KRISTINE SERIES 26: Trace Lav...

By AgaOdilag

117K 2.4K 357

Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 13

4.6K 91 11
By AgaOdilag

MULA sa papaalis na sasakyan ni Kurt ay
nabaling ang tingin ni Trace sa paglabas ni Aidan sa villa. Napaungol siya nang lihim habang sinusundan ng tingin ang bawat hakbang nito palapit sa kanya.

Ang anyo nito ay tila ba nakahanda itong maki-paghamok sa kanya. Kurt informed him that he worked for Pentagon for a while until his mother had a mild heart attack that made Aidan resign voluntarily.

lyong isang kapatid na lalaki ni Jessica kanina ay binalaan na siya nang lihim bago umalis. May pakiramdam siyang kung napilipit ni Lenny ang leeg niya ay malamang na nasiyahan ito. Pagkatapos ay ang asawa naman ni Julianne ang humarap sa kanya.

"I haven't been a member of this family for
long, Lavigne," ani Benedict, ang mga mata ay
nagbababala. "But they're my family now. My only family. You hurt one and you hurt the rest."

There was no mistaking of the threat underlining the tone. At natitiyak niyang may iba pang mga lalaking miyembro ang pamilyang ito na hindi pa niya nakakatagpo.

Si Attorney Marco de Silva ay tinangka siyang
kausapin kanina subalit si Kurt na mismo ang
umawat sa father-in-law nito at ito mismo ang
kumausap sa kanya.

"I have always wanted you to marry and have a
life, Trace," ani Kurt kanina sa pinipigil na galit. "But not this... this..."

"Not this way and definitely not to your cousin-in-law?" he said furiously. "It is unlike you to be so condescending, Kurt."

"I never look down on any of you, Trace. Alam
n'yong tatlo iyan! Hindi ko lang mapaniwalaang magagawa mo ito."

"Jessica's not a child, Kurt. She married me for
a reason. Sa pagkakaintindi ko, naisalba ng pagpapakasal niya sa akin ang islang ito."

Nilinga niya ang buong paligid. Ang paglusot
ng sinag ng araw sa pagitan ng mga sanga at dahon ng naglalakihan at matatandang puno ay makapigil-hininga.

And beyond the trees were the rolling verdant
hills and plains. At sa naaabot ng tanaw niya ay ang pasimula ng kagubatang hindi pa nagagalaw ng alinmang mapangwasak na mga kamay ng tao. Na sa pagkakaalam niya ay pinanirahanan ng ilang nalabing agila.

He turned to Kurt. "If the devil's a woman, I'd
marry her myself for this island."

"Sa ibang pagkakataon at nakapag-isip ako'y
maaaring maintindihan ko si Jessica. Nawalan siya ng mga magulang. She was angry... she was confused. Nakadama ng rebelyon para sa amang wala na pero naglagay sa kanya sa isang hindi magandang sirkumstansiya. At ang threat na mawawala sa pamilya ang malaking bahagi ng isla. Pero ikaw, ano ang dahilan mo?"

Nagkibit siya ng mga balikat. Sinulyapan ang
asawa na nakahilig sa dibdib ng naiwang kapatid.

He went still. Bigla ang pag-ahon ng isang damdamin sa dibdib niya sa natanaw. He recognized the feelings-jealousy.

Damn. Hindi niya naiintindihan ang sarili sa
nararamdaman. Why should he be jealous with his wife's brother?

There was something about the man's intense
protectiveness for Jessica. Hindi niya matukoy kung ano pero nararamdaman niya ang bagay na iyon.

Aidan looked so fierced than the rest. Kontrolado lang. And he had always been at Jessica's side throughout Trace's confrontation with her family. Komprontasyon na kung papipiliin siya ay mas gugustuhin pa niyang humarap sa totoong kaaway. At least, doon ay hindi siya maninimbang. It would be a simple kill. A job.

Ibinalik niya ang paningin kay Kurt. "Hindi ko rin kayang sagutin iyan, Kurt," he said with a sigh. "But looking back, Jessica would have married anyone available in that barroom."

"Kaya ipinasya mong mabuti nang ikaw iyon?"
sarkastikong sabi nito.

"Would you rather she married any man in that
bar? Besides, have I told you that Jessica passed out while we were driving?" he taunted.

Kurt's eyes flew to him. "You... you didn't..." His
voice hung in the air.

He shrugged nonchalantly. "I had been a perfect gentleman. You will be proud of me."

"Proud, my ass!"

Trace laughed. He couldn't remember a time
when he saw his former comrade cross. Ilang
sandaling katahimikan ang pinalipas ni Kurt.
Nang muli itong magsalita ay hindi na nito ikinaila ang galit at akusasyon.

"Have you known beforehand that Jess is an
heiress and so you offered yourself? Tagarito ka sa Palawan, hindi malayong kilala mo siya sa
pangalan at anyo."

At sapat din iyon upang maningkit ang mga mata niya at mag-igting ang mga bagang. "Alam mo ang sagot sa tanong na iyan, Kurt. Hindi ko kailangan ang salapi ng sino mang tao. I may not be rich but I have more than enough money for me to live comfortably for the rest of my life!"

"Then why, Trace?"

"Hindi ko alam! And that's the fucking truth. So
I have acted madly...irresponsibly...immaturely."
Marahas niyang itinaas sa ere ang mga kamay.

"Kung may alam man akong bagay na kaya mong gawin, Trace, ay ang makipaglaro kay Kamatayan. I never thought you were capable of this madness. Not in my wildest dreams." Kurt was incredulous.

"Maybe I got bored with my life and found that
marrying an exotic stranger is something of an
adventure... Or maybe I had this compulsion for heroic deeds and wanted to play a knight in shining armour and slay dragons for her..."

He took a deep breath and met Kurt's eyes.
"Yesterday morning, in the light of day, I advised her to think. Na pag-isipan niyang mabuti ang lahat bago kami pakasal. Na huwag siyang padala sa ano mang suliraning kinasusuungan niya. I gave her the chance, Kurt. But she was even more scared that
I'd back out on her. Now, kung hindi mo gustong paniwalaan iyan ay problema mo na."

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko, Trace," Kurt said wearily. Umiling ito at sinulyapan si Jessica sa loob ng bahay.

"Sana'y may magandang kahihinatnan ang lahat ng ito. Maybe this would stop you from accepting that assignment in Iran. Na maisip mong magretiro na dahil may asawa ka na."

"This marriage, as far as I know, has a one-year
duration." His lips twitched in a dry smile. "At ang Iran assignment mismo ang mapanghahawakan mo na wala akong intensiyon sa kayamanan ng mga Fortalejo. Sinabi sa akin ni Jessica ang tungkol sa dalawampung milyong inilaan ng papa niya para sa mapapangasawa niya."

"She told you about that? When? Bago kayo
nagpakasal?"

"Fuck you, Kurt!" he snarled. "Ibigay niya iyon
sa kung kanino niya gustong ibigay. Saang bahagi ng disyerto sa Iran ko gagamitin ang salapi? Sa mga susunod na araw, tiyak na maayos na ang lahat para kay Jessica may kinalaman sa testamento ng ama niya. Then time for me to go back to my old life."

"So, you'd still take that Iran assignment?"

"I haven't changed my mind."

Nilinga ni Kurt ang villa. Matagal na tinitigan si
Jessica sa pakikipag-usap nito kay Aidan. Pagkatapos ng ilang sandali ay ibinalik nito ang mga mata sa kanya.

"When you left my office more than a week ago, I prayed for a miracle, Trace. This might be it."

Isang matabang na tawa ang pinakawalan niya. "You are so inconsistent, Kurt. You condemn me for marrying the heiress. At the same time, iniisip mong si Jessica ang kasagutan sa himalang hinihingi mo. Which is which, buddy?"

Kurt sucked in harsh breath, stared at him for a
long time in those weary and troubled eyes. He opened his mouth to say something but closed it again. Words seemed to desert him.

Nakadama ng simpatya si Trace sa dating
comrade. He had never seen Kurt like this.
Then without another word, Kurt turned to leave.

AND NOW this particular brother wanted his share to draw blood from him.

Damn.

Sa nakikita niyang anyo ni Aidan,
kaunting provocation lang at natitiyak niyang
makikipagpatayan sa kanya ang lalaking ito.
Nakatutok ang mga mata niya rito habang
papalapit ito sa kanya. Napakunot ang noo ni Trace nang may matanto siya sa kauna-unahang pagkakataon mula kaninang umaga.

The man had red skin!

Trace couldn't be mistaken. This one had an
American-Indian blood in his veins. At bago pa man marehistro nang husto sa isip niya ang pagtataka ay nasa harap na niya ito.

"I don't like you for my sister," Aidan said without preamble. "I'll have Uncle Marco studied the addendum. Walang binanggit doon na kailangan ninyong magsama ni Jessica sa iisang bubong. You only have to stay married for a year. After that, stay out of her life. Ako mismo ang mag-uutos na mag-
file siya ng divorce."

Gustong ulitin ni Trace dito ang sinabi niya kay
Kurt tungkol sa pagbabalik niya sa America sa
susunod na mga araw. But Aidan's condescending tone stopped him.

"I don't remember asking your opinion, Mr.
Fortalejo," he said in equally haughty voice. "Your sister married me at will. Kung may dapat mang magpasya sa bagay na iyan ay walang iba kundi si Jessica... at ako."

Kumuyom ang mga palad ni Aidan. Ang akmang paghakbang nito palapit pa ay napigil ng tinig ni Jessica sa may bukana ng pinto.

"Aidan!"

Aidan's eyes never left Trace's face. Nakikita ni
Trace ang paglalabasan ng mga ugat nito sa mga kamao sa pagpipigil sa sarili. In his experience, Trace knew when a man was capable of murder. At ipupusta niya ang huling barya niya sa bulsa na iyon mismo ang gustong gawin sa kanya ni Aidan.

"Just curious," he said in a bland expression,
smoothly rerouting the topic to a less dangerous area. "Paano mo ako nakilala?"

Sandali itong natigilan, sandaling pinag-isipan
kung sasabihin o hindi. Pagkuwa'y huminga nang malalim bago, "Mexico, two years ago. Sa kagalakan ng ambassador na nailigtas ko ang buhay niya ay nadulas siyang sabihing maliban sa akin ay alam niyang nasa paligid ang Condor..."

Nang maningkit ang mga mata niya ay mabilis
na dinugtungan ni Aidan ang sinabi. "He hadn't known your identity. No one did. Tiniyak lang sa kanya ng Agency na maliban sa akin ay nasa area ang Condor, for a different assignment but had been willing to offer backup." Aidan twiched his lips in a self-mocking smile.

"You haven't answered my question."

"Nakatutok ang paningin ko kay Yvette. And
when she was shot, my eyes roved around for a second before I lost consciousness. I saw you
among the crowd. I've seen you before. But I thought you were one of the agents until that slip from the ambassador. Shooting in the middle of the eyes and then straight to the heart was your trademark, Condor."

"I always shot my enemy in between their eyes."

"Yes. Ganoon din ang dalawang kasamahan
mo. But only you would follow it up cold-bloodedly with a bullet straight to a woman's heart." Tinitigan siya nito, tila inaarok ang kaloob-looban niya kung bakit gayon.

Trace met his gaze unflinching.

"Nagtataka lang ako," patuloy ni Aidan.

"Nandoon ka pala, bakit hinayaan mong makalapit si Yvette? She could have killed the ambassador."

The smile Trace gave was more bitter than
condescending. "I was only a backup. Besides, I believed the special agent the Pentagon had
assigned for the ambassador was capable. But you were taken in by a pretty face. And I made an almost fatal mistake of trusting a comrade."

Tumiim ang mga bagang ni Aidan. Naningkit
ang mga mata sa insulto.

"Oh, don't take it so bad. It's water under the
bridge. Itinaya mo ang buhay mo para sa
ambassador." Iwinasiwas niya ang kamay. "If it's of any consolation, you weren't the only one who had been taken by a pretty face. Only in your case it had almost caused your life and the ambassador's. So now you understand a little why I had to hit a woman straight to her heart."

"I refuse to understand, Condor. Magkaiba tayo ng paniniwala, karanasan, at motibo," Aidan said grudgingly. "But I want you to remember this: hurt Jessica and I'll kill you."

The angry warning was just
above whisper, for Trace's ears only. Pagkatapos ay agad na itong tumalikod bago pa siya makasagot.

"Aidan, what's going on?" Narinig ni Trace na
tanong ni Jessica.

"Nagpapaalam lang ako sa... sa asawa mo, Jess," he said. Then his knuckles touched her chin softly. "I am leaving tomorrow. Mauuna ako kina Lenny at Dana. I guess they'd stay for another three days. Romano and Bobbie will stay for another two weeks at the farm. Ingatan mo ang sarili mo. Don't hesitate to call me if-"

"I'll be fine, Panther Walks," paniniyak ni Jessica
at masuyo itong nginitian. "Stop being so protective. I am not a kid anymore. I am a married woman now."

Aidan stilled for a moment. Tumaas ang dibdib
nito sa paghinga nang malalim. Pagkuwa'y, "I'll use the bike. Ipakuha mo na lang sa hotel."

"Si. Un beso a Dani de mi parte. At tawagan mo
ako kaagad kapag nanganak na siya. Baka
mapaaga ang pagdating ko roon kapag walang aberya dito."

"Pumasok ka sa silid mo at magpahinga... itulog mo ang buong maghapon. Look at you, para kang zombie."

"Yes, sir." Inihatid niya ito hanggang sa
kinatatayuan ng Harley.

Nang mawala sa paningin niya ang kapatid ay
nilingon niya si Trace. Ni hindi ito tumitinag mula sa kinatatayuan.

"Maraming tanong ang nag-uunahan sa isip ko," she said from where she stood. "Lalo na ang tungkol sa trabaho mo. Now I have an idea where you got those scars all over your back. But I am too sleepy and too tired that I would rather sleep the rest of the afternoon."

Hindi sumagot si Trace. Tinitigan niya ito. Kahit
sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang pamumula ng mga mata nito tanda ng kawalan ng tulog. She sighed. He, too, must be very tired.

"You need rest, too, Trace." Tumingala siya sa
itaas ng villa. "Maraming silid sa itaas. Mamili ka kung saan mo gustong magpahinga."

"Paano kung gusto kong piliin ang silid kung saan ka magpapahinga?" he challenged. "I have the right, remember?"

"It's not funny."

"I did not mean it to be funny. In marrying a total stranger, you hadn't counted the fact that that stranger might want the marriage to be what it is. In all aspects. Especially the bedroom aspect."

May sampung hakbang mula sa kanya
hanggang sa kinatatayuan nito. At sa pagitan ng sampung hakbang na iyon ay mga nakapasong halaman. Pero may pakiramdam si Jessica na ano mang sandali ay kayang tawirin ni Trace ang nakapagitang iyon at hawakan siya sa kamay at hilahin papanhik sa itaas at ipasok sa alinmang silid doon.

Somehow, there was a thrill to it. But she
dismissed the silly thought at once.

"We're both tired, Trace. Kapag nakapagpahinga na tayo ay pag-usapan natin ang mga dapat nating pag-usapan. I'll set the rules," she said calmly. Niyuko niya ang relo sa braso. "Alas-tres na halos. A two-hour sleep can make a lot of difference."

Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong makasagot. She turned her back and went back inside the villa as if the very devil himself was after her.

Nagmamadali siyang pumanhik sa itaas.

Pumasok siya sa silid na inookupa ng mga magulang kung nasa villa ang mga ito. Naupo siya sa gilid ng antigong kama at nagsisikip ang dibdib na inikot ng tingin ang kabuoan ng silid.

She'd missed her parents so much. Hindi niya
kayang tanggaping wala na ang mga ito. Ang mga kapatid niya'y may kanya-kanya nang buhay at naiwan siyang nag-iisa. Ang masamang sirkumstansiyang iniwanan sa kanya ng ama ay nabigyan na ng solusyon.

Gayunma'y alam niyang hindi roon nagtatapos
ang suliranin niya. She and Trace had to deal with what was in store for them in the next few days.

Nasulyapan ng paningin niya ang larawan ng
mga magulang sa ibabaw ng bedside table. Kinuha niya iyon at dinala sa dibdib kasabay ng pag-iinit ng mga mata. Subalit wala siyang balak umiyak. Gusto niyang matulog na lang.

Ibinalik niya ang kuwadro at tumayo at naghubad. Pagkatapos ay pumasok sa banyo, tinimpla ang tubig at naligo. The warm water felt good.

Tinuyo niya nang husto ang buhok at
pagkatapos ay nag-toothbrush. Then she went out of the bathroom and changed into one of her oversized T-shirts and shorts.

Then she hit the pillow, closed her eyes and
eased her weary mind.

---

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
56K 1.3K 18
"Sweetheart, I'm yours. And I'll be yours hanggang sa matuyo ang dagat sa San Ignacio. In other words-until I die..." Si Miles ang first crush ni Nad...
134K 2.5K 23
He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimpitong taong gulang na lalaki-an orphan...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...