Meant To Be

By TwinkleBubblegum

1K 135 18

Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang... More

Meant To Be
Chapter 1 - The Voice
Chapter 3 - Crush
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Cheating
Chapter 6 - Drunk
Chapter 7 - First Kiss
Chapter 8 - New Neighbor
Chapter 9 - Missed Call
Chapter 10 - Text
Chapter 11- Rebound
Chapter 12 - Truth or Drink
Chapter 13 - Closer
Chapter 14- Request
Chapter 15- Jealous
Chapter 16- Admirer

Chapter 2 - Neighbors

56 10 3
By TwinkleBubblegum

Sa lagkit nang paraan ng pagtitinginan nila, nagkahinala tuloy ako na mayroon silang relasyon. Nagkibit-balikat na lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain ng carbonara. Sumunod na kinanta noong babaeng singer 'yong "Foolish Heart." Isa ito sa mga request ng customers.

Ilang saglit pa ay sinamahan na muli siya noong lalaking singer sa gitna ng stage. Nag-duet sila sa kantang "Like I'm Gonna Lose You." Hindi ko na lang namamalayan ang pagdaan ng oras dahil sobrang nag-enjoy ako sa panood ng gig nila. Sobrang galing talaga nilang mag-perform sa stage. Umaapaw pa rin sa dami ng tao ang Club DC. Halatang nagugustuhan din ng mga manonood ang bandang nagpe-perform.

Pinadalhan ko ng isang text message si Hannah upang ipaalam na natanggap na ako rito sa Club DC. Sinabihan ko rin siya na bukas namin babalikan 'yong susi ng unit ko.

Bandang alas-diyes nang matanaw ko na si Hannah na naglalakad papalapit sa aking pwesto.

"Scarlet, nainip ka ba? Hindi ko na nagawang magpalit ng uniform. Kasi baka kako naiinip ka na sa paghihintay."

Napansin ko nga na suot pa rin ng kaibigan ko 'yong uniform niyang itim na polo shirt. Naka-pony tail pa rin ang kanyang buhok pero wala na itong hairnet.

"Hindi naman. Nag-enjoy nga ako rito. Ang galing no'ng bandang nagpe-perform." Sabay turo ko kay Hannah sa gawi ng stage. Sinundan niya ito ng tingin.

"Regular na ba sila dito?" kuryoso kong tanong sa aking kaibigan. Umupo muna siya sa bakanteng stool chair sa tabi ko pagkaraan ay kumuha ng isang Nachos mula sa plato.

"Ah! Fan ka na rin pala ng K & K couple!" Napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Oo regular na silang tumugtog dito. Sina Kieran at Kylie! Magaling talaga 'yang mag-jowa na 'yan! Isa sila sa taga-hakot ng customer dito sa Club DC!"

Tama nga ang hinala ko na magkarelasyon silang dalawa. Mararamdaman mo kasi 'yong kakaibang chemistry nila on-stage kapag nagpe-perform sila. Kasalukuyan nilang kinakanta ngayon 'yong "Closer" by The Chainsmoker.

"Patapos na pala 'yong gig nila. Kadalasan kasi pag tinutugtog na nila 'yang "Closer" ibig sabihin pang-last song na nila." I tilted my head in order to face the stage.

"Kapag weekend umaabot ng tatlong oras ang gig nila. Mas maraming tao rito kapag Sabado!"

Ilang saglit pa ay lumabas na kami ng Club DC. Nilakad namin 'yong papuntang pilahan ng mga tricycle.

"Balikan na lang natin bukas ng tanghali 'yong susi ng unit mo." Kaagad akong tumango.

"Swerte na nga tayo sa mga amo natin kasi may libreng staff house. Ang mahal pa naman mag-rent dito sa Maynila!" ani Hannah habang inaayos ang pagkakalugay ng hanggang balikat niyang buhok. Bigla siyang napahikab.

"Salamat talaga sa tulong mo, Hannah! Siguradong matutuwa sina Nanay kapag ibinalita ko sa kanila na natanggap na ako sa trabaho."

"Walang anuman, sino-sino pa ba ang magtutulungan kungdi tayo-tayo lang din!"

Kababata ko si Hannah sa probinsya namin sa Bulacan. Nai-stroke kasi ang Tatay ko ilang buwan na ang nakalilipas kaya't simula noon ay hindi na siya nakakapagtrabaho pa sa construction company na pinapasukan. Ang Nanay ko naman ang nag-aalaga sa kanya kaya't hindi na rin nito naaasikaso ang pwesto ng isda sa palengke. Kailangan ma-theraphy ni Tatay kaya't napilitan muna akong huminto sa pag-aaral upang may maipangtustos sa pangangailangan ng aming pamilya.

***

Mga bandang ala una nang pumunta kami ni Hannah sa Club DC. Naabutan namin doon 'yong isang staff ng restobar na si Manong Roy. Bukod doon sa susi ng aking unit ay ibinigay niya na rin sa akin 'yong anim na maroon na polo shirt na magsisilbing uniform ko.

Isang sakay lang ng tricycle 'yong layo ng Club DC doon sa staff house. Nakapunta na rin daw rito noon si Hannah kaya agad namin itong natunton. Studio type 'yong unit ko. Maluwag tignan ang kabuuan nito dahil wala pa namang kahit isang appliances sa loob.

Kulay cream 'yong tiles ng sahig. May isang kama sa gawing kaliwa. Naupo kami rito ni Hannah. Mukhang napa-laundry na naman 'yong takip ng foam. Nagdala naman ako ng sarili kong bedsheet, unan at kumot. Buong maghapon akong tinulungan ni Hannah na ayusin ang mga gamit ko.

"Unti-untiin mo na lang ang pagbili ng mga gamit. Unahin mo munang bumili ng durabox at rice cooker. Saka ka na lang bumili ng kalan at gasul. Mapapanis lang din naman ang mga lulutuin mong ulam. May nabibilhan ng lutong ulam malapit dito. Kakilala ko 'yong may-ari no'n kaya siguradong malinis yon!" ani Hannah. Tinanguan ko siya habang kasalukuyang nilalagyan ng punda 'yong unan.

"Salamat talaga sa lahat ng tulong mo. Hayaan mo itre-treat kita sa unang sahod ko!" masigla kong sabi.

Isang matamis na ngiti ang iginanti niya sa akin.

Alas siyete ng gabi ang pasok ko. Alas sais y media pa lang ay naka-pag time-in na ako sa logbook ng guard. Hindi pa kasi ako naie-enroll sa biometrics attendance. Sobrang bait ni Sir Christopher kaya't ayokong ma-late sa unang araw ko sa trabaho.

Kinausap muna kami ni Sir Gabrillo-ang magsisilbing Supervisor namin. Dalawa kaming bagong hire na waitress kaya't ipinakilala niya kami sa iba pang staff ng restobar.

"Scarlet, mag-o-observe ka muna kay Glaiza. Mga after one week of training ay pwede na kayong isabak sa trabaho."

Tinuruan ako ni Glaiza ng tamang paraan ng pagkuha ng order sa customer. Pilit kong isinasaulo ang lahat ng itinuturo niya. Lalo na sa paraan ng paglalapag ng mga plato, baso at kutsara.

Pati 'yong do's and dont's sa paraan ng pagtrato sa mga customer ay itinuro rin niya sa akin. Mga bandang alas onse ay nag-break muna ako. Pumunta ako sa locker area upang matingnan kung nakapag-reply na ba si Nanay sa text ko. Pagkaraan ay kakain na lang siguro ako ng clubhouse sandwich at Coke.

Habang nagbabasa ay naririnig ko 'yong kwentuhan ng iba kong kasamahan sa trabaho.

"Ang lungkot ni Stella ngayon ah!" pang-aasar sa kanya ni Harvey. Iyong katrabaho ko na mataba at maputi. Ang alam ko ay kusinero siya rito sa Club DC.

Maagap naman siyang tinampal ni Stella sa kaliwang braso. Si Stella naman 'yong katrabaho kong waitress na maitim at bob-cut 'yong style ng buhok.

"Oo nga wala kasing gig ngayon si Kieran! Kaya hindi inspired sa trabaho," pangungulit naman sa kanya ng katrabaho namin na si Kenneth.

Napansin ko ang bahagyang pag-blu-blush ni Stella dahil sa sinabing iyon ni Kenneth.

"Monthsary pa naman yata nila ngayon ni Kylie! Malamang may date 'yong dalawa!" si Harvey ulit

Nagkibit-balikat na lang ako sa pag-aasaran nila at nagtipa ng mensahe para sa aking ina. Hindi na nakakapagtaka kung may ibang babae ang nagkakagusto kay Kieran. Hindi talaga maipagkakaila na may itsura siya. Idagdag mo pa ang taglay niyang magandang boses.

Alas tres ng madaling araw na kami nakapag-out. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit may libreng staff house ang mga nagtatrabaho rito sa Club DC. Mahihirapan na rin kasing mag-commute pauwi pag ganitong alanganing oras na. Lalo na 'yong mga babaeng empleyado ng restobar delikado na kung mag-u-uwian pa sila.

***

Sa kabilang kanto 'yong staff house na para sa mga lalaki. Iyong compound ng unit ko ay pawang sa mga babaeng empleyado lang ng restobar. Pagkatapos kong mag-shower ay nagpalit na ako ng damit pangtulog. Isang daster na lang ang sinuot ko para presko sa pakiramdam. Wala pa kasi akong electric fan. Sa unang sahod ko na lang ako bibili ng mga gamit ko rito sa staff house. Binuksan ko muna 'yong dalawang bintana para makapasok 'yong hangin mula sa labas.

Nagdasal muna ako bago matulog. Nilapag ko 'yong rosary sa tabi ng unan ko. Pinabaon ito ni Nanay sa akin bago ako umalis. Pinatay ko na 'yong ilaw.

Pagkahiga ko sa kama ay nakarinig ako ng ilang mahihinang ungol. Napalingon pa ako sa magkabilang gilid ng higaan ko. Mabilis akong ginapangan ng kaba.

"May nagmumulto kaya rito?" Bulong ko sa aking sarili. Agad akong napa-sign of the cross sabay kuha roon sa rosary na nasa tabi ng unan.

First time ko pa namang matulog ng mag-isa sa kwarto. Ilang saglit pa ay mga impit na daing naman ang aking narinig.

"Shit! Faster!"

Mabilis na naghugis letrang "o" ang bibig ko. Sa tantya ko ay roon nanggagaling sa katabi kong silid iyong ingay.

"Tang!na! Isagad mo pa!" Halos nagpapal-pitate na 'yong dibdib ko dahil sa tindi ng nararamdaman kong kaba.

Kasunod noon ay ang walang humpay na paglangingit ng kama ang umokupa sa aking pandinig.  Sa rahas na paraan ng pag-uga noon ay tila ba wawasakin na ito ng pares na naroon sa kabilang kwarto.

"Bilisan mo pa! Shit!"

My virgin ears! Oh my goodness! Napatakip na lang ako ng unan sa aking mukha.

"Shit! Kieran! I'm coming!"

Halos mamilog at manlaki ang magkabila kong mga mata pagkarinig sa pangalan na binanggit noong babae.

Kieran?

As in Kieran na bokalista no'ng banda kagabi?

"Shit!" Ilang hiyaw at ungol pa ang narinig ko.

Pawang mga babaeng empleyado ng Club DC ang nakatira sa compound na ito. Ibig sabihin ba no'n ay si Kylie 'yong kapitbahay ko?

Continue Reading

You'll Also Like

13.3K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.8K 827 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...