Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 31

29.9K 787 51
By PrinsesaFever

Dumiretso muna ako kila Kinah at kasalukuyan kong tinutupi ang mga damit ko at nilalagay iyon sa maleta ko. Maglalagay na ko ng mga damit doon sa condo ko.

"Thank you Kins ah? Nakakahiya na kay Tita na nandito ako. Tsaka, binigyan naman ako ni Daddy ng condo kaya dun na lang ako. Kesa naman hindi ko gamitin diba? Kahit galit ako sakanya o hindi, gagamitin ko pa din 'yun kasi bigay niya." Sabi ko at tinignan siya saglit at nginitian siya bago ko ulit itupi ang mga damit ko.

"Nako wala 'yun! Kung pwede nga lang 'wag ka ng umalis. Wala na kong makakakulitan dito e." Reklamo niya.

Tumawa naman ako at sinara ang maleta ko, "Baliw. Hindi pwede. Hindi naman pwedeng forever ako dito. Walang forever!"

"Bwisit. Akala ko seryoso." Sabi niya at binato ako ng chips.

"Hahahaha! 'De seryoso, hindi pwedeng dito ako ng matagal. Nakakahiya kay Tita no."

"Sus! Tinuturing kana nga niyang anak e. Kaya dito kana lang pleaaaaaseeee." Sabi niya at niyugyog pa ako.

Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. Pinaglaruan ko ang mga paa ko.

"As much as I want to, hindi pwede Kins e. Nahihiya na ko kay Tita. Tyaka ano ka ba! Magkakasama pa din naman tayo. OA ka ah." Sabi ko at tumawa.

"Mamimiss lang naman kasi kita. Grabe ka,"

Napatingin ako sakaniya nagp-pout siya. Ngumiti ako at niyakap siya.

"I will miss you too. 'Yung kada umaga magseselfie muna tayo bago magunahan maligo? Tas 'yung sabay tayong gagawa ng assignment. Sabay tayong kakain, manonood ng TV at kung ano pa. Pero pwede pa naman natin gawin 'yun. Kapag nagsleep over ka samin o kaya kapag dito ako natulog."

"Oo nga no? Basta ha, alam mo na kapag nandun kami."

Tumawa ako, "Oo." At tumayo ako. "Sige na. Punta na ko sa ospital."

Tumango siya, "Sige. Pahatid pa ba kita?"

"'Wag na. Magt-taxi na lang ako."

"Sige. Tara hatid na kita sa baba."

Hinila ko na ang maleta ko. Jusme! Para namang magiibang bansa ako. Si Kinah naman hinatak ang isa ko pang maleta.

"Maam kami na po." Sabi nila Yaya Melinda.

"Sige po." Sabi namin ni Kinah at bumaba na kami.

Pagkababa namin ay kinuha ko na kila Yaya 'yung maleta ko at nagpasalamat.

"Asan si Tita?" Tanong ko kay Kinah.

"Ay wala e, nasa Cebu para sa meeting niya."

"Aww. Text ko na lang siya." Sabi ko at hinila ang maleta ko.

Lumabas kami ni Kinah at naghintay ng taxi. Nang may makuha kami nilagay ko na sa likod ang maleta ko at niyakap si Kinah.

"Bye. Text mo ko ha?" Sabi niya.

"I will." Sabi ko at sumakay na sa taxi.

Tinext ko na si Tita. Nagpaalam at nagpasalamat lang ako sakaniya.

Nang makadating kami sa St. Lukes ay binayaran ko na si Manong at bumaba na ako. Umakyat na ako sa 5th floor at pumasok sa room ni Daddy. Pagpasok ko ay nakita ko siyang kumakain ng apple.

"How are you, Dad?" Tanong ko sakaniya at umupo sa upuan na nasa tapat ng kama niya.

"I'm fine. I'll have my biopsy tomorrow."

Lumapit ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya, "You can do it, Dad. Just fight okay? Please."

"I will. Para sainyo ni Vanessa." Sabi niya kaya niyakap ko siya.

Pagkatapos ko siyang yakapin ay dumiretso ako sa maleta ko at binuksan iyon.

"Meron ka na nga palang mga pagkain dun. Fully furnished na 'yun. And your room's color is Violet. 'Yun naman ang favorite mong color diba?"

Natuwa ako sa narinig ko kaya ngumiti ako, "Yes, dad." Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagtupi. Kanina kasi ay tinamad ako kaya binato ko na lang lahat.

Nagtira ako ng ilang damit at nilagay iyon sa cabinet na nandito sa room.

"Iiwan ko po itong iba kong damit. Para pag makikipagpalit na ko kay Vanessa hindi ko na kailangang magdala."

"Okay. Sorry anak, nagiging abala pa ako sayo."

Hinarap ko siya. Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paglagay sa cabinet ng mga damit ko na ititira ko.

"Hindi ka naman nagiging abala, dad e. Syempre anak mo ko kaya responsibilidad kong alagaan ka kapag may sakit ka."

"So you mean, okay na tayo? Hindi kana galit?"

Sumulyap ako sakaniya at ngumiti, "Hindi naman po ako galit Dad. Sa sarili ko lang po ako galit. Hindi ko po kasi matanggap. Pero ngayon po, tanggap ko na. Sorry po." Sabi ko at yumuko.

"You don't need to be sorry, anak. Tara nga dito."

Lumapit naman ako at niyakap niya ako. Niyakap ko din siya pabalik. Maya maya ay narinig kong bumukas ang pintuan.

"Oy! Ano 'yan? Family hug? Sali ako. Daya niyo ah!" Sabi ni Vanessa at lumapit samin para sumali sa yakap.

Tumawa kami ni Daddy at ayun nga, family hug. Pagkatapos ng yakapan portion ay tumingin sakin si Vanessa at awkward na tumawa.

"Sorry." Sabi niya at yumuko.

Tumawa ako at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Baliw. Okay lang. Ate naman kita e. We're family naman so no big deal." Sabi ko at ngumiti sakaniya.

Tumingin siya saakin at kita ko na tuwang tuwa siya.

"Really? Okay na? Tanggap mo na kami?"

"Oo. Hindi naman talaga ako galit sainyo, sa sarili ko ako galit. Ba't kasi hindi ko matanggap? Bakit ko pinupush lagi na Dela Vega ako, diba? No sense. Hindi mababago na pamilya ko kayo. Na kapatid kita at na tatay ko siya. Kaya tinapos ko na ang pagpipilit na 'yun. Tinanggap ko na."

Ngumiti siya at niyakap ako.

"I'm sorry." Sabi niya.

"It's okay. Kahit na ang bitch mo nung una. Na akala mo kung sino ka e alam ko namang kilala mo ako. I should be the one to say that. Sinaktan kita. Physically and emotionally. Ilang sampal, kalmot at sabunot ang nangyari saating dalawa bago tayo magkaganto. Shocks, mala MMK na 'tong talambuhay natin ah?" Sabi ko at tumawa. "But here we are, you are... my sister."

"Ang sweet naman ng dalawang anak ko." Sabi ni Daddy.

Tumawa kami ni Ate at naghiwalay.

"So pano po, Dad? Punta po muna akong condo. Aayusin ko pa po 'tong mga damit ko."

Tumango si Daddy, "Okay. Pahatid ka na lang kay Manong."

"Opo." Sabi ko at hinila ang maleta ko.

"Oy, text mo ko kapag nandun kana ah?" Sabi ni Ate.

"Oo, 'wag ka magalala." Sabi ko at lumabas na.

Sumakay na ko sa sasakyan ni Daddy at nagpadrive na sa condo ko.

*Bzzt Bzzt*

Kinuha ko ang phone ko at nag appear ang pangalan ng pangit kong kapatid.

From: Vanvan

Bait ko no? Walang ate.

- Hoy! Thank you. You don't know how happy I am, also Dad pala. Thank you kasi despite all of the things I did to you and to your relationship with Blake you still accepted me. Haaaaaaay! So good to have you again in the picture! :) labyu, sis! :* (yuck)

Natawa ako. May pa yuck pang nalalaman. Hindi ko na lang siya nireplyan. Tinatamad ako e.

Nang makarating kami sa condo ay umakyat agad ako bitbit ang maleta. Pumasok ako sa suit ko at napangiti ako sa nakita ko. Well arranged. May nakita akong sticky note sa ref kaya kinuha ko iyon.

Hope you liked it. :) - A.

I do. I really do.

**

Natapos ko ng ilagay mga damit ko sa loob ng cabinet ko. Kinuha ko ang mga libro ko at gumawa na ng assignment. Hirap!

Matapos kong gawin iyon ay dumiretso akong kusina. Good thing I know how to cook. Pero dahil nga sa wala akong gana masiyado ay hotdog na lang muna ang kakainin ko.

Nagluto na ako at kumain na. Pagkatapos ay hinugasan ko na ang mga ginamit ko at dumiretso ng sala. Nanonood ako ng biglang nagring ang phone ko.

"Hello?" Bungad ko.

[Hi there, Mrs. Garcia.] Narinig ko siyang humalakhak.

"Whatever. Kumain kana?"

Nagusap lang kami hanggang midnight nang mapagdesisyunan naming matulog na. Pero bago ko ibaba ay nagsalita pa muli si Blake.

[Hey, remember, whatever happens I love you. Remember that. I will always be at your side. Infinity and beyond, baby. I love you. Goodnight.]

Pagkababa niya ng phone ay napangiti ako. Ofcourse, lagi ko 'yun tatandaan.

Kinabukasan ay normal lang ang naging araw ko. Hindi nga lang namin masiyadong nakasama ang mga boys dahil busy sila sa practice dahil magkakaron nanaman sila ng laban.

Two days after, eto na laban na nila ulit kaya umupo na kami sa bench ng EU. Bench of the EU players to ba exact.

"Pwede bang pigilan niyo ko dahil nakikita ko si Liezel Angelica Ferrer?" Inis na sabi ni Kinah.

Napatingin kami sa kung saan siya nakatingin and I saw Liz with her friends. Nakita niya ako kaya tinaasan niya ako ng kilay sabay irap.

"Ay? Ganda ng ate mo. Mukhang paa." Ara.

Natawa ako at hindi na lang pinansin si Liz. Maya maya ay nakita ko na ang mga players ng EU na isa isang nagpapasukan at nags-shoot ng bola.

"WHY SO HOT KING BLAKE?" Sigaw ng mga schoolmates namin.

Napailing na lang ako. Hirap kapag may pogi kang boyfriend.

"Edi ikaw na. Sa sobrang kapogian ng boyfriend mo ang dami mo tuloy kaagaw." Sabay tawa ni Ericka.

"Hah, at least nasa sakin siya." Taas noo kong sabi.

"Whatever. Buti na lang samin, walang kaagaw." Sabay apir nilang lima.

Magsasalita na sana ako ng may sumigaw.

"GO PRINCE ETHAN! YOU CAN DO IT!"

"BABY IAN FTW!"

"PAPA JOHN! SHOOT IT LATER!"

"BABE JHERSEL GO GO!"

"GO BABY BRYAN! GO! GO! GO! GO! GO!"

Natawa ako at tumingin ako kila Ara. Tinuro ko ang mga sumisigaw at mas lalong natawa ng bumusangot sila.

"Oo nga. Wala nga kayong kaagaw."

Tumatawang tumingin ako sa harap ko at nakita ko sila Blake na papalapit. Some of them are still wearing their varsity jackets na may nakapaskin na E sa gilid. At 'yung iba naman ay nakajersey na. Pero sila Blake ay nakajacket pa.

"My queen looks very happy. What's up?" Tanong niya saakin at lumuhod at pinatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Well, not totally luhod 'yung tipong nakaupo siya pero hindi sayad sa sahig? Basta 'yun na 'yon!

Nagkibit balikat ako at tinuro ang mga nagc-cheer na babae. Tinignan niya iyong mga 'yun at tumingin muli sakin.

"What's up with them?"

At tinuro ko naman sila Ara na nakasimangot. Masiyadong dinamdam. Hahahaha!

"Now I get it. Naughty girl." He said then he pinched my nose.

"Ouch."

"Oops, sorry. Let me kiss it para mawala ang sakit." Sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Hindi 'yan ilong!" Sabi ko sakaniya.

Tumawa naman siya at inilapit ng bahagya ang mukha niya sa mukha ko, "Sorry, I thought it's your nose."

"Tse!" Sabi ko na ikinatawa niya lalo.

Tinawag na sila ng coach nila at nagmeeting na sila sa tabi namin. Desidido silang manalo dahil pasok na sila sa finals once na mapanalo nila itong game na 'to.

Ilang minuto lang ay pinasok na ang first five. Pero hindi kasali si Blake at Ian doon.

Nagsimula na ang laban at dikit lagi. Pero madalas ang kalaban ang lumalamang. Nagcall ng time out ang coach ng EU dahil 4th quarter na at 1 minute and 15 seconds na lang ang natitira. Idagdag pa na 4 points ang lamang.

"You need to shoot it, Sorosa! Shoot it at the three point line..." Rinig kong sabi nung coach nila.

Ilang segundo ang lumipas at nag game na ulit. Na kay Ethan na ang bola at pumwesto na siya sa three point line. Nakita kong bumuntong hininga siya at shinoot niya ang bola.

Lahat kami pigil hininga ngunit sumablay ito. 1 minute and 5 seconds na lang ang natitira.

Tumayo si Blake kaya napatingin kami sakaniya, "Looks like I need to play now." Sabi niya at tinanggal ang jacket niya. Humarap siya sakin at hinalikan niya ako sa noo, "Cheer for me." Sabi niya at tumakbo na papunta doon sa table ng nagsasalita.

Maya maya ay pumito ang referee at pinasok na si Blake. Ilang ikot ang ginawa niya bago siya pumwesto sa three point line. Walang kaabog abog na shinoot niya iyon at pumasok.

Naghiyawan ang mga Eastonians at nagtalunan ang mga players.

Nasa kalaban ang bola kaya kinakabahan kami. Ngunit maya maya ay nakita kong naagaw iyon ni Blake. Ang daming kalaban doon sa side ng ring ng EU kaya nagdribble muna siya. At nakita ko siyang umikot at mula sa ilalim ng tumalon na kalaban ay shinoot niya ang bola at pumasok sa ring kasabay ng tunog na ibig sabihin ay tapos na ang laro.

Naghiyawan kaming lahat at tumakbo ako papunta kay Blake. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at inilahad ang dalawa niyang kamay. Agad ko siyang niyakap.

Binuhat niya naman ako at pinaikot.

"Ang galing mo!" Sabi ko.

Binaba niya ako at tinignan niya ako.

"Because you're here. May insipirasyon ako kaya ko 'yun nashoot. And, easy lang 'yun. Basic!" Sabi niya at tumawa.

Niyakap ko siyang muli.

"I love you." Sabi ko.

Ramdam ko ang sunod sunod na hinga niya.

"I love you too so much. And I will do everything just for you. Ipaglalaban kita. Kahit kalaban ko pa sila." Seryoso niyang sabi.

Naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon pinansin. Ang importante, mahal niya ako.

Shemay! Sa wakas nakapagUD din! One week na 'tong nakatengga. May draft na pero hindi ko matapos tapos. Thank you sa paghintay! And kung nababasa niyo mga tweet ko ayos 'yun. Kasi ina-update ko dun lahat. :)

Continue Reading

You'll Also Like

3M 38.2K 75
What will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema...
131K 2.6K 64
"I hate boys but damn now! I'm leaving with the three damn hot Guy" STARED: ARRIL 28 2020 FINISHED: MAY 18 2020
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
381K 11.9K 60
Two known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edi...