Unknown Connection (Completed...

By Zyreneiayo45

29.3K 832 16

(Vampire Active Series #2) There are group of kids that can make their world upside down. They are the second... More

Warning!
Synopsis
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Epilogue.
Special Chapter #1
Special Chapter #2.
Author's Note.

Chapter 6.

683 20 0
By Zyreneiayo45

Lavander’s POV.

Tulala ako habang nakaupo sa loob ng Café. Nang makuha ng abulansya ang babae ay agad namang humapa ang mga tao roon sa daan dahil dadaan na ang mga sasakyan. Habang kami ay bumalik na sa loob ng Café. Hindi ko nga alam na papasok na pala sila dahil sa dami ng iniisip ko, eh. Mabuti na lamang ay kinalabit ako ng kapatid ko at hinila papasok dahil muntik na akong masagasan ng isang sasakyan.

Gulong-gulo na ako rito. Hindi ko akalain na mangyayari ito. At talagang ngayong hapon pa. Hindi pwede mamayang gabi? At bakit nasa gitna ng daanan? ‘Wag nilang sabihin na roon nila pinatay ang babae? Kung doon, sigurado akong may nakakita. But I think, sa dilim nila ginawa, then nakatakas ang babae at tuluyang namatay sa daan. Grabe! Bawal sa amin ang pumapatay ng tao! It is against our law! At bakit nila pinapatay ang mga tao? Gano’n na ba sila ka-uhaw sa dugo? Eh, may dugo naman ng hayop! Hindi ba iyon enough sa kanila?

Nagtataka rin ako. Sumugod din sa aming mansyon ang iilang bampira and I am out numbered. At ngayon at mga tao. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa angkan namin. We should be living with a peaceful life, not disturbing the humans. We should have living with them happily. Walang mangyayaring kaguluhan. The humans still believe that our kind doesn’t exist. And it should be like forever.

Ano ang pumapasok sa kanilang utak bakit nila ginagawa nila iyon? Sariling desisyon ba nila iyon o may nag-utos sa kanila? I think may nag-utos sa kanila, siguradong-sigurado ako ro’n. Pero bakit? Why is that person want to kill people? At bakit pati kami? We are not humans. But what if they didn’t know who we are? But that is impossible! Vampires knows what aura we have. Argghh! Masakit na ang ulo.

“Ate? Okay ka lang?” nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Lucas. Tiningnan ko siya na may pagtatanong. Hindi ko narinig ang sinasabi niya. “I said, are you okay?” pag-uulit niya sa kaniyang sinabi. Hindi ko siya sinagot.

Kinuha ko ang iced coffee ko saka uminom. Kailangan kong palamigin itong utak ko. I can’t have the answer if someone will not tell me what the real answer. I need to not think it too much. Wala rin naman akong makukuhang sagot kapag iniisip ko. And it is bad for my health if I am overthinking. I will just wait for someone to tell me the truth. Pero ang tanong, sino ang magsasabi?

“Oh my. Hindi pa rin ako naka-move on sa nangyari. Like, what just happened?” napatingin ako kay Elisha. Tila nabalik na siya sa kaniyang katinuan. Ang tahimik kasi namin kanina na akala mo talaga’y may galit kami sa isa’t isa. But no! We are just like this because we are very surprise from what happened.

“Bakit nila pinapatay ang mga tao? We should be killing one of them. We suppose to be living life with them without telling them what we are,” Fiara said while forehead creased. Hindi yata rin ito makapaniwala. Well, we all can’t believe it either. Sinong hindi, ‘di ba? Makakakita ka ng taong alam mong kauri mo ang pumatay. It embarrassed us.

“She’s right. We have our law. They need to be punish or even to be killed. They are disgrace to our kind,” seryosong sang-ayon ni Lucas. Medyo nagulat pa ako pa ako nang magseryoso itong kapatid ko. Himala.

“But how? How can we find them? Alam nating napakaraming bampirang naninirahan dito sa mundo dahil pinatapon sila rito at mayroon ding gusto lang manirahan rito. Hindi natin nakita kung sino ang may gawa at mas lalong hindi natin kilala kung sino ang may gawa. We can’t just accuse someone without knowing who really did it,” seryoso ring dabi ni Elisha. Okay… anong nakain nila?

“She’s right. We cannot make an action without knowing what to do. We need to know what really behind this,” sang-ayon ko before drinking again my iced coffee.

“Pero paano nga?” tanong ni Lucas.

Before I could answer, suddenly, my phone rang. Kinuha ko ang phone ko sa lamesa. I looked at the caller. My forehead creased when I saw my Tito’s name on the phone. What does he want from me right now?

“Sino ‘yan?” I looked at Fiara when she asked me.

I looked at them three, one by one. “Si Tito,” sagot ko. Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha ng dalawa habang si Elisha naman ay nakakunot-noo. Right. He doesn’t know my Tito. Hindi ko sila pinansin at sinagot na lamang ang tawag. “What do you want, Tito?” masungit kong bungad ko sa kaniya. Nakita ko kung paano napasapo ng noo sila Lucas dahil sa sinabi ko. What? Ano dapat sasabihin ko? Hello, how are you? No!

Narinig kong tumawa si Tito sa kabilang linya na ikinakunot-noo ko. Anong tinatawa nito? “Masungit ka pa rin, Lavander. Not like before…”

“Can you just straight to the point, Tito?” Medyo naiinis kong sabi dahil sa sinabi niya. Inuungkat na naman niya ang nangyari noon.

Tumawa ulit siya. “Okay, Okay, Chill, Lav. Masyado kang hot,” natatawang ani nito, alam kong inaasar pa rin ako. Narinig kong tumawa ang tatlo ngunit hindi ko sila pinansin. Alam ko na kung saan nagmana si Lucas. Arrghh! Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako. “Go home with your brother and cousin. May sasabihin ako sa inyo. Walang mamaya. I want you three in here. I am expecting you twenty minutes from now,” sabi niya. Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako ulit. “Oh, wait, I forget. Bring your new friend with you. Annyeong!”

 

 

“Hello? Tito? Tito?!” ngunit wala nang sumagot sa kabilang linya. I looked at my phone. The call was ended. I let out a heavy sigh. Ano naman kaya ang gusto niya.

“Anong sinabi?” I looked at Fiara when she asked.

I raised my brow at her. “Don’t pretend that you didn’t hear what he said.” I rolled my eyes at her making her laughed. I stand and get my drink. “Let’s go.” I immediately walked towards the door and got outside. I immediately entered Lucas’ car.

Nagtataka ako kung bakit niya pinapatawag ng ganitong oras. Alam ba niya na wala kaming klase? Wala naman kaming sinabi na wala kaming klase. Maybe, Fiara told her father about this. What a good girl. Sinasabi lahat ng nangyayari sa kaniya throughout the day. While me… nevermind. I am just wasting my time.

Also, how did he know that I have a friend now? Sinabi na naman ba ni Lucas? Tsk! Natutuwa talaga ang kapatid ko nang malamang may kaibigan ako. Gusto kasi nilang magkaroon ako ng kaibigan dahil ang boring daw ng life ko. And they called me a loner. Eh, ano naman sa kanila ‘yon, ‘di ba? Wala silang pake. At kaya ngayon, may alam pang pa-b-bonding si Lucas. Tsk! Eh, hindi nga ‘yon nag-aaya ng bonding sa akin dahil ma-b-bore lang daw siya kapag ako kasama. Edi wow sa kaniya. Hindi ko rin naman siya gustong makasama, eh. The feeling is mutual. Tsk!

Nang makapasok sila ay hindi na ako nagtatakang pumasok rin si Elisha sa backseat. Ayaw niyang bumalik sa school para lang magpahatid sa driver niya. Nabasa ko iyon sa kaniyang isipan kaya hindi ko na siya tinanong pa.

I was seated in the passenger seat and Lucas is the driver. While Fiara and Elisha is in the backseat.

When we are settled. Lucas started the engine and drove towards our mansion.

Ano kaya ang sasabihin ni Tito? Why is it so urgent? It makes me curious.

                                 ***

Nang makarating kami sa mansyon ay agad na kaming pumasok. Bumungad sa amin si Tito na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape. Naka-cross legs pa siya na animo’y siya ang may-ari ng mansyon na ito.

Nang marinig niyang bumukas ang pinto ay agad siyang lumingon sa amin. Agad siyang tumayo at nakangisi kaming tiningnan.

“Welcome!” nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa pagkabilang gilid niya at saka yumuko na tila ba may pumasok na mga hari.

Umirap ako. “Baliw,” I said then started walking towards the stairs, leaving them. 

“Lavander! Pumunta ka sa library!” rinig kong sumigaw si Tito sa baba. “‘Wag kang magtaka sa kaniya, iha. She's just like that,” napairap ako nang marinig pa ang sinabi niya kay Elisha. At ang babae naman ay sinabing alam niya. Tsk!

Hindi ko sila pinansin at pumunta na lamang sa aking kwarto upang magbihis. Pagkatapos ay agad na pumunta sa library na hindi ginagamit ang super speed ko. Pagkabukas ko ng pintuan ay natagpuan ko silang nakaupo roon. Mabilis nila akong nilingon. Tinaasan ko sila ng tingin saka umupo sa pang-isahang sofa.

“I thought you are already in here. Pero pagkapasok namin ay wala ka,” sabi ni Tito. Eh?

“I just changed my clothes,” sagot ko sa kaniya. Narinig kong tumawa siya. “Can we start already, Tito?” naiirita na kasi ako. Akala ko pa naman ay di-diretsuhin niyang sabihin ang kailangan niya sa amin.

Tumawa siya muli. “Okay, okay. Chill. ‘Wag masyadong hot. ‘Wag kang tumulad sa mama mong hot,” what?!

“Whatever.” Paano ko malalaman, eh, hindi ko nga rin kilala magulang ko. Tsk. Not even their names. Palagi naming tinatanong kung anong pangalan nila but they always changing the topic. Alam kong hindi nila gustong sabihin. Why not tell us directly, right?

Tumikhim siya saka umayos ng upo. I saw how his expression changed. Baliw nga. “I know that you are curious why I called you here with Elisha. I will tell you every single thing about it. I want you to be open minded.” magsasalita na sana si Lucas nang maunahan siya ni Tito. “At ‘wag kang sasabat kapag hindi pa ako tapos magsalita. That’s not how a Crowther and A Vamir should act. Kaya umayos ka. You still didn’t know what is waiting for you.” dinuro pa niya ito. Umirap ako dahil sa sinabi niya. Paano iyan susunod sa sinabi niya, eh, sa kaniya iyan nagmana. Hindi ba niya alam ‘yon? “At ikaw rin, Lavander. You should act like what a heiress should act.” he scolded me.

Yeah, right. He always saying that. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutukoy niya. He is always saying that I am the future heiress and I should act like one. Eh, hindi naman niya sinasabi kung saan ako magmamana. But I guess it's my parents’ company. I know that there will be a heiress and I know it’s me. I am the oldest, sa akin talaga ipapasa lahat. Arrgh!

Hindi naman sa ayaw ko, ha? It’s just, ginawa nila akong tagapagmana sa companyang hindi ko naman alam kung anong mayroon. And I don’t even know my parents tapos malalaman kong tagapagmana pala ako. Like what? Ang kapal din naman nila. I am just having fun in my ordinary—I mean, extraordinary life and I found out that I have a responsibility waiting for me. Hindi pwede si Lucas nalang? Pero napaisip ako. Kung si Lucas ang tagapagmana, malulugi ang companya for sure. As I know Lucas, palagi ‘yang nagwawaldas ng pera. And I guess wala akong choice. I am the heiress, nothing can change that.

Umirap ulit ako. “Whatever. Did you just called us here to scold us? Mas mabuti pang aalis na ako. You are just wasting my time.” akmang tatayo nang bigla akong naupo ulit at napadaing ng kaunti. I glared at him. I was right. He is controlling me. He is glaring at me using his purple eyes. I rolled my eyes once again then sit properly. “Fine.”

“Good.” Umupo siya ng tuwid. Now, he is like a king in his own kingdom and we are just like his people. Ewan ko kung namamalik-mata lang ba ako kung ano, but I saw a crown in his head. Nawala rin iyon kaya kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang mga kasama ko. They are looking at him with forehead creased. Parang nakita yata nila ang nakita ko. So totoo iyon? Sinong hindi makakakita no’n? Eh, matalas ang paningin naming mga bampira. Tiningnan ko ulit si Tito. I saw him smirked while looking at us, heads up. “You saw it?” pagkatango namin ay biglang nag-iba ang suot niya. He is wearing a white long sleeve king outfit na may halong gold at purple. He is also wearing a gold crown with purple diamonds each side of it. Dahil sa pagbago ng kasuotan niya ay nanlaki ang mata namin. We are speechless.

Tumawa siya na dahilan para mabalik ako sa aking katinuan. “W-What… what is the meaning of this, Tito?!” ngayon ay tumayo na ako dahil gulong-gulo na ako. They are a lot of questions inside my head that only him can answer.

Tumawa si Lucas at saka tumayo rin. “Are you cosplaying, Tito? Nice king outfit.” Kinindatan pa niya si Tito.

“Tama! Tama! Ang ganda po ng outfit niyo, Sir!” sang-ayon ni Elisha habang naka-tumbs up pa sa kaniya. Ngunit nanatili siyang nakangisi na tila ba’y nakakatuwa ang mga reaksyon namin. Outfit lang ba talaga iyan?

“Uh… Dad—” naputol ang sasabihin sana ni Fiara dahil biglang bumukas ang pintuan dahilan para mapalingon kami roon.

Nakita naming humahangos na si Ate Lisha na tila ba’y may humahabol sa kaniya.

“Ate, anong nangyari sa ‘yo? Ba’t ka tumatakbo?” nag-alalang tanong ni Lucas akmang lalapit sa kaniya nang magsimula itong maglakad papalapit

Imbis na sumagot niya ang tanong ay lumuhod siya harapan ni Tito na ikinagulat namin. What the…

“Ate, what are you doing?!” malakas kong tanong. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya ito. Bakit siya lumuhod sa harapan ni Tito?! Hindi niya dapat ginagawa iyan! Tito is not a king or something! Kahit yaya namin siya, hindi pa rin siya karapatdapat na lumuhod kahit sino sa amin! She have her own freedom!

Tiningnan ko si Tito. I saw him looking at Ate Lisha seriously. Tila may inaabangan siyang sasabihin nito. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang sandalan ng single sofa. He is really like a real king in front of us. Bakit hindi niya pinapatayo si Ate Lisha? I thought they are friends?! Bakit parang wala siyang pake na lumuhod sa harapan niya si Ate Lisha? Naguguluhan na ako!

Pinuntahan siya ni Lucas upang patayuin ngunit pumiglas siya sa pagkakahawak nito. Kaya walang nagawa si Lucas at binitawan na niya lamang ito.

“Kamahalan, patawarin niyo po ako. Nagpupumilit na pong pumasok ang iilang kawal ninyo kahit anong pigil ko. Sinabi ko sa kanila na mamaya na lamang dahil nandito kayo dahil iyon ang sabi ninyo. But they didn’t listen to me. They want to talk to you as soon as possible. I'm sorry, your highness,” nakayukong sabi ni Ate Lisha na ikinagulo lalo ng aking isipan. Kawal? Your highness?! Ano ang nangyayari?!

“Where are they?” tanong ni Tito na parang wala man lang sa kaniya ang paghingi ng tawag ng Ate.

“Nasa baba, ho, Kamahalan. They are just waiting for your word,” still, she answered while bowing.

“Get up and say to them my word,” ‘yon lamang ang sinabi ni Tito, nanatali ang seryoso niyabg mukha.

Tumayo si Ate Lisha at nagbow bago mabilis na nawala. Tiningnan namin si Tito. He is still sitting in his chair while looking at the open door, expecting someone. While us, still standing, can’t absorb what just happened. Nalilito na ako.

Napatingin kami sa harap ng pintuan nang may lumitaw na tatlong naka-lilang balabal. Nasa harapan nila ay si Ate Lisha. Tumabi naman siya upang maglakad ang tatlong taong iyon papunta sa harap ni Tito. Agad silang lumuhod saka yumuko.

“Greetings, your highness,” napanganga ako sa sinabi nila. Okay! Nababaliw na ako sa nangyayari!

“Didn’t I told you that don’t come when the kids are here?! You are not following my orders! Disrespectful!” nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw si Tito at agad na tumayo. Mas nagulat kami nang maging kulay pula ang mata niya at may kalayong pumalibot sa amin. Ngunit nanatili lamang nakayuko ang nga kawal ngunit kita ko ang pagnginig ng mga labi nila. They are nervous! Sh*t! Akala ko ba Lila lang ang kulay ng mata niya?! And I thought he just only possesses manipulation and… hindi ko alam ang isa! Bakit apoy?! He can’t be mixed blooded. He can’t be!

“Paumanhin sa amin kalapastanganan, Kamahalan. Ngunit mananagot kami sa Mahal Reyna Gabria kapag hindi namin sinabi ito. She wants us to send to you what she says,” mahinahong sabi ng isa.

Biglang nawala ang apoy sa paligid at bumalik din ang normal na mata ni Tito. Narinig kong pagbuga ng hininga ni Ate Lisha sa gilid namin na tila nabunot ng tinik. Masyado kasing mabigat ang tensyong nakapaligid sa amin. At idagdag mo pa ang apoy na sobrang init. Mabuti na lang talaga ay hindi natamaan ang mga libro. Baka nasunog na ang mga ito nang wala sa oras.

Umupo si Tito ulit sa upuan at seryosong tiningnan ang dalawa. “What is it? At bakit kayo ang inutusan niya? Why not her soldier?”

“Pinapasabi niyo pong kailangan mo nang gawin ang pinapagawa niya sa inyo. She wants you to take it seriously for their sake. Even though it's not it but they need to do it. And if you mess things up, you already know what will happen,” nakita kong napairap si Tito dahil doon. “At kami po ang pinadala niya rito dahil she is in you palace while pinapasabi ni Mahal na Reyna Shantelle na pupunta siya rito.”

“She what?!” napatayo ulit siya habang gulat na gulat na nakatingin sa lalaking nagsasalita.

“You heard it right, your highness. Your wife, Queen Shantelle is Coming,” pagkatapos sabihin iyon ay tumayo silang tatlo at nag-bow para magbigay galang yata. “Can we go now, Your Highness?” pagpapaalam nila. Tinaas lamang ni Tito ang kamay niya at winagayway ng kaunti upang sabihing alis na sila. Yumuko muli ang tatlo bago tumakbo ng mabilis palabas.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng library nang makalabas ang tatlo. Nanatili kaming nakatayong lima na nakatulala, hindi ma-absorb kung ano ang nangyayari. Maraming katanungan ang nasa isip ko at hindi ko masagutan lahat kasi wala akong sagot. Naguguluhan ako sa nangyayari. May palace? Bakit your highness ang tawag nila? Bakit may kawal? Arrghh! Gulong-gulo na ako.

“Lalabas na muna ako upang magluto ng dinner, Mahala na Hari.”

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang tunog ng pagsirado ng pintuan. Tumingin ako kay Tito na ngayon ay nakasandal sa kinauupuan niya habang nakatukod ang isang kamay sa sandalan ng upuan habang nakalagay ang kaniyang pisnge sa kaniyang palad. Seryoso siyang nakatingin sa kawalan tila ba’y may iniisip.

“Tito,” seryoso kong tawag sa kaniya na ikinabalik ng ulirat niya at napatingin sa akin ng nakakunot-noo.

Tila nakita niyang nagtataka kami ay agad siyang umayos ng upo. “Fine. Fine. Sit down first. I'll explain to all of you everything,” sabi niya kaya agad naman kaming naupo at tiningnan siya ng seryoso. I know that we are all curious about what is going on. Hindi naman kami tanga kung ano ang ibig sabihin ng nangyari ngunit we want assurance. We want explanation.

“So, where would I start?” tanong niya.

“You,” sabay naming sabi na ikinatawa niya ng kaunti. Wala kaming masyadong alam sa kaniya. We only know his name and what he is to us. Hindi naman kasi niya sinasagot ang mga importanteng katanungan tungkol sa kaniya.

“Okay. I will tell you about myself,” binalik niya ang dating ayos niya bago nagsalita ulit. “I am Knox Ace Crowther, the one and only King of the Perilya kingdom. ‘Asan naka-locate? Perilya Kingdom is in the Vampire world and the west of the world. I am a Peratia, full blooded. My abilities are Manipulation and also copying powers. I can copy anyone’s power without them knowing. Those soldier is my soldier. And I have a lovely wife, named Shantelle Molve. She is my Queen.” Nakangising pakilala niya sa sarili na dahilan para ma-gets ko kung paano siya nagkaroon ng kapayarihang apoy, eh, wala naman siyang kapangyarihang gano’n. Copying powers, that explains what happened. “Next, question?”


“Bakit hindi ko alam na may Vampire World pala? All I thought is vampires are living in the same world at humans?” Elisha asked him.

“You didn't know because no one told you, that’s why. At saka, Vampire World is a hidden world from humans that's why you didn't know. Also, your family also didn’t know our world. Saan matatagpuan o paano makapunta roon? That… I cannot answer, Iha,” sagot naman niya.

“Dad. Am I really your daughter? And if I am, why didn’t I know that world exist? I thought my mother is just in Australia, doing business trip?” at ngayon naman ay si Fiara. Ano? Hindi niya alam ang Vampire World? Hindi rin siya sigurado na anak ba talaga siya ni Tito?!

Ngumiti si Tito. “Darling, you are my daughter. The only daughter that we have. Our heiress. Totoo ka naming anak. Why didn’t you know the Vampire World? Kasi ayaw ko pang ipaalam sa iyo until today. And for your mom? She cannot come here because she is in the palace. She needs to run it without me. Hindi niya pababayaan ang palasyo.” Sagot niya. “But Darling, you will see your mother tomorrow,” nakita ko kung paano na-excite si Fiara.

“I have a question, Tito,” tinanguan si Lucas ni Tito. “May nangyari kanina palapit sa school namin. It’s outside the café we are in. Nag-b-bonding lang kami roon dahil wala kaming klase but something happened. May babaeng nakahandusay sa gitna ng daan sa labas ng café na iyon. Duguan ito at may kagat ng bampira sa leeg. I am sure that she is freshly bitten. Bago pa lamang ang dugong dumadaloy sa katawan niya. Hindi namin alam kung ano ang nangyari. Bakit nila pinapatay ang mga tao? I know they know our law. It is strictly prohibited to kill and bite humans. Labag iyon sa batas natin. Sagutin mo ako, Tito. Why would they do that to the humans?!”

Nagbuntong-hininga si Tito na tila ini-expect na iyong mangyari. “You four, listen. Nasa mortal world tayo. Vampires are free here. Kahit na bawal. Ang mga bampirang narito ay pinatapon o tumakas except you guys. Narinig niyo ang sinabi ng kawal kanina na dapat nang gawin ang pinapasabi ni Gabria sa akin?” tumango kami kahit nagtatakang kung sino iyong tinutukoy niya. “Gusto ng reyna na magbuo kayo ng groupo upang kitilin ang mga bampirang may sala at magtatangka sa buhay ng mga tao. Kaya kayo pinapapunta rito because you are the chosen to protect humans. Every single one of ‘em. Kahit kaaway niyo pa, you need to protect them.” naguguluhan naman kami sa sinasabi niya. “Alam kong naguguluhan kayo ngayon, pero maiintindihan niyo rin balang araw. May rason ang pangyayaring ito. Hindi ko lang masasabi kung ano ang rason. I didn’t know either what is happening. And Elisha?” tumingin siya kay Elisha.

“Po?”

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit pati ikaw pinatawag ko?” oo nga naman. Bakit niya sinali itong kaibigan ko, eh, she is not part of our family at wala siyang kinalaman sa nangyayari?

“Ah… opo,” sagot ni Elisha.

Ngumiti si Elisha. “Dahil isa ka sa bampirang mag-p-protekta sa mga tao.”

“Ha? Ako, po?!” gulat na turo ni Elisha sa kaniyang sarili.

“Yes, my dear. Kaya kayong apat. You need to be train dahil sa inyo nakasalalay ang kaligtasan ng mga tao even though they don’t know. Ang mga bampirang narito ay nagpaplanong gawing pagkain ang mga tao araw-araw. At kapag hindi sila matigilan ay mamamatay lahat ng tao rito. Isa kayo sa apat na nakatakdang po-protekta sa mga tao. Kaya kayo nandito sa mundo ng mga tao imbis na nasa mundo natin kayo,” nagkaroon naman ng kasagutan ang katanungan namin. Sh*t! I didn't expect this to happen to me! Akala ko normal lang kami nandito! “May tanong pa kayo?”

“Yes, Tito,” ako na naman ngayon ang sumagot. He said go on. “Is…” lumunok ako dahil hindi ko masabi ng diretso ang tanong ko. Kinakabahan ako.

“Yes?”

“Is… the Gabria you are saying is my… mother?” kahit na may kutob ako ay hindi ko pa rin alam kung siya ba talaga. Pero para kasing pamilyar ang pangalan. At kutob ko talagang siya nga. I don't want to assume but I can’t help it.

Ngumisi siya ng nakakaloko. ”Why? Are curious?” hindi ko siya sinagot at naghintay lamang sa sagot niya. “Yes. She is your mother.”

__________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
1.9K 256 66
𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 Jade Cailystier Morghan. The woman who cares and values everyone around her. A wom...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
4K 224 35
Rhexyl is a woman that is deceitful and manipulative. She's the woman you shouldn't fool with because she'll make you lifeless if you touch her. Beca...