Hahamakin Ang Lahat

By theayao

2.7K 52 2

Nagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may... More

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30

1

725 11 1
By theayao

Chapter 1

Seryosong nakatitig si Damon kay Pinyok, na lolo niya. Nakahiga ito sa papag at hirap nang huminga. Pipikit ito at hihinga ng mamalim, ididilat ang mga matang unti-unting nawawalan ng buhay.

"Apo, ipapasa ko na sa 'yo ang mutya ng kidlat, alagaan at pahalagahan mo ito. Gamitin mo ang mutya na ito para lipunin ang kampon ng kadiliman, lalo na ang pinuno ng mga aswang na si Giblo. Ikaw na ang bagong tagapangalaga nito, dahil ako'y 'di na magtatagal. Ito na ang tamang panahon para ipasa ito sa'yo. Sinanay kita mula pagkabata para rito. Lagi mong tatandaan 'wag mo pairalin sa puso mo ang galit at paghihiganti, dahil lang sila ang pumatay sa mga magulang mo. Ang itanim mo sa puso't isipan mo ay ang kapayapaan para sa lahat, para sa kaligtasan nila. Ang espadang 'yan ang magiging sandata mo sa iyong paglalakbay at pakikipaglaban para talunin ang kasamaan. At ang mutya ng kidlat ang iyong magiging gabay. Apo sana magtagumpay ka sa iyong misyon na mapatay ang pinuno ng mga aswang."

Mahabang habilin ni Pinyok sa apo, na si Damon. Inihabilin niya ang mutya ng kidlat kay Damon, dahil 'di na magtatagal ang buhay niya. Malaki ang naging pinsala niya sa huling pakikipaglaban sa kampon ni Giblo. Dahil na rin sa katandaan at hindi na gaano kalakas ang katawan, 'di tulad noong kabataan pa niya.

Tumango si Damon bilang pagsang-ayon, sabay kuyom ng mga kamao. Yumuko si Damon para maisuot sa kanya ni Pinyok ang kuwintas, na may palawit ng isang batong asul na may nakaukit na dragon.

"Apo, lagi mong tatandaan ang mga sinabi ko, ikaw na ang bahala sa mga Tribano. Pamunuan mo sila at ipanalo ang kabutihan," saad ni Pinyok sa pahinang boses. Nagsasalita siya habang nakapikit ang mga mata.

Nanatiling tahimik si Damon at pinagmamasdan si Pinyok. Hindi na ito gumalaw o humihinga. Alam ni Damon na wala na ang kanyang lolo, nalulungkot siya sa pagkawala nito. Ngunit walang luha na pumatak sa kanyang mga mata. Napapikit at napabuga siya ng hininga, ngayon ay siya na ang magpapatuloy sa pagtugis ng mga aswang at masasamang elemento.

Sa edad na beinte dos ay ganap na siyang manunugis, at tagapagmana ng mutya ng kidlat. Naalala niya ang mga magulang na pinatay ng mga aswang. Sampung taon lamang siya noon nang mangyari ang digmaan laban sa mga aswang at laban sa angkan niya. Maraming namatay sa kasamahan nila at kasama na doon ang mga magulang niya. Kaya hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng galit at maghihiganti.

Ang pamilya niya ay manunugis ng mga aswang at iba pang masasamang elemento. May katamtamang lupain sila na kung saan dito sila naninirahan, ang tawag sa kanilang lugar ay baryo biño. May iilang dumadayo sa kanilang lugar upang upahan sila, para patayin o palayasin ang mga aswang at masasamang elemento na gumagambala sa kanila. Ang tawag sa kanila ng tagalabas ay mga tribano.

"Pangako Lolo, pamumunuan ko ang nasasakupan natin. Magiging malakas at mabuting pinuno ako, at uubusin ko lahat ng lahi ng mga aswang. Papatayin ko si Giblo, nagpakahirap ako magsanay para sa oras na magtagpo na ang aming landas ay mapapatay ko na siya." May gigil na saad ni Damon.

Lumabas si Damon sa kubo at bumungad ang mga kasamahan niya. Nang makita ng mga tao ang kuwentas sa leeg ni Damon, agad na yumuko silang lahat tanda ng paggalang at pagtanggap ng bagong pinuno.

"Tanggapin mo aming pagbati, Pinunong Damon!!" Sabay-sabay saad ng mga tao habang nakayuko kay Damon.

"Pangako, lilipunin natin silang lahat. Hahanapin natin sila at walang ititira." Malakas na sigaw ni Damon.

Bilog na buwan ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Tahimik na gabi, tanging tunog ng mga kulisap ang maririnig. At tunog ng mga dahon na isinasayaw ng mabining hangin.
Na sa taas ng puno si Damon, nakaupo sa isang sanga at nakasandal sa puno. Nakapikit ang kanyang mga mata, ngunit bigla itong dumilat nang makarinig ng malakas na sigaw.

Natanaw ni Damon 'di kalayuan ang isang babae, tumatakbo ito at sa likuran nito ay may dalawang aswang na humahabol.

Tumalon pababa si Damon, saktong malapit na ang babae at bumangga ang ulo ng babae sa malapad na dibdib niya. Muntik pang matumba ito mabuti nalang maagap siya at nahawakan niya ang baywang nito.

Napahawak ang isang kamay ni Wiena sa dibdib ng lalaking nabangga niya at ang isang kamay ay sa braso nito. Nagtama ang kanilang mga mata, ngunit napaiwas agad ito ng tingin at itinuon ang atensiyon sa dalawang aswang na nasa harapan nila.
Samantala siya, parang tumigil ang inog ng mundo niya habang nakatitig sa guwapong mukha nito.

Inilagay ni Damon ang babae sa likuran niya. At binigyan niya ng matalim na tingin ang dalawang aswang. Napakapangit ng mga anyo. Mabalahibo ang mga katawan, na hugis tao at ang ulo ay kagaya sa baboy-ramo. Pula ang mga matang nanlilisik. Mga ngipin na matatalas at mahahaba, tumutulo sa bibig ang malapot na laway.

Kinuha ni Damon ang espada na nakasabit sa likod, lagi niyang dala ito kahit saan magpunta. Kahit pagligo ay dala-dala niya ito. Tumalon na sumugod ang dalawang aswang. Hinigpitan ni Damon ang paghawak sa espada at sinalubong ang pagsugod ng dalawang aswang. Sa isang iglap lang ay naputol ang ulo ng dalawang aswang. Winasiwas niya ang espada para maalis ang dugo.

Napanganga si Luna at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari, 'di niya akalain na natalo ng ganoon kadali ang dalawang aswang. Kisap-mata, biglang naputol at tumalsik ang ulo ng mga ito.

"Ahhmm, ano... salamat. Nakakamangha ka naman, paano mo nagawa 'yon?" Namimilog ang mga mata ni Luna na sinilip ang mukha ng lalaki.

Hindi sumagot si Damon, tumalikod na siya at naglakad.

"Hoy! Saglit lang!" Sigaw ni Wiena. "Aray!" hiyaw niya nang kumirot ang sugat sa kaliwang hita. Kinalmot ito ng isang aswang dahil pilit siyang nagpupumiglas para makatakas nang mahuli siya, mabuti nalang nakatakas siya.

Napahinto si Damon at nilingon ang babae, nakasalampak na ito sa lupa at hawak ang dumudugong sugat sa hita. Napatingin si Damon sa nagmamakaawang mukha nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa sugat at sa mukha nitong nagmamakaawa.

Napabuntong-hininga si Damon at nilapitan ang babae na ngayon ay subrang lapad na ng ngiti. Binuhat niya ito na parang bagong kasal.

Napahawak si Wiena sa pisngi niya dahil ramdam niyang subrang pula na nito. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng tagapagligtas. Hindi niya maiwasan humanga sa taglay nitong kakisigan. Subrang tangos ng ilong, makakapal na kilay na iisang linya. Dagdag karisma pa ang mala-supladong mukha nito. Bumaba ang tingin ni Wiena sa mapulang labi nito, napalunok siya ng laway. Ramdam niya ang matitigas nitong bisig na bumubuhat sa katawan niya.

"Baka matunaw ako," saad ni Damon. Iginalaw niya ang itim na mga mata para pahapyaw na tingnan ang babae.

Napahiyang iniwas ni Wiena ang tingin at nainis na napabulong. "Guwapo nga, suplado naman!."

Nakarating na silang dalawa sa baryo biño. Pinagtitinginan sila ng mga tao na may pagtatanong at pagtataka sa mga mata. Isinubsub ni Wiena ang mukha sa dibdib ni Damon dahil 'di niya makayanan ang paraan ng patitig ng mga tao.

"Simon!" Pasigaw na tawag ni Damon. Lumapit agad ang tinawag na Simon. "Gamutin mo siya," utos niya. At binaba ang babae sa silya, para umupo doon.

Magrereklamo pa sana si Wiena pero pinili nalang niya manahimik.
Nang matapos magamot ang sugat ni Wiena, may babaing lumapit sa kanya.

"Kaya mo bang maglakad?. Ako nga pala si Miya," nakangiting pakilala ni Miya.

"Oo. ako si Wiena," naiilang na sagot ni Wiena. Kinamot niya ang gilid ng kilay at alangang ngumiti.

"Tara, samahan muna kita sa kubo. Doon ka muna kumain at para makapagpahinga ka."

"Sige, salamat."

Paika-ika na naglakad si Wiena habang inilibot niya ang paningin. Iilan lang ang mga taong naninirahan dito, hindi tulad sa bayan na napakarami. Ang mga bahay ay gawa lang sa pawid, mula sa dingding at bubong. Hinanap ng mga mata niya ang lalaking nagligtas sa kanya, ngunit bigo siyang makita ito.

Huminto sa paglalakad si Miya at itinuro ang isang kubo, na nakabukas ang pintuan.
"Dito, pasok kana sa loob. May mga pagkain na diyan, tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka."

"Sige salamat, Miya." Pumasok sa loob ng kubo si Wiena at inilibot ang tingin. Wala masyadong kagamitan sa loob. Isang lamesa, dalawang silya, isang kabinet at isang papag.

Nang makita ni Wiena ang mga pagkain sa lamesa, biglang tumunog ang tiyan. Natatawang umupo siya sa silya at napalunok ng lawat. Inihaw na manok, inihaw na isda at mga prutas ang na sa hapag.

Pagkatapos kumain ni Wiena ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Noong una ay pinipigilan niya na umihi dahil tinatamad siyang lumabas. Ngunit puputok na ang pantog niya kakapigil. Paika-ika siyang lumabas, at inilibot ang paningin sa paligid na walang katao-tao.

Nainis si Wiena nang hindi makita ang banyo, nahiya naman siyang kumatok sa mga kubo para itanong kung saan ang banyo. Nagpasya siyang pumunta sa kakahuyan at doon umihi.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatili at dali-daling itinaas ni Wiena ang pangbaba na kasuotan.

"Ano ka ba!? kita mong umiihi 'yong tao! nambubuso ka ba?!" Galit na sigaw ni Wiena.

Napataas ng kilay si Damon at ngumisi. Napanganga si Wiena nang makita kung paano ngumingisi si Damon, 'di niya akalain na mas lalo itong nagiging guwapo kapag nakangisi.

"Kababae mong tao kung saan-saan ka umiihi, para kang aso na kung saan lang maisipan umihi." Nakangisi at umiling-iling na saad ni Damon, na parang desmayado.

Namula sa galit at pagkapahiya si Wiena.
"Hoy! Ang kapal mo naman 'di ko lang nakita ang banyo niyo! nahiya lang ako kumatok dahil tulog na sila!"
pasigaw na saad ni Wiena.

Ngunit tinalikuran lang siya ni Damon at 'di pinansin ang mga sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
5.6K 206 31
Blurb Alam na ni Tikboy na pusong babae siya. Tekla ang tawag ng mga kaibigan niyang babae at bakla kapag kasama siya ng mga ito. Subalit, pilit niya...
79.5K 222 1
Dahil sa isang pagkakamali ay mababago ang buhay ko, Hindi inaasahang pangyayari, mga katotohanang mabubunyag at pagkataong matagal ng hinahanap. At...