You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 21

117 0 0
By gytearah

CHAPTER 21 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Magdamit ka nga, hindi ka ba nilalamig?" Nakatungong tanong ni Tyra, dali-daling sinuot ni Ely ang damit niya.

"Pasensya na po, pinigaan ko lang." Sagot ni Ely at napansin niyang nanginginig na sa lamig si Tyra. 

"Tara na, medyo tumitila na ang ulan, baka magkasakit ka pa." Sabi ni Ely at inalalayan si Tyra.

"Tayo, baka magkasakit tayo. Ang malas naman ng gabing 'to."

"Hindi 'to malas, nagkataon lang siguro." Sambit ni Ely at nag-umpisa na ulit magmaneho.

"A-Alam mo na kung saan ang bahay namin?" Utal na tanong ni Tyra at pilit na niyayakap ang sarili niya dahil sa lamig.

"Alam ko at medyo malapit na tayo."

Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay narating na nila ang bahay nila Drammy.

"Tito, Tito nandito na po kami." Sabi ni Tyra na yakap yakap pa rin ang sarili.

"Sandali lang." Sabi ni Alpa at binuksan ang pinto.

"Diyos ka, ang mga batang ito! Bakit basang-basa kayo?" Tanong ni Drammy

"Saglit lang, ikukuha ko kayo ng tuwalya." Sabi ni Alpa at nagmamadaling nagtungo sa isang kwarto. "Ito na, ito na! Tyra, pumunta ka na sa kwarto mo at magbihis. Ikaw iho, dito ka sa kabilang kwarto, ikukuha kita ng damit." Sabi ni Alpa

"Mahal, marami akong damit na hindi pa naman nagagamit, 'yon ang kunin mo." Sabi ni Drammy at nagtungo sa kusina para ipaghanda ng kape ang dalawa.

"Mahal, ikaw na ang magbigay nito kay Ely at ako na ang magtitimpla ng kape nila."

Ilang minuto na ang lumipas, nagkakape na si Ely pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Tyra.

"Bakit hindi pa bumababa si Tyra?" Tanong ni Drammy sa asawa niya, "Puntahan mo na nga at baka kung ano na ang nangyari dun."

Nagmamadaling umakyat ng kwarto si Alpa. "Tyra, Tyra? Okay ka lang ba? Baba na, lalamig na ang kape." Sabi ni Alpa pero walang sumasagot. "Tyra, papasok ako ha." Pagbukas ni Alpa ng pinto ay nadatnan niya su Tyra na nakaupo sa sahig, nanginginig, namumutla.

"Okay ka lang? Bakit hindi ka sumasagot?"

Umiling si Tyra at itinuro ang lalamunan niya.

"Hindi ka makapagsalita?" Tanong ni Alpa at tumango si Tyra, "Wala kang boses?" Tanong ulit si Alpa at muling tumango si Tyra.

Kumuha ng makapal na jacket si Alpa at isinuot kay Tyra, inalalayan niya rin ito pababa ng hagdan. 

"Mahal, maligamgam na tubig!" Sabi ni Alpa, naupo si Tyra sa sofa at pumikit.

"Ano'ng nangyayari?"

"Hindi ko rin alam." Sagot ni Alpa kay Drammy, "Hindi siya makapagsalita, nawala raw ang boses niya."

"Baka dahil sa tubig ulan."

"Mahal, walang allergies si Tyra na katulad nang kay Gwy at kay Arah, okay lang sa kanyang mabasa ng tubig ulan, ngayon lang naman 'to nangyari, baka sisipunin lang siya." Sabi ni Alpa, inabot ni Drammy kay Tyra ang maligamgam na tubig at isang tabletang gamot.

"Nagugutom ba kayo? Ipagluluto ko kayo kahit instant noodles," Tumango si Tyra. "Ikaw iho?" Tanong ni Alpa kay Ely.

"Okay lang po."

"Maiwan ko muna kayo d'yan at magluluto ako. Mahal, puntahan mo muna si Clarry sa kwarto, baka naghahanap na 'yon ng katabi sa pagtulog, ako na muna ang bahala dito sa dalawang bata." Sabi ni Alpa bago nagtungo sa kusina.

ELY's POINT OF VIEW ★

Hindi naman ito ang unang beses na nagpunta ako dito sa bahay nila Sir Drammy pero kinakabahan ako, lalo na nung napatingin ako sa isang malaking picture frame sa sala nila.

"Ilagay mo na lang d'yan." Sabi ni Miss Alpa, inilagay ko sa ibabaw ng lababo ang pinagkapehan ko. 

"Ano po'ng nangyayari kay Miss Tyra?" Tanong ko kay Miss Alpa, kahit nakakahiya ay naglakas loob ako.

"Baka dahil lang sa pagod 'yon o 'di kaya'y magkakasipon siya. Yung kakambal niya, 'yon ang may allergy sa tubig ulan, nagpapantal ang buong katawan, nakuha niya 'yon sa Mama nila, parang si Lyra."

"Nakakamatay po ba 'yon? Tanong ko pa, tumingin si Miss Alpa sa akin kaya napatungo ako. 

"Oo, lalo na kapag hindi naagapan. Sige na, bumalik ka na sa sala at tatawagin na lang kita kapag luto na." Sabi ni Miss Alpa

Totoo pala ang allergies na 'yon, akala ko dati e gawa-gawa lang 'yon, sino ba naman kasi ang maniniwala na mayroong gaanong allergies 'di ba?

Tubig ulan na nakakamatay, nakakapagtaka.

Pagbalik ko sa sala ay nadatnan ko si Tyra na nakahiga sa sofa, nakatitig sa kisame.

"Miss Tyra, uuwi na po ako." Paalam ko, bumangon siya at umiling, tumingin siya sa labas.

"Dito ka na matulog." Sambit niya at nagulat ako na may boses na siya.

Napahawak si Tyra sa leeg niya, mukhang pati siya ay nagulat na nakakapagsalita na siya.

"Dito ka na magpalipas ng gabi, umuulan pa rin, tatawagan na lang siguro ni Tito si Mang Nato para siya na ang magbaba nung mga kambing bukas na umaga." Tumango na lang ako, ayaw ko namang magpumilit na umuwi at baka nga madisgrasya pa ako.

Umakyat si Tyra sa kwarto niya kaya naiwan akong mag-isa sa sala, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, parang nakatitig sa akin ang mga nasa picture frame, para silang may buhay.

"Kumain na muna kayong dala–, oh? Nasaan na si Tyra?"

"Umakyat po sa kwarto niya Miss Tyra."

"Baka may kukunin lang, kumain ka na at pupuntahan ko lang siya para sabay na kayo."

Umakyat din si Miss Alpa sa kwarto ni Tyra, nagpunta naman ako sa kusina nila at kumuha ng noodles, tamang-tama, masarap 'to sa malamig na panahon.

"Ako na po ang bahala sa kanya Tita, salamat po, pahinga na po kayo." Narinig kong sabi ni Tyra kaya napaayos ako ng upo.

"Thank you Lord bumalik na ang boses ko." Umupo siya sa tabi ko at kumuha rin ng noodles, "Kain pa." Nakangiti niyang sambit sa akin, para akong natulala, natameme, bakit gano'n siya ngumiti? Pang-beauty queen. Bihira ko lang kasi siya makitang nakangiti kaya siguro ganito ang naging reaksyon ko.

"Okay lang ba sa 'yo na sa sofa matulog? Yung ibang kwarto kasi dito e naka-susi."

"O-Okay lang po kahit saan." Utal kong sagot sabay higop ng sabaw.

"Dadalhan na lang kita ng unan at kumot pagkatapos natin dito, papahiramin na rin kita ng jacket kasi mukhang nilalamig ka na."

"Salamat po Miss Tyra."

"Tsk! Tyra kapag wala sa trabaho."

"Ay, hehe! Opo, Tyra." Pagtingin ko sa kanya ay tumatawa siya kaya natawa na rin ako.

"Alam mo Ely, may nakita ako sa palengke kanina, akala ko si Aleng Adela eh, hinahanap ko pa nga sa kanya si Eya pero hindi daw niya kilala at hindi daw siya si Aleng Adela."

Napakunot noo ako. "Baka naman ka-mukha lang."

"Ka-mukhang ka-mukha, para nga silang kambal ni Aleng Adela e. May nai-kwento sa akin ang T'yang mo, may kakambal daw siya at Adelyn ang pangalan."

"Adelyn? Yun nga! Yun ang pangalan ng kapatid ni T'yang, palagi niya rin 'yong kinu-kwento sa amin, mas mahal daw 'yon ng mga magulang nila kaysa sa kanya pero matagal na 'yon at matagal na rin silang napatawad ni T'yang. Noon ko pa nga balak hanapin ang kakambal niya e kaso hindi ko alam kung saan magsisimula."

"Tutulungan kita, gagawa tayo ng paraan para magkita sila ulit at magkabati, ano? Game ka ba?" Tanong niya at ngumiti ulit.

"G-Game." Sagot ko sabay iwas.

"Mauna ka na sa sala, huhugasan ko lang saglit itong mga pinagkainan natin."

"Hintayin na lang kita dito." Sagot ko, hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, parang nangangatog rin ang mga tuhod ko.

"Palagi kayong magka-usap ni Joepette, gusto mo ba siya?"

Napatigil siya sa paghuhugas at tumingin sa akin, napatungo ako, bakit ko nga ba naitanong 'yon?

"Hindi ko siya gusto, i mean–, I don't like boys. Nag-uusap kami palagi kasi parte ng trabaho 'yon. Bakit mo naman naitanong? Mukha ba akong may gusto sa kanya?"

Napailing na lang ako. Maling tanong..

"Hindi pa ako nagkaka-boyfriend, takot ako pagdating sa mga gano'ng bagay." Sabi ni Tyra at pinatay na ang gripo. "Ikaw, first girlfriend mo ba si Olivia?" Bigla siyang napahawak sa bibig, "Sinabi ko bang Olivia?"

"Oo." Nagtataka kong sagot, paano niya nalaman na Olivia ang pangalan ng ex girlfriend ko?

"Bakit?" Kunot noo niyang tanong.

"Bakit ano?"

"Bakit ko alam na Olivia ang pangalan ng dati mong girlfriend? Saan ko nakuha 'yon?" Naiiling niyang tanong, parang hindi niya rin alam kung bakit niya nasambit ang pangalan ni Olivia.

"Hayys, baka nagkataon lang na nasambit ko o 'di kaya naman ay nasabi mo sa akin noon. Dito ka na lang muna, ikukuha kita ng unan at kumot sa taas, baka antok at pagod lang din 'to."

Pag-akyat ni Tyra sa kwarto niya ay nilibot ko ng tingin ang buong bahay, wala naman sigurong ibang tao dito.

“Sumama ka na sa akin.”

Napapikit ako, napailing at nagtakip ng tainga.

"Ayaw ko, ayoko!" Bulong ko at biglang may humawak sa balikat ko.

"HUWAG!"

"Sorry, sorry." Pagkarinig ko ng boses ni Tyra at napamulat ako at napahawak agad sa braso niya.

"Ahm, hindi.. ano eh."

Tinapik-tapikk niya ako sa balikat. "Good night Ely, mag-pray ka bago matulog ha. Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kwarto." Sabi ni Tyra at iniwan na niya ako sa sala nila.

Ayaw kong matulog, ayaw kong pumikit.

Tuwing pipikit ako, duguang mukha ni Olivia ang nakikita ko.

* End of Chapter 21 *

A/N : Chubbabies 💜 keep rockin' 🤘
God bless everyone.

@gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
375K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
76.1K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
7.3K 441 26
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...