Luna: The Last Witch

By BigBadShey

57.9K 1.8K 285

Meet Luna Eleazar, a rich teenage girl living the best time of her life as a daughter of the leading business... More

Author's Note:
Prologue
Luna: The Last Witch
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3: The Story Behind the Existence
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9: The Appearance Of Artemis
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19

Kabanata 20

137 8 2
By BigBadShey

**FLASHBACK**

Ilang araw matapos ang pagkaka-ospital ko nang salakayin ako ng isang Fallen ay inalam ko kung nasan ang opisina ni Aquema. Sinadya kong hanapin siya para ipaliwanag sakanya at hingiin ang opinyon niya patungkol sa naging engkwentro ko sa Fallen at syempre, tanungin na din kung sino ang misteryosong Transcendent na nagligtas saakin.

Sa aking pag-hahanap sa kaniya, saka ko lang nalaman kung ano talaga ang posisyon niya sa Alkandina at kung bakit siya parte ng konseho noong panahon na nasa loob ako ng Court room.

Si Aquema lang naman ang Chairman ng Adamaste tribe. Bawat tribe ay may in-charge na Chairman na siyang humahawak at nagmamanage ng mga ito. 

"Lumapit siya para hawakan ang puso mo?" Aquema asked sabay tayo mula sa kanyang pagkakaupo sa mesa niya.

"Yup, the fallen came close to me para hawakan yung dibdib ko. It felt like it knows that the heart of the moon is in me." I explained.

"Have you told this to anyone, in any of your friends?" Pagtatanong niya saakin ng nag-aalala.

"Nope. Sinakyan ko yung excuse story na binigay ng Ospital kila Ayata and Serenity." Sagot ko sakanya.  "Bakit? M-may problema ba Aquema?" Dugtong ko.

Biglang nanahimik si Aquema at hindi ako kinibo. Halata sa mga mata niya na malalim ang iniisip nya.

"It's true then." Bigla niyang bulong sa kawalan.

"T-True? About what?" Tanong ko sa labis na pagtataka patungkol sa ibinulong niya.

"That they can feel the Heart of the Moon's energy. Which makes you vulnerable in their presence Luna. Dahil alam nila na nasa'yo ito." Aquema replied habang tulala sa bintana ng office niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Dahil hindi biro isipin na madali akong matutunton ng mga Fallens sa sandali na may makaharap nanaman ako sa hinaharap. The worst case, ay masiwalat nito ang pagkatao ko.

"You have to play safe Luna. It's not that impossible na sa hinaharap, ay kakaharapin mo sila. Ngayon pa't alam nila na nasa'yo ang bagay na kailangan nila." Mas lalo naman nadagdagan ang kaba ko sa mga sinabi ni Aquema sakin.

Hindi ko naman maiwasan ang magtaka at mag-isip sa mga sinabi niya. Kaya't tinanong ko na sakanyang deretsahan kung ano ang mangyayari saakin oras na kunin nila saakin ang Heart of the Moon.

"W-what will happen kung m-makukuha nila sakin ang Heart of the Moon?"

"I'm not sure. Lalo na't ginawa ni Phineloppe na maging iisa ang puso mo at ang crystal na 'yun not just to protect you but also for the crystal to be protected this way. Marahil ay hindi niya lang naisip ahead na ikapapahamak mo din ito sa mata ng mga kalaban. I-I'm afraid, you-"

Tumigil si Aquema sa pagsasalita. Tila ba hindi niya kaya sabihin ang naiisip niya tungkol sa posibleng mangyari sakin.

"You're afraid of what?"

"I'm afraid you'll die Luna."

*END OF FLASHBACK*

"And her daughter, is here in Alkandina."

Nanlaki ang mga mata nila Phoenix, Ayata at Clark sa mga binanggit ng Basilisk. Si Serenity naman ay nabigla din sa nalalaman ng nilalang.

Lumapit ang Basilisk sa direksyon ko. Nais kong manlaban o tumayo mula sa pagkakaupo, ngunit sa sandaling gawin ko ito ay masisira ang force field na nilagay ko at masisira ang lahat sa plano.

"Ahkkk!" Nabitawan ko ang spell nang damputin ako ng Basilisk sa leeg at itinaas sa ere. Nakalambitin ako ngayon sa mga kamay nya at hindi makalaban.

Nasaksihan ng mga mata ko ang unti-unting pagkawala ng force field na ginawa ko. I failed in maintaining it dahil nawala ang konsentrasyon ko.

Sinusubukan kong luwagan ang mga daliri nya mula sa pagkakasakal niya sa leeg ko ngunit masyado siyang malakas.

Sinusubukan ko ang pagpoproject ng black energy para luwagan ang mga daliri niya pero hindi ko magawa ng maayos dahil nauubusan ako ng hininga mula sa pagkakasakal niya.

Habang nanlalaban ako para sa aking hininga, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga mata ng nilalang. Nakatingin ito ng masama saakin habang ang mga labi niya ay nakangiti.

Nakakatakot ang istura niya habang napapalibutan siya ng makakapal na kaliskis. Mahirap din siyang hawakan dahil madulas ang kaliskis niya.

"I can feel your power." Bulong ng Basilisk sa kaliwang tenga ko na siyang kinagulat ko. Hindi ako makapagsalita sa pagkakasakal niya. Ngunit binibigyan ko siya ng masamang tingin, kahit na alam kong wala nang pag-asa pa.

Hinigpitan pa lalo ng Basilisk ang pagkakasakal saakin. Hindi na ako makahinga pa. Nanghihina na ang katawan ko.

Unti-unti nang nandidilim ang mga paningin ko dahil sa pagkaubos ng hangin. Naririnig ko ang bawat tibok na meron ang puso ko sa mga tenga ko. 

Ito na ba 'yun? Ito na ba yung bagay na binalaan ako ni Aquema?

Ito na nga Luna. Dito na matatapos ang lahat. 

Nakakalungkot lang isipin na mamamatay ako ng walang kalaban-laban.

All my parent's and the transcendents before me's effort in protecting the Heart of the Moon went to nothing.

Di ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng makakapal na sanga ng halaman na gumapang sa katawan ng Basilisk at sinakal siya sa leeg.

Pumulupot din ito sa kaniyang kanang kamay na siyang pinangsasakal niya sa akin. Pinilipit siya nito, dahilan para mabitawan niya ako mula sa kaniyang mga kamay at bumagsak sa lupa.

Halos wala akong naririnig sa paligid. Hinahabol ko ang hininga ko hanggang sa manumbalik ang paningin at pandinig ko.

Nang sulyapan ko ang nangyayari. Nakita ko na pilit na nanlalaban ang Basilisk sa maraming sanga ng halaman na ibinalot ni Serenity sa buong katawan niya.

Pinipilit naman na bumangon nila Clark, Phoenix at Ayata habang may oras pang atakihin ang Basilisk.

Bumangon ako agad sa pagkakahiga at dinampot ang libro na hawak ko kanina. Naghanap ako ng combat spell na pwede kong gamitin habang may oras pa.

"Luna! Bilisan mo! Tulungan mo sila Ayata! My Vines cannot hold this creature much longer. I need back-up!"

Nang makahanap ako ng gagamitin kong spell, tumakbo ako agad sa pinaroroonan nila Ayata at inalalayan sila sa pagtayo.

"Palibutan natin siya!" Phoenix suggested.

Pare-parehas naman kaming nag-Nod sa naging idea niya. Dali-dali kaming tumakbo palapit sa direksyon ng Basilisk at pinalibutan ito.

Umungol ng malakas ang Basilisk habang nanlalaban sa mga sanga na ipinalibot ni Serenity.

Dun ko napansin, na hindi lang dalawa, kundi limang mga sanga ang ginamit ni Serenity para  hawakan ang malakas na nilalang ng ganito katagal.

"Ayata! I have an idea!" Sigaw ko kay Ayata na nasa kabilang gilid ng Basilisk.

Agad-agad naman siyang lumingon saakin. "Anong naisip mo?" 

"If you can mimic any substance! I suggest you touch this Basilisk's scales! That way kaya mong tapatan ang durability niya while we fight it!" I replied. 

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Ayata when she realized my idea. Dali-dali niyang hinawakan ang buntot ng Basilisk at kinopya ang tibay ng mga kaliskis nito. She is now covered in full scales! Ang astig niyang tignan!

Agad na naglabas si Clark ng yelo sa mga kamay niya at pinalibutan ang mga paa ng Basilisk. Dahilan para magyelo ang mga ito at hindi makagalaw sa puwesto.

"Hindi niyo ko kayaaaa!! Hindi ang mga katulad niyo lang ang pupuksa sakin!" Pagngawngaw ng Basilisk. 

Kasabay nang pagsigaw niya ay siyang hudyat ng pagkawala niya sa mga sanga ni Serenity. Ngunit hindi siya nagtagumpay sa paggalaw dahil sa matigas na tipak ng yelo na humahawak sa mga paa niya.

Susuntukin na niya sana ang yelo sa mga paa niya para makawala, nang biglang may higanteng apoy na tumama sakanya. Dahilan para madistract siya at matigil sa pinaplano niya. 

Where did that come fr-

I was shocked when I found out that the fireball came out of Phoenix's hands! I did not expect na sa ganitong paraan ko pa malalaman ang powers nila ni Clark. 

Both of them are completely opposite from one another! Clark can blast and manipulate ice, while Phoenix can manipulate the element of fire. Woah! Akala ko talaga sa mga fantasy movies ko lang nakikita ang ganito ka-cool na combat scene. Particularly with elemental manipulators.

Patuloy lang sa pagbato ng bolang apoy ni Phoenix sa Basilisk ng Apoy. Ngunit makikita mo na hindi naaapektuhan ang nilalang at nagkakaroon ng mga paso. 

Patuloy lang siya sa pag-sangga ng mga braso nya sa mga ibinabatong maiinit na bolang apoy sakanya.

"ENOUGGGHHHH" Atungol ng Basilisk ng malakas.

Natigil ang lahat sa lakas ng sigaw niya. Marahil ay nabigla ang lahat, dahil kasabay ng pagsigaw ng Basilisk, ay siyang pagputok ng malakas na hangin kasabay nito.

"You think you can kill me with those blasts?" Nakangiting sabi ng Basilisk habang nakatingin ng masama kay Phoenix.

Nakita ko ang pagkasindak sa mukha ni Phoenix nang kausapin siya at tignan ng Basilisk. Hindi siya makapagsalita sa pagkatakot. Lalo na't parang hindi naaapektuhan ang nilalang sa kahit anong gawin ng grupo namin sakanya.

"Nope." Napalingon ang lahat saakin nang marinig akong sumagot on behalf of Phoenix. Kahit ang Basilisk ay natigil sa mga ngiti niyang nakakaloko nang marinig akong sumagot.

"But it could buy us some time..." 

"For this." 

Ikinumpas ko ang magkabila kong kamay at nakita ang pagliwanag ng mga ito kasabay ng pagbitaw ko sa spell na kinuha ko sa libro kanina. Now's the perfect time to use this!

"Funis extremae vetustatis!" 

Pumalibot sa Basilisk ang lubid na nagliliwanag mula sa spell na binitawan ko. Sinubukan niyang manlaban at pumiglas mula sa pagkakatali ngunit masyadong malakas ang spell na napili ko sa pagbuo nito.

"Just right on time, Luna. Thanks!" Ayata commended. 

Makikita naman sa mukha ng iba kong kasamahan ang relief nang makitang umubra ang lubid na ginamit ko at hindi na nakapiglas pa ang halimaw. 

Ngunit mukhang sumablay ng kaonti ang plano dahil marami sa mga Transcendents ang nagising at lumabas sa kani-kanilang mga kwarto nang mabasag ang shield kanina. 

"E-everyone's awake." Serenity whisphered while staring at the building floors.

"We don't have much time, Ayata! Start interrogating the Fallen!" Phoenix shouted.

Ayata nodded towards Phoenix at agad na lumundag sa mga balikat ng Basilisk. Kaya naman nakasampa na siya ngayon sa mga balikat nito habang hawak-hawak ang ulo nito.

Ano mang sandali na may hindi gawing tama ang Basilisk, ay hindi magdadalawang-isip si Ayata na baliin ang leeg nito.

"Speak up! Ilan pa kayong mga Fallens ang naririto at ano ang pinaplano nyo. Papano kayo nakatitiyak na patay na si Phineloppe at nandidito sa Alkandina ang anak niya?!"  Ayata asked the Basilisk habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa ulo nito. 

Tumawa lang ang Fallen sa tanong ni Ayata. Nakakapagtaka na hindi na ito lumalaban pa at tila natutuwa pa sa nangyayari.

"Answer the damn question!!" Nagulat ako nang biglang maglabas si Clark ng patalim na yari sa yelo mula sa mga kamay niya at itinutok sa leeg ng Fallen. Sa likod ng mga natamong bugbog sa katawan ni Clark, ay makikita mo ang puot sa mga mata niya.

"You think I'm that stupid para ilaglag ang mga ka-uri ko? Ha ha ha! Nagkakamali kayo!" the Basilisk stated.

Nagsimula nang bumuo ng bulong-bulungan mula sa mga Transcendents na nagising mula sa matinding ingay kanina.

Marami sa kanila, maririnig mo ang takot at ang ilan naman ay naaalarma sa nangyayari. 

Samantala, patuloy ang pagkabog ng dibdib ko habang iniinterrogate nila ang nilalang. Nakasisiguro kasi ako na kung sakaling sabihin niya ang nalalaman niya ngayon, ay katapusan na ng sikreto ko lalo na't marami na ang mga Transcendents ang lumabas sa kani-kanilang silid at nasasaksihan ang nangyayari ngayon.

"AHHHHHHHHHH!!!!!!" Sandali akong nawala sa aking malalim na iniisip nang biglang umatungol ng malakas ang Basilisk sa harap ko.

The next thing I know, ay sumisirit ang dugo niya sa harapan naming lima dahil naputulan siya ng paa. Lahat ng Transcendent sa paligid ay nagsimulang magsigawan sa takot at pagkabigla sa pangyayari.

I-I-It was Clark! Hindi siya nagdalawang isip na putulan ng paa ang nilalang gamit ang patalim na hawak niya.

I can't help myself but to look at his face after doing it.

Walang kahit anong emosyon ang meron sa mukha niya habang minamasdan ang dugo na sumisirit sa harapan niya.

I did not expect that his anger can lead him to this state.

"Just answer the question!" Pag-uulit ni Phoenix sa Basilisk, na patuloy lang sa pamimilipit sa sakit.

Bagama't nasasaktan, pinilit ng halimaw na ngumiti saamin. 

"P-Putulin nyo lang ang gusto n-niyong putulin sa katawan ko. Patayin nyo man ako kung kinakailangan. Pero hindi niyo na mababago pa ang nakatakda...."

"Nalalapit na ang araw ng digmaan. Ang araw ng paglabas ng aking angkan mula sa dilim na pinanggalingan ng bawat isa samin.

Dadanak ang dugo. At walang matitira sa inyo. 

Hindi kayo masasalba, kahit ng kristal na ipinagmamalaki nyo!" 

Halos manahimik ang lahat sa makapanindig-balahibong sinabi ng Fallen. Lahat ng sinabi niya ay nagdala ng kaba at takot sa lahat ng nakarinig sa bawat salitang sinambit niya.

Kahit sila Ayata, Serenity, Phoenix at Clark ay natulala sa kanilang mga narinig. No one was prepared to hear it. Ang nakakatakot pa lalo, ay yung confidence ng Basilisk habang sinasabi niya ang pagbabanta sa lahat. Na para bang matagal na nilang pinaghandaan ang pagdating ng araw na ito.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang sandaling ibalik ko ang paningin ko sa Basilisk. Nakatingin ito saakin habang nakangiti. 

"And no one can save everyone of you. Not even your prophesized savior, who is—."

**SWOOSHHH**

To be Continued...

---- A U T H O R' S NOTE ----

Hi guys, I hope you like this recent update of Luna. To continuously support this story, kindly leave a vote for every chapter and share your thoughts through the comment section.

Thanks!! Xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...