South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 34

54.2K 3.5K 3.1K
By JFstories

ISAIAH!


Isang matigas at malamig na boses ang nagpaangat sa mukha ko. Ganoon na lang aking gulat nang makita ang matangkad na lalaki na nakatayo sa may pinto. Si Isaiah! Anong ginagawa niya rito? Bakit wala siya sa school?!


"Anong sinasabi mo kay baby?!" ulit niya sa tanong.


Napatayo ako mula sa kama at agad na nagpunas ng luha. "B-bakit ka nandito? Di ba dapat nasa school ka pa?"


3:00 p.m. pa lang. Bakit ang aga niyang umuwi ngayon? Dapat mamaya pa siya. Dapat gabi pa. At narinig niya ba ang lahat ng mga sinabi ko kanina?


"Nag-half day ako," sabi niya na pormal pa rin ang mukha.


Isinabit niya ang kanyang backpack sa pinto ng cabinet. Ang polo na uniform ay hinubad niya at nilagay sa basket ng marumihan. Humakbang siya palapit sa akin.


"So, ano nga iyong mga sinabi mo kanina kay baby?" Ang boses niya ay bagaman hindi galit, seryoso naman at malamig.


Ngayon niya lang ako kinausap nang ganito. Alam ko naman na, e. Galit talaga siya. Ayaw niya na. Ang sakit lang kasi umabot na kami sa ganito. Gusto kong bumunghalit ng iyak sa harapan niya at sumbatan siya, pero para saan pa?


Para saan pa na awayin ko si Isaiah? Kung aawayin ko ba siya ay magugustuhan niya ba ulit ako? Ayaw niya na nga, e. Nagising na siya na pangit na nga ako, malas pa, at pabigat pa.


Ang magagawa ko lang ngayon ay magpakatatag. Hindi ako puwedeng maging mahina. Saan ako pupulutin kapag umalis ako rito?


Tumingala ako sa kanya. "G-gawin mo ang kung anong gusto mo," sabi ko sa pilit pinapatatag na boses. "H-hindi ako makikialam sa 'yo. G-gawin mo kahit ano..."


Nagsalubong ang makakapal na kilay niya.


"K-kung gusto mong mag-girlfriend sa school mo, okay lang. H-hindi kita pipigilan at hindi ako makikialam. Naiintindihan ko naman kung bakit. P-pero sana... sana kung may balak kang paalisin ako, hintayin mo sana muna na makapanganak ako."


"Anong sinasabi mo?!" napasigaw na siya. Pulang-pula ang kanyang mukha hanggang sa leeg niya.


"B-bakit? Hindi ka na ba makapaghintay na paalisin ako?!" Napasigaw na rin ako sa basag na boses. "Hindi naman kita pakikialaman, ah! 'Wag mo lang sana muna akong paalisin dito! Wala akong ibang mapupuntahan. Wala na akong pamilya, wala na sina Mommy. Wala na rin sina Eli, wala na akong kaibigan..."


Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng aking mga luha. Napaupo ako sa gilid ng kama at napasubsob sa aking mga palad.


"Isaiah, saan ako pupunta kapag pinaalis mo ako? Wala na... Wala na akong mapupuntahang iba..."


Naramdaman ko ang pagluhod niya sa aking harapan habang umiiyak ako.


"Isaiah, k-kahit si baby na lang..." garalgal na usal ko. "K-kahit siya na lang ang isipin mo... K-kahit 'wag na ako... Wala kaming mapupuntahan..."


Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakatakip sa aking mukha at inalis ang mga ito. Nasalo ng nag-uulap kong paningin sa luha ang malamig na mga tingin niya.


"At kailan mo balak umalis kung sakali?" tanong niya.


Napahikbi ako. "H-hindi ko pa alam. W-wala pa akong trabaho. Palaging akong inaantok at palaging nagugutom. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung paano ako kakain kung aalis na ako ngayon dito."


Tumango-tango siya.


"P-pero aalis naman ako," humihikbing pagpapatuloy ko. "S-siguro kapag nakapanganak na ako. Magpapalakas lang ako, 'tapos hahanap na ako ng trabaho. Kapag may trabaho na ako, aalis na agad ako rito..."


"Okay. At least, may plano ka na," malamig na sabi niya.


Nagpunas ako ng luha. Kung ganoon ay talagang gusto niya na akong paalisin. Tama nga ako, gusto niya na akong idispatsa! Talagang ayaw na niya!


Kahit luhaan ang aking mga mata ay nanalim ang mga ito. "Oo, may plano na ako. Pero kung mamadaliin mo pa rin ako, sinasabi ko sa 'yo, hindi ako aalis. Hindi ako aalis kahit ipagtabuyan mo ako."


Tumayo ako at siya naman ang naupo sa gilid ng kama habang nakatingala sa akin.


"Hindi mo ako basta-basta mapapaalis," kahit kandapiyok ay matapang na sabi ko. "Nabuntis mo ako. Baby mo itong nasa tiyan ko. Sa tingin mo ay papayag ang mama at papa mo kapag pinaalis mo ako?"


Humalukipkip siya at naghimas ng baba. "Tingin ko nga hindi."


"Tama ka riyan!" Iwinasiwas ko pa sa ere ang aking kamay. "Hindi talaga sila papayag. Baka ikaw pa ang palayasin nila. Gusto mo ba iyon?"


Umiling siya.


Nagpunas muli ako ng luhaang pisngi saka namewang. "Sa akin sila kakampi. Lalo na si Mama Anya. Lagot ka sa kanya. Kaya hindi mo talaga ako puwedeng agad na paalisin dito, naiintindihan mo?!"


Tumango-tango siya.


"Kaya saka na lang," pumiyok na naman ang boses ko. "S-saka mo na lang ako paalisin, Isaiah..."


Tumayo siya. Napayuko naman ako nang nasa harapan ko na siya. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya na nakakapanghina. Ang sakit ng dibdib ko, ang sakit-sakit. Hindi ko akalaing darating ang araw na aayaw na siya, na magsasawa at mapapagod na siya. Parang hindi ko kaya.


Napahikbi ako. Ang isa, dalawa at tatlong hikbi ay dumami. Para akong batang inapi. Ang simpleng iyak ko ay naging hagulhol.


Dinampot ni Isaiah ang kaliwang pulso ko. Sa aking pagkabigla ay hinila niya ako, at ikinulong sa kanyang matitigas na mga braso. Niyakap niya ako na dahilan kaya lalong sumargo ang mga luha ko. Pumalahaw ako ng iyak sa dibdib niya.


Ang magaan na paghaplos niya sa ulo ko, sa buhok, sa likod, ay pinapakalma ang aking loob. "Tahan na..." masuyo ang boses na sabi niya.


Umiiyak pa rin ako habang yakap-yakap niya. Ayaw ko nang umalis sa loob ng mga braso niya. Baka ito na iyong huling beses na mayakap ko siya, kaya gusto ko pa rito. Miss na miss ko na siya. Miss na miss na namin siya ni baby.


Hinaplos niya ang luhaang pisngi ko at yumuko siya para pagdikitin ang aming mga noo. Ang masuyong boses niya ay tila idinuduyan ako. "Tahan na, boo..."


"Isaiah..." hikbi ko. "Hindi ko kayang tumahan... Ayaw tumigil ng luha ko..."


Hinayaan niya ako na umiyak pa nang kaunti, pero nang nagbabara na ang ilong ko ay pinatahan niya na ulit ako. "Tahan na, boo. Sinisipon ka na..."


Inalalayan niya akong maupo sa gilid ng kama. Itinaas niya ang laylayan ng suot niyang t-shirt at iyon ang ginamit pamunas sa luhaan kong pisngi. 


Inayos niya rin ang buhok ko na nakatabing sa gilid ng aking mukha. Inipit niya sa gilid ng aking magkabilang tainga. "Okay ka na? Tahan na. Mag-usap na tayo, ha?"


Suminghot ako. "A-ano naman ang pag-uusapan?"


"Saan mo napulot ang mga sinabi mo kanina? Saan mo napulot iyong paaalisin kita? Sa tingin mo ba gagawin ko talaga iyon sa 'yo? Sa inyo ni baby? Kung lalayas ka, lumayas ka pero dapat kasama mo ako."


Inalis ko ang bara sa aking lalamunan bago muling nagsalita, "B-bakit ka naman sasama?"


Ang maamong mukha niya ay napasimangot. "At bakit ayaw mo akong isama?!"


"P-pero ayaw mo na sa akin, 'di ba? Ang pangit ko na, ang losyang na, dry na ang balat. 'Tapos na-realize mo nang boba ako, pabigat sa 'yo—"


Hindi ko na natapos ang sinasabi nang lumapat ang mainit at malambot na mga labi ni Isaiah sa mga labi ko. Namilog ang aking mga mata at pagkuwa'y napapikit. Nang maghiwalay kami ay kapwa habol namin ang aming paghinga.


Napapikit ako nang muli akong halikan ni Isaiah nang magaan sa labi. "Vi, sino ang may sabi sa 'yong pangit ka? Sabihin mo sa akin, babalatan ko iyon ng buhay saka pagugulungin sa asin."


Nagtataka na nangunot ang noo ko. "P-pero ayaw mo na sa akin. Hindi ka na nga makatagal na kasama ako. Kaya ka nga palaging late na umuuwi. 'Tapos di na tayo nakakapag-usap kasi natutulog ka na agad. Sa umaga naman ay nagmamadali ka na agad umalis."


Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha. "Iyon ba? Dahil ba roon?" Mahina siyang napamura. "Sorry, boo. Hindi ko alam na mag-iisip ka nang ganyan. Sorry dahil sa pagod ko sa araw-araw ay pakiramdam mo'y pinabayaan na kita."


"Kahit tuwing weekend, Isaiah, umaalis ka rin. Kulang na lang ay 'wag ka nang umuwi rito. At hindi ka na rin nagti-text tuwing breaktime mo," ang mga kinikimkim ko ay isa-isa kong nailabas.


"Sorry kung hindi ko sinasabi sa 'yo. Ayaw ko lang naman kasi mag-alala ka. Kilala kasi kita, alam ko na mag-aalala ka at baka pagbawalan mo ako."


"Bakit? Ano bang ginagawa mo?"


"Bukod sa pagkanta sa resto bar, pumapasok ako sa school na student assistant sa umaga at hapon. At sorry kung hindi na ako nakaka-text, dahil iniisip ko rin na baka tulog ka. Saka parang wala na rin kasi akong breaktime. Suma-sideline na rin kasi ako sa mall na tagapamigay ng flyers tuwing tanghali. Maliliit lang ang sahod ko sa lahat, pero okay na rin pandagdan ipon."


Tumayo siya at may kinuha sa bag niya. Pagbalik niya ay dala niya ang wallet niya saka ang isang maliit na box na may tatak na Unisilver. Inabot niya iyon sa akin.


"A-ano ito?" Pagbukas ko ng box ay nag-ulap ang aking mga mata sa singsing na naroon. Dalawang singsing na magkapareha.


Napakamot si Isaiah ng ulo niya. "Sa anniversary pa sana natin ko iyan ibibigay sa 'yo. Sorry kung iyan lang ang nakayanan ko. Pero sa ngayon lang naman iyan. Kapag may trabaho na ako, bibili ako ng mas mahal diyan."


Gilalas na gilalas ako. "A-anniversary? Dahil dito kaya ka palaging pagod at late nang umuwi? Ito ang pinag-ipunan mo nitong mga nakaraan?"


"Hindi lang iyan." Naglabas siya sa wallet niya ng limang libo at ibinigay sa akin. "Para din dito. Alam ko na medyo matagal pa bago puwedeng i-4D ultrasound si baby, pero mahal daw kasi iyon. Ayaw ko namang pati iyon ay ihingi kina Mama kaya pinag-ipunan ko na lang."


Napahikbi muli ako. "Isaiah..."


Ngumiti siya. "Kapag daw kasi 4D ultrasound ay makikita na ang mukha mismo ni baby. Na-e-excite lang ako na makita na siya. Saka, souvenir na rin natin iyon sa kanya. Picture niya iyon sa loob ng tiyan mo—"


Tumulo na ang luha ko. Napahinto naman siya sa pagsasalita nang makitang umiiyak na naman ako.


"Wala kang ibang babae?" sumisigok na tanong ko.


"Ha?" Napanganga siya. "Babae?!" talsikan ang laway niya. "Sino naman ang magiging babae ko maliban sa 'yo?!"


Napasibi ako habang lumuluha. "Sa school niyo. Wala ka ba roong nagugustuhan? Wala ka ba roong girlfriend? Iyong mas maganda? Iyong matalino? Saka iyong may picture kayo? Wala ba talaga?"


"Teka nga!" tila nakukunsumi na awat niya sa akin. "Iniisip mo na may babae ako? Kaya ako late at pagod lagi kapag umuuwi? At kaya ka nagpaplano na mag-alsa balutan pag nakapanganak ka na ay dahil doon?!"


Humihikbi akong tumango. "Oo. Kasi baka may babae ka na. Halimbawa lang naman, baka meron ka ng iba. Mas maganda, matalino... tapos ano, may picture kayo..."


"At ano naman ang pangalan ng babaeng iyan? Aera Mae Chua ba?! Nakita mo iyong message niya sa akin sa messenger?!"


Napatakip ako sa aking bibig. "Ha? Anong picture? Wala akong nakita... Halimbawa lang naman iyong sinasabi ko. Baka lang meron kang girlfriend na ganoon... tapos baka rin may picture nga kayo na magkatabi sa room niyo..."


"Shet." Napayuko siya at sinabunutan ang sariling buhok. "Ipa-Tulfo mo na lang ako."


Napamulagat naman ako sa reaksyon niya. "Kung ganoon may babae ka nga?! Siya nga si Aera Mae Chua na kaklase mo?!"


"Hindi!" Nag-angat siya ng mukha. "Hindi ko girlfriend iyon. At bakit naman ako magi-girlfriend e may asawa na ako?!"


"Ha?" Parang biglang naglaho ang galit ko sa kanyang sinabi. Tapos parang kinilig din ako nang kaunti.


"May asawa na ako at magkakaanak na. Bakit ako maghahanap pa ng iba. Gago ba ako?!"


"Pero bakit may picture kayo? Bakit ang dikit-dikit niyo sa isa't isa? Tapos may message pa siya sa 'yo."


"Sorry tungkol diyan. Pero maniwala ka, siya lang ang dumidikit sa akin. Iniiwasan ko siya. Nagugulat na lang ako kapag naiidlip ako sa upuan, paggising ko ay katabi ko na. Pero maniwala ka, umaalis agad ako. Inaalok ako niyon na maging boy best friend daw niya, pero straight ko na sinabi na hindi ako interesado."


Nagpunas ako ng luha habang nakikinig.


"Saka lahat sa school ay sinasabi ko na may asawa na ako. Na maganda ang asawa ko saka mahal na mahal ko. Sabi ko pati, malapit na akong maging daddy."


"K-kung ganoon, hindi ka napapangitan sa akin?"


Napasimangot na naman siya. "Hindi. Saan mo ba napupulot iyan? Saka bakit sinasabi mong pangit ka? Tumaba ka lang kaunti dahil nga may baby na tayo. Saka hindi ka na lang nakakapag-ayos masyado kasi bawal sa baby ang mga cosmetics. Pero kahit na, ikaw pa rin ang pinakamaganda."


"T-talaga?"


"Oo. Wala nang mas gaganda pa sa 'yo. Peksman, cross my heart, hope to die! Mapigtas man ang itlog ko, nagsasabi ako ng totoo!"


Napapangiti na ako pero gusto ko pa ring maniguro. "E bakit pala nag-logged out ka ng account mo?"


Nagkamo siya ng pisngi. "Balak ko na sana kasing mag-deactivate ng account. Gusto ko sana na isa na lang account natin. Hindi naman na ako nag-o-open e. Nag-o-online lang naman ako dati para i-stalk ka."


Napaiwas siya sa akin ng tingin na tila nahihiya. Namumula rin ang kanyang mukha.


"Ngayon na magkasama na tayo ay naisip ko na hindi na kailangan pa iyon. Pero kung gusto mo na i-open account ko, pangalan mo lang naman ang password, saka araw at oras ng anniversary natin. Capitalized mga unang letters. VivianeChanel11."


"Bakit hindi mo na ako hinahalikan?"


"Ha?" Napabalik siya ng tingin sa akin.


Lumabi ako. "Ang sabi, hindi mo na ako hinahalikan..."


"Ah, tinitigasan kasi ako."


Ako naman ang napanganga sa kanya. "A-ano?!"


Napakamot siya ng leeg. "Kapag hinahalikan kita, syempre tayong dalawa lang dito sa kuwarto. Nag-iiba iyong pakiramdam ko. Baka hindi ako makapagpigil, kaya naiwas na lang ako."


Iyon ang dahilan kaya hindi niya na ako hinahalikan? "Bakit kailangan mong magpigil?" tanong ko.


"Baka isipin mo kasi na iyon lang ang gusto ko. Saka nahihiya ako sa 'yo dahil magkaka-baby na tayo—"


Ako naman ang hindi nagpatapos sa pagsasalita niya, hinalikan ko siya sa labi. "Isaiah, sorry hindi ko alam na nahihirapan ka."


"Okay lang naman ako. Nadadala naman sa ligo—"


Hinalikan ko ulit siya. "Sabi mo 'di ba na mag-asawa na tayo at magkaka-baby na? Sa tingin ko, ayos lang naman... dahil mahal mo naman ako, di ba? Isaiah, mahal din kita..."


Tumayo siya at ang akala ko ay dahil ayaw niya, pero pumunta lang siya sa may pinto. Ini-lock niya ang doorknob saka siya naghubad ng suot na t-shirt at medyas. Nang balikan niya ako sa kama ay ngiting-ngiti siya. "Sige na nga, dahil mapilit ka."


Napangiti na rin ako at agad na iniyapos ang aking mga braso sa leeg niya. Sinalubong naman agad niya ng mainit na halik ang mga labi ko. 


Napaungol ako nang nag-iba ang tema ng halik ni Isaiah, mas lumalim at uminit. Naramdaman ko roon na totoo ang lahat ng mga sinabi niya. Hindi totoo na ayaw niya na sa akin. Ang puso ko ay tila nagamot ang lahat ng sugat. 


Tinugon ko nang mas marubdob ang mga halik niya sa akin. Maliwanag dahil mataas pa ang sikat ng araw, pero balewala iyon sa amin. Miss na miss namin ang isa't isa.


Kahit ako mismo ay sabik na sabik kay Isaiah. Tinulungan ko siyang kalasin ang kanyang sinturon habang hinahalikan ko siya sa leeg niya.


Sobrang na-miss ko siya, ang amoy ng cologne niya, ang natural na amoy na presko, at ang init ng balat makinis na balat niya.


"Vi, 'wag sa leeg. Makikita ni Mama," saway niya sa akin sa hirap na boses.


Sumunod naman ako. Bumaba ang mga labi ko sa matigas na dibdib niya. Sunod-sunod ang pinakawalan niyang mura sa paraang paungol.


Hinubaran niya na ako hanggang sa wala nang matira sa akin. Kitang-kita niya ang aking kabuuhan. Nahihiya ako dahil marami nang nagbago sa akin. Partikular sa aking dibdib na lumaki at namilog. Pati ang mga dulo niyon ay nag-iba na ang kulay at sukat.


Napayakap ako sa sarili. "Isaiah, nahihiya ako. Ang pangit na ng dibdib ko..."


"'Wag." Inalis niya ang mga braso ko na nakatakip sa aking dibdib. "Walang pangit sa 'yo. Mas lalo ka ngang gumanda sa paningin ko." Hinalikan niya ako sa noo. "Para sa akin, mas lalo kang maganda ngayon, boo..."


Kahit nahihiya ay hindi ko na tinakpan ang aking katawan. Ang sabi ni Isaiah ay maganda pa rin ako, kahit pa nagkalaman, bumilog ang dibdib, lumaki ang balakang at bahagya nang malaki ang aking tiyan. Naniniwala ako sa kanya.


Naniniwala ako sa paghanga at pagmamahal na nakikita ko ngayon sa mga mata ni Isaiah. Naniniwala rin ako sa masuyong mga haplos niya at halik niya.


"Vi, ang ganda-ganda mo..." usal niya habang sinasamba ng mga labi niya ang katawan ko.

 

Lumuhod siya sa pagitan ng aking mga hita. Ayaw niya akong daganan dahil baka raw maipit si baby. Hinawakan niya ako sa maselang parte ng aking katawan. Ang mahahabang daliri niya ay gumawa ng kakaibang init doon.


Ipinalit niya sa mga daliri ang pagkalalaki niya. Sa maliwanag ay nakita ko ang kahabaan niyon at pagiging handa. Ang dulo niyon ay parang basa. Ikiniskis niya iyon sa akin bago niya marahang ipinasok sa loob ko.


Inangkin niya ako habang ang mga mata niya ay puno ng init na nakatunghay sa akin. Hawak niya ang bewang ko habang nakamasid sa bawat reaksyon ko, sa reaksyon ng katawan ko at sa magkahugpong na parte ng mga katawan namin.


"Isaiah..." ungol ko. Buong-buo ko siyang nararamdaman, hindi siya nagbabago ng galaw, maingat, marahan na parang dinadamang mabuti ang kaloob-looban ko.


Lalong tumitindi ang nararamdaman ko sa pagdaan ng bawat minuto. Napakapit na ako sa sapin ng kama dahil hindi ko naman maabot si Isaiah. Ilang beses na akong napaliyad dahil sa nakakatupok na sensasyon na hatid ng ginagawa niya.


"Ahhh... Ah..." Sumubok umabot ang kamay ko sa kanya. "Isaiah..." Para akong mababaliw sa pag-alsa ng init sa kaibuturan ko. Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim.


Inabot niya ang kamay ko gamit ang kanyang bibig. Nang maramdaman ang dila niya sa aking mga daliri ay parang mas nagliyab ang pakiramdam ko.


"Isaiah... ah..." ungol ko. "Bilisan mo na, gusto ko na ng mabilis..."


Binilisan niya pero alalay pa rin, ayaw niya talaga na sobrang bilis, kahit pa nakikita ko sa mga mata niya na iyon ang gusto niyang gawin kanina pa. Nang bilisan niya pa nang kaunti ang paggalaw ay naramdaman kong parang may lalabas na sa akin.


Bumibilis na siya at kagat ang labi sa pagpipigil. Nakatingin siya sa taas-babang dibdib ko. Hindi niya na natiis na hindi umabot ng isa at ikinulong sa isang palad niya.


Maririnig sa paligid ang tunog na likha ng paglabas-masok niya sa akin. Kagat niya na ang ibabang labi at makailang ulit na umigting ang kanyang panga sa bawat pag-ulos. Ang kanya sa loob ko ay mas lumalaki sa bawat paglipas ng minuto, tila anumang oras ay may lalabas na mula rito.


Wala kaming ginamit na proteksyon dahil buntis naman na ako. Damang-dama ko ang pagkiskis ng balat ng kanya sa loob ko, ang init at ang kinis.


"Vi, mas masarap ngayon..." humihingal na sambit niya habang namumungay ang mga mata. 


Napasinghap ako nang hugutin niya ang pagkalalaki para lang ipasok ulit. Binilisan niya sa paraang maingat pa rin. Nang parang tumitibok na ang dulo niyon ay napaliyad ako. Isang ulos pa ay napaungol siya. Napuno ako ng mainit, malapot at madaming likido. Tumulo iyon hanggang sa mga hita ko.


Hindi pa rin umalis si Isaiah. Hinugot niya lang at saka pinunasan ako ng kumot at saka muli niya akong inangkin. Matigas pa rin ang kanya nang pumasok sa akin.


Gabi na kami natapos dahil ang ilang buwan na pagpipigil ni Isaiah ay binawi niya. Humihingal na niyakap niya ako at hinalikan sa noo.


"Vi, mahal na mahal kita..."



HINDI NAMAN NAMIN GINAGABI-GABI. Mga tatlong beses lang sa isang linggo. Pero minsan ay dumadalawa o tatlo sa isang araw, lalo na kapag walang pasok si Isaiah sa school o wala siyang trabaho.


Ganoon pa rin, maingat pa rin siya. Habang lumalaki ang tiyan ko ay mas nagiging maingat siya. Nagre-research siya sa internet ng mga dapat gawin, posisyon at mga dapat na iwasan.


Sa ika-walong buwan ng tiyan ko ay siya na mismo ang nagsabi na hindi na muna. Nakuntento na lang siya sa halik at yakap. Minsan sa kalagitnaan ng gabi ay inililigo na lang niya. 


At dahil nga sa malaki na ang aking tiyan ay nagsisimula na akong manasin. Tuwing umaga ay sinasamahan ako ni Isaiah na maglakad-lakad bago siya pumasok sa school. Sa gabi naman ay kahit pago at inaantok siya, hindi niya ako nakakalimutang masahiin sa paa.


Dahil hirap na rin akong magbaba-taas ng hagdan ay ibinili ako ni Isaiah ng arenola. Kapag naiihi ako sa gabi ay hindi ko na kinakailangan pang bumaba sa banyo nila sa kusina. 


KATULAD NGAYON. Alas tres ng madaling araw nang makaramdam ako ng pagkaihi. Pero bago pa ako makapunta sa arenola ay naihi na ako sa pajama. Nakapagtataka lang dahil napakarami ng ihi na nailabas ko. Kulay puti ang tubig.


Biglang humilab ang tiyan ko. Napatingin ako kay Isaiah na nakadapa sa kama. Katutulog lang niya dahil kararating lang mula sa sideline niya na vocalista sa resto bar nina Zandra.


Dahil Sabado ay may mga ginawa pa siyang iba ngayong araw. Noong umaga ay tumulong siya sa pagpipintura ng bahay ng isa niyang tito sa may Sta. Clara at noong tanghali hanggang hapon naman ay sa talyer. Kinagabihan ay umuwi lang siya para kumain at maligo at pagkuwa'y dumeretso na agad sa resto bar sa Pinagtipunan.


Humilab ulit ang aking tiyan. Sa pagkakataong ito ay may kasamang kirot. Hindi ko na kinailangang gisingin si Isaiah dahil kusa na siyang naalimpungatan nang maramdaman na wala ako sa tabi niya. "Boo?" Nagkusot siya ng mata.


"Isaiah..." nanghihinang sambit ko. "Ang daming tubig..."


Kahit antok pa ang diwa ay napabalikwas siya ng bangon. "Ha?" Pagtingin niya sa sahig na basa ng tubig ay tila biglang nilipad ang kanyang antok sa bintana. "Shet, ano 'yan?!"


Patakbo siyang lumapit sa akin. Sa pagmamadali ay napatapak siya sa basa at muntik pang madulas.


Hindi siya magkandaugaga. "Masakit ba ang tiyan mo? Anong nararamdaman mo? Masakit ba? Ano, alin ang masakit? Paa mo? Ay, tiyan mo?"


Nang humilab ulit ay napakapit ako sa pader. Lalo namang nag-panic si Isaiah.


"Sandali, boo! Sandali!" Napatakbo siya sa labas ng pinto at nagsisisigaw. "Ma! Pa! Manganganak na si Vivi!"


Pagbalik niya sa akin ay hindi niya malaman kung paano ako hahawakan; kung ano ang gagawin niya. Pawisan na ang noo siya at makikita sa kanya ang takot, kaba, at pagkabalisa. Kinarga niya ako at muling ibinaba, tapos kinarga ulit at ibinaba ulit.


Humahangos naman na dumating si Mama Anya. Nakapajama pa ito at gulo-gulo pa ang buhok na halatang nagising sa pagtulog. "Manganganak ka na, Vivi?!"


Hindi ko na siya masagot dahil humilab na naman. Napangiwi na lang ako.


Si Papa Gideon ay bumaba para maghanap ng tricycle. Nagising na rin ang kabilang bahay. Nagkagulo-gulo na sa compound. Si Tito Kiel ay sumunod kay Papa Gideon habang si Tita Roda ay pumunta rito na nakapantulog pa.


"Punyeta, Isaiah! Ano pang tinatanga-tanga mo?" sigaw ni Mama Anya sa kanya. "Buhatin mo na si Vivi, dalian mo!"


Parang kaya ko pa naman pero pinangungunahan ako ng takot at kaba. Nagpa-panic na kinarga naman ako ni Isaiah. Nakaalalay sina Mama Anya at Tita Roda sa amin sa hagdan pababa ng sala.


Pagkasakay sa tricycle ay si Mama Anya ang kasama ko sa loob. Si Isaiah ay sa likod ng driver. Sina Papa Gideon at Tito Kiel ay nag-motor pasunod sa amin. Ang naiwan lang sa compound ay Tita Roda. Magluluto raw ito ng lugaw at isusunod sa amin mamaya sa ospital.


Sa biyahe ay mas nag-aalala ako kay Isaiah na nasa likod ng tricycle kaysa sa aking sarili. Para na kasi siyang maiiyak kanina na hindi maunawaan.


Pagkarating sa ospital ay may dugo na ako sa hita. Sumisigaw naman si Mama Anya para bigyan kami ng wheelchair. Si Isaiah naman ay putlang-putla nang makita ang dugo ko. Tigagal siya at hindi na makausap nang matino. 


Kakaupo ko pa lang sa wheelchair papunta sa delivery room nang magkagulo sa lobby. Kaya pala. Hinimatay pala si Isaiah. Nauna pang nawalan ng malay-tao sa akin ang asawa ko!

 

JF

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 538 19
Teaser: An Ex's Confession I was nineteen and he was twenty when Hajime and I fell in love with each other. We promised to be together forever. We...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
797K 34.9K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
15M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...