Mr Billionaire's Fake Wife

By MsAlmond

59.2K 1.6K 99

Umuwing luhaan si Everlie Laine Castro ng malaman nyang niloloko pala sya ng long time boyfriend nya. Sa pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
Chapter 14
15
16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
21
chapter 22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44:
45
46
47
48
49
50: New Season Begin
51:
52
53
54
55
56
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69

57

786 26 1
By MsAlmond

**Roseben's Pov**

"Hanggang ngayon ay takot pa din syang lumabas ng kwarto nya. Mukang matatagalan pa bago makabalik si Larra sa sarili nya. Sa loob ng anim na buwan, nag karoon sya ng intense mental distress." Wika ng private doctor ni Larra.

Awang awa ako sa kapatid ko, dahil sa pag tatago nya sa mga pulis, grabe yung mga pinag daanan nya. Dumating sa point na hindi na ito nakakain sa loob ng tatlong araw dahil hindi nya alam kung paano sya makakalabas sa tinataguan nya. Everytime na may nakakakilala sa kanya, lumilipat sya ng matitirhan.

Ilang taon kong hinanap si Larra, tapos ito ang madadatnan ko. Kung minahal lang sana sya ni Garri tulad ng pag mamahal sa kanya ni Larra, hindi ito mangyayare sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para masira sila.

Wala silang karapatan na saktan ang kapatid ko. Hindi nila alam yung sakit na naramdaman nito. Pababagsakin ko kayo, hintayin nyo lang at gagalang kayo sa hirap.

-

"Nakuha ko na ang pinakang mataas na stock share holder sa Clinton's Empire." Wika ng isa sa mga tauhan ko.

"Magaling kung ganun, hindi mag tatagal at mapapasakin din ang Clinton's Empire, at isusunod ko na ang Ocampo Group and Companies." Nakangiting wika ko sa tauhan ko.

Kukunin ko ang lahat sa inyo at wala akong ititira. Tingnan lang natin kung San kayo pupulutin.

-

Dumiretso ako sa mansion ng mga Clinton. Nandito ako hindi para kay Garri, kundi para bilugin ang ulo ng mama ni Garri. Kuhang kuha ko na ang loob nya, kaya hinding hindi na makakabalik si Erceles sa mansion na ito. Tama lang yun sa kanila ni Garri, mag dusa silang dalawa.

"Kung patuloy pa rin na mag mamatigas si Garri, putulin mo na ang ugnayan natin sa kanya." Wika ni mommy Rizza.

"Nahihibang kana ba? Alam mo naman na si Garri ang Vice chairman ng company natin!" Sigaw ng Asawa nito sa kanya.

"Nandyan naman si Gabby, isa pa tutulong din si Roseben satin." Wika ng Ina nito. Palihim naman akong napangiti. Alam kong mahihirapan ako pag dating sa ama ni Garri. Hindi naman ito ganun kadaling utuin hindi katulad ng mommy nya.

"Kapag nawala na kay Garri ang lahat, tiyak na susunod sya sa gusto natin." Dagdag pa nito.

"Hayaan mo nalang si Garri sa gusto nya. Alam na ni Garri ang tama at mali. Ngayon na may Asawa na sya, bakit ba gusto mo pa rin kontrolin ang buhay nya? Hindi ka pa ba masaya na Ocampo si Everlie?" Tanong ng Asawa nito kaya napakunot ang noo ni Mommy Rizza. .

"Sa tingin mo mapapatawad ko sya sa ginawa nyang pang loloko satin?" Inis na sagot nito.

"Nagawa nya yun dahil kay Garri, at kasalanan natin kung bakit nagawa yun ni Garri. Kaya pwede ba Rizza, tigilan na natin to. Hayaan mo na si Garri at Everlie!" Sigaw nito at umalis na ito sa harapan namin.

"Bumalik ka dito Gabriel, hindi pa tayo tapos mag usap!" Sigaw ni Mommy Rizza.

"Mom, hayaan nyo na muna makapag isip-isip si Dad. Pero tama po ang naging disisyon nyo. Kung isang beses na kayong niloko ni Garri at Everlie, pwede nya ulit gawin yun sa inyo. Kaya huwag kayong papayag na maging daughter in law nyo ang babaeng yun." Wika ko dito at hinawakan ito sa dalawang kamay.

"Mamatay muna ako bago mangyare yun!" Wika nito kaya napangiti ako sa isip ko.

Habang hawak ko sa leeg ang mommy ni Garri, mapapadali ang lahat. Sorry nalang dahil uto-uto ang ina nya. Hindi marunong pumili ng taong dapat pag kakatiwalaan nya.

**Erceles's Pov**

  1 week na ang lumipas mula ng makapag usap kami ni Garri. Hindi na ito ulit na ngulit sakin. Papunta ako ngayon sa company namin dahil may pinapaasikaso sakin si mom.

Pag sakay ko ng kotse, wala pa si Kuya Alfred. Never naman itong na late, kapag alam nyang may pupuntahan kami naka abang agad ito sa sasakyan. Maging si Jonathan ay wala pa din, kanina ko pa nga itong hindi nakikita. Nakakapanibago tuloy dahil lagi naman itong nakasunod sakin. Maya-maya pa pumasok na sa driving seat si Kuya Alfred.

Sa byahe namin, napansin kong ibang way yung dinadaanan namin. Hindi ito yung papunta sa company namin kaya tiningnan ko si Kuya Alfred.

"Kuya Alfred, sa company po tayo. Bakit parang iba ang dinadaanan natin?" Tanong ko dito.

Hindi ito umiimik, napakunot ang noo ko dahil hindi naman gumagamit ng cap si Kuya Alfred pag nag mamaneho. Sinilip ko ang muka nito sa salamin kaya nanglaki ang mata ko ng makilala ito.

"Garri, anong ginagawa mo dito!" Inis na tanong ko dito.

"Kinikidnap ka." Nakangising wika nito at inalis na ang suot nyang sombrelo.

"Nababaliw kana ba? Itigil mo na to, ibalik mo na ako sa mansion!" Pag papanic ko. Bigla nitong ni lock ang mga pinto kaya wala na akong kawala.

"Ano ba Garri, hindi na to nakakatuwa!" Inis na wika ko pero hindi ito natinag. Nababaliw na talaga sya, hindi ko alam kung san nya ako dadalhin. Tiyak na mag aalala si mom and dad kapag nawala ako.

"Kapag hindi mo to tinigil, tatawag ako ng pulis!"

"Sige gawin mo ang gusto mo at gagawin ko ang gusto ko. Mapapahiya ka lang sa mga pulis babe, hindi natatawang na kidnapped to dahil asawa mo ko." Nakangising wika nya.

Ang gwapo naman nitong kidnapper ko, pero hindi ito ang time para purihin sya.

"Garri, please naman ibalik mo na ako samin." Pag mamakaawa ko.

Maya-maya pa nag ring ang phone ko.  Agad ko itong sinagot ng makita ang pangalan ni mom sa screen.

"Mom, help! Dinukot ako ni Garri." Pag papanic ko.

"Don't worry anak, nag paalam samin si Garri. Sumama kana sa kanya para makapag usap kayo. Alam naman namin na mahal mo talaga si Garri kaya ito na ang time para pag mag kaayos kayo." Wika ni mom kaya napa nganga nalang ako.

Hindi na ako umimik at pinatay na ni mom ang call.

"Nakipag sagwatan ka pa talaga Kay mommy para lang dito. Baliw kana talaga Garri!" Inis na wika ko dito.

"Oo, baliw na baliw sayo. Huwag ka ng magalit Mrs Clinton, itutuloy lang natin yung naudlot nating honeymoon noon." Wika nito sabay kindat sakin.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa muka ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako kay Garri or kikiligin. Pero sa sitwasyon ko ngayon hindi dapat mauna ang kilig, pero hindi ko mapigilan yung sarili ko. Arghh, nakakainis ka talaga Garri!

Mag papakipot muna ako this time, gusto mong mag simula tayo sa umpisa ah. Sige pag bibigyan kita! Mararanasan ko din ang maligawan  ng isang Garri Austine Clinton. Hindi na ako makapag hintay, feeling ko ngayon palang talaga mag sisimula ang lahat para samin ni Garri.

Lumipas ang isang oras at nag stop over kami sa isang gasoline station. Habang nag papa-gas ito, kumatok ito sa bintana kung nasan ako. Hindi ko sya pinansin kaya binuksan nito ang pinto.

"Babe, hindi ka ba naiihi or nagugutom?" Nakangiting tanong nito sakin. Tiningnan ko sya ng masama pero lalo lang itong napangiti. Ay naku panty, kumapit ka ng mabuti.

Bumaba ako ng kotse na hindi ito pinapansin. Alam ko naman na nakasunod ang tingin nito sakin. Pumunta na ako sa Cr dahil pakiramdam ko malayo ang pupuntahan namin.

Pag labas ko ng Cr

"Anak ng tokwa naman oh!" Gulat na wika ko ng makita si Garri sa labas ng Cr. Wala akong sakit sa puso, pero mukang aatakihin ako sa nerbyos dahil sa lalaking to.

"Sana hinintay mo nalang ako sa kotse." Inis na wika ko dito.

"Sinundan kita kasi na miss agad kita." Wika nito kaya napa rolled eyes nalang ako. Hindi ako sanay na ganito sya ka sweet sakin. Hindi naman kasi sya sweet mag salita sakin noon, mas pinapakita nya ito sa kilos.

Pag balik namin sa sasakyan, nag maneho na ulit ito. Hindi ako pamilyar sa mga dinadaanan namin, kaya wala talaga akong idea kung pasaan ito.

"San mo ba ako dadalhin huh Mr Garrison?" Inis na tanong ko dito.

"Pabalik sa puso ko." Nakangising wika nito.

Ay bwesit na Garri to, ang landi! Kitang kita ko sa rare mirror yung pag ngiti nya. Sinong di kikiligin sa lalaking to. Pero kalma lang Erceles, dapat hindi ka madala sa matatamis na ngiti at salita ni Garri. Panindigan mo ang pagiging dalagang filipina mo.

Huminga ako ng malalim at tinuon sa labas ang atensyon. Sa pag tingin ko sa mga signboard sa daan, nag karoon ako ng hint kung saan kami pupunta.

"Dadalhin mo ba ako sa Villa?" Tanong ko dito at agad naman itong tumango.

Bigla kong na miss si nanay Lucy at Tatay Daryo. Tiyak na matutuwa ang mga ito pag nakita kami.

"Alam ba nila na nag hiwalay na tayo?" Tanong ko kay Garri.

"Siguro, mabilis lumipad ang balita kaya siguradong alam na nila ang nangyare satin." Sagot nito habang seryosong nag mamaneho.

"Totoo ba talaga na ni register ni kuya Gabby ang kasal natin noon? Bakit ginawa nya yun?" Tanong ko dito kaya napakunot ang noo ni Garri.

"Hindi ko alam, pero sobrang thankful ako na ginawa yun ni Kuya. Dahil kung hindi, baka tuluyan ka ng nawala sakin." Wika nito. Ramdam ko yung lungkot sa tono ng pananalita nya.

Akala ko nga ito na ang katapusan naming dalawa. Alam ko naman na wala akong laban sa plano ng magulang nya. Mabuti naman at nagising na sya at pinag laban nya na ang relasyon naming na udlot.

"Paano yung Fiance mo?"

"Bahala sya sa buhay nya, wala naman akong pinangako na papakasalan ko sya. Ikaw lang naman ang babaeng pinangakuan ko nun." Wika nito kaya kinilig nanaman ng very light yung pempem ko.

  Ayuko na ngang makipag usap kay Garri. Baka bumigay agad ang puso ko at masira ang plano ko.

Alalahanin mo Erceles, mag papakipot ka sa lalaking yan kaya huwag kang maharot! Saway ng isip ko.

Sorry na agad, na miss ko lang talaga humarot ng ganito, hehehe

Continue Reading

You'll Also Like

55.4K 1.2K 41
This story is Romance again hehe.. Hope you like this..
44.1K 1.2K 43
"back off bastard" my twins said to the man who wants to approach me "sorry*shy smile*"i said as I looked at him apologetically my twins is a badas...
408K 11.9K 27
Marahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga...
1.9M 37.7K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.