KRISTINE SERIES 26: Trace Lav...

By AgaOdilag

117K 2.4K 357

Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 10

4.1K 89 18
By AgaOdilag

ISINARA ni Richard ang pinto ng silid ng hotel
pagkalabas ng waiter na nagpasok ng kape.
Sinulyapan niya ang relo niya sa braso. Alas-seis y media ng umaga. Pero alas-kuwatro pa lang ay gising na siya. Dahan-dahan niyang hinigop ang kape at lumabas sa balkonahe ng hotel. Ang init na
naglandas sa lalamunan niya ay nakabawas sa
lamig ng hanging humampas sa kanya.

Ang silid niya ay nakatanaw sa golf course at sa walang katapusang kagubatan. Mula sa balkonahe ay natatanaw rin niya ang malaking paddocks kung saan maaaring mangabayo ang mga guests.

Sa pagkakaalam niya ang mga silid sa hotel na
iyon ay idinisenyo na nakatanaw kung hindi man sa kagubatan at sa magandang golf course ay sa dagat kung saan matatanaw ng isa ang cable car patungo sa de-klaseng restaurant sa itaas ng bundok.

Muli siyang humigop ng kape. Nagsisimula nang mamanaag ang araw mula sa likod ng mga bundok. Dapat ay maramdaman niya ang kasiyahang naroroon siya sa isla at sa mismong Kristine Hotel and Resort.

It had been one of his dreams-ang makarating
sa lugar na iyon at tumuloy sa Kristine Hotel and Resort at makapamasyal sa paligid nito at gawin ang ginagawa ng ilang mayayamang taong bisita sa world-class hotel-resort na iyon.

Dapat ay naglalangoy na siya sa dagat sa oras
na ito, snorkeling, mangabayo sa alinman sa mga kabayong nasa paddocks na natitiyak niyang mga hindi pipitsugin, o di kaya ay maglaro ng golf, o kung ano pa man sa mga iniaalok ng hotel na ito.

Hindi araw-araw ay nagkakaroon ng pagka-
kataon ang isa na makatungo sa lugar na iyon na libre ang lahat at makahalubilo ang ilang kilalang tao at artista sa iba't ibang bahagi ng mundo. Yesterday evening he had even taken a glimpsed of Sean Connery. He had been sure it was him.

But Jessica ruined all his enjoyment by her
disappearing act. Damn her, pero ilang oras na lang ang natitira para sa taning na ibinigay ni Bernard Fortalejo. Dalawang gabi na ang nakalipas at wala siyang ideya kung nasaan ito.

Kung may isang bagay mang nagbibigay ng
lakas ng loob sa kanya ay ang katotohanang hindi magagawang ipagwalang-bahala ni Jessica ang isla. Ang isla ay ang Fortalejo, at ang Fortalejo ay ang isla. That alone gave him comfort.

Tumingin siya sa relo niya sa braso. May natitira pang tatlumpu't walong oras. Jessica would marry him in the nick of time. Natitiyak niya iyon pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib niya.

Ang akma niyang muling paghigop sa lumalamig na niyang kape ay naagaw ng tunog ng telepono.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng silid.
"Richard..."

"Yes, Attorney. May balita ba kay Jessica?" he
said, dispensing niceties and manners. Ang nasa kabilang linya ay si Atty. Delfin Gavino na ang silid ay nasa dulo ng pasilyong kinalalagyan niya.

"Katatawag lang ni Lenny, Richard," wika nito. "Nasa villa na si Jessica. Dumating siya kaninang bandang alas-singko. I'll meet you downstairs."

"Give me five minutes." Sinikap niyang huwag
ipahalata ang excitement sa tinig. Ibinalik niya sa cradle ang telepono. He went limp with relief.

Jessica was back.

Mabilis ang mga kilos niya. Hindi na niya
kailangang maligo pa. Maraming oras para doon. Nagmamadali siyang nagbihis at nag-ayos.

Saan nanggaling ang babaeng iyon at mag-
uumaga na nang umuwi? Hindi maaaring sa farm ng mga de Silva ito nagtuloy dahil tiyak na nalaman iyon ng mga kapatid nito.

Pagkuwa'y tumiim ang mga bagang niya. Ano ang malay niya kung doon nga talaga nagtuloy si Jessica? O di kaya ay sa bahay ng mga Cervantes.

Marahil ay sadya lang ikinaila sa kanya. Kung ang pagbabasehan ay ang bahagyang pagkaba-halang ipinakita ng pamilya nito. Kagabi ay sa villa siya naghapunan kasalo ang mga kapatid ni Jessica.

"My sister will come home when it suits her," ani Lenny nang sabihin niyang iyon na ang pangalawang gabing hindi umuuwi si Jessica.
"Maaaring sa bahay ng kaibigan nagtuloy."

"Paano kung wala siya sa isla?" nag-aalalang
tanong niya. "She wouldn't even answer her mobile."

"Maaaring nasa mainland siya," sagot ni Aidan
na ang tinging ipinupukol sa kanya ay hindi niya gusto.

Lihim siyang napamura. Hindi niya gusto ang
mga lalaking Fortalejo maliban sa ama ng mga ito.

"Paano kung makatagpo siya ng masasamang
tao? Hindi lang sa Maynila naglipana ang mga
kidnappers lalo at kilala rito ang mga Fortalejo," patuloy niya, ni hindi niya magawang galawin ang pagkaing nasa harapan niya.

Hindi rin niya napunang nagkatinginan ang mga nasa paligid niya sa tanong niyang iyon.

"Jessica can take of herself, Richard," again, it
was Aidan. "Huwag mo siyang alalahanin. Isa pa'y bibihira ang nakakakilala sa kanya bilang isa sa mga tagapagmana. Kung may nakakakilala man ay tiyak na mga tauhan ng isla ang mga iyon."

"Maraming oras na ang nababawas sa oras na
itinakda ni Mr. Fortalejo sa testamento niya para sa pagpapakasal ni Jessica. Sa mga sandaling ito ay dapat na ipinipresenta na niya ang mapapangasawa niya. Or...I hate to say it, but she might lose the island to the NGO."

"I appreciate your concern, Mr. Samonte," ani Julianne na kumunot ang noo. "Pero kami dapat ang higit na nag-aalala sa bagay na iyan. Ang islang ito ay pag-aari na ng mga Fortalejo sa nakalipas na ilang henerasyon."

"Exactly why I am worried," sagot ni Richard sa
tonong nagmamalasakit. "Hindi miminsang
ipinagmamalaki ng papa ninyo ang isla sa amin. Isang beses pa lang akong naaanyayahan dito sa isla at hindi ko kayang isipin na mapupunta ito sa alinmang NGO."

"Did you expect my sister to marry you?"

Ikinabigla niya ang tanong na iyon ni Julianne.
At nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat.

"What... made you ask that?"

"Alam nating lahat na walang boyfriend si
Jessica," sagot ni Julianne. "At sa nakalipas na
taon ay walang ginawa si Papa kundi ang sikaping paglapitin kayo. You are my sister's constant date. So, my father must have had you in his mind when he made that addendum."

"Hindi ko itinatangging malimit sabihin sa akin ni Mr. Fortalejo na ako ang gusto niyang mapangasawa ni Jessica." He cleared his throat. "I am flattered, overwhelmed. I am a mere employee. And I must admit that I love your sister and she knows it. Pero wala akong alam sa ginawang addendum ng papa ninyo. Ang tanging nakakaalam ng nilalaman ng
testamento niya ay ang mga nakatatandang
abogado."

"You haven't answered my question, Attorney
Samonte," Julianne persisted.

Again, Richard cleared his throat. "Yes... of course. At natitiyak kong alam iyon ni Jessica"

"I don't believe my sister's in love with you,
Attorney," ani Lenny at sumandal, pinahiran ng table napkin ang bibig. "Pero hindi rin ako naniniwalang hahayaan niyang mawala ang isla sa pamilyang ito. If only for that, I think my sister will sacrifice her feelings. At kung ganitong ilang oras na lang ang natitira sa taning ni Papa ay malamang na panatag ang loob niya na narito ka lang at makapagpapakasal kayo ano mang oras sa natitira pang taning."

Tinapos ni Lenny ang pag-uusap na iyon kagabi sa harap ng hapunan. Nagpaalam na ito kasunod ang asawa upang magpahinga. Hindi rin naman nagtagal pagkakain ay ipinahatid siya ng magkapatid sa Kristine Hotel kung saan siya nakatuloy kasama si Atty. Delfin Gavino.

And yes, Lenny's statement last night gave him
a little comfort. Gayunman, hindi pa rin niya maalis sa isip ang naging reaksiyon ni Jessica nang marinig ang addendum. Sa nakalipas na mahigit isang taon, bagaman pormal at lagi na itong nakadistansiya sa kanya sa mga paglabas-labas nila ay naniniwala siyang hindi nito susuwayin ang ama.

Walang nakakaalam na hindi sinasadyang nasilip niya sa mesa ni Atty. Hernani Cancho ang mga dokumentong iyon. May tinanggap na tawag si Atty. Delfin Gavino nang araw na iyon at nagmamadaling nagligpit ito ng mga gamit para umalis. Siya ang binilinang ipasok sa silid ni Atty. Cancho ang ilang dokumento sa sandaling dumating ito.

At dahil may appointment din siya ng umagang iyon ay hindi na niya hinintay na dumating pa ang matandang abogado.

Pagkaalis ni Atty. Gavino ay ipinasok na niya ang dokumento sa silid ng head ng legal department, smiling handsomely at the old
lawyer's secretary who had been busy over the
phone.

Sa ilalim ng ilang mga files sa mesa ng
matandang abogado ay hindi sinasadyang
natunghayan niya ang dulo ng folder na may
markang draft ng addendum sa testamento ni
Bernard Fortalejo.

Curiosity got him. Hinugot niya at binasa ang
laman niyon na nasa sulat-kamay mismo ni Atty. Cancho. Karaniwan na, ang ganoong mga
dokumento ay confidential.

Ang nakakuha nang husto ng atensiyon niya ay ang halagang dalawampung milyong tatanggapin ng sino mang mapapangasawa ni Jessica bilang regalo. Sapat ang kaalamang iyon upang magsimula siyang magplano at umasam.

Lalo niyang sinikap na mapalapit sa matandang Fortalejo. Wala na siyang panahon. Kailangan niya ng pera. At labis-labis ang halagang dalawampung milyon sa kailangan niya. Ang kailangan lang niya ay limang milyong piso na kung tutuusin ay barya lang sa bulsa ng isang tulad ni Bernard Fortalejo.

At tila kinakatigan siya ng kung sino mang
diyoses nang mag-crash ang eroplanong
sinasakyan ng mag-asawa. Napadali ang inaasam niya.

Beneath the sweet smiles, he knew Jessica was stubborn. Pinatunayan lang iyon ng bigla nitong pag-alis sa isla.

Inayos niya ang polo shirt niya sa salamin at
ngumiti. Wala nang dapat ipag-alala. Jessica was back. Nasa villa.

"You're a rich man, Samonte," he pointed a finger at his own reflection in the mirror, smiling.

"Limang milyon lang ang kailangan mo pero tatanggap ka ng dalawampung milyon sa sandaling makasal kayo ni Jessica. At mamaya na iyon."

Nang bigla ay mapawi ang ngiti niya, humugot
ng malalim na hininga. Muling tinitigan ang sariling repleksiyon at bahagyang naningkit ang mga mata.

He grimaced in disappointment. "All right, I would be left with a measly five million net of my debt. Still, that is a lot of money. I wouldn't earn ten million in the next four years of my life." With that, he turned to leave his room.

**

Continue Reading

You'll Also Like

662K 13.2K 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang lingg...
57K 1.4K 21
Tinanggap ni Carlene ang round-trip ticket to Europe mula sa granduncle niya upang maibsan ang lungkot na sanhi ng sabay na pagkawala ng kanyang mga...
643K 15.9K 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, ma...
7.9M 234K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...