos ay tumingin na lang ako sa hawak kong longsleeves niyang basa ng pawis. 

“I’ll buy you a house, then.”

Gulantang ko siyang binalingan. Hinapit niya ako payakap sa kanya. He buried his lips on my temple. 

“I’ll look for our house so you can do whatever design and arrangements you want. Walang mambabawal at magagalit sa ‘yo. You will also be the queen of that house, love.”

Madiin niyang hinalikan ang sintindo, buhok at pisngi ko. Hindi ko siya matingnan dahil sa ginagawa niya. 

‘Also’? Ibig sabihin, queen ako rito sa mansyon nila?

Ramdam ko ang pawis niya sa dibdib na dumikit sa braso ko. Yale didn’t stop his little kisses on my cheek. Kinikiliti ang tiyan ko sa ginagawa niya at parang ayaw ko nang tumayo ulit para ipaghanda siya ng hapunan. Teka, anong oras na ba? Lagpas na ng oras para sa dinner!

Suminghap ako na parang nalunod sa paniginip at tinulak siya sa dibdib. 

“Hindi ka pa kumakain! Maghahanda lang ako,”

Bakit kaya hindi kami tinawag ni Vee para kumain? T’yak tapos na ring kumain ang iba. Lalo na si mama Rosalinda. I haven’t heard yet kung dumating na rin sina Leonard at Rock. 

Pag ahon ko mula sa kandungan niya, hinuli pa ni Yale ang kamay ko. Nakita ko ang lalim ng kunot sa kanyang noo at mga mata niyang parang may ibang nais ipahiwatig. 

Nagtitigan kaming dalawa ilang segundo bago siya bumuntong hininga. He licked his lips and tensely looked up at me. 

I tilted my head and stared. Hinawi ko ang bumagsak na hibla ng buhok sa kanyang noo. Then, I started to softly comb his hair. Ang sarap suklayin ang malambot niyang buhok. 

“Ang lambot ng buhok mo.” 

Hindi siya nagbigay ng reaksyon at nanatiling nakatitig sa akin habang sinusuklay ko. 

Kinuha niya ang kamay ko. Dinala niya iyon sa tapat ng labi niya. Banayad na hinalikan ang likod ng palad ko. 

My heart rapidly beat at his gesture. I shifted on my feet. I couldn’t look at him without me looking so nervous or affected of that sweet kiss. 

He sighed. “I’ll give you everything. I’ll do anything that will make you happy.”

I didn’t answer that. But I quivered a smile. Giving him my nervous happiness. 

Pagkatapos naming maghapunan, pumunta sa study si Yale at may tatapusin lang daw na trabaho. Pinayagan ko siya at nauna na akong umakyat sa kwarto namin. 

“Good morning, Mam Deanne! May almusal na po.” 

“Thanks, Vee. Pero nasaan si Yale?” 

Maaga akong gumising. Alas seis. Ang pinaka late kong gising dito ay alas otso at nakaalis na no’n si Yale. Ngayong maaga ako, alam kong nandito pa siya. 

“Nasa study po, mam. Kasama ang mga kapatid at mama niya.”

Kumunot ang noo ko. May meeting sila? Teka. Kailangan kong pumunta roon!

“Okay. Salamat, Vee!”

“Mam ‘yung breakfast niyo po?”

“Hm, later na. Kumain na ba ang asawa ko?”

“Hindi pa rin po, mam.”

Tumango at tinapik siya sa braso. “Sabay na kami. Puntahan ko lang.”

With excitement lingered in my head, nagmadali ako sa paghakbang papunta sa study room. Hindi maririnig ang yabag ko sa gaan ng hakbang ko. Nakasarado ang pinto pagdating ko sa labas. Inisip kong kumatok bago pihitin ang door knob pero titigil sila sa pag uusap dahil doon. 

Hindi na ako kumatok. Binuksan ko ang pinto at agad na sumilip. 

Si Yale na nakaupo sa swivel chair ang unang nakapansin sa akin. Nakapangalumbaba ito pero kinalas nang makita ako sa pinto. I immediately smiled at him. 

“Good morning!” 

Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pumasok sa loob. Nagsasalita pa si mama Rosalinda nang balingan ako. 

“. . . papuntahin niyo. Bahala kayo. Alam ko namang makikikain lang ang mga ‘yon o kaya mangungutang.”

Nakatayo si Leonard at nakahalukipkip. Galing sa akin, mabilis niyang binalingan ang mama niya. 

“Ma. Hindi gan’yan sina Tito Fausto. Baka kung ano’ng isipin ni ate Deanne kapag nakilala sila.”

Bahagya akong natigilan sa paglapat sa pintuan. Kumunot ang noo ko. Na-curious agad ako sa pinag uusapan nila. Umismid si mama Rosalinda. Si Rock ay nakaupo sa sofa at pinagpatungan ng dalawang braso niya ang ibabaw ng sandalan. Nginitian niya ako. 

“Good morning, ate Deanne. Ang aga mo ngayon, ah.”

Sumandal si Yale sa upuan at bahagyang tinaas ang kamay sa akin. I nodded and walked to him. I reached his hand. Hinila niya ako. Tumayo siya at tinuro sa akin ang swivel chair niya. 

“Okay lang. Tatayo ako.” Bulong ko.

Umiling siya. He kissed my cheek. Uminit ang mukha ko dahil narinig ko ang mahinang tuksong tawa ni Rock sa amin. 

“Mangangawit ka. Upo ka na.”

Hinawakan niya ang sandalan at inusod ang swivel chair para makaupo ako. 

Nagkibit na lang ako ng balikat kaysa makipagtalo pa. Umupo ako. Humalukipkip siya at umupo sa edge ng mesa sa gilid ko. Kaya nakatalikod siya sa pamilya at ang mata niya ay nasa akin. 

I didn’t look at anyone sa takot na malaman ko ang reaksyon nila. 

“Kumain ka na, love?” bulong niya. 

Umiling ako. Tiningala ko siya at nginitian. “Sabay na tayo.”

He smirked and nodded. Nagtagal ang mata namin sa isa’t isa. 

Leonard cleared his throat. “Tuloy sa sabado, kuya?”

“Magpa catering na lang tayo kung gano’n.” 

“Catering pa? Bakit special ba sila? Gastos na naman. Sina Soledad na ang maghahanda!”

May bahid ng galit ang boses ni mama Rosalinda. Bumuntong hininga si Yale at nilingon ang mama niya. 

“Minsan lang dumalaw sina Tito Fausto rito, mama. Harapin niyo sila nang pormal. At least.”

Curiosity was on my face. Tiningnan ko sila isa-isa. Hoping to find answers. But they continued on what I thought was arguing. 

“Dadalaw sila dahil hindi nakarating sa kasal. Gusto rin nilang makilala kung sino ang pinakasalan ni kuya Yale.”

“’Wag niyo akong sisihin. Pinadalhan sila ng imbitasyon ng kuya mo, Rock!”

“Alam namin, mama. Sina Kuya sana ang may balak na pumuntang Zambales pero sila na ang nagsadya rito. Let’s give them a warm welcome. Nag iisang kapatid na lang ni papa si Tito Fausto.”

Ah, okay. Nage-gets ko na. Kaya pumangalumbaba ako sa mesa at pinanood sila. Sinikop naman ni Yale ang takas na buhok sa likod ng tainga ko. Tiningnan ko siya. Ngumiti siya sa akin at bahagyang yumuko para bumulong sa tainga ko. 

“Bibisita sa sabado at linggo ang bunsong kapatid ni papa. Si Tito Fausto. Hindi sila nakarating sa kasal natin dahil. . . biglaan. Pinalano kong isama ka sa Zambales pero sila na ang nagpresintang pumunta rito.”

He continued what he is doing on my wet hair. Nag uusap pa rin ang mga kapatid niya.

Tumango ako. “Nakakahiya naman. Sana nga ay tayo na lang bumyahe roon.”

He watched me and then smiled. “Gusto kang makilala ni Tito Fausto. He’s curious about my wife.”

I smirked. “Did you show him our wedding pictures?”

Hindi pa napapadala sa amin ang mga kuha noong araw sa kasal ng kinuha niyang official photographer. Pero mayroon siyang kuha sa kanyang cellphone. Sigurado akong meron siya. 

“Nope. I’m guessing before Saturday, na-deliver ang wedding photo album natin. I called the studio. They’re already preparing the shipment.”

“That’s good. Sabay sabay na nating tingnan ang mga kuha.”

“I’m sorry, love. Na-delay ang pagdating dito.”

Bumaba ang kamay niya sa pisngi ko. Mabining hinaplos ng thumb niya ang balat ko. Tumatagos ang init nito kasabay ang init na nakikita ko sa mga mata niya. I had to clear my throat and ignored it. 

“I’m sure hindi lang tayo ang client nila. I’m not complaining. Baka pinamadali mo, ha?”

“I did.”

“Yale. . .”

He grinned. Dumukwang siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. 

“I’m excited to hang our picture in our room. And I already have someone to paint us, too.”

Bumagsak ang panga ko sa huli niyang sinabi. Pero hindi niya nakita dahil tinawag na siya ng mama niya. 

What the hell?

“Marunong namang magluto ang asawa mo, ‘di ba? Bakit hindi mo ipatulong kina Soledad?”

“Ma,” pigil ni Rock. 

Lumunok ako ulit. Nabalik ang huwisyo ko sa sinabi ni mama Rosalinda. I looked at her. Ngumiti ito sa akin nang hindi kasama ang mata. 

“I’d rather have catering than tiring my wife over cooking.” May diing sagot ni Yale. 

Kumurap ako. Tiningnan ko si Leonard. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kuya niya. Mukhang hindi naman papalag. Though, walang problema sa akin ang pagluluto. I mean, okay lang. Hindi ako madaling mapagod. 

Tumikhim ako. Pinutol ko ang masamang tinginan ni Yale at ng mama niya. 

“Wala pong problema sa akin. Kaya kong magluto.” 

Ilang beses ko nang napapakain ang mga tauhan at sina Vee rito sa mansyon. Ginagawan ko sila ng meryenda kung minsan. 

“Love.” 

I bit my lip. Hindi gusto ni Yale. 

“Gano’n naman pala. Edi wala nang problema. Magpapa-catering service pa kayo.”

Rock sighed and stood up. “Sa hotel naman sila magpapalipas ng gabi rito sa manila. Pero babalik sila ng linggo. Para magpaalam na rin bago umuwi.”

Tumango ako. Nakatitig sa akin si Yale kaya hindi ko na tiningnan ulit. 

“So, dinner lang ba?”

“Yes, ate.”

Ngumuso ako. “Mga ilan ba ang darating?”

Yale sighed heavily. “Tito Fausto. His wife. Our four cousins. Their spouses. Then, their children and other extended family members.”

My lips parted. Ang dami pala. . .

Leonard chuckled. “Unlike ours, Tito’s family is kind of big.”

“Mabuti na lang nandito na sa atin si ate Deanne. Sila ni kuya ang unang magbibigay ng apo kay mama. Simula na ‘yan ng pagdami sa side natin. Kainggit!”

Tiningnan ko si Rock at hilaw na nginitian. Binalingan naman ni Leonard si Yale. 

“S-Sige. Ako na ang bahala sa ihahanda. Ibigay niyo na lang specific nilang gustong pagkain at baka magawa ko.”

Tinaas ni Yale ang baba ko at mariing akong tiningnan. 

“Deanne Montevista. Baka hindi mo nalalaman ang pinapasok mo.”

It was still new for me to hear his name after my given name. Parang may ibang pahiwatig sa pagsambit ni Yale nang buo sa pangalan ko. 

Hindi maipinta ang dilim sa mukha niya. 

“Nand’yan naman sina Manang Soledad at Vee. Kaya ko, Yale. ‘Wag kang maalala.”

Mama Rosalinda sighed loudly. 

“Tapos na ‘to. Ilabas mo na ako, Rock. Sigurado akong siya na ang susundin ng kuya mo. Wala na akong maidadagdag pa rito.”

Sinunod ni Rock ang kagustuhan ng mama niya. Leonard watched them leaving. While Yale watched me silently. 

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 798 39
"It's Bia from Scotland to London, with love and hate." Bakasyon, iyon ang pakay ni Bia sa London kasama ang boyfriend na si Ryker. Ngunit may pangya...
1.2K 118 16
Czarina Guevara is a sultry woman whose job is to fuck men for their money. Everyone knows how notorious she is in her chosen field. But her world su...
100K 4.9K 39
She's wild and free. He's a responsible son and brother. She's playful. He's a little serious. Will a pragmatic marriage between two different peop...
5.1K 375 38
Lauren Ricaforte wants to make amends for her past wrongdoings. To start over, she boarded an aircraft for Brooklyn, New York, and applied for severa...